Unang Markahan Modyul 6: Nobela
Transcript of Unang Markahan Modyul 6: Nobela
10
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Nobela
Filipino – Ikasampung Baitang Self-Learning Module (SLM) Unang Markahan – Modyul 6: Nobela Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 228-8825/ (083) 228-1893
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maricel O. Aperocho at Ariz Jade Balajadia
Editors: Arlene C. Bagayas, Ezequil J. Orillo
Tagasuri: Evely C Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Alou Camille B. Sabado
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS
Bernardita M. Villano – Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo – EPS, Filipino
10 Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Nobela
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Self-Learning Module (SLM) Modyul 6
para sa araling Nobela!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Self-Learning Module (SLM) Modyul 6
para sa araling Nobela!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
v
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Maligayang Pagbabalik sa lahat! Sisimulan natin ang unang aralin sa
module na ito na may galak at pasasalamat sa Panginoon dahil biniyaan tayo ng
panibagong araw at pagkakataong matuto. Sa araling ito ay ating pag-aaralan ang
tungkol sa mga Nobela na mula sa France. Atin ding aalamin ang kahulugan,
elemento at katangian nito.
Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang bawat isa ay inaasahang;
1. Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang
diyalogo;
2. Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi
ng kahulugang ipinahahayag nito;
3. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw;
4. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata;
5. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari
Subukin
Panuto: Tama o Mali, isulat ang tama kung pahayag ay tama at mali naman kung
ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang nobela ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat
nang tuluyan o prosa.
2. Isa sa mga layunin ng nobela ay gumising sa diwa at damdamin ng
mambabasa.
3. Ang mga tauhan ang siyang binibigyang-buhay ng manunulat sa kaisipan
ng mga mambabasa.
4. Ang banghay ay ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan sa nobela.
5. Ang tema ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
6. Ang nobela at maikling kuwento ay magkapareho lamang.
7. Ang nobela ay binubuo ng iisang kabanata.
8. Ang pangunahing layunin ng nobela ay ang lumibang lamang sa mga
mambabasa nito.
9. Ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na
hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
10. Ang teoryang humanismo ay isang paraan sa pagsusuri ng nobela.
2
Aralin
1 Nobela
Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos
pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga
tauhan at diyalogo Ito‟y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari
na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na
nobela ay 1.) isang kuwento o kasaysayan, 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit ng
malikhaing guniguni.
Pangunahing layunin ng nobela ay mang-aliw o manlibang, bagaman sa di-
tahasang paraan, ito‟y maaaring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa
pamumuhay sa lipunan, at magbigay ng isang aral.
Mga Pangyayari- ito ay binubuo ng mga kabanata, na dapat ang mga
pangyayari ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari na
magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungong
wakas.
Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan
ng tauhan. Ito‟y ginagawa sa isang paraang buhay na buhay, kaya‟t parang mga
tunay na tauhan ang kinakaharap habang binabasa ang nobela. Sa kanilang
bukambibig, sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa
kanila ay natutuhan nating kilalanin at pahalagahan ang mga lalaki at babae ng
isang katha na naiuugnay sa mga taong nakapaligid sa atin.
Balikan
Matapos mong pag-aralan ang isa sa mga maikling kuwento na nagmula sa
France, ikaw ay gagabayan naman upang pag-aralan ang kahulugan, katangian,
layunin at elemento ng isang nobela.
3
Tuklasin
Nobela
- Ito ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat
nang tuluyan o prosa. Maaaring makapagsalaysay sa nobela ng
serye ng mga pangyayaring malawak ang saklaw. Madalas
binubuo rin ito ng maraming tauhan.
Elemento ng Nobela
1. Tauhan- Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
2. Tagpuan- Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3. Banghay- Ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa nobela.
4. Tema- Ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
5. Damdamin- Ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
6. Simbolismo- Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay at pangyayari.
Ang usapan o diyalogo ay binubuo ng mga linyang binibigkas ng
mga tauhan sa nobela. Naglalaman ito ng mahahalagang mensahe na
bumubuhay sa salaysay. Sa pamamagitan ng usapan o diyalogo ay
nabubuo ang saloobin ng mambabasa kaugnay ng katangiang taglay ng
tauhan, panahon ng kaganapan ng mga pangyayari at lugar na
pinagganapan ng pangyayari. Marapat lamang na maging angkop ang
usapan o dayalogo sa isang salaysay upang maging malinaw ang
mensaheng nais iparating ng buong teksto.
4
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi
pinagagalaw ng may-akda. Sila‟y gumagalaw ng kusa-
lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nang-aapi,
tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga hangarin
at mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila‟y siyang mga
kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng mga
pangyayaring inilalarawan ng kumatha.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalysay. Ang nobela
ay dapat sumusunod sa masaklaw na simulain ng
pagsasalaysay. Ito‟y may pauna na tumutugon sa katanungang
Sino? Ano? Kailan? Saan?
Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang
mahalagang pamaraan ang paglalapat ng mga pananaw. Ang
teoryang humanismo ay nagtatanghal ng buhay, dignidad,
halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan
at tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang
sariling talino at talento.
Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang
rasyunal na nilikha na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay, ang siyang pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan
sa sumusunod ang pagsusuri ng panitikan:
a. Pagkatao
b. Tema ng akda
c. Mga pagpapahalagang pantao
d. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng
tauhan
e. Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema
5
Antas o Tindi ng Kahulugan
Gawain 1: Subukin natin!
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga salitang nasa ibaba batay sa antas o tindi ng
kahulugan nito. Isulat sa mga patlang ang bilang 1, 2, at 3 (1 bilang
pinakamababa ang antas at 3 bilang pinakamatindi). Kopyahin at isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. _____ masaya 2. _____ hilakbot 3. _____ sakit
_____ maligaya _____ takot _____ epidemya
_____ natutuwa _____ pangamba _____ salot
4. _____ eskinado 5. _____ Nagdalamhati
_____ alingasngas _____ malungkot
_____ tsismis _____ malamlam
Gawain 2
Panuto: Basahin nang may buong pag-unawa ang buod ng nobelang “Ang Kuba ng
Notre Dame” ni Victor Hugo.
Ang mga salita ay maaaring nagpapahayag din ng iba‟t ibang antas ng
damdamin. Maaaring may parehong kahulugan ang dalawang salita ngunit mas
matindi ang ipinapahayag ng damdamin ng isa. Halimbawa, ang mga salitang „tampo‟,
„galit‟, at „suklam‟ ay pare-parehong nagpapahayag ng negatibong pakiramdam sa
isang tao ngunit iba-iba ang antas ng damdamin nito. Sa tatlong salita „‟suklam ang
may pinakamatinding damdaming ipinahahayag sapagkat nagpapakita ito ng lalim at
bigat ng galit ng isang tao.
Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang
mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na
isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si
Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa
taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na
nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada
palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong
naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang
nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar.
6
Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa
panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat
wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang
isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si
ClaudeFrollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na
bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga
sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking
gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo.
Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang
lakas ni Quasimodo kung kaya‟t nawalan siya ng malay. Dagli namang
nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni
Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si
Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga
pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa
pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat
handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas
lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat
ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang
sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang
dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa
kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa
utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na
nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.
Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong
nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan
ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit
ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya.
Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La
Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw.”Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay
pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang
anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa
tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga
mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La
Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat
nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi
upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng
Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan.
7
Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa
kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.
Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa
kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si
Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap
ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus
ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La
Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa
kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda
ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam.
Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa
piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin
din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag
lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang
mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay,
iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang
kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang
pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya.
Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng
babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali‟y dumating si Quasimodo galing
sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya
paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang
katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang
araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang
magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung
paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni
Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga‟t nasa katedral. Sa
mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na
titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang
dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at
magnanakaw – sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila
upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang
parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala
naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya
gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga
lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni
Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian
ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang
mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo
ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La
Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan
na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang
anak subalit huli na ang lahat.
8
Suriin
Mangkok ng Katanungan!
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng nobela?
2. Ilarawan ang natatanging katangian ng taglay ni Quasimodo. Ano ang
suliranin na bumabagabag sa kaniya?
3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La
Esmeralda?
4. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay
ng patunay
Pamilya Pag-ibig
5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa
nobela? Pangatuwiranan.
Ang Kuba ng Notre Dame
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya
ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya
ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay.
Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya
kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa
dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila
niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa
tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong
naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang
nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo,
“walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si
Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay
ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-
paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng
dalaga.
9
6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan
sa binasang akda?
7. Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa
nobela. Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
8. Mahusay bang naisalaysay ang pangyayari sa paglalarawan ng mga
tauhan sa nobela? Patunayan.
9. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may-akda sa kaniyang
isinulat na nobela na may kaugnayan sa bansang pinagmulan?
Pagyamanin
Gawain 3: Katangian Mo…Huhulaan Ko!
Panuto: Maghanap ng isang tao na pwedeng makapareha at ipabasa ang mga
pahayag sa ibaba. Pakinggang mabuti ang pagbbasa ng kapareha. Mula
sa iyong narinig ay ibigay ang katangian ng tauhan batay sa diyalogo.
1. “ Daddy, patawad po. Nais ko lamang lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag ako‟y nawala.
( Halaw sa kuwentong “ Nang Minsang Naligaw si Adrian” LM Grade 9, pp15)
2. “ Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin”
sabi ng babae.
( Halaw sa nobelang “ Isang libo‟t Isang Gabi ( Thousand and one Nights)
Saudi Arabia.
3. “ Walang ibang babae akong minamahal “
(Halaw sa Nobelang “ Ang Kuba ng Notre Dame )
Hinaharap ng mga tauhan sa
nobela
Quasimodo Claude Frollo
Le Esmeralda Phoebus
10
4. “ Kasalanan n‟yo ang nangayari, e! Natataranta kasi kayo basta may
kostumer kayong Kano. Pa‟no natitipan kayo ng dolyar. Basta nakita kayo
ng dolyar, naduduling na kayo, kaya binabastos ninyo ang mga kapwa
Pilipino” ( Halaw sa Nobelang “ Gapo” ni Lualhati Bautista)
Gawain 4: Patunayan Mo!
