DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ......

12
Paigtingin ang Armadong Pakikibaka Laban sa Rehimeng US-Arroyo! (Pahina 3) DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN SA SOUTHERN MINDANAO TUIG 7 BLG. 2 ni ISIS MORALES CENTRAL MINDANAO — Masinsin na gawaing pag- oorganisa sa hanay ng masang Moro, magrerekluta ng mga Moro para sa New People’s Army at tutulong sa pagtatayo ng mga baseng gerilya sa mga lugar na wala pang mga rebolusyonaryong organisasyon ng mga Moro. Ito ang deklarasyon ng bagong tatag na rebolusyonaryong organisasyon ng Moro, ang Moro Resistance and Libera- tion Organization (MRLO) na alyadong organisasyon ng National Democratic Front. Ito ang malaking hamon sa mga myembro ng MRLO upang maiwasan ang mga nagdaang problema sa nauna nang rebolusyonaryong pambansa-demokratikong organ- isasyon ng Bangsamoro na nabuo noong dekada 80, ang Moro Revolutionary Organization. Mas patindihin pa ng MRLO ang paglaban sa patuloy na kawalang-hustisya at pagsasamantala laban sa sam- bayanang Moro. Ayon sa manipesto ng MRLO: patuloy na nilalapastangan ng mga mananakop at mga lokal na reaksyonaryong gobyerno ang Bangsamoro; at ng iilan naming mga kapatid na Bangsamoro para ma-protektahan nila ang kanilang pansarili at gahamang interes at ng kanilang mga angkan. Ang manipesto ng MRLO ay pinagtibay ng 25 delegado na dumalo sa ginanap na isang linggong kongreso noong Hunyo. Ang 25 delegado ay kumakatawan sa 13 etnoling- wistikong grupo ng mga Moro—Tausug, Maguindanao, MULA SA PATNUGOT ANG isyung ito ng Pasa Bilis! ay pagpupugay sa Moro Resis- tance and Liberation Organization (MRLO) at sa patuloy na pakiki- baka ng mamamayang Moro at ng buong sambayanang Pilipino. Pangunahing laman ng isyung ito ang kasaysayan at pakikibaka ng Bangsamoro. Sa unang pagkakataon ang ispesyal na isyu ng Pasa Bilis! ay inilalathala sa lenggwaheng Tagalog, upang maabot ang mas marami pa nating mambabasa sa isla. Pasa Bilis! UMIIGTING NA PAKIKIBAKA. Tuloy-tuloy ang mga kilos-protesta ng mamamayang Moro (itaas) laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. Ang pagbubuo ng MRLO (ibaba) ay hudyat ng pagpapaigting ng armadong pakikibaka at ng pagbubuklod ng sambayanang Moro laban sa mapang-aping uri . SUNDAN SA P. 11 Mensahe sa Pagtatatag ng Moro Resistance and Liberation Organization Buhay, Kasaysayan at Pakikibaka ng Bangsamoro ‘Ang Makibaka Laban sa Pang-aapi ay Marapat at Banal’ Dalaga, ni-reyp ng anim na tropang militar ng US SAGOT SA MGA ADHIKAIN NG BANGSAMORO: REBOLUSYON! REBOLUSYON!

Transcript of DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ......

Page 1: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

Paigtingin ang Armadong Pakikibaka

Laban sa Rehimeng US-Arroyo!

(Pahina 3)DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN SA SOUTHERN MINDANAO TUIG 7 BLG. 2

ni ISIS MORALES

CENTRAL MINDANAO — Masinsin na gawaing pag-oorganisa sa hanay ng masang Moro, magrerekluta ng mga Moro para sa New People’s Army at tutulong sa pagtatayo ng mga baseng gerilya sa mga lugar na wala pang mga rebolusyonaryong organisasyon ng mga Moro. Ito ang deklarasyon ng bagong tatag na rebolusyonaryong organisasyon ng Moro, ang Moro Resistance and Libera-tion Organization (MRLO) na alyadong organisasyon ng National Democratic Front.

Ito ang malaking hamon sa mga myembro ng MRLO upang maiwasan ang mga nagdaang problema sa nauna nang rebolusyonaryong pambansa-demokratikong organ-isasyon ng Bangsamoro na nabuo noong dekada 80, ang Moro Revolutionary Organization.

Mas patindihin pa ng MRLO ang paglaban sa patuloy na kawalang-hustisya at pagsasamantala laban sa sam-bayanang Moro. Ayon sa manipesto ng MRLO: patuloy na nilalapastangan ng mga mananakop at mga lokal na reaksyonaryong gobyerno ang Bangsamoro; at ng iilan naming mga kapatid na Bangsamoro para ma-protektahan nila ang kanilang pansarili at gahamang interes at ng kanilang mga angkan.

Ang manipesto ng MRLO ay pinagtibay ng 25 delegado na dumalo sa ginanap na isang linggong kongreso noong Hunyo. Ang 25 delegado ay kumakatawan sa 13 etnoling-wistikong grupo ng mga Moro—Tausug, Maguindanao,

MULA SA PATNUGOTANG isyung ito ng Pasa Bilis! ay pagpupugay sa Moro Resis-tance and Liberation Organization (MRLO) at sa patuloy na pakiki-baka ng mamamayang Moro at ng buong sambayanang Pilipino. Pangunahing laman ng isyung ito ang kasaysayan at pakikibaka ng Bangsamoro.

Sa unang pagkakataon ang ispesyal na isyu ng Pasa Bilis! ay inilalathala sa lenggwaheng Tagalog, upang maabot ang mas marami pa nating mambabasa sa isla.

Pasa Bilis!

UMIIGTING NA PAKIKIBAKA. Tuloy-tuloy ang mga kilos-protesta ng mamamayang Moro (itaas) laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. Ang pagbubuo ng MRLO (ibaba) ay hudyat ng pagpapaigting ng armadong pakikibaka at ng pagbubuklod ng sambayanang Moro laban sa mapang-aping uri .SUNDAN SA P. 11

Mensahe sa Pagtatatag ng Moro Resistance and Liberation Organization

Buhay, Kasaysayan at Pakikibaka ng

Bangsamoro

‘Ang Makibaka Laban sa Pang-aapi ay

Marapat at Banal’

Dalaga, ni-reyp ng anim na tropang militar ng US

SAGOT SA MGA ADHIKAIN NG BANGSAMORO:

REBOLUSYON!REBOLUSYON!

Page 2: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

2 DISYEMBRE 2005 E d i t o r y a l PASA BILIS!

Nilimbag ng Executive Council National Democratic Front - Southern Mindanao

HUNTA EDITORYAL Joven Obrero, Alexis Sangre, Gabryel Zapata, Danton Roque IV, Mayang Andres, Ludwig Santos, Isaiah Labrador, Agos Verdadero, M. Gerone Magbanua, Ginabunan REPORTERS Andoy Guna, Rev. Bobot Bautista, Rio Jose, Adel Malangyaon, Niko del Prado, Vicente Altomonte, Emanwel Sinco, Ai Mangahas, Lu Bonifacio, Daniel del Coro MGA ARTISTS AT POTOGRAPO P’lang Bagani, Lakamodje, Soc Evangelio Huwab, Korn Magit, Epi Parial DISENYO Danton Roque IV ADVISER Justin Apolinario (Ang mga larawang ginamit ay galing sa mga pahayagan at Internet.)

ni KA ORISTagapagsalitaNational Democratic Front of the Philippines-Mindanao

LUBOS naming ikinagagalak ang idaraos ninyo na kongreso ng pagtatatag ng Moro Resistance

& Liberation Organization ngayong Hunyo 27, 2005.

Ipinaabot namin ang pinakamarub-dob na pagbati sa lahat ng delegado sa okasyong ito. Wasto ang inyong dalang tema, “Mamamayang Moro: Patibayin ang Pagkakaisa! Ipagpatuloy ang Pakikibaka sa Sariling Pagpapasya at Isulong ang Pambansang Demokrasya!” Kami ay kaisa ninyong lahat sa inyong kapasyahan at pagsisikap na buhayin uli ang isang pambansa-demokratikong organisasyon ng mga Moro upang ita-guyod ang karapatan sa sariling pagpapasya ng mamamayang Moro at sa buong sambayanang Pilipino na nakikibaka para sa tunay na kalayaan, demokrasya a t makatarungang kapayapaan.

Bilang alyadong organisasyon sa National Democratic Front of the Philippines, ang pagtatayo ng Moro Resistance and Liberation Organization ay nangangahulugan ng lalong paglawak ng rebolusyonaryong nagkakaisang prente na tumatahak sa tamang linya ng pakikibaka. Magsisilbi rin ito sa pagpapahigpit pa sa pakipag-ugnayan at pakipagtulungan sa iba pang mga progresibong organisasyon ng mga Moro.

