Implasyon (Ekonomiks)
-
Upload
rishina-cabillo -
Category
Documents
-
view
834 -
download
18
description
Transcript of Implasyon (Ekonomiks)
IMPLASYON
Implasyon – ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtass ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
Uri ng Antas ng Implasyon1. Low Inflation – kapag ang nakwentang inflation rate ay nasa isang digit lamang.2. Galloping – ang nakwentang inflation rate ay nasa dalawang digit haggang 200 na porsyento3. Hyperinflation – kapag ang presyo ay mabilis magbago at napakataas ang pagbabago at ang nakuhang inflation
rate ay mhiagit sa 200%.4. Deflation – kung ang nakuhang inflation rate ay negatibo. Ibig sabihin walang pagtaas sa presyo bagkus ang
presyo ay bumaba5. Reflation – buhat sa pagbaba ng presyo ay nagkaroon ulit ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.. From negative
inflation rate to positive inflation rate6. Disinflation – ang nakuhang inflation rate sa kasalukuyang taon ay mas mababa kesa sa sinundang taon
Pagsukat ng Pagtaas ng PresyoAng pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods o market basket dahil ang pagsusuri ng presyo ng milyon milyong produkto sa pamilihan ay napakahirap na gawain.Market Basket o Basket of Goods - mga produktong kadalasang kinukonsumo ng mga mamamayan.Price index – ay kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo ng lahat ng bilihin. Ito ay depende sa produkto na gusting suriin
Mga Uri ng Panukat sa Pagbabago ng Presyo.1. GNP Deflator o GNP Implicit Price Index – ito ang average price index na ginagamit upang pababain ang
cureent GNP sa constant GNP. Ito ay ginagamit upang maisama sa pagkwenta ng GNP ang anumang pagbabago sa presyo.
2. Wholesale Price Index – nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga produkto na nabibili ng maramihan.
3. Retail Price Index – nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga produkto na nabibili ng tingian.
4. Consumer Price Index (CPI)– panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga produkto na pangkaraniwang kinukonsumo ng mga mamimili.
Pagkwenta ng CPI 1. Pagkuha ng Tinimbang na Presyo (Weighted Price)
WP= timbang X Presyo2. Pagkuha ng kabuuang Tinimbang na Presyo (Total Weighted Price)
TWP= ∑ WP3. Pagkuha ng CPI
CPI = TWP (present year) TWP (base year) X 100
Mga Bilihin Yunit Timbang Presyo(2009) Presyo(2010) WP(2009) WP(2010)Bigas Kilo 25 27 29 675 725Mantika Litro 5 25 26 125 130Asukal Kilo 10 36 40 360 400Isada (galungong) Kilo 5 95 115 475 575Manok Kilo 7 90 105 630 735Karne ng Baka Kilo 4 110 140 440 560Karne ng Baboy Kilo 5 100 120 500 600Gulay (repolyo) Kilo 2 22 25 44 50
Total Weighted Price
3,249 3,775
Base year 2001
CPI = 3,775 3,249 X 100 = 116.18%
Pagtatala ng mga produkto na kabilang sa market
basket o basket of goods
Pagkuha ng price index
Pagkwenta ng Inflation rate
Kahalagahan ng CPI Ang CPI ay mahagang instrument upang mabatid ang kalagayang pang ekonomiya ng bansa. Mababatid ang cost of living o halagang kailangan upang mabuhay at makabili ng mga produkto na mahalaga sa
pamumuhay. Dito nakabatay ang inflation rate Ginagamit din ito upang mabatid ang Purchasing Power of Peso o ang kakayahan ng Piso na makabili ng
produkto at serbisyo.
Purchasing Power of Peso – kakayahan ng piso n makabili ng produkto at serbisyo PPP = 100/CPI
Buwan CPI PPPJanuary 165.0 .6061February 164.7 .6072March 165.7 .6035April 165.5 .6042May 165.9 .6028June 166.3 .6013
Klasipikasyon ng Implasyon1. Demand Pull – ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng sektor na makabili ng produkto at serbisyo ay mas
mataas kesa sa kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan. Kapag sobra sobra ang pera sa sirkulasyon ito ay magdudulot ng magtaas ng demand.
2. Cost Push – Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon ang syang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Tulad ng pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa, pagtaas ng presyo ng mga materyales, renta at tubo na gusting makamit ng entreprenyur.
3. Structural Inflation – ito ay bunga ng mga patakaran ng pinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa istruktura ng ekonomiya na siyang pwersa na nagiging dahilan ng implasyon
Epekto ng Implasyon
Ayon sa ilang ekonomista na ang implasyon ay tanda lamang ng unti unting pag-unlad ng produksyon at ekonomiya.Makikita sa diagram na kapag mataas ang presyo ng produkto maraming negosyante ang magaganyak na magtayo ng negosyo at makakatulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Kakayanin din na magbigay ng mataas na pasahod sa mga manggagawa na sya naming karagdagang gastusin sa produksyon. At upang matugunan ang
malaking kastusin sa produsyon kailangang taasan ang presyo ng nasabing produkto at serbisyo.
Mga Nakikinabang sa Implasyon1. Speculators2. Mangungutang3. Mga taong hindi tiyak ang kita
Mga Naapektuhan ng Implasyon1. Nagpapautang2. Nagiimpok3. Mga taong may tiyak na kita