Maykro Ekonomiks

72
MAYKRO EKONOMIKS - Gizylle Ann M. Lago -

Transcript of Maykro Ekonomiks

Page 1: Maykro Ekonomiks

MAYKRO EKONOMIK

S- Gizylle Ann M. Lago -

Page 2: Maykro Ekonomiks

• Pag-aaral ng maliliit na yunit ng ekonomiya.

• Nakatuon ito sa galaw ng indibidwal na tao, sambayanan, bahay – kalakal, industriya at pamilihan.

Maykroekonomics

Page 3: Maykro Ekonomiks

- Ang taong nagsusuri ng industriya ng

pamilihan tulad ng sumusunod:Bakit tinaguriang highly

competitive ang ibang pamilihan kapag marami ang gumagawa ng produkto.

Ang iba naman ay very concentrated na may ilaw lamang bahay – kalakal ang gumagawa ng produkto.

Microeconomist

Page 4: Maykro Ekonomiks

DEMAND

Page 5: Maykro Ekonomiks

• Dami ng produkto at serbisyong nais bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.• Nagsisimula sa mga hilig,

kagustuhan at pangangailangnan na dapat matugunan.• May isang produkto o

paglilingkod kapag makapagbibigay ito ng kasiyahan o makatutugon sa isang pangangailangan.

Kahulugan ng Demand

Page 6: Maykro Ekonomiks

• Batayan sa pagpapaliwanag ngpagpapasya ng mga mamimili kapag bumili sila ng produkto habang nagbabago ang presyo nito.

• Kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mataas ang demand nito.

• Kapag mataas ang presyo ng naturang bilihin, mababa ang demand nito.

Batas ng Demand

Page 7: Maykro Ekonomiks

- Isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang bagay o produkto sa itinalagang presyo.

Iskedyul ng Demand

Page 8: Maykro Ekonomiks

• Isang grapikong paglalarawan ng relasyon ng presyo ng bilihin at ang dami ng demand.• Nagpapakita ang kurba ng demand ng baligtad na ugnayan ng presyo at ng dami ng demand.

Kurba ng Demand

Page 9: Maykro Ekonomiks

Kurba ng Demand

A10

Pres

yo b

awat

yun

it sa

Dami, Q

BC

D

E

F

9

8

7

6

5

0

5 10 15 20 25 30

Page 10: Maykro Ekonomiks

Paggalaw ng Kurba ng Demand

Presyo ₱

Dami, Q

A

B

C

P3

P2

P1

0Q1 Q2 Q3

Page 11: Maykro Ekonomiks

Paggalaw ng Kurba ng Demand

Presyo ₱

Dami, Q

P2

P1

0Q1 Q2 Q3

D1

D2

Page 12: Maykro Ekonomiks

1. Kita ng Mamimili•May positibong epekto ang kita ng isang tao sa demand ng isang produkto.•Makabibili ng higit na maraming produkto ang mga taong may mataas na kita kaysa mga taong may mababang kita.

Salik na Nakapagpapabago sa

Demand

Page 13: Maykro Ekonomiks

•Naayon sa panlasa ng tao sa kasarian, edad, sitwasyon o pangangailangan, mga kaugalian o maari ring gawa ng kalikasan.

2. Panlasa

3. Espekulasyon o Inaasahan ng mga Mamimili• Kung inaasahan ng mga mamimili

ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa hinaharap, nahihikayat silang bilhin sa kasalukuyan ang isang produkto upang maiwasan ang mataas na presyo.

Page 14: Maykro Ekonomiks

4. Presyo ng mga kaugnay o kapalit na Produkto• Magbabago ang demand para sa mga produktong napiling kapalit kaya tataas din ang presyo ng mga ito.

