Post on 02-Dec-2014
PAGKILALA
Pasensya, sipag, tiyaga at determinasyon ang nagging puhunan ng mga mananaliksik
upang matagumpay na maisagawa ang tesis na ito.
Buong pusong pinasasalamantan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
Una sa lahat ang ating poong maykapal para sapagbibigay sa amin ng malakas na
pangangatawan at mapayapang pag-iisip upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.
Nariyan rin ang aming taos pusong pasasalamat sa aming minamahal na magulang para sa
kanilang pinansyal at suportang moral.
At sa aming gurong-tagapamahala na si Gng. Raquel L. Fudolin para sa pagbibigay sa
amin ng payo sa mga dapat naming gawin, sa kanyang pasensya, gabay at mungkahi para sa tesis
na ito.
At lahat ng tao na tumulong at nakibahagi ng kanilang oras at panahon sa amin upang
maisakatuparan ang tesis na ito.
MARAMING SALAMAT PO SA INYO.
DEDIKASYON
Ang tesis na ito ay taos pusong inaalay sa Poong Maykapal at sa aming minamahal na
pamilya na nagging inspirasyon naming upang maisagawa ng maayos ang tesis na ito.
Sa aming guro na si Gng. Raquel Fudolin para sa pagbabahagi sa amin ng kanyang tulong
at karunongan.
At sa aming mga kaklase, kapwa mag-aaral, mga kaibigan at sa mga espesyal na tao sa
aming buhay.
Panimula
Ang teknolohiya ay parte na sa pang araw-araw napamumuhay ng mga tao, kaya hindi
maikakaila na may malaking epekto ito sa buhay ng bawat isa dahil mas napapagaan at
napapabilis ang trabaho ng mga tao maging saan mang lugar ay ginagamit ang mga makabagong
kagamitan na produkto ng teknolohiya. Ngayon ay ginagamit na rin sa pagtuturo gaya na lamang
ng Microsoft PowerPoint Presentation, Computer, LCD (liquid crystal display), projector, at
marami pang iba. Gumagamit ang ilang guro ng mga makabagong kagamitang ito para sa
kapakanan ng kanilang mga mag-aaral upang matawag ang kanilang pansin para making at
matuto. Ngunit ang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay epektibo nga ba?
Mas natututo ba ang mga mag-aaral at mas maganda ba ang kanilang perpormans dahil sa
paggamit ng mga guro ng mga kagamitang ito sa paaralan?
Ang pananaliksik na to ito ay pinagamagatang: Ang epekto ng makabagong kagamitang
pagtuturo (LCD,projector, powerpoint presentation, computer…) sa perpormans ng mga mag-
aaral sa Ikalawang taon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong taong
panuruan:2011-2012. Ito ay may layuning tuklasin o alamin ang mga epekto ng paggamit ng
mga guro ng makabagong kagamitan sa Pagtuturo sa perpormans ng kanilang mga mag-aaral.
Bilang magiging mga guro sa hinaharap ay nais mabatid ng mga mananaliksik ang mga
epekto ng mga elektronikong kagamitan sa mga mag-aaral, upang malaman kung mas
nakakabuti ba ang aplikasyon ng teknolohiya sa pagtuturo. Nais rin na mabatid ng mga
mananaliksik ang masama at mabuting epekto nito sa mga mag-aaral at kung nakakaapekto ba
ang mga kagamitang ito sa perpormans ng mga mag-aaral sa klase.
Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Ikalawang Taon
ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong taong panuruan 2011-2012. Gagawin
ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsagot ng isang kwestyoner ng mga nasabing
respondente sa nasabing paaralan upang malaman kung may mabuti bang epekto ang paggamit
makabagong teknolohiya sa pagtuturo.
Teoritikal
Bunga ng teknolohiya ay bumilis na ang takbo n gating lipunan ngayon, kaya’t kapansin
pansin na nagiging maimpluwensya na ang aplikasyon ng teknolohiya sa lahat ng bagay, lalong-
lalo na sa Edukasyon, may malaking epekto ito sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral, sa
paaralan. Naririto ang iba’t ibang teorya na nagpapatunay na may epekto nga ang paggamit ng
makabagong Teknolohiya sa silid aralan:
Ayon kay Riel (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming
aspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya nararapat lamang
iksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng Multimedia sa loob ng klase upang
maibigay sa kanila ang mainam na edukasyon. Pinaniniwalaan na ang mga mag-aaral sa
kasalukuyan ay nangangailangan ng maraming kasanayan para sa kanilang propesyon pagdating
ng araw upang makasabay sa mundong laging nagbabago.
Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan ng
“Multimedia” sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagplaplano
ng “Multimedia” ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahang
pangteknolohiya upang maging kapaki pakinabang sa lipunan sa darating na panahon, iginiit din
nya na mayroong kabutihang hatid ang paggamit ng “Multimedia” sa klase gaya nalang ng mga
sumusunod:
1. Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral.
2. Mas nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang “powerpoint
presentation”. At dahil ditto ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman.
3. Nadaragdagan ang kanilang kaalaman, tungkol sa teknolohiya at dahil ditto ay hindi sila
magiging mang mang o walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito.
4. Bumulis ang kanilang pagkatuto o kaalaman.
5. Nalilinang ang mataas na kakayahan sa pag-iisip.
Ayon pa kay Boethel at Dimock (1999) na ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter at ang
akses ng teknolohiya sa loob ng klasrum ay higit na maigi kaysa sa mga tradisyunal na paraan sa
pagtuturo, dahil ibinase nila ang kanilang teorya sa nasaliksik ng ilang eksperto hinggil sa epekto
ng paggamit ng teknolohiya sa loob ng klasrum, ayon ditto na mas nawiwiling makinig ang mga
mag-aaral sa kanilang mga guro dahil sa paggamit nito ng multimedia sa loob ng silid-aralan ay
dahil ditto ang kanilang kaalaman ay mas bumibilis.
Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kanyang ginawang
ekspereminto sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman nya na ang kanyang
mga estudyante ay aktibong nakikisali sa talakayan, pinagawa din nya ang kanyang mga
estudyante ng mga proyekto na mayroong kaugnayan sa kompyuter at mula ditto ay nakita nya
ang magandang perpormans ng mga mag-aaral, iginiit din nya na kapag ang Edukasyunal na
Teknolohiya ay nailapat ng tama at wasto sa mga mag-aaral ay magiging maganda ang proseso
ng pagkatuto.
Ayon naman kay Merrill (1986) sa librong COMPUTER IN EDUCATION na ang
pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mag-aaral sa mundong laging
nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan at papel ng teknolohiya sa lipunan ay isa sa
mga importanteng salik upang mapatupad ang layuning ito.
Ayon pa sa teorya ni Van Merrienboer, na ang kondisyon ng pagkatuto ay nababase sa
mga itinuturo ng mga guro, kung mahusay ang aplikasyon ng pagtuturo ay magiging maganda
ang kanilang perpormans idinagdag pa nya na ang mga makabagong teknik at kagamitan sa
pagtuturo ay isa sa mga daan upang ang proseso ng pagkatuto ay maging maganda at maging
kapakipakinabang. Sa kanyang teorya ay sinasabi niya:
1. Ang pagdami ng paggamit ng impormasyong pang-teknolohiya sa lipunan ay
nagbigay ng malaking demand sa edukasyon at pagsasanay sa Estados Unidos at ito
ay nagpapataas ng potensiyal sa ekonomiya at penatilyang panglipunan sa hindi
pagsagot sa demand.
2. Ang impormsyong rebolusyon ay nagbigay ng bagong suliranin sa maraming
instruksyong panlipunan particular na ang mga pampublikong paaralan at silid
aklatan ng tradisyunal na magkaroon ng “borne” na may pinakamabigat na
responsibilidad para magbigay ng edukasyon at iba pang pampublikong
impormasyong serbisyo.
3. Ang impormasyong pang teknolohiya ay nagsimula ng ginampanan ang tungkulin sa
pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay sa ibang sector.
4. Ang impormasyong pag-teknolohiya ay may mahalagang pinaghahawakan na
pangako bilang isang mekanismo para sagutin ang edukasyon at pagsasanay na
kailangan sa lipunan at ito ay magiging pinakagustong behikulo para magsagawa pa
sa iba pang iilan pang dekada.
5. Ang pinakamahagang natira na kailangan matutunan tungkol sa edukasyon at
psykolohikal na nakaapekto sa teknolohiya, at ang teknolohiya ay isa sa mga daan
pagkatuto.
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ayon sa pag-aaral na isinagawa nnina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng
teknolohiya ay maitutumbas sa salitang “Technique” na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan
ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain.
Ang angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitan sa ating mga klase ay nararapat
ding isaalang alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat aralin. Nagagawa
kasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng edukasyon ng isang lipunan bukod pa
ditto mas napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at Guro sa impormasyong saan
mang dako sa daigdig.
