Lesson Plan - Pabula

12
PANITIKAN : Mga Elemento ng Pabula TAGPUAN “Ang Palaka at ang Uwang GRAMATIKA AT RETORIKA: Ang Pang-uri Pagkatapos mong matuklasan na ang tauhan ay mahalagang sangkap sa pabula upang magkaroon ng buhay ang akda, iyo namang tuklasin sa aralin ang kaugnayan ng tauhan sa pagkakaroon ng makatotohanan at mabisang tagpuan. Subukin mo ang iyong kasanayan sa paglalarawan. Gawin ang mga kasunod na gawain . A. Ilarawan ang mga lugar na nasa ibaba. Nakaaapekto ba ang lugar na kinalakihan sa pag- uugali ng isang tao? Patunayan Lungsod Nayon _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

description

lesson plan

Transcript of Lesson Plan - Pabula

PANITIKAN : Mga Elemento ng Pabula – TAGPUAN

“Ang Palaka at ang Uwang

GRAMATIKA AT RETORIKA: Ang Pang-uri

Pagkatapos mong matuklasan na ang tauhan ay mahalagang sangkap sa pabula upang magkaroon ng buhay ang akda, iyo namang tuklasin sa aralin ang kaugnayan ng tauhan sa pagkakaroon ng makatotohanan at mabisang tagpuan. Subukin mo ang iyong kasanayan sa paglalarawan. Gawin ang mga kasunod na gawain .

A. Ilarawan ang mga lugar na nasa ibaba. Nakaaapekto ba ang lugar na kinalakihan sa pag-

uugali ng isang tao? Patunayan

Lungsod Nayon

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

Tambakan ng basura Kabundukan

Subuking sagutin ang Mahalagang Tanong ng aralin.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

MAHAHALAGANG TANONG NG ARALIN

Nakaaapekto ba ang lugar na kinalakhan sa pag-uugali ng

isang tao?

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mahalagang masagot mo at tandaan ang tanong na sinagot sapagkat iyan ang iyong

magiging gabay para matamo ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.

Bilang patunay ng iyong pag-unawa, sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay mabisang

makapaglalarawan ng sariling tagpuan ng pabula. Sa paglalarawan ng tagpuan narito ang

mga gabay na dapat tandaan:

A. may pagkakatulad o pagkakaiba ba sa tagpuan ng pabula ?;

B. pagtataglay ng mga elemento ng tagpuan,

C. napapanahon,

D. makatotohanan at

E. pagtataglay ng mga elemento ng talatang naglalarawan.

Alamin mo ang bisang hatid ng tagpuan sa isang pabula o anumang akdang pampanitikan.

Sa araling ito iyong malalaman ang kahalagahan at kaugnayan ng tagpuan sa mga

tauhan sa pabula bilang isa sa mahalagang sangkap nito. Ito ay isa sa mga sangkap ng

pabula na pupukaw sa interes ng mambabasa na tumutukoy sa atmospera, panahon at

lugar ng kaganapan ng mga pangyayari sa pabula. Malaki ang kaugnayan nito sa paghubog

o paglinang ng katauhan ng mga tauhan sa pabula. Dito nakakakuha ng karanasan ang mga

tauhan na tumutulong upang lalong mapalitaw ang katangian ng bawat tauhan. Kailangan

ding angkop ang tagpuan sa lilinangin o bubuuing tauhan ng akda. Ang isang mabisa at

mahusay na tagpuan ay may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa

eksaktong lugar kung saan naganap ang mga pangyayari.

Linangin Mo

INAAASAHANG PAGGANAP SA ARALIN

Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang pangyayri ang isinasalaysay sa

pabula, ang mga pook o tagpuang ginamit dito ay angkop din sa ginagalawang daigdig ng

mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang elemento ang tagpuan ng pabula.

Basahin at unawain

Ang Palaka at ang Uwang ba ay nakatira sa tubig? Ano kaya ang katangian ng

palaka na ikinaiiba nito sa uwang? Basahin mo ito at sabay nating tuklasin ang

katangian ng mga tauhan na may kaugnayan ang tagpuan.

Ang Palaka at Ang Uwang

“Ang kabutihan ay laging mangingibabaw sa kasamaan”

Tahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar

na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa mga dahon at

maingay ang ugong kundi lubha

itong mapanudyo. Kapag

pinagbawalan o pinagpagunitaan,

ito’y nagbabanta pang manakit o

maminsala.

Isang araw, tahimik na

nanginginain si Susuhong sa tabi ng

sapa nang bigla na lamang siyang

suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa

agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa

isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.