Page 15: Maykro Ekonomiks

MGA IMPLUWENSYA NG IBA’T – IBANG VARIABLES SA DAMI NG DEMAND

Variable Epekto

Sariling presyo•Pagtaas ( )•Pagbaba ( )

Kita•Pagtaas ( )

•Pagbaba ( )

Panlasa•Kapag nasa uso•Nawala sa uso

Klima•Tag –init•Taglamig

Presyo ng kaugnay na produkto•Pagtaas ng presyo ng baboy•Pagbaba ng presyo ng baboy

Pagbabago sa rami ng demand•Pagbaba pag – akyat ng kurba •Pagtaas pagbaba ng kurba

Pagbabago sa rami ng demand•Karagdagang dami ng demand•Paglipat ng kurba ng demand tungong kanan•Pagbawas ng rami ng demand•Paglipat ng kurba ng demand tungong kaliwa

•Pagtaas ng produktong nasa uso•Pagbaba ng demand

•Pagtaas ng demand ng palamig, abaniko, soft drink at sorbetes , air conditioner.•Pagbaba ng demand para sa kasuotang pangginaw•Pagbaba ng demand para sa air conditioner.

•Pagtaas ng demand ng manok, karneng baka at isda.•Pagtaas ng demand ng baboy.

Page 16: Maykro Ekonomiks

SUPLAY

Page 17: Maykro Ekonomiks

- tumutukoy sa rami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng mga neosyante sa pamilihan sa magkakaibang presyos isang takdang panahon.

Kahulugan ng Suplay

Page 18: Maykro Ekonomiks

• Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin, tataas ang dami ng produktong handang ipagbili sa isang takdang panahon.

• Kapag mababa ang presyo ng isang bilihin, bababa rin ang dami ng produktong nais bilhin sa isang takdang panahon.

Batas ng Suplay

Page 19: Maykro Ekonomiks

- Ang talaan nanagpapakita ng relasyon ng pagbabago sa presyo at pagbabago sa suplay.

Iskedyul ng Suplay

Page 20: Maykro Ekonomiks

Presyo Bawat Yunit

Dami ng Suplay

₱ 10₱ 9₱ 8₱ 7₱ 6₱ 5

30252015105

Iskedyul ng Suplay

Page 21: Maykro Ekonomiks

10

Dami, Q

S

9

8

7

6

5

0

5 10 15 20 25 30

Presyo ₱

Iskedyul ng Suplay

Page 22: Maykro Ekonomiks

• PRINSIPYO O BATAS NG LUMILIIT NA PAKINABANG

– Ang sunod – sunod na paggamit ng isang salik ng produksyon – habang hindi nagbabago ang ibang salik – ang nagpapataas ng dami ng ginagawang produkto.

Gastos bilang Batayan ng Suplay

Page 23: Maykro Ekonomiks

Bila

ng n

g H

ambu

rger

Itina

as s

a Ra

mi

100

80

60

40

20

0

20

15

10

5

0

1 12 23 34 4

Dami ng Tagagawa Bilang ng Tagagawa

Gastos bilang Batayan ng Suplay

Page 24: Maykro Ekonomiks

• PRESYO NG MGA SALIK NG PRODUKSYON

- Renta o upa para sa serbisyo ng lupa. - Sahod ng manggagawa. - Interes para sa serbisyo kapital. - Tubo para sa serbisyo ng

entreprenyur.

Mga Salik na Nakapagpapabago sa Suplay

Page 25: Maykro Ekonomiks

Dami, Q

S

0

Presyo bawat yunit, ₱

P2

P1

SC D

BA

Q1 Q2 Q11 Q22

Pagbabago ng Kurba ng Suplay

Page 26: Maykro Ekonomiks

• Nangyayari ito kung magkaugnay (katambal o pamalit) ang mga produkto. Nakaiimpluwensya ang pagbabago ng presyo ng isa sa suplay ng kaugnay na produkto.

Pagbabago sa Ibang Presyo ng Produkto

Page 27: Maykro Ekonomiks

• Bumubili ang mamimili sa kasalukuyan upang ang pagtaas ng presyo sa hinaharap.

• Ganito rin ang ginagawa ng mga negosyante. Kung inaasahang tataas ang presyo ng isang produkto, itatago muna ito at ilalabas na lamang kung mataas na ang presyo.