Ayon kay Villacorta (2003) ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral ng
mga kaalaman, kakayahan, at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging
produktibo at malayang mamamayang makapag-ambag sa kaunlaran ng kanilang lipunan. Ibig
sabihin ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang produkto o
end result kaakuhan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na sinumang tao na
sumailalim o sasailalim sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga pagbabago sa kanyang
paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto hindi lamang sa kanyang sarili bagkus
sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa katunayan, marami ng mga pananalig pampagtuturo ang nabago ng Modernong
panahon na nagdulat ng malaking impak sa edukasyon. Iilan sa mga ito ang mga sumusunod:
1. Linyar tungo sa Hypermedia na pagkatuto – Pagpapakita ito ng kumbensyunal na
pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga libro at iba pang tradisyunal ma parapernalya
bilang mga unahing instrument sa pagtuturo at pagkatuto. Samantala, ang hypermedia na
paraan ng pagkatuto ay tumutukoy naman sa gamit ng telebisyon, iba’t-ibang larong
panteknolohiya gayundin ang gamit ng internet sa loob ng klasrum.
2. Simpleng instruksyon tungo sa pagtuklas ng kaalaman – Ipinapakita naman ditto ang
magkatuwang na debelopment ng pagtuturo at pagkatuto sa kasalukuyang pananalig ng
pagtuturo, man ninanais na ngayon ng mga estudyante na matuto sila mula sa sarili nilang
mga karanasan at mga pagtuklas. Dahil dito, mas nagiging mabisa at episyente ang
kanilang pagkatuto sapagkat awtentiko ang bawat karanasan nila.
3. Pagtuturong nakapukos sa guro tungo sa pagkatutong naka sentro sa estudyante –
Gamit ang mga makabagong teknolohiya, magaganap ang pagtuturong nakasentro sa
estudyante dahil sa kanila nagmumula ang aksyon o inisyatibo. Subalit hindi
nangangahulugang kunti lamang ang papel ng titser sa loob ng klasrum, bagkus mas
magiging malawak pa ito dahil siya ang magsisilbing gabay ng kabuuang talakayan ang
ilalahad ng mga estudyante.
4. Mula paaralan tungo sa panghabambuhay na pagkatuto – Dito ay binubuwag ang
paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at magtatapos ang pagkatuto, bagkus
gamit ang makabagong teknolohiya, dulot ang panghabambuhay na pagkatamo ng mga
kaalaman sa mundo. Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante gayundin naman sa
mga titser upang patuloy na tumuklas ng mga bagong kaalaman sa kanilang paligid.
5. Ang paniniwalang ang titser ang tagahatid ng impormasyon tungo sa pagiging
facilitator – Sa panahon ng impormasyon, nararapat ng malinaw ang papel ng titser na
siya ay hindi na lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon sa mga estudyante.
Nararapat niyang panghawakan na siya ay facilitator na gagabay at magsisilbing
konsultan ng kaalaman sa klasrum.
Ang Suliranin
Paglalantad ng Suliranin
Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay tuklasin ang mga epekto ng makabagong
kagamitang pagtuturo sa performans ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pamabansa ng
Dr. Cecilio Putong National High School. Nilalayong sagutin ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod ng mga katanungan:
1. Nakakaapekto ba sa performans ng mga mag-aaral ang paggamit ng makabagong
kagamitang pagtuturo sa loob ng klasrum?
2. Nakakatulong bas a mga mag-aaral ang aplikasyon ng Teknolohiya sa pagtuturo.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ipinapalagay ng mga mananaliksik na makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro
at sa magiging guro sa hinaharap na kagaya ng mga mananaliksik, upang malaman kung anu-
ano ba ang epekto ng makabagong kagamitang pagtuturo sa performans ng mga mag-aaral.
Sisiyasating mabuti ng mga mananaliksik ang mga nilikom na datos upang malaman
kung nakakaapekto ba ang teknolohiya sa performans ng mag-aaral?
Kung ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay makakadagdag o makakatulong sa
kaalaman ng mga mag-aaral ay maaaring gawin na ring aplikasyon ng mga mananaliksik ang
teknolohiya sa kanilang pagtuturo pagdating ng araw.
Inaasahan na makakatulong nang malaki ang pananaliksik na ito sa mga guro na
kasalukuyang nagtuturo at sa magiging guro sa hinaharap upang malinang nila ng husto ang
kaalaman ng kanilang mga mag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Metodolohiya
Ginawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbibigay nang talatanungan sa mga
mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong.
Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng mga katanungan hinggil sa interes at epekto
ng teknolohiya sa mga respondante. Naglalaman din ito nang mga katanungan na naayon sa
kagandahan ng aplikasyon ng Teknolohiya sa pagtuturo na nakakaapekto sa kaning performans
bilang mag-aaral.
Mga Respondante at ang Lugar ng pananaliksik
Ang mga respondante na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong sa syudad ng Tagbilaran. Anim napu ang kinuha na
respondante ng mga mananaliksik (19 na lalaki at 41 na babae) ang lahat ng respondante ay mga
mag-aaral ng Ikawalang taon ng Sekondarya sa nasabing paaralan.
Ang Mataas ng paaralang pang sekondarya ng Dr. Cecilio Putong ay isang pampublikong
paaralan kung saan isa sa pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral sa syudad ng Tagbilaran
mula unang taon hanggang sa Ika-apat na taon ng Sekondarya, mas kilala rin ito sa tawag na
“Bohol High”.
Instrumentong Ginamit
Ang pagbibigay nang talatanungan sa mga napiling respondante ang pangunahing
instrument sa paglikom ng mga datos para sa pananaliksik na ito.
Nagbigay ang mga mananaliksik ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Ikalawang
taon nang Dr. Cecilio Putong, naglalaman ang talatanungan ng sampung tanong hinggil sa kung
papaano nakakaapekto ang teknolihiya sa kanilang performans sa pag-aaral at kung
nakadaragdag ba ito sa kanilang kaalaman, ang bawat katanungan ay may mga numero na
nagsisilbing antas ng epekto ng aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum.
A. Antas ng Epekto ng Teknolohiya sa performans ng mga mag-aaral
Antas Kuhulugan Katumbas
Oo Nagiging maganda ang performans ng 3
mga mag-aaral dahil sa aplikasyon ng
teknolohiya
Di-gaano Di gaanong maganda ang aplikasyon 2
ng teknolohiya sa pagtuturo
Hindi Hindi nagiging maganda ang aplikasyon ng 1
Teknolohiya sa mga kabataan
Kahulugan ng mga Salitang ginamit
Ang mga sumusunod na mga salita ay ang mga salitang medyo mahirap intindihin ang
ilan ditto ay galling sa salitang Ingles at binaybay lamang sa palabaybayang Filipino upang
magamit ng wasto sa bawat pangungusap at talata.
Performans – ang mga gawi ng mga mag-aaral o ang mga kakayahan ng mga mag-aaral.
Makabagong-kagamitang pagtuturo – ang mga makabagong kagamitan na ginagamit sa
pagtuturo gaya ng LCD, Microsoft powerpoint presentations, projector, video recording
at maramin pang iba.
Kompyuter - galing sa salitang Ingles na “computer”, isang kagamitan na pwede kang
makakuha ng ano mang inpormasyon, isa rin itong kagamitan na kasangkot sa paglinang
ng kaalaman ng mga kabataan.
Tritment ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “percentage” para maging pamilang na
inpormasyon (numerical data) upang malaman nang husto ang tindi ng epekto ng Teknolohiya sa
aplikasyon ng pagtuturo . Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod:
A – Bilang ng sumagot ng OO
B – Bilang ng sumagot ng di-gaano
C – Bilang ng sumagot ng Hindi
Kung saan:
A/60 x 100 = 66.16 %
B/60 x 100 = 32.66 %
C/60 x 100 = 15.0%
KABANATA II
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos
Sa kabanatang ito ay naglalahad na ang mga mananaliksik ng mga datos buhat sa mag-
aaral ng Ikalawang Taon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong tungkol sa
epekto ng makabagong kagamitang pagtuturo sa performans ng mga respondante ang kanilang
mga kasagutan sa talatanungan ay sinusuri at binigyan ng pagpapakahulugan.
TALAHANAYAN
Kabuuang bilang ng mga kasagutan ng respondante
Bilang ng Katanungan
OO
(3)
DI-GAANO
(2)
HINDI
(1)
1 49 10 1
2 46 13 1
3 35 24 1
4 55 14 1
5 30 30 0
6 35 25 0
7 34 26 0
8 47 11 2
9 44 16 0
10 42 27 1
TOTAL 397 196 9
Makikita sa talahanayan ang kabuuang bilang ng tugon ng anim napu (60) respondante sa
talatanungan, makikita na sa bawat bilang ng katanungan ay lumalabas na mas mataas ang bilang
ng sumagot ng Oo.
