ARALING PANLIPUNAN Yunit II Aralin 14 Pagsulong at Pag unlad ng Kultura

Post on 23-Jan-2018

2.128 views 21 download

Transcript of ARALING PANLIPUNAN Yunit II Aralin 14 Pagsulong at Pag unlad ng Kultura

EDITHA T. HONRADEZPASOLO ELEMENTARY SCHOOL

PASOLO VALENZUELA CITY

Balik-aral:

Paano ka makatutulongpara mapangalagaan angibat-ibang pamanangpook sa ating bansa?

Awitin:

Ano angnararamdaman mo

habang inaawitang kanta ni Lea?

Nais mo bang maging katulad

niya? Bakit?

Maraming Pilipino sa iba’t ibang panahonang tumulong sapangangalaga at pagpapaunlad ng ating kultura.

Natatangi angkanilang kontribusyonsa kani-kanilanglarangan.

Tara kilalaninnatin sila.

Jose P. Rizal

Isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli

Me Tangere at El Filibusterismo, mga nobelang tumutuligsa sa pagmama-labis ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Marcelo H.Del Pilar

Kilala bilang ang"Dakilang Propagandista",

ay isang ilustrado noongpanahon ng Espanyol. Ang

kanyang pangalan sadyaryoay Plaridel.

Pinalitan niya si GracianoLópez Jaena bilang

patnugotng La Solidaridad.

Isa ring tanyag namanunulat si Graciano Lopez Jaena na naging patnugot ng La Solidaridad, angopisyal na pahayaganng mga repormista at propagandista noongpanahon ng Espanyol.

Kilala rin salarangan ng balagtasan siFrancisco “Balagtas” Baltazar. Sumulat siya ng maraming tula at tinanghal siyang “Prinsipeng Makatang Tagalog.” Ang kaniyang Florante at Laura ay itinuturingnaisang obra maestra.

Tinaguriang “Ama ng BalarilangPilipino” si Lope K. Santos

Si Amado V. Hernandez naman ang tinaguriang

“Ama ng DulangManggagawang

Pilipino.”Ang kaniyangmga akda ay

patungkolsa kalagayan ng mga manggagawa.

Severino Reyes

Tinagurian namang“Ama ng SarsuwelangTagalog” si Severino Reyes dahil sa taglay niyangkahusayan sa pagsulat ngmga dula at kuwentongpambata. Ginamit niyaang sagisag na Lola Basyang sa kaniyang mgapanulat.

Isa sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng pagpinta si Juan Luna.Nagwagi sa ibang bansa angkaniyang obra maestra na Spoliarium. Inilarawan dito ang madugong labananng mga gladiators sa Roma. Pinatunayanni J.Luna sa buong mundo ang husay ngmga Pilipino sa larangan ng pagpinta.Siya rin ang nagpinta ng “Sanduguan” o Blood Compact.

Tinaguriang pinaka-mahusay na pintor sa loob ng tatlong siglo si Damian Domingo. Kauna-unahansiyang Pilipinong pintor nanagpaka dalubhasa sa sekularna pagpipinta. Sa paggawa ng kaniyang kanbas, isinabuhayniya ang mga di-relihiyosongtema.

Nakilala naman si Carlos “Botong” Francisco sa kaniyang estilo sa pagpinta o pagguhit ng mga larawan sapader. Matatagpuan angkaniyang mural paintings saManila City Hall, Philippine General Hospital, at sa Far EasternUniversity

Si Fernando Amorsolo ang

pinaka dakilang pintor sa lahat ng panahon.Ginawaran siya ng parangal ng National Commission on Culture and Arts bilang National Artist of the Philippines. Naging tanyag angkaniyang pinta ng mga tanawin.

Nakilala si Guillermo Tolentino noong panahon ng mgaAmerikano. Ginawa niya angmonumento ni Andres Bonifaciosa Caloocan at ang Oblation saUnibersidad ng Pilipinas.Siya rin ang gumawa ng bantayog nina Padre Jose Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano Gomez; at mgaPangulong Quezon, Magsaysay,

Laurel, Osmeña, at Roxas.

Monumento ni Andres Bonifaciosa Caloocan

Oblation sa Unibersidad ngPilipinas

Si Eduardo Castrillonaman ay isangmakabagong eskultorna lumililok sa metal. Ginawa niya angmalaking estatwa niKristo kasama angkaniyang mga apostolsa Huling Hapunansa Loyola Memorial Park sa Lungsod ng Marikina.

Mga eskulturang nililok niEduardo Castillo

Napoleon Abuevanaman ang lumilokng malahigantenganyo ng Christ’s Transfiguration sa Eternal Gardens na isang libingan.

Transfiguration, 1979 at Eternal GardensMemorial Park

Napoleon Abueva –Nine Muses of the Arts

Itinuring na PambansangAlagad ng Sining o National Artist sa larangan ng arkitektura si Leandro Locsin. Ang mga kahanga-hangangnagawa niya na lubos nanagpamalasng kaniyang galingat talino ay ang Cultural Center of the Philippines, Philippine Plaza, Catholic Chapel saUnibersidad ng Pilipinas, at angpalasyo ng Sultan ng Brunei Darussalam.

(Tanghalang Pambansa) Cultural Center of the

Philippines, dinesenyo niLeandro Locsin

Palasyo ng Sultan ngBrunei Darussalam.

Si Juan Nakpil angnagpanumbalik sa dating anyo ng bahay ni Jose Rizal.

Nakilala bilang ‘Ama ng Sonata” si Nicanor Abelardo. Isa siyangmanunulat ng mga awitinsa pelikula at entablado.“Cinderella Overture,” “Nasaan ka, Irog,” at “Mutya ng Pasig,” angmga naging bantog

niyang kundiman.

Kilala rin at tinaguriangAsia’s Queen of Songs siPilita Corrales. Kilala rinsa buong daigdig si Cecile Licad sa kaniyang galingsa pagtugtog ng piyano. Nakamit niya angLeventritt Award, isangpandaigdig na pagkilalasa larangang ito.

Kilala rin sa buongdaigdig si Cecile Licad sakanyang galling sa pagtugtogng piyano. Nakamit niya angLeventritt Award, isangpandaigdig na pagkilala salarangang ito

Nanguna sa laranganng sayaw si Francisca Reyes Aquino. Matiyagasiyang nagsaliksik at nag-aral tungkol sa mgakatutubong sayaw ng mga pangkat etnikogayundin ng kanilangmga katutubongkasuotan.

Kinilala rin sa iba’tibang panig ng mundoang kahusayan at kagalingan ni Lisa Macuja-Elizalde bilangprima ballerina. Sinikap niyang ibahagisa mga kapuwaPilipino ang kaniyangkaalaman sa pagsayaw

ng ballet.

Si Atang dela Rama ay kilala sa pag-arte sa

larangan ng entablado,

LambertoAvellana naman ay sapagdirehe ng mga palabas napang-entablado di lamang sabansa kundi maging sa ibang

panig ng mundo.

Ipinagmamalaki namanhanggang sa kasalu-kuyan ang kagalingan sapagganap bilang “Kim” ng Miss Saigon si Lea Salonga. Tinanggap din niya ang mga pagkilalamula saLaurence Olivier Awards sa United Kingdom at Tony Awards na ginanapnaman sa Broadway saNew York.

Gloria Diaz na itinanghal bilang Ms. Universe noong

1969

Margie Moran-Floirendo na itinanghal bilang Ms. Universe noong 1974

Ms. International 1964 Gemma Cruz-Araneta

Gloria Diaz

Ms.International 1979Melanie Marquez

Ms International 2005Precious Lara Quigaman

Ms.International 1970Aurora Pijuan

Megan Lynne YoungMs.World 2013

Pia Alonzo WurtzbachMiss Universe 2015

Sa larangan ng palakasan, nariyan sina Lydia de Vega-Mercado at Elma Muros Posadas sa pagtakbo;

Palakasan

Eric Buhain at Akiko Thompson sa paglangoy

Efren “Bata” Reyes sa bilyar

Nepomuceno sabowling

Eugene Torre sa chess

Emmanuel "Manny" Pacquiaotinaguriang "Fighter of the

Decade"

Jennifer Rosales at Dorothy Delasin sa golf

Dr. Pedro Lantin ayisang espesyalista sa

tipus

Si Dr. Eliodoro Mercado aynakilala sa larangan ngpanggagamot ng ketong

Si Dr. Eduardo Quisumbing ay nag-aral ng iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak at kaniyang natuklasanang halamang gamot na mabuti para sa kanser.

Dr. Miguel Cañizares salarangan ng panggagamot

sa tuberculosis.

Nais mong paunlarin ang iyongkasanayan sa pagguhit at paglilok. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin para lubusan itong mapaunlad?

Sagutin ang mga sumusunod

May kagalingan ka sa pag-awit o pagsayaw, ngunit hindi ito naaayon saiyong hilig. Ano ang isasagawa mong planoukol dito?

Ano-ano ang dapat gawin upang lubusang mahubog at makilalaang iyong talento o kasanayan?

Nasa museo ka at napahanga ka sa mga pinta ng iyong hinaha-ngaang si Juan Luna. Sa paanong paraan mo ito lalong maipagmamalakisa iyong mga kaibigan?

Gawain B:

Sa paanong paraan ka makatutulong sa pagsusulong at

pagpapaunlad ng atingkultura? Sumulat ng

sanaysay tungkol dito. Gawin sa malinis na papel.

Gawain C:Kopyahin at tapusin angpangungusap.

Magiging tagapagsulongat tagapag-unlad ako ng atingkultura sa pamamagitan ng _______________________________.

Tandaan:

Ang kultura ay nagpapakilala sa kakanyahan at kakayahan ng mgaPilipino.

May mga natatanging Pilipino nanagpakita ngpagmamahal sa bayansa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kulturang Pilipino

Natutuhan Ko:Kopyahin ang tsart sa papel. Punan ng mganatatanging Pilipino na tumulong sapagpapaunlad ng ating kultura.

Pag-awit pagsayaw

palakasan pagandahan

pagpinta arkitektura

paglilok tanghalan/pelikula

panitikan Agham at teknolohiya

Takdang Aralin:Kapanayamin ang

lolo at lola. Itanongang mga katangiangtaglay ng isangPilipino.

https://www.youtube.com/watch?v=V8VUXZSJf5k&list=RDV8VUXZSJf5k

References:

https://www.google.com.ph/