Filipino

16
KABANATA 4 Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Transcript of Filipino

Page 1: Filipino

KABANATA 4Presentasyon,

Pagsusuri at

Interpretasyon

ng mga Datos

Page 2: Filipino

Paghahati ng pag-aaral

Maingat na paghuhusga

Komunsulta sa istatistisyan o

saykometrisyan

Pagsusuring Statistikal

Page 3: Filipino

TATLONG PARAAN SA PAGLALAHAD NG DATOS

TEKSTWAL NA PRESENTASYON

TABYULAR NA PRESENTASYON

GRAPIKAL NA PRESENTASYON

Page 4: Filipino

TEKSTWAL NA PRESENTASYON

~Inilalarawan ang mga datos sa mga pahayag kasama ang tambilang (talata at bilang)

~Layunin ay para ang atensyon ay maituon sa mahalagang datos na makatulong sa paglalahad ng talahanayan

Page 5: Filipino

Halimbawa:Nong taong 1990, tumaas ng dalawang bahagdan (20%) ang bilang

ng mga turistangpumunta rito sa Pilipinas mula sa dami ng bilang ng mga dayuhang turistangnaitala ng Departamento ng Turismo noong 1986. Dalawampung bahagdan (20%) dinang itinaas ng bilang ng mga turista noong 1994 Gayundin ang itinaas noong 1998. Samakatwid, lumitaw na tumataas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ngmga turistang dumadayo sa Pilipinas tuwing ikaapat na taon mula 1986 hanggang1998.

Page 6: Filipino

TABYULAR NA PRESENTASYON

~Ginagamit ay isang istatistikal na talahanayan

~Ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang sistematiko

Page 7: Filipino

Halimbawa:

Page 8: Filipino

GRAPIKAL NA PRESENTASYON~Ang grap ay isang biswal na paglalahad ng mga datos na nagpapakita ng bilang ng pagbabago at pagkaiba ng mga baryabol.

~Layunin ng grap ay mas mailarawan ang mga datos sa mas mabisang paraan

Page 9: Filipino

Halimbawa:

Page 10: Filipino

KABANATA 5LAGOMKONGKLUSYONREKOMENDASYON

Page 11: Filipino

LAGOM (BUOD)Ang lagom o buod ay presentasyon sa pagbuo ng isang maikling balangkas ng mga mahalagang impormasyon na nakapaloob sa isang pananaliksik.

Dapat ito ay payak at tiyak

Page 12: Filipino

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning makapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga “Mga Negatibong Epekto ng Paglalaro ng DOTA sa mga Mag-aaral ng Kursong Marine Engineering na nasa Pang-apat na Taon ng University of Cebu sa taong 2013-2014”.

Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptibo at sarbey naman ang naging teknik ng mga mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang sarbey-kwestyoneyr na ginamit bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos at impormasyon mula sa mga respondente. Mga mag-aaral sa Information Technology na nasang unang taon sa Kolehiyo ang naging mga respondente sa pag-aaral na ito. Ito ay isinagawa sa ikalawang semestre ng akademikong taon 2012-2013. Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng dalawampu’t limang (25) respondente na naging sabjek ng aming pananaliksik.

Sa dalawampu’t limang respondente na sumagot sa katanungang “Sa tingin mo ba ang paglalaro ng DOTA ay nakaapekto ba sa iyong pag-aaral” napag-alaman na apat(16%) sa dalawampu’t isang respondente ang nagsasabi na hindi nakaapekto ang DOTA sa kanilang pag-aaral habang ang natitirang dalwampu’t isang respondente (84%) ang nagsasabi na malaki ang epekto ng DOTA sa kanilang pag-aaral.

Halimbawa:

Page 13: Filipino

KONGKLUSYONAng kongklusyon ay presentasyon ng mga datos sa pagbuo ng balangkas ng mga kaisipan na batay sa kinahihinatnan ng isang pananaliksik.

Maaring ito ay hinuha, implikasyon , o mga paglalahat batay sa mga napatunayan.

Page 14: Filipino

Pagkatapos dumaan sa maraming pananaliksik at maingat na pangangalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Maraming mag-aaral na lalaki sa Departamento ng College of Information Communication Technology ng Holy Angel University ang mahilig maglaro ng DOTA.b. Ang mayoridad ng mga naging respondente ng pananaliksik na ito ay nasa labing pitong gulang.c. Halos ang mga mag-aaral sa seksyon G – 107 ang may pinakamaraming respondente.d. May iilang mga respondente ang hindi sumagot ng maayos sa sarbey-kwestyoneyr o naghula nalamang ng kanilang sagot.e. Hindi napapansin ng karamihan na madaming masamang naidudulot ang paglalaro ng DOTA sa pag-aaral.f. Madalas na hindi pumapasok ang isang mag-aaral upang makapaglaro lang ng DOTA.g. Halos kaibigan ang mas nakakaimpluwensiya sa isang respondente upang maglaro ng DOTA.

Halimbawa:

Page 15: Filipino

REKOMENDASYON

Ang rekomendasyon ay mungkahi na maaring makatulong sa iniharap na suliranin, o tagubilin ng mananaliksik upang pwedeng pakinabangan sa mga susunod na mananaliksik.

Page 16: Filipino

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang individwal, pangkat at institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:

~a. Para sa mga mag-aaral, nawa’y tigilan na ang paglalaro nila nang DOTA sapagkat ito ay nakasasama sa kanilang pag-aaral, at upang sila ay makapagpokus sa kanilang pag-aaral.

b. Para sa mga magulang, paigtingin pa ang pagdisiplina sa kanilang mga anak at pagbawalan sila sa paglalaro ng DOTA dahil isa na ito sa mga pangunahing bisyo ng mga kabataan na sumisira sa

kanilang pag-aaral.c. Para sa iba pang mananaliksik, pagpatuloy o palawakin ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaring makatulong sa

pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pamamaraan ng pag-aaral.

Halimbawa: