Filipino Presentation

24
KASANAYAN SA PAKIKINIG UNANG GRUPO

Transcript of Filipino Presentation

Page 1: Filipino Presentation

KASANAYAN SA PAKIKINIG

UNANG GRUPO

Page 2: Filipino Presentation

PAKIKINIG

– ang paglalaan ng matamang

atensyon, at ang pag-unawa sa ating

napakikinggan

Page 3: Filipino Presentation

LAYUNIN NG PAKIKINIG

• Upang magkaroon ng kaalaman o matuto

• Upang maaliw • Upang magsuri

Page 4: Filipino Presentation

PAGDINIG AT PAKIKINIG

Pagdinig – pisyolohikal na proseso ng pagdekoda ng tunog.

Pakikinig – ang paglalaan ng matamang atensyon, at ang pag-unawa sa ating napakikinggan

Page 5: Filipino Presentation

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

• Nagagamit ng mga propesyonal upang makapagbigay ng kagyat na feedback sa mga detalyeng kanilang napakikinggan.

• Ito rin ang dahilan kung bakit nakaupo sa mataas na posisyon at laging naitataas ng ranggo ang mga propesyonal na may kasanayan sa pakikinig.

Page 6: Filipino Presentation

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

• Isa rin ito sa mga dahilan ng pagtatagumpay ng mga relasyon.

• Mahalaga rin ito sa pagkuha ng mga impormasyon.

Page 7: Filipino Presentation

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

• Upang magkaroon ng pagkakaintindihan. • Upang magkaroon ng kaalaman. • Upang makatulong sa kapwa

Page 8: Filipino Presentation

ELEMENTO SA PAKIKINIG (SALIK)

1. Katangian at kakayahan ng tagapagsalita

2. Kakayahan sa pakikinig 3. Pook 4. Edad 5. Oras

Page 9: Filipino Presentation

ELEMENTO SA PAKIKINIG (SALIK)

6. Tsanel 7. Kultura 8. Kasarian

Page 10: Filipino Presentation

KATUTURAN NG PAKIKINIG

Ang mahusay na tagapakinig ay nagsisimula sa pag-alam at pag-unawa sa katuturan ng pakikinig at kung paano ito naisasagawa.

•Pagtanggap – pagbibigay ng pokus o tuon sa pangkalahatang sinasabi ng ispiker.

•Paglikha ng Kahulugan – paglalagay ng kahulugan sa mensahe ng ispiker.

Page 11: Filipino Presentation

KATUTURAN NG PAKIKINIG

•Pagtugon – kumukumpleto sa interaksyon ng nakikinig at ispiker.

Page 12: Filipino Presentation

PROSESO NG PAKIKINIG

•Pamimili – binibigyang pokus ang isang tunog mula sa napakaraming nagtatalong tunog na naririnig.

•Pag-fokus – maaari mong bigyang pansin ang tunog nang panandalian at pakinggan ang iba pa at muli itong balikan.

•Pag-unawa – proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa mga tunog na binigyang pansin.

Page 13: Filipino Presentation

•Pagtanda/Pag-alala – sa pag-alala, tinatandaan natin ang impormasyon.

•Pagtugon – interpersonal na komunikasyon ay transaksyonal.

Page 14: Filipino Presentation

URI NG PAKIKINIG• Atentiv/Wastong Pakikinig- pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng

pagkaunawa sa teksto.Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye • Analitical/Mapanuring Pakikinig- ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat,

valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman.

Hal. pagkuha ng mensahe sa isang awitin, pagbubuo ng moral sa isang pabula o parabola

Page 15: Filipino Presentation

• Pakikinig na Apreciativ- ito ang pinakamadaling uri dahil hindi mo

kailangan ng masusing atensyon. Ginagawa ito ng isang tao para sa sariling kasiyahan.

Hal. nakikinig sa isang kwento at sa musika

• Pasiv/Marjinal na Pakikinig- ito ay pakikinig habang may ginagawang

ibang bagay. Hal. pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap

URI NG PAKIKINIG

Page 16: Filipino Presentation

URI NG TAGAPAKINIG

1. Eager Beaver 2. sleeper 3. Tiger 4. Bewildered 5. Frowner 6. Relaxed 7. Busy Bee 8. Two-Eared Listener

Page 17: Filipino Presentation

SAGABAL SA PAKIKINIG

1. Eksternal o Panlabas na Distraksyon- Ito ang mga salik sa labas ng tagapakinig na

nakahahadlang sa pakikinig. Hal. Sirena ng ambulansya sa labas ng

bintana ,pagtunog ng telepono.

2. Internal o Panloob na Distraksyon- Ito ay yaong mga salik sa loob ng tagapakinig

na nakahahadlang sa pakikinig.Hal. Pag-aalala, takot.

Page 18: Filipino Presentation

SAGABAL SA PAKIKINIG

3. Ang hangaring magsalita- Pagnanais na magsalita sa halip na makinig

lalo na pag ang paksa ay mahirap unawain o yaong wala sa kanilang interes at pangangailangan.

4. Mga Personal na Pakikinig- Ito ay nagpapahintulot sa isang tao na

maging sarado sa pagtanggap sa isang tiyak na usapin o paksa at tao.

Page 19: Filipino Presentation

SAGABAL SA PAKIKINIG

5. Pagkukunwaring Pakikinig- Ito ay nangyayari kung hindi

interesado ang nakikinig sa paksang tinatalakay at di-verbal itong ipinapakita.

Hal. Pangtango, pagtingin sa ispiker at muling ibabaling ang pansin sa ginagawa kapag nakalingat ang nagsasalita.

Page 20: Filipino Presentation

MALING AKALA SA PAKIKINIG

• Ang pakikinig ay hindi ko problema!

• Ang pakikinig at pagdinig ay magkatulad

• Ang mahusay na mambabasa ay mahusay na tagapakinig

• Ang matatalinong tao ay mahusay na tagapakinig

Page 21: Filipino Presentation

MALING AKALA SA PAKIKINIG

• Ang pakikinig ay nalilinang sa pagdaan ng panahon

Page 22: Filipino Presentation

WASTONG KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika

2. Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan

3. Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain

4. Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon

5. Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba

Page 23: Filipino Presentation

WASTONG KASANAYAN SA PAKIKINIG

6. Pakikinig upang mahiniha ang maga paguugali, at upinyon para sa pahaya o textong napakinggan

7. Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag

8. Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan

9. Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong

Page 24: Filipino Presentation

PATNUBAY SA MABISANG PAKIKINIG

1. Maging handa sa pakikinig 2. Magkaroon ng layunin sa pakikinig 3. Kilalanin ang mahalagang

impormasyon 4. Unawain ang sinasabi ng

nagsasalita 5. Iwasan ang pagbigay puna hangang

hindi pa tapos ang nagsasalita