Post on 28-Oct-2014
ANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON: SILANGAN AT HILAGANG ASYA
ANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON: SILANGAN AT HILAGANG ASYA
SILANGANG ASYA- binubuo ng 3 sentro ng kalinangan o kultura—China, Korea, Japan
CHINA- tahanan ng pinakaunang kabihasnan—ang Shang sa Huang Ho.
JAPAN at KOREA- humiram ng kultura subalit iniangkop sa kanilang kapaligiran at sariling kultura
CHINA Pagpapalit ng naghaharing pamilya o dinastiya
mula Shang hanggang Qing-bahagi ng kasaysayan ng China
MANDATE OF HEAVEN-paliwanag sa pagpapalit-palit ng mga dinastiya
ALALAHANIN ANG TALAKAYAN TUNGKOL DITO ALALAHANIN DIN ANG TALAKAYAN TUNGKOL SA
KABIHASNANG SHANG ZHOU O CHOU (1122 B.C.E-221 B.C.E) Dinastiyang Zhou- naipasa ang “Basbas ng Langit” at ang
titulo ng “Anak ng Langit” sa hari nito nang tinalo ng Zhou ang huling hari ng Shang
Nagpatuloy ang pag-unlad ng China sa ilalim nito Naimbento ang bakal na araro Itinayo ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng
Huang Ho Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan Nagsimulang lumaki ang populasyon PAKIKIDIGMA- naimbento ang sandatang crossbow at
bumuo ng hukbong nakakabayo at gumagamit ng chariot
KAHINAAN: MALAWAK ANG TERITORYO- mahirap pamahalaan
—humina ang control nang lumaon Nauwi sa panahon ng mga digmaan ng mga
estado (warring states) Lumitaw ang mga pilosopiyang CONFUCIANISM
at TAOISM
CONFUCIANISM Pinasimulan ni Kongzi o Confucius Naghain ng solusyon sa kaguluhan Itinuro ang paraan ng tamang asal,
tamang relasyon ng bawat isa at mabuting pamahalaan
TAOISM Pinasimulan ni Laozi (Lao Tzu) Para sa kanya, ang kaayusan ay
makakamit kung susundin ang daloy ng kalikasan
QIN o CH’IN
Isa sa mga nagdirigmang estado Nagapi ang mga kalabang estado sa ilalim ng
pamumuno ni Zheng 221 B.C.E- napabagsak ang Zhou at iba pang estado at
idineklara ang sarili bilang Shi Huangdi o Shih Huang Ti- ibig sabihin ay “UNANG EMPERADOR”
Naganap ang KONSOLIDASYON NG CHINA Nagpatupad si SHI HUANGDI ng mga patakaran tungo
sa higit na sentralisasyon ng kapangyarihan ng emperador
Nawala ang mga estadong-lungsod ng Zhou-napalitan ng malakas at sentralisadong pamahalaan
Piniling tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism
LEGALISM- kailangan ang malulupit na batas at mabibigat na parusa para maabot ang kaayusan
LI SI (Li Ssu)- naging pinunong ministro ni Shih Huangdi Para sa kanya, makasasama sa China ang maraming
libro at ideya na tumutuligsa sa Qin Iminungkahi na ipag-utos ang pagkontrol sa mga iskolar
—ilang daang iskolar ang hinuli at pinatay—sinamsam ang maraming libro at sinunog ang mga ito—itinira lamang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika
Nagpatupad ng iisang sistema ng pananalapi para sa buong imperyo
Nagpatayo ng mga kalsada sa buong teritoryo Iniutos ni Shi Huangdi ang pagpapatayo ng GREAT WALL
OF CHINA- bilang proteksyon laban sa pag-atake ng mga
mandirigmang nomadiko mula sa Hilagang Asya
Para sa mga Tsino, ang mga taga-Hilagang Asya ay BARBARO
300,000 magsasaka ang nagsilbi para itayo ang 1,400 milya (2,254 kilometro) na Great Wall of China
Libu-libo ang namatay sa mga gumawa nito Malupit ang panahon ng paghahari ni Shi
Huangdi sa kabila ng positibong programa Pagkamatay niya, bumagsak din ang dinastiya
HAN (206 B.C.E.-220 C.E)
Kinilala bilang isa sa apat na dakilang dinastiya sa China
Itinatag ni Liu Bang—pinalitan ang mararahas na patakaran ng Qin
Binawasan ang malaking buwis, tinanggal ang malulupit na batas na Legalist; pinairal ang mga aral ng Confucianism—naging opisyal na pilosopiya ng estado
Panahon ni WU DI o WU TI- natamo ang rurok ng tagumpay ng Han
Pinalawak ang teritoryo sa pamamagitan ng pagsalakay sa iba pang teritoryo tulad ng Manchuria, Korea, hilagang India at bahagi ng Timog Silangang Asya.
