SURING NOBELA

34
Ipinasa ni: Wenser Florendo Jerome Loazada Kevin Villanes Ipinasa ni: Bb.Medalla

description

SUMMARY AND STUDY OF IBONG MANDARAGIT

Transcript of SURING NOBELA

Page 1: SURING NOBELA

Ipinasa ni: Wenser Florendo

Jerome Loazada

Kevin Villanes

Ipinasa ni: Bb.Medalla

Page 2: SURING NOBELA

I-Pamagat:Mga Ibong Mandaragit

II-Buod

Setyembre, taong 1944, nadarama na ng mga Pilipino na humihina na ang pwersa ng imperyong hapon dito sa ating bansa. Habang lumalakas naman ang puwersang gerilya o taong labas. Magdadapit hapon na ng marating ni Mando Plaridel at ng dalawa pa niyang kasama na sina Karyo at Martin. Pinatuloy sila ni Tata Matyas ang tatay-tatayan ni Mando. Ang tahanan ni Tata Matyas ay nasa bulubundukin ng Sierra Madre. Hinandugan naman sila ni Tata Matyas ng isang hapunan. Matapos maghapunan ay natulog na ang tatlo ngunit si Mando’y hindi makatulog. Kung kaya’t kinausap niya si Tata Matyas. Napag-usapan nila ang madaming bagay-bagay, isa rito ay ang El Filibusterismo. Sinabi ni Tata Matyas na ang mga pangyayari sa dalawang akda ni Rizal ay katotohanan. Sinabi niyang gusto niyang sisirin ang kayamanan ni Simoun na itinapon ni Padre Florentino sa dagat pasipiko. Pinagdudahan naman ito ni Mando ngunit agad din siyang naniwala sapagkat sinabi ni Tata Matyas na kakilala ng kanyang nuno si Padre Florentino.

Kinabukasan ay umalis na din ang tatlo sapagkat ayaw nilang madamay si Tata matyas kung may mga hapong magawi roon. Ang tatlo ay inabot ng magdamag sa gubat. Nakikita sila ng isang ilog at dun na nagpaumaga subalit umulan ng malakas ng gabing ding iyon. Matatapos ang ulan ay natulog na din silang muli. Kinaumagahan ay nakakita sila ng mga buko sa may ilog, maaring ang mga ito’y inalon at nasama sa agos ng ilog kinagabihan. Matapos nilang makapag-almusal ay nagsimula na ring silang lumakad, inabot silang muli ng dilim at nakakita ng isang tahanan na dalawang matanda ang naninirahan. Kinaumagahan ay naglakad na silang patungo sa kapatagan. Tinungo nila ang isang bayan na tinatawag na kalayaan. Ang baying ito’y pinamunuan ni Magat isang gerilya. Ang baying ito’y hindi pa nasasayaran ng botang hapones sapagkat nagtutulong-tulong ang mga gerilya at mga mamamayan na naninirahan rito. Nakapanayam nilaang pinunong si Magat. Nakapag-usap sila ni Mando sa ilang bagay gaya ng pagsanib ng lahat ng gerilya sa Luzon upang tulayan ng mapaalis ang Imperyong hapon sa ating bayan. Dahil sa mga pangungusap na itong ni mando ay nakuha niya ang tiwala ni Magat. Hinandugan sila nito ng hapunan at ipinakita ang mga kagamitang naagaw nila sa mga hapon na nakaimbak sa bodega. Nakakita si mando ng ilang kagamitang pansisid. Sinabi ni magat na maari nilang kunin ang anu mang bagay na maibigan nila. Kaya naman kumuha si mando ng dalawang gamit na panisid. At binigyan sila ni magat ng mangilang damit. At pagkatapos ay nilisan na nila ang baying kalayaan. Dito na nabuo ang plano ni mando. Makikituloy silang muli sa tahanan ng dalawang matanda at maghahanap ng Bangka. Pagkatapos ay hahanapin na ang eksaktong bangin kung saan inihulog ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun.

Mabilis nilang nakumpleto ang mga kakailanganin nila. Kung kaya naman ay hinanap nila ang bangin. Habang hinahanap ay nagtalo ang tatlo sapagkat gusto nii Karyo at Martin na hatiin agad ang kayamanan pagka kuha nila nito. Nakita nila ang isang banging hawig na hawig sa iginuhit ni Tata Matyas. Sinimulan nilang sisirin ang mga bahaging ito. Ngunit wala silang nakita. Kinabukasan ay sumisid sila sa mas malalim na bahagi at may isang bagay ang hindi nila inaasahan nangyari. May isang pating ang dumating at naaksidente si Karyo na sadyang ikinamatay nito. Nilibing nila si Karyo at ginawang pagakain ang patay na pating na nasa dagat. Kinabukasan ay sumisid muli si Mando at hindi siya nabigo sapagkat natagpuan niya ang isang kahangbakal na kinakalawang. Ang kahangbakal ay dinala nila ni Martin sa

Page 3: SURING NOBELA

baybay at sinimulang tanggalan ng kalawang. May nakita silang mga titik na nakaukit dito. Nakaukit sa ilang bahagi nito na ang kahangbakal ay gawa sa Europa noong dako ng siglo XIX. Nakaukit din sa malaking titik ang pangalang SIMOUN. Hindi nga sila nabigo sapagkat nakuha nila ang kayamanan ni Simoun. Sinabi ni Mando na kinabukasan na nila hatiin ang kayamanan. Pumayag si Martin at ng si Mando ay tulog na, ay tinangka ni Martin na nakawin ang lahat ng kayamanan ngunit nabigo siya sapagkat nagising si Mando at hinabol siya. Binaba naman ni Martin ang kahangbakal at sinalubong ng itak si Mando ngunit nakaiwas ito ng bahagya ngunit dali ang kanyang pisngi. Nasipa naman niya si Martin at nauntog ito nagpasyang puntahan si Tata Matyas. Dumaan siya sa karagatan upang mas mapabilis ang kanyang paglalakbay. Pagdating ng gabi ay narrating niya ang kubo ni Tata Matyas. Hindi siya makilala kung hindi pa siya nagpakilala. Nilinis ni Tata Matyas ang sugat ni Mando sa kaliwang pisngi at pinagpahinga at sinabing gigisingin na lamang sa oras ng almusal ngunit tanghalian na ng gisingin siya ni Tata matyas. Napag-usapan nila ang mga dapat gawin sa kayamanan ni Simoun. Napagdesisyunan nilang magpatayo ng isang palimbagan ng peyodiko ng matapos ang giyera. Kinuha niyang mga tao sina Magat, Andres at madami pang mga dating gerilya. Ang peryodiko ay binigyang ngalang kampilan. Naging panuntunan nito ang pagsasabi ng totoong balita. Kung kaya naman ay nasasagasaan nilang parati ang mga nasa taas na katungkulan. Matapos maitaguyod ni Mando ang peryodiko ay tumungo siya sa ibang bansa upang makapagmasid sa mga pangyayari sa ibang bansa at upang mamulat ang si Pastor at sa anak nitong Puri ngunit hindi bilang si Andoy kundi bilang Mando. Minahal niya agad si Puri unang pagkakita pa lamang niya dito. Nangako siya na susulat habang nasa nasa paglalakbay. Umalis na nga si Mando sa pilipinas. Halos mag-iisang taon na siyang wala sa bansang tinuringan ngunit halatang-halata na din ang laki ng kanyang ipinagbago. Nanuluyan si Mando sa isang sikat na hotel sa paris. At dun ay nakita niyang muli ang kanyang dating among si Dolly anak ng kanyang among suplong sa kanya sa kempetei na si Don Segundo. At dun ay naganap na nga ang maga bagay na hindi inaasahan. Dumating ang araw ng pagpunta ni Mando sa Estados Unidos ngunit pinipigilan siya ng dalaga at sinabing umuwi na sila sa pilipinas ngunit hindi nagpapigil si Mando. Dumating siya sa Estados Unidos at doon nga ay naibenta niyang lahat ang mga brilyante na kanyang dala-dala. Inilagalak niya ang pera sa isang sikat na bangko ay agad niyang ipinapalit sa bangkong nasabi. Habang nasa amekrika siya ay nakatagpo siya ng pilipinong nag papakahirap upang mabuhay doon. Dumating ang araw na pag-uwi niya sa kanyang bansa. Samantalang siya ay bising bisi sa peryodiko ay lalo naming lumlala ang usapin sa hacienda ng mga Montero. Si Dolly man ay nagtatampo na sa kanya sapagkat nawawala na raw ito sa panahon sa kanya. Sinabi naman ni Mando na babawi siya kaya naman ng nasa Baguio ang dalaga kasama ang kanyang mga magulang ay inanyayahan niyang magtungo doon si Mando at doon nga ay nalaman na ng pamilya Montero kung sino ang lalaking may pilat sa mukha ang kinahuhumalihan ni dolly ay walang iba kundi si andoy.