Matagal nang karapatdapat naisagawa ito. Ang pagsisikap ninyo ngayon na organisahin at buhayin uli ang pambansa-demokratikong organisasyon ng mga Moro ay napapanahon kung saan ang buong sambayanang Pilipino, kasama ang mamamayang Moro, ay isinasailalim sa mas matinding mga porma ng pang-aapi at pagsasamantala habang lumalala ang krisis ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema. Partikular sa Bangsamoro, patuloy na ipinagkakait ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya at iba pang demokratikong karapatan. Binubusabos at tumitindi ang diskriminasyon at

panggigipit sa kanila. Nitong nakaraang ilang taon, lalong pinatindi ng pasistang estado sa Pilipinas na sunod-sunuran sa imperyalismong U.S. ang pang-aatake at panlilinlang sa mamamayang Moro. Pinalakas din ang panghihimasok ng mga tropa ng imperyalismong U.S. sa mga lugar ng Moro, tanda ng lalong paglapastangan sa pang-ekonomiya at pampulitika at pangkulturang mga karapatan ng Bangsamoro.

Walang maaasahan ang mamamayang Moro na kalutasan sa kanilang mga suliranin mula sa rehimeng US-Macapagal-Arroyo at sa naghaharing malakolonyal at malapyudal na sistema. Walang maaasahan mula sa kasalukuyang rehimen na makamit ang tunay na awtonomiya ng Bangsamoro at ipagtanggol ang ancestral domain nito. Ang tanging maaasahan nila ay ang paglala ng karalitaan, kahirapan, pambubusabos at terorismong estado mula sa isang rehimen na ang pangulo ay sagad-saring papet ng imperyalismong US at ahente ng lokal na mga uring kumprador burgesya at panginoong maylupa.

Ang mamamayang Moro ay kailangang magpalawak ng kanilang mga organisasyon upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kapakanan. Kailangang makipagkaisa sila sa

uring malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa at mga bulok na mga opisyal ng gobyerno, kasama ang ilang Moro na tumalikod na sa interes ng Bangsamoro.

Ang pagkakaisa ng mamamayang Moro a l insunod sa pambansa-demokratikong linya ay kinakailangan upang matiyak ang pagtahak sa tamang landas ng pakikibaka, mapahigpit ang pakikiisa sa buong sambayanang Pilipino, at matibay na malabanan ang mga pakana ng kaaway na pahinain at durugin ang pakikibaka ng mamamayang Moro.

Nakikiisa kami sa inyong pakiki-baka laban sa pananalakay ng mga imperyalista at lokal na mga reaksyonaryo, maging sa porma man ito ng malakihang operasyong militar na nagdudulot ng kamatayan, pagkasira ng ari-arian at paglikas ng buo-buong mga komunidad o sa porma ng huwad na programa at proyektong pangkaunlaran na nagla layong pat indihin ang pandarambong sa natural na mga rekurso ng Moroland at sa panlipunang kayamanan na likha ng pawis at dugo

Ang rebolusyonaryong mga aral sa kasaysayan ng Bangsamoro ay dapat panghawakan ninyo. Kailangang itaas ninyo sa bago at mas mataas na antas ang kapasyahang lumaban at mga kakayahan ng mamamayang Moro. Ang inyong paglaban ay isang napakahalagang sangkap sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa pambansang soberenya, demokrasya at makatarungang kapayapaan.

Dahil sa inyong malawak na pananaw sa pakikibaka ng mamamayang Moro, tiyak namin na aani kayo ng malawak na suporta hindi lamang mula sa mga Moro kundi sa buong sambayanang Pilipino. Ang pagkamit sa tunay na awtonomiya, kalayaan, demokrasya at makatarungang kapayapaan ay nasa mga kamay at pakikibaka ninyo na kasama ang buong sambayanang Pilipino.

Isulong ang pakikibaka sa karapatan ng sariling pagpapasya at ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Mabuhay ang MRLO!Mabuhay ang Bangsamoro at buong

sambayanang Pilipino!

Mensahe sa Pagkakatatag ng Moro Resistance and Liberation Organization

buong sambayanang Pilipino sa pagsusulong n g p a m b a n s a -d e m o k r a t i k o n g rebolusyon laban sa mga imperya l i s ta ,

ng mamamayan.

Page 3: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

DISYEMBRE 2005 3EditoryalPASA BILIS!

SI N A S A L U D U H A N a t m a h i g p i t n a sinusuportahan ng Moro Resistance and Libe-ration Organization o MRLO ang Moro Na-

tional Liberation Front o MNLF sa kanilang patuloy na paglaban sa panunupil at paghahasik ng terorismo ng rehimeng U.S.-Arroyo sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng berdugong AFP at tropang Amerikano sa Indanan Sulu at mga karatig lugar nito sa Mindanao.

Sa kabilang banda, mariing kinokondena ng MRLO ang patuloy na pambubusabos ng rehimeng U.S.-Ar-royo sa mamamayang Moro sa pakana nitong kontra-terorismo na inilulunsad ng Imperyalismong Estados Unidos at AFP laban sa mga nakikibakang Moro at sambayanang Pilipino. Nitong nakaraang ika-11 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, muling umatake ang mga berdugong AFP at tropang Amerikano na walang lehitimong dahilan at basihan, maliban sa pagtugis di umano ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf na kung saan nagresulta sa pagkasawi ng (30) tatlumpong mersenaryong militar at pagkasugat ng mahigit (20) dalawampo. Nagresulta din ito sa paglikas ng mga pamilya na aabot sa mahigit (400) apat na daang pamilya sa Indanan, Sulu.

Simula ng sumabog ang Twin Towers noong Sep-tember 11, 2001, inilunsad ng Estados Unidos ang terorismong giyera laban sa mamamayang sa Iraqi. Itong gyera kontra-terorismo diumano ang ginamit na dahilan upang tuluyang makapanghimasok ang im-peryalistang U.S. sa Pilipinas partikular sa Mindanao kung saan nakakonsentra ang mga rebolusyonaryong kilusan ng Bangsamoro.

Nitong bago, ginawa nilang dahilan ang presenya ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf upang magdeklara ng giyera sa mga komunidad ng mamamayang Moro sa Sulu.

Tutulan at ilantad ang patuloy na panghihimasok ng Tropang Amerikano at mga pakana nitong Ba-likatan exercises. Wala itong mabuting maidudulot kundi ang patuloy na paghahasik ng terorismo laban sa mga mamamayang Moro at mamamayang Pilipino. Katulad na lamang ng pagpatay ng sundalong Ameri-kano kay Buyong-buyong Isnijal na isang sibilyang magsasaka sa Basilan noong 2001 sa kasagsagan ng Lamitan siege. Nitong huli, isang dalaga na taga-Zamboanga City ang walang-awang pinagtulungang halayin ng mga Tropang Amerikano sa Subic noong Ika-1 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Nanawagan ang Moro Resistance and Liberation Organization sa lahat ng mamamayang Moro na magkaisang lumaban at manindigan para sa sariling pagpapasya at pambansang soberanya laban sa Im-peryalismong Estados Unidos at mga lokal na alipores nito sa pangunguna ni Gloria Macapagal Arroyo at mga berdugong militar na nagtataguyod ng interes ng kanyang imperyalistang amo.

Nakikiisa ang MRLO sa MNLF sa inilulunsad nitong armadong pakikibaka at pagtataguyod sa in-teres ng mamamayang Moro laban sa reaksyonaryong gobyerno at mga kasapakat nitong berdugong militar. Wala ng iba pang paraan kundi labanan ang patuloy na panunupil at pang-aapi sa ilalim ng mapaniil na sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal. Kaya nararapat lang na isulong ng mamamayang Moro ang armadong pakikibaka bilang pangunahing paraan sa pagkakamit ng sariling pagpapasya at pambansang soberanya.

Sa aming mga kapatid sa hanay ng MILF, saan man hahantong ang usapang pang-kapayapaan, huwag sanang kalimutan at talikuran ang interes ng

Paigtingin ang Armadong Pakikibaka Laban sa Rehimeng US-Arroyo!

-- Moro Resistance and Liberation Organization

mamamayang Moro, dahil sadyang napakatuso ng Imperyalismong Estados Unidos at mga papet na rehimen, at walang pinagkaiba, bagkus mas masa-hol pa itong ilehitimo, korap at pasistang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo. Sanay maging aral sa

atin ang mapait na karanasan ng ating mga ninuno sa Kiram-Bates Treaty at ng MNLF sa mapanlinlang na pakana ng reaksyonaryong gobyerno at Estados Unidos sa Tripoli Agreement.