Pinalakas ang paglikom ng buwis at kapangyarihan ng imperyo.
Napatanyag ang SILK ROAD—kalakalan na nagdadala ng mga produktong Tsino tulad ng seda at porselana sa malalayong lugar sa Kanluran
Ang mga opisyal ay pinipili mula sa mga iskolar na Confucian
Nagkaroon ng regular na civil service examination upang pumili ng dapat manguna
Maraming pagsulong sa teknolohiya, medisina, sining at pagsusulat ng kasaysayan
Naimbento ang papel, porselana at water-powered mill
Nabuhay sa panahong ito si SIMAQIEN—kinikilalang Dakilang Historyador ng China
SUI Nang bumagsak ang Han, nagkaroon ng mabilis na
pagpapalit ng dinastiya at maraming digmaan Nakapasok sa China ang mga nomadikong mandirigma Watak-watak ang China nang may 400 taon Umabot ang Buddhism sa China Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng SUI-itinatag ni
YANG JIAN Inayos ang Great Wall of China na napabayaan ng
mahabang panahon Itinayo ang Grand Canal na nagdugtong sa Huang Ho at
Yangtze River Inayos ang dating capital ng Han, ang CHANG AN Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit
silangmga manggagawa sa mga proyekto ng Sui
T’ANG (618-907 C.E)
Nagkaroon ng mga pag-aalsa LI YUAN- isa sa mga pinuno ng mga pag-aalsa-itinatag
ang dinastiyang T’ang Tinawag siyang Emperador Tai Cong Pangalawa sa dakilang dinastiya ang T’ang Nanumbalik ang kasiglahan at kasaganaan ng lipunan
at kulturang Tsino Bumalik ang matatag at mahusay na pamamahala sa
tulong ng mga iskolar na Confucian Sumigla ang agrikultura dahil sa bagong uri ng palay at
bagong paraan ng pagtatanimSumigla ang kalakalan dahil sa mga bagong kalsada na naging daan para sa lalo pang masiglang palitan ng produkto at ideya
Lubos na kumalat ang Buddhism Naimbento ang woodblock printing na
nagpabilis sa paggawa ng kopya ng anumang sulatin.
SONG o SUNG (960-1278 C.E)
Nagkawatak-watak ang China nang bumagsak ang T’ang
Naitatag ang dinastiyang T’ang Ikatlo sa mga dakilang dinastiya sa China Nagpatuloy ang kasaganaan Itinatag ng isang heneral na si ZHAO KUANGYIN Nagpatuloy ang hamon ng pagsasalakay ng mga
pangkat-etniko sa Hilagang Asya tulad ng Khitan, Xixia, Mongol at Jurchen
Bagamat nasakop, nagpatuloy ang pamumulaklak ng sining at panitikan
KALIKASAN-naging tema ng panitikan—ang paglipas ng panahon at ng buhay ng tao—gayundin ng mga pinturang landscape at iskultura
Lalo pang umunlad ang arkitektura at paggawa ng porselana
Naimbento ang gunpowder Nagsimula ang tradisyon ng footbinding—binabalot nang
mahigpit sa bendang bulak o seda ang paa mula sa daliri hanggang sa sakong upang pigilan ang paglaki nito
Isa sa malaking kontribusyon—paglitaw ng NEO_CONFUCIANISM na binuo ni ZHUXI (CHU HSI)-isang dakilang iskolar na Confucian
TRADISYUNAL NA LIPUNANG TSINO: *EMPERADOR AT PAMILYA
*May-ari ng lupa o gentry, magsasaka, artisano at *mangangalakal
Karaniwang mula sa uri ng may-ari ng lupa ang mga iskolar ng Confucian
Pinakamababa ang tingin sa mangangalakal sapagkat ayon sa Confucianism, ang kanilang kayamanan ay mula sa pawis ng ibang tao
YUAN (1278-1368) Nasakop ng Mongol ang Hangzhou, capital ng Song Itinatag ni KUBLAI KHAN noong 1267 ang lungsod ng DAIDU
