Maiklingkwento1

28
MAIKLING KUWENTO

Transcript of Maiklingkwento1

Page 1: Maiklingkwento1

MAIKLING KUWENTO

Page 2: Maiklingkwento1

Ano ang maikling kuwento?

Ito ay isang akdang pampanitikan tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.

Page 3: Maiklingkwento1

Ano ang maikling kuwento?

Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari.

Page 4: Maiklingkwento1

Ano ang maikling kuwento?

ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan

Page 5: Maiklingkwento1

• Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Ano ang maikling Kwento?

Page 6: Maiklingkwento1

Ano ang maikling kuwento?

Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy-tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang panahong sinasakop…ang maikling kuwento ay madaling maunawaan, kaya’t masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.

Page 7: Maiklingkwento1

Mga Bahagi ng

Maikling Kuwento

Page 8: Maiklingkwento1

Simula

• Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin

Page 9: Maiklingkwento1

1. Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran

ng mga tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa

kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.

Page 10: Maiklingkwento1

2. Tauhan –

Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang ga-law at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya atang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan – pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.

Page 11: Maiklingkwento1

3.suliranin ang siyang

kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Page 12: Maiklingkwento1

Gitna

• Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

Page 13: Maiklingkwento1

Gitna

• Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin..

Page 14: Maiklingkwento1

Gitna• Ang tunggalian naman ang

bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

Page 15: Maiklingkwento1

Gitna

Kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Page 16: Maiklingkwento1

Wakas

• Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.

Page 17: Maiklingkwento1

Wakas

• Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

Page 18: Maiklingkwento1

Wakas

• . At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Page 19: Maiklingkwento1

Mga Salik / Sangkap ng

Maikling Kuwento

.

Page 20: Maiklingkwento1

Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud-sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.

Page 21: Maiklingkwento1

1. Panimula

Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:

Page 22: Maiklingkwento1

A. pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; ma- pangibabaw ang katangian ng pangunahing tau- han upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa

Page 23: Maiklingkwento1

B. pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga tauhan – kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod pang pangyayari

Page 24: Maiklingkwento1

C. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng dam- daming palilitawin sa kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa

Page 25: Maiklingkwento1

D. paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa ak- da; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming nasang maantig sa mambabasa

Page 26: Maiklingkwento1

2. Tunggalian

Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang mga pangyayari kaya’t si- nasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka- tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

Page 27: Maiklingkwento1

3. Kasukdulan

Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan ng pangunahing tauhan.

Page 28: Maiklingkwento1

4. Wakas

Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.