Mga organisasyon ng negosyo

23

Transcript of Mga organisasyon ng negosyo

MGA ORGANISASYON

NG NEGOSYO

Gawain 1: BUSINESS AS USUAL

Suriin ang mga larawang nasa susunod na pahina. Matapos nito, sagutin ang katanungan sa mga pamprosesong tanong.

ALING SONIA’S SARI-SARI STORE

ARMANDO AND TRICIA’S BEAUTY

PARLOR

SAN GABRIEL CORPORATION

SAN ROQUE MULTI-PURPOSE

COOPERATIVE

PAMPROSESONG TANONG

1. Tungkol saan ang mga larawan na ipinakita sa itaas?

2. Pare-pareho ba ang mga negosyo ayon sa laki ng puhunan?

3. Kung pagbabatayan ang bilang ng nagmamay-ari, pare-pareho rin ba ito?

4. May kilala ka bang nagmamay-ari ng negosyo? Ilan ang nagmamay-ari nito?

MGA ORGANISASY

ON NG NEGOSYO

Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito ay ang (1) sole proprietorship, (2) partnership, at (3) corporation (4) cooperative.

Sole Proprietorship Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-

aari at pinamamahalaan ng isang tao. Ang nagmamay-ari ay tinatawag na sole proprietor o sole trader. Siya ang may kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo. Pag-aari niya ang lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo at lahat ng kapital ay nagmumula sa kaniya. Siya ang nakikipagsapalaran at humaharap sa lahat ng pagsubok o hamon. Ang lahat ng kita at pagkalugi ay tanging sa kaniya lamang. Siya ang nangangasiwa sa lahat ng gawain na ang layunin ay kumita. Wala o mas kaunti ang mga nauukol na mahihigpit na usaping legal sa mga ganitong uri ng organisasyon.

Ang kakayahan ng maliliit na negosyo na umuunlad ay nakadepende sa kakayahan ng sole proprietor. Kung mangangailangan siya ng maraming pondo, maaaring kumuha siya ng karagdagang pondo mula sa kaibigan, bangko, o kita ng negosyo. Bilang kabahagi sa pagsulong ng ekonomiya, naging papel ng sole proprietor ang magbigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan sa pamamagitan ng maliliit na negosyo na matatagpuan sa mga pamayanan.

Partnership Ang partnership ay isang organisasyong binubuo

ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo. Ang mga kasapi ng isang partnership ay tinatawag na partners. Ang mga kasapi ng ganitong uri ng samahan ay maaaring tawaging general partners o limited partners. Sa unang uri, ang mga partner ay pantay-pantay na pinangangasiwaan ang isang negosyo samantalang ang mga kasapi ay mayroon ding pantay-pantay na pananagutan sa mga maaaring maging pagkakautang at pagkalugi. Samantala, sa ikalawang uri, ang mga partner ay maaaring mamuhunan subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa pangangasiwa. Maging sa puhunan, ang tanging pananagutan ng limited partners ay nakatuon lamang sa halaga na kanilang ibinigay na puhunan sa negosyo.

Corporation Corporation o korporasyon ang

pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito ang may pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito rin ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamay-ari, kumokontrol, at nagpapatakbo ng korporasyon. Ang korporasyon ay maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na magbayad ng buwis. Katangian din nito ang limitadong pananagutan ng mga may-ari at ang pagbibigay ng mga bahagi o shares sa anyo ng mga stocks, at ang pananatili nito ay isang mahalagang bagay.

Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay tinatawag na incorporation. Ito ay nagbibigay sa kompanya ng katayuang legal na hiwalay sa mga nagmamay-ari. Dahil dito, nabibigyang proteksiyon ang mga nagmamay-ari mula sa mga pananagutan, halimbawang ang kompanya ay mahabla. Ang kondisyong ito ay tinatawag na limitadong pananagutan (limited liability).Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga may-ari ng korporasyon ay walang pananagutan sa utang ng kompanya. Kung ang kompanya ay malugi, ang tanging mawawala sa may-ari ay ang salapi na kanilang pinuhunan bilang common stock.

Cooperative Mayroon pang ibang uri ng samahan ng

negosyante. Ito ang kooperatiba na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo. Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.

Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at pamamalakad ng samahan kaya interesado silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng kanilang samahan. Nagaganyak din silang magtipon ng karagdagang puhunan sa pagnanais na lumago ang negosyo. Higit sa lahat, hinahati-hati ng pantay ang kapakinabangan ng samahan.

Sa kabilang dako, maliit ang tubong natatanggap ng mga kasapi sa saping-puhunang ipinasok sa kooperatiba dahil na rin sa hindi pangunahing layunin nito ang magkaroon ng malaking tubo. Gayundin, kulang sa kapital ang isang kooperatiba. Maliit lamang ang saping puhunan na inilalagay rito kung ihahambing sa isang korporasyon.

Gawain 2: CHECKLIST Tukuyin at lagyan ng tsek kung

anong uri ng organisasyon ng negosyo ang inilalarawan sa bawat bilang.

KATANGIAN Sole Proprietorship

Partnership

Corporation

Cooperative

1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo. 2. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga. 3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao. 4. Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay ipinamamahagi sa mga stockholder.

5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at pinagtitipon- tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo.

Gawain 3: 3M’s MAGPLANO, MAGSIGURO, MAGNEGOSYO!

Makibahagi sa inyong pangkat. Bumuo ng isang mini business plan gamit ang natutuhan sa Technology and Livelihood Education para sa binabalak na negosyo ng grupo. Punan ng kaukulang tugon at impormasyon ang chart base sa mga nakapaloob sa business plan.

MGA NAKAPALOOB NA BUSINESS PLAN TUGON/IMPORMASYON

1. Hangarin o misyon ng negosyo 2. Ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang negosyo

3. Magiging mga kliyente (Target Market) 4. Magiging mga karibal o kakompitensiya 5. Uri ng produkto o serbisyo na ibebenta 6. Mga pamamaraan o estratehiyang gagamitin sa pagbebenta 7. Panggagalingan ng puhunan at papaano ito gagamitin

8. Inaasahang kikitain sa loob ng 1 hanggang 3 taon