Espekulasyon sa Pamilihan

Page 28: Maykro Ekonomiks

• Nagpapababa ang isang makabagong teknolohiya ng gastos sa produksyon na hahantong sa pagdami ng suplay.

• Magpapataas naman sa rami ng produktong nais gawin ang pagbaba ng gastos.

Pababago sa Teknolohiya

Page 29: Maykro Ekonomiks

• Ang tindi o antas ng pagtugon ng demand sa pagbabago ng presyo.

Elastisidad ng Demand

Page 30: Maykro Ekonomiks

Dami, Q0

Presyo bawat yunit, ₱

P3A

D3

Q2A

P3B

P2A

P2B

Q2B Q3A Q3B

D1

D2

Elastisidad ng Demand

Page 31: Maykro Ekonomiks

Dami, Q0

Presyo, ₱

D3

D1

D2

Elastisidad ng Demand

Page 32: Maykro Ekonomiks

Ito ay nagpapakita na hindi nagbago ang dami ng Q sa pagbabago ng presyo.

A) GANAP NA DI – ELASTIK NA DEMAND

Presyo, P

D

P3

P2

P1

Dami, Q Q

Ito ay nagpapakita na hindi nagbago ang presyong P sa alternatibong dami ng demand.

B) GANAP NA ELASTIK NA DEMAND

Presyo, P

P D

O Dami, Q

Q1 Q2 Q3

Page 33: Maykro Ekonomiks

Maaari ring maunawaan ang konsepto ng elastisidad sa pamamagitan ng sumusunod na mga pamantayan

% sa pagbabago ng dami ng demand∑ = ------------------------------

% sa pagbabago ng presyo

%∆Q∑ D = ----- %∆P

Q2 – Q1 Q

∑ = --------P2 – P1

P

Page 34: Maykro Ekonomiks

Paraan ng pagbasa ng equation at ang ipinahihiwatig nito.

Delta Q; ito ang ginagamit na simbolo ng pagbabago sa dami. Upang makita ang pagbabago sa rami ng demand ang dating dami. Q1 ay ibinabawas sa bagong dami Q2

Antas ng pagbabago sa rami. Upang makita ang antas n pagbabago sa rami ng demand, ang bagong dami ng demand Q2 ay iniaawas ang dating dami ng demand Q1 at hahatiin ng pinagsamang Q2 at Q1 na nahati naman sa dalawa. Delta P. nagpapahiwatig ng pagbabago sa presyo at makukuha sa pamamagitan ng pag-aawas ng dating presyo P1 mula sa bagong prsyo P2.

Antas ng pagbabago ng presyo ay makukuha sa pamamagitan ng pag-awas ng dating presyo P1 mula sa bagong presyo P2 at hahatiin ng pinagsamang presyo pagkatapos na hatiin sa dalawa.

Page 35: Maykro Ekonomiks

Sa pangmatematikong pagtutuos, mababatid kung elastik, di-elastik o unitary

ang demand sa pamamagitan ng koepisyente nito. Bilang gabay, kung higit sa 1 ang

koepisyente ng demand, ito ay elastik; kung mababa sa 1, di-elastik; at kung pantay sa 1,

unitary.

Page 36: Maykro Ekonomiks

Halimbawa, ipagpalagay na may isang kalakal na nagkakahalaga

ng P10 at may demand dito na 200 yunit. Nang tumaas ang presyo

nito sa P14, bumaba ang demand sa 80 yunit. Alamin ang

elastisidad ng demand para sa nasabing produkto.

