Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Post on 11-May-2015

1.768 views 19 download

Transcript of Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

PAG-UNAWA SA TAMANG PAGPAPALAKI AT

PAG-UNLAD NG BATA

IBA’T-IBANG URI NG PAGPAPALAKI NG ANAK

Masunurin at Lubos na Mapagbigay na Magulang-sunod lahat ng gusto at luho ng mga anak

Awtokratiko/Mapagparusa na Magulang-mahigpit at strikto, dapat sundin ng mga anak ang lahat ng salita ng magulang

Demokratikong Magulang-may bukas na ugnayan at usapan sa pagitan ng magulang at anak, napag-uusapan ng mabuti ang mga problema

Mapagpabaya na Magulang-hindi iniintindi ang mga anak, walang pakialam

MGA DAPAT TANDAANBawat bata ay magkakaiba ng katangian kung kayat walang isang istilo ng pagpapalaki ang tutugma sa lahat ng bata. Mahalaga na maunawaan ng mga magulang ang dinadaanang yugto ng bata sa kanyang pag-unlad at kung anong uri ng relasyon ang namamagitan sa pagitan ninyong dalawa.Ang kaalamang ito ay makakatulong para tukuyin kung ano ang angkop o tugmang pamamaraan na maaaring gamitin sa pagpapalaki ng mga bata.

Ang palagian na komunikasyon at maayos na ugnayan ng anak at magulang ay makakatulong upang malagpasan nila ang mga hamon sa pagpapalaki ng anak.Ang tamang pagpapalaki ng bata ay naayon sa pangangailangan ng bawat anak. Maaaring pagsama-samahin ang tatlong kaparaanan (Masunurin, Awtokratiko, Demokratiko) upang maging balanse ang pag-unlad ng mga anak.

ANG BATA AT ANG KANYANG PAG-

UNLAD

MGA BATAYANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD NG BATA

Paglaki ng bata (child growth)Pag-unlad ng bata (child development)

TATLONG YUGTO NG PAG-UNLAD NG BATA

Early childhood- (0-6 taon) Sa yugto na ito ay nangangailangan ang bata ng proteksyon ng magulang laban sa panganib, sapat na nutrisyon, sapat na atensyong pangkalusugan at nakatatandang kung kanino siya bubuo ng malapit na relasyon at gagawing ehemplo. Middle childhood- (7-12 taon)Adolescence- (13-18 taon)

LIMANG ASPETO NG PAG-UNLAD NG BATA

Pisikal na aspeto- Pagtangkad, Paglaki at Pagbabago sa Pangangatawan Sosyal na aspeto- pakikisalamuha at pakikibagay sa kapwa tao o kalaro Intelektwal na aspeto- pag-unlad sa kaisipan, pag-aaral at talino

Emosyonal na aspeto – pag-unlad ng damdamin sa sarili at sa ibaMoral at ispiritwal na aspeto- pag-unlad sa paniniwalang pangrelihiyon at tamang gawa sa lipunan

MGA ELEMENTONG NAKAKAAPEKTO SA PAG-

UNLAD NG BATA (FACTORS)

Likas na katangian ng bata- Sariling kaugalian mula pagkapanganakKatangian at uri ng pagpapalaki ng magulang- Kung paano naggabayan at pinalaki ng kanyang mga magulangKatangian ng kapaligiran ng bata- Kung saan lumaki at anong kapaligiran ang kinamulatan

Emosyonal na aspeto – pag-unlad ng damdamin sa sarili at sa ibaMoral at ispiritwal na aspeto- pag-unlad sa paniniwalang pangrelihiyon at tamang gawa sa lipunan

MGA DAPAT TANDAAN

Ang bawat bata ay magkakaiba; ang uri ng pag-unlad ay hindi magkakapareho dahil sa iba’t-ibang elemento tulad ng likas na komposisyon ng bata at ang uri ng pag-aaruga na natatanggap nya mula sa kanyang mga magulang at iba pang elemento sa kanyang kapaligiran.Ang limang aspeto ng pag-unlad ay magkakaugnay. Ang hindi pagtugon sa anumang aspeto ay makakaapekto sa kabuuang pag-unlad ng bata.

Habang lumalaki at umuunlad ang bata, nag-iiba rin ang kanyang katangian at mga kayang gawin. Mahalaga na matugunan ng mga magulang ang pangangailangan ng mga anak sa bawat aspeto ng pag-unlad nang sa gayon ay makamit ng anak ang maayos na pag-unlad.

Sesyon 2: MGA GAWAING

MAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BATA

MGA MALIKHAING GAWAIN NA NAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BATA

Kanta at tula- simula pagkabata (sanggol) ay nararanasan na nating kantahan ng ating mga magulang. Sa saliw ng awitin ni nanay o tatay ay mamamasdan na ang bata ay nasisiyahanLaruan- mahalagang pumili ng mga laruan kung saan may maaaring matutununan ang ating mga anak. Hanggat maaari ay iwasan ang mga laruang nglalarawan ng karahasan tulad ng mga baril-barilan

Palaro- mga larong pambata tulad ng patintero, sipa, tumbang preso, basagan palayok at marami pang iba. Dito ay natututo ang ating mga anak sa tamang pakikipaglaro at pakikisama sa ibang taoPagkukuwento - mga kwentong pambata tulad ng alamat, mga hango sa banal na kasulatan at pabula.

PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN NA MAARING MAKATULONG SA

PAG-UNLAD NG BATAPagluluto- pagtulong sa kusina at pagiging responsable sa loob ng bahayPagdadasal- ito ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad. Ang pagdadasal bago kumain at tuwing araw ng pagsamba ay magandang halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak

Paliligo- ito ay nagtuturo na ang kalinisan ay kalusugan. Kapag ang tao ay malinis napapanatili ang kalusugan ng katawan. Pagtutupi ng damit- ay nakakatulong upang lumaking organisado ang isang bataPagsasalu-salo sa pagkain- ang pagsasalo-salo sa pagkain ay nagpapaalala sa bata ng kahalagahan ng isang buo at masayang pamilya

MGA DAPAT TANDAAN

Ang pagkatuto ng bata ng mga batayang kasanayan at konsepto ay hindi nagsisimula sa pagpasok sa paaralan, ito ay natutunan mula sa karanasan na nakukuha mula sa mga simple at pang-araw-araw na gawain na nakikita o ginagawa sa tahanan.Ang simpleng pagtulong ng mga bata sa mga gawaing bahay ay malaking bahagi ng kanyang pag-unlad kung ang mga bagay na kanyang gagawin ay ipapaliwanag ng mabuti sa kanya.

Paliligo- ito ay nagtuturo na ang kalinisan ay kalusugan. Kapag ang tao ay malinis napapanatili ang kalusugan ng katawan. Pagtutupi ng damit- ay nakakatulong upang lumaking organisado ang isang bataPagsasalu-salo sa pagkain- ang pagsasalo-salo sa pagkain ay nagpapaalala sa bata ng kahalagahan ng isang buo at masayang pamilya