Filipino Thesis
-
Upload
sebab-pascual -
Category
Documents
-
view
253 -
download
10
description
Transcript of Filipino Thesis
PAGSUSURI SA MGA MAG-AARAL NA SUMASANGAYON AT DI SUMASANGAYON SA
REPRODUCTIVE HEALTH LAW SA LUNGSOD NG OLONGAPO
ISANG KRITIKAL NA PAPEL NA INIHARAP
KAY MR. RIMAN VILLANUEVA
ISANG PARSYAL NA PAGTUGON SA KAHILINGAN
SA ASIGNATURANG FILIPINO I
MGA TAGAPAGSALIKSIK
STRYVER HART PASCUAL
JOBELLE NAZARENO
RALPH RYAN BANAAG
AIVAN GRAJO
MARSO 2014
KABANATA 1
PANIMULA
INTRODUKSYON
Bakit nga ba lumalaki ang populasyon sa bansang Pilipinas? Anu kaya ang tunay na sanhi kaya ito
nangyayari. Mula nga ba sa kahirapan? O sa kawalan ba ng disiplina ng mga mamamayan. Malalaman natin sa
pagsusuri na ito ang sagot kung sangayon ba o hindi sangayon ang mga mamamayab.
Ang isinulong na batas para sa Reproduktibong Kalusugan (Reproductive Health na kilala bilang RH
Law) ang batas na ipinasa sa lehislatura ng Pilipinas na naglalayon na siguruhin ang pangkalahatang paglapit sa
mga paraan at impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at pangangalagang pang-ina. Ang batas na ito ay
naging sentro ng pambansang talakayan. Labindalawang taon nang pinagdedebatehan at nakabinbin ito sa
Kongreso, may 6 nang bersyon at 3 pangulo ng bansa na ang pinagdaanan. Ngunit ngayon ay pinagsama-sama
ang mga bersyon nito at ginawang isang panukalang batas. Ito ay binubuo ng. Panukalang batas ng kapulungan
Bilang 4244(House Bill No. 4244) o "An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible
Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes"(Ang Aktong
Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable Pagiging Magulan, Reproduktibong
Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa Iba pang mga Layunin) na ipinakilala ng representatibong si
Edcel Lagman ng Unang Distrito ng Albay. Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378)
"An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development"(Ang
Akong Nagbibigay ng Pambansang Patakaran tungkol sa Reproduktibong Kalusugan at Populasyon at Pag-
unlad) na ipinakilala ni Senador Miriam Defensor-Santiago.
Ang unang beses na ang isang panukalang batas tungkol sa Reproduktibong Kalusugan ay iminungkahi
noong 1998. Sa kasalukuyang ika-15 Kongreso ng Pilipinas, ang mga panukalang batas sa Reproduktibong
Kalusugan na inihain dito ay isinulat ng Pinunong Minoridad ng Kapulungan na si Edcel Lagmanng Albay
representatibong Dale Bernard Tuddao ng Iloilo, mga representatibo ng Akbayan na sina Kaka Bag-ao at
Walden Bello, representatibo Rodolf Biazon ng Muntinlupa, representatibo Augusto Syjuco ng Iloilo,
representatibo Luzviminda Ilagan ng Gabriela. Sa Senado, si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naghain ng
kanyang sariling bersiyon ng panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan. Noong Enero 31, 2011.
Sa ngayon ang batas na ito ay inaprubahan na ng bicameral conference committee makalipas ang
dalawang araw matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman kung sang-ayon ba o hindi sang-ayon ang mga
mamamayan ng Lungsod ng Olongapo sa Reproductive Health Law (RH Law) at upang malaman ang mga
tiyak na kasagutan o kanilang mga opinyon sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ang RH Law ba ay paraan/batas sa pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya?
2. Pabor ka ba sa RH law?
3. Nakakatulong ba ang RH Law sa imahe ng simbahang katoliko?
4. Maganda ba ang idudulot ng RH LAW sa buhay ng mga mamamayan ngayon?
5. Nakasalig ba ang RH Law sa batas ng Diyos?
6. Makakatulong ba ang RH LAW sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa?
7. Ito ba ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa?
8. Mas mainam ba ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives?
9. Dapat bang paboran ang RH LAW?
10. Sang ayon ka ba sa kasal muna bago ang sex?
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito na naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa kung sangayon ba o tutol ang
mga mamayan ng Lungsod ng Olongapo sa Reproductive Health Law (RH Law) Ang impormasyong
makakalap ay gagamitin upang magkaroon ng konkretong impormasyon kung maganda ba ang idudulot ng RH
Law sa mga mamamayan maging sa mga kabataan. Nilalayon din nito ang pagtalos kung nakakatulong ba ang
RH Law ang imahe ng simbahang katoliko o kung ito ay nakasalig sa batas ng Diyos. Kasama rin dito ang
paksang makakatulong ba ito sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa, sa solusyon para maiwasan ang paglobo ng
populasyon, kainaman ng natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives at ang pag-alam sa
opinyon patungkol sa kasal ba muna bago ang sex.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga tagapagsaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay makakalap ng
impormasyon na makakatulong sa kanila kung maganda ang magiging epekto ng RH Law sa mga mamamaya at
sa mga kabataan. Makakatulong din ito sa pangkasatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunan na
tungkuln na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga imporrmasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik
ng realisasyon na maaari nilang ipamahagi sa iba ang maling idudulot ng RH Law.
Sa mga mamamayan. Ang pagaaaral na ito ay makakatulong sa pagmulat sa mata ng mga mamamayan
ang maaaring maing masamang epekto ng pagpapatupad ng RH Law sa bansa.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral ay gagawin sa iba’t ibang baranggay at mga paaralan (Kolehiyo at Sekundarya) sa
Lungsod ng Olongapo. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap kung sangayon ba o hindi sangayon
ang mga mamamayan na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga
impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Pebrero hanggang Marso, sapat para makagawa
ng surbey hanggang ssa makabuo ng kongklusyon. Ang mga datos ay nagmula sa mga iba’tibang mag-aaral sa
Kolehiyo at Sekundarya sa Lungsod ng Olongapo na nasa Una hanggang ikaapat na antas na may kabuuan na
50 respondente.
LAPIT AT METODOLOHIYA
Lugar ng Pag-Aaral
Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa sa iba’t ibang Paaralan kabilang ang sekundarya at kolehiyo sa
Lungsod ng Olongapo. Ito ay ang Columban College, Lyceum of Subic Bay, Saint Joseph Colleges, Celtech
Colleges at Olongapo City National High School.
Disenyo ng Pag-Aaral
Deskribtibo ang disenyong ginamit ng mga tagapagsaliksik sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito ng
pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari
sa kasalukuyan at mga kasalukuyang tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga
kasalukuyang kondisyon. Ito a isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga
umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral, at ito nga ay ang RH Law.
Pagkuha ng Datos
Ang mga datos ay nagmula sa mga kasagutan o opinyon mula sa iba’t ibang mag-aaral sa Kolehiyo at
Sekundarya sa Lungsod ng Olongapo na nasa una hanggang ikaapat na antas na may kabuuan na 50
respondente. Sa pagkuha ng datos ang kanilang mga kasagutan o opinyon ay tinaya sa dalawang kasagutan, oo
at hindi mula sa sampung mga katanungan.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumento na ginagamit sa pag-aaral at pagsusuri ng mga datos ay talatanungan o survey
questionnaire. Mayroong sampung aytem o bahagi ang nilalaman ng talatanungan para sa mga mag-aaral ukol
sa RH Law.
Sa pagsusurimg mga datos, gumamit ng pagta-tally, total na kasagutan, porsyento at pormula ng average
na siyang sumusunod:
Average =Bilang ng Sagot ng Respondente
X 100Kabuuang Bilang ng Respondente
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Ang reproductive health, kalusugang pang-reproduktibo, ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang
pisikal, pangkaisipan at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito.
Nakapaloob dito ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais nilang
paraan sa pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas, epektibo at abot-kaya. Sinisiguro rin nito ang mga
serbisyong pangkalusugan na magsisiguro sa ligtas na pagbubuntis at panganganak ng mga kababaihan.
Ang Reproductive Health Law ay isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong magbigay ng
serbisyong pangreproduktibo para sa lahat. Kung maisasabatas, ipag-uutos nitong magtakda ang estado ng
pangkalahatang pondo upang maipatupad ang isang pambansang programang pangreproduktibo, kabilang ang
family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mga nabubuhay sa kahirapan.
Kabilang dito ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makakatulong sa pag-aagwat ng mga anak.
Nais din ng batas na bigyan ang mga mag-asawa ng angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano
ng pamilya na ligtas, epektibo, at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang
ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.
Nang nahalal bilang bagong presidente si Ginoong Noynoy Aquino, maraming tao ang muling nakakita
ng pag-asa at liwanag upang mabuhay ang bansa nating “namatay.” Naniniwala silang sa pamamagitan ni
President Noynoy Aquino at sa mga ipapatupad niyang gawain ay muling babangon ang Pilipinas. Isa sa mga
ito ay ang pagiging aktibo ng House Bill # 5043, Reproductive Health and Population Development Act of
2008, o mas kilala sa tawag na RH Bill. Ano nga ba ang RH Bill? Bakit maraming tao ang sumasang-ayon dito?
Bakit marami rin ang hindi? Ang RH Bill ay isang kautusang pinag-iisipan pang ipatupad sa pamahalaan.
Sinasaad dito ang awtoridad ng media upang ipatalastas sa publiko ang pag-gamit ng contraceptives at birth
controllers. Ngunit bakit lumaki ng husto ang issue tungkol dito? Bakit pag shampoo, sabon, pagkain, o damit
ang inilalabas ng media sa publiko ay hindi naman lumalaki ang usapan? Dito pumapasok ang konsepto ng
Simbahan. Naniniwala ang Simbahan na ginawa ng Diyos ang katawan ng tao para sa pagpaparami at hindi para
sa sarap. Naniniwala rin sila na ang katawan ng tao ang siyang templo ng Diyos. Kung saka-sakaling ipatupad
ang RH Bill, marami ang gagamit nito at patuloy lang nilang babastusin ang templo ng Diyos.
Isang tagumpay ng sektor ng kababaihan ang paglagda ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa
Reproductive Health (RH) Bill nitong Disyembre 21.
Ayon kay Senator Pia Cayetano, pangunahing may akda ng RA 10354 (Responsible Parenthood and
Reproductive Health Act of 2012), malaking tagumpay para sa kababaihan ang bagong batas, at magbibigay ng
proteksiyon sa bawat pamilyang Pilipino. Magiging epektibo ang naturang batas sa Enero 5, 15 araw matapos
itong lagdaan ng Pangulo at mailathala sa dalawang pahayagan.
Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, sinadyang hindi nagdaos ng signing ceremony sa
RH Law, tulad ng abiso sa kanila ng Malacañang, ngunit ayon sa ilang kongresistang pabor sa kontrobersiyal na
batas, ginawa ito ng Pangulo upang hindi masaktan ang Simbahang Katoliko, na mariing tumututol sa nasabing
panukala.
Sa ilalim ng RH Law, ginagarantiyahan ang access sa ligtas, legal, abot-kaya nonabortifacient, epektibo
at dekalidad na reproductive health care services.
KABANATA II
PAGLALAHAD NG MGA DATOS AT PAGSUSURI
PAGLALAHAD NG MGA DATOS
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga paglalahad ng mga opinyon o mga kasagutan na nakalap
mula sa survey na ipinamahagi sa 50 katao patungkol sa RH Law. Narito ang mga kasagutan o opinyon ng mga
sumagot sa survey patungkol sa RH Law:
1. Ang RH Law ba ay paraan/batas sa pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya?
- Ang mga opinyon ng mga taong sumagot sa surbey na ito patungkol sa RH Law ay, limampu (50)
ang ang may opinyon na ang RH Law ay paraan/batas pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa
pamilya.
2. Pabor ka ba sa RH law?
- Sa tanong na ito dalawampu’t walo (28) ang pabor sa RH Law at dalawampu’t dalawa (22) naman
ang hindi pabor.
3. Nakakatulong ba ang RH Law sa imahe ng simbahang katoliko?
- Tatlongpu’t pito (37) ang sumagot ng nakakatulong ang RH Law sa imahe ng simbahang katoliko, at
labintatlo (13) lamang ang sumagot ng hindi.
4. Maganda ba ang idudulot ng RH LAW sa buhay ng mga mamamayan ngayon?
- Dalawampu’t anim (26) ang nagsabing maganda ang idudulot ng RH Law sa buhay ng mga
mamamayan ngayon at dalawampu’t apat (24) naman ang nagsabing hindi maganda ang idudulot
nito.