Page 37: Maykro Ekonomiks

Kilalanin ang mga variable: Q1 = 200 yunit P1 = P 10.00

Q2 = 80 yunit P2 = P14.00

Q2 – Q1

Q1 + Q2

2∑ D = --------

P2 – P1

P1 + P2

2

80 – 200 200 + 80

2∑ D = --------

14 – 10 10 + 14

2

- 120 280

2∑ D = --------

4 24 2

- 120 140

∑ D = --------4

12

- 86∑ D = --------

.333

∑ D = - 3

Page 38: Maykro Ekonomiks

ELASTISIDAD NG SUPLAY

Page 39: Maykro Ekonomiks

May kaukulang pagtugon o reaksyon ang pagbabago ng presyo sa pagbabago ng dami ng suplay. Tulad ng demand, may ganitong

pantayan ang antas ng pagtugon.

QS = dami ng suplay

P = presyo

%∆S∑ S = ----- %∆P

QS2 – QS1

QS1 + QS2

2∑ D = --------

P2 – P1

P1 + P2

2

Kung saan:

∑ S = Koepisyente ng elastisidad

Page 40: Maykro Ekonomiks

Nangangahulugan ang suplay na elastik na higit na mataas ang bahagdan ang

pagbabago sa rami ng suplay kaysa bahagdan ng pagbabago sa presyo. Samakatwid,

mataas kaysa 1 ang koepisyente ng elastisidad ng suplay sa presyo.

Nagpapahiwatig ng talagang kaugnay ang suplay sa pagbabago ng presyo. Sa kabilang dako, kapag mababa sa 1 ang koepisyente, nangangahulugan na higit na mababa ang bahagdan ng pagbabago sa rami ng suplay kaysa bahagdan ng pagbabago sa presyo.

Hindi sensitibo sa pagbabago ng presyo ang mga negosyante sa ganitong pagkakataon. Kapag pantay naman sa 1 ang koepisyente,

unitary ang suplay ng produkto.

Page 41: Maykro Ekonomiks

KATAWAGAN PAGLALARAWAN SUKAT NG ELASTISIDAD SA BILANG O NUMERO

1. Ganap na di - elastik 1. Walang pagbabago ang dami ng demand/suplay habang nagbabago ang presyo

1. Sero

2. Di – elastik 2. Higit na maliit ang antas ng pagbabago sa dami ng demand/suplay kaysa sa pagbabago sa presyo

2. Higit na mataas sa sero, subalit higit na mababa sa isa.

3. Unitary 3. Katumbas sa antas ng pagbabago sa presyo ang dami ng demand/suplay

3. Isa

4. Elastik 4. Ang dami ng demand/suplay ay nagbabago nagng higit sa antas ng pagbabago sa presyo

4. Higit na mataas sa isa, subalit hindi bababa sa infinity

5. Ganap na Elastik 5. Handang bumili ang mga mamimili sa isang takdang presyo ng isang uri ng paninda. Subalit kapag nagkaroon ng kahit kaunting pagtaas sa presyo, hindi na nila ito bibilhin. Handang bumili sa isang takdang presyo ang mga prodyuser, subalit kapag nagkaroon ng kaunting pagbaba ng presyo, hindi na sila magbibili ng kanilang produkto.

5. Infinity

Page 42: Maykro Ekonomiks

Tulad ng demand, mayroon ding hindi pangkaraniwang kaso ng elastisidad ng suplay:

A) GANAP NA ELASTIK NA KURBA NG SUPLAY

Presyo, P

P S

Dami, Q O

Q1 Q2 Q3

A) GANAP NA DI - ELASTIK NA KURBA NG SUPLAY

Presyo, P

S

P3

P2

P1

O Dami Q Q

May pagbabago sa dami ng suplay, Q1 hanggang Q3, ngunit hindi ito nakapagpabago sa presyo (P)

Hindi nakapagpabago sa dami ng suplay (Q) ang pagbabago sa presyo (P1 hanggang P3)

Page 43: Maykro Ekonomiks

SISTEMA NG PAMILIHAN

Page 44: Maykro Ekonomiks

Bahagi ng pamilihan ng buhay pang-ekonomiko ng tao. Sa pamilihan nakukuha ng tao ang kanyang kailangang produkto at serbisyo.