Hindi nagtagal ay pinagbantaan ang buhay ni Mando dahil sa peryodiko. kung kaya naman ay ipinagtapat na niya kay puri na siya ang pinsan nitong si andoy. Nabigla si puri nginit sinabi ni mando na mahal niya si puri kung kaya naman hindi nagtagal ay ipinagtapat niya ito kay pastor at sinabing mahal na mahal niya si puri. Wlang nagawa si pastor sapagkat alam niyang nagmamahalan ang dalawa. Naparalisa ang kalahating katawan ni Don Segundo at nakulong samantalang ang mga manggagawa ay hindi na tumigil hangga’t hindi nagbibigay ang gusto nila. Isang gabi sa isang lihim na pook sa labas ng lungsod ay nag-uusap sina Mando. Magat, Rubio at Danoy. Ang dalawa subok na mandirigma laban sa mga hapon, at

Page 4: SURING NOBELA

ang dalawa huli ay mga tapat na lider sa gitnang Luzon. Bago sila maghihiwalay na kasabay ang paglubog ng araw ay ipinahayag ni Mando na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa upang tuluyang mapalaya ang bansa sa tunay na mga mananakop nito, angg mga may kapangyarihan na maraming ihalintulad sa mga ibong mandaragit, kahit na ito maging kapalit ng kanilang sariling buhay.

III- Pagsusuring nilalaman

Ipakilala ang mga tauhan

-Mando Plaridel, gerilyong sumisid sa Pacific Ocean ng kabangbakal ng mga kayamanan ni Simoun Isang lider sosyalista at siya ang dating Andoy.

Dolly Montero, anak na dalaga ng mayamang Familia Montero siya ay maganda, makabago, malikot sa pag-ibig naging kasintahan ni Mando.

Puri, nak ng magsasaka, pinakamarilag na binibini sa mga baryong saklaw ng Hacienda Montero sa gitnang Luzon pinsan at kasintahan ni Mando.

Don Segundo Montero, asendero at puno ng sindikato ng mga kontra bandista.

Tata Matyas, matandang rebolusyonaryo, na nakatira sa isang kubo sa Sierra Madre naging ama-amahan ni Mando.

Dr.Sabio, siyentipiko’t intelektuwal na pangulo ng freedom university.

Magat, matapang na lider ng mga gerilyang disiplinado sa Timog Luzon kaibigan ni Mando

Presidente, pangulo ng Pilipinas

Senador Maliwanag, mambabatas na makabayan.

Senador Botin, mambabatas na makatiyan.

Capitan Pugot, daintg kolaborador ng Hapon na ngayo’y enkargado ng Hacienda Montero kaawat ng mga mambubukid.

General Bayoneta, military na bantaysalakay manugang ni son tua.

Gobernador Doblado, isang baluktot na punong-lalawigan asawa ni donya ninay.

Pastor, lider magsasaka at ama ni puri at kapatid ng nanay ni Mando.

Mang Tumas, matandang lider ng mga kasama sa Hacienda Montero at pinatay nung siya’y nakakulong.

Danoy, bianatang lider ng mga magbubukid.

Andres, lider ng “Makapili” sa panahon ng hapon na naging katulong nina Mando at Magat pagkatapos ng digmaan.

Page 5: SURING NOBELA

Rubio, lider ng mga obrero industriyal.

Coronel Moto, punong Hapon sa maynila sa panahon ng pagsakop, naging nobyo ni Dolly Montero.

Dona Julia, asawa ni Segundo Montero.

Son Tua, milyonaryong Intsik na nakasalapi sa mga kantrabando.

Pong Tua-son, anak na binata ni Son Tua, isang arkitekto at mat gusto kay Dolly Montero.

Lieutenant Whitey, abyador Amerikano na naging kasintahan ni Dolly.

Captain Green, isa pang apyador Amerikano na nagkagusto kay Lilibeth.

Lilibeth, isang mestisang kaibigan ni Dolly.

Martin, gerilyong naging kasamahan ni Mando may tangkang nakawin ang kayamanan ni Simoun.

Karyo, gerilyong naging kasamahan ni mando namatay sa pagkuha sa kayamanan ni Simoun.

Iman, reporter ng kampilan.

Donya Ninay, asawa ni Gobernador Doblado.

Tindeng, kulasisi ni Gobernador Doblado.

Helen, ahente ng mga alahas sa paris.

Mike, ahenteng amerikano ni mando.

1.Mando plaridel

2.pang-aabuso

Inaabuso ng mayaman ang kanilang kapangyarihan. Tulad ni Don Segundo Montero. Siya ay nang-aalipin atnkinakawawa niya ang kanyang mga taga-sunod.

Kasakimanng

-Kasakiman sa kayamanan Tulad ni Martin, sakim siya sa nakuha nilang ni mando na kayamanan ni Simoun. Tinangka niya itong nakawin at hindi na hatian si Mando sa kayamanan.

-Pangmamaliit sa mahihirap

-tulad ni don Segundo, minamaliit niya ang janyang mga taga-sunod tulad ni Andoy at magulang ni Andoy, nilalaitniya ang mga ito.

3. Pang-aabuso

Page 6: SURING NOBELA

-Sa kasalukuyang panahon ay may mga abuso po tulad ni Angelo Reyes. Inabuso niya ang kanyang pangungurakot

Kasakiman-

May ganito pa din ngayon, sakim sa para at kapangyarihan mga nangungurakot.

Pagmamaliit sa mahirap

Pinapaalis ang mga mahihirap sa kanilang tinitirhan tulad ng mga iskwater

IV-Banghay

a. Simula- Paglalarawan ng pangyayari.

b. Saglit na Kasiglahan- Ang kaban na anaki’y isang maletang makapal at may sadyang bitbitan din ay yari sa primera klaseng asero. Kung kinapitan man ng kalawang ang labas dahil sa nalagak nang mahabang panahon sa buhanginan at tubig na alat ng dagat, ay hindi naman naagnas, buo at matibay pa rin. Sa malas ay hindi titik na nakaukit na nagsasabing ang kahang ito’y yari sa isang siyudad sa Europa noong unang dako ng siglo XIX. Nakaukit din sa ibabaw nito, sa malaki-laking titik, ang: SIMOUN.

Inalis nila ang salaaming pagkit na nakapatong sa ibabaw. Biglang nabilad sa kanilang mga mata ang di matingkalang kayamanan ng balitang magaalahas sa Filibusterismo. Tila inutusan nila ang “deni” sa lampara ni Aladino, at buhat sa mga bantog na tindahan ng hiyas sa paris, sa London, sa amerika, Indiya, Ehipto at Arabya, ay lansakang inialay sa kanila, sa isang bahagi ng gubat ng Sierra Madre, ang mga kayamanang yaon na napapanaginip lamang at hindi nasasalat ng kamay. Tunay na kahanga-hanga, kagulat-gulat, kagimbal-gimbal.

c. Kasukdulan- Hindi pinalampas ang maraming buwan pagkatapos ng giyera ay tinotoo ni Don Segundo Montero ang kanyang banta. Ibabalik sa dati ang mga bagay-bagay sa asyenda. Ipinatawag niya ang katiwalang si pastor at ipinag-utos ditong tupdin agad ang kanyang orden.

“Pairalin mo ang dating kondisyon,” matigas na sabi ni Don Segundo. “Hati sa gastos , hati sa ani. Umpisahan mo nang singilin ang aking mga pautang, kaibigan sa parti ng mga balasubas na yan.”

“Mangyari’y nasa tumbong ang kanilang konsiyensiya,” bulalas ni Montero, at idinugtong na parang ultimatum, “Ang ayaw sa kondisyones ko’y lumayas. Hindi baleng maggubat ang aking lupa kesa paglunggaan ng mga ahas na ‘yan.”

Page 7: SURING NOBELA

Tinataningan kita nang isang buwan

d. Kakalasan- “Pinatay ni Mang Tumas at isang pang magbubukid!”, kanyang bulalas at ang balita niya ay nagkaroon ng bias ng pagsabog ng granada sa harapang yaon. Biglang tumindig si Danoy at pagkaraang iwagwag sa hangin ang kanyang dalawang bisig ay muling ibinagsak ang katawan sa uupuan niya at sinapo ng dalawang palad ang kanyang mukha. Namalagi siyang tumatangis habang isinasalaysay ni Iman ang huling ulat buhat sa problasyon at sa asyenda.”

e. Wakas – Iniiwan sa mambabasa

V Bisa

Isip- Ipinaglaban ang Pilipinas sa pang-aaping mga dayuhan at mga tao na masasama

Aral- Lumaban sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino sa mga mapang- aping tao

Asal- Simula ngayon, lalaban na ako para sa kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino at para sa bansa sa kamay ng mga mapang-aping na tao.

VI Teoryang Pampanitikan

Humanismo

Patunay- “Nakalulungkot na di kokonti sa inaasahan ng bayan ang kumampi sa kaaway,” ani Mando na nagtitiim ang mga ngipin.

Paliwanag, Ipinapakita ditto na ang nadadama ni mando ay kalungkutan dahil madaming Pilipino ang kumampi sa kaaway.

Patunay- “At ikaw . . . a, traidor, manlilinlang!” Ginapi si Dolly ng masidhing kahihiyan, at ng pangingitngit at pagsisisi, na ang kanyang puri at lahat,- lahat-lahat ay itiniwala hindi pala sa katangi-tangi si mando plaridel kung hindi sa imbi at hamak na alilang si andoy, ang palaboy na tagabukid. Hindi niya mapatatawad ang kanyang sarili at lalong hindi niya mapapatawad ang ahas na itong lubusan dumaya sa kanya ng impiyerno.

Paliwang, Ipinapakita ditto nag alit nag alit si Dolly dahil siya ay niloko ni mando plaridel o andoy.

Imahismo

Patunay- “Aking iniisip pares yong kuwarto ni Princess Margaret sa Buckingham Palace” sagot ng binatang arkitekto. “Porke Dolly es mas bella kesa Princess Margaret.”

Paliwanag, Ipinapakita ditto na iniisip ni Pong tua sam ang kuwart ni princess Margaret at ganun ang gagawin niya sa kwarto ni dolly.

Page 8: SURING NOBELA

Patunay- Itinanong ng first lady kung ano ang pinag-aralan ni Dolly sa paris at nang malaman niyang bukod sa ibang kaalaman ay eksperto sa “interior decoration” ay inaanyayahan ang dalaga upang magsadya sa palasyo sa unang pagkakataon.

Paliwanag, Ipinapakita dita na isang magandang suot ni Dolly.

Romantisismo

Patunay- “Dolly,” aniya huwag mong iparis ang yong sarili ki Lilibeth. Itinanggi kita nang labis. Narito saking dibdib ang yong larawan. Iniisip kong pagkatapos ng giyera’y hihingin ko ang kamay mo.

Paliwanag, Ipinapakita dito na talagang mahal ni koronel moto si Dolly dahil kahit na siya’y hapon ay iniibig siya ni dolly ito ay tradisyonal.

Patunay- “I love you, honey,” bulong ni Green. Niyakap niyang muli ang mestisa at pinupog ng halik, na wala siyang iniwan sa malupit na sasabunging nakasukol ng kalaban. Ipinikit ni Lilibeth ang kanyang mga mata nang buong pagpapaubaya at hindi tutol kundi piping halinghing ang namumulas sa kanyang mga labi.

Paliwanag, Rebolusyonal Ipinapakita dito na napaibig agad si Captain Green kay lilibeth at maganda naman ang kinalabasan nito dahil hindi tumutol si lilibeth.

Klasismo

Patunay- “Ang Diyos ang katotohanan.”agaw ng Obispo. “Siya ang tanging daan. At siya ang buhay.

Paliwanag, Ipinapakita na ang Diyos ang tanging daan natin at sita ang katotohanan at wala ng iba pa.

Patunay- Ang dahila’y ayaw siyang gumawa nang puspusan. Ang lahat ay inaasa niya sa iba, o talaga ng Diyos. Hindi tutulong ang Diyos sa tao’t bayang ayaw tumulong sa kanyang sarili.

Paliwanag, Ipinapakita dito na ang tao ay umaabuso sa Diyos ngunit ang Diyos ay di ka tutulungan kung di mo kaya tulungan ang sarili mo.

Ralismo

Patunay- Huwag mong ipalagay na dito’y walang graft and corruption. Mayroon kaibigan, at ibig kong maniwalang ito’y isa sa mga inangkat natin sa United States. May mga nakwan sa loob at labas ng pamahalaan.

Paliwanag, Ipinapakita dito na graft ang corruption dito sa pilipinas loob at labas ng pamahalaan at sa totoong buhay ay may ganito talaga.

Page 9: SURING NOBELA

Patunay- “Mahusay ang atin, nguni’t tinatangkilik natin ang sa iba.” Patuloy ng babae. “Sa palagay natin, tayo’y moderno, tayo’y maunlad kung gumamit ng kasuotang dayuhan, kung kumain ng pagkaing dayuhan, kung magsalita sa kanilang wika, kung gayahin ang kanilang mga bisyo. Wala tayong union, wala tayong bait, wala tayong pagtingin sa sarili.

Paliwanag, Nangyayari talaga ito sa atin, hindi natin tinatangkilik ang sariling atin at tinatangkilik pa natin ang gawa ng ibang bansa.

Marxismo

Patunay- “Yan ang hirap senyong mga tagabukid: ayaw nyong kumilala sa batas kung hindi kayo nasisiyaha’y lalakarin ninyo ang pagbabago. Palitan ang mga mambabatas, kung magagawa nyo yamang kayo’y nakaboboto rin, Pero gumagamit kayo ng makatwirang paraan, at huwag nyong daanin sa gahasa, gaya ng madalas mangyari.”

Paliwanag, Ipinapakita dito na ang mga mahihirap daw ang nanggagahasa.

Patunay- “Ang hirap senyong mga pulube,” aniyang anaki’y ahas na nagbubuga ng kamandag “sankawan kayong mainggitin. Komo kayo’y hangal, nainggit sa mi pinag-aralan; komo kayo’y pulubi naiinggit sa meron. Imposibleng mag kapare-parehong ang mga tao sa mundo.”

Paliwanag, Ipinapakita dito na minamaliit na ni Dolly si Puri at ang mga mahihirap na sila daw ay nga inggitera.

Teoryang Pilosopikal at Literatura“Nakalulungkot na di kokonti sa inaasahan ng bayan ang kumampi sa kaaway,” ani Mando na nagtitiim ang mga ngipin.

Humanismo

“Dolly,” aniya huwag mong iparis ang yong sarili ki Lilibeth. Itinanggi kita nang labis. Narito saking dibdib ang yong larawan. Iniisip kong pagkatapos ng giyera’y hihingin ko ang kamay mo.

Romantisismo

“I love you, honey,” bulong ni Green. Niyakap niyang muli ang mestisa at pinupog ng halik, na wala siyang iniwan sa malupit na sasabunging nakasukol ng kalaban. Ipinikit ni Lilibeth ang kanyang mga mata nang buong pagpapaubaya at hindi tutol kundi piping halinghing ang namumulas sa kanyang

Page 10: SURING NOBELA

mga labi.

Romantisismo

“Aking iniisip pares yong kuwarto ni Princess Margaret sa Buckingham Palace” sagot ng binatang arkitekto. “Porke Dolly es mas bella kesa Princess Margaret.”

Imahismo

“Ang Diyos ang katotohanan.”agaw ng Obispo. “Siya ang tanging daan. At siya ang buhay.

Klasismo

Ang dahila’y ayaw siyang gumawa nang puspusan. Ang lahat ay inaasa niya sa iba, o talaga ng Diyos. Hindi tutulong ang Diyos sa tao’t bayang ayaw tumulong sa kanyang sarili.

Klasismo

Huwag mong ipalagay na dito’y walang graft and corruption. Mayroon kaibigan, at ibig kong maniwalang ito’y isa sa mga inangkat natin sa United States. May mga nakwan sa loob at labas ng pamahalaan.

Realismo

Page 11: SURING NOBELA

Itinanong ng first lady kung ano ang pinag-aralan ni Dolly sa paris at nang malaman niyang bukod sa ibang kaalaman ay eksperto sa “interior decoration” ay inaanyayahan ang dalaga upang magsadya sa palasyo sa unang pagkakataon.

Imahismo

“Mahusay ang atin, nguni’t tinatangkilik natin ang sa iba.” Patuloy ng babae. “Sa palagay natin, tayo’y moderno, tayo’y maunlad kung gumamit ng kasuotang dayuhan, kung kumain ng pagkaing dayuhan, kung magsalita sa kanilang wika, kung gayahin ang kanilang mga bisyo. Wala tayong union, wala tayong bait, wala tayong pagtingin sa sarili.

Realismo

“Yan ang hirap senyong mga tagabukid: ayaw nyong kumilala sa batas kung hindi kayo nasisiyaha’y lalakarin ninyo ang pagbabago. Palitan ang mga mambabatas, kung magagawa nyo yamang kayo’y nakaboboto rin, Pero gumagamit kayo ng makatwirang paraan, at huwag nyong daanin sa gahasa, gaya ng madalas mangyari.”

Marxismo

“Ang hirap senyong mga pulube,” aniyang anaki’y ahas na nagbubuga ng kamandag “sankawan kayong mainggitin. Komo kayo’y hangal, nainggit sa mi pinag-aralan; komo kayo’y pulubi naiinggit sa meron. Imposibleng mag kapare-parehong ang mga tao sa mundo.”