(Beijing) sa hilagang China Naging capital ng dinastiyang Yuan-ANG UNANG DINASTIYANG
BANYAGA SA CHINA KUBLAI KHAN-apo ni GENGHIS KHAN Magaling na mandirigma ang mga Mongol Taglay nila ang kasanayan sa pagsalakay sa kabayo, mahusay
na taktika ng pakikipaglaban, disiplina at katapatan sa pinuno Ang mga katangiang ito ay ay nahubog ng pamumuhay sa
steppe Pinairal ang Confucianism bilang pilosopiya ng pamahalaan
at ang iba pang tradisyong Tsino para sa nakararaming Tsino Sila naman ay nanatili sa sariling kultura Mga Dokumento- nakasulat pareho sa wikang Mongolian at
Tsino
YUAN- bahagi ng mas malawak na imperyong Mongol na sumasaklaw sa Hilagang Asya hanggang Kanlurang Asya
Nagkaroon ng maraming manlalakbay na banyaga tulad ni Marco Polo
Kaayusan ay nakatulong sa pagsulong ng kalakalan Naging ligtas ang paglalakbay sa kahabaan ng mga ruta
ng kalakalan tulad ng Silk Road Ipinapasa sa rutang ito ang kaalaman at produkto sa
pamamagitan ng mga mangangalakal
MING (1368-1644 C.E)
Kublai Khan- pinalitan ng mahihinang emperador Dumami ang pag-aalsa ng mga Tsino laban sa Mongol ZHU YUANZHANG- isa sa mga rebelde Unti-unting lumakas ang kanyang hukbo na nakabase sa
Nanjing 1368- tuluyang napabagsak ang Mongol sa Daidu Itinatag ang dinastiyang Ming Ikaapat na dakilang dinastiya ng China Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala ng sariling
bansa Ipinaayos muli ang Great Wall of China Ibinalik ang sistema ng Civil Service Examination at
burukrasyang Tsino Pinalawak ang kalakalang pandagat
Nagkaroon ng ekspedisyong sa ibayong-dagat sa pamumuno ni Admiral ZHENGHE
Nakarating sa TSA, TA, Persian… KABUUAN: muling umunlad ang kulturang Tsino at
lumago ang ekonomiya
KOREA
Alamat ni Tangun/Dangun
GOJOSEON o LUMANG JOSEON
ISKOLAR: nagkaroon ng hiwa-hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong Panahong Bronse (1000 B.C.E.- 300 B.C.E)
GOJOSEON-pinakamalakas; itinatag ni DANGUN Mula sa pagiging estadong pamayanan, ito ay
naging kaharian KOREA- sinalakay ng Han ng China noong 109
B.C.E. at nasakop ang Gojoseon HAN- Naglagay ng apat na mga kolonyang Tsino o
commandery upang pamahalaan ang hilagang bahagi ng Korea noong 108 B.C.E
Nagpatuloy ang pangingibabaw ng mga Tsino sa hilagang bahagi hanggang 313 C.E
TATLONG KAHARIAN (313-668 C.E)
Nanatiling malaya ang Timog-tinirhan ng mga hiwalay na pamayanang agricultural
Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian—GOGURYEO o dating KOGURYO, BAEKJE at SILLA
Matapos mapatalsik ang mga Tsino, tinawag ito na panahon ng Tatlong Kaharian
GOGURYEO Unang nabuo sa tatlo Lumawak sa hilaga Matatapang na mandirigma at magagaling na hari- isa-isang
nagapi ang mga kalaban 313 C.E- tinalo ang hukbong Tsino at pinatalsik mula sa Korea Umabot ang teritoryo hanggang sa Manchuria Dahil nasa bukana ng hilaga, walang tigil ang pakikipagsagupa
sa mga hukbong Tsino at nomadiko sa Hilagang Asya
BAEKJE
Nabuo sa timog-kanluran Mas mapayapa t malapit ang pakikipag-
ugnayan sa China at Japan DAGAT- naging daan ng interaksyon
SILLA
