Thesis Filipino Cecil

25
DAHILAN AT EPEKTO SA KATAWAN NA MAAARING MAIDULOT NG ALKOHOLISMO AYON SA OPINYON AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA UNANG TAON SA POLANGUI COMMUNITY COLLEGE Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Ni ______________________________

description

Thesis

Transcript of Thesis Filipino Cecil

Page 1: Thesis Filipino Cecil

DAHILAN AT EPEKTO SA KATAWAN NA MAAARING MAIDULOT NG

ALKOHOLISMO AYON SA OPINYON AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE

SA UNANG TAON SA POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Ni

______________________________

MARSO, 2013

Page 2: Thesis Filipino Cecil

PASASALAMAT

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na

siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahong papel na ito:

Kay_______________, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang

Filipino 2.Nagpapasalamat kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay

ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang

pamanahong papel na ito.

Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang aming pangkat, na siyang nagbigay

kulay sa isang animo’y napaka masalimuot na semestre, maraming salamat.

Hinding- hindi namin makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating

pinagsamahan bilang isang klase.

Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa

buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at pag-intindi sa amin.

At higit sa lahat sa Poong Maykapal na siya naming pinag-aalayan nitong aming

munting proyekto, maraming salamat po sa Inyong patuloy na paggabay sa amin

at sa pagbabasbas ng biyaya.

Muli, maraming-maraming salamat po.

Mananaliksik

Page 3: Thesis Filipino Cecil

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I. Ang suliranin at kaligiran nito

1. Introduksyon

2. Layunin ng Pag-aaral

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

4. Saklaw at Limitasion ng Pag-aaral

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata II. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik

2. Mga Respondente

3. Instrumentong Pampananaliksik

4. Tritment ng mga Datos

Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

KabanataV.Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom

2. Kongklusyon

3. Rekomendasyon

Listahan ng mga Sanggunian

Apendiks

Page 4: Thesis Filipino Cecil

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. INTRODUKSYON

Noon paman ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng taon ay inabuso

ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak

at iba pang inuming nakakalasing, itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa

pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng pag-iisip.

Ang alkoholismo ay may marami at kadalasa’y mahihirap na depinisyon.Sa

pangkaraniwang binibigay na depinisyon nito,ang alkoholismo ay isang kondisyon kung

saan ang labis na pag-inom at patuloy na pagkonsumo ng mga nakakalasing na inumin o

alcoholic beverages sa kabila ng masamang maidudulot nito sa sosyal at pangkalusugang

aspeto ng isang indibidwal.( Searless, John S. 1990). Itinuturing ang alcoholism ay isang

sakit at adiksyon na resulta ng madalas na paggamit ng alcohol kahit naito ay nagdudulot

ng negatibong epekto sa taong gumagamit nito.

Noong ika-19 at ika-20 siglo, ang alkoholismo ay tinatawag na dipsomania na

naglalarawan ng pagkahalina o di- maiwasang konsumasyon ng alkohol o ang walang

abilidad na makapagkilala sa negatibong epekto nito sa sobrang alkohol na ininom.Kahit

pa hindi sa lahat ng mga kahulugan nito ang nagsasaad na ang madalas na paggamit ng

alcohol na isang kwalipikasyon upang maihanay sa depinisyon ng alkoholismo, ang iba

naman aynagsasaad ng matagalang epekto o ang tinatawag na long term effects na

madalas na paggamit ng heavy alcohol kasama na ang pagdepende ng isang tao sa

alcohol.(www.google.com)

Page 5: Thesis Filipino Cecil

Gayunpaman, ang paggamit ng alcohol ng isang tao ay hindi nagsasad na

nalulong sa alcohol ang isang tao. Ang dami (quantity), frequency at regular na pag-inom

ng alcohol ay kinakailangang alamin upang maihanay ang isang indibidwal sa

alkoholismo sapagkat ito ay nag-iiba-iba tao mula sa tao. Ilan pa sa mga salik ng

kwalipikasyon ng alkoholismo ay ang sosyal na kapaligiran, stress, mental health at

genetic disposition , edad at kasarian ng gumagamit ng alcohol.

