DemoTeaching Lesson Plan

4
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7 (Learner-Centered Classroom Demonstration Teaching) I. Layunin A. Panlahat: Nasusuri, naipahahayag at napahahalagahan ang kahulugan ng nasyonalismo, ang mga salik sa pag-usbong at pag-unlad nito, at maging ang sariling konsepto at kaparaanan sa pagpapakita ng nasyonalismong Pilipino. B. Tiyak: 1. Nasusuri ang tunay na kahulugan ng nasyonalismo at maging ang mga salik sa pag- usbong at pag-unlad nito sa Pilipinas sa panahon ng pananakop; 2. Naipahahayag ang sariling konsepto at kaparaanan sa pagpapakita ng nasyonalismo sa pamamagitan ng mga malikhaing pangkatang gawain, at; 3. Napahahalagahan ang ginampanan at kaparaanan ng mga nangungunang nasyonalistang Pilipino na humingi ng reporma at nang kinalaunan ng kalayaan mula sa mga mananakop. II. Nilalaman A. Yunit: IV – Ang Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 Hanggang Ika-20 Siglo) B. Paksa: Nasyonalismo sa Pilipinas C. Sangguniang Aklat: “Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.” pahina 359. “Pilipinas – Heograpiya, Kasaysayan, at Pamahalaan.” pahina 122-127. D. Kagamitan: Mga Larawan (Picture Collage), audio speaker, Laptop at projector, visual aids atbp III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtatala ng Liban 4. Balitaan B. Pagsasanay/Drill “Collage Puzzle with the Twist” Ang guro ay hihingi ng tulong mula sa kanyang mga mag- aaral upang mabuo ang isang collage. Kailangan lamang masagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan mula sa likod ng bawat piyesa ng puzzle. Mula sa mga katanungan, kinakailangan lamang hanapin ng mga mag-aaral ang kasagutan sa paglalagyan ng bawat piyesa at idikit ito. C. Balik-Aral Gabay na Tanong: Paano ba naapektuhan ng mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluraning bansa ang kalagayan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya sa panahon ng ikalawang yugto ng imperyalismo?

description

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan 7

Transcript of DemoTeaching Lesson Plan

Page 1: DemoTeaching Lesson Plan

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

(Learner-Centered Classroom Demonstration Teaching)

I. LayuninA. Panlahat: Nasusuri, naipahahayag at

napahahalagahan ang kahulugan ng nasyonalismo, ang mga salik sa pag-usbong at pag-unlad nito, at maging ang sariling konsepto at kaparaanan sa pagpapakita ng nasyonalismong Pilipino.

B. Tiyak:1. Nasusuri ang tunay na kahulugan

ng nasyonalismo at maging ang mga salik sa pag-usbong at pag-unlad nito sa Pilipinas sa panahon ng pananakop;

2. Naipahahayag ang sariling konsepto at kaparaanan sa pagpapakita ng nasyonalismo sa pamamagitan ng mga malikhaing pangkatang gawain, at;

3. Napahahalagahan ang ginampanan at kaparaanan ng mga nangungunang nasyonalistang Pilipino na humingi ng reporma at nang kinalaunan ng kalayaan mula sa mga mananakop.

II. NilalamanA. Yunit: IV – Ang Silangan at Timog

Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 Hanggang Ika-20 Siglo)

B. Paksa: Nasyonalismo sa PilipinasC. Sangguniang Aklat:

“Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.” pahina 359.“Pilipinas – Heograpiya, Kasaysayan, at Pamahalaan.” pahina 122-127.

D. Kagamitan: Mga Larawan (Picture Collage), audio speaker, Laptop at projector, visual aids atbp

III. PamamaraanA. Pang-araw-araw na Gawain

1. Panalangin2. Pagbati

3. Pagtatala ng Liban4. Balitaan

B. Pagsasanay/Drill“Collage Puzzle with the Twist”

Ang guro ay hihingi ng tulong mula sa kanyang mga mag-aaral upang mabuo ang isang collage. Kailangan lamang masagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan mula sa likod ng bawat piyesa ng puzzle. Mula sa mga katanungan, kinakailangan lamang hanapin ng mga mag-aaral ang kasagutan sa paglalagyan ng bawat piyesa at idikit ito.

C. Balik-AralGabay na Tanong: Paano ba naapektuhan ng mga

patakarang ipinatupad ng mga Kanluraning bansa ang kalagayan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang

Asya sa panahon ng ikalawang yugto ng imperyalismo?

D. Paglinang na Gawain1. Lunsaran/Pagganyak

Magpapatugtog ang guro ng isang awitin na pinamagatang, “Bayan Ko” na inawit ni Lea Salonga at habang ipinapatugtog ito, papipikitin ng guro ang mga mag-aaral upang hayaang madama at magamit nila ang kanilang imahinasyon sa pagtukoy sa ipinapahiwatig ng awitin. Matapos ang awitin, magbibigay ang guro ng ilang katanungan at ipapakita sa klase ang isang picture collage na may kaugnayan sa mensahe ng awitin.

Gabay na Tanong:

Page 2: DemoTeaching Lesson Plan

Ano ang mga pumapasok na sa inyong isip at maging ang inyong nararamdaman habang inyong naririnig ang awiting “Bayan Ko”?

Bilang kabuuan, ano ang ipinapahiwatig ng awitin at maging ng mga larawang ito?

2. Pangkatang Gawain Batay sa napagkasunduan ng klase, hinati ng guro ito sa apat (4) na grupo na kung saan ang bawat grupo ay may kaniya-kaniyang gawain na itatanghal sa malikhaing paraan. Binibigyan lamang ng guro ang bawat grupo ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) minuto sa pagtatanghal.

Pangkat I – Ang mga Pangunahing Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino sa Panahon ng Pananakop

Pangkat II – Ang mga Mahalagang Ginampanan ng Kilusang Propaganda sa Pagpapaunlad ng Nasyonalismong Pilipino

Pangkat III – Ang mga Mahalagang Ginampanan ng Katipunan sa Pagpapaunlad ng Nasyonalismong Pilipino

Pangkat IV – Mga Paraan ng Pagpapakita ng Nasyonalismong Pilipino sa Kasalukuyan

Rubrik Para sa Malikhaing Gawain:

E. PagsusuriGabay na Tanong: Sa paanong paraan ang mga salik

na ito ay nakaapekto sa pagpapausbong ng nasyonalismong Pilipino sa panahon ng pananakop?

Bakit ba naging mahalaga ang ginampanan ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa pagpapaunlad ng nasyonalismong Pilipino?

F. Paghahalaw/AbstraksyonGabay na Tanong: Bilang kabuuan, Bakit ba lubhang

mahalaga ang ginampanan ng mga nangunag nasyonalistang Pilipino tulad ng tatlong paring GomBurZa, si Jose Rizal, si Andres Bonifacio at iba pa sa pag-usbong at pagpapaunlad ang nasyonalismong Pilipino sa panahon ng pananakop?

G. Paglalapat Babasahin ang pahayag na ito ni Andres Bonifacio na sipi mula sa kanyang tula sa paraang paawit:

Gabay na Tanong: Bakit ba mahalaga at dakila ang

pag-aalay at pagpapamalas ng pagmamahal sa ating Inang-bayan?

Kaya niyo ba mag-alay ng labis na pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bayan katulad ng ginawa nila Gomburza, Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pang mga nasyonalistang Pilipino? Sa

Page 3: DemoTeaching Lesson Plan

simpleng paraan, paano niyo ba ipamamalas ang inyong pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bayan bilang isang mag-aaral at mamamayan nito?

IV. PagtatayaPanuto: Isulat ang iyong mga panata bilang isang mag-aaral at mamamayan sa kung paano mo ipamamalas ang nasyonalismo upang maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas. Matapos mo itong isulat, ilagay ang iyong papel sa ipinagawang espesyal na sobre na nagpapakita ng iyong sariling konsepto ng nasyonalismo.

V. Takdang-AralinPanuto: Gumawa ng isang malikhaing pag-uulat batay sa naatasang paksa sa pangkat. Maliban sa mga impormasyon na matatagpuan sa aklat, maghanap pa ng ibang datos at impormasyon na tutulong upang sa naatasang paksa.

Pangkat I – Nasyonalismo sa IndonesiaPangkat II – Nasyonalismo sa Myanmar (Burma)Pangkat III – Nasyonalismo sa

Indochina (Laos, Cambodia, at Vietnam)

Pangkat IV – Nasyonalismo sa ChinaPangkat V – Nasyonalismo sa Japan

Inihanda ni:

JOEY L. LABRADORStudent-Teacher

BB. HELEN P. SALOCooperating Teacher