Kung wala sa pamilihan ang kanyang kailangan, hindi ito matutugunan. Sa pamilihan itinatatakda kung anong produkto at serbisyo

ang gagawin at kung gaano ito karami.

Binubuo ang pamilihan ng mga namimili at nagtitinda ng mga produkto, kalakal at

serbisyo. Sumasakop ang mekanismo ng pamilihan sa transaksyon sa pagitan ng nagtitinda at namimili na humantong sa

bentahan. Pinagtitibay ng transaksyon ang pagpapalitan ng pagmamay-ari sa kalakal o

serbisyo mula sa tindera papuntang mamimili sa isang pinagkasunduang presyo.

Page 45: Maykro Ekonomiks

May pamilihan ang bawat produktoo serbisyo tulad sapatos, tela, bigas at iba pa. Bunga ito

ng espesyalisasyon na tumutukoy sa pagbabaha-bahagi ng paggawa alinsunod sa

kakayahan at kasanayan ng manggagawa at sa distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman.

Magkaunay ngunit magkaiba ang konsepto ng pamilihan at palengke. Tumutukoy ang palengke sa pisikal na pook kung saan

nagtatagpo ang mga mamimili at nagbibili tulad ng palengke ng Divisoria at iba pa. Sa

loob ng palengke nagaganap ang pagtitinda at pagbibili ng kalakal. Sa gayon, ibat-ibang

pamilihan ang makikita sa loob ng palengke sa ibat-ibang panahon.

Maaring lokal, panrelihiyon, pambansa o pandaigdig ang lawak ng pamilihan.

Page 46: Maykro Ekonomiks

INTERAKSYON NG SUPLAY AT DEMAND SA

KALAGAYAN NG PRESYO NG PAMILIHAN

Page 47: Maykro Ekonomiks

Bakit mataas ang presyo ng isang produkto kung minsan at may panahon namang

mababa ang presyo nito?

Naiimpluwensyahan ng presyo ang dami ng demand at suplay at naapektuhan din ang

presyo ng suplay at demand.

Gayunpaman, hindi malimit magbago ang presyo ng lahat ng produkto. May mga

produktong nananatiling matatag ang presyo. Epekto rin ang ganitong sitwasyon ng

interaksyon ng pwersa ng suplay at demand.

Page 48: Maykro Ekonomiks

Kapag pinagsama ang kurba ng suplay at demand, lumilitaw ang konsepto ng ekilibriyo. Ito ang kalagayan ng pamilihan na makatugma ang pwersa ng demand at ng suplay. Sa gayon, wala ng tawarang magaganap at walang mamimili o negosyanteng mabibigong bumili o magbibili sa umiiral na presyo.

Iba-iba ang dami ng pangangailangan ng mga mamimili at ang dami ng suplay na handang ipagbili ng mga prodyuser sa ibang presyo. Kapag mababa ang presyo ng produkto, tataas ang demand para rito. Taliwas ang mangyayari kapag mataas ang presyo ng produkto. Nababawasan ang demand at dumarami ang inaasahang ang mangyayari sa rami ng suplay. Kapag mataas ang presyo ng produkto (at walang pagbabago sa ibang bagay), inaasahang tataas ang dami ng suplay na handang ipagbili ng prodyuser.

Ekilibriyong Presyo

Page 49: Maykro Ekonomiks

Presyo bawat kilo

(P)

Dami ng Demand

(libong kilo bawat buwan)

Dami ng Suplay

(libong kilo bawat buwan)

1 5 5 20

14 7 15

1 3 10 10

12 12 5

11 15 1

Iskedyul ng Demand at Suplay ng Bigas

Page 50: Maykro Ekonomiks

P15

10

5

0

20 15 10 5

E

D

S

Ekilibriyong Presyo at Dami ng Produkto

Page 51: Maykro Ekonomiks

Maaaring magbago ang ekilibriyong presyo sa pamilihan batay sa pagbabago ng demand o suplay. Kung ang suplay ang magbabago bagaman walang

pagbabago sa demand, ano kaya ang magiging pagbabago sa

ekilibriyong presyo at sa rami ng produkto?