Marxismo

Page 12: SURING NOBELA

“At ikaw . . . a, traidor, manlilinlang!” Ginapi si Dolly ng masidhing kahihiyan, at ng pangingitngit at pagsisisi, na ang kanyang puri at lahat,- lahat-lahat ay itiniwala hindi pala sa katangi-tangi si mando plaridel kung hindi sa imbi at hamak na alilang si andoy, ang palaboy na tagabukid. Hindi niya mapatatawad ang kanyang sarili at lalong hindi niya mapapatawad ang ahas na itong lubusan dumaya sa kanya ng impiyerno.

Humanismo

MGA IBONG MANDARAGITni Amado V. Hernandez

Page 13: SURING NOBELA

Ipinasa ni:

Diane R. Macandili

Ipinasa kay:

Bb. Laarni Medalla

Page 14: SURING NOBELA

Pamagat: Mga Ibong Mandaragit / Amado V. Hernandez

Buod:Si Mando ay dating si Andoy na katulong ng mayayamang sina Don Segundo Montero, Donya Julia at ang nag-iisa nilang anak na si Dolly. Umalis siya sa mga ito dahil sa sobrang pagmamaltrato sa kanya. Naging gerilya siya. Nakasama niya sina Karyo at Martin. Napunta kay Tata Matyas at nalaman ni Mando na mayroong kayamanan si Simoun sa ilalim ng dagat na maaring makatulong sa kanya. Nakilala niya si Magat at nakakuha ng ibang gamit para sa pagsisid sa kayamanan. Habang ang mga Montero ay abala sa panahon ng Hapon. Si Dolly ay nagkroon ng kasintahan hapon na si Koronel Moto. Hindi rin sila nagtagal dahil nagpakamatay ang hapon. Sa pagsisid nila ay namatay si Karyo dahil nasugatan siya ng pating. Nakuha nila Mando at Martin ang kayamanan ni Simoun. Namatay si Martin noong tangkain niyang itakas ang kayamanan. Nasugatan niya si Mando sa kaliwang pisngi. Dumiretso si Mando kay Tata Matyas at ibinalita ang lahat. Nakita na ni Tata Matyas ang mga kayamanan ni Simoun. Sa wakas ay lumaya naman ang pilipinas sa kamay ng Hapones sa tulong ng mga Amerikano. Habang nahuli naman ni Magat an glider ng Makapili na si Andres. At sa bahay naman ni Don Segundo ay nandun ang amerikanong sina Captain Green at Whitey. Naging kasintahan si Captain Green ni Lilibeth at si Whitey ay kay Dolly. Umalis ito at hindi niya alam na nabuntis niya si Dolly. Dinala ni Donya Julia si Dolly sa Hingkong para hindi mabuo ang nasa sinapupunan nito. Sinadya naman ni Mando si Magat para yayain sa itatayo niyang pahayagan na Kampilan. Naging katulong naman ni Don Segundo ang tiyuhin ni Mando na si Tata Pastor. Pinapagalitan niya si Pastor at tinaningan ito ng isang buwan dahil nakakampi ito sa mga magsasaka sa Asyenda Montero. Pag-uwi niya’y nandoon ang pinakamatandang lider ng magsasaka na si Mang Tumas at ang pinakabata na si Danoy. Agad niyang ibinalita dito na tinaningan na siya ng matanda. Nakausap naman ng reporter ng Kampilan na si Iman ang binugbog ng mga Kempetai noong panahon ng Hapon at wala ni isang trumulong sa kanya. Siya si Rubio. Nagpunta naman sina Mando at Magat sa Hacienda Montero at napuntahan nila ang bahay ni Tata Pastor at anak nito na si Puri. Hindi sinabi ni Mando na siya si Andoy.Kinapanayaman nila ito at sila Mang Tumas. Kasama nila si Dr. Sabio na pinuno ng Freedom Universtiy. Umalis din sila pagkatapos. Bumalik doon si Mando at ibinigay sa mag-amang Pastor ang ipinabibigay umano ni Mando. Hilig ni Segundo ang mag-poker. Kalaro niya ditto sina Obipo Dimas, Oscar Doblado, Senador Botin, Judge Pilato, at General Bayoneta. Sa laro nila ng poker noong hapon ay panalo si Obispo Dimas. Dumating naman si Dr. Sabio para sabihin kay Montero na nais bilhin ng Freedom University ang kanyang asyenda. Habang pinapatibay ang bill sa pilipinasyon ay nasa Otel Ritz na si Mando sa Paris. Gandang-ganda siya sa Paris. Isinusulat ni lahat sa kanyang diary ang mga nangyari sa kanyang paglalakbay. Nalibot niya na noon ang buong Europa. Madami na siyang natutunan sa kanyang paglalakbay. Habang nag-aaliw sila ni Helen ang katulong niya sa pag ng alahas ay nakita niya si Dolly. Noong pinipilit si Dolly ng kanyang kasama ay tinulungan siya ni Mando. Nag-date sila sa Paris at hindi siya nagpakilala na siya si Andoy. Dumating pa sa oras na binigay ni Dolly ang lahat kay Mando. Dumiretso si Mando sa Amerika pagkatapos. Hindi siya nakalilimot sumulat sa Pilipinas. Nakauwi na si Dolly sa Pilipinas. Buo na din ang mansion nilang pinagawa kay Pong Tua Son anak ni Son Tua. Pinaghanda siya ng party ng kanyang ama. Dumating doon ang president. Dumating din si Mando.Nakilala nila si Mando dahil ito ang lider ng Kampilan. Habang sa asyenda ay pinaalis na si Pastor

Page 15: SURING NOBELA

at ipinalit si Kapitan Pugot. Ganon pa din ang lagay ng mga magsasaka. At mas lumalala pa. Inanyayahan sila ni Mando na pumunta sa Maynila para sa isang miting kasama ang ibang kagaya nilang naghahanap ng katarungan. Nagpunta sila sa Plaza Miranda para mag miting. At paguwi nila ay pinagbintangan silang nanunog ng Hacienda Montero. Ikinulong ang mga lalaki at hindi pinakain. Nakatakas si Puri at ibinalita kay Mando ang nangyari. Nandoon din si Dolly at nagalit ito dahil naudlot ang tanghalian nila ni Mando. Kinausap niya si Puri at nalaman niyang taga-asyenda nila ito. Nagtalo silang dalawa kaya galit nag alit na umalis si Dolly. Hindi niya kinausap si Mando. Tumuloy si Puri sa dormitory ng Freedom University. Nakausap na din nila si Danoy ang isa sa pinaghihinalaan sa sunog. Nilipat ang mga bilanggo sa MP. Pinahirapan nila si Pastor ngunit hindi ito natinag. Nakaidlip si Pastor at pagkagising niya ay wala na si Mang Tumas. Walang nakakaalam kung nasan ito. Nagpunta si Iman sa asyanda at nalaman niyang pinatay na si Mang Tumas dahil nagtangka daw itong tumakas. Nasa Baguio naman ang pamilya Montero at iba pang mga kaibigan nito. Napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang illegal na negosyo. Sinabi ni Heneral Bayoneta na maaring makatulong si Dolly dahil malapit ito kay Mando. Kaya kinausap ni Don Segundo si Dolly at inaya nito si mando sa Baguio. Pumayag ito at nalaman na nila ang totoong pagkatao ni Mando. Na ito si Andoy. Pinalaya na ang mga magsasaka ng dinggin ang kaso nito. Sabay-sabay nilang inilibing si mang Tumas. Pagkatapos ay nakita ang dalawang civilian guard na pinatay. Pinaghinalaan ni Kapitan Pugot si Danoy o kaya si Pastor ang may gawa noon, Pinagbawalan lumabas kung gabi ang mga tao doon. PInaputukan niya ang mga taong natutulog at sinabing taong labas ang gumawa noon. Nasa Maynila noon sina Pastor at Puri. Madalas itong dinadalaw ni Mando. Isang araw ay may humarang sa kanya sa daan at muntik na siyang mapatay. May tama siya sa tagiliran at sa braso. Dinala siya sa ospital. Noon ay nagtago na ang mga may makangyarihan dahil sa nangyari kay Mando. Ipinagtapat na ni Mando kay Puri na sila ay mag-pinsan at siya si Andoy. Ipinagtapat niya na din ito kay Tata Pastor at sa iba. Namatay si Kapitan Pugot at nagkasakit si Don Segundo. Umuwi sina Dolly galing Hongkong. Sina Mando ay kinausap at nakasagutan ng Presidente. Namatay si Tata Pastor at iba ng paulanan ito ng bala habang sinusunog ang dummy nina Don Segundo.

