Ang Pananakop

13
ANG PANANAKOP NG MGA HAPONES SA PILIPINAS

Transcript of Ang Pananakop

Page 1: Ang Pananakop

ANG PANANAKOPNG MGA

HAPONES SA PILIPINAS

Page 2: Ang Pananakop

-Noong ika-8 ng Disyembre,1941 biglaang sinalakay ng mga hapones ang Pearl Harbor ,ang himpilan ng hukbong-dagat ng mg amerikano sa hawaii.

-Ang pataksil na pagsalakay sa Pearl Harbor ay tinatawag na “araw ng kataksilan”o “a date which will live in infarmy”Ayon kay Pang.Frankling D. Roosevelt ng Estados Unidos.Dahil dito,maraming pabor na pandigma ang lumubog at eroplano ang nawasak at libo libo ang namatay at nasugatan.

-Kinabukasan ay hiniling ng Pangulong Roosevelt sa kongreso na magpahayag ng pakikidigma ng hapon.Sumagot ang hapon sa pamamagitan ng pagpapahayag din ng pakikidigma sa estados unidos at sa Gran Britanya

Page 3: Ang Pananakop

--Noong ika-11 ng Disyembre 1941 ang Elemanya at ang Italya ay pumanig sa Hapon at nagpahayag din ng pakikipaglaban sa Amerika

--Kailangan ng mga hapon ang mga likas sa kayamanan ng mga kolonya ng Estados Unidos,Gran Britanya ,at Olandya- gaya ng bakal,kopra,bulak,goma,langis,pagkain at iba pa na wala sa Hapon-ang ginawa nito ay sabay na sinalakay ang Malaysia,Pilipinas at Indonesia

--Ang pagsupilsa mga bansang ito ay mahalaga sapagkat nasa kanilang produkto ang mga bagay na magagamit ng Hapon sa pakikidigma.

Page 4: Ang Pananakop

-Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor ,ang mga eroplanong pangdigma ng Hapon ay sumalakay sa Pilipinas.winasak ng mga hapones ang Hukbong Panghimpapawid sa Clark Field ,Pampanga.Pagkatapos ng dalawang oras ,lumunsad ang mga hapones sa hilagang luzon .

-Ang mga pilipino sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon at ni HeneralvDouglas MacArthur ay magiting na lumalaban.Nagpamalas ng masidhing pagmamahal sa bayan ang mga pilipino.Sila ay sumapi Sa United States Armed Forces in the Far East(USAFEE)

-Sa pangunguna ni Hen.Douglas MacArthur ay nagsanib ang lakas ng hukbong Pilipino at Amerikano upang magapi ang puwesya ng mga Hapones.

Page 5: Ang Pananakop

-Ngunit hindi sapat ang katapangan at kagitingan upang magapi nila ang mananakop .Ang USAFEE noon ay kulang ng kulang sa mga eroplano at mga kagamitang pandigma sa kadahilanang lubhang malayo ang Estados Unidos sa Pilpinas.kaya nang sumunod na mga araw at linggo ,ang hukbong sangdatahanng hapon ay nagpatuloy sa kanilang pananakop sa Pilippinas.

-Unti-unti nang napasakamay ng mananakop ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Nang malapit nangmakarating ang mga ito sa Maynila ay idineklara ni MacArthur noong Disyembre 26,1941 na ito ay “bukas na lungsod”o Open City upang ito’y iligtas sa trahedya ng digmaan.

-Sa ilalim kasi ng batas ng mga bansa ay hindi na dapat digmain ang lungsod na dineklarang open city.

Page 6: Ang Pananakop

-Iniutos ni MacArthur na alisin ang mga kanyon at bago matapos ang Disyembre ay binomba ng mga hapones ang Intramurous .layunin nilang ang mga bapor na nakadaong sa Ilog Pasig.

Page 7: Ang Pananakop

ANG PAGBAGSAK NG BATAAN AT CORREGIDOR

Page 8: Ang Pananakop

- -Walang humpay ang ginagawang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas .Habang ang Bansa ay patuloy na sinasalakay ng mga hapones ay patuloy namang sumisindi ang sakit ni Manuel L. Quezon.Lumulubha ang kanyang sakit kasabay ng laki ng pananagutang nakaantang sa kanyang balikat.

- - -Dahil sa mabilis na ginagawang pagsakop ng Hapon sa Maynila

ay napatagno ni MacArthur na hindi na kakayaning makipagsabayan ng USAFFE sa mga Hapones sapagkat wala silang sapat na kagamitang pandigma at amg kakaunting nalalabi sa Clark ay inilalaan niya ang Bataan .Dito niya naisip na umurong at tumungo sa Bataan.

- -Labag man sa kalooban ni Manuel L. Quezon ay nahimok din siya ni MacArthur na pumunta sa Corregidor kasama sina Sergio Osmena ,Manuel Roxas ,at Kalihim ng Hustisyang si Jose Abad Santos .Samantala,naiwan si Jose P. Laruel sa Maynila upang tumulong kay Jorge B. Vargas,ang Kalihim na tagpagpaganap ni Quezon na humaharap sa kalaban at gawin ang lahat ng magagawa upang mabawasan ang bigat na babalikatin ng mga mamamayan.

Page 9: Ang Pananakop

-Sa payo ni Pangulong Roosevelt,sina Quezon ay inilikas sa Corregidor noong ika-20 ng Pebrero,1942 at lihim na pinapapunta sa Australia upang dito ay sumakay ng pabor na magdadala sa kanila sa Estados Unidos ,partikular sa Washington D.C. kung saan nila itinatag ang pamahalaang takas ng Komonwelt.

-Samantalang si Heneral MacArthur,kasama ang kanyang pamilya at mga pinunong militar ay pumunta sa Australia noong Marso 11,1942 upang pamunuan ang mga puwersang Amerikano sa timog-kanlurang Pasipiko.Humalili sa kanya bilang kumander ng USAFFE si Hen.Jonathan Wainwright.

-Inilipan ni Hen.Wainwright ang himpilan nito sa Corregidor.Matapos ipagbilin kay Wainwright ang hukbong naiwan sa Pilipinas ,lumisan si MacArthur ngunit bago siya umalis ay ipinahayag niya sa sambayanang Pilipino ang kanyang makasaysayang pangakong”I shall return”.Bagama’t naputol ang pagpapadala ng tulong na pagkain,gamot,bala at armas mula sa Amerikana ay buong giting at tapang pa ring nakipaglaban ang mga sundalong USAFFE sa Bataan.

Page 10: Ang Pananakop

-Noong Abril9,1942 ang hukbo ni Hen.Masaharu Homma,ang kumander ng hukpong Hapon ay sumalakay nang walang awa sa pangkat ng USAFFE,na sa panahong iyon ay talagang di na makagulapay dahil sa matinding gutom,uhaw,sakit,at hirap na kanilang dinaras.At sa gitna ng miserableng kalagayang iyon ng mga kawal,si Hen.Edward P. King,kumander ng puwersang USAFFE sa Bataan ay sumuko sa mga Hapones nang walang pahintulot ni Wainwright.Ang pagsukot ito ang nagbigay-hudyat sa pagwawakas ng labaha sa Bataan.

-Pagkatapos nito ay nilusob naman ng mga Hapones ang Corregidor.Halos walang patid na binomba at pinuksa ang himpilan ng USAFFE rito,na naging dahilan upang isuko ni Hen.Wainwright ang buong hukbo noong Mayo 6,1942.Hiniling ni Hen.Masaharu Homma na isuko ni Wainwright ang buong puwersa ng USAFFE sa Pilipinas .Kaya ipinakalat ni Wainwright sa pamamagitan ng radyo ang utos niyang sumuko ang lahat ng puwersa ng USAFFE sa buong kapuluan.Ang karamihan sa mga kumander sa Luzon,Visayas,at Mindanao ay sumunod sa kanyang utos,ngunit may ilang hindi sumuko ,sa halip ay namundook sila at naging gerilya.

Page 11: Ang Pananakop

-Kaugnay nito ay nangyari ang hindi malilimutang pagpapahirap ng mga Hapones sa mga sundalong Amerikano at Pilipino,ang kahila-hilakbot na mga sundalo ang nagmartsa sa loob ng maraming araw nang walang pagkain o tubog man lamang mula Mariveles,Bataan hanggang San Fernando,Pampanga.

-Karamihan sa mga sundalong hindi nakayanan ang pagmartsa ay namatay.Ang mga sundalong nakarating sa Pampanga ay isinakay sa mga tren at dinala sa Camp O’ Donnel sa Capas,Tarlac at doon ibinilanggo.Ang pangyayaring ito ay itinuringna isa sa pinakamalupit na pagpapahirap na ginawa ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 12: Ang Pananakop

Alam mo ba?Noong panahong ang Pilipinas ay nasa gitna ng matinding

digmaan labas sa mga Hapones ,si Manuel L. Quezon ay nakaratay na at may malubhang karamdaman .Kaya’t makalipas lamang ang ilang buwan, noong Agosto 1 1944,siya ay namatay sa sakit na “tuberculosis”sa lupang dayuhan,sa Saranac Lake ,New York ,Estados Unidos.Ang mga labi ni Quezon na siyang tinaguriang ding “Ama ng Wikang Pambansa”ay iniuwi sa Pilipinas noong Hulyo,1946.

Page 13: Ang Pananakop

THE ENDGINAWA NINA:KRISTLE PIZARROCRISTHEA SORIANO