(Nobyembre 17, 2005)

Mariing tinututulan ng mamamayang Pilipino, lalo na ng mga Moro, ang pagdaraos sa Mindanao ng Balikatan, kung saan ilang Moro na ang nabiktima ng karahasan ng mga tropa ng rehimen at ng U.S. Sa ibang bahagi ng Mindanao, ang tuloy-tuloy na operasyong militar ay nakaapekto sa mga mamamayang Moro, tulad ng mga mamamayan ng Maguindanao na napilitang bumakwet dahil sa giyera.

Nanawagan ang Moro Resis-

tance and Liber-ation Organiza-tion sa lahat ng mamamayang

Moro na magkai-sang lumaban at manindigan

para sa sariling pagpapasya at pambansang

soberanya

Page 4: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

4DISYEMBRE 2005 Kasaysayan PASA BILIS!

Buhay, Kasaysayan at Pakikibaka ng Bangsamoro

Maningning ang kasaysayan ng mamamayang Moro. Kasaysayan ito ng mga magigiting na pakikibaka, madugong pakikipaglaban sa mga mananakop, mga pagkatalo at muling pagbangon para itaguyod ang minimithing kalayaan ng masang Moro at ng buong sambayanang Pilipino.

gupa ang pwersa ni Goiti ng pwersa nila Rajah Sulaiman Mahmud, Rajah Matanda at Rajah Lakandula na matamang nagtanggol sa Maynila na sa panahong iyon ay Islam na sa kalakhan. Ito ang unang digmaan sa pagitan ng kolonyalistang Espanyol at mamamayang Moro.

Hunyo 3, 1571 Si Rajah Sulaiman ay napatay sa labanan sa Bangkusay (Tondo) matapos ang mabangis na digmaan laban sa kolonyalistang Espanyol. Sa pagkama-tay ni Sulaiman at pagbagsak ng Maynila sa kamay ng mga Espanyol, nabawasan ang mga pagtutol laban sa pananakop ng mga Espanyol sa Luzon at Visayas.

1637-1671 Dumating ang kolonyalistang Espanyol sa Mindanao at mariing luma-ban ang mamamayang Moro na tutol sa pananakop ng mapanupil na dayuhan. Sa pamumuno ni Sultan Kudarat (na sa panahong iyon ay may otoridad sa Cotabato, Lanao, Davao, Misamis, Bukidnon at Zamboanga) tumagal ang pakikidigma ng mamamayang Moro. Subalit nang mamatay si Sultan Kudarat sa edad na 90, unti-unting humina ang pwersa ng mga Moro hanggang sila’y magapi ng Espanyol.

1800s (kalagitnaan) Pinilit ng kolonyal na pamahalaang Espanyol ang Sultan ng Sulu na maitayoang garison ng mga Espanyol sa ilang lugar sa Sulu.

PANAHON NG PAGSAKOP NG U.S.Disyembre 10, 1898

Pinirmahan ang Treaty of Paris sa pagitan ng Kolonyalistang Espan-yol at Imperyalistang Estados Unidos upang “bilhin” ang Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar.

1900-1916 Ginawa-ng alipin ang mama-mayang Moro ng mas agresibong imperyal-istang US matapos ni-tong angkinin ang tagumpay ng Rebolusyong Pilipino laban sa Kolonyalistang Espanyol, at matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

August 20, 1899 Kiram-Bates Treaty. (Kasunduan sa pagitan ni Sultan Jamalul Kiram II ng Sulu at US Brig Gen. John C. Bates)na ginamit ng Imperyalistang US upang sakupin ang mamamayang Moro at kontrolin ang kanilang malalapad na lupain. Ang hindi nagawa ng mga Espanyol sa loob ng 327 na taon ay nagawa ng imperyalistang US sa isang pirmahan lamang.

May iba pang mga halintulad na kasunduan sa pagitan nina Datu Mandi ng Zamboanga, Datu Piang ng Cotabato at Sultan Mangigin ng Maguindanao.

Kaugnay ng mga pamamaraan sa pagpasok ng US, sinabi ni Rudy Rodil, isang manunulat ng Muslim History: “Dahil nakita nila ang Mindanao bilang isang di-mauubusang pagkukunan ng mga hilaw na materyales... ang mga Amerikano ay patuloy na namahagi ng lupa alinsunod sa kanilang kolonyal na batas ngunit sinigurado pa rin nila ang aktibong kolaborasyon ng mga lokal na datu (kahima’t may pag-aalinlangan ang maraming datu hinggil dito). Ginamit ng mga kolony-alista ang kanilang pwersang militar upang sugpuin ang armadong pakikipagla-ban ng mamamayang Moro. Sa simula, ito’y binubuo ng mga tropa mismo ng

Sinulat ng ISTAP NG PASA BILIS!

A N I N G N I N G a n g k a s a y s a y a n n g m a m a m a y a n g Moro. Kasaysayan ito ng mga magigiting na pakikibaka, madugong pakikipaglaban sa mga mananakop, mga pagkatalo at muling pag-

bangon para itaguyod ang minimithing kalayaan ng masang Moro at ng buong sambayanang Pilipino.

Ang artikulong ito ay unang lumabas sa Pasa Bilis! sa lenggwaheng Bisaya noong taong 2000 sa kasagsagan ng all-out war na ipinatupad ng rehimeng Es-trada laban sa sambayanang Pilipino.

BAGO DUMATING ANG MGA MANANAKOP NA ESPANYOLIka-13 siglo Kabilang sa pangatlong dagsa na dumating sa Pilipinas noong

huling bahagi ng ika-13 siglo ay ang mga negosyanteng Arabo at mga guro ng Islam. Sila ang naging pundasyon sa pagpapalaganap ng relihiyong Islam sa Sulu at Mindanao. Si Tuan ika Marsha ang unang nagtayo ng komunidad ng Islam sa Sulu. Sinundan siya ng isang misyonaryo, si Karim ul-Mukhdem.

Ika-15 siglo Itinatag ang unang sultanato sa Sulu sa pamamagitan ni Raha Baginda at iniluklok niya si Sharif ul- Hashim Abubakar na kanyang manugangbilang pinakaunang sultan ng Sulu. Sa panahon ding ito sinimulang ipalaganap ang Islam sa Mindanao (1460) sa pamamagitan ng dalawang Sharif na taga-Jo-hore (bahagi ng Malaysia) bago pa man dumating si Sharif Kabungsuan na kilala na tagapagtatag ng mga komunidad ng Muslim sa Maguindanao. Isa ring Sharif Alawi ang nagtatag ng komunidad ng Muslim sa Maranao, Misamis Oriental, Lanao at Bukidnon.

Bahagi ng pagpapalaganap ng Islam ay ang pagtatayo ng mga Sultanato. Ang sultanato ay nakabase sa pyudal na ekonomya na siyang pundasyon ng relihiyong Islam. Ang buong sultanato ay pinaghaharian ng sultan, kasunod ang mga datu, nobilidad at mga guro ng Islam.

Sa mga komunidad ang datu ang kumukontrol sa lupa sa ngalan ng sultanato. Pinasasaka nila ang mga lupain sa kanilang mga nasasakupang pamilya o angkan at sa mga alipin na siyang pinagkukunan nila ng renta sa lupa, kontribusyon sa relihiyon (dyakat) at libreng serbisyo.

Ang bawat sultanato nuon ay armado upang ipagtanggol ang kanilang teritoryo at ang kanilang kalayaan. Sa mga sultanato pinapalapad ang teritoryo sa pamamagitan ng pakikidigma, pangungumberte (conversion), pag-aasawa at iba pa.

PANAHON NG KOLONYALISMONG ESPANYOL

Abril 27, 1565 simula ng paki-kibaka ng mamamayang Moro laban sa dayuhang dominasyon nang dumating ang kolonyal-istang Espanyol sa Panay. Sina-kop ng Espanyol ang buong Visayas, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi at ipinadala si Martin Goiti sa Maynila upang sakupin ito.

1571 Sa Tondo, Maynila, sina-

Page 5: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

DISYEMBRE 2005 5KasaysayanPASA BILIS!

Buhay, Kasaysayan at Pakikibaka ng Bangsamoro

kolonyalistang US, sa kalaunan, itinayo nila ang Philippine Scouts at Philippine Constabulary (PC).