Mahigit sa 40% ang nagsisimulang gumamit ng alcohol sa edad na 14 pa lamang

at nakadepende na dito, samantalang 10% ang hindi umiinom hanggang sa edad na 20 o

pataas at nagdebelop ng problema sa alcohol hanggang sa katandaan nila.

(www.google.com) Ang pag-abuso sa alcohol sa kabataan (adolescence) ay maaring

maging sanhi ng panmatagalng pagbabago sa pag-iisip ng isang tao at maaring humigit

pa ang risgo sa susunod na taon.

Ang alak ay urihinal na bumubuo ng kaligayahan at oras na walang ginagawa

kaya inaakala ng mga alkoholiks na may nakukuhang benepisyo dito dahil sa kasiyahan

na natatamo sa pag-inom ng alak ngunit di nila nalalaman na ito ay unti-unting sinisira

ang cnsna nagiging sanhi ng depression.( Flores, Berlin. 2009)

2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa

Alkoholismo at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga kritikal na karamdaman na maaaring maidulot ng

alkoholismo sa tao? Sa aspetong pisikal, mental at sosyal?

Page 6: Thesis Filipino Cecil

2. Ano ang dahilan ng pag iinom?

3. Ano ang mga pagkilala sa Alkoholismo?

4. Ano ang mga realisasyon sa mga taong kasali nito?

5. Maimulat ba ang mga kabataan sa negatibong epekto ng pag-inom ng alak?

3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ng tao

ang negatibo at masasamang epekto na maiidulot ng alcohol

gayunpaman sa aspetong pisikal, mental, at sosyal. Para malaman ng

tao kung ano ang alkoholismo at upang maagapan ang pagdami ng

populasyon sa taong umiinom at mabigyan ng solusyon ang mga

suliranin na ito sa ating lipunan.

Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing pamulat

sa mga umiinom lalong-lalo na sa mga estudyante sapagkat ito ay

nakakasira ng kalusugan.Makakatulong ito sa mga taong dumaranas

ng sakit na ito. Tumutulong din ang paksang ito sa iba pang mga mag-

aaral at mananaliksik na palawigin pa ang kaalaman ukol sa nasabing

paksa.

Napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil batid ng mga

mananaliksik na ang paksang ito ay tungkol sa epekto ng alkoholismo

sa kalusugan ng tao na magbibigay ng

kaalaman sa mga tao na ginagawang kasiyahan at libangan na hindi

iniisip ang masamang naidudulot nito sa katawan.

Page 7: Thesis Filipino Cecil

Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga

epekto ng alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga

impormasyong ito ay makakatulong

sa lahat upang maiwasan ang alkoholismo at maagapan ang

masasamang epekto nito sa

katawan.

4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto sa kalusugan partikular ang

mga sakit naidudulot nito sa katawan ng isang tao. At ito lamang ay nakatuon sa mga

estudyante sa unang taon sa Polangui Community College, Polangui, Albay, Ikalawang

semester, taong panluna 2012-2013.

5. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga

mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat

isa sa pamanahong papel na ito:

Cardiomyopathy - isang sakit samuscle ng puso, kadalasan ay hindi

sigurado nag

kadahilanan.

Coronary artery disease -( sakit sa ugat sa puso) tinatawag ring

sakit

Page 8: Thesis Filipino Cecil

sa puso o atherosclerosis. Ito ay ang paninigas ng mga daluyan ng

dugo

dahil sa mga deposito ng taba na tinatawag na plak (plaque).

Cardiac dysrhythmia -isang condition kung saan ang tibok na puso

ay irregular.

Myocardial infarction - atake sa puso

Ulcer -Pananakit sa sikmura o maaari din po itong ulcer sa parte ng

bituka

Break-up- ang paghihiwalay ng magkasintahan

Public disorder- ang pagdulot ng disturbo sa nakakarami o publiko

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa isang web article ng www.gotocld.com ,marami nang nanaliksik tungkol

sa mga epekto ng alkoholismo sa tao sa pagdaan ng tao ay pataas ng pataas ang bilang ng

mga tao na nalululong sa ganitong uri ng bisyo.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 140 milyong katao sa buong mundo

ang may pag-uumasa sa alkohol. Isinalaysay ng Journal of the American Medical

Association na ang alkoholismo ay isang pangunahing sakit na di malulunasan ngunit

maaagapan. Ang alak ay isang pagkain na naiiba dahil hindi nangangaialangan ng

Page 9: Thesis Filipino Cecil

prosesong digestion ngunit direktang inihahatid sa dugo at discharged sa bawat biological

tissue sa katawang ng tao. Ang labis na paggamit ng alcohol ay maaaring progreso hilam

pamingin at koordinasyon problems.