Mga Katanungan sa Talatanungan
1. Nakadaragdag ba sa iyong kaalaman anh paggamit ng makabagong teknolohiya ng
inyong guro sa klasrum?
2. Oo = 49 b. Dig-gaano = 10 c. Hindi = 1Nakakakuha bas a inyong atensyon ang
paggamit ng makabagong teknolohiya ng inyong guro sa loob ng klasrum?
a.Oo = 46 b. Dig-gaano = 13 c. Hindi = 11
3. Nakakaapekto bas a iyong performans ang aplikasyon ng teknolohiya sa silid aralan?
a.Oo = 35 b. Dig-gaano = 24 c. Hindi = 1
4. Gusto mo ba ang paggamit ng inyong guro ng multimedia sa inyong klasrum?
a.Oo = 45 b. Dig-gaano = 14 c. Hindi = 1
5. Sa iyong palagay may epekto ba ang paggamit ng multimedia ng inyong mga guro sa
silid aralan?
a.Oo = 30 b. Dig-gaano = 30 c. Hindi = 0
6. Naiintindihan mo ba ang mga itinuro ng inyong guro gamit ang makabagong
teknolohiya.
a.Oo = 35 b. Dig-gaano = 25 c. Hindi = 0
7. Mas mainam ba ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo kaysa sa tradisyunal na
pagtuturo?
a.Oo = 34 b. Dig-gaano = 26 c. Hindi = 0
8. Nakakatulong ba sa iyo bilang mag-aaral ang aplikasyon ng teknolohiya sa silid
aralan?
a.Oo = 47 b. Dig-gaano = 11 c. Hindi = 2
9. Nagiging madali bas a iyong pagkatuto dahil sa makabagong pamamaraan sa
pagtuturo.
a.Oo = 44 b. Dig-gaano = 16 c. Hindi = 0
10. Naging maganda ba ang iyong performans sa silid aralan dahil sa paggamit ng inyong
guro ng makabagong teknolohiya?
a.Oo = 32 b. Dig-gaano = 27 c. Hindi = 1
Makikita na mas maramin ang sumagot ng Oosa talatanungan, tatlong daan siyam napu’t
pito (397) ang kabuuang bilang nito ang porsyento naman nito ay 66.16% sa sumagot naman sa
di-gaano ay isang daan siyam napu’t anim (196) ang kabuuang bilang nito at ang porsyento ay
32.66%, samantala siyam (9) naman ang sumagot sa hindi na nakakuha ng 15.0% porsyento.
KABANATA III
Buod, Mga Natuklasan, Mga Konklusyon at mga Rekomendasyun
Upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito inilalahad sa kabanatang ito ang buod
ng pananaliksik na ito kalakip ang mga konklusyon at rekomendasyon hinggil sa aplikasyon ng
teknolohiya sa pagtuturo at ang epekto nito sa performans ng mga mag-aaral. Kasama rin dito
ang paglalahad muli ng suliranin, layunin at paraan ng pagkuha ng mga datos.
Buod
Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang epekto ng makabagong kagamitang
pagtuturo sa performans ng mga mag-aaral. Nais malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng
aplikasyon ng teknolohiya sa klasrom at ano ang maidudulot nitong kabutihan sa performans ng
mga estudyante.
Paglalantad ng Suliranin
Sa pananaliksik na ito ay may dalawang suliranin:
Una : Nakakaapekto bas a performans ng mga mag-aaral ang paggamit ng mga makabagong
kagamitang pagtuturo sa loob ng klasrum?
Ninais matalos ng mga mananaliksik kung nakakaapekto ba sa performans ng mga mag-
aaral ang paggamit ng teknolohiya ng kanilang guro sa loob ng klasrum.
Ikalawa: Nakakatulong ba sa mga mag-aaral ang aplikasyon ng teknolohiya sa pagtuturo?
Nais din malaman ng mananaliksik kung nakakatulong ba ng mabuti ang teknolohiya sa
pagtuturo , nais din ng mga mananaliksik na malaman kung mas nadaragdagan ba ang
kanilang kaalaman dahil sa tulong ng teknolohiya sa loob ng klasrum.
Paraan ng Pananaliksik
Gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan, at ang talatanungan ang siyang
nagsilbing pinakasangkap upang makalikom ng datos. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman
ng mga tanong na angkop hinggil sa interes at kung nakakaapekto ba ang teknolohiya sa mga
mag-aara, ang respondante ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng ikalawang taon ng
Sekondarya ng Mataan na Paaralang Pambansa ng Dr. Cecilio Putong.
