filipino poems

24
TALAMBUHAY NI AMADO V. HERNANDEZ ISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas. Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito. Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang- kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal. Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947. Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna- unahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 MARTINEZ, Jared S. // IV-PhotonIka-23 ng Pebrero, 2015

description

poems 4th quarter fili

Transcript of filipino poems

TALAMBUHAY NI AMADO V. HERNANDEZISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siyay isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas.

Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na Sariling Hardin. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi sa pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang Sariling Hardin sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang Balagtasan hinggil sa lumang usapin ng lahi. Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito.

Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.

Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947.

Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna-unahang stay-in strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay Manggagawa at Seguridad! at Ibagsak ang Imper-yalismo! Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa.

Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa kanilang binuong Workers Institute na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon, Impormasyon at Panana-liksik.

Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado. Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayoy Camp Aguinaldo) bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang rebellion complexed with other crimes. Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kayay siyay nakulong ng limang taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang Isang Dipang Langit.

Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala.

Mula 1958 hanggang 1961, nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula.

Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang war criminal sa Biyetnam.

Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang muli at naging editor ng Ang Masa.

Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas.

MARTINEZ, Jared S. // IV-PhotonIka-23 ng Pebrero, 2015

Isang Dipang Langitni: Amado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!

Aklasanni: Amado V. Hernandez

I

Nangatigil ang gawain sa bukirin. Nagpapahinga ang makina sa pabrika. Natiwangwang ang daunga't pamilihan. At sa madla ay nagbanta ang dalita. Nangalupaypay ang puhunan at kalakal. Nangasara ang lahat na Welga! Welga! Bawa't sipag, bawa't lakas ay umaklas. Diwang dungo't ulong yuko'y itinayo. Ang maliit na ginahis ay nagtindig. Pagka't bakit di kakain ang nagtanim? Ang naglitson ng malutong, patay-gutom. Ang nagbihis sa makisig walang damit. Ang yumari ng salapi'y nanghihingi. Ang gumawa ng dambana'y hampas-lupa. Ang bumungkal niyang yaman, nangungutang.

II

Bakit? Bakit laging lupig ang matuwid? Di nasunod pati Dios na nag-utos. Di tinupad, binaligtad pati batas. Ah, kawawa ang paggawa at ang dukha. Laging huli, laging api, laging bigti! Ang aklasa'y di tagumpay, kung sa bagay. Nalilibid ng panganib, dusa't sakit. Pagka't ito ay simbuyong sumusubo. Pagka't ningas na nagliyab at sumikab. Pagbabangon ng ginutom at inulol. Himagsikan ng nilinlang at pinatay. Buong sumpa, poot, luha, ng paggawa. Katapusan ng kasama't pangangamkam. At sa wakas, bagong batas, bagong palad!

III

Nguni't habang may pasunod Na ang tao'y parang hayop, Samantalang may pasahod Na naki'y isang limos, Habang yaong lalong subsob At patay sa paglilingkod Ay siyang laging dayukdok, Habang pagpapabusabos Ang magpaupa ng pagod, Habang daming nanananghod Sa pagkaing nabubulok Ng masakin at maramot, Habang laging namimintog Sa labis na pagkabusog Ang hindi nagpawis halos, At habang may walang takot Sa lipunan at Diyos, At may batas na baluktot Na sa ila'y tagakupkop, Ang aklasan ay sisipot At magsasabog ng poot, Ang aklasa'y walang lagot, Unos, apoy, kidlat, kulog, Mag-uusig, manghahamok Na parang talim ng gulok, Hihingi ng pagtutuos Hanggang lubusang matampok, Kilalani't mabantayog Ang katwirang inaayop, Hanggang ganap na matubos Ang Paggawang bagong Hesus Na ipinako sa kurus.

TATA SELOni: Rogelio SikatMaliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.

Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isay naghahangad makalapit sa istaked.

Totoo ba, Tata Selo?

Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.

Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo, umiling na wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko mapaniwalaan.

Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.

Bakit niya babawiin ang aking saka? tanong ni Tata Selo. Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi bat kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?

Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga si kabesa, anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.

Binabawi po niya ang aking saka, sumbong ni Tata Selo. Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?

Kumumpas ang binatang mayaman. Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.

Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

Ako poy hindi ninyo nauunawaan, nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, Besa. Totoo pong akoy matanda na, ngunit ako po namay malakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po nyong putok sa aking noo, tingnan po nyo.

Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraay tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.

Pano po bang nangyari, Tata Selo?

Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

Pinutahan niya ako sa aking saka, amang, paliwanag ni Tata Selo. Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wikay tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?

Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

Patay po ba?

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

Pano pa niyan si Saling? muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. Pano po niyan si Saling?

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.

Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang nooy di pa nag-aalisang tao.

Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.

Patay po ba? Saan po ang taga?

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.

Saan po tinamaan?

Sa bibig. Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. Lagas ang ngipin.

Lintik na matanda!

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.

Mabibilanggo ka niyan, anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.

Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\

Pano nga bang nangyari? kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

Binabawi po niya ang aking saka, Presidente, wika ni Tata Selo. Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.

Alam ko na iyan, kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.

Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.

Ako po naman, Presidente, ay malakas pa, wika ni Tata Selo. Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.

Saan mo tinaga ang kabesa?