Ayon pa kay Anne Sayers, ang alkoholismo ay isang sakit ng katawan, isip,

damdamin at diwa. Bilang isang resulta, ang katawan at utak ay nangangailangan ng mas

maramingalak.

Ayon sa DSM-IV (pamantayan sa dayagnostiko ng sikiyatriya at

Sikolohiya) ang pang-aabuso sa alkohol (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na pag-inom sa

Kabila ng mapanganib na epekto, pag-uumasa sa alkohol na may dagdag na pagpaparaan

Ng Droga (drug tolerance) pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot ng

nagiging Sanhi ng mahigitang pag-iinom, abstinensya (withdrawal) at di pagkontrol sa

damdaming makainom ng alak.

Ayon kay Berlin Flores, isang kalusugan at gamit na manunulat, ang antas ng

Toxicity kapag ang alak ay nakonsumo matapos kumain at mas mataas bago kumain na

nakakaapekto sa ating central nervous system(CNS). Sa mga tuntunin ng hydration, ang

mga antas ng toxicity ay higit na maliit kung ang alak ay diluted muna bago ang pag-

iinom.Dagdag pa ni Flores, ang pagkilala ng alkoholismo ay ang paggamit ng

pamamaraang screening ay karaniwang self-ulat na ang mga partikular na ginagamit

upang tiyakin ang pagkakaroon ng alcohol addiction. Ang eksaminasyon naman sa dugo

at ihi ay isang paraang upang malaman ang lebel ng alkoholismo.

Page 10: Thesis Filipino Cecil

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga deskriptib-analytik

sarbey.Isang paraan sa tulong ng talatanungan sa paglikom ng datos.Tinangkang ibigay

ang epekto ng alkoholismo sa kalusugan ng isang tao.

MGA RESPONDENTE

Ang pamanahong papel na ito ay nangailangan ng respondente sa Polangui

Community College.

Page 11: Thesis Filipino Cecil

INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang instrumento sa pananaliksik na ito ay sarbey-kwestyoner. Ang mga

mananaliksik ay nagbibigay ng mga sarbey- kwestyoner sa mga respondente na siyang

pinagbabatayan sa mga pangangalap ng mga datos.

TRITMENT SA MGA DATOS

Ang pamanahong papel na ito ay hindi gumagamit na istatistikal

na komputasyon dahil ito ay hindi pampalakihang pananaliksik.

Kinukuha lamang nito ang porsyento o ang bahagdan sa mga

nakuhang mga datos.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Page 12: Thesis Filipino Cecil

impluwensya ng barkada52%

break-up25%

personal na problema

(broken family)11%

walang gabay ng magulang

9%stress

4%

DAHILAN

Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, limampu’t isang

porsyento ang nakakuha ng may pinakamataas na bahagdan at ito ay ang impluwensya ng

barkada na isa sa mga dahilan ng alkoholismo. Samantala, ang nakakuha ng

pinakamababang porsyento ay ang dahilan na stress.

Dahilan ng Pag-iinom

Impluwensya ng barkada- malaki ang impluwensya ng mga kabarkada sa isang tao. May

mga bagay na ginagawa nila na hindi naman dapat gawin pero napipilitan lamang at

kinakailangang sundin.

Problema sa personal na Buhay - Ang tao na may personal na problema sa buhay ay

nasabing isang sa mga dahilan kung bakit nag iinom ang isang tao upang panandaliang

makalimutan ang problema.

Page 13: Thesis Filipino Cecil

sakit sa atay at utak56%

depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder)

20%

sakit sa puso9%

makasanayan at hi-

nahanap-hanap na

8%

paggawa ng krimen7%

EPEKTO

Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, ang nakakuha ng

pinakamataas na bahagdan (56%) hinggil sa epekto ng alkoholismo ay ang pagkakaroon

ng sakit sa atay at utak at pitong porsyento naman sa paggawa ng krimen na nakakuha ng

pinakamaliit na bahagdan.

Mga Sakit na Maaaring Maidulot ng Alkoholismo

Sakit sa atay

Ang sakit sa atay ay sanhi ng pagkawala ng balance ng mga kemikal sa katawan,

blood sugar, produksyon ng protina, at ang pagkabuo ng taba sa atay. Nagbubunga din

ito ng pagkasira ng sirkulasyon ng dugo, kakaibang pagkabuo ng peklat pag nasugatan.

Sakit sa Puso

Cardiomyopathy; paglaki ng puso, dysrhythmias at pagbagal sa paghinga.

Coronary artery disease;  myocardialin infarction;ulcer

Page 14: Thesis Filipino Cecil

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga dahilan at epekto

ng alkoholismo sa katawan ng tao lalo na ang mga posibleng pinagmulan, karamdaman o

mga sakit na maaaring maidulot nito.

Sa aking pananaliksik, kinakailangan pa ring mag-ingat ang mga taong umiinom

at sa mga taong hindi umiinom dahil ito’y nagsisilbing babala na dapat hindi sobra-sobra

ang pag-inum ng mga alak. Ito’y naghahandog ng realisasyon at proteksyon sa mga tao

lalong-lalo na sa mga kabataan at mga estudyante na malapit sa impluwensya ng alak.

KONGKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na kongklusyon:

a. Ang ilang epekto ng alkoholismo sa katawan ng isang tao ay maaaring maging

isang napakalubhang karamdaman at maaaring maging dahilan ng kamatayan ng

isang nilalang.

b. Ang alkoholismo ay hindi bago sa ating lipunan. Hangarin ng mga mananaliksik

na maimulat ang mga tao sa maraming masasamang elemento sa mundo.Kahit ito

ay isang bagay na nakapagpapasaya at nakakatanggal ng problema hindi pa rin ito

ang solusyon. Dahil sa isang alak, maaaring mapahamak ang sariling katawan at

nakasalalay ang kaligtasan ng isang indibidwal.

Page 15: Thesis Filipino Cecil

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga kongklusyon nabanggit, buong-pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay

nararapat gawin lalo sa panahon ng kahirapan.

b. Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan

particular sa mga anak na may posibilidad na mahantong sa ganitong bisyo.

c. Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag

dumating na ang panahon na sila na ang namumuno sa mga malalaking organisasyon o

kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang nagkaroon ng isang malubhang karamdaman

dulot ng pag iinom.

Page 16: Thesis Filipino Cecil

TALAAN NG SANGGUNIAN

Libro:

Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics. New York: Guilford Press

Hahn, Dale B. 1991.

Flores, Berlin. 2009. Ang iba't ibang pisikal at medikal na mga epekto ng alak

addiction.

Elektroniko:

http://www.gotocld.com/ph/ang-ibat-ibang-pisikal-at-medikal-na-mga-epekto-ng-

alak-addiction-\

http://www.disability-resource.com/medical-health/alcoholism/the-reasons-

behind-alcoholism.php

www.google.com

Page 17: Thesis Filipino Cecil

APPENDIKS A

KWESTYUNER

Panuto: Lagyan ng tsek (kung sa palagay mo ay ang sumusunod na ito ay epekto o

sanhi ng alkoholismo.

DAHILAN:

____ impluwensya ng barkada

____kuryosidad

____stress

____walang trabaho

____pagpapainit ng katawan

____nakakahiligan

____walang gabay ng magulang

____walang gabay ng mabuting kaibigan

____pauso

____personal na problema (broken family)

____break-up

PISIKAL AT MENTAL NA EPEKTO:

Nakakasama sa kalusugan at makapagdudulot ng sakit gaya ng:

____ sakit sa puso

____ depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder)

____ withdrawal syndrome

____ nakakasira ng atay at utak

____ sanhi ng pancreatitis,epilepsy at cancer

Page 18: Thesis Filipino Cecil

____ panic disorder

SOSYAL NA EPEKTO

____ public disorder

____ pagkatanggal sa trabaho

____ naksanayan at hinahanap-hanap na

____ pagkadepende sa alak habang buhay

____ pagiging regular na pag-inom

____ pinansyal na problema

____ paggawa ng krimen ( domestic violence,rape)