PANAHON NG MGA PAPET NA GOBYERNO1946-kasalukuyan Ang mamamayang Moro, ang kanilang teritoryo, kultura at

tradisyon ay ipinaloob (assimilated) sa Republika ng Pilipinas. Tinuring ang Moro na bahagi ng “cultural minorities” ayon sa reaksyonaryong batas ng 1957 at itinayo ang Commission on National Integration (CNI) na siyang mangangalaga diumano sa kalagayan ng mga Moro. Sa ilalim ng ganitong mga kondisyon, nag-alab na muli ang pakikipaglaban ng mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya.

PANAHON NI MARCOS, AQUINO AT RAMOS Dekada 1960-1970 Pinasiklab ng diktadurang US-Marcos ang hidwaang Mus-

lim-Kristiyano. Itinayo nito ang mga grupong vigilante na ang nasa likod ay ang reaksyonaryong militar. Ang mga grupong ito ay kagaya ng Ilaga sa pamumuno ni Norberto Manero na nasa Cotabato-Maguindanao erya, na aktibong tumutu-gis at pumapatay sa mga mamamayang Moro na nakikipaglaban sa diktadurya. Pagdating ng dekada 70, umabot na sa sampung libung Moro (kabilang ang 79 na nagsisimba sa moske) ang napatay ng Ilaga, PC at Army. Maliban dito, libu-libong mga bahay, moske at madrasah schools ang sinunog.

May 1, 1968 Jabidah Masaker. Kabilang sa mga pakana ni Marcos upang sakupin ang Sabah, Malaysia, isang muslim na bansa, ay ang paglulunsad ng isang military treyning na dinaluhan ng 180 Muslim sa isla ng Corregidor. Layunin ng treyning na ito ang pagpasok (infi ltration) at pagsakop sa Sabah. Tinawag itong Oplan Merdeka. Nang malaman ito at tumanggi ang mga Muslim trainees, minasaker sila. Umabot ng 64 ang napatay at may isang nakatakas na siyang nakapag-ulat sa detalye ng buong pangyayari. Ito ang Jabidah Masaker.

PAKIKIBAKA SA DEKADA ‘701969 Ang Jabidah Masaker ay naging mitsa upang mapaangat ang antas ng

pakikipaglaban ng mamamayang Moro. Kagyat na itinayo ang Moro National Lib-eration Front (MNLF) na pinamunuan ni Nur Misuari at mga kabataang aktibista’t estudyante sa Manila. Pangunahing layunin ng MNLF na kamtin ang kalayaan ng Bangsamoro na binubuo ng 13 etnikong grupong Moro pati na ang kalayaan ng mga lumad at setler sa Mindanao, Sulu at Palawan.

1972 Lumawak at lumaganap ang MNLF. Sumanib si Salamat Hashim na isang Islamic Scholar at siya ang naging vice-chairman habang si Misuari ang naging chairman. Sa mga panahong ito dumagundong sa buong kapuluan ang malalakas na kilos protesta ng mga estudyante, manggagawa, magsasaka, at propesyunal laban sa diktaduryang Marcos. Ang mga kilos protestang iyon ay tinawag na First Quarter Storm.

Sa panahon ding ito, naipundar na ang ilang komiteng rehiyon ng Partido Ko-munista ng Pilipinas at larangang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan.

Nobyembre 14, 1972 Habang patuloy na pinapahirapan ng diktaduryang Marcos ang sambayanan sa samut-saring karahasan gaya ng pagsasalbeyds, pagtotortyur, pagkulong sa mga aktibista, rebolusyonaryo at ordinaryong sibilyan; inatake ng MNLF ang mga military detachment sa isla ng Jolo. Sumiklab ang paglaban sa iba’t-ibang isla. Sa atake sa Jolo, naagaw ng MNLF ang maraming armas kabilang na ang mga mortar, machine guns at mga bala ng AFP. Inatake rin ang mga karatig lugar sa Parang, sa timog-kanlurang bahagi ng Jolo at ang mga ito’y nakontrol ng MNLF.

1973 Pormal na inorganisa ng MNLF ang Bangsamoro Army (BMA) laban sa diktaduryang US-Marcos.

Pebrero-Marso 1973 Ang mga labanan sa pagitan ng MNLF at AFP ay kinon-siderang pinakamalaking banta sa seguridad ng Estado. Ang mga posisyon ng reaksyunaryong pwersa ay sunud-sunod na nilusob at 12 lunsod ang napasailalim/nakontrol ng MNLF. Ang mga labanang ito ay nagpatuloy sa iba’t- ibang lugar hanggang sa sumunod na mga taon.

Abril 28, 1974 Sa panahong ito, ang MNLF and siyang bumabandera sa mga lehitimong pakikibaka ng Bangsamoro. Sa manipesto ng MNLF sinabing dinadala nito ang “limang milyon na inaaping Bangsamoro na naglalayon ng kalayaan mula sa pang-aapi at panunupil ng naghaharing uri.” Hinggil sa diktadurya, idineklara ng MNLF: Ang yaong kolonyalista, sa anyo ng diktaduryang Marcos, kriminal na umagaw ng mga lupain, binantaan ang Islam sa pamamagitan ng pagwasak at pagbubusabos sa mga moske at sa Koran at nagpatupad ng “kampanyang paggapi sa lahi na labis na kahindikhindik.”

Sa panahong ring ito itinayo ng reaksyonaryong gobyerno ang dalawang pinagsamang komand, ang Southern Comand (South Com) at ang Central Min-

danao Comand (Cemcom) na nasa ilalim ng kontrol at superbisyon ng AFP sa Camp Aguinaldo. Ang area of responsibility ng South Com ay ang Sulu, Tawi- Tawi at Basilan habang ang Cemcom ay may jurisdiction sa probinsya ng North Cotabato, South Cotabato, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon at ibang parte ng Davao.

1974 Nagsimula ang problema ng MNLF nang mariin nitong inasam ang suporta ng Organization of Islamic Countries (OIC). Sa panahong ito, sa nangyaring 5th

Islamic Foreign Ministers Conference sa OIC sa Libya ay idineklarang ang prob-lema ng Bangsamoro ay “panloob lamang at sa gayun, ay kailangang ma-resolba sa loob ng mga alituntunin ng pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng Republika ng Pilipinas.” Ipinailalim ng MNLF ang demanda para sa indepen-densiya patungo sa “awtonomiya” sa loob ng pambansang soberanya ng Pilipinas at teritoryal na integridad.

Dec. 23, 1976 Ang kalagayang ito ay nagpabilis sa lagdaan sa kasunduang “pangkapayapaan” sa pagitan ng diktaduryang Marcos at MNLF doon sa Tripoli, Libya. Tinawag itong Tripoli Agreement na nagbigay ng “awtonomiya” sa 13 mga probinsya at lahat ng lunsod at komunidad sa loob ng teritoryo ng Basilan, Sulu, Tawi- Tawi, Zamboanga del Sur at del Norte, North Cotabato at Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte at del Sur, Davao del Sur, South Cotabato at Pala-wan. Subalit ang sinasabing “awtonomiya” ay sa salita lamang, hindi ito napatupad sa ilalim ng diktaduryang Marcos at sa mga sumunod na rehimen.

Ang panlilinlang ng diktaduryang Marcos ay sinamantala ng rehimeng Aquino at Ramos, tulad ng nakasaad sa ika-16 na probisyon ng Tripoli Agreement: “Ang gobyerno ng Pilipinas ay siyang magsasagawa ng lahat ng kinakailangang kon-stitusyunal na proseso para sa implementasyon ng kasunduang ito.” Pumayag ang MNLF sa kasunduang ito at dito napasok sa bitag si Misuari. Humina ang MNLF at di naglaon, noong 1996, nakipag-ayos si Misuari sa reaksyunaryong gubyerno. Naiulat na sa panahon ding ito, ang bilang ng mga sugatan sa mga labanan ng MNLF- GRP ay aabot na sa 120, 000 at 300, 000 mga sibilyan ang nawalan ng tirahan.

ANG MILF1977 Bilang pagpuna sa pinirmahang Tripoli Agreement -- na sa esensya ay

makabagong Kiram- Bates Treaty -- nabuo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng pamumuno ni Salamat Hashim. Si Salamat ay sinuportahan ng 57 pinuno ng Kutawato Revolutionary Committee, ang pinakamalaking bahagi ng MNLF na nagpatalsik kay Misuari.

Simula ng taong ito, ang MILF ang siyang nanguna at kumatawan sa pakikipa-glaban ng mamamayang Moro habang nag-sasanay at nagpapalawak ito. Noong 1984, pormal na idineklara ang MILF bilang ibang organisasyon sa MNLF. Pinili nito ang Islam bilang opisyal na ideolohiya.

Dekada 80 Sa kasagsagan ng diktadury-ang Marcos, itinatag ng National Demo-cratic Front of the Philippines ang Moro Revolutionary Organization.

1991 Kabilang sa paghahasik ng kagu-luhan ng estado sa pakikipaglaban ng

Page 6: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

Bangsamoro, nilikha ng reaksyunaryong militar, sa direksyon at tulong ng Central Intelligence Agency (CIA), ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Nobyembre 24, 1992 Minaliit ng estado ang MILF. Sa mga panahong ito, mas nakatuon ang pansin ng GRP sa pakikipag-peace talks sa ibang mga mas malaki-laking mga rebolusyonaryong grupo—ang MNLF at NDF. Nakikipag-usap din ang GRP sa grupo ng RAM-SFP-YOU.

1996 Nakipagkasundo ang MNLF sa estado. Kasama ng kasunduan pagkatapos ng pagsuko ng MNLF ay itinayo ang Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na pinamunuan ni Misuari. Ito ay sinalubong ng malawak na protesta mula sa iba’t- ibang probinsyang ayaw pumailalim sa 14 na mga probinsya ng SPCPD.

Agosto 3 at Setyembre 10, 1996 Sinimulan ang top level peace talks ng GRP at MILF.

Agenda ng MILF: lutasin ang suliranin ng Bangsamoro hinggil sa * kawalan ng lupain ng mamamayang Moro, * pagkawasak ng mga ari-arian ng mga masa, * pagbayad (indemnifi cation) sa mga biktima ng gyera, * paglapastangan sa karapatang pantao ng reaksyonaryong sundalo ng AFP,

pagyurak sa kulturang Muslim* diskriminasyon, * korapsyon ng mga upisyal ng rehimen, * matinding kahirapan ng mamama-

yan, * walang habas na pagsasamantala ng

mga dayuhan sa likas na yaman; * tigil putukan(Cessation of Hostili-

ties)* pagkilala sa kampo at teritoryo ng

MILF; * pag-atras (withdrawal) sa tropa

ng GRP mula sa Malmar, Carmen, North Cotabato, Sultan sa Barongis, Maguindanao, Tipo- Tipo at Tuburan sa Basilan;

* pagtigil sa pagpapadala at pagdag-dag ng tropa ng Estado sa mga eryang malapit sa mga kampo at teritoryo ng MILF

* pagkilala sa mga probisyon sa Ge-neva Convention sa Articles of War.

Hunyo 16- 17, 1997 Habang nag-uusap tungkol sa kapayapaan ang dalawang pwersa, inatake ng AFP ang mga posisyon ng MILF sa Kabasalan, Rajah Muda, Inog-inog sa Pikit, North Cotabato na nagpalikas ng maraming sibilyan. Sa lugar na yon matatagpuan ang MILF Camp Rajah Muda; naroon din ang Liguasan Marsh na gustong pagkakaperahan ng Philippine National Oil Corporation na pagkukunan ng natural gas.

Hunyo 25, 1997 nagkaisa ang MILF Central Committee na suspindihin ang peace talks hanggang sa normalisado na ang sitwasyon sa Rajahmuda, at nag-utos na magsagawa ng counter offensives.

Hulyo 5, 1997 Dahil sa nasabing pag-atake, si Al Haj Murad, ang MILF vice chairman for military affairs at pinuno ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ay nagbanta na magdedeklara ng jihad at aalis sa peace talks kung hindi matitigil ang opensiba ng AFP.

Hulyo 18, 1997 Matapos ang pamahayag ni Murad, gumawa ang GRP ng “back channel diplomacy” na nagresulta sa pagdedeklara ng pangkalahatang tigil-pu-tukan. Nagpatuloy ang peace talks.

1998 Habang patuloy ang mga labanan sa pagitan ng AFP at MILF, itinayo ang Special Zones of Peace and Development (SZOPAD) na isang probisyon sa kasunduan ng MNLF-GRP. Sa SZOPAD nagbuhos ng pondo ang World Bank upang patuloy na samantalahin ang mga lupain at resources ng mamamayang Moro.

1998 Upang protektahan ang interes ng malaking kapitalista, ang GRP ay

nagpadala ng 17 batalyon ng AFP sa mga Moro erya. Agad namang nawalan ng tirahan ang 110, 000 na mga pamilya sa Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat, kung saan ang ang malaking kompanya ng Moro Sugar Corp. Sa nabanggit na lugar may planong magtayo ng isang azucarera at plantasyon na kinapapalooban ng mga munisipyo ng Sharif Aguak, Talayan, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, Sultan Kudarat, North Upi at South Upi sa Cotabato.

1999 Pormal na itinatag ang alyansang-politikal sa pagitan ng MILF at NDF.

Setyembre 1999 Ang patuloy na opensiba ng AFP ay nakaapekto ng higit sa 1,000 na mga pamilya sa Carmen, North Cotabato habang tatlong purok sa Sultan Kudarat, Isulan at Bagumbayan ang apektado ng militarisasyon. Sinunog ng AFP ang 20 mga bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Moro sa sumunod na mga buwan.

Oktubre 25, 1999 tiningnan na isang seryosong banta ang MILF sa pagpa-patuloy nito sa kanyang pakikidigma, pormal na naupo ang dalawang pwersa sa peace talks sa Maguindanao. Ipinatuloy rin ang pagkompleto sa beripikasyon ng kampo ng MILF na tumagal hanggang Disyembre 31, 1999. Inisyal na kinilala ng GRP ang Camp Abubakar As- Siddique sa Matanao at Camp Bushra Somiriong sa Lanao del Sur. Sumunod pa ang lima- Camp Bilal, Darapanan, Rajamuda, Umar ug Badre mula sa 46 na mga kampo. Ang kinilala ng GRP na MILF na kampo, sa sumunod na taon, ay siyang unang inatake ng AFP nang magdeklara

ng all- out war si Estrada. Enero 12, 2000 Ang dalawang grupo

ay lumagda na naman ng ceasefire agreement at joint communique sa sumunod na mga buwan, Pebrero 23.

Enero 25- Pebrero 26, 2000 Ang sumunod na mga tropa ng GRP na nasa Central at Western Mindanao: 25th, 39th, 40th IB, Philippine Marines at Scout Rangers lahat ay sakop ng 6th Infantry Division na nakabase sa Awang Airport sa Maguindanao; ang 401st IB at ang 81st ng 4th Infantry Divi-sion na nakabase sa Cagayan de Oro City; at ang mga tropa mula sa 301st Brigade ng 3rd Infantry Division na nakabase sa Visayas.

ALL OUT WARMarch 2000 nagdeklara ng all-out

war si Estrada laban sa MILF matapos maganap ang MILF at AFP na tung-galian doon sa Lanao del Norte. Ang

GRP, ay nagdeklara ng walang pag-aalinlangan na June 30 ang deadline ng peace talks sa pagitan ng MILF.

Abril -Mayo 2000 Umabot sa 130, 000 tropa ng AFP ang itinalagang reimpors-ment sa mga Moro erya ng Central at Western Mindanao.

Abril-Hulyo Patuloy na ipinatupad ang all out war ng rehimeng Estrada laban sa MILF. Humigit sa 600,000 sibilyan mula sa Maguindanao, Lanao at Cotabato ang napilitang lumikas at tumira na lamang sa mga evacuation centers. Matinding kahirapan ang inabot ng mga mamamayang Moro dahil sa labis na nawasak ang mga sakahan, bahay, at kagamitan ng mga mamamayan sa mga lugar na inokupahan ng pasistang militar. Idineklara ng rehimeng Estrada na kailangan nito ng emergency pow-ers partikular sa Mindanao upang, higit sa lahat, maipasok ang mga naantalang proyekto ng Wold Bank.

July 11, 2000 nagdeklara ng Jihad si MILF chairman Salamat Hashim bilang pagdepensa sa teritoryo ng mamamayang Moro. Gumamit ng gerilyang pakiki-digma ang mga mujahidin (mandirigmang Muslim) maliban sa mga nakasanayang conventional na pakikidigma.

(Mga Sanggunian: Salah Jubair, “Bangsamoro, A Nation Under Endless Tyranny,” 1999; Jose Ma. Sison, “The Philippine Revolution and the Nationality Question,” 1996; Amado Guerrero, Philippine Society and Revolution; Satur Ocampo, some notes on the Moro Struggle; at iba’t-ibang newspaper clippings [1999-2000])

6 DISYEMBRE 2005 Kasaysayan PASA BILIS!

Kabilang sa paghahasik ng kaguluhan ng estado sa pakikipaglaban ng Bangsamoro, nilikha ng reaksyu-naryong militar, sa direksyon at tulong ng Central In-telligence Agency (CIA), ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Page 7: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

PARA SA MGA SUNDALO NG PASISTANG REHIMEN:

PAGLINGKURAN ANG BAYAN

Huwag isakripisyo ang buhay para sa isang papet na rehimen.Huwag paglingkuran ang isang terorista at korap na pamahalaan.Ialay ang buhay sa sambayanan.