Pagsusuring Pangnilalaman1. Ipakilala ang mga tauhan. Ilahad ang kanilang katauhan.Mando Palaridel – gerilyerong nakakuha ng alahas ni Simoun sa ilalim ng dagat, naglakbay sa

ibat-ibang lugar para ipagbili ito.Andoy – naging Mando Plaridel, dating naninilbihan sa mga Montero para siya ay pag-aralin.Dolly Montero – nag-iisang anak ni Don Segudo. Naging kasintahan ni Mando noong nasa Paris

siya. Maganda ito at kahili-halina.Lilibeth – ang kaibigang matalik ni Dolly. Biyuda at mestisa.Don Segundo Montero – mayamang ama ni Dolly, makangpayarihan ito at may asyenda.Donya Julia – asawa ni Don Segundo Montero. Puno ng mga alahas ang katawan.Tata Matyas – matandang nakatulong kay Mando para matuklasan ang kayamanan. Dating

gerilyero na nakatira sa bundok ng Sierra Madre.Tata Pastor – kamag-anak ni Mando at ama ni Puri. Naging alila din ng mga Montero, at naging

katulong ng mga magsasaka.

Page 16: SURING NOBELA

Karyo – naging kasama ni Mando sa paghahanap ng kayamanan, naging gerilyero dahil sa pansariling kaligtasan.

Martin – naging kasamahan ni Mando sa paghahanap sa kayamanan. Sakim ito at muntik ng patayin si Mando.

Magat – Naging kaibigan ni Mando. Lider ng mga gerilya sa Timog Luson. At nagkaroon ng posisyon sa Kampilan.

Dr. Sabio – matalino at pinuno ng Freedom University.Koronel Moto – naging kasintahan ni Dolly. Lider ng hapones sa Maynila.Whitey – naging kasintahan ni Dolly na nakabuntis sa kanya at iniwan siya pagkatapos.Mang Tumas – pinakamatandang lider ng magsasaka, kaibigan ni Tata Pastor.Danoy – pinakabata sa lider ng magsasaka, kaibigan din ni Tata Pastor.Son Tua – kasosyo ni Don Segundo sa mga illegal na Gawain.Pong Tua-Son – arkitektong anak ni Son Tua at binatang may gusto kay Dolly.Senador Maliwanag – pinakamatalino at makabayang mambabatas.Senador Botin – katulong ni Don Segundo sa mga illegal na gawain.Pugot – pumalit kay Pastor na mamahala sa asyenda Montero. Malupit at maitim ang budhi.Judge Pilato – kalaro ni Don Segundo sa poker.Heneral Bayoneta – kaibigan ni Segundo Montero. At manugang ni Son Tua.Gobernador Doblado – naging kasintahan ni Donya Julia.Rubio – kasama sa pahayagang Kampilan. Obispo Dimas – kalaro ni Don Segundo sa poker.Imam – ang reporter ng phayagan ni Mando.Tindeng – kanit ni Goberbador Doblado.Helen – naging katulong ni Mando sa pagbebenta ng alahas ni Simoun.Mike – katulong din ni Mando sa pagbebenta ng alahas. 2. Isa-isahin ang suliraning panlipunan na nakita sa nobela. Ipaliwanag.Ang suliranin sa nobela ay ang pagiging sakim ng mga nakakataas sa mga nakakababa sa kanila.

Ang pagsasamantala ng mga may-lupa sa namumuwisan. Katulad ni Don Segundo Montero, nagrereklamo ang mga namumuwisan sa kanyang lupa dahil hindi niya naibibigay ang mga -karapatan ng mga ito. Ang paggamit ng mga nasa puwesto sa gobyerno sa kanilang kapangyarihan para makakuha ng pera sa bayan. Sina Sendaor Botin at Heneral Doblado ay kapwa na sa mataas na pwesto sa gobyerno kaya nagagawa nila ang mga illegal na transaksyon kasama sina Montero at Son Tua. Ang isa pang suliraning panlipunan ay ang hindi tamang pagtrato ng mga mayayaman sa kanilang mga alila. Katulad ni Mando na dating Andoy. Lumayas siya sa bahay ng mga Montero dahil sa labis na pagmamaltrato sa kanya.

3. Iugnay ang mga suliraning panlipunan na nakita sa nobela sa kalagayan ng pilipinas ngayon.

Maiuugnay pa rin ang suliraning panlipunan sa pilipinas ngayon dahil madami pa din ang mgasakim sa pera. Madami pa din ang mapagsamantala na gaya ni Don Segundo. Problema pa din ang graft and corruption sa gobyerno. Madami pa din ang nasa puwesto na ginagamit ang pagiging opisyal nila sa gobyerno para sa negosyo ng mga illegal. Madami pa din ang mga katulong na minamaltrato ng kanilang

Page 17: SURING NOBELA

mga amo.At marami pa ding magsasaka sa bukid na naghahanap ng katarungan para sa kanilang karapatan katulad nila Tata Pastor.

BANGHAYSimula – Paglalarawan sa panahon

Saglit na Kasiglahan – “Magpapahinga lang ako, at sisisid uli” aniya kay Martin.“Bakit?,” sabik si Martin.“Sa tingin ko’y ‘yon ang ating hanap” ani ni Mando.“Kuwarta na!,” bulalas ni Martin na parang pagtuya at hindi pagkatuwa. “O bato?” Hindi

umimik si Mando.Nang makapagpanhinga’y muling lumusong si mando. Nasa taluktok na ang araw, ngunit

niwalang-bahala ni Martin. Halos ibig-ibig na niyang isuot ang mga gait ni Karyo upang sumisid na rin, nitong huli na mabighani sa magandang balita.

Isang oras uli ang nakaraan bago napansin ni Martin ang pagtantang sa lubid. Tila may kabigatan kaysa dati. Walang anu-ano’y sumungaw sa tubig ang bisera ni Mando at ito’y maliksing umakyat sa Bangka at tinulungan si Martin sa paghila ng lubid.

Tinalian pala ni Mando ng lubid ang kahang-bakal, nang mahukay na niya sa pagkakabaon at matanggal sa pagkakaipit sa mga bato. Ang kaha’y madali na nilang naiahon at nailulan sa Bangka.

Bahagya nang nakaramdam ng gutom ang magkasama, gayong noo’y ikalawa na halos ng hapon. Kumain sila ng kaunti, ngunit parang pinapaso si Martin.

“Atin ng buksan,” aniya, at lumapit sa kahangbakal “buksan na natin para masiguro kung ito nga. Baka . . . “

Ang kaban na anaki’y isang maletang makapal at may sadyang bitbitan din ay yari sa primera klaseng asero. Kung kinapitan man ng kalawang ang labis dahil sa nalagak nang mahabang panahon sa buhanginan at tubig na alat ng dagat, ay hindi naman naagnas, buo at matibay pa rin. Sa malas ay hindi pinasok ng tubig. Sa may bitbitan ay mababasa pa nang maliwanag ang mga titik na nakaukit na nagsasabing ang kahang ito’y yari sa isang siyudad sa Europa noong unang dako ng Siglo XIX. Nakaukit din sa ibabaw nito, sa malalaking-titik, ang : SIMOUN.

Kinakailangan tuklabin ang takip kung bubuksan, pagka’t nawala ang susi. Kinalawang na rin ang susian.

Tinanggal muna nila ang kalawang hanggang sa lumabas uli ang kintab ng asero.Pagkaraa’y isiningit ang tulis ng dalawang gulok sa pinakahiwa ng takip. Hindi lamang natinag

ang takip sa simula. Kanilang pinagtiyagaan at nilakhan ang bahagi ng gulok na nakasingit. Ang gulok ay marahan nilang pinukpok ng kaputol na bato at papasok na idinagison nang unti-unti. Sa kagagayo’y narinig nila ang langitngit ng talim ng gulok na kumikiskis sa asero. At kaginsa-ginsa’y sumunod ang takip ng kaban, bumuka, hanggang sa tuluyang mabuksan.

Inalis nila ang salaaming pagkit na nakapatong sa ibabaw. Biglang nabilad sa kanilang mga mata ang di matingkalang kayamanan ng balitang mag-aalahas sa El Filibusterismo. Tila inutusan nila ang

Page 18: SURING NOBELA

“geni” sa lamapara ni Aladino, at buhat sa mga bantog na tindahan ng hiyas sa Paris, sa London, sa Amerika, Indiya, Ehipto at Arabya, ay lansakang inialay sa kanila, sa isang bahagi ng gubat ng Sierra Madre, ang mga kayamanang yaon na napapanaginip lamang at hindi nasasalat ng kamay. Tunay na kahanga-hanga, kagulat-gulat, kagimbal-gimbal.

Ang kahangbakal ay may ilang parusyon at bawat partisyon o bahagi’y kinasisidlan ng magkakauring hiyas : mga sensing, hikaw, pulseras,at kuwintas sa isang sisidlan; mga batong lagas na binunuo ng brilyante, Esmeralda, rubi, sapino, perlas, topasyo, at iba pa sa ikalawang sisidlan, mga orasan, medalyang ginto, kurus, alpiler, himelo, kalupi at iba pa, sa ikatlong sisidlan; matatandang salaping ginto at mga di pangkaraniwang relikya sa ikaapat na sisidlan. Hindi halos matutuos kung bibilangin at mahirap tayahin kung hahalagahan.

Tapos na sa’tin ang giyera”, masayang bulalas ni Martin. “Ano apng ating kailangan?”“Ang kailangan nati’y pag-aralan kung ano ang dapat nating gawin,” sagot ni Mando.“Alam ko kung ano’ng aking gagawin,” sabi ni Martin. “Mahirap lang sa tao ang walang salapi.

Ngayong mayaman na’ko, magpapakasawa ako. Ali’t sino ang hindi ko maaaring bilhin?“Dahan-dahan, katoto”, payo ni Mando. “Pagkatapos nating ipasya ang dapat nating gawin,

kailangan nama’y pag-iingat at pag-iingat.Ayan ang kahang-bakal na puno ng kayamanan”, patuloy ni Mando, “kung biglang sumipot ditto ang isang pangkat ng Hapones ngayon, lagot tayo. Walang salang Walng sawang kukunin nilang lahat ‘yan at mabuti kung hindi tagpasin ang atingmga leeg”.

Saka lamang humina-hinahon si Martin, ngunit iginiit niyang paghatian na nila ang laman ng kahangbakal. Alinsunod sa kanya’y babalik siya sa Maynila sa lalong madali, at talastas niya kung paano pangangalagaan ang kanyang sarili.

Hiniling ni Mando na ipagpabukas na nila, sapagkat siya’y hinapo ng matagal na pagsisid at pag-aahon sa kahang-bakal. Napansin ni Martin na noo’y malapit na dumilim, kaya hindi na nagpilit.

Ikinubli nila ang kahang-bakal sa ilalim ng mga halamang naggugubat. Nang gabing yao’y maaga silang nagpahingalay.

Maghahatinggabi na nang pukawin si Mando ng ilang kaluskos. Bumangon siya at nilingap si Martin. Wala sa kanyang hinihigaan. Lumabas si Mando sa kanilang balangkas at nakiramdam. Gagasuklay pa ang buwan, ngunit lalong pinadilim ang kinaroroonan niya ngmasisinsing sanga at dahon ng kahoy.

Hindi siya nainip ng pakikimatyag. Walng anu-ano’y nakita niya ang isang aninong papalayo na bitbit ang kahong-bakal. Hinabol niya at nakilalang si Martin.

“Martin!”, tawag ni Mando, at ang tinig niya’y parang putok ng punglo sa pandinig niyon.Dagling huminto si Martin, inilapag ang kahangbakal, at binalikan si Mando. Pagkakadaiti nila’y

itinaga ni Martin ang hawak niyang gulok at sa naghaharing karimlan, ang talim nito’y sumayad sa kaliwang pisngi ni Mando. Yumakap si Mando kay Martin at sila’y nagpambuno. Sa malas ay nagagahi8s ang binata, at naramdaman niyang umaagos ang dugo sa kanyang mukha. Napatihaya si Mando at anyo siyang tatakaran ng gulok ng kalaban, ngunit maliksing ibinaluktot niya ang kanyang mga binti at binigyan ng ubos-diling sikad si Martin. Ito’y nasapol sa ilalim ng baba, kaya’t humagis, at ang likod ng ulo’y nabati sa isang malaking bato.

Nang makabangon si Mando at lapitan si Martin ay nakalugmok ito at bumubulwak ang dugo sa isang nakangangang sugat sa ulo. Tinangka ni Mandong lapatan ng pang-unang lunas, ngunit bago

Page 19: SURING NOBELA

sumikat ang araw ay wala nang pulso ang kasamang nagtangkang tumampalasan sa kanya. Nagbayad iyon nang mahal sa kanyang kasakiman at kataksilan.

Kasukdulan –Pinutol ni Pastor ang salitaan ng dalawa nang sabihin niyang tinaningan siya ni Don Segundo

nang isang buwan upang ipatupad ang bagong palakad sa asyenda, at malaman kung sinu-sino ang hindi komporme.

“Ngayon pa’y pwedeng seguraduhin na wala isa mang komporme”, tahas na pahyag ni Mang Tumas.

“Ganyan nga ang pangamba ko”, wika ni Pastor. “Ngunit maari ba n’yong sabihin, bukod senyong pagtanggi, kung ano naman ang gusto n’yo na maging batayan ng pagsasamahan sa asyenda? Mi hiwatig na ‘ko humigit-kumulang tungkol sa gastos at sa ani. Ngunit di nyo nabanggit sa’kin ang inyong pinagkaisahan nitong mga huling araw.”

“Kelan man, pareng”, sagot ni Mang Tumas, “di ka naming itinuring na iba, maging nang gawin kang katiwala ni Don Segundo. Ikaw e magsasakang paris naming, at seguro’y iisa ang istorya natin at ng ating mga magulang. Ang asyendang ito’y dating gubat. Hinwan at nilinis n gating mga ninuno, binungkal at tinamnan n gating mga magulang. At tayo ang nagmana ng gayong paninilbihan. Samantalang ang mga nag-ari ng lupang ito buhat sa mga prayle hanggang ki Don Segundo, e nakinabang nang katakut-takot. Tayo lang nagpawis ng dugo ang nanatili sa dalita. Ngayon, kalabisan kayang naisin nating makawala sa ganitong kaapihan?”

“Samakatwid . . . .,” haka ni Pator.“Ang gusto naming, pareng, e di lamang lupa kundi hustisya. Danga’t sa buhay ng isang

magsasaka, ang lupa’y siyang sagisag ng hustisya. Hindi na kaila sa iyong nagtayo kami ng isang kapisanan ng mga magbubukid. Ang layo’y lakarin sa gobyerno na bilhin ang asyendang ito at iba pang lupang sakahan, saka bahagihin sa mga magbubukid sa halaga ng pagkakabili. Babayaran naming nang hulugan na panagot an gaming ani. Kung mi sarili na kaming sakhan, ang bunga n gaming paggawa’y hindi na mapagsasamantalahan ng mga nabubuhay sa panghuhuthot. Maliwanag ba, pareng?”

“At kung walang salapi ang gobyerno?”, pasubali ni Pastor.“Di mawawalan ng salapi ang gobyerno kung gugustuhin”, turol ni Mang Tumas. “Ang sabihin

mo’y madalas nga siyang magtapon ng salapi sa mga walang kapararakang bagay. Saka ang lupang bibilhi’y di naman niya kailangang bayaran nang kaliwaan. Sa pasimula’y dapat tayahin muna ang tumpak na presyo ng lupa. Diyan ibatay kung magkano ang maaaring kitain nang mga tauhan. At yon lang ang dapat sagutan ng gobyerno sa maylupa, hanggang sa mabayaran ng buo.”

“Kung gayon”, hadlang uli ni Pastor, “kayo’y magiging kasama ng gobyerno, sa halip ng isang asenderong partikular.”

“Maaaring gayon sa umpisa hanggang di nalilipat ang lupa sa ‘min”, sang-ayon ni Mang Tumas.“Di ba ‘yon ang sinasabing ang dati ring aso, binago lang ang kolyar?” pansin ng katiwala.“Walang pagkakatulad,” puwing ng matandang magbubukid. “Ang propyetaryong particular,

paris ni Don Segundo, e walang hangad kundi ang makinabang lang. Ang malasakit niya sa isang kasama’y paris ng malasakit ng kutsero sa kanyang kabayo, o ng mananabong sa kanyang manok. Sa

Page 20: SURING NOBELA

isang dako, ang tunay na layunin ng gobyerno’y ang kapakanan ng madla, ang kasiyahan ng lalong marami. Maski na ang programang nagbubunsod nito’y pangulugihan niya sa salapi.”

“Mainam ang inyong palaisipan at panukala”, katig ni Pastor sa dakong huli. “Ang di ko makita’y ang katuparan. Una’y walang salang lalabanan ‘yan ni Don Segundo, liban kung babayaran siya ng halagang gusto niya. Ikalawa’y iba ang gobyerno at iba naman ang mga pinuno ng gobyerno. Ibig kong sabihi’y magiging higit na matimbang ang boses ni Don Segundo sa pagpapasya ng mga pinuno . . .”

“Tignan din natin,” hamon ni Mang Tumas. “Di sa lahat ng araw e panginoon ang kalansing ng pilak. Kung nagtutuos, ang pilak e talunan ng bakal . . .”

“Pareng Tumas!. . .”“Wala akong gusting sabihin, pareng, kundi pagka nabuklod ang maliliit, ang boses nila’y lalong

matunog kesa ilan mang Segundo Montero.”

Kakalasan – Ibinalita ni Mando na sa mga huling pagsisiyasat ng kinauukulang lupon ng Kongreso, na

pinanguluhan ni Senador Maliwanag, natuklasang ang Hacienda Montero at iba pang lupang-sakahan ay kabilang sa mga binili na ng gobyerno sa Mitra at sa mga dating naghahawak niyon. Nguni’t pagkaraan ng mga taon at dahil sa pakana ng mga tuso at sa kamangmangan ng mga magsasakang binigyan ng lupa, ay nalagom na naman at nabawi ng malalaki ang mga binahaging asyenda.

