Pananakop Ng Spain
-
Upload
redden-morillo-sacdalan -
Category
Documents
-
view
528 -
download
3
Transcript of Pananakop Ng Spain
Si Raha Sulayman ay isangMuslim nadatu, na namuno kasama ni Raha Matanda atLakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyonng mga TagalogsaTim o g n g Ilog Pasigsa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon. Magiliw niyang pinapasok ang mgaKastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mgapampalasa at
mgababae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng
mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang
kanyanglungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng
isangkudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.
IV. Felipinas~Pilipinas
Taong 1543 dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa
ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring Espanya, si Haring Felipe II. Dumating
naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Siya ang unang nagtayo ng unang
pamayanan Kastila sa Cebu. Nagsimulang kumalat ang ia pang pamayanang Kastila sa
Visaya at Luzon.
V. Labanansa Mactan
Nais mamahala ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi siya ng buwis kay
Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hndi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway
niya at ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 ang labanan ay nag-umpisa sa pagsunog ng may
30 bahay ng katutubo na lalong ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng isang palasong may lason
si Magellan na ikinalugmok nito. Pinagtulung-tuloungan ng mga mandirigma ni Lapulapu si
Magellan. May sumibat at tumaga sa kanya hanggang siya ay mamatay. Dali-daling tumakas
ang iba pang Kastila. Kasamang namatay ni Magellan ang walo pang Kastila at apat na katutubo. Ang labanan sa Mactan ay an unang matagumpay na pagtataboy sa dayuhang mananakop. VI. Kolonisasyon ng Cebu, Panay at Maynila
Dumaong ang elspedisyon nina Legaspi sa pulong kung tawagin ay Sugbu,
ngayon ay Cebu, noong Abril 27, 1565. Hindi sila tinanggap ng mga katutubo noong una
kaya kinanyon ng mga Kastila ang mga katutubo. Sa takot ay nagsitakbuhan ang mga ito sa
mga bundok. Matapos matiyak na wala ng hadlang, lumunsad ang mga Kastila. Dito nagtatag
ng unang panahanang Kastila si Legaspi na tinawag niyang Villa De San Miguel na pinalitan
din ng Santisimo Nombre De Jesus.
Mula sa Cebu ay pumunta si Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit na ligtas
ang Panay sa pananalakay ng mga Portuges. Higit ding sagana ang lugar na ito sa pagkain.
Mula rito ay inutusan niya si Martin De Goite na maghanap ng iba pang lugar. Pinabalik din ni
Legaspi ang isang barko sa Mexico na nagdaan sa isang bagong rotang natuklasan nila ni
Fray Andres De Urdaneta. Tinawag na rin ni Legaspi na Pilipinas ang kapuluan.
Natagpuan ni De Goiti ang Maynila. Tinanggap naman siya ni Rajah Sulayman,
ang puno ng katutubo sa isang pamayanan sa Maynila ngunit hindi nagtagal ang pagiging
magkaibigan nila. Naghinala si Sulayman sa tunay na motibo ng mga Kastila kaya nagkaroon
din ng mga paglaban. Sinunog ni De Goiti sa tulong ng mga Bisaya ang pamayanan sa
Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni Legaspi na ligtas
ang gagawin nilang pagdaong dahil sa nangyari kila De Goiti at Sulayman. Inihayag ni
Legaspi na ginawaran na ang titulong Adelentado ang Maynila bilang capital ng Pilipinas
noong Hunyo 24, 1571. Sumunod din ang pagpapadala ni Legaspi ng mga ekspedisyon
upang ipagpatuloy ang pananakop sa iba pang pulo gaya ng Ilokos, Pangasinan, Mindoro at
iba pa. Siya ang naging unang Gobernador Heneral ng kapuluan. Aging madali ang
kolonisasyon sa tulong ng mga misyonero ngunit hindi nagtagumpay ang mga kolonisador sa
Mindanao at Sulu. Sa kolonisasyon ng mga pulo, nanguna ang apo ni legaspi na si Juan De
Salcedo. Siya ang namahala sa mga ekspidisyon sa hilagang kanlurang Luzon hanggang sa
silangang bahagi ng Quezon. Nang mamatay noong Agosto 1572 si Legaspi, ipinagpatuloy
ng sumunod na Gobernador Heneral si Guido De Lavenzares ang pananakop sa iba pang
mga pulo.