5. Nakasalig ba ang RH Law sa batas ng Diyos?
- Dalawampu’t apat (24) ang sumagot na nakasalig ang RH Law sa batas ng diyos, dalawampu’t
anim (26) naman ang nagsabing hindi.
6. Makakatulong ba ang RH LAW sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa?
- Tatlongpu’t dalawa (32) ang nagsabing makakatulong an RH Law sa pagpuksa ng kahirapan sa
bansa, at labimwalo (18) lamang ang nagsabing hindi ito makakatulong.
7. Ito ba ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa?
- Dalawampu’t tatlo(23) asa mga respondente ang nagssabing ang RH Law ang tanging solusyon
upang iwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa, dalawampu’t pito (27) naman ang nagsasabi na
hindi.
8. Mas mainam ba ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives?
- Apatnapu’t lima (45) ang nagsasabing mas mainam ang natural family plaaning kaysa sa paggamit
ng contraceptives, lima (5) lamang ang sumagot ng hindi ito mainam.
9. Dapat bang paboran ang RH LAW?
- Tatlompu’t walo (38) sa mga respondent ang nagsabing dapat paboran ang RH Law at labindalawa
(12) lamang ang nagsabing hindi.
10. Sangayon ka ba sa kasal muna bago ang sex?
- Sa mga sumangayon sa kasal bago ang sex, tatlumpu’t tatlo (33) sa mga respondente ang sumagot ng
oo, at labimwalo (18) naman ang sumagot ng hindi
PAGSUSURI
Ang mga sumusunod ay ang paglalahad ng pagsusuri mula sa mga datos na nakalap patungkol sa RH
Law. Narito ang talaan ng kanilang mga kasagutan o opinyon:
Mga Opinion ng mga Respondente Patungkol Sa RH BillKasagutan
Oo %Hind
i%
1Ang RH Law ba ay paraan/batas pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya?
50 100% 0 0%
2. Pabor ka ba sa RH law? 28 56% 22 212%
3. Nakakatulong ba ang RH Law ang imahe ng simbahang katoliko? 37 74% 13 248%
4.Maganda ba ang idudulot ng RH LAW sa buhay ng mga mamamayan ngayon?
26 52% 24 204%
5. Nakasalig ba ang RH Law sa batas ng Diyos? 24 48% 26 196%
6. Makakatulong ba ang RH LAW sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa? 32 64% 18 228%
7.Ito ba ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa?
23 46% 27 192%
8.Mas mainam ba ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives?
45 90% 5 280%
9. Dapat bang paboran ang RH LAW? 38 76% 12 252%10.
Sang ayon ka ba sa kasal muna bago ang sex? 32 64% 18 228%
TOTAL NA KASAGUTAN 335 670AVERAGE NA KASAGUTAN 134 354.5
BILANG NG MGA RESPONDENTE 50 PORSYENTO 475.35% 0%
100%
Pagsusuri ayon sa mga datos:
1. Lahat ng respondente ay nagsabi na ang RH Bill ay paraan/batas pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano
sa pamilya.
2. Mas madami ang pabor sa RH Law.
3. Mas makakatulong ang RH Law sa simbahang katoliko.
4. Maganda ang idudulot ng RH Law sa mga mamamayan ngayon.
5. Mas madami ang ang nagsabi na hindi nakasalig ang RH Law sa batas ng Diyos.
6. Makakatulong ang RH Law sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa.
7. Hindi lang RH Law ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon sa bansa.
8. Mas mainam ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives.
9. Dapat paboran ang RH Law.
10. Mas madami ang sumasangayon sa kasal muna bago ang sex.
Malalim na pagsusuri sa mga datos:
1. Sa malalim na pagsusuri sa mga datos, mapapansin na mas marami ang sumagot ng oo sa talatanungan.
Mayroong tatlongdaan at tatlumpu’t limang (335) total na kasagutan na oo. Ito ay may tatlumpu’t tatlo
punto lima (33.5) average na kasagutan at may animnapu’t pitong porsyento (67%) mula sa limampung
(50) respondente ng talatanungan patungkol sa RH Law.
2. Mapapansin na ang aytem1 ang nangunguna sa nga 10 katanungang sinagot ng mgarespondente sa
survey. Nagpapakita lamang na ang opinyon nga mga rspondente sa RH Law ay payungkol sa
paraan/batas pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya. Itoay may kaukulang 100 porsientong
kasahutan at maituturing na pinakamataas na ranko.
3. Mapapansin na mas marami ang sumagot pabor sa mgakatanungan patungkol sa RH Law. Walong (8)
aytem (ang mga aytem 1, 2, 3, 4, 6, 8, 9, at 10) sa talatanungan ang nakatanggap ng positibong
kasagutan, at ang mga ito ay:
aytem 1 - Ang RH Law ba ay paraan/batas pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya?
aytem 2 - Pabor ka ba sa RH law?
aytem 3 - Nakakatulong ba ang RH Law ang imahe ng simbahang katoliko?
aytem 4 - Maganda ba ang idudulot ng RH LAW sa buhay ng mga mamamayan ngayon?
aytem 6 - Makakatulong ba ang RH LAW sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa?
aytem 8 - Mas mainam ba ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives?
aytem 9 - Dapat bang paboran ang RH LAW?
aytem 10 - Sang ayon ka ba sa kasal muna bago ang sex?
4. Samantalang dalawang (2) aytem (ang 5 at 7) lamang ang may kasagutang negatibo, at ang mga ito ay:
aytem 5 - Nakasalig ba ang RH Law sa batas ng Diyos?
aytem 7 - Ito ba ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa?
5. Mapapansin na mas kaunti ang sumagot ng hindi sa talatanungan. Mayroong lamang isang daan at
animnapu’t lima (165) total na kasagutan na hindi. Ito ay may labing-anim punto liima (16.5) average na
kasagutan at may tatlumpu’t tatlo (33%) mula sa limampung (50) respondente ng talatanungan
patungkol sa RH Law.
Kabanata III
Pagbubuod At Rekomendasyon
Rekomendasyon
Sa pag-aaral na ito natuklasan ang iba’t-ibang resulta sa batay sa mga sagot ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang kolehiyo at mataas na paaralan sa Lungsod ng Olongapo.
Ang RH Law ay paraan/batas sa pagpipigil sapagbubuntis at pagpapalano sa pamilya
Ang mga mag-aaral sa lungsod ng Olongapo ay pabor sa Rh Law.
Ang RH Law ay malaking tulong sa simbahang katoliko.
Ang RH Law ay may magandang idudulot sa mga mamamayan maging sa buong bansa.
Ang RH Law din ay isa sa mga paraan upang puksain ang kahirapan sa bansa.
BIBLIYOGRAPI
http://ctl-apologetics.blogspot.com/2010/12/rh-bill-filipino-version.html
http://www.plcpd.com/ang-katotohanan-ukol-sa-rh-bill
http://thefilipinoservant.wordpress.com/2011/05/21/rh-bill-ang-sagot-sa-kahirapan/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Batas_sa_Responsableng_Pagkamagulang_at_Kalusugang_Reproduktibo_ng_2012
http://www.plcpd.com/ang-katotohanan-ukol-sa-rh-bill/
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/05/19/ang-kontrobersiyal-na-rh-bill/
http://www.balita.net.ph/2012/12/31/rh-law-tagumpay-ng-kababaihan/
APPENDIKS
LYCEUM OF SUBIC BAY
Subic Bay Freeport Zone
PAGSUSURI SA MGA MAG-AARAL NA SUMASANGAYON AT DI SUMASANGAYON SA
REPRODUCTIVE HEALTH LAW SA LUNGSOD NG OLONGAPO
“TALATANUNGAN”
Ang pag-aaral na ito upang mailabas ang mga saloobin ng mga mag-aaral patungkol sa RH Law.
Kailangan sagutin ng maayos ang mga tanong
Pangalan____________________ Petsa_________________________
1. Ang RH Law ba ay paraan/batas sa pagpigil sa pagbubuntis at pagpaplano sa pamilya?
2. Pabor ka ba sa RH law?
3. Nakakatulong ba ang RH Law sa imahe ng simbahang katoliko?
4. Maganda ba ang idudulot ng RH LAW sa buhay ng mga mamamayan ngayon?
5. Nakasalig ba ang RH Law sa batas ng Diyos?
6. Makakatulong ba ang RH LAW sa pagpuksa ng kahirapan sa bansa?
7. Ito ba ang tanging solusyon para maiwasan ang paglobo ng populasyon ng bansa?
8. Mas mainam ba ang natural family planning kaysa sa paggamit ng contraceptives?
9. Dapat bang paboran ang RH LAW?
10. Sang ayon ka ba sa kasal muna bago ang sex?