FORWARD - vfc.org

6
FORWARD IN MISSION

Transcript of FORWARD - vfc.org

Page 1: FORWARD - vfc.org

FORWARDI N M I S S I O N

Page 2: FORWARD - vfc.org

Inumpisahan ang Ikebukuro VFC (Tokyo) noong November 2019 ni Jonathan Ang kasama ng VFC Singapore Church Planting Team

Maraming matapat na dumadalong kabataan at mga nagtatrabaho na sa Ikebukuro VFC kahit na dumadanas ng covid krisis. Napakagandang masaksihan na marami lokal na mamamayan ang kusang loob na maglingkod sa Diyos pagkatapos na bumalik ang Singapore Church Planting team sa Singapore. Nakapag-umpisa si Jonathan ng 3 Connect Group noong Marso 2021. na nag-sasama-sama kada lingo bukod sa araw ng pagsamba ng lingo.

MGA UMIIRAL NA GAWIN SA BANSANG HAPON

VFC IKEBUKUROLinggong Pananambahan

Page 3: FORWARD - vfc.org

Inumpisahan ni Lai Chee Kit kasama ang VFC Singapore Church Planting Team noon November 2020

Ang Gawain ng Diyos ay ginawa kada linggo 11:00am JPT na meron bilang ng 13. Sa kasalukuyan meron 3 Connect Group (2 tuwing Biyernes ng gabi online and 1 sa araw ng Sabado). Ang pagpaplitan ng pagtuturo patungkol ang lokal at ibang lingguwahe ay ginaganap tuwing gabi ng lunes hanggang Biyernes. Ang mga palarong Board games naman ay ginaganap tuwing katapusan ng lingo para abutin ang komunidad.

VFC SHINAGAWA

Board Games Community Outreach

Inumpisahan noong Maso 2019 ang VFC Sendai ni Judy Wee kasama ang VFC Singapore Church Planting Team.

Nagsasama-sama sa online na pananambahan ang Sendai VFC kada lingo sa mga panahong eto. Salamat sa Diyos sa teknolohiya, kay Judy at Clement na nagagamit sa Sendai online na pagtitipon.

VFC SENDAI Lingguhang pagsasama-sama

Page 4: FORWARD - vfc.org

Lugar / Address: 2-34-2 Nishinippori,

Arakawa-ku, Tokyo, Japan 116-0013

Ang VFC Hub ay nasa Tokyo at magsisilbing kampo ng ating mga manggagawa na buong Japan. Ang 3 palapag na gusali ay meroon bulwagan ng pananambahan, silid aralan, opisina, na meron kakayanan mag online stream ng pananambahan na mapapanood sa ibang lungsod ng Japan.

JAPAN HUB AND ONLINE SERVICE

Pagtatayo ng Japan Hub

Araw and Oras ng Pag-lulunsad 11 July 2021 / 10am (SGT), 11am (JPT)

Plataforma:

Streaming platforms: YouTube and Facebook

Non-streaming platforms: Instagram and Website

Dalawang lingguwahe (Eng/Jap) online na pananambahan na may kasamang patalasta para maabot ang ibang lugar sa Japan na kung saan tayo magpapadala ng mga manggagawa. Ang layunin nito ay maabot ang mga naghahanap ng kasagutan sa buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos, pananalangin at magkaroon ng magandang samaha

Panimula ng VFC Japan Onlinena Pananambahan

Page 5: FORWARD - vfc.org

Natutupad ng VFC ang ipinangako sa pananalapi nito sa mga misyon sa pamamagitan ng programa ng Missions Faith Pledge (MFP). Ang patuloy na pagbibigay na ito ay nagpalakas sa pagpapatayo ng mga simbahan sa lahat ng mga bansa sa nagdaang 40 taon.

Ginagawa ang isang MFP tuwing ika-anim na buwan. Ang ating pagbibigay sa mga misyon ay nagbibigay-daan sa atin upang ibahagi ang Ebanghelyo at upang gumawa ng mga disipolo sa iba’t-ibang bansa.

Ang halagang naipangakong ibigay ay lampas sa nakasanayan na ikapu at mga handog.

