Report in A.p :)

download Report in A.p :)

of 79

  • date post

    12-Aug-2015
  • Category

    Education

  • view

    105
  • download

    35

Embed Size (px)

Transcript of Report in A.p :)

  1. 1. BY ROBEE CALERO
  2. 2. Ang klima ng isang lugar ay malaking hamon sa mga mamamayan nito. Nakabatay sa kakayahan ng mga mamamayang makaangkop sa kanilang kapaligiran ang pag-unlad at pagyaman ng kanilang pamumuhay. Tunay nangng mapanghamon ang kalikasan dahil may mga lugar sa asya na kung saan sinusubok nito ang tiyaga, talino, husay, pagkamalikhain at lakas ng mga asyano. Nangangahulugan lamang na likas sa mga asyano ang pagiging maparaan at mahusay sa pag angkop sa kanilang kapaligiran dahil nagawa nilang mamuhay nang sagana sa kabila ng ganitong kalagayang pangkapaligiran.
  3. 3. Ang hilaga at gitnang asya ay rehiyon sa pusod ng asya, naliligiran ito ng DAGAT CASPIAN sa kanluran, china sa silangan, afghanistan sa timog at russia sa hilaga. Kilala rin ito bilang inner asia at binansagan ang mga bansa rito bilang mga stans na nasa kalakhang bahagi ng kontinenteng eurasia. Maraming paglalarawan tungkol sa mga bansang sakop at hangganan ng hilaga at gitnang asya. Gayunpaman, isa lamang ang malinaw rito. Nagsilbing tirahan ng mga taong nomadiko ang rehiyon noong una at naging bahagi ito ng makasaysayang Silk Road. Bilang resulta, nagsilbi ang rehiyon bilang tagapag-ugnay ng mga mamamayan, kalakal at kaalaman ng Europa, KanlurangAsya,Timog Asya at Silangang Asya. Sa modernong pananaw, lahat ng paglalarawan sa mga bansang sakop ng hilaga at gitnang asya ay nabibilang ang limang republikang dating kasapi sa Union of Soviet Socialist Republics (USSR)---- ang mga ito ay ang kazakhstan, Kyrgyzstan,Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan. Dahil dito, tinagurian din ang rehiyon bilang SovietAsia. Sa iba pang paglalarawan, isinasama rito ang Mongolia, Afghanistan, Hilaga at Kanlurang Pakistan, Hilagang Silangang Iran, Kashmir, Ibang bahagi ng kanlurang China (Xinking, dating tawag na silangang turkestan) at timog siberia sa russia.sa araling ito, isinama ang siberia bilang bahagi ng hilaga at gitnang asya.
  4. 4. ang hilaga at gitnang hilaga at gitnang asya ay isang malawak na rehiyong nagtataglay ng ibat ibang katangiang heograpikal tulad ng matatarik na bangin, kabundukan (Tian Shan), malalawak ng disyerto ( Karakum, Kyzyl Kum,Taklamakan) at kalakhang bahagi nito ay tundra, taiga at mga damuhan tulad ng steppe at prairie Pangunahing mga ilog ng rehiyon ang Amu Darya, Syr Darya, At Hari. Itinuturing ding mga pangunahing anyong tubig nito ang dagat Aral at Lake Balkhash. Nasa siberia ang lake baikal na siyang pinakamalalim na lawa sa daigdig. May lalim itong 5,387 talampakan below sea level. Isa ito sa mga pinakamatanda at pinakamalinaw na lawa sa daigdig. Sinasabing ito ay 30 milyong taon na ang edad at may pinakamahabang sukat na 636 kilometro at pinakamaluwang sa sukat na 79 kilometro.Tinagurian din itong Perlas ng Siberia.