Mga Natuklasan
Natuklasan sa pag-aaral ma ito na mas maraming mag-aaral ang sumagot ng “Oo” sa
aming ibinigay na talatanungan nakakuha ito ng 66.66%. Natuklasan din sa pag-aaral na ito na
mas mataas ang bilang ng mag-aaral na gusto ang paggamit ng multimedia ng kanilang mga guro
sa loob ng kanilang klasrum.
Mas mataas din ang bilang ng mga nagsabing ang aplikasyon ng Teknolohiya sa silid-
aralan ay nakakakuha ng kanilang atensyon at dahil dito ay interesado silang makinig sa itinuturo
ng kanilang guro at nadaragdagan din ang kanilang kaalaman, samantala ay balance naman ang
nakuhang bilang as ikalimang katanungan hinggil sa palagay ng mga mag-aaral kung epektibo ba
ang paggamit ng multimedia sa loob ng klasrum.
Konklusyon
Ayon sa mga resultang nakuha sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na konklusyon
ang maibibigay:
Dahil sa mabilis na paglaganap ng teknolohiya saan mang dako ay hindi maiiwasan pati
na ang edukasyon ay naapektuhan narin, gumagamit na sila ng mga makabagong kagamitan sa
pagtuturo.
Ayon sa resultang nakuha, ang mga respondante ay nawiwili o nakakakuha sa kanilang
atensyon ang paggamit ng multimedia sa loob ng klasrom, Ganado silang makinig sa itinuturo ng
kanilang guro at dahil dito ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman kaysa sa tradisyunal na
paraan ng pagtuturo, mas nagugustuhan nila ang paggamit ng kanilang guro sa mga makabagong
kagamitan sa pagtuturo dahil mas naiintindihan nila ang mga itinuturo ng kanilang guro.
Nakakatulong ang teknolohiya sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at dahil ito ay
mas nagiging maganda naman ang performans nila sa klase.
At dahil dito ang mga mananaliksik ay nakakahinuha na nagiging maganda ang epekto ng
makabagong kagamitang pagtuturo sa mga mag-aaral at sa kanilang mga performans sa klase
dahil ang proseso ng pagkatuto ay naganap na.
Rekomendasyon
Sa panahon ngayon ay malaki na ang naitutulong ng teknolohiya sa lipunan, sadyang
nakakatulong ng malaki ang aplikasyon ng teknolohiya sa iba’t-ibang gawain kaya ayon sa mga
lumabas na resulta at konklusyon ang mga mananaliksik ngayon ay nagrerekomenda:
Isang malaking tulong ang makabagong kagamitang pagtuturo sa klase kaya naman
marapat lamang na bigyan ng pansin ang maayos na paggamit nito nararapat lamang na ang lahat
ng mga guroay magkakaroon ng kaalaman hinggil sa paggamit ng multimedia sa loob ng klase,
dapat bigyan din ng budget ang tungkol sa pagtutupad nito.
Dahil ayon sa mga nakuha naming mga datos ang mga mag-aaral ay nawiwili sa
paggamit ng kanilang guro ng mga makabagong kagamitang ito at dahil din dito ay mas
nadaragdagan ang kanilang karunungan. Karunungan na siyang magpapaunlad sa kanilang sarili.
Tutukan natin ng maayos ang mga bagay na syang makatutulong sa paglinang ng kaalaman n
gating mga mag-aaral, dapat hubugin natin sila ng wasto hindi lamang ito para sa kasalukuyan
kundi para na rin sa hinaharap, dahil ayon na rink ay Jose Rizal na ang mga kabataan ay siyang
pag-asa ng Bayan.
EPEKTO NG MAKABAGONG KAGAMITAN SA
PAGTUTURO SA PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL
SA IKALAWANG TAON NG SEKONDARYA SA MATAAS NA PAARALANG
PAMBANSA NG DR. CECILIO PUTONG
TAONG PANURUAN: 2011-2012
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan
Ng Departamento ng Filipino
Pamantasan ng Bohol
Tesis ma Iniharap kay
Gng. Raquel Lagare Fudolin
Gurong – Tagapamahala
Bilang Bahagi ng Pagtutupad sa mga
Kinakailangan para sa Filipino 109
nina
Castrodes, Margorie
Ocio, Ivy Joy
Parido, Margarita
Zamora, Christine Tiara