Huling nabuo sa timog-silangan ng Korea Pinakamahina noong simula
TATLONG KAHARIAN SA KABUUAN
Mayaman ang kultura Hiwa-hiwalay man, 3 Kaharian ay magkakaugnay
sa WIKA AT PANGKAT ETNIKO LIPUNAN- pinamumunuan ng mga aristokratikong
mandirigma Hiniram mula sa Han- sistema ng pamahalaan,
relihiyong Buddhism at tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan
PINAG-ISANG SILLA
Ikaanim na siglo- GOGURYEO at BAEKJE ay pinahina ng mga sigalot sa kani-kanilang kaharian
SILLA- nasa ilalim ng magaling na hari-nagplanong sakupin ang mga katabing kaharian
Nakipag-alyansa sa dinastiyang T’ang laban sa Goguryeo at Baekje BAEKJE- unang bumagsak; sunod ang Goguryeo Napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea Panahon- tinawag na Pinag-isang Silla o Unified Silla Hinarap naman ang T’ang-matapos ang pitong taon, napatalsik ang
natitirang sundalong Tsino sa Korea Nagkaroon ng kasaganaan at kapayapaan Pinairal ang sistema ng pagsusulit na Confucian para sa serbisyong
sibil PERO mga ARISTOKRATA lang ang pinayagang kumuha Nagpatayo ng maraming templong Buddhist sa palibot ng
GEUMSEONG (GYEONGJU) Hal. Templong BULGUKSA at SEOKGURAM
BALHAE (698-926 C.E)
Itinatag ng mga aristokratiko ng Goguryeo na ayaw sumuko sa Silla
Matatagpuan sa hilaga at umabot hanggang Manchuria
KULTURA-pinagsanib na kultura ng T’ang at Goguryeo
Ika-10 siglo-nasakop ng mga nomadikong Khitan
GORYEO o KORYO (935-1392 C.E)
tinatag ni WANG GEON-isang heneral ng rebeldeng prinsipe ng Silla
Pangalang Korea- nagmula sa pangalan ng kaharian
Nilipat ang kapital ng Korea mula Geumseong tungo sa Kaesong na malapit ngayon sa Seoul
Korea- napasailalim ng iisang kaharian ARISTOKRATIKONG BALHAE- sumanib na rin sa
Goryeo Patuloy na namayani ang Buddhism bilang
relihiyon Confucianism- bilang pilosopiya ng pamahalaan
SINING
Nakalikha ng sariling istilo ng porselana na tinawag na CELADON—makintab at kulay bughaw at berde
TEKNOLOHIYA Pinaunlad ang woodblock printing Naimbento ang movable-type ng paglilimbag GAMIT ang kaalaman sa woodblock printing—
binuo ng mga Korean ang TRIPITAKA- banal na kasulatan ng Buddhism- may 300,000 bloke ng kahoy
Umatake ng sunud-sunod ang mga Mongol—sa huli, Goguryeo- naging tagasunod ng Mongol
JOSEON o YI
Pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ng Korea Itinatag ni YI SEONG-GYE Inilipat ang kabisera sa Hanseong (Seoul) Namayani ang Confucianism HARING SEJONG-tinaguriang “Ang Dakila” Naabot ang tugatog ng pag-unlad Pagsulong sa larangan ng agrikultura, teknolohiya, at
astronomiya Naimbento ang alpabetong Korean- HANGUL-pinalitan
ang pagsulat na Tsino HANGUL-pinatingkad ang pagkakakilanlan ng mga
Korean DAHIL kinakatawan nito ang tunog ng wikang Korean
Dumami ang bilang ng marunong sumulat at bumasa
Ika-16 at 17- pagsalakay ng mga Hapones at Manchu 1592-1597-nilabanan ng mga Korean ang mga samurai
na Hapones
TOYOTOMI HIDEYOSHI-pinuno ng Japan- layunin na salakayin ang Korea at China
Sa tulong ng China, hindi nagtagumpay ang Japan
ADMIRAL YI SUNSIN- natalo ang mga barkong Hapones dahil sa imbensyon ng GEOBUKSEON (turle ship)-barkong nababalutan ng bakal.
