Filipino 102

24

description

fil 102- linggwistika

Transcript of Filipino 102

Page 1: Filipino 102
Page 2: Filipino 102

PANIMULANG LINGGWISTIKA

FILIPINO 102

Page 3: Filipino 102

- Paraan ng pag-aaral ng wika sa makaagham na kaparaanan. Nagkakaroon ng pag-aanalisa sa aktwal na paggamit ng wika pasalita o pasulat man

LINGGWISTIKS

Page 4: Filipino 102

1. SINKRONIKS NA LINGGWISTIKA (SYNCHRONIC LINGUISTICS)- Tumatalakay sa aktwal

na paggamit ng sintaks ng wika na tinatawag ding descriptive o structural linguistics

DALAWANG KAPARAANAN NG PAG-AARAL NG WIKA

Page 5: Filipino 102

2. HISTORIKAL LINGGWISTIKS- sinusuri at inaalam ang

mga pagbabago ng panahon sa paglipas ng iilang daan-taon

Page 6: Filipino 102

Linggwista- tawag sa mga taong nag-aaral ng wika

POLYGLOT- Tawag sa taong maraming alam sa wika

Page 7: Filipino 102

Mambabalarilang Hindu ang kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.Sa mga wikang Griyego at Latin unang nagkaanyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito.Ika-19 na siglo naging malaganap ang linggwistika.Linggwistikang Historikal ang kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong mapapatotohanan ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan.

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA DAIGDIG

Page 8: Filipino 102

Napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig gamit ang linggwistikang historical.Si Blumentritt ang nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo.

Page 9: Filipino 102

Linggwistikang Istruktural ang sumunod sa historical na nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.

1870 – lumitawang IPA (International Phonetic Alphabet) na may humigit- kumulang 400 na simbolo bunga ng pangangailangan ng mga dalubwikang mga simbolong pamponetika at pamponemika nakakatawan sa iba’t ibang tunog.

Page 10: Filipino 102

1925-1955 nang lumaganap ang linggwistikang istruktural kung saan lumitaw ang ponema, na nagbibigay kapayakan sa pag-aaral ng palatunugan, at morpema, na nagbibigay kapayakan naman sa palabuuan ng salita ng isang wika.

Page 11: Filipino 102

Logical syntax na mas kilala sa transformational o generative grammar ang sumunod na lumitaw bunga ng pangangailangan ng mga philosophers, psychologist, anthropologist, at engineers ng wika na magagamit sa pagpapahayag ng karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na paraan.

Page 12: Filipino 102

Si Zelling Harris ang nakilalang nagunguna sa disiplinang ito, kung saan tinaguriang transistional figure mula sa linggwistikang istruktural tungo sa linggwistikang heneratibo.

Anthropological linguistic ang sumunod na modelong lumitaw na napaloob naman ang tagmemic model na nagbibigay-diin sa anyo (form) at gamit (function) ng wika.

Page 13: Filipino 102

Phrase-structure transformational generative model na sinasabing nag-ugat sa logical syntax, ang sumunod sa tagmemic model na nagbibigay-diin sa pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita sa kanyang sariling wika kung saan si Noam Chomsky ang namumukod-tangi sa disiplinang ito.

Generative semantics ang sumunod na lumitaw na nagbibigay-diin naman sa kahulugan na pinangungunahan ni Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe atb.

Mathematical o computational linguistics ang pinakahuling lumitaw na disiplina sa linggwistika na kasalukuyan ay hindi pa gaanong nalilinang.

Page 14: Filipino 102

D. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS

A. Panahon ng Kastila

Isinagawa ng mga misyunerong kastila, karamihan ay mga Heswita at Dominikano, ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas sa layuning mapalaganap ng mabilis ang kristyanismo.

Ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594 ang pinakadahilan kung kaya napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo.

4 na Orden: Kabisayaan - Agustinian at Jesuitas; Pampangan at Ilocos – Agustinian; Instik, Lalawigan ng Pangasinan at Cagayan – Dominican; Kabikulan – Franciscan.

Page 15: Filipino 102

B. Panahon ng Amerikano

Mga sundalong Amerikano ang nagsagawa ng pag-aaral sa wika sa layuning maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.

Pumalit sa sundalong amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa pagsusuring-wika nang pinalitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang military noong 1901.

Lumitaw angThe RGH Law In Philippine Languages noong 1910 at The Pepet Law in Philippine Languages noong 1912 ni Conant, kung saan tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Isa si Blake sa mga nangungunang linggwista sa larangan ng descriptive linguistics na naatasan ng pamahalaang Amerika na mag-aaral ng wika sa Pilipinas sa pamamagitan lamang ng mga impormante sa layuning makapagturo sa mga Amerikanong may balak magtungo sa Pilipinas.

Page 16: Filipino 102

Ang gramatika sa Tagalog ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas.

Ang Language noong 1933 ni Bloomfield na kinapalooban ng mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalog na sinasabing higit na maagham kaysa pag-aaral ni Blake, ang itinuturing na pinakamahalagang ambag nito sa linggwistika sa Pilipinas.

Si Cecilio Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistang Filipino na nagbibigay-daan sa taguri nitong “Ama ng Linggwistikang Filipino”.

Ang naipalimbag na manwal hinggil sa gramatika ng Wikang Pambansa, na nakabatay pa sa Tagalog, ang pinalamalaking ambag ni Lopez sa linggwistikang Pilipinas.

Page 17: Filipino 102

C. Panahon ng Kalayaan

3 Mahahalagang Pangyayari na Nakakaimpluwensya sa Pag-unlad ng Linggwistika sa Pilipinas:

1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong 1953 na nagbibigay-daan sa maraming linggwistang misyunero na magtungo sa Pilipinas upang mag-aral ng iba-ibang wika gamit ang mga karunungang nakamit buhat sa maunlad na paaralan ng Amerika.

2. Ang pagkakatatag ng Philippine Center For Language Study sa ilalim ng pamamahalang DECS (DEpEd) ng Pilipinas at University of California-Los Angeles, bunga ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles.

3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Filipino pagkaraan ng 1960 na mauuri sa dalawa:- Ang mga linggwistang nagsipagtapos sa US.- Mga linggwistang nagsipagtapos sa Pilipinas

Page 18: Filipino 102

3 Modelo sa Paglalarawang-Wika sa Pilipinas

1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan ng Tagalog.

2. Modelong Tagmemic ni Kennenth L. Pike

3. Modelong Transformational-generative ni Chomsky.

 

Page 19: Filipino 102
Page 20: Filipino 102
Page 21: Filipino 102
Page 22: Filipino 102
Page 23: Filipino 102
Page 24: Filipino 102