Ekonomiks - isang batayang pag-aaral
Click here to load reader
-
Upload
johndeluna26 -
Category
Education
-
view
901 -
download
34
Transcript of Ekonomiks - isang batayang pag-aaral
ISANG BATAYANG PAG-AARAL
DISCUSSANT: MR. JOHN C. DE LUNA
EKONOMIKS:
LAYUNIN NG KABANATA:
Kahulugan ng Ekonomiks Mga Ekonomistang Nagbigay ng Iba’t ibang
kaisipan ukol sa Ekonomiks Mga Saklaw ng Pag-aaral ng Ekonomiks Mga Dibisyon ng Ekonomiks Ang Ekonomiks bilang isang Agham Kaugnayan ng Ekonomiks sa iba pang Agham Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
EKONOMIKS Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan, na nag-aaral sa pagsisikap ng tao, na matalinong magamit ang limitadong pinag-kukunang yaman, at matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao, at mabuhay ng may dignidad.
AGHAM PANLIPUNAN Ang Agham Panlipunan, ay ang pag-aaral sa pangyayari sa ating paligid at ang Agham ay nakatuon sa mga natural na phenomena.
Ang Ekonomiks ay isang Agham sapagkat ito ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pagsagot sa mga pangyayari sa paligid .
LIMITADONG PINAGKUKUNANG-YAMAN
Ang Limitadong Pinagkukunang-yaman, ay tumutukoy sa ating Likas na yaman. Sapagkat aminin man natin o hindi, ang ating Pinagkukunang-yaman ay sadyang limitado lamang upang matugunan ang ating mga pangangailangan.
WALANG KATAPUSANG PANGANGAILANGAN
Ang Walang Katapusang Pangangailangan, ay tumutukoy sa ating mga kagustuhan na nais nating makamit dahil ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan at satispaksyon sa ating sarili.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
Ito ang pamamaraan kung paano pinipili ng mga indibidwal, pangkat, kalakal o pamahalaan ang sistemang lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya.
PRODUKSYON Ang Produksyon, ito ay ang proseso ng paggamit ng likas na yaman sa kapaki-pakinabang na paraan.
DISTRIBUSYON Sa Distribusyon, dito ipinakikita kung papaano ang mga bagay-bagay ay nakakabit sa isang lugar sa buong mundo. Ang Distribusyon din ang nagsasabi kung ilan ang Populasyon sa isang lugar sa iba’t ibang panig ng bansa.
PALITAN Ang Palitan ay mahalaga sa paggabay ng mga kalakal-panluwas at pag-aangkat sa isang bansa.
PAGKONSUMO Ang Pagkonsumo ay isang mahalagang gawain sa ekonomiya ng isang bansa sapagkat ang pagkonsumo ang nagbibigay katuturan sa produksyon.
MGA EKONOMISTANG NAGBIGAY NG IBA’T
IBANG KAISAPAN UKOL SA EKONOMIKS
ADAM SMITH Ipinanganak noong Hunyo 16, 1723 sa
Kirkcaldy, Fife, Scotland at bininyagan noong Hunyo 16, 1723
Isang Scottish Philosopher Nakilala sa kanyang akdang isinulat
noong 1776, ang “An Inquiry Into the Nature and Causes of the Wealth of Nation”
Isinabog niya ang salitang “Laissez-Faire”
Ama ng Modernong ekonomiya Namatay noong Hulyo 17, 1790
DAVID RICARDO Ipinanganak noong Abril 19, 1772
sa London Ekonomistang Pulitikong Ingles Kontribusyon: Batas “Comparative
Advatage” – Specialty May akda ng “Principle of Economy
and Taxation” Ipinaliwanag niya ang “Batas ng
Bumababang Halaga” Namatay noong Setyembre 11,
1823
THOMAS ROBERT MALTHUS
Ipinanganak noong Pebrero 13, 1766 sa Surrey, England
Isang British Scolar May akda ng “An Essay on the Principle of
Population” Ayon kay Thomas Robert Malthus, ang
Populasyon ay lumalaki Geometrically (2, 4, 6, 8, . . . ) ngunit ang pinagkukunang-yaman ay dumarami arithmetically (1, 2, 3, 4, . . . )
Masusolusyonan raw ito sa dalawang pamamaraan: Positive Check – tumutukoy ito sa pagdami ng mga namatay sa pamamagitan ng gutom, sakit, at digmaan. Preventive Check – Tumutukoy sa pagliit ng ipinapanganak sa pamamagitan ng di pag-aasawa, aborsyon, prostitusyon at celibacy
KARL HEINRICH MARX Ipinanganak noong Mayo 5, 1818
sa Trier, Germany Isang maimpluwensyang
pilosopo, Ekonomistang pulitikal, at isang rebolusyonaryong sosyalista.