Kinuha at dinala sa Japan ang mahahalagang yamang cultural ng Korea tulad ng painting at istatwang Buddhist
Artisanong tagagawa ng porselana- dinala din 1627-1636- sinalakay ng Manchu ang Korea- ngunit di b
umagsak ang Joseon
LIPUNANG KOREAN
Binubuo ng apat na uring panlipunan—YANGBAN, CHUNG-IN, YANGMIN at CHONMIN
YANGBAN- “dalawang grupo”—sibil at military Aristokratiko na pinagmulan ng mga opisyal ng kaharian
at hukbo May-ari ng malalawak na lupa ang mga pamilya CHUNG-IN- gitnang uri-kinabibilangan ng mga
naninilbihan sa kaharian—tagasalin at tagasulat YANGMIN- ordinaryong tao—magsasaka CHONMIN- mababang tao- alipin, minero, mangangatay
ng hayop, magkukulti ng balat ng hayop o tanner KISAENG- babaing tagapag-aliw
JAPAN
ALAMAT- JIMMU TENNO-unang emperador Sinakop ang mga kalabang angkan na nasa
kapatagan ng Kyushu at Honshu noong 600 B.C.E
Banal-apo ni Amaterasu-diyos ng araw Yamato-ngalan ng angkan Ainu-kalaban ng mga Yamato; mas naunang
nanirahan sa Japan kaysa sa mga tinatawag na Hapones ngayon
Unti-unting itinaboy tungo sa hilagang isla ang Hokkaido ang mga Ainu
PANAHONG YAMATO at NARA
Panahon ng paglaganap ng impluwensyang Tsino sa Japan
Korea-naging tulay sa pagdating ng Buddhism at Confucianism kaakibat ang: pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsusulat ng mga Tsino
REPORMANG TAIKA-lumawak ang kapangyarihan ng emperador
Binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China
Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E Pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan na
kinopya sa lungsod ng Chang An sa China
FUJIWARA o PANAHONG HEIAN
Itinayo ang bagong kapital ng Japan sa HEIAN Nagpatuloy ang paghiram ng kulturang Tsino at
sentralisasyon ng estado ANGKAN NG FUJIWARA-maisasantabi ang
emperador Nagsimula ng maging REGENT si FUJIWARA
KAMATARI ng batang emperador Namahagi ang Fujiwara ng lupa sa mga
angkang aristokratiko at mula rito, lilitaw ang mga independenteng HAN o LUPAING KONTROLADO NG MGA DAIMYO o PINUNONG PIYUDAL
KULTURAL Namulaklak ang kulturang aristokratiko na nagbibigay-daan sa
representasyon ng kagandahan Napatanyag ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy at
pananamit Naisukat ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki Huling bahagi ng panahon ng Heian- nagkaroon ng labanan ng mga
angkang aristikratiko Nabuo ang mga pribadong hukbo o pwersang military dahil sa pagtindi ng
labanan Lumitaw ang grupong BUSHI (mandirigma) at SAMURAI (retainer o
mandirigma na nagtatanggol ng mga daimyo) mula sa aristokrasya Kasabay ang pagbuo ng tradisyong military na nakapaloob sa BUSHIDO o
“Alituntunin ng Karangalan” Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at katapangan SAMURAI- Naging mahusay sa paggamit ng espada, pana, at pagsakay sa
kabayo RITWAL NG SEPPUKU O HARAKIRI (marangal na pagpapatiwakal)- kaugnay
sa tradisyon ng Bushido Pagtatapos ng panahong Hein= hudyat ng pagbubuo ng BAKUFU o
pmahalaang military sa Japan
PAMAHALAANG MILITAR
Iisang angkan ang dominanteng kaoangyarihan pulitikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain
SHOGUN (dakilang heneral)- namumuno sa pamahalaan kaya kilala sa tawag na SHOGUNATO
3 SHOGUNATO SA JAPAN: 1. MINAMOTO 2. ASHIKAGA 3. TOKUGAWA Panahon ng Shogunato- nawalan ng pulitikal na
kapangyarihan ang emperador
MINAMOTO O PANAHONG KAMAKURA
Unang shogunato sa Japan Natalo ang angkang Taira KAMAKURA- itinayo bilang sentro ng pamahalaan Nangibabaw ang aristikratang BUSHI at samurai Namayani ang sistemang pyudal kung saan ang mga
daimyo ay kailangang sumunod sa mga Shogun DAIMYO- nanatiling makapangyarihan sa sakop na
teritoryo Naganap ang 2 beses na paglusob ng mga Mongol sa
Japan- NGUNIT sinalubong ng malalakas na bagyo kaya nasalanta ang mga barko nila
KAMIKAZE (banal na hangin)-mga bagyong simbolo ng proteksyon ng mga KAMI o espiritu sa mga Hapones.