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako poy talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako poy lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.

Bakit po naman, Besa? tanong ko po. Ang wikay umalis na lang daw po ako. Bakit po naman, Besa? tanong ko po uli, malakas pa po naman ako, a. Nilapitan po niya ako nang tinungkod.

Tinaga mo na non, anang nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin may mga eskribiyente pang nakapasok doon ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.

Ang inyong anak, na kina Kasesa raw? usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.

Tinatanong ka, anang hepe.

Lumunok si Tata Selo.

Umuwi na po si Saling, Presidente.

Kailan?

Kamakalawa po ng umaga.

Di bat kinatatulong siya ron?

Tatlong buwan na po.

Bakit siya umuwi?

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.

May sakit po siya?

Nang sumapit ang alas-dose inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.

Napatay mo pala ang kabesa, anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.

Binabawi po niya ang aking saka, katwiran ni Tata Selo.

Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.

Tinungkod po niya ako nang tinungkod, nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.

Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e, sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyoy dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.

Dadalhin ka siguro sa kabesera, anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. Doon ka siguro ikukulong.

Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niyay may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo, patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.

Patayon na rin ninyo ako, Presidente. Paos at bahagya nang marinig ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.

May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isay nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at itoy ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.

Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

Hindi ka na sana naparito, Saling wika ni Tata Selo na napaluhod. May sakit ka Saling, may sakit ka!?

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.

Umuwi ka na, Saling, hiling ni Tata Selo. Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...

Kinabog kagabi, wika ng isang magbubukid. Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.

Ang anak, dumating daw?

Naki-mayor.

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siyay maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapay ilang sandali ring iyoy tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.

Tata Selo...Tata Selo...

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.

Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.

Nandon, amang, si Saling sa Presidente, wika ni Tata Selo. Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo. Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang batay saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraay takot na bantulot na sumunod...

Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Seloy wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na matay tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayoy hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila...

MANGGAGAWAni: Jose Corazon de JesusBawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapandayalipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinangtandang ikaw ang may gawa nitong buong SantinakpanNang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingawnang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,si Puhunan ay gawa mo kaya ngayo'y nagyayabang.Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasanmula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalawhanggang hukay ay gawa mo ang kurus na nakalagay.Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghalpagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangaldinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.Mabuhay ka ng buhay na walang wakas, walang hanggan,at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

MANGGAGAWAni; Aniceto F. Silvestre

Mukha:butuha't kulubot;dibdib:malapad, matambok;bisig:matigas, ugatan;palad:maputla, magaspang;ang tuhod:matigas;ang paa:matatag.

Kaya pala gayon,sa sandaigdigay siya ang may-pasansiya ang may-hatid sa katiwasayan. . .At sa bawat bakasng kamay at paa sa dinaraanan,malalaking pataktumutulong pawis ang nangaiiwan;at habang ang lahatay nagpapasasa at nagtatawanan,siyay laging gutom:gutom sa ginhawa at uhaw sa layaw,gayong ang lahat na ay sa kanya utang.

PAGLILITIS NI MANG SERAPIOni :Paul Dumol

Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) O, sige na.

Ikalawang Tagapagtanong: Sige. (Lalakad sila sa harap ng kanilang mesa)

Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin ang isang paglilitis, dahilay ang krimen ng isang pulubing huling- huli namin. Si Mang Serapiong pisak at surutin. (Tatakbo sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito agad!

(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang bantay si Mang Serapio sa gitna ng silid at iiwan doon. Katahimikan.)

Unang Tagapagtanong: Magandang gabi, ginoo.

Serapio: Magandang gabi rin ho. (Sandaling titigil) Mga ginoo

Dalawang Tagapagtanong: Silencio!

Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita habang kamiy nagsasalita.

Ikalawang Tagapagtanong: Bastos ang nagsasalita habang may nagsasalita pa.

Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad namin.

Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka nang matuwid!

Unang Tagapagtanong: Bat ka ba galaw nang galaw?

Serapio: Gusto ko lang malaman kung ano ang krimen ko. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Hindi mo ba alam?

Serapio: Hindi ho.

Unang Tagapagtanong: A, problema mo na yon. (Sa mga manonood) Pag-aaruga ng bata ang krimen niya. (Biglang titindig ang tatlong saksi)

Tatlong saksi: Pag-aaruga, pag-aaruga, pag-aaruga ng bata.

Unang tagapagtanong: (Sa mga manonood) Krimen sapagkat ang pag-aaruga ng bata ay panunuksong gumasta.Samakatuwid nawawalan ng pera ang federacion. Nahuli siya ng tatlong kasapi nitong federacion. Narinig siyang nagsasalita sa anak niya at alam pa nila ang pangalan ng anak niya- Sol. Pormalidad na lamang itong paglilitis.

Hukom: Pormalidad na rin ho ang hatol ko.

Unang tagapagtanong: Ang parusa niya ay nais panoorin nitong mga pulubi. Siyay bubulagin. (Bubungisngis at tatawa ang mga pulubi) Ginoong Serapio, mabuti bang tulog mo?

Serapio: Oho.

Ikalawang Tagapagtanong: Nakakain ka na ba?

Serapio: Oho.

Unang tagapagtanong: Magaling! Handang-handa ka sa paglilitis mo. Ilang araw mo nan g suot yang kamisedentro mo?

Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw bay naghilamos na?

Unang Tagapagtanong: Naligo?

Ikalawang Tagapagtanong: Nagpunas man lang?

Unang Tagapagtanong: (Sa bantay) Na-spray mo na ba siya?

Hukom: (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis! (Sa mga manonood) Sa siyam na taon sa federaciong ito bilang hukom, wala pa akong nakikilalang tagapagtanong na kasindaldal nitong dalawa. (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis?

Unang Tagapagtanong: Bueno! Ginoong Serapio, sabihin mo sa amin- (Babatuhin si Serapio ng ikalawang tagapagtanong ng yeso o anumang maliit na bagay)

Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka ng matuwid!

Unang Tagapagtanong: Sabihin mo sa amin ang pangalan mo.

Ikalawang tagapagtanong: Pangalan!

Serapio: Serapio, ho.

Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) Serapio.

Ikalawang tagapagtanong: Serapio?

Unang Tagapagtanong: Serapio?

Serapio: Ho?

Ikalawang tagapagtanong: Serapio?

Unang Tagapagtanong: Serapio?

Serapio: Ano ho?

Dalawang Tagapagtanong: Serapio ano?

Serapio: Serapio.

Unang Tagapagtanong: Serapio Serapio?

Serapio: A, hindi ho, Serapio lang.

Ikalawang tagapagtanong: (Habang sumusulat sa kwaderno) Serapio lang.

Unang Tagapagtanong: Ocupacion?

Ikalawang tagapagtanong: Ocupacion?

Serapio: Wala. Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Ano, wala kang ocupacion?

Serapio: Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Hindi ba isa kang pulubi?

Serapio: Oho.

Unang Tagapagtanong: Ocupacion mo yon. (Susulat ang Ikalawang Tagapagtanong sa kwaderno) Classificacion.

Ikalawang tagapagtanong: Classificacion.

Serapio: Classificacion?

Dalawang Tagapagtanong: CLASSIFICACION!

Ikalawang tagapagtanong: Ano ang classificacion mo bilang pulubi? Nagmamakaawa o aliwan?

Unang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan?

Ikalawang tagapagtanong: Ikaw bay nagrerenta?

Unang Tagapagtanong: Ng sanggol o bata?

Ikalawang Tagapagtanong: Upang akitin nga

Unang Tagapagtanong: Ang luha ng madla?

Dalawang Tagapagtanong: Yan ang uring nagmamakaawa.

Ikalawang Tagapagtanong: O tumutugtog ka ban g silindro o gitara, dram, o kahit na banda, o rondalla?

Unang Tagapagtanong: Kasama ng sayaw o kundi namay kanta nang madlay maaliw at bigyan ka ng kwarta?

Dalawang Tagapagtanong: Yan ang uring aliwan.

Unang Tagapagtanong: Maaari naman ding nagkukunwari ka, ikay ipinaglihi sa isang palaka.

Ikalawang Tagapagtanong: O kung hindi naman ikay isang palso, ngunit isang palsong palsipikado.

Dalawang Tagapagtanong: Pakunwaring bingi, bulag, pilay, pipi, madlay madaya man ikaw namay yayaman. yan ang uring pakunwari.

Ikalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni ang nasa huling uri.

Unang Tagapagtanong: Mga tunay na pipi, bulag, pilay, bingi.

Dalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni.

Unang Tagapagtanong: Wala ring salapi.

Dalawang Tagapagtanong: Talagang ganyan ang buhay ng nasa huling uri: ang uring karaniwan.

Unang Tagapagtanong: Alin ka sa apat? Nagmamakaawa o aliwan?

Ikalawang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan? (Sandaling tigil)

Serapio: Ang huli ho. (Susulat ang ikalawang tagapagtanong sa kwaderno)

Unang Tagapagtanong: Ginoong Hukom, ano ang gagawin namin ngayon?

Hukom: Patibayan na ninyo ang krimen niya. (Biglang tindig ang tatlong saksi)

Tatlong Saksi: (Sa mga manonood) Patibayan na ang krimen niya. Patibayan na ang krimen niya.

Dalawang Tagapagtanong: Bueno. Ginoong Serapio, may asawa ka na ba?

Ikalawang Tagapagtanong: Isang kabiyak?

Dalawang Tagapagtanong: Isang babaing bumahagi sa puso mo? (Sandaling tigil) Babaing nakasal sa harap ng altar, sa opisina ng gatpuno, o iba pang lugar. (Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: O ano, Ginoong Serapio, sagutin mo ang tanong.

Ikalawang Tagapagtanong: Napakasimple.

Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba? (Sandaling tigil)

Serapio: Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, di ka dapat mahiya.

Ikalawang Tagapagtanong: Sabihin mo ang totoo.

Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba?

Serapio: Wala ho. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Iibahin ko ang tanong. May asawa ka ba noon?

Dalawang Tagapagtanong: Asawa na ngayoy nagsasaya sa bahay ng Diyos o bahay ng iba? (Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: O ano? Malinaw na malinaw ang tanong ngayon. May asawa ka ba noon? (Katahimikan) Ginoong Serapio, nakapagtataka yang katahimikan mo.