Nakilala siya sa kanyang akdang “Communist Manifesto”
Das Capital ang itinuturing na bibliya ng mga komunista, ito ay kritik laban sa Kapitalismo
Tinaguriang “Ama ng Komunismo”
JOHN MAYNARD KEYNES
Ipinanganak noong Hunyo 5, 1883 sa Cambridge, England
Tinaguriang “Ama ng Modernong Makroekonomiks”
School of thought o mas kilala bilang Keynesian Economics
MGA SAKLAW NG PAG-AARAL NG
EKONOMIKS
MGA SAKLAW NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
Dalawang pangunahing larangan sa ekonomiks ang pinag-aaralan at ito ay ang makroekonomiks at maykroekonomiks.
TALAHANAYAN 1SAKLAW KAHULUGAN HALIMBAWA
Maykroekonomiks
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng maliliit na yunit sa ekonomiya. Nagpapaliwanag sa galaw at desisyon ng bawat bahay-kalakal at sambahayan.
Gawi o kilos ng mga konsyumer at prodyuser
Demand Supply Pamilihan Presyo Organisasyon ng negosyo
Makroekonomiks
Ito ay tumutukoy sa malaking yunit o bahagi ng ekonomiya. Nakapokus ang pagtalakay sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
Pambansang kita Gross National Product Gross Domestic Product Aggregate supply at
demand Utang panlabas Palitan ng piso sa dolyar at
iba pang currency Kawalan ng trabaho Kalakalang panloob at
panlabas
MGA DIBISYON NG EKONOMIKS
MGA DIBISYON NG EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay nahahati sa limang dibisyon. Ito ang mga pangunahing tinatalakay sa pag-aaral ng ekonomiks.
PRODUKSYON Ito ay tumutukoy sa paglikha, paggawa ng mga produkto at paglilingkod na tutugon sa walang katapusang pangangailangan ng mga tao.
MGA SALIK NG PRODUKSYON
LUPAMANGGAGAWA
SALAPI
ENTREPRENYUR
PAMAHALAAN
PRODUKTO
PAGKONSUMOIto ay tumutukoy sa pagbili, paggamit o pag-ubos ng mga produkto at paglilingkod upang matugunan ang mga pangangailangan at mabigyang kasiyahan ang sarili.
PAGPAPALITAN Ito ay tumutukoy sa paglipat ng isang produkto o paglilingkod mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
Sa pamilihan nagaganap ang tinatawag nating pagpapalitan kung saan nagtatagpo ang prodyuser at konsyumer.
PAMAMAHAGIIto ay tumutukoy sa pagbibigay ng bayad sa mga salik na ginagamit din para sa pagkonsumo.
Salik ng Produksyon Bahagi ng Yaman na Natatanggap o bayad
sa paglilingkod Lupa Upa/renta
Paggawa sahod/sweldo
Kapital Interes
Entreprenyur Tubo
Pamahalaan Buwis
PAMPUBLIKONG PANANALAPI
Ito ay tumutukoy sa salaping nalikom ng pamahalaan tulad ng buwis upang magbigay ng pampublikong paglilingkod tulad ng pagbibigay ng subsidiya, pampublikong paaralan at ospital at marami pang iba.
ANG EKONOMIKS BILANG ISANG
AGHAM
ANG EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM
Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan. Agham sapagkat tulad ng ibang Agham ito ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan maipaliwanag ang isang phenomena o pangyayari sa ating bansa.
HAKBANGIN SA PAGSASAGAWA NG
MGA SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
HAKBANGIN SA PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
1. Pag-alam sa Suliranin Bago ang iba pang Gawain mahalagang malaman muna kung ano ang suliraning nais bigyan ng solusyon o pagpapaliwanag.
Halimbawa:Paano lumalaki ang Populasyon?2. Pagbibigay ng Hypothesis
HAKBANGIN SA PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
3. Pangangalap ng mga datos o impormasyon na siyang magpapatotoo sa iyong hypothesis at ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng:a. Pagbabasa ng Mapab. Pakikipanayamc. Pag-aaral ng estadistikang nakalapd. Pagbabasa ng mga aklat, pahayagan, magasine. Paggamit ng internet
HAKBANGIN SA PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
4. Pagbuo ng konklusyon Mula sa mga nakalap na datos, susuriin ngayon ang mga
ito upang masagot kung tama ba ang hypothesis na ibinigay sa suliraning pinag-aaralan.
5. Paglalapat ng konklusyon at Pagbibigay ng Rekomendasyon Bakit naman panlipunan? Sapagkat ang tao at lipunan ang
sentro sa pag-aaral ng ekonomiks. Pinag-aaralan dito kung paano ang tao ay nakikipag-ugnayan sa kapwa niya at sa lipunanang kanyang ginagalawan.
KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBA
PANG AGHAM
KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBA PANG AGHAM
Naglalayon ang Ekonomiks na maunawaan at mahulaan ang mga kilos o gawi ng mga tao sa isang lipunan kaya ito ay may kaugnayan din sa iba pang larangan.
MATEMATIKA Ang ekonomiks at matematika ay hindi mapaghihiwalay sapagkat sa pamamagitan nito mas madaling maipapaliwanag ang iba’t ibang economic phenomena sa pamamagitan ng mga graph, tsart, o talahanayan at paggamit ng mga mathematical equation.
KASAYSAYAN
Agham na nagsasalaysay sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga tao sa isang lipunan o sibilisasyon tungo sa kanilang pag-unlad.
SIKOLOHIYA
Ang agham ng pag-aaral ng gawi ng tao – paano siya nag-iisip, natututo, nakikipag-ugnayan at nakikipag-interaksyon. Kasabay ng pilosopiya ng etika o moralidad, ipinaliliwanag at sinusuri nito kung bakit kumikilos ng gayon ang isang tao o pangkat sa lipunan.
AGHAM PAMPULITIKA
Ang pamahalaan at batas ay tuwirang may impluwensiya sa pagbabagong pangkabuhayan ng bansa tulad ng kalakalan, proteksyong pang mamimili, presyo, suplay, demand at imprastraktura.
SOSYOLOHIYA
Ang agham na nag-aaral ng pag-unlad, istruktura at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan. Ito ang sumusuri kung bakit gayon ang asal at gawi ng tao batay sa kultura ng mga ito.
HEOGRAPIYA Tumutukoy sa topograpiya ng isang bansa na nag-aaral sa mga anyong lupa at tubig na nagtatakda ng hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay makatutulong upang ikaw ay maging:1. Mapanuring mamamayan ng mga kalakaran, patakaran at mga
programa kaugnay ng kabuhayan. Susunod ka kung makabubuti iyon at pupunahin mo kung makasasama.
2. Matalinong konsyumer na hindi nagpapadala sa panghihikayat ng mga patalastas. Napipili ka ng mga produkto ayon sa iyong mga pangangailangan.
3. Mahusay sa paghanap ng solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan.
4. Isang entreprenyur dahil may ganap kang pang-unawa sa sistemang umiiral na pamilihan.
ANG WAKAS…
DISCUSSANT: MR. JOHN C. DE LUNA