ASHIKAGA o PANAHONG MUROMACHI
Napalitan ang Minamoto Inilipat ang sentro ng pamahalaan sa MUROMACHI Hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na
daimyo kaya nagpatuloy ang labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573
Nagtapos ang pamumuno noong 1568
TOKUGAWA
Naibalik ang pagkakaisa sa Japan sa pamamagitan ng 3 DAKILANG MANDIRIGMA:
ODA NOBUNAGA TOYOTOMI HIDEYOSHI TOKUGAWA IEYASU
ODA NOBUNAGA
Isang makapangyarihang daimyo Sinimulan ang paggapi sa iba pang
daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist
Pinatay ng sariling basalyo Pinalitan ni Toyotomi HIdeyoshi
TOYOTOMI HIDEYOSHI
Ipinag-utos ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo
Ipinag-utos ang pagsalakay sa Korea Nang namatay, pinalitan ni
TOKUGAWA IEYASU
TOKUGAWA IEYASU
Itinatag ang isang sentralisadong pamahalaang military batay pa rin sa sistemang pyudal
Hinati sa 3 uri ang daimyu: SHIMPAN DAIMYO- mga kaugnay na
angkan FUDAI DAIMYO- kasaping angkan TOZAMA DAIMYO- tagalabas na
angkan; dating kalaban na napasailalim
Para mangyari ito, ipinatupad an g sistema ng SANKIN KOTAI o pagbisita ng daimyo sa EDO (Tokyo) bawat 2 taon
Habang nasa lupain ang daimyo, sapilitang pinanatili sa Edo ang asawa at anak nito
Ipinag-utos ang pagsasara ng Japan sa mga banyaga maliban sa mga Dutch na maaari lamang makipag-ugnayan sa daungan ng DESHIMA
Patakaran ng pagbubuklod- naipatupan mula 1639 hanggang 1854
LIPUNANG HAPONES SA PANAHON NG TOKUGAWA
EMPERADOR SHOGUN DAIMYO SAMURAI MAGSASAKA ARTISANO MANGANGALAKAL
KULTURA
ZEN BUDDHISM- sikat sa hanay ng mga samurai
PAGLITAW NG MGA KABUKI o isang uri ng ng teatro at HAIKU isang uri ng tula-nagbago ang sining sa panahong ito
AGRIKULTURA- bumuti; lumaki din ang populasyon
Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring mangangalakal TRADISYUNAL NA LIPUNAN NG HAPONES: NAHAHATI SA
APAT NA URING PANLIPUNAN: SAMURAI MAGSASAKA ARTISANO MANGANGALAKAL KATAKANA AT HIRAGANA- sariling sitema ng pagsusulat kaya
maraming marunong magbasa at sumulat na mga Hapones HILAGANG ASYA MONGOLIA- sa kasalukuyan ay kabilang sa SIlangang Asya
dahil ang Inner Mongolia ay nasa ilalim ng China. Subalit, sa kasaysayan, ang Mongolia ay kabilang sa kaganapan sa Hilagang Asya.
Ang rehiyon ay tirahan ng mga nomadikong pastoral na grupo
Dahil sa kapaligiran, lumitaw ang kulturang mandirgma
PANANAKOP ang batayan ng pagbubuo ng mga estado
MILITIRASO ang kabihasnan at talamak ang labanan NGUNIT: bukas ang loob at mapagtangkilik ng mga
impluwensiya ng ibang kabihasnan EXAMPLE: pagyakap sa relihiyong ISLAM ng
Kanlurang Asya at BUDDHISM ng Timog Asya Bagamat yumakap sa iba, nagpatuloy pa rin ang
relihiyong katutubo—SHAMANISM
MGA IMPERYO BAGO ANG MONGOL: HUN AT XIONGNU
Imperyong HUN at XIONGNO- estadong pantribo
Namayani noong neolitikong panahon hanggang kