Scope and Sequence (Ekonomiks)
-
Upload
felix-tagud-ararao -
Category
Documents
-
view
237 -
download
17
description
Transcript of Scope and Sequence (Ekonomiks)
GABAY PANGKURIKULUM (ARALING PANLIPUNAN EKONOMIKS)AralinKabuuang Bilang ng mga Araw Pamantayang PangnilalamanPamantayang PagganapPamantayan sa PagkatutoPagsasanib ng mga VMO o Gender Issue
UNAHANG MARKAHAN
Heograpiya at Ekonomiya ng Bansa
Ang Ekonomiks bilang isang agham
Ang Ekonomiks at Ang Kaunlaran
Pinagkukunang Yaman
Kakapusan
Pangangailangan at Kagustuhan
Pagkonsumo
Produksiyon
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman at isyu ukol sa ugnayan ng matalinong paggamit ng pinagkukunang yaman ayon sa patakaran ng konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit tungo sa pagkakamit ng pag-unlad
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaisipan at isyu tungkol sa ugnayan ng matalinong paggamit ng pinagkukunangyaman ayon sa patakaran ng konserbasyon, kapaligiran, at likaskayang paggamit tungo sa pagkakamit ng pag-unlad.
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan at isyu tungkol sa ugnayan ng matalinong paggamit ng pinagkukunang-yaman ayon sa patakaran ng konserbasyon, kapaligiran, at likas-kayang paggamit tungo sa pagkakamit ngpag-unlad.
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan
Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan at ang kaugnayan nito sa pagunlad ng sarili, pamilya, lipunan at ng bansa
Nahihinuha ang tatlong (3) mahahalagang katanungan sa Ekonomiks na nauugnay sa pang araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
Nabibigyan ng sariling kahulugan ang pag-unlad (development)
Nasusuri ang ibat ibang aspekto (facets), pamamaraan, hangganan at limitasyon ng pag-unlad
Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa (pagsulong) pag-unlad ng isang bansa
Nauuri ang pinagkukunangyaman ng Pilipinas
Nasusuri ang mga datos tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit nito
Napahahalagahan ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas
Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang suliraning panlipunan
Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon
Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas na yaman at ang kahalagahan nito sa pag-unlad
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa mga teorya ng pangangailangan
Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
Nasusuri ang mga epekto ng pagaanunsyo sa pagkonsumo
Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa matalinong pamimili
Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng mga mamimili laban sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili
Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito
Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng entrepreneurship sa produksyon, ekonomiya, at pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang tungkulin ng ibat ibang organisasyon ng negosyo sa produksyon at ekonomiya ayon sa pakikisapi at pananagutan sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at maunlad na bansa.
Pagkakapantay, Brain Drain
Domestic Violence
Subordination, patriarchal control over women
IKALAWANG MARKAHAN:
Pagsusuri ng Ekonomiya
Alokasyon
Maykroekonomiks
Demand at Suplay
Presyo
Interaksyon ng Demand at Suplay
Surplus at Shortage
Pamilihan
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa pag-usbong ng ibat ibang sistema, pamamaraan at prinsipyong pang-ekonomiya bilang tugon sa nagbabagong pangangailangan at kagustuhan tungo sa pagtatamo ng pagunlad.
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa mga pananaw at mekanismo ng pamamahala bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan at pagpapatatag ng bansa
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa pag-usbong ng ibat ibang sistema, pamamaraan at prinsipyong pang-ekonomiya bilang tugon sa nagbabagong pangangailangan at kagustuhan tungo sa pagtatamo ng pag-unlad.
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging kaugnayan ng katangiang pisikal (lokasyon, klima, yamang likas, natural boundaries, at iba pa sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Nasusuri ang mga pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa pagusbong ng ibat ibang sistema, pamamaraan at prinsipyong pangekonomiya bilang tugon sa nagbabagong pangangailangan at kagustuhan tungo sa pagtatamo ng pag-unlad.
Nasusuri ang konsepto ng aring intelektuwal (intellectual property), kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring intelektuwal (intellectual property rights) bilang proteksyon sa mga katangi-tanging likha, akda, o imbensyon ng bawat indibidwal kaugnay sa pag-unlad ng mga industriya ng bansa
Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbabahagi ng mga likas na yaman sa pamilya at lipunan
Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng alokasyon sa ilalim ng ibat ibang sistemang pang-ekonomiya at tradisyonal na prinsipyong pang ekonomiko sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at pagkakamit ng kaunlaran Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lumalaking bilang ng mamamayan
Nailalapat ang kahulugan ng demand at suplay sa pang arawaraw na pamumuhay ng bawat pamilya
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand at suplay
Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa demand at suplay
Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng mamimili at suplay ng nagbibili
Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price sa suplay ng kalakal at paglilingkod
Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan
Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan
Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan
Nailalapat ang kahulugan ng demand at suplay sa pang arawaraw na pamumuhay ng bawat pamilya
Nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa demand at suplay
Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factor) na nakakaapekto sa demand at suplay
Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng mamimili at suplay na nagbibili
Nasusuri ang epekto ng presyo at non- price sa suplay ng kalakal at paglilingkod
Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan
Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sag ma suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan
Nasusuri ang ibat ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao
Prostitusyon, trafficking, commodification
IKATLONG MARKAHAN:
Ang Pamamahala at Ekonomiya
Makroekonomiks
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Gross National Product (GNP)-Gross Domestic Product (GDP) Kalalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig hanggang sa kasalukuyan
Human Development Index (HDI)
Implasyon
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
Institusyon sa Pananalapi
Patakarang Piskal (Fiscal Policy)
Maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang mga desisyong ipinatutupad ng bawat sambayahayan at bawat bahay-kalakal ay tunay na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan.
