Kahulungan Ng Nobela

12
NOBELA O KATHAMBUHAY

Transcript of Kahulungan Ng Nobela

Page 1: Kahulungan Ng Nobela

NOBELA O KATHAMBUHAY

Page 2: Kahulungan Ng Nobela

NOBELA

ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo

Page 3: Kahulungan Ng Nobela

NOBELA Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga

pangyayari napinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.

isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

 binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 20 higit pang tauhan

Page 4: Kahulungan Ng Nobela

LAYUNIN NG NOBELA

1. Gumising sa diwa at damdamin 2. Nananawagan sa talino at guni-guni 3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa 4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at

lipunan 5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at

lipunan

6. Makalibang

7. Maglahad ng isang suliranin.

8. Ipahayag ang mga kuru-kuro ng mga akda hinggit sa isang paksa sa pilosopiya, sosyolohiya o sikolohiya.

9. Bigyan ng higgit sa karaniwang pansin ang isang dakilang tao o panahon sa kasaysayan

Page 5: Kahulungan Ng Nobela

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG NOBELA

Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.

Kailangang isaalang-alang ang tungkol sa kaasahan.

Pumupuno ito sa lahat ng larangan sa buhay- sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.

Dapat maging malikhain ito’y maguniguning nilalahad.

Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.

Page 6: Kahulungan Ng Nobela

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG NOBELA

Pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay Dapat maging malikhain at maguni-guni ang

paglalahadPumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya

ito nagiging kawili-wili Binubuo ng 20, 000 - 40 ,000 na salita Kailangang isaalang-alang ang ukol sa

kaasalan / pag-uugali Maraming ligaw na tagpo at kaganapan

Page 7: Kahulungan Ng Nobela

KAHALAGAHAN NG NOBELA

Ang marangal ng kaalaman na maipapahayag sa nobela pumupukaw at nagpapakilos sa damdamin ay isang napakalakas na puwersa na humuhubog sa kamalayan ng mambabasa ay

a. Nagpalawak ng kanilang kumulatan

b. Nagpapalalim ng kanilang pagkatao

c. Nagpapalabas

d. Nagpapailanlangan ng kanilang pagkalaki

e. Nagpapakalinang ng kanilang kultura

f. Nagsisilbing tala aralan na kinapapanutuhan ng buhay

 

Page 8: Kahulungan Ng Nobela

BAHAGI O ELEMENTO NOBELA

Tagpuan – sumasaklaw sa panahon, pook at mga pangyayaring nasalikod o nakalilikod sa kwentong nilalaman.

Banghay – pinakabalangkas ng buong kwento na nagbibigay-hugis sa nobela. Ito ay karaniwang may isang punong hibla at mga kasangay na hibla ng magkakaugnay ng mga pangyayari.

Tauhan – dapat tumugon sa hinihinging tunay na buhay at di-karapat-dapat makilala bilang iba. Hindi dapat maging parang mga tau-tauhan na pinagagalaw lamang. Sila ang nagpapatakbo sa galaw ng kwento at hindi ang kwento ang nagpapakilos sa kanila.

Page 9: Kahulungan Ng Nobela

Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda una - kapag kasali ang may-akda sa kwento pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari Pamamaraan - istilo ng manunulat Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na

kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Page 10: Kahulungan Ng Nobela

 

MGA SANGKAP NG NOBELA 

Kasaysayan

- ang nobela ay isang paglalarawan ng buhay o ng isang kapana-panabik na kasaysayang aakit sa babasa upang basahin at subaybayan ito.

Pag-aaral

- upang maging makatotohanan ang paglalarawan sa buhay, ang nobela ay dapat gumawa ng masusing pagmamasid sa kilos at gawa sa lipunan. Dapat nitong unawain ang tunay na sanhi sa likod ng mga pangyayari at sa kilos ng mga tauhang ito ay kinatawan lamang ng mga talagang taong may sariling adhika; tagumpay, kabiguan, pag-asa at pangarap sa buhay.

  Paggamit ng malikhaing guni-guni

- Dito nakasalakay ang buhay ng nobela. Ito ang mag papagalaw sa mga tagpo at magbibigay ng tinig sa pamamagitan ng wastong pananalita sa mga damdamin o kaisipang nais pahayag. Ito rin ang nagsasaayos upang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari ay maging likas at makaktotohanan.

Page 11: Kahulungan Ng Nobela

URI NG NOBELA Nobela ng pangyayari o makabanghay

- nangingibabaw ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari o ang porma ng pagkakalahad ng kwento.

Nobela ng tauhan

- binibigyang- diin ang katauhan ng pangunahing tauhan gayundin ang mga pangangailangan at hangarin nito.

Nobela ng romansa

- binibigyang-pansin dito ang pag-ibig: sa bayan, sa Diyos, sa kapwa, sa mga magulang. Nagbibigay halaga s autos ng puso o damdamin at paghuhumaling.

  Nobela ng pagbabago o panlipunan

- binibigyang-diin ang mga layunin ng may-akda o mga ninanais na pagbabago sa pamahalaan at lipunan.

Page 12: Kahulungan Ng Nobela

URI NG NOBELA Nobela ng kasaysayan

- ang may akda ay hindi lamang naglalayong maiulat ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa kasaysayan kundi maglarawan ng pagmamahal at pakikipaglabang ginawa n gating mga bayani para sa minimithing kalayaan ng Inang Bayan.

Nobela ng layunin

- nagbibigay-diin sa mga layunin at simulang mahalaga sa buhay ng tao.

Nobela ng Masineng

- mahusay ang pagkakahanay at pagkakatalakay ng mga pangyayari. Taglay rin nito ang mahusay na paglalarawan ng pagkatao ng mga tauhan.