Ikalawang Tagapagtanong: May asawa ka ba noon? (Sandaling tigil)

Serapio: Oo.

Dalawang Tagapagtanong: Ayan!

Serapio: Ngunit siyay patay na.

Unang Tagapagtanong: A, wala. Bastat inamin mong may asawa ka na nga.

Hukom: (Pupukpukin ng Hukom ang podium niya ng dalawang beses) Magaling! (Sa mga manonood) Napakabilis ng aming mga paglilitis sapagkat lahat ng aming mga tagapagtanong ay matatalino at magagaling.

Mga Pulubi: (Biglang titindig ang mga pulubit papalakpak) Magagaling! Magagaling! Magagaling! (Yuyuko ang mga tagapagtanong)Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, nagkaroon ka ba ng anak?

Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa kasal na yaon?

Unang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pagsasama?

Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pag-aasawa? (Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, tahimik ka na naman.

Ikalawang Tagapagtanong: Wala kang sinasabi.

Unang Tagapagtanong: Wala kang imik.

Dalawang Tagapagtanong: Pasidhi nang pasidhi ang aming pananabik.

Unang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Katahimikan)

Dalawang Tagapagtanong: Payat na payat, tuyung-tuyo pa. Walang alinlangang wala na siyang katas.

Ikalawang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Lalapitan si Serapio ng Ikalawang Tagapagtanong)

Serapio: Bat ninyo tinatanong yan?

Unang Tagapagtanong: Aba! Pilosopo!

Serapio: Ano ba ang krimen ko?

Dalawang Tagapagtanong: (Tatakbo ang dalawang tagapagtanong sa likod ng mesa) Ginoong Serapio!

Serapio: Patawarin ho ninyo ako ngunit -

Unang Tagapagtanong: Wala ka bang utak?

Ikalawang Tagapagtanong: Isip?

Unang Tagapagtanong: Katiting na katalinuhan? Tandaan mo kung sino ka!

Ikalawang Tagapagtanong: Isang pulubi.

Unang Tagapagtanong: Hamak.

Dalawang Tagapagtanong: Kulisap!

Unang Tagapagtanong: Sagutin mo ang tanong! Nagkaroon ka ba ng anak? (Sandaling tigil)

Serapio: Oho.

Dalawang Tagapagtanong: Ayos!

Unang Tagapagtanong: Bat di mo kaagad inamin na may anak ka nga?

Serapio: Ano ho ba ang krimen ko?

Ikalawang Tagapagtanong: Umupo ka. Malalaman mo rin. (Aakayin siya ng bantay sa kanyang upuan. Susulat ang Ikalawang tagapagtanong sa kwaderno.) (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ang pangalan ng anak mo ay Sol, hindi ba?

Serapio: Oho. Paano ninyo nalaman?

Unang Tagapagtanong: Marami kaming alam tungkol sayo. (Sandaling tigil)

Serapio: (Sa mga manonood) Yaon din ang pangalan ng namatay niyang ina- Sol, Consuelo. Namatay ang kanyang ina nang siyay ipanganak. Ang aming unang anak at namatay pa ang ina, isang dalagang tahimik na may ngiting nagmumungkahi ng simoy at tubig ng batis. Ang pagpanaw niyay pagsapit ng kalungkutan. Dalawang hiyaw ang tumaginting sa aming silid sa gabing yaon: ang aking hiyaw ng hapis ng pagkamatay ni Sol, at ang hiyaw ng takot na naisilang na Sol, na naging larawan ng kanyang ina: maputi, maitim ang mga mata, madalas na nakangiti, lundag nang lundag kapag inuwian mo ng kendi, matamis, at laruan. Sanay nakita ninyo siya. At ang kanyang halakhak, ang kanyang halakhak.-,Sol, Sol.

Dalawang Tagapagtanong: Ano? Ano? Ano? Ano? Ano?

Unang Tagapagtanong: Ano yang sinasabi mo?

Serapio: Wala. Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Huwag ka nang umarte-arte pa.

Ikalawang Tagapagtanong: Bastat inamin mong may anak ka.

Unang Tagapagtanong: Dadrama-drama ka pa riyan.

Ikalawang Tagapagtanong: Nais pang talunin ang radio. (May mga papel na ibinigay ang Unang Tagapagtanong sa Hukom)

Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (pPapalakpak nang dalawang beses ang Ikalawang Tagapagtanong)

Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya yung Sol na yun. (Ibibigay ng isang bantay sa Ikalawang Tagapagtanongang isang kahon)

Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga instrumentong ginagamit namin sa pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang nagtatalumpati siya, maglalapg siya sa mesa ng martilyo, pait, malaking gunting, tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon) Kahangahanga itong federacion: ubod ng karunungan at pag-uunawa, sapagkat sa katotohanan ay pagkakawanggawa ang mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya. (Maglalapag siya ng bareta sa mesa) ipalagay nating bulag ang kriminal at nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi ba tataas pa ang kita niya kung pilay rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang siya ang makikinabang. Ang federacion din, sapagkat tataas ang kanyang abuloy sa federacion. Yan ang tinatawag kong maunawaing parusa: ang pinarurusahan at nagpaparusa ay kapwa nakikinabang. (maglalabas siya ng icepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang icepick.

Unang Tagapagtanong: (Kay Serapio) Ano? Handa ka na ba?

Serapio: Para sa ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag.

Serapio: Ha?

Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag. Madali lang. Sanay na itong guwardiya.

Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang turukin.

Serapio: Pagbulag?

Ikalawang Tagapagtanong: Huwag kang matakot.

Unang Tagapagtanong: Hindi ka matetetano.

Ikalawang Tagapagtanong: Sterilized itong icepick.

Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si Serpio)

Serapio: Bat ninyo ako bubulagin?

Unang Tagapagtanong: Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang Tagapagtanong ang mga instrumento ng parusa, ang malaking aklat, at ang kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)

Serapio: Para sa ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Para sa krimen mo.

Serapio: Krimen?

Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabay-sabay ang mga sumusunod na talumpati)

Serapio: Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Nagsisinungaling kayo.

Unang Tagapagtanong: Huwag mo kaming pagbibintangan. (Bubuhatin si Serapio ng mga Bantay at ihihiga sa mesa. Hahawakan nila ang kanyang paat kamay. Sisigaw at papalakpak ang mga pulubi.) Hawakan mo ang kamay niya! Hawakan mo ang kamay niya!

Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan nyo ang ulo niya!

Serapio: Ano ba ang krimen ko? (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ang ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Ano?

Serapio: Ang krimen ko, ano ang krimen ko?

Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang nais mong malaman?

Serapio: Ano ho ang krimen ko?

Unang Tagpagtanong: Ang krimen mo! Yun lang pala.

Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking aklat mula sa sahig)

Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang tagapagtanong sa plataporma, bubuksan ng Unang Tagapagtanong ang malaking aklat, at hahanap ng pahinang mababasa ang dalawang Tagapagtanong)

Ikalawang Tagapagtanong: Ang krimen ni Mang Serapio.

Dalawang Tagapagtanong:

Ang buhay ng taoy lansangan ng hirap;

ang mundoy daigdig ng kirot at dahas.

Pagsasalay sakit ng ating pagkatao,

Pag-aaruga ng bata ang krimen ni Mang Serapio.

Krimen mo mang Serapio!

Unang Tagapagtanong: At wika pa sa aming aklat:

Dalawang Tagapagtanong:

Bawal mag-aruga ng bata o asawa,

ang taunang kitay nawawalan ng pera.

Unang Tagapagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para sa isang bata.

Ikalawang Tagapagtanong: Magpabulag ka na nang makauwi na tayo nang maaga.

Serapio: Ngunit wala naman akong batang inaaruga, a. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ano?

Serapio: Wala akong batang inaaruga. (Sandaling tigil)

Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, huwag ka nang magsinungaling.

Serapio: Hindi ako nagsisinungaling.

Unang Tagapagtanong: Huwag mong lokohin itong Hukuman.

Serapio: Wala akong niloloko.

Hukom: Ang parusa sa pagbubulaan sa Hukuman ay pagpipi.

Serapio: Sinasabi ko ang katotohanan. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Kaaamin mo lang na may anak ka.

Ikalawang Tagapagtanong: Narinig kita. Narinig ka naming lahat.

Unang Tagapagtanong: At itong anak moy isang babae.

Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw mismo ang nagsabi.

Unang Tagapagtanong: Ang pangalan pa nga ay Sol.

Ikalawang Tagapagtanong: Sinabi mo yan! Sinabi mo!

Unang Tagapagtanong: Hindi ba inaaruga mo siya?

Serapio: Si Sol ay patay na. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ha?

Hukom: Patay na siya? Si Sol, patay na?

Serapio: Tatlong taon nang patay. Sinagasaan ng dyip. Patay na siya. Patay.

Unang Tagapagtanong: Tunay na malungkot ang iyong kuwento. Pinipiga mo ang aming puso.

Ikalawang Tagapagtanong: Walang alinlangang mahusay ka sa sining ng pangbobola.

Serapio: Patay na siya!

Unang Tagapagtanong: Magsalaysay ka sana ng kuwentong higit na kapani-paniwala kaysa riyan.

Serapio: Totoo ang sinasabi ko! (Sandaling tigil)

Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi na nanubok sayo, araw, gabi.

Unang Tagapagtanong: Dalawang linggo silang nagbantay.

Ikalawang Tagapagtanong: Mga saksi sila sa krimen mo.

Serapio: Nagsisinungaling sila! Wala akong batang inaaruga.

Unang Tagapagtanong: Titignan natin.

Ikalawang Tagapagtanong: Lalabas din ang katotohanan.

Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan, ngunit kung ikaw ang sinungaling (Sa mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong saksi. (Titindig ang tatlong saksi)

Hukom: (Sa tatlong saksi) Kayo na naman?

Unang Saksi: Oho.

Hukom: Kayo na lang palagi ang nagpapabulag sa iba.

Ikalawang Saksi: Talagang ganyan ho ang buhay.

Ikatlong Saksi: Manananggol lang ho kami ng kalinisan nitong federacion.

Unang Saksi: Mga taga-patnubay ng kabutihan nitong lipunan.

Hukom: Kayo ba ang unang nagsumbong ng kanyang krimen?

Unang Saksi: Oho.

Hukom: (Sa mga manonood) Pues, ayon ho sa batas ng aming federacion, kung mapapatunayan nila ang krimen ng nasasakdal, kanila ang lahat ng kasangkapan ni Ginoong Serapio at diyes porsyento ng kanyang kinikita. (Lalakad ang tatlong saksi sa plataporma. Dadaluhungin kaagad ni Serapio ang Ikalawang Tagapagtanong)

Serapio: Buwaya!

Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng mga Bantay si Serapio at hihilahin sa sulok ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar ng mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil) (Sa Saksi) Ngayon, mga ginoo nitong marangal na federacion, sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita kagabi.

Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa kilikili niya, at susulyap-sulyap sa kanat kaliwa, takot wari ko na makita siya.

Dalawang Tagapagtanong: Takot sa waring makita siya.

Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kamit narinig namin siya. Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong pula.

Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong pula.

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagbibintangan kita ng krimen ng pag-aaruga ng bata. Bubulagin ka ngayon din!

Serapio: yan ba ang inyong katibayan?

Ikalawang Tagapagtanong: Oo, masaya na kami.

Serapio: Kulang pa yang katibayan nyo.

Unang Tagapagtanong: At ano ang kakulangan?

Serapio: Si Sol, ang aking buhay na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!

Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita nang ganyan sa harap namin.

Ikalawang Tagapagtanong: Kamiy mga opisyal nitong Hukuman.

Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi) May isa ba sa inyong nakakita sa buhay na anak ko? Wala!

Ikalawang Tagapagtanong: Wala ba sa inyong nakakita sa anak niya?

Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa buong linggong nanubok kami. (Bibigkasin nang sabayang sumusunod na talumpati. Lalapitan at kakausapin si Serapio isa-isa ang mga manonood.) At kaya namin alam na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat -

Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio!

Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras au naririnig namin siyang paulit-ulit na nagsasabing, Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong pula, at inuulit niya ito gabi-gabi.

Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang mga kasangkapan ko!

Ikalawang Tagapagtanong: Ngunit nakita ba ninyo ang anak niya?

Tatlong Saksi: Hindi.

Serapio: Ha!

Ikalawang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling kayo mapipipi kayo, mapipipi kayo!

Unang Saksi: (Kay Serapio) Narinig ka naming nagsalita sa anak mo!

Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin nyo siya rito! Dudustain pa ninyo ang alaala niya. Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?

Unang Tagapagtanong: Husto na yan, ginoo!

Serapio: Dalhin nyo rito ang anak ko, kung buhay pa siya! At bulagin nyo ako.

Unang Tagapagtanong: Kamiy nagpadala na, ginoo, kanina pa, ng dalawang kasapi nitong federacion sa iyong barung-barong upang agawin ang anak mo sa karaniwang oras ng pag-uwi mo. Nakabalik na sila. (Sa mga bantay) Nasaan sila? (Titindig ang dalawang Pilay)

Ikalawang Tagapagtanong: O ano? Nasaan ang bata?

Unang Pilay: Wala.

Unang Tagapagtanong: Anong wala? Hindi ba kayo pumunta sa bahay niya?

Unang Pilay: Oho.

Ikalawang Tagapagtanong: Hindi ninyo nahuli ang anak?

Ikalawang Pilay: Wala hong bata roon.

Unang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling ka- (Hahampasin ang dalawang Pilay ng kanyang baston. Susukot ang mga Pilay)

Unang Pilay: Hindi ho.

Ikalawang Pilay: Wala ho kaming nakita. Wala ho.

Unang Pilay: Kundi isang baul.

Ikalawang Pilay: Itong baul ho, o. (Kakaladkarin nila ang baul sa hilagang gilid ng acting area.) (Katahimikan)

Ikalawang Tagapagtanong: Saan ninyo ito nakita?

Unang Pilay: Sa barung-barong niya.

Unang Tagapagtanong: Sa barung-barong niya.

Ikalawang Pilay: Sa isang sulok, ho.

Unang Pilay: Nakatago sa ilalim ng mga lumang sako.

Unang Tagapagtanong: Lumang sako. At hindi nyo pa ito nabubuksan?

Unang Pilay: Hindi pa ho.

Ikalawang Pilay: Nakakandado ho.

Ikalawang Tagapagtanong: Nakakandado. (Sandaling tigil) Buksan ninyo ang baul. (Pupukpukin ng Pilay ng martilyo nang dalawang beses ang kandado ng baul)

Serapio: Wala yang laman! Wala yang laman! Isang lumang baul na nakita ko lang sa basurahan.

Unang Tagapagtanong: Bat mo tinatago Ginoong Serapio?

Serapio: Wala. Ginagamit ko sa bahay bilang upuan.

Ikalawang Tagapagtanong: At bakit nakakandado?

Serapio: nakakandado na yan nang makita ko.

Unang Tagapagtanong: Nagsisinungaling ka, Ginoong Serapio. Bagung-bago ang kandado. Wala ni isang bakas ng kalawang. Ikaw ang nagkandado nitong baul.

Serapio: Nakakandado na yan nang nakita ko!

Unang Tagapagtanong: Kung ganoon, Ginoong Serapio, hindi mo daramdamin ang pagbukas naming rito. (Sa Pilay) Buksan ang baul. (Dalawang hampas ng martilyo)

Serapio: Hindi! Huwag.

Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagpapawisan ka.

Serapio: Wala yang laman.

Unang Tagapagtanong: Bakit mo alam, Ginoong Serapio? Nagsinungaling ka kanina. Nabuksan mo na itong baul.

Serapio: Hindi!

Unang Tagapagtanong: Hala! Buksan mo! (Talong hampas ng martilyo)

Serapio: Huwag!

Ikalawang Tagapagtanong: Bakit, Ginoong Serapio?

Serapio: Akin yang baul.

Unang Tagapagtanong: Inamin mo rin.

Serapio: Huwag ninyong buksan yan.

Ikalawang Tagapagtanong: Bakit? May itinatago ka ba sa amin?

Serapio: Balewala sa inyo ang laman niyan.

Unang Tagapagtanong: titignan natin. Ituloy ang pagbukas. (Apat na hampas ng martilyo)

Serapio: Hindi nyo dapat pakialaman yan! Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?

Unang Tagapagtanong: Sasabihin ko sayo kung ano ang malalahad pagbukas namin nito! Katibayan ng krimen mo!

Serapio: Wala kayong matutuklasan diyan. (Uulitin niya ang linyang ito habangnagsasalita ang unamg Tagapagtanong)

Ikalawang Tagapagtanong: Ano ang tinatago mo riyan? Ang mga damit ng anak mo? Ang mga laruan niya? Ituloy ang pagbukas! (Patuloy ang mga hampas ng martilyo habang nagsasalita ang Unang Tagapatanong at si Serapio)

Serapio: Huwag!

Unang Tagapagtanong: Wala kang kapangyarihan sa Hukuman ito, ginoo!

Serapio: Ngunit, akin yang baul!

Ikalawang Tagapagtanong: E, ano? E, ano?

Serapio: Huwag ninyong buksan yan!

Unang Tagapagtanong: Pigilin mo kami! Pigilin mo kami!

Serapio: Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!

Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) Hawakan ninyo siya!

Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko kayo sa pulis! Ibubunyag ko kayo at ang inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong pandaraya sa madla! Ibubunyag ko ang inyong pagmamalupit sa aming lahat; ibubunyag ko ang inyong sadyang pagpapabaya sa mga matatandang kasapi! Ibubunyag ko itong federacion sa pulis! (Katahimikan)

Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong sayo, Ginoong Serpio, wala! (Kakaladkarin si Serapio ng mga Bantay sa patimog-silangang sulok ng acting area. Lumupagi si Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw moy di maririnig; ang bawat kilos moy mabibigo, walang papansin sayo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga pulubi) Tandaan ninyo yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayoy nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayoy nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayoy nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyoy isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sayo kapag sumali ka sa federciong ito. Buksan ang baul!

(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng mga hampas ng martilyo ang karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).

Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan. Balewala sa inyo ang laman niyan. (sandaling tigil) Hindi naman ninyo mauunawaan. Hindi naman ninyo mauunawaan. Kung tangkain kong magpaliwanag, kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit, hindi naman ninyo mauunawaan. Pagtatawanan lamang ninyo ako. Anong masasabi ko sa inyo? (Sandaling tigil) Nabubulok na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat, nabubulok na buto. (Masisira ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang Tagapagtanong sa baul. Titindig ang ilang Pulubi. Itataas ng unang tagapagtanong ang isang manika.)

Unang Tagapagtanong: Manika? (tatakbo si Serapio at aagawin at hahagkan ang manika)

Serapio: Sol! Sol!

Ikalawang Tagapagtanong: Si Sol! (magtatawanan ang mga pulubi)

(Patuloy ang tawanan ng mga pulubi habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng tanawin ang mga linya ni Serapio.)

Serapio: Sol! Sol! Anak. Anak. Sol. Anak. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Sol. Sol. Anak. Ang bituin. Ang hangin. Sol. Ang langit. Hangin. Sol ko. Anak. Diwa. Imahen. Kristal at buhay. Buhay. Buhay. Sol. Anak ko. (Hihina ang tawanan ng mga Pulubi. Titigan ng buong korte si Serapio.) Larawan ni Consuelo. Sol na anak ni Sol. Sol. Kristal at diwa. (Tahimik ang buong korte.) Diwa. Diwa. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Ang hangin. Ang sinag. (Mapapansin ng Unang Tagapagtanong ang mga mukha ng mga Pulubi.) Ang araw. Sol! Ang araw! Sol! Ang araw! Son na anak ni Sol! Consuelo. Anh janginang arawsol(Aagawin ng unang tagapagtanong ang manika.)

Ikalawang Tagapagtanong: (Matinis) Tatay ka ng trapo? (Tatawa ng malakas ang mga Pulubi. Matinis ang tawanan nila.)

Serapio: Bitiwan mo siya. Bitiwan mo siya.

Unang Tagpagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para rito?

Serapio: Pabayaan mo ako! Huwag mo akong pakialaman!

Ikalawang Tagpagtanong: Isang pamahid sa tae ng kabayo! (Matinis na tawanan muli.)

Serapio: Ang anak ko ay maganda! At buhay. Buhay. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng araw.

Unang Tagpagtanong: Kapok! (Hahagutin niya ang manika; katahimikan; Biglang lulundag si Serapio sa Tagapagtanong.)

Serapio: Bitiwan mo siya! (Tatakbo ang TAGAPAGTANONG sa kanyang mesat ihahagis ang manika sa mga Pulubi.)

Unang Tagapagtanong: Kunin mo siya! (Sisigaw ang mga Pulubit sasaluhin ang manika sa ibat ibang sulok ng silid habang nagsisigaw at nagsisitawiran. Hahabulin naman ni Serapio ang manika. Mahahagis ang manika sa sahig, ngunit bago mapulot ni Serapio ang manika, sisigaw ang Unang Tagapagtanong.)

Bulagin natin siya! Bulagin! (Uulitin ng mga Pulubi ang sigawKakaladkarin nila si Serapio sa plataporma. Lahat silay nagsisigaw at nagtatawanan. Biglang maririnig ng mga manonood ang hiyaw ng binulag na Serapio. Biglang tatahimik ang mga Pulubit lalayo kay Serapio. Babangon si Serapio.Duguan ang kanyang mukha. Duguan din ang mga kamay ng ilang mga Pulubi; gayundin ang kanilang mga damit. Walang-imik ang mga Pulubit si Serapio. Susuray-suray na lalakad si Serapio. Mararapa siyat gagapang. Aapuhapin niya ang manika. Biglang lalabas ang mga Pulubi maliban sa tatlo. Papalibutan nila si Serapio kasama ng mga tagapagtanong. Mahihipo ni Serapio ang manika, ngunit bago niya makuha ito, sisipain ng isang pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio. Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa. Biglang titigil ang mga Pulubit Tagapagtanong. Lalabas ang mga Pulubi. Aakapin ni Serapio ang manika. Wala siyang imik.)

Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas ng silid. Aayusin ng mga Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)

Hukom: Paminsan-minsan na lang itong mga paglilitis.

Ikalawang Tagapagtanong: Oo nga eh. Di tulad ng dati.

Hukom: Kelan pa ang susunod?

Ikalawang Tagapagtanong: Marso pa.

Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong; Katahmikan.)

Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo kung bakit kami napilitang parusahan si G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga kasaping magkaroon ng mga haraya, ng mga pangarap, na di naman matutupad at dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niyay nakasisira sa mga kasapi nitong federacion. Tinutulungan lang naming sila nang parusahan namin si G. Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano mang federacion ay nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira nitong kaayusan ay mapanganib. Ang ginawa ni Mang Serapioy salungat sa aming mga batas. Ang ginawa niyay pulos malisya. Ipinagtanggol lang naming ang aming kapwa tao. Itoy dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na maunawaan. (Katahimikan.)

Nakita ninyo sila isa-isang nagsialisan. Babalik din sila. Babalik.

Alam niyo, nagkamali si G. Serapio nang sinabi niyang kamiy sadyang pabaya sa mga matatandang kasapi. Ang mga matatandang kasapi, ang mga matatandang pulubi, ang siya mismong ayaw mabuhay. Pilitin mo man sila, ayaw nilang kumain, umiinom lang ng kaunting tubig araw-araw, sapagkat wala silang makita kundi karimlan sa langit at hinihintay na lang nila ang pagdapo ni Kamatayan sa kanilang durungawan. (Sandaling tigil.)

Bali-bali na an gaming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang napakataas na pader na kongkreto. Marahil ay ibinitin na nga ni Mang Serapio sa harap naming ang susi sa aming piitan, ngunit napakahirap hiwain ang sarilit ilahad ang pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang nasang lumipad at hanapin ang sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit na diway mahinang wumawagayway lamang. (Lalabas siya.)

SA POETRYni: Rolando Tinio

Sa poetry, you let things take shape,Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig,You start siyempre with memories,'Yung medyo malagkit, kahit mais,Na mais: love lost, dead dreams,Rotten silences, and allManner of mourning basta't murder.

Papatak 'yan sa papel, ano. Parang pait,Kakagat ang typewriter keys.You sit up like the mother of anxieties.Worried na worried hanggang magsalakipAng odds and ends ng inamag mong pag-ibig.

Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits.Pero sige ang pasada ng imagesHanggang makuha perfectly ang trick.At parang amateur magician kang bilibSa sleight-of-hand na pinapraktis:Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot,By golly, see what you've got - Bouquet of African daisies,Kabit-kabit na kerchief,Kung suwerte pa, a couple of pigeons,Huhulagpos, be-blend sa katernong horizon,You can't say na kung saan hahapon.

AKO ANG DAIGDIGni: Alejandro G. AbadillaIAko ang daigdigako ang tulaAko ang daigdigang tulaAko ang daigdig ng tulaang tula ng daigdigAko ang walang maliw na akoang walang kamatayang akoang tula ng daigdig

IIAko ang daigdig ng tulaAko ang tula mg daigdigAko ang malayang akomatapat sa sarilisa aking daigdig ng tulaAko ang tula sa daigdigako ang daigdig ng tula

IIIAko ang damdaming malayaAko ang larawang buhayAko ang buhay na walang hangganAko ang damdaminang larawanang buhaydamdaminlarawanbuhaytula ako

IVAko ang daigdig sa tulaAko ang tula sa daigdigAko ang daigdigAko ang tuladaigdigtula ako