REPORT IN AP

Post on 11-Aug-2015

43 views 9 download

Transcript of REPORT IN AP

HEOGRAPIYA NG HILAGA AT GITNANG ASYA

BY ROBEE CALERO

Ang klima ng isang lugar ay malaking hamon sa mga mamamayan nito. Nakabatay sa kakayahan ng mga mamamayang makaangkop sa kanilang kapaligiran ang pag-unlad at pagyaman ng kanilang pamumuhay. Tunay nangng mapanghamon ang kalikasan dahil may mga lugar sa asya na kung saan sinusubok nito ang tiyaga, talino, husay, pagkamalikhain at lakas ng mga asyano. Nangangahulugan lamang na likas sa mga asyano ang pagiging maparaan at mahusay sa pag angkop sa kanilang kapaligiran dahil nagawa nilang mamuhay nang sagana sa kabila ng ganitong kalagayang pangkapaligiran.

Ang Hilaga At Gitnang Asya Ang hilaga at gitnang asya ay rehiyon sa pusod ng asya, naliligiran ito ng DAGAT

CASPIAN sa kanluran, china sa silangan, afghanistan sa timog at russia sa hilaga. Kilala rin ito bilang inner asia at binansagan ang mga bansa rito bilang “mga stans” na nasa kalakhang bahagi ng kontinenteng eurasia.

Maraming paglalarawan tungkol sa mga bansang sakop at hangganan ng hilaga at gitnang asya. Gayunpaman, isa lamang ang malinaw rito. Nagsilbing tirahan ng mga taong nomadiko ang rehiyon noong una at naging bahagi ito ng makasaysayang Silk Road. Bilang resulta, nagsilbi ang rehiyon bilang tagapag-ugnay ng mga mamamayan, kalakal at kaalaman ng Europa, Kanlurang Asya, Timog Asya at Silangang Asya.

Sa modernong pananaw, lahat ng paglalarawan sa mga bansang sakop ng hilaga at gitnang asya ay nabibilang ang limang republikang dating kasapi sa Union of Soviet Socialist Republics (USSR)---- ang mga ito ay ang kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan. Dahil dito, tinagurian din ang rehiyon bilang Soviet Asia. Sa iba pang paglalarawan, isinasama rito ang Mongolia, Afghanistan, Hilaga at Kanlurang Pakistan, Hilagang Silangang Iran, Kashmir, Ibang bahagi ng kanlurang China (Xinking, dating tawag na silangang turkestan) at timog siberia sa russia.sa araling ito, isinama ang siberia bilang bahagi ng hilaga at gitnang asya.

KATANGIANG PISIKAL NG HILAGA AT GITNANG ASYA

ang hilaga at gitnang hilaga at gitnang asya ay isang malawak na rehiyong nagtataglay ng iba’t ibang katangiang heograpikal tulad ng matatarik na bangin, kabundukan (Tian Shan), malalawak ng disyerto ( Karakum, Kyzyl Kum, Taklamakan) at kalakhang bahagi nito ay tundra, taiga at mga damuhan tulad ng steppe at prairie

Pangunahing mga ilog ng rehiyon ang Amu Darya, Syr Darya, At Hari. Itinuturing ding mga pangunahing anyong tubig nito ang dagat Aral at Lake Balkhash. Nasa siberia ang lake baikal na siyang pinakamalalim na lawa sa daigdig. May lalim itong 5,387 talampakan below sea level. Isa ito sa mga pinakamatanda at pinakamalinaw na lawa sa daigdig. Sinasabing ito ay 30 milyong taon na ang edad at may pinakamahabang sukat na 636 kilometro at pinakamaluwang sa sukat na 79 kilometro. Tinagurian din itong “ Perlas ng Siberia.

KABUNDUKANG TIAN SHAN

LAKE BALKHASH

ANG TUNDRA AT TAIGA

Tinagurian ang hilaga at gitnang asya bilang arctic asia dahil sa lokasyon itong malapit sa Arctic Ocean. Dahil dito, nagtataglay ito ng mga biome (tuwirang panirahan ng mga hayop sa halaman batay sa klima) na tanging sa rehiyong arctic lamang matatapuan tulad ng tundra at taiga.

Karamihan sa mga halaman sa rehiyon ay nababalutan ng kagubatang koniper (boreal). Ang rehiyong ito ay tinatawag na taiga na nagtataglay ng pine, fir , larch, birch, aspen at willow. Ang taiga at terminong ruso na nangangahulugang kagubatan at ito ang pinakamalaking biome sa mundo. Dahil tuwid at matatas ang mga puno rito, timber ang pangunahing industriyang pangkagubatan ng mga lugar dito. Panirahan ang taiga ng mga hayop tulad ng beaver, meado vole, ermine, red fox at ilang mga tigre.

nasa hilagang bahagi ng taiga ang tundra. Ito ang mas malamig na bahagi ng arctic. Ang tundra ay isang biome na kung saan nahahadlangan ng lamig ang paglaki ng mga halaman. Nagmula ito sa terminong sapmi na tundar na nangangahulugang “ Kabundukang walang puno”. Tatlo uri ng tundra Arctic Tundra, Alpine Tundra at Antartic Tundra. Arctic Tundra ang nasa hilagang asya. Ang tundra ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang lupa ay permafrost o permanenteng nagyeyelo ang lupa. Nagtataglay ang tundra ng mabababang halaman, damo, lumot at lichens. Ang mga hayop na may malaking bilang sa rehiyong ito ay ang caribou (reindeer) musk ox, arctic hare, arctic fox, snowy owl, lemmings, at polar bear ( sa pinakahilagang bahagi). Tinatawag na timberline o tree line ang pagitan ng tundra at taiga

TUNDRA

TAIGA

TATLONG URI NG TUNDRA

1. ARCTIC TUNDRA

2. ALPINE TUNDRA

3. ANTARTIC TUNDRA

MGA HAYOP SA TUNDRA

NAGTATAGLAY ANG TUNDRA NG MGA MABABABANG HALAMAN.

DAMO

LUMOT

LICHENS

1.CARIBOU (reindeer)

3. Musk Ox

3. ARCTIC HARE

4. ARCTIC FOX

5. SNOWY OWL

6. LEMMINGS

7. POLAR BEAR

ANG MGA DAMUHAN

tatlong uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya– ang steppe, prairie at savannah

Ang steppe biome at tuyo, malamig at may damuhang matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa australia at antartica. Malawak ang steppe na nasa siberia. Hindi mahalumigmig ang hangin dito sa pagkat malayo ang lokasyon nito sa karagatan at nahahadlangan ng mga kabundukan

Karaniwang matatagpuan ang steppe biome sa pagitan ng disyerto at kagubatan. Mayroon itong malalawak na damuhang may mababaw na ugat. Kapag nakakukuha ito ng maraming ulan, nagiging kagubatan ito ngunit kung hindi, maaari nang maging disyerto.

ang prairie ay rehiyong patag o lupaing maburol na nababalutan ng mga damo at ndi ng mga puno, mayroon itong matataas na damuhang nagtataglay ng malalalim na ugat. Isa sa mga pangunahing biome ay ang prairie na matatagpuan sa hilagang siberia.

Ang savannah ay biome ng pinagsamang damuhan at ilang kalat-kalat na puno na matatagpuan sa mga kagubatang tropikal at disyerto. Tinatawag din ang savannah bilang damuhang tropikal. Malaking bahagi nito ay makikita sa dalawang bahagi ng ekwador sa gilid ng mga kagubatang tropikal

3.uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya

STEPPE

PRAIRIE

SAVANNAH