Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

21
PAG-UNAWA SA TAMANG PAGPAPALAKI AT PAG-UNLAD NG BATA

Transcript of Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Page 1: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

PAG-UNAWA SA TAMANG PAGPAPALAKI AT

PAG-UNLAD NG BATA

Page 2: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

IBA’T-IBANG URI NG PAGPAPALAKI NG ANAK

Masunurin at Lubos na Mapagbigay na Magulang-sunod lahat ng gusto at luho ng mga anak

Awtokratiko/Mapagparusa na Magulang-mahigpit at strikto, dapat sundin ng mga anak ang lahat ng salita ng magulang

Page 3: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Demokratikong Magulang-may bukas na ugnayan at usapan sa pagitan ng magulang at anak, napag-uusapan ng mabuti ang mga problema

Mapagpabaya na Magulang-hindi iniintindi ang mga anak, walang pakialam

Page 4: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA DAPAT TANDAANBawat bata ay magkakaiba ng katangian kung kayat walang isang istilo ng pagpapalaki ang tutugma sa lahat ng bata. Mahalaga na maunawaan ng mga magulang ang dinadaanang yugto ng bata sa kanyang pag-unlad at kung anong uri ng relasyon ang namamagitan sa pagitan ninyong dalawa.Ang kaalamang ito ay makakatulong para tukuyin kung ano ang angkop o tugmang pamamaraan na maaaring gamitin sa pagpapalaki ng mga bata.

Page 5: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Ang palagian na komunikasyon at maayos na ugnayan ng anak at magulang ay makakatulong upang malagpasan nila ang mga hamon sa pagpapalaki ng anak.Ang tamang pagpapalaki ng bata ay naayon sa pangangailangan ng bawat anak. Maaaring pagsama-samahin ang tatlong kaparaanan (Masunurin, Awtokratiko, Demokratiko) upang maging balanse ang pag-unlad ng mga anak.

Page 6: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

ANG BATA AT ANG KANYANG PAG-

UNLAD

Page 7: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA BATAYANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD NG BATA

Paglaki ng bata (child growth)Pag-unlad ng bata (child development)

Page 8: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

TATLONG YUGTO NG PAG-UNLAD NG BATA

Early childhood- (0-6 taon) Sa yugto na ito ay nangangailangan ang bata ng proteksyon ng magulang laban sa panganib, sapat na nutrisyon, sapat na atensyong pangkalusugan at nakatatandang kung kanino siya bubuo ng malapit na relasyon at gagawing ehemplo. Middle childhood- (7-12 taon)Adolescence- (13-18 taon)

Page 9: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

LIMANG ASPETO NG PAG-UNLAD NG BATA

Pisikal na aspeto- Pagtangkad, Paglaki at Pagbabago sa Pangangatawan Sosyal na aspeto- pakikisalamuha at pakikibagay sa kapwa tao o kalaro Intelektwal na aspeto- pag-unlad sa kaisipan, pag-aaral at talino

Page 10: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Emosyonal na aspeto – pag-unlad ng damdamin sa sarili at sa ibaMoral at ispiritwal na aspeto- pag-unlad sa paniniwalang pangrelihiyon at tamang gawa sa lipunan

Page 11: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA ELEMENTONG NAKAKAAPEKTO SA PAG-

UNLAD NG BATA (FACTORS)

Likas na katangian ng bata- Sariling kaugalian mula pagkapanganakKatangian at uri ng pagpapalaki ng magulang- Kung paano naggabayan at pinalaki ng kanyang mga magulangKatangian ng kapaligiran ng bata- Kung saan lumaki at anong kapaligiran ang kinamulatan

Page 12: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Emosyonal na aspeto – pag-unlad ng damdamin sa sarili at sa ibaMoral at ispiritwal na aspeto- pag-unlad sa paniniwalang pangrelihiyon at tamang gawa sa lipunan

Page 13: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA DAPAT TANDAAN

Ang bawat bata ay magkakaiba; ang uri ng pag-unlad ay hindi magkakapareho dahil sa iba’t-ibang elemento tulad ng likas na komposisyon ng bata at ang uri ng pag-aaruga na natatanggap nya mula sa kanyang mga magulang at iba pang elemento sa kanyang kapaligiran.Ang limang aspeto ng pag-unlad ay magkakaugnay. Ang hindi pagtugon sa anumang aspeto ay makakaapekto sa kabuuang pag-unlad ng bata.

Page 14: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Habang lumalaki at umuunlad ang bata, nag-iiba rin ang kanyang katangian at mga kayang gawin. Mahalaga na matugunan ng mga magulang ang pangangailangan ng mga anak sa bawat aspeto ng pag-unlad nang sa gayon ay makamit ng anak ang maayos na pag-unlad.

Page 15: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Sesyon 2: MGA GAWAING

MAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BATA

Page 16: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA MALIKHAING GAWAIN NA NAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BATA

Kanta at tula- simula pagkabata (sanggol) ay nararanasan na nating kantahan ng ating mga magulang. Sa saliw ng awitin ni nanay o tatay ay mamamasdan na ang bata ay nasisiyahanLaruan- mahalagang pumili ng mga laruan kung saan may maaaring matutununan ang ating mga anak. Hanggat maaari ay iwasan ang mga laruang nglalarawan ng karahasan tulad ng mga baril-barilan

Page 17: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Palaro- mga larong pambata tulad ng patintero, sipa, tumbang preso, basagan palayok at marami pang iba. Dito ay natututo ang ating mga anak sa tamang pakikipaglaro at pakikisama sa ibang taoPagkukuwento - mga kwentong pambata tulad ng alamat, mga hango sa banal na kasulatan at pabula.

Page 18: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN NA MAARING MAKATULONG SA

PAG-UNLAD NG BATAPagluluto- pagtulong sa kusina at pagiging responsable sa loob ng bahayPagdadasal- ito ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad. Ang pagdadasal bago kumain at tuwing araw ng pagsamba ay magandang halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak

Page 19: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Paliligo- ito ay nagtuturo na ang kalinisan ay kalusugan. Kapag ang tao ay malinis napapanatili ang kalusugan ng katawan. Pagtutupi ng damit- ay nakakatulong upang lumaking organisado ang isang bataPagsasalu-salo sa pagkain- ang pagsasalo-salo sa pagkain ay nagpapaalala sa bata ng kahalagahan ng isang buo at masayang pamilya

Page 20: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

MGA DAPAT TANDAAN

Ang pagkatuto ng bata ng mga batayang kasanayan at konsepto ay hindi nagsisimula sa pagpasok sa paaralan, ito ay natutunan mula sa karanasan na nakukuha mula sa mga simple at pang-araw-araw na gawain na nakikita o ginagawa sa tahanan.Ang simpleng pagtulong ng mga bata sa mga gawaing bahay ay malaking bahagi ng kanyang pag-unlad kung ang mga bagay na kanyang gagawin ay ipapaliwanag ng mabuti sa kanya.

Page 21: Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at

Paliligo- ito ay nagtuturo na ang kalinisan ay kalusugan. Kapag ang tao ay malinis napapanatili ang kalusugan ng katawan. Pagtutupi ng damit- ay nakakatulong upang lumaking organisado ang isang bataPagsasalu-salo sa pagkain- ang pagsasalo-salo sa pagkain ay nagpapaalala sa bata ng kahalagahan ng isang buo at masayang pamilya