Pagbabago ng Ekilibriyong Presyo

Page 52: Maykro Ekonomiks

DALA NG PAGBABAGO SA SUPLAYPresyo

15

5

5

10

15 10 20

P2

P1

Q1

D

S2

S1

E2

E1

Q2 DAMI (Q)

Pagbabago sa Presyo

Page 53: Maykro Ekonomiks

DALA NG PAGBABAGO NG DEMANDPresyo

15

10

5

5 10 15 20

DAMI (Q)

P1

P2

E1

E2

S

D2

D1

Page 54: Maykro Ekonomiks

KompetisyonOligopolyoMonopolyo

Iba’t ibang Uri ng Pamilihan

Page 55: Maykro Ekonomiks

• Kung maraming produsyer ang isang produkto, magpapaligsahan ang mga ito upang makaakit ng mga mamimili nang sa gayon, maging mabili ang kanilang produkto

• Maaaring sa kalidad ng produkto, estilo, materyal na ginamit, garantiyang ibinibigay at mga karagdagang paglilingkod tulad ng libreng paghahatid, pagkakabit, pagkukumpuni at iba pa.

• Maaari ring sa presyo ang kompetisyon. Kung alin ang mas mababang presyo, iyon ang tatangkilikin ng mga mamimili.

• Kung malaya ang kompetisyon, walang produsyer na makapagpatataas nang labis sa kanyang presyo sapagkat madaling makakalipat sa iba ang mga mamimili.Sa pamamagitan nito nakikinabang ang mga mamimili dahil nagkakaroon sila ng pagkakataong makapamili ng produkto sa kalidad at presyong ibig nila.

Kompetisyon

Page 56: Maykro Ekonomiks

• Kung malaya ang kompetisyon, walang prodyuser na makapagpapataas nang labis sa kanyang presyo sapagkat madaling makalilipat sa iba ang mga mamimili.

• Sa panig naman ng produsyer, isang paraan ang pag-iral ng malayang kompetisyon kung paano makapapanatili sa pangangalakal ang mahusay na produsyer o ang sistema ng produksyon ay higit na mabisa kaysa iba. Madaling mawala sa kompetisyon ang hindi mahusay na produsyer. Kaya sa kompetisyon, ang mga produsyer na mabisa ang sistema ng produksyon ang kadalasang natitira sa lamang sa pamilihan.

Page 57: Maykro Ekonomiks

• Limitado ang kompetisyon at kung mayroon man, iyon ay sa kalidad ng produkto, mga karagdagang serbisyo at iba pa. kadalasan, walang kompetisyon sa presyo sapagkat nagkakaroon ng “kasunduan” ang mga produsyer na magtatakda lamang sila ng iisang presyo.

Oligopolyo

Page 58: Maykro Ekonomiks

Ano kaya ang mangyayari kung magbaba ng presyo ang isa sa mga oligapolista upang

makaakit ng maraming mamimili?

• Magbababa na rin ng kanilang presyo ang ibang produsyer hanggang sa bumagsak ang presyo at lumiit ang tubo.

• May maliit ding posibilidad ang labis na pagpapataas ng presyo sapagkat kung hindi naman magtataas ng presyo ang ibang produsyer, mawawalan sila ng mamimili.

Page 59: Maykro Ekonomiks

• Kapag may monopolyo o iisang tagapagsuplay lamang sa pamilihan, higit na malaki ang pagkakataon ng monopolista na makontrol ang presyo o ang dami ng produktong kanyang ipagbibili.upang magiging kapakipakinabang sa monopolista, kadalasang kinokontrol nito ang dami ng produktong sinusuplay niya sa pamilihan.

• Hindi malimit makapagtubo nang labis-labis ang monopolista.pupunahin ito ng mga mamimili at mapipilitan ang pamahalaan na makialam sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga regulasyon sa operasyon ng monopolyo.

Monopolyo

Page 60: Maykro Ekonomiks

Ganap na

kompetisyon

Monopolyo Oligopolyo

Katangian Malayang kalakalan sa pamilihan

Maraming mamimili at nagbibili

Malayang paggalaw ng mga sangkap ng

produksyon

Ganap na kaunlaran

Walang kompetisyon

Nag-iisa ang nagbibili ng produkto

Walang kaunting produkto

Kakayahang humadlang ng kakompetensya

Negatibong epekto sa mahusay na paggamit ng sangkap ng produksyon

Pumapasok ang pamahalaan sa pagkontrol ng masamang epekto ng monopolyo sa kabuhayan

Malayang pagkilos

Sabwatan

Hindi nagtutunggaling reaksyon

Kompetisyon sa presyo

Istruktura ng Pamilihan

Page 61: Maykro Ekonomiks

Epekto sa demand at suplay

Sensitibo ang mga mamimili at nagbibili sa uri at kalidad ng mga paninda Maraming pagsusuri ng mga negosyante sa gastos ng mga sangkap ng produksyon Dahil sa rami ng mga kauring produktong,malawak ang pagpipilian ng mga mamimili

Higit na malakas at malawak na kapangyarihan sa pamilihan

Malakas ang kontrol ng monopolista sa demand ng produkto

Limitadioang tunggalian ng pwersa ng demand at suplay at pangangailangan

Resulta sa presyo

Walang kapangyarihan ang isang mamimili o isang negosyante sa pagtatakda ng presyoIsinasagawa ng mekanismo ng presyo ang pagtatakda ng presyo.

Naitatakda ng monoplistang kompanya ang presyo at dami ng ipagbibili sa pamimiliMaaaring magpataas ng presyo ng produkto ang pagbabawas ng produksyon

Nagagawang kontrolin ang presyo.Maaaring mababa ang presyo kapag may malayang pagkilos ang mga kapwa negosyante; o kapag may sabwatan, kadalasang mataas ang presyo

Page 62: Maykro Ekonomiks

• Isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga bahay-kalakal na itakda ang presyo o ang dami ng produksyon.

• Ipinagbabawal ng batas ang pormal na kartel, bagaman mahirap tuntunin kung nagkakaroon ng lihim na kasunduan ang ilang bahay-kalakal sa isang industriya.maaari ring magkaroon ng di-pormal na kasunduan na batay sa pakiramdamdaman.

• Ang pinakamalaking panganib na maaaring harapin ng kartel ay kung magkaroon ng pansariling interes na mandaya ang mga kasapi, isang gawain na

tinatawag na chiseling.

Kartel

Page 63: Maykro Ekonomiks

• Hindi lubhang maganda ang kasaysayan ng kartel. Marami ang panandalian lamang dahil sa nagaganap na chiseling. Kung nagtatagumpay ang kartel dahil ito sa partisipasyon ng pamahalaan. Kung kasangkot ang pamahalaan, mahirap mangyari ang chiseling dahil napaparusahan ang gumagawa.

• Kung ang kartel ay magtatagumpay bilang isang monopolyo at kumita ng higit na mataas na tubo, nagsisilbi itong hadlang upang hindi makapasok ang iabang industriya.

Page 64: Maykro Ekonomiks

Mga interbesyon sa presyo

Buwis• Bahagi ng gastos sa paggawa ng produkto ang buwis

na ipinapataw sa mga salik ng produksyon.kung halimbawang inaangkat ang kagamitang panangkap sa paggawa ng produkto,ipinagbabayad ito ng buwis na ipinapataw, higit na tumaas ang presyo ng produkto. Ang mamimili ang nagiging hindi twirang nagbabayad ng buwis sa pagbili niya ng produkto.

Page 65: Maykro Ekonomiks

Papel ng Pamahalaan sa Pagtatakda ng Presyo

• Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo. Ang pamahalaan ang pumipigil sa mga negosyante na uamabuso sa pagtatakada ng presyo ng kanilang produkto. Ito rin ang nagtatakda ng mga presyo ng kalakal, lalung-lalo na ang mga produktong tumutugon sa pangunahing pangangailangan.