May tatlong uri ng Pangako

Ang pangkaraniwang pangako ng pagbibigay kung saan ito yung halagang ipinangako natin na ibibigay sa bawat buwan ay galing sa ating mga pananalapi na meron tayo. Hindi ito nangangailangan ng anumang pananampalataya, ngunit nangangailangan ng disiplina at pangako.

Ang Pangakong Pagbibigay na Bunga ng Damdamin ay ginawa kapag ang isang tao ay pinukaw ng damdamin na gumawa ng mga dakilang bagay para sa Diyos, at gumagawa ng isang mapusok na pangako nang hindi nakikinig mula sa Diyos. Kadalasan, ang tao ay walang kusa o hindi nais na magsakripisyo upang matupad ang pangako. Sa sitwasyong ito, dapat humingi ang tao ng kapatawaran sa Diyos at mangako pa rin na magbigay para sa mga misyon.

Ang isang pangako ng pagbibigay na may pananampalataya ay isang pangako na ginawa bilang resulta ng pakikinig mula sa Diyos ng halagang ibibigay sa bawat buwan. Maaaring sabihin sa atin ng Diyos na mangako ng isang halaga na sobra sa kung anong meron tayo, ngunit dahil sa narinig natin mula sa Diyos, tumugon tayo nang may buong pagtitiwala. Nangangailangan ito ng pagsasakripisyo, pagbawas sa mga pansariling gastos upang matupad ang ipinangako.

Pinalalakas namin ang bawat kapatiran na gumawa ng isang pangakong may pananampalataya tungo sa mga misyon. Mangyaring basahin sa Papel ng Pangako ng Pagbibigay sa Misyon ng may Pananampalataya na makukuha sa lugar ng inyong panambahan para sa karagdagang mga detalye.

ANO NGA BA ANG PANGAKO NG PAGBIBIGAY SA MISYON NG MAY

PANANAMPALATAYA

Page 6: FORWARD - vfc.org

Ang Victory Family Center ay inatasan ng Panginoon na Maghatid ng Mabuting Balita at gawing alagad ng Panginoong Hesukristo ang bawat bansa sa buong mundo. Natutupad natin ang tawag ng ating Panginoon sa pamamagitan ng pagtuturo, paghahanda at pagpapadala ng mga pangkat ng pagtatayo ng mga simbahan. Ang bawat isa sa VFC ay maaaring maging bahagi ng utos na ito sa pamamagitan ng pagdarasal, pagbibigay at pagsali sa isang pangkat ng pagtatayo ng mga simbahan. Ang bawat koponan ay binubuo ng isang Pinuno ng Koponan at tatlong nagkusang-loob naipagkatiwala ang isa o dalawang taon sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa labas ng Singapore.

Ang paghahanda para sumali sa isang koponan ng misyon ay maaaring magsimula ngayon! Nasa ibaba ang ilang mga iminungkahing paraan upang maihanda mo ang iyong sarili sa araw na ito.

• Itabi ang perang naipon at tiyaking ang mga obligasyong nauukol sa pananalapi ay maaaring matugunan habang wala ka sa mga misyon.

• Palakasin ang iyong pisikal, emosyonal at espiritwal na kalusugan.

• Sabihin sa iyong pinuno ang tungkol sa iyong pagnanais na sumali sa isang koponan ng mga misyon.

• Palakasin ang iyong kaalaman sa Bibliya sa pamamagitan ng pagdalo sa mga klase sa Buhay na mga Salita.

• Makakuha ng karanasan sa ministeryo sa pamamagitan ng paglilingkod sa inyong rehiyon.

• Ugaliin ang pagbabahagi ng Ebanghelyo.

• Akayin ang isang tao para makilala nya si Kristo at turuan siya na mag-akay din ng iba.

• Tumulong sa pagsisimula at pamumuno sa isang pangkat ng cell.

• Alamin na ipagtanggol ang iyong pananampalataya (apologetics).

• Simulan nang maaga ang pag-aaral ng wika. Ito ay mahalaga!

• Alamin ang kasaysayan at kultura ng lungsod / rehiyon / bansa kung saan ka ipapadala.

• Basahin ang tungkol sa Komunikasyon sa Pagitan ng Magkaibang Lahi

• Subukang ibahagi ang Ebanghelyo sa mga dayuhan sa Singapore.

PAANO AKO MAGHAHANDA PARA SA MGA MISYON