Panuto: Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng lahat
ng bagay kaya‟t binibigyang halaga ang kanyang saloobin at damdamin.
Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakikilala ang kultura ng bansang pinagmulan?
Tauhan Paano mag-
isip?
Ano ang kanyang
damdamin?
Paano ipinakita
ang mga
namumukod na katangian na
mula sa bansang kanyang
pinagmulan?
Quasimodo
Claude Frollo
La Esmeralda
Phoebus
Gawain 5: Venn Diagram
Panuto: Paghahambing ng mga pangyayari sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame
sa pag-tingin ni Maja Salvador kay Coco Martin sa teleseryeng “Ang
Probinsyano”. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagkakaiba Pagkakaiba
pagkakatulad
11
Gawain 6: Ilahad mo!
Panuto: Maglahad ng mga pangyayari o bahagi ng nobela na magpapakilala sa
kultura o pagkakakilanlan ng bansang pinagmulan nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
12
Gawain 6: Gawin mo!
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa). Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at
maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng
masalimuot na kalagayan ng bansa noong Dekada ‟70 sa ilalim ng Batas Militar.
(1) __________ isang babae , kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na
pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian.
Bagaman tradisyunal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa
pagpapahayag ng damdamin (2) ________ kaya‟t lumaki ang kanilang mga anak na
mulat sa kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) ___________ dito‟y sumali sa
kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4) _________ naging
makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si
Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US navy bagaman
taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) _______ nanatiling matatag ang
pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin
nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si
Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng
lipunan at ng asawa.
D A G D A G K A A L A M A N
Alam mo ba na ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng
pagkakasunud-sunod ng mga panyayari o di kaya‟y manghimaton tungkol sa
pagkakabuo ng diskurso? Karaniwan nang ito ay kinakatawan ng mga pang-
ugnay o mga pangatnig.
Halimbawa:
At, saka, pati – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
Maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – nagsasaad ng
pagbubukod o paghihiwalay
Tuloy, bunga nito, kaya naman, naman – nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan
Kapag, sakali, kung – nagsasaad ng kondisyon o pasubali
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
2015 nina Vilma C. Ambat et.al.
13
Gawain 7: Uunlad Ako!
Panuto: Bumuo ng dalawang talatang tumatalakay sa mga dapat mong gawin para
sa ikauunlad ng iyong buhay. Gumamit ng tamang hudyat ng
pagkakasunud sunod ng pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
14
Isaisip
Gawain 8: Concept Organizer!
Panuto: Iayos ang mga salita upang makabuo ng kaisipang namamayani sa
tinalakay na kabanata ng nobela. Patunayan na ang mga kaisipang ito ay
patunay na ang akda ay gumamit ng humanismo bilang teoryang
pampanitikan.
Wagas na di pag-ibig
ang kailanman magwawakas
15
Isagawa
Gawain 4: Makabuluhang Paghahambing!
Panuto: Paghahambing ng mga pangyayari sa nobela sa mga totoong pangyayari
sa buhay. Itala kung anong kultura ang kumakatawan sa bawat
pangyayari.
PAGHAHAMBING NG MGA PANGYAYARI
ANG KUBA NG NOTRE DAME
MGA TOTOONG PANGYAYARI
KULTURA
16
Tayahin
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat nang
tuluyan o prosa.
A. Pabula C. Tula
B. Parabula D. Nobela
2. Ang sumusunod ay mga elementong karaniwang matatagpuan sa mahusay
na nobela, maliban sa _________________.
A. isang kuwento o kasaysayan C. isang pag-aaral
B. para sa mga bata D. paggamit ng malikhaing guniguni
3. Ito ay binubuo ng mga linyang binibigkas ng mga tauhan sa nobela.
A. tagpuan C. tauhan
B. diyalogo D. damdamin
4. Elemento ng nobela na naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
A. diyalogo C. tagpuan
B. tauhan D. banghay
5. Elemento ng nobela na tumutukoy sa mga nagpapagalaw at nagbibigay
buhay dito.
A. tauhan C. banghay
B. diyalogo D. damdamin
Para sa bilang 6-10: Alin Sa mga salitang nasa pagpipilian, alin ang may mataas
na tindi ng kahulugan?
6. _________
A. tampo
B. suklam
C. galit
7. _________
A. hilakbot
B. takot
C. pangamba
8. _________
A. lumbay
B. lungkot
C. pighati
9. _________
A. tinangkilik
B. kinalinga
C. kinupkop
10. _________
A. hapis
B. lungkot
C. lumbay
2
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Paano nakatutulong ang teoryang Humanismo sa pagpapalutang ng kaisipan at
mensahe ng nobela?
3
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Pagyamanin
Gawain 6
1. Dahil
2. kung
3. Dahil
4. saka
5. Sa madaling sabi
Subukin
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama
4
Sanggunian Mga Aklat
Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
De Laza, Crizel S., Sanchez, Maria Wevenia R., Camba, Moreal at Infantado,
Remedios. Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan: Batayang at Sanayang Aklat
sa Filipino. Rex Book Store
5
For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: [email protected]
PAGHATID – LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay
sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo
ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.