VII. Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga Kastila 1. Ang Kabuhayan a) Agrikultura- napilitan ang mga katutubo na magtanim nang labis upang makabayad sila ng tributo b) Industriya- tinuruan ang mga tao na mag imprenta ng mga aklat, pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa ng kandila, alak at asukal.
c) Pagbabangko- itinatag ang kaunaunahang bangkong Pilipino na pag-aari ni
Francisco Rodriguez. Itinatag naman ang kaunaunahang bangko ng pamahalaang Insular,
ang Banko Español- Filipino.
d) Komunikasyon at Transportasyon- nagkaroon ng telegrapo noong 1873 at telepono noong 1890. Ang kaunaunahang
pahayagan ay ang Del Superior. Ang iba pang pahayagan ay La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo De Manila.
Si Fernão de Magalhães (pinakamalapit na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/) (1480–Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila,Ferdinand Magellan[2] sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa
Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran
patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at
ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig.
Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga
tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang
pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas dahil sa
hidwaan ng mga katutubo.[2]
Kapanganakan at kabataan[baguhin ]
Ipinanganak si Magellan sa Sabrosa (malapit sa Vila Real, sa lalawigan ng Trás-
dos-Montes sa hilagang Portugal) o sa Porto. Anak ng alkalde ng bayan, si
Pedro Rui de Magalhães, at ni Alda de Mesquita, mayroon siyang dalawang
kapatid: sina Diogo de Sousa, ipinangalan mula sa kanilang lola, at si Isabel.
Pumanaw ang mga magulang ni Magellan nang siya ay sampung taong gulangpa lamang. Sa edad na 12, naging pahe opage siya kay Haring João II at ReynaEleonora sa kanilang kaharian sa kabisera ng Lisboa, kung saan naroon din angkanyang kuya. doon din nya nakita si ENRIQUE ang taga-sumatra na gagamitinnyang interpreter sa balak nyang pagtuklas sa Maluku (moluccas, spice
island).Kasama ang pinsang si Francisco Serrano, ipinagpatuloy ni Magellan angpag-aaral at nakahiligan ang heograpiya at astronomiya. Tinataya ng ilan namaaaring naging guro niya si Martin Behaim. Noong 1496, naging eskudero o
squire si Magellan.
Sa edad na 20, nagsimulang maglayag si Magellan. Noong 1505 ay inatasan
siyang magtungo sa Indiya upang hirangin si Francisco de Almeida bilang birrey
oviceroy at magtatag ng mga base militar at pangdagat doon. Dito siya unang
napasabak sa isang labanan: nang ang isang lokal na hari roon ay tumangging
magbayad ng tributo, lumaban sina Almeida at tuluyang nasakop ang Muslim na
lunsod ng Kilwa sa lupaing ngayon ay Tanzania.
Kamatayan[baguhin ]
Nakarating si Magellan sa isla ng Homonhon sa Pilipinas noong 16 Marso 1521,
kasama ang 150 tauhan. Nakipagpalitan sila ng handog kay Rajah Siaiu ng
Mazaua, na naghatid sa kanila sa Cebu noong 7 Abril.
Nakipagkaibigan sina Magellan kina Rajah Humabon ng Cebu at kanyang
asawang si Juana, at biniyagan silang Kristiyano. Pagkatapos, ay hiniling nina
Rajah Humabon at kanyang kaibigan si Datu Zula na patayin ang kanilang
kaaway na si Datu Lapu-Lapu ng Mactan. Ninais sana ni Magellan na
mabinyagan ding Kristiyano si Lapu-Lapu, tulad ng kay Rajah Humabon, subalit
hindi pumayag si Lapu-Lapu. Naglayag si Magellan kasama ang kanyang mga
tauhan papuntang Mactan noong umaga ng 27 Abril 1521. Sa Laban ng Mactan,
tinamaan si Magellan ng panang may lason at tuluyan nang napalibutan ng mga
tauhan ni Lapu-lapu. Mula kina Antonio Pigafetta at Gines de Mafra ang naiwang
mga salaysay ng pagkamatay ni Magellan.[3]