Makagawa ng newscast o pag-uulat ang mga mag-aaral na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan.
Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa ibat ibang anyo ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan ng bansa
Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng pamilihan at mga institusyon ng bansa
Naipapahayag ang saloobin ang matalinong pagpapasya (kritikal na nakapagsusuri) tungkol sa mga pananaw at mekanismo ng pamamahala bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan at pagpapatatag ng bansa
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa makroekonomiks
Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor sa mga sumusunod: implasyon deplasyon pamumuhunan pag-empleyo (employment,unemployment , underemployment)
Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product- Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya
Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya
Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang produkto (GNP)
Nasusuri ang naging kalagayan ng ekonomiya ng bansa mula sa pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig hanggang sa kasalukuyan gamit ang mga panukat sa pag-unlad
Nasusuri ang ugnayan ng kalagayang pang ekonomiya ng bansa sa antas ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kalagayan ng pamumuhay ng nakararaming Pilipino sa harap ng pagdaigdigang pag-unlad.
Nakikilala ang palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Price Index (CPI)
Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon
Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon bilang isang magaaral
Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon
Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi
Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang sang salik sa ekonomiya
Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapiNapahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat sektor sa pananalapi mga bangko kooperatiba pawnshop
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng institusyon ng pananalapi sa ekonomiya
Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi
Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi sa buhay ng mga mamamayang Pilipino
Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sistema ng pananalapi
Naipahahayag ang saloobin sa bahaging ginagampanan ng mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi tulad ng International Monetary Fund at World Bank sa pananalapi ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginampanan ng pamahalaan sa pagpapatatag ng pananalapi ng bansa
Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal
Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito
Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan
Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan
Nakapaghahayag ng saloobin sa paraan ng paggasta ng pamahalaan
Nakabubuo ng konklusyon sa bahaging ginampanan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal
Nakapagsasanay ng tamang pagkompyut ng buwis
Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis
Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya
Pilipino Muna!, trafficking, commodification
Ikaapat na Markahan
Mga Sektor ng Ekonomiya
Sektor ng Agrikultura (Pagtatanim, Pangingisda, at Paggugubat)
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor ng Ekonomiya
Kalakalang Panlabas
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing isyu ukol sa kahandaan at pananagutan ng mga indibidwal,pangkat at institusyon sa harap ng hamon at pwersa ng globalisasyon na salik sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan tungo sa pambansang pagsulong at pagunlad
Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat na maging handa at mapanagutan ang bawat indibidwal, pangkat at institusyon sa harap ng hamon at pwersa ng globalisasyon na salik sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Nabibigyan -puna mga pangunahing isyu ukol sa kahandaan at pananagutan ng mga indibidwal, pangkat, at institusyon sa harap ng hamon at pwersa ng globalisasyon na salik sa pandaigdigang pakikipagugnayan tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino
Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat)
Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor agrikultura (repormang pansakahan)
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa agrikultura tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya Nakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas
Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang korporasyon at pagsasapribado ng korporasyong pamahalaan
Napagtitimbang ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong multi-nasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang ekonomiya
Naimumungkahi ang mabisang pamamaraan sa pagmamay-ari at pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa produksyon tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng industriya at ng pangangalakal
Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng sektor ng industriya sa mga manggagawa at mga kalakal tungo sa matatag na ekonomiya
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa bahaging ginampanan ng sektor ng industriya sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod
Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino sa sektor paglilingkod ng bansa
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa sektor ng paglilingkod tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod
Nasusuri ang mga hakbangin ng pamahalaan bilang suporta sa sektor ng produksyon
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kalakasan at kahinaan ng sektor ng palilingkod sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang ibat ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya
Nakapaglalahad ng saloobin ukol sa pamumuhay ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya
Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang ekonomiya
Nasusuri ang mga batas ng pamahalaan tungkol sa impormal na sektor ng ekonomiya
Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa
Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino
Nakapaghahayag ng saloobin ukol sa kahalagahan ng kontribusyon sa ekonomiya ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat
Nasusuri ang kaugnayan at epekto ng exchange rate sa kalakalang panlabas ng bansa
Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at sa ekonomiya ng pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi
Nasusuri ang mga kabutihan at dikabutihan ng kalakalang panlabas tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya
Nasusuri ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal na kalakal at paglilingkod
Natitimbang ang epekto ng globalisasyon sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino batay sa mga patakarang liberalisasyon deregulasyon pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan
Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig.
Prostitusyon, eksploytasyon, patriarchal control over women, commodification