Minsan naman, gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot.

Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si

Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap

ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na

winasak ni Uwang ang kaniyang sapot. Gayon na

lamang ang kaniyang panlulumo habang si Uwang

naman ay patudyong nagtatawa.

Si Palaka man ay sinuwag ni Uwang ng mga

sungay niya, isang araw na nagpapahinga siya sa

may batuhan. Namaga ang kaniyang nguso ng ilang

araw. Kaya ang magkaibigan ay nagpasiya isang

araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka.

“Payag ako,” sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. “Kung kayo ang mag-

wawagi, lalayasan ko na ang lugar na ito. Kung ako naman ang magwawagi, kayo’y

magiging sunod-sunuran sa akin.”

Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan

sina Palaka at Uwang sa pagsakay roon.

“Tiyak na ako na ang magwawagi,” pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang

mabilis niyang maikakampay ang kaniyang pakapak.

Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman

ay mabilis nang lumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo

sa dahon na inaanod ng agos sa gitna ng sapa.

Ngunit nagkasabay sila ng pag-abot sa dahon. Pagkasakay dito ni Palaka,

dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa sila

nahulog sa tubig. Ang nabiglang si

Uwang ay natangay ng agos.

“Tulungan mo ako, Palaka.

Hindi ako marunong lumangoy,’’

pakiusap ni Uwang.

Hindi siya pinansin ni Palaka.

Umahon ito sa pampang at sinalubong

ng mga kaibigang sina Gagamba at

Susuhong.“Mabuti nga sa kaniya,’’ sabi

pa ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik ang katahimikan at

kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.

Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang kahulugan ng mga

salitang nakasulat nang pahilis sa bawat bilang. Pagkatapos, gamitin ito sa

pangungusap na may kaugnayan sa akdang binasa.

a. Habang pinagbabawalan si Uwang ay lalo siyang namiminsala. N I A

Pangungusap _______________________________________________________

Paglinang ng Talasalitaan

ONG

a. Mabuti na lamang at nakapanguyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa

pampang.

N H W K

Pangungusap ___________________________________________________

b. Gayon na lamang ang kaniyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa.

N N N D

Pangungusap __________________________________________________

c. Mabilis na naikampay ni Uwang ang kanyang mga pakpak. N I L

Pangungusap ___________________________________________________

1. Ilarawan ang likas na tirahan ng mga hayop sa pabula. Nakatulong ba ang

tagpuan upang mapalutang ang katangian ng bawat tauhan?

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

_________________________________________

_________________________________________

__________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

__

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

___

2. Sa totoong buhay, sino ang maaaring itulad kay Uwang at Palaka? Ipaliwanag.

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Palaka ano ang magiging pagtingin mo kay uwang?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------- _______________________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay tama ba ang naging solusyon ng magkakaibigan para kay Uwang?

________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 5. Kung ikaw ang tatanungin nanaisin mo pa bang tumira sa isang lugar na kasama si Uwang? Bakit? _______________________________________________________________ ________________________________________________________________ 6. Patunayan na ang magkakaibigan ay nagdadamayan sa gitna ng problema.

________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 7. Sa iyong palagay, ang tagpuan ba ay nakakaapekto sa katangian o pag uugali ng isang tao?

_______________________________________________________________ _____________________________________________________________

Higit na magiging mabisa ang tagpuan kung ito ay mailalarawan nang maayos. Basahin ang isang halimbawa ng talatang naglalarawan ng pook. Suriin ang mga salitang may salungguhit.

Si Uwang ay tulad ni ______________________________________________

sapagkat_________________________________________________________

Samantalang si Palaka ay tulad naman

ni______________________________________________________________

sapagkat ________________________________________________________

Palalimin ang Iyong Pag-unawa

Ang paglalarawan ay isang paraan ng paglalahad. Sa pagsulat ng isang

paglalarawan, nangangailangan ito ng mabuting sangkap upang makabuo nang

maayos at malinaw na larawan.

Isla ng Corregidor

Isang maganda at makasaysayang pook

ang Isla ng Corregidor. Napaliligiran ito ng

matataas na bundok, malalagong puno,

kulay luntiang halaman at malaasul na

karagatan. Ang hugis-buteteng islang ito

ang tampulan ng labanang Hapones,

Amerikano at matatapang na sundalong

Pilipino noong Ikalawang Digmaang

Pandaigdig. Hindi malilimot ang munting

pulong ito lalo na ang lihim at mahabang

lagusang Malinta na pinagkukublihan ng

magigiting na kawal na dumanas ng

biglang-hirap at ang iba naman buto’t balat

sa tinamong gutom at sakit. Pagkalungkut-

lungkot bakasin ang nakaraan subalit

nagsisilbing alaala ito ng bagong bukas.