LT. CRISPIN TAGAMOLILAIsa siya sa mga unang sundalo ng reaksyonaryong gobyerno na sumama sa New People's Army (noong March 29, 1971). Nakibaka siya para sa masang Pilipino. Ibinuwis niya ang buhay sa rebolusyon.

LT. CRISPIN TAGAMOLILA MOVEMENTIsang tagong organisasyon ng mga namulat na opisyales at miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Philippine National Police na ngayon ay sumusuporta sa pambansang-demokratikong rebolusyon.

Pagsilbihan ng taos-puso ang bayan! Maging isa sa mga mulat na sundalo! Paglingkuran ang masang Pilipino! Paglingkuran ang rebolusyon!

Maging kasapi ng Lt. Crispin Tagamolila Movement!

KA PARAGOSa video documentary na ito, ipinahayag ni Ka Parago, isa sa pinakapipitagang Pulang

kumander ng Bagong Hukbong Bayan sa Southern Mindanao, ang kanyang pananaw tungkol sa kasalukuyang pambansang

sitwasyon at ang mga paghamong kinakaharap ng rebolusyonaryong kilusan.

PANOORIN!

Page 8: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

8 DISYEMBRE 2005 Panayam PASA BILIS!

ni JUANA SUCOL & KOBUWAN MATIYAB

SA ISANG nayon sa Central Mindanao, nakapanayam ng mga istap ng Pasa Bilis! at ng Libera-

tion ang mga bagong halal na opisyal ng muling itinatag na rebolusyonary-ong organisasyon ng masang Moro — ang Moro Resistance and Liberation Organization (MRLO). Ang MRLO ay kahanay sa mga alyadong organ-isasyon na nakapaloob sa National Democratic Front-Philippines.

Sa panayam na ito nilinaw ng mga opisyal ng MRLO ang lubos na pani-nindigan ng kanilang organisasyon para sa pambansa-demokratikong re-bolusyon na matagal nang isinusulong ng sambayanang Pilipino. Ipinakita nila na ang daan tungo sa minimithing pagpapasya-sa-sarili ng Bangsamoro ay tanging nasa balangkas ng arma-dong pakikibaka ng demokratikong re-bolusyong bayan na may sosyalistang hinaharap.

Bagama’t umaabot pa lamang sa ilang daang myembro ang kasapian ng MRLO, inaasahang dadami pa ito da-hil sa matamang pagsisikap ng masang Moro na magpunyaging ipaglaban ang kanilang mga inaasam-asam at taha-kin ang tamang landas para lubusang makamit ito.

Ito ang ilang siniping pangungusap mula sa panayam noong Hunyo kay kasamang Hassan Al-banna, chair-person at kasamang Omar Mokhtar, secretary-general ng Moro Resistance and Liberation Organization.

Ano ang mga dahilan sa pagka-katatag ng MRLO?

Ang mamamayang Moro ay nan-gangailangan ng isang organisasyon na tuloy-tuloy na nagdadala ng armadong paglaban at mahigpit na nakikiisa sa iba pang masa ng sambayanang Pilipino.

Ang pagkakaisa ng mamamayang Moro ay alinsunod sa pambansa-de-mokratikong linya. Kinakailangan ito para matiyak na nasa tamang landas ang aming pakikibaka. Dapat na ma-higpit ang pagkakaisa ng Bangsamoro at ng buong sambayanang Pilipino.

Kaming mga Moro ay isang distinct na mamamayan pero bahagi rin ng sam-bayanang Pilipino. May sarili kaming panlipunang istruktura pero malinaw din na kontrolado ng imperyalistang dayuhan at mga malalaking komprador burges ang aming ekonomya. Mga malalaking panginoong maylupa na-man ang may hawak sa aming lupain at kontrolado nila ang aming pagsa-saka. Parehong mga korap na upisyal o burukrata kapitalista ang siya ring naghahari at nagpasasa sa kabang ya-man ng Bangsamoro. Kung tutuusin,

walang pinag-iba ang aming sitwasyon sa sitwasyon ng nakararaming masa sa buong Pilipinas. Ang malakolonyal at malapyudal na kaayusan ay tumatagos sa amin, sa ating lahat.

Pero mas masahol pa, nariyan din ang diskriminasyon at sobinismo ng mga Kristyano na sinasakyan, ipinatutupad at pinapalala ng mga naghaharing uri.

Kaya’t mahalaga talaga ang pagka-kaisa ng lahat ng mga inaapi at pinag-sasamantalahang Pilipino, kasama na rito ang Bangsamoro para matibay at tuloy-tuloy nating malabanan ang ating mga kaaway.

Ano ang MRLO?Ang MRLO ay isang rebolusyonary-

ong organisasyon sa hanay ng mama-mayang Moro. Habang naninindigan at nagpupunyagi ito para sa sariling pagpapasya, ang pakikipaglaban nito ay bahagi ng demokratikong rebolusy-ong bayan na inilulunsad ng masang Pilipino. Kinikilala nito ang pamumuno

at paggabay ng proletaryong Pilipino sa pamamagitan ng Partido nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas. Katulad ng iba pang kaalyadong organisasyon ng National Democratic Front, pinaninindi-gan ng MRLO ang armadong pakikiba-ka, partikular ang matagalang digmang bayan na siyang pinaka-angkop sa isang malapyudal at malakolonyal na bansa tulad ng Pilipinas.

Bakit resistance and liberation ang pangalan ng organisasyon?

Resistance dahil sa nilalabanan namin ang pambansang pang-aapi ng imperyalismong U.S. at ng punong galamay nito – ang lokal na reaksyo-naryong estado, ngayon sa katauhan ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Kami ay isang distinct na mama-mayan, isang bansa, na pinagkakaitan ng karapatan sa sariling pagpapasya. Kami ay niyuyurakan. Sa sanlibo’t isang paraan ay winawasak nila ang aming kabuhayan, dinudusta at nilala-

‘Ang Makibaka Laban sa

Pang-aapi ay Marapat at

Banal’

Mga mandirigmang MILF

Page 9: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

DISYEMBRE 2005 9PanayamPASA BILIS!

pastangan ang aming mga paniniwala at kaayusan.

Sinasabi nila, kami raw ay terorista. Kaya dapat lang daw na bombahin ang aming komunidad, ikulong ang aming mga kaanak, palikasin ang mga pamil-ya, sunugin ang aming mga tahanan at yurakan ang aming mga moske. Sa ngalan ng kanilang anti-terorismo ay mabilis at madali nilang kinakamkam ang likas na yaman ng Mindanao, Pala-wan at Sulu. Madali nilang pinagsasa-mantalahan ang Bangsamoro.

Noon pa man at maging sa ngayon, inapi at patuloy na inaapi ang mama-mayang Moro. Ang agresyon na ito ay dapat labanan. Kaya’t resistance. Hindi ito taliwas sa prinsipyo ng Islam: ang makibaka laban sa pang-aapi ay isang banal na layunin.

Bakit naman liberation? Para sa Bangsamoro ang pag-angkin ng kala-yaan ay isang makasaysayang mithiin na dala-dala namin ng kung ilang daang taon na. Sa katunayan magmula pa nang dumating ang mga Katsila, hanggang sa US, nais na naming lumaya. Kaya nga tinawag itong national liberation movement, dahil bilang isang bansa, ibig naming lumaya.

Ang liberation bang binabaggit niyo ay equated (nangangahulugan) sa secession (o paghihiwalay) na pinapanukala ng mga organisasyong Moro?

Hindi. Ang secession o paghi-hiwalay ay isang paraan lamang ng pag-angkin ng kalayaan. Dahil sa mapait na kasaysayan ng pambansang pang-aapi’t pagsasamantala, nabuhay sa kalooban ng masang Moro ang humiwalay sa Pilipinas at magbuo ng sariling estado.

Pero kung sa paghihiwalay ay d i m a b a b a g o a n g s i s t e m a n g pagsasamantala’t pang-aapi, wala ring magiging katuturan ito. Ang minimithi ng Bangsamoro ay tunay na demokrasya at karapatang magpasya sa sarili upang maituwid ang inhustisya at pagsasamantalang ginawa at ginagawa sa kanila.

Saklaw kami sa dominasyon ng imperyalismong U.S. at ng mga lokal na reaksyonaryong naghaharing uri. Kasama kami ng buong sambayanang Pilipino na nasa ilalim ng matinding kahirapan. Alam namin na hanggat nanatili ang semikolonyal at semipyu-dal na kaayusan sa ating lipunan ay wala kaming pag-asang mabuhay nang matiwasay at umunlad ang kabuhayan. Kailangang lumaya kami sa nagpapatu-loy at lumalalang mapagsamantala at mapaniil na sistema.

Sa ganitong paraan lamang lilitaw ang mga kalagayan para makamit ang pagkakapantay-pantay ng mga bansa sa balangkas ng isang estado ng Pilipinas, isang demokratikong estado ng mamamayan. Ito ang tunay na

pakahulugan ng liberation.

Ang MRLO ba ay bahagi ng Na-tional Democratic Front?

Oo, isa kami sa mga alyadong organ-isasyong nakapaloob sa NDF. Tulad ng milyun-milyong masang Pilipino na naninindigan at nakikibaka para sa pambansang demokrasya, minarapat naming pumaloob sa NDF.

Tunay na rebolusyonaryo at wasto ang programa ng NDF para sa mama-mayang Moro, mamamayang Cordil-lera at mga pambansang minorya para makamit ang matagal na nitong mga mithiin: halimbawa ang karapatang magpasya sa sarili laban sa pamban-sang pang-aapi, pagkakapantay-pantay at kapatiran para sa lahat ng mamama-yan at nasyunalidad.

Kung hindi kami papaloob sa NDF, magiging mabuway ang aming pag-iral bilang rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayang Moro. Kaya’t sa kabila ng walang-habas na pagtugis ng estado sa amin, ay patuloy kaming nagpupunyagi at magpupunyagi.

Kahit na tumindi pa ang paniniil ng rehimen sa mga rebolusyonary-ong pwersa ng NDF tulad nyo?

Mas lalong titindi ang galit ng mamamayan, mas magiging paborable ang pagpapakilos, mas maraming sa-sapi sa MRLO.

Noon pa man at maging sa ngayon, inapi at patuloy na inaapi ang mamamayang Moro. Ang agresyon na ito ay dapat labanan. Kaya’t resistance. Hindi ito taliwas sa prinsipyo ng Islam.

Page 10: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

Ano sa tingin ninyo ang layunin ng paglakas ng presensya ng US troops sa Mindanao at ng mga proyekto ng World Bank, USAID sa mga lugar ng Moro?

Kaugnay ang presensya ng US troops sa mga proyekto at programa ng WB, USAID at GEM (Growth with Equity for Mindanao). Malinaw na bahagi ang mga iyan sa disenyong pahinain, kundi man wasakin ang rebolusyonaryong lakas ng kilusan, lalu na ang pakikibaka ng Bangsam-oro. Layunin ng mga ito na maibaling sa ekonomismo ang pakikibaka ng mamamayan, sinasakyan ang ating kahirapan. Palliatives ang mga iyan. At walang ibang makikinabang dyan kundi ang mga nasa kapangyarihan.

Ano ang inyong tingin sa naga-ganap na pampulitikang krisis sa Pilipinas?

Malinaw sa tapes na dinaya ng pangkating Arroyo ang pagkakaupo nito sa Malakanyan. Ang pagtatago ni Garcillano ay admission ng guilt. Malinaw na sangkot din si Arroyo kun di man nasa likod mismo ng muling paglakas ng jueteng sa maraming lugar sa bansa. Di maitatatwa na limpak-lim-pak na jueteng money ang tinatanggap ng pamilyang Arroyo, kasabwat ang mga opisyales ng militar. Mabahong mabaho na talaga itong rehimen.

Tama at makatarungan lamang na patalsikin ang rehimeng Macapagal-Arroyo na siyang pangunahing dahilan ng matinding kahirapan ng mga mama-mayan. Ang rehimeng Arroyo ang punong papet ng US sa paglulunsad ng teroristang kampanya sa buong bansa, at sa mga lugar ng Bangsamoro.

Tungkulin ng rebolusyonaryong Moro na pahinain at ibagsak ang rehi-meng US-Macapagal Arroyo na punong tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng naghaharing sistema. Nakikiisa kami sa iba pang mga progresibong pwersa sa efforts (pakikibaka) nito na patalsikin na ang rehimeng US-Macapagal-Arroyo.

May ugnayan ba ang MRLO sa MILF? Ano ang masasabi ninyo sa peace talks nila sa GRP?

Mga kaibigan namin sila. May mga paniniwala at layunin na nagkakaisa kami. Nirerespeto namin ang kanilang pakikipagharap sa GRP sa usaping pangkapayapaan. Sana ay hindi mauwi ang kanilang peace talks sa sinapit ng MNLF na pinaglaruan lang ng reaksyo-naryong estado.

Saludo kami na hindi nila bibitiwan ang armas, na nasa kanila pa rin ang kapasyahan sa armadong paglaban sa di-makatarungang pamamalakad ng reaksyonaryong pamahalaan sa

Pilipinas. Hangad namin na wastong maipagtanggol ng MILF ang mga tagumpay na nakamit na nito sa pama-magitan ng armadong paglaban. Subalit nababahala kami sa pagpasok ng mga programa at proyekto ng World Bank, USAID, at GEM, ganoon din sa nagig-ing papel ng US Institute for Peace na nanghihimasok sa usapang pangkapay-apaan ng GRP-MILF.

Sa MNLF?May mga kaibigan din kami sa

MNLF. Maganda ang development na may mga pwersa pa ng MNLF (par-tikular doon sa Sulu) na lumalaban sa reaksyunaryong gobyerno. Handa kami na makipag-ugnayan sa kanila para magkaroon ng tulungan sa arma-dong pakikibaka.

Sana ay napanghahawakan ang mga aral sa pagharap sa papet na mga reaksyunaryong rehimen sa Pilipinas. Malinaw na walang fundamental gains na nakamit ang Bangsamoro sa Tripoli Agreement. Ang ARMM ay hindi tu-nay na awtonomong pamahalaan na nagsisilbi sa interes ng mamamayang Moro. Sa katunayan, naging gatasan lang ito ng mga burukratang Moro.

Hindi ba taliwas ang inyong pagig-ing MRLO sa inyong mga paniniwala bilang Muslim?

Hinding hindi. Hindi balakid ang pagiging Islam para maging rebolusyo-naryo. Nasa Koran ang teachings tungkol sa paglaban sa kawalang-katarungan, ang paglaban sa mga ma-pang-api. Bukas din kami sa mga hindi naniniwala sa Islam pero sumusuporta at nagtataguyod sa aming pakikibaka.

Maaari at kinakailangan ang pagtu-tulungan ng mga pwersa na may iba’t ibang paniniwala para sa kapakanan ng mamamayan.

Naipakita na sa kasaysayan ang pag-tutulungan ng mga Muslim, Kristyano at iba pang paniniwala sa mga pakiki-baka laban sa kolonyalismo, impery-alistang pananakop at iba pang tipo ng pambansang pang-aapi.

Nakita natin ang mga pagkakaisa na ito sa paglaban sa pasistang dikta-durang Marcos, paglaban sa matinding mga paglabag sa karapatang pantao, at sa pagpatalsik sa korap at pasistang rehimeng Estrada.

Sa pakikipaglaban sa rehimeng US-Macapagal Arroyo, kailangan din ang katulad na pagkakaisa ng lahat ng mga inaaping sektor, anuman ang kanilang pananampalataya — para patalsikin ang rehimeng ito at pagsikapang itayo ang isang demokratikong gobyerno na magdadala ng tunay na interes ng Bangsamoro at ng buong sambayanang Pilipino.

10 DISYEMBRE 2005 Panayam PASA BILIS!

TULOY ANG LABAN. Nanawagan ang MRLO na lalo pang paigtingin ang armadong pakikibaka laban sa mapang-aping uri. “Hindi balakid ang pagiging Islam para maging rebolusyonaryo. Nasa Koran ang teachings tungkol sa paglaban sa kawalang-katarungan, ang paglaban sa mga mapang-api. Bukas din kami sa mga hindi naniniwala sa Islam pero sumusuporta at nagtataguyod sa aming pakikibaka.”

Page 11: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

DISYEMBRE 2005 11BalitaPASA BILIS!

Maranao, Yakan, Iranun, Kalagan, Sangil, Samal, Pullun/Jamma Mapun, Kalibugan, Badjao, Molbuganon, at Palawani.

Sa naganap na Kongreso, kinondena ng MRLO ang mga di-makatarungan at mapanlinlang na mga kasunduan gaya ng Kiram-Bates Treaty sa panahon ng okupasyon ng Estados Unidos at ang 1976 GRP-MNLF Tripoli Agreement sa panahon ng diktadurang US-Marcos sa Bangsamoro. Hindi rin makakalimu-tan ang mga pangyayaring karahasan gaya ng masaker sa Bud Daho sa Jolo sa panahon ng okupasyon ng Estados Unidos, ang Jabidah at Buldon Masa-ker sa panahon ng rehimeng Marcos, at ang paninira at panununog ng pasistang rehimeng US-Estrada sa mga komuni-dad ng mga Moro at sa mga moske.

Ayon sa mga lider ng MRLO, nagpapatuloy ang diskriminasyon at karahasan sa Bangsamoro: ang kasa-lukuyang all-out war na inilulunsad ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo laban sa Bangsamoro ay nagpapakita lamang ng di-makatarungang pagtingin ng mga naghaharing uri sa bansa laban sa Bangsamoro.

Nakasaad din sa kanilang manipesto na hindi nirerespeto ng rehimen ang kultura at tradisyon ng mga Pilipinong Muslim — na pinaparatangan ding mga terorista — na mismong mga biktima ng terorismo na gawa ng estado.

“Ginagamit ng imperyalistang Esta-dos Unidos ang gera laban sa terorismo para lalong palakasin ang presensya ng tropang-militar dito sa Mindanao, lalo na sa lugar ng mga Moro, at para lalong pagtibayin ang neo-kolonyal na kontrol nito sa Pilipinas, at sa ibang bansa sa Southeast Aisa,” dagdag nila.

Para mas maisulong pa ang pakikip-aglaban ng masang Moro, ayon sa mga lider ng MRLO ay gagamitin din nila ang mga pamamaraang gaya ng ligal at extra-ligal, hayag at di-hayag na mga kilusan at inisyatiba para maabot ang kanilang mga makatarungang mithiin.

Nagkakaisa ang organisasyon na tanging sa pamamagitan lamang ng rebolusyonaryong pakikipaglaban maaabot nila ang kanilang mithiin. Ipinapakita sa kasaysayan, ayon sa mga lider ng MRLO, na sa ganitong paraan lamang madedepensahan ang ating teritoryo, makamtan ang res-peto ng ibang mamamayan, at mag-ing matagumpay sa pagtatatag ng demokratikong gobyerno ng bayan na sasaklaw sa Pulang kapangyarihang pampolitika.

“Ngayon na ang panahon ng paki-kipaglaban,” panapos ng MRLO.

REBOLUSYON, SAGOT SA MGA ADHIKAIN NG BANGSAMORO

Mula sa P. 1

MGA TAKTIKAL NA OPENSIBA LABAN SA PASISTANG MILITAR NG ESTADO SA MINDANAO. Sa loob lamang ng limang linggo noong Setyembre 20 hanggang Oktubre, 41 koor-dinadong taktikal na opensiba ang nailunsad ng mga Pulang Hukbo laban sa pasistang militar dito sa Mindanao. Nakakuha ng 28 sari-saring mga armas, mga kagamitang militar at iba pa mula sa pasistang kaaway. 28 na kaaway ang patay at 31 ang sugatan sa nasabing mga taktikal na opensiba samantalang dalawang kasama ang namartir at pito ang sugatan. Isang Cafgu ang nahuli sa kasagsagan ng opensiba at agad-agad namang nirilis.

Ang mga taktikal na opensiba ay naglalayong mas pahinain at parusahan ang mga pasistang armadong pwersa ng estado, at bi-lang suporta sa panawagan ng mamamayan para sa pagpapatalsik sa korap, papet at teroristang rehimeng Macapagal-Arroyo.

PROTESTA LABAN SA WTO. Malawak na protesta ang inilunsad ng mga mamamayan galing sa iba’t-ibang bansa nitong Disyem-bre sa Hongkong laban sa di makatarungang palisiya at mga kasunduan sa naganap na pagpupulong ng World Trade Organization. Ang nasabing pagtitipon ay nakapokus kung papaano pa makakakamkam ng mas malalaking ganansya ang dambuhalang imperyalistang Estados Unidos mula sa mga nakararaming naghihikahos na bansa tulad ng Pilipinas.

DALAGA, NI-REYP NG ANIM NA TRO-PANG MILITAR NG US. Noong Nobyembre 1, ni-reyp ng anim na myembro ng tropang-militar ng US ang isang Pilipinang babae sa Subic. Ang krimeng ito ay isang paglapas-tangan sa karapatang pantao ng biktima, isang insulto sa dignidad ng ating bansa, at pagyurak sa pambansang soberenya ng bansa, ayon pa sa National Democratic Front of the Philippines.

Ang mga pinanumpaang testimonya ng mga nakasaksi at mismo ng biktima at ang mga report ng nauna nang mga imbestigasyon ay sapat na para masampahan ng kaso, maku-long at ma-prosekyut ang mga akusado. Ani NDFP: Hindi sila dapat hayaang matakasan ang krimeng nagawa, gaya ng mga nangyari sa nakaraang mga krimeng gawa ng tropang militar sa US dito sa bansa.

Ang mga pundamental na karapatan ng mamayan sa pambansang soberenya, ani NDFP, ay walang pakundangang isinurender ng rehimeng Arroyo sa im-peryalismong US. Ang rehimeng ito ay parang tutang tinanggap at sinuportahan ang patuloy na presensiya ng tropang

Amerikano sa bansa bilang bahagi ng walang katapusang serye ng tinatawag nilang joint military exercises. Lahat ng ito ay ginagawa at pinapalala sa ilalim ng “war on terror” ni US President Bush.

Ayon sa NDFP, ang mamamayang Pilipino ay pinaglalaban ang respeto para sa ating pambansang soberenya at pambansang dignidad. Ipinaglalaban din nito ang hustisya para sa biktima ng gang reyp na ginawa ng mga tropang US militar na lumapastangan sa mga kababaihan, yumurak sa ating dignidad, at aroganteng pinangangalandakan ang mga di makata-rungang Mutual Defense Pact, Visiting Forces Agreement, at ang Mutual Logistics Support Agreement na siyang nagtatakip ng kanilang mga kasalanan.

TERORISMO NG REHIMENG ARROYO. Ang paglikas ng daan-daang residente sa Surigao del Sur noong Marso ay isa sa mga epekto ng walang habas na operasyong mili-tar sa kabundukan at isa sa mga naitalang terorismo na gawa ng rehimeng Arroyo sa taong ito. Sa buong isla ng Mindanao na siya ring sumasalamin sa nangyayari sa buong bansa, kasama ang mga nasa siyudad, ape-ktado ang libo-libong sibilyan sa patuloy na terorismo ng estado at sa walang awa nitong pagyurak sa karapatang pantao.

Kidnap at tortyur, pagsalbids, reyp, pa-

momomba, paglalagay sa mga sibilyan sa peligro dala ng pagkampo ng mga pasista sa kanilang mga komunidad, pwersadong pangrerekluta ng mga sibilyan para maging Cafgu, panunulsol at paggamit ng mga sibi-lyang lumad para sa proxy war ng militar. Sa Sulu at sa iba pang erya ng Moro, ginagamit ng AFP at ng tropang militar ng US ang Je-maah Islamiyah at Abu Sayyaf para mapag-takpan ang pag-atake nito sa mga Moro at sa MNLF. Iilan lamang ito sa mahabang listahang naitala ng NDF Mindanao hinggil sa terorismo ng estado sa taong ito.

* Caraga, 3,300 kaso ang naitala, ape-ktado ang 19,200 pamilya (190,000 tao)

* Southern Mindanao, 670 kaso ang naitala, apektado 20,800 tao

* Far Southern Mindanao, 210 kaso ang naitala, apektado 2,100 pamilya (3,600 tao)

* Western Mindanao, 67 kaso ang naitala, apektado ang 136 tao (parsyal na report)

Sa nasabing report, hindi pa kasali ang mga lugar ng Maguindanao, Lanao del Sur at iba pang lugar ng Moro. Nitong Nobyem-bre lang, may naitalang 9,495 katao ang apektado ng operasyong militar sa Sulu.

Page 12: DISYEMBRE 2005 ANG PANGMASANG PAHAYAGAN · PDF fileoorganisa sa hanay ng masang Moro, ... laban sa patuloy na pananakop ng Estados Unidos sa bansa. ... Ito ang unang digmaan sa pagitan

Bagong Hukbong Bayan:Hukbo ng Masa, Hukbo ng Sambayanan

Bagong Hukbong Bayan:Hukbo ng Masa, Hukbo ng Sambayanan