  5. 5. Tinagurian ang hilaga at gitnang asya bilang arctic asia dahil sa lokasyon itong malapit sa Arctic Ocean. Dahil dito, nagtataglay ito ng mga biome (tuwirang panirahan ng mga hayop sa halaman batay sa klima) na tanging sa rehiyong arctic lamang matatapuan tulad ng tundra at taiga. Karamihan sa mga halaman sa rehiyon ay nababalutan ng kagubatang koniper (boreal). Ang rehiyong ito ay tinatawag na taiga na nagtataglay ng pine, fir , larch, birch, aspen at willow. Ang taiga at terminong ruso na nangangahulugang kagubatan at ito ang pinakamalaking biome sa mundo. Dahil tuwid at matatas ang mga puno rito, timber ang pangunahing industriyang pangkagubatan ng mga lugar dito. Panirahan ang taiga ng mga hayop tulad ng beaver, meado vole, ermine, red fox at ilang mga tigre. nasa hilagang bahagi ng taiga ang tundra. Ito ang mas malamig na bahagi ng arctic. Ang tundra ay isang biome na kung saan nahahadlangan ng lamig ang paglaki ng mga halaman. Nagmula ito sa terminong sapmi na tundar na nangangahulugang Kabundukang walang puno.Tatlo uri ng tundra ArcticTundra, AlpineTundra at AntarticTundra. Arctic Tundra ang nasa hilagang asya. Ang tundra ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang lupa ay permafrost o permanenteng nagyeyelo ang lupa. Nagtataglay ang tundra ng mabababang halaman, damo, lumot at lichens. Ang mga hayop na may malaking bilang sa rehiyong ito ay ang caribou (reindeer) musk ox, arctic hare, arctic fox, snowy owl, lemmings, at polar bear ( sa pinakahilagang bahagi).Tinatawag na timberline o tree line ang pagitan ng tundra at taiga
  6. 6. tatlong uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya ang steppe, prairie at savannah Ang steppe biome at tuyo, malamig at may damuhang matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa australia at antartica. Malawak ang steppe na nasa siberia. Hindi mahalumigmig ang hangin dito sa pagkat malayo ang lokasyon nito sa karagatan at nahahadlangan ng mga kabundukan Karaniwang matatagpuan ang steppe biome sa pagitan ng disyerto at kagubatan. Mayroon itong malalawak na damuhang may mababaw na ugat. Kapag nakakukuha ito ng maraming ulan, nagiging kagubatan ito ngunit kung hindi, maaari nang maging disyerto. ang prairie ay rehiyong patag o lupaing maburol na nababalutan ng mga damo at ndi ng mga puno, mayroon itong matataas na damuhang nagtataglay ng malalalim na ugat. Isa sa mga pangunahing biome ay ang prairie na matatagpuan sa hilagang siberia. Ang savannah ay biome ng pinagsamang damuhan at ilang kalat-kalat na puno na matatagpuan sa mga kagubatang tropikal at disyerto.Tinatawag din ang savannah bilang damuhang tropikal. Malaking bahagi nito ay makikita sa dalawang bahagi ng ekwador sa gilid ng mga kagubatang tropikal
  7. 7. KAZAKHSTAN NAGMU
  8. 8. SUKAT 2, 715, 900 (KILOMETRO KWADRADO) KAPITAL ASTANA YUNIT NG SALAPI TENGE YAMAN NATURAL GAS, PETROLYO, IRON ORE, MANGANESE,CHROMITE ORE, COPPER, POLLYMETALLIC ORES, NICKEL,TUNGSTEN, MOLYBDENUM AT IBA PANG DI PANGKARANIWANG METAL TEMPERATURA 12 *C HANGGANG 30 *C PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 8.28%
  9. 9. Nagmula ang pangalang kazakhstan sa mga katutubo nitong kazakh. Ito ang pinakamalaking bansa na napapalibutan ng lupa (landlocked) sa mga hangganan. Dumaan ang bansa sa kasaysayan ng pananakop ng mga Mongol at mga Russian. Nang masakop ito ng russia, naging kasapi ito ng USSR at naging isang nagsasariling estado nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991
  10. 10. Ang lupain ng kazakhstan ay nasa hilagang kanluran ng china, isa ito sa pinakamalaking bansa sa asya. Nahahangganan ito ng turkmenistan, Uzbekistan, at Krygystan sa timog: Russia sa hilga; Russia at Dagat Caspian sa kanluran; at ang XinjiangChina sa Silangan
  11. 11. Maraming pagkakaiba sa topograpiya ng kazamkhstan. Pinakamataas na bundok nito ang khan tengri na nasa hangganan ng kyrgytan sa kabundukan ngTian Shan. May taas itong mahigit 7,010 metro; pinakamababang bahagi ng bansa ang ilalim ng karagiye depression (lubak) na may sukat na -132 metro below sea level na nasa probinsya ng Mangystau, silangan ng Dagat Caspian, karamihan sa bahagi ng bansa ay nasa elebasyong 200 hanggang 300 metro above see level.ngunit ang ilan sa mga baybaying ng Caspian sa Kazakhstan ay itinuturing na ilan sa pinakamabababa sa mundo.
  12. 12. Nababalutan ng nyebe sa buong taon ang karamihan sa tuktok ng altai at tian shan na siyang pinagmumulan ng tubig ng karamihan sa mga ilog ng bansa.
  13. 13. Maliban sa mga ilog ngTobol, Ishin at Irtysh, lahat ng ilog sa kazakhstan ay nasa bahaging landlocked. Ang ilan dito ay nagtatapos sa dagat caspian at ang ilan naman ay nagwawakas sa mga steppe at disyerto sa gitna at timog kazakhstan. Karamihan sa mga ilog at lawa nito ay nawawalan ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang tatlong pangunahing anyong tubig ng bansa ay ang lake balkhash sa silangan na bahagyang tabang at alat, ang dagat caspian at dagat aral--- parehong sakop ng kazakhstan ang ilang bahagi ng mga ito.
  14. 14. Kontinental ang klima sa kazakhstan. Mahaba lubos na maginaw ang taglamig at maikli ang tag-araw. Sa panahon ng tag- araw, ang temperatura ay umaabot sa mahigit 30 *C (86*F) hanggang -12*C (10.4*F) sa panahon ng taglamig. Mayaman ang hilagang asya sa halos lahat ng uri ng mineral. Nababahagian ng yamang ito ang kazakhstan
  15. 15. Nagtataglay ito ng malaking deposito ng petroleum at natural gas na siyang nakatulong nang malaki sa ekonomiya ng bansa. Nasa Kazakhstan din ang pangalawang pinakamalaking reserba ng uranium, chromium, lead, zinc, pangatlo sa reserba ng manganese, ikalima sa copper, ikasampu sa reserba ng coal, bakal at ginto ng ikalabing-isa sa reserba ng langis natural gas. Hindi man mayaman ng lupang sakahan, nakapagtatanim pa rin ang mga mamamayan sa bansa ng trigo at bulak.
  16. 16. SUKAT 143,100 KAPITAL DUSHANBE YUNIT NG SALAPI RUBLE YAMAN PETROLYO, URANIUM, MERCURY, BROWN COAL, LEAD, ZINC, ANTIMOTY,TUNGSTEN, PILAKAT GINTO TEMPERATURA 23 *C HANGGANG 30 *C (TAG-ARAW)AT -1 *C HANGGANG 3*C (TAGLAMIG) PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.52%
  17. 17. Nagmula ang pangalang tajiskistan sa mgakatutubong tajik na sinasabing may lahing Persiano. Dumaan ito sa seye ng pananakop ng mga arabe, Mongol at Ruso. Nagsarili ang tajikistan bilang isang malayang estado noong 1991 nang mabuwag ang USSR. Nakalatag ito sa timog-silangang bahagi ng rehiyon. Nahahangganan ito ng Uzbekistan at Kyrgyzstan sa hilaga, Afghanistan sa timog at china sa bulubunduking bahagi nito sa silangan. Ito ay isang bansang napapalibutan ng lupa (landlocked) at pinakamaliit ang sukat sa gitnang asya.
  18. 18. Ito ay lupain ng mga bundok sa ilog. Sa katunayan, mahigit 90% ng lupain nito ay nababalutan ng bulubundukin. Nakalatag ang lupain nito sa bahagi ng pamir at tien shan na may taas mula 300 metro hanggang 7,495 metro. Nagtataglay ang tajikistan ng 947 ilog na may habang mahigit sa sampung (10) kilometro. Pinakamalaking ilog ng bansa ang Amu Darya, Syr Darya (sa hilaga), Zeravshan (kaugnay ng Amu Darya),Vakhsh at ang Panj May mga lawa rin sa tajikistan. Pinakamalaki rito ang Lake Karakul sa Silangang Pamis. Ang kabuuang su