Page 66: Maykro Ekonomiks

Anti-Profiteering Law• Sa batas na ito, pinahihintulutan ang

pamahalaan na magtakda ng maximum price sa mga produktong tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

Price stabilization policy• Ito ang direktang pagbibili ng produkto

mula sa mga produsyer nito, tulad ng ginagawa ng national food administration sa mga palay ng magsasaka; at pagtatakda ng presyo sa mga bilihin.

Page 67: Maykro Ekonomiks

Guaranteed Price to Farmers Sa sistemang ito, malimit na bumibili ng

palay sa mga magsasaka ang pamahalaan sa itinakdang halaga. Tinatawag itong farm support price. Hindi nangangahulugang na kailangang bilhin ng pamahalaan ang lahat ng inaning palay ng mga magsasaka,umaabot lamang ng mula sampung bahagdan hanggang 15 bahagdan.

Mga Paraan sa Pagpapatatag ng Presyo

Page 68: Maykro Ekonomiks

• Ipinatutupad ito sa panahon ng emergency kung saan may malaking kakulangan at kakapusan ang pamahalaan, gumagawa ng paraan upang makontrol ang pagtaas ng presyo,lalung-lalo na ng mga produktong tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao. Kadalasang ipinapatupad ang price ceiling, ang sistema kung saan itinatakda ng pamahalaan ang maaaring maging pinakamataas na presyo ng isang produkto(maximum price).

Price Control

Page 69: Maykro Ekonomiks

1. Kakapusan ng suplay Ito ang pagkakataon na iniiwan ng mga

mangangalakal ang kanilang negosyo dahil sa takot na malugi sa negosyong kanilang pinasukan. Ang iba naman,itinatago ang kanilang produkto upang sa gayon, tataas ang presyo nito dahil sa kakapusan aat saka nila ilalabas ang kanilang produkto. Sa ganitong paraan, higit na malaki ang kanilang tubo. Ito naman ang tinatawag na hoarding. Nangyayari pa rin ito kahit na may karampatang parusa ang sinumang negosyanteng nagtatago ng produkto sapgkat may mga opisyal ng pamahalaan na nababayaran.

2 Artipisyal na Kakapusan

Page 70: Maykro Ekonomiks

2. Unreasonable Precautionary Demand

Bumibili ang mga tao ng higit sa kanilang pangangailangan dahil sa takot na maubusan o maabutan ng pagtaas ng presyo ng produkto. Tinatawag itong panic buying. Higit na naaapektuhan nito ang mahihirap na maaari lamang bumili nang ayon sa kanilang pangangailangan. Dahil dito, nawawalan ng saysay sa mga ordinaryong mamamayan ang price control na ipinatupad para sa kapakanan ng mahihirap upang makabili ng produkto sa murang halaga.

Page 71: Maykro Ekonomiks

• Bukod sa pagkontrol sa presyo, maaari ring magpairal ang pamahalaan ng pagrarasyon ng produkto upang magkaroon ng pantay na distribusyon ng limitadong produkto. Maaaring magpamigay ng kupon na magsisilbing batayan ng distribusyon upang maiwasan ang kompetisyon sa pagbili ng limitadong dami ng produkto, maaaring magkaroon ng labis na pagpapataas ng presyo ng mga mapagsamantalang prodyuser.

Pagrarasyon

Page 72: Maykro Ekonomiks

• Bagaman may pagkontrol sa presyo kung may kakulangan sa suplay, may mga mapagsamantalang tindera na palihim na nagbibili ng produkto sa higit na mataas ang presyo kaysa itinakda ng pamahalaan. Ito ang tinatawag na black market. Dahil sa limitado ang dami ng suplay, napipilitan ang ibang mamimili na magbayad ng higit na mataas na presyo upang magkaroon lamang ng kailangang produkto. Sa pag-iral ng black market, lalong tumaas ang presyo ng produkto.

Black Market