Isulat sa ibaba ang mga salitang naglalarawan na matatagpuan sa tekstong binasa.

naglalarawan

Alam Mo Ba

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa katangian ng

tao, lunan o lugar, bagay, pangyayari at iba pa.

Uri ng Pang-uri

1. Panlarawan ay nagsasabi tungkol sa hitsura, laki, lasa, amoy, hugis at iba pang

katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Mahabang lagusan

2. Pamilang ay nagsasaad ng bilang o dami ng pangalan o panghalip.

Halimbawa: Isang isla

3. Pantangi ay may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan ng pangalan.

Halimbawa: Kapeng Batangas

Sa paglalarawan, gumagamit tayo ng uri na may mga panlaping makauri na

nagsasaad ng iba’t ibang kalagayan.

Halimbawa ng mga panlaping makauri:

1. Ma- Nagsasaad ng pagkakaroon o marami na isinasaad ng salitaang ugat.

Matao ang lungsod ng Maynila.

2. Maka- Nagsasaad ng pagkiling o pagkahilig sa tinutukoy ng salitang-ugat.

Bigyang-pansin sana ang pagkakaroon ng makataong pagtingin sa

kapwa.

3. Gumagamit pa ng ibang panlapi tulad ng mapang-, pang- (pam- o pan-) ma-

an, at iba pa.

1. Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa mga larawang nasa ibaba. Isaalang-

alang ang gamit ng mga uri ng pang-uri.

Gawaing Pangramatika

2. Punan ng angkop na pang-uri ang mga patlang upang makabuo ng masining na

paglalarawan.

PAMBANSANG PARKE NG BIAK-NA-BATO

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_____

Ang Nueva Ecija ay isa sa pinakamalawak na lalawigan sa Gitnang Luzon. ___________ ang lupaing sakahan na taniman ng palay. Mas kilala ang _____________probinsyang ito bilang “Rice Bowl ng Pilipinas”. ____________ang aning palay sapagkat _____________ ang sinasakang lupa ng mga ______________ na magsasaka. Bukod sa palay, ipinagmamalaki rin ng Nueva Ecija ang _____________ kalikasan na maaaring makatanggal ng iyong pagod kapag iyong pagmamasdan. Nariyan ang General Luna Falls sa Rizal, Palaspas Falls sa San Jose City, at maging ang Gabaldon Falls sa Gabaldon na dinadaluyan ng ____________ at _____________ na tubig paliguan na masarap magtampisaw kapag tag-araw. Kung nais mo namang mapreskuhan, subuking samyuin ang ____________ at ___________ na hangin ng Capintalan sa Carranglan, Nueva Ecija. Sa pagmamahal sa kalikasan, tunay na masasabing sila’y mga taong _____________.

Mga Dapat Tandaan sa Paglalarawan

1.Pag-aralan ang lahat ng mahahalagang bagay tungkol sa paksang napiling

ilarawan.

2. Magsagawa ng isang masusing pagmamasid sa ilalarawan.

3.Gumamit ng angkop na mga salitang naglalarawan.

4.Maging makatotohanan sa paghahambing.

Ang paglalarawan ay isang paraan ng pagpapahayag. Ito

ay nangangailangan ng mahahalagang sangkap upang makabuo

ng isang maayos at malinaw na paglalarawan.

Magsaliksik kaugnay sa kultura, tradisyon, pisikal na katangian at likas na

kagandahan at kasaysayan ng sariling lugar o rehiyon. Itala ito sa kuwaderno.

Pagkatapos sumulat ng talatang naglalarawan o komposisyon batay sa iyong sinaliksik.

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

___

Ilapat Mo

Sundin ang mga tuntunin sa pagsulat ng paglalarawan upang tiyak na mataya ang iyong kasanayan. Maligayang pagsulat!

Mga Sanggunian

A. Gabay sa Pagtuturo ng Filipino I para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyong

Sekundarya(SEC) Pasig City.

B. Villafuerte, Patrocinio, et.al, Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Mutya Publishing

House, Valenzuela City.

C. Mateo, Renato R.,Gabay sa Panitikang Filipino, Arenar Books Marketing, Tondo,

Maynila.

D. Internet: www.google.com

E. Kopya ng “Ang Palaka at ang Uwang”