Dadalhin sa hukuman ang surilaning ito, at sa bias ng mga katibayang hindi mapupuwing, inaasahang kikilanlin ang karapatan ng gobyerno upang samsamin ang mga tinurang lupa. Lumilitaw na bagaman binili ni Don Segundo ang Hacienda Montero ay illegal ang bilihan, at hindi na kailangang isauli ang kanyang ibinayad, bagkus malamang pang siya ang singilin ng labis niyang pakinabang sa asyenda sa panahong siya ang naghahawak.

Sa bahaging ito’y isiningit ni Dr. Sabio na kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Segundo Montero tungkol sa balak na bilhin ang asyenda, sa pangalan ng Freedom University, ay dahil nga sa himatong ni Senador Maliwanag na ang Kongreso’y gagawa ng imbestigayon sa mga asyendang dating saklaw o bahagi ng mga lupang-prayle.

Kanyang sinabi na pinagkasunduan din nila ni Mando na kung ang Hacienda Montero at iba pang ari-aria’y mababawi ng gobyerno, lalong tumpak ang sa gobyerno na sila makipagintindihan.

“Samakatdwid,” patapos ni Mando, “ang asyendang ya’y maaari na nating bilhin sa gobyerno pagkatapos at pangasiwaan sa ikagagaling ng mga kasama at sa ikauunlad ng pagsasaka.”

Sa mga kaharap ay walang hindi nasiyahan at di kumatig sa balak na inilahad ni Mando Plaridel.

Wakas – Iniiwan sa Mambabasa

BISAa. Isip – “Ang pagiging sakim ay hindi magdudulot ng magandang resulta.”b. Aral – “Huwag maging sakim. Makuntento sa kung anong mayroon ka. Huwag gamitin ang

kapangyarihan para mapagsamantalahan ang maliliit na tao.”

Page 21: SURING NOBELA

c. Asal – “Hindi ako magiging sakim. At kung sakaling magkaroon ako ng kapangyarihan o kakayahan ay gagamitin ko ito sa tama.

Pagsusuring PampanitikanKlasismoPatunay- “Grasya ng Diyos”, masayang turing ni Karyo at sinimulan niyang pulutin ang mga niyog na nakakalat.Paliwanag- Teoryang klasismo ito dahil ginamit ni Karyo ang salitang Diyos. Ang teroyang ito ay tumutukos sa Diyos.Patunay- “Nangasawi sina Karyo at Martin,” paalala ni Tata Matyas “dahil sa mapag-imbot nilang hangarin. Ikaw ang nakaligtas, pagka’t malinis ang iyong bughi at banal ang ‘yong adhika. Pagpalain ka nawa ng Maykapal.”Paliwanag- Klasismo ito dahil binanggit ang salitang Maykapal.Patunay- “Samahan ka ng Diyos sa’yong paglalakbay,”Paliwanag- Teoryang Klasismo ito dahil binabanggit ang Diyos sa pangungusap.

RomantisismoPatunay- “Ang pag-ibig ko naman ang ‘yong baunin,” sabi ni Dolly, at ang alaala niya, na isang “locket” na gintong nag-iingat sa kanyang larawan, ay isinabit sa leeg ng kasintahang Hapones.”Paliwanag- Romantisismo ito dahil nagpapahayag ng pag-ibig. Ito ay isang tradisyunal na romantisismo. Mahal niya ang kanyang kasintahang Hapones kaya ipinabaon niya ditto ang kanyang pag-ibig.Patunay- “Na maging reyna ka ng aking buhay”Paliwanag- Romantisismo ito dahil nagsasabi ng pag-ibig. Sinasabi ng lalaki na nais niyang maging reyna ang kanyang minamahal.Patunay- Humingi ng pahintulot si Puri sa kanyang ama upang makapanatili sa pagamutan nang mahabang oras at makatulong sa sadyang nars ni Mando.Paliwanag- Romantisismo ito dahil nagpapakita ng pagmamahal ng babae sa kanyang minamahal na lalaki. Nais niyang bantayan si Mando dahil ayaw niyang mawala ito.

HumanismoPatunay- “Ginoong Magat, wala kaming kinalaman sa pagsiklab ng giyera,” sagot ni Andres. “Gaya ng sinomang tahimik na Pilipino, ang gusto nami’y kapayapaan.” Paliwanag- Humanismo ito dahil nagpapahaya g ng damdamin ng isang tao.Patunay- “Ang bunga ng lupa’y para sa lahat,” patuloy ni Rubio.Paliwanag- Humanismo ito dahil sa pagsasaad ngdamdamin ni Rubio. Sinasabi niya ang kanyang nararamdaman.Patunay- “Habang malaya si Kapitan Pugot, hindi ako makakatulog ng mahimbing”, pahabol ni Danoy, at ang kamay niyang nakasuntok ay ibinagsak sa mesa.”

Page 22: SURING NOBELA

Paliwanag- Nagpapahayag ito ng nadarama ng isang tao at sinasabi niya ang kanyang nararadaman para sa kanyang dignidad. Kaya ito ay isang Humanismo.Patunay- “Di pa nalagot ang animal na Mandong yan,” huling bigkas ni Don Segundo sa telepono nang malugmok siya’t sukat, ayon sa ulat ng pangyayari.Paliwanag- Humanismo ito dahil nagsasaad ng damdamin ng isang tao.FeminismoPatunay- “Mi nangyari na sa ‘min”, aniya.Paliwanag- Feminismo ito dahil nagpapakita ito ng isang kahinaan ng babae. Kapag mahal niya ang isang lalaki ay ibinibigay niya ang lahat sa kanya.Patunay- “Iyung-iyo ako,” masayang handog ng dalaga.Paliwanag- Nagpapakita ito ng kahinaan ng isang babae kaya ito ay Feminismo. Pinapakita na kapag ang isang babae ay nagmahal handa siya sa kahit ano.Patunay- “Pagkaraa’y isinubsob ang kanyang mukha sa dalawang niyang palad at malakas na tumatangis.Paliwanag- Nagpapakita ito ng kahinaan ng isang babae. Na kapag nasaktan ay iiyak na lang basta.

MarxismoPatunay- “Ang ayaw sa kondisyones ko’y lumayas. Hindi baling maggubat ang aking lupa kesa paglunggaan ng mga ahas na ‘yan.”Paliwanag- Marxismo ito dahil nagpapakita ng labanan ng mayaman sa mahirap. Dahil makapangyarihan ang may-ari ng lupa ay maaring niyang alisin ang ayaw niyang mahihirap.Patunay- “kung walang mapagsamantala’y hindi mahahati ang mundo sa mayaman at mahirap, hindi magkakaroom ng mga kawawang ina na maghapong nakasubsob sa bukid, sa labanan, sa gawaing mabibigat, at ng mapapalad na babaing maghapon sa kasiyahan, sa aliwan, sa karangyaan.”Paliwanag- Marxismo ito dahil makikitaan ng labanan sa mahirap at mayaman.

ModernismoPatunay- Nagpaalam si Dr. Sabio, at nang makaalis na’y nagbalik ang mga pokerista sa silid na aircontidioned.Paliwanag- Gumamit ng ingles na salita kaya naging Modernismo.Patunay- Habang hinihintay ang mga hiningi niya, inilabas ni Mando ang kanyang diary at siya’y sumandal sa isang sopa. Paliwanag- Modernismo ito dahil sa salitang ingles na diary.Patunay- Pinasaya ng kanilang bagong mansion at pasalubong kay Dolly, ang produkto ng “finishing school” sa Paris.Paliwanag- Gumamit ng salitang finishing school kaya naging Modernismo.

Page 23: SURING NOBELA

Teoryang Pilosopikal at Literatura

Klasismo“Grasya ng Diyos,” ito ang nasabi ni Karyo sa kanilang paglalakbay ng makakita siya ng mga niyog na nakakalat. Kasama niya sina Mando at Martin. Galing sila sa bahay ni Tata Matyas sa bundok ng Sierra Madre. Noong kinagabihan ay nasabi ni Tata Matyas kay Mando ang tungkol sa kayaman sa dagat ng Pacific. Susubukan itong hanapin ni Mando sa kanilang paglalakbay. Si Mando ay dating alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Umalis siya doon dahil sa labis na pagpapakasakit sa kanya ng pamilya. Napunta silang tatlo kay Magat. Doon nakakuha sila ng mga kagamitan para sa pagsisid sa ilalim ng dagat.

RomantisismoMay kaibigang hapon si Don Segundo na nagging kasintahan ni Dolly. Ito ay si Koronel Moto. Nagpaalam ito kay Dolly. Pinabaon ni Dolly ang kanyang locket sa Hapones at ang kanyang pag-ibig. Nagpakamatay si Koronel Moto pagkatapos.

KlasismoTuluyan na ngang nasisid ni Mando ang kayamanan. Pero nagbuwis ng buhay sina Karyo at Martin. Si Karyo dahil sa pating. At si Martin dahil sa pagiging sakim nito. Nagkatapat sila ni Mando at nasagutan niya ito sa kaliwang pisngi. “Nangasawi sina Karyo at Martin,” paalala ni Tata Matyas “dahil sa mapag-imbot nilang hangarin. Ikaw ang nakaligtas, pagka’t malinis ang iyong bughi at banal ang ‘yong adhika. Pagpalain ka nawa ng Maykapal.”

HumanismoTuluyan na ngang nakalaya ang pilipinas sa mga Hapon sa tulong ng mga Amerikano. Nahuli naman ni Magat ang lider ng Makapili na si Andres. Pinapaamin ito ni Magat ngunit itinatanggi nito na hindi siya maka-Pilipino. “Ginoong Magat, wala kaming kinalaman sa pagsiklab ng giyera,” sagot ni Andres. “Gaya ng sinomang tahimik na Pilipino, ang gusto nami’y kapayapaan.” Nakita ni Magat na may saysay ang sinasabi n glider ng Makapili. Kaya pinabayaan niya na lang ito.

FeminismoSa Amerikano naman napasailalim ang Pilipinas. Naging kaibigan ni Don Segundo si Whitey. Na naging kasintahan naman ulit ni Dolly. Nabuntis siya nito. Unang nakahalata si Donya Julia kaya pinalakas niya ang loob ni Dolly. Inamin niyang may nangyari sa kanila ng dati niyang kasintahan pero hindi ito nalaman ni Montero. Dinala niya si Dolly sa Hongkong at ipinalaglag ang batang dinadala nito.

MarxismoPinuntahan ni Mando si Magat para yayain sa tatayong pahayagan na Kampilan. Si Don Segundo naman ay galit na galit sa mga namumuwisan sa kanyang lupa. “Ang ayaw sa kondisyones ko’y lumayas. Hindi baling maggubat ang aking lupa kesa paglunggaan ng mga ahas na ‘yan.” Sinabi niy it okay Pastor dahil nag-aalsa ang mga magsasaka sa kanya. Tinaningan niya si Pastor ng isang buwan pag hindi nasunod ang gusto niya. Pag-uwi niya ay binalita niya ito salider ng magsasaka na si Mang Tumas at Danoy.

Page 24: SURING NOBELA

HumanismoNakapanayam ni Iman ang reporter ng Kampilan si Rubio. Ito ay dating tsuper ng huwes na binugbog at nilumpo ng mga Kempetai. Wala ni isa ang tumulong sa kanya. “Ang bunga ng lupa’y para sa lahat,” ito ang sinabi ni Rubo kay Iman sa pag-uusap nila. Habang si Mando naman ay iiwan ang Kampilan sa kanila dahil maglalakbay siya sa Europa.

KlasismoBago umalis ay nagpunta siya kasama ni Magat at Dr. Sabio sa Hacienda Montero. Kinapanayam nila sina Pastor, Mang Tumas, at Danoy. Naghinga ng sama ng loob ang mga magsasaka. Nalaman ni Mando na ito ang tiyuhin niya. Pero hindi niya ito sinabi. BUmalik si Mando doon para ibigay ang ipinabibigay umano ni Andoy. Pera at singsing ang dala niya. Nagpaalam na siya pagkatapos sa mag-ama. “Samahan ka ng Diyos sa’yong paglalakbay,” dalangin ni Tata Pastor.

ModernismoKalaro naman sa poker ni Don Segundo sina Judge Pilato, Heneral Bayoneta, Oscar Doblado, Obispo Dimas, at Senador Botin. Panalo si Obispo Dimas noong panahon na dumating si Dr. Sabio. Talo niya si Heneral Bayoneta. Nagkapalitang kuro si Dr. Sabio at Obispo Dimas. Pagkaraan ay itanong niya kay Montero ang tungkol sa pagbili sa lupa niya. Sinabing pag-iisipan ito. Nagpaalam si Dr. Sabio, at nang makaalis na’y nagbalik ang mga pokerista sa silid na aircontidioned.

ModernismoHabang abala ang lahat sa pilinas tungkol sa bill sa pilipinasyon ay nasa Otel Ritz na si Mando sa Paris. Nalibot niya na ang buong Europa. Gandang-ganda siya sa paris. Habang hinihintay ang mga hiningi niya, inilabas ni Mando ang kanyang diary at siya’y sumandal sa isang sopa. Sa diary niya sinulat ang lahat ng pinagdaanan niya sa ibat-ibang bansa.

FeminismoHabang naglilibot sila ng kanyang katulong sa pagbebenta ng alahas na si Helen ay nakita niya ang dati niyang naging amo na si Dolly. Nagkataon na nangailangan ito ng tulong. Nagkamabutihan sila sa Paris. Hindi siya nagpakilala ng tunay niyang katauhan. “Iyung-iyo ako,” masaya niyang handog kay Mando. Umalis din siya sa Paris at nagtungo ng amerika.

ModernismoNakabalik na si Dolly mula sa kanyang finishing school sa Paris. Buo na ang kanilang mansiyon. Nagdaos sila ng party at inimbita niya si Mando. Nandoon ang Presidente. Nahuli ng dating si Mando. Nalaman ng may mga posisyon doon na siya ang lider ng Kampilan. Nakausap siya ng Presidente. Umalis din si Mando agad.

RomantisismoInanyayahan ng Kampilan ang mga magbubukid na sumama sa miting sa Plaza Miranda upang ma miting. Dumalo ang mga magsasaka. Nagkaroon ng pagkakataon magkausap sina Mando at Puri. Sinabi ni Mando na nais niyang si Puri ang maging reyna ng kanyang buhay.

Page 25: SURING NOBELA

MarxismoPagkauwi ng mga magsasaka galling sa Plaza Miranda ay pinagbintangan silang nanunog ng asyenda. Ikinulong ang mmga lalaki. Nakatakas si Puri at pinuntahan si Mando. Naabutan niya doon si Dolly. Nagkasagutan sila. “Kung walang mapagsamantala’y hindi mahahati ang mundo sa mayaman at mahirap, hindi magkakaroom ng mga kawawang ina na maghapong nakasubsob sa bukid, sa labanan, sa gawaing mabibigat, at ng mapapalad na babaing maghapon sa kasiyahan, sa aliwan, sa karangyaan.” Sabi ni Puri kay Dolly. Galit na galit siyang umalis sa Kampilan at hindi kinausap si Mando.

HumanismoInilipat ang mga bilanggo sa MP. Pinahirapan si Pastor at pinatay si Mang Tumas. Galit nag alit si Danoy ng malaman niya ito. “Habang Malaya si Kapitan Pugot, hindi ako makakatulog ng mahimbing”, pahabol ni Danoy, at ang kamay niyang nakasuntok ay ibinagsak sa mesa. Nakalaya din ang mga bilanggo at sabay-sabay nilang nilibing si Mang Tumas. Kinabukasan ay may pumatay sa dalawang civilian guard. Inisip agad niKapitan Pugotna ito ay si Danoy o Pastor. Gumanti siya at pinagpapatay ang mga natutulog na tao.

FeminismoKasalukuyang nasa Baguio si Mando at Magat. Inimbitahan siya ni Dolly sa kanilang bahay doon. Ang totoo’y nais lang siyang makausap ni Don Segundo. Dahil naisip ni Heneral Bayoneta na maaring makatulong si Dolly dahil malapit it okay Mando. Dumating si Mando at nakasagutan niya si Don Segundo. Hindi sila nagkasundo. Ipinagtapat niya kay Dolly na siya ang dati nilang katulong na si Andoy. Hiyang-hiya si Dolly at pagkaraa’y sinubsob ang kanyang mukha sa dalawa niyang palad at malakas na tumangis. Tahimik na umalis doon si Mando.

RomantisismoMay nagtangka sa buhay ni Mando. May tama siya ng baril sa tagiliran at sa braso. Humingi ng pahintulot si Puri sa kanyang ama upang makapanatili sa pagamutan nang mahabang oras at makatulong sa sadyang nars ni Mando. Pero tumanggi ito at sinabing ayos lang siya. Ipinagtapat din ni Mando na magpinsan sila ni Puri. Na siya at si Andoy ay iisa. Pati kila Tata Pastor ay ipinagtapat na niya. Nagtago naman ang mga makakapangyarihan dahil sa nabuhay si Mando at makakapagsalita ito laban sa kanila.

Humanismo “Di pa nalagot ang animal na Mandong yan,” huling bigkas ni Don Segundo sa telepono nang malugmok siya’t sukat, ayon sa ulat ng pangyayari. Namatay na din Kapitan Pugot at nagtatago ang iba pa niyang kasama. Nagkasakit siya at hindi na niya pinakielaman ang Hacienda Montero. Samantalang sina Mando, Dr. Sabio at Maliwanag ay ipinatawag ng Presidente para kausapin. Nagtalo lang sila at hindi nagkasundo. Namatay naman si Tata Pastor at iba pang kasama ng paulanan ito ng bala habang sinusunog ang dummy ni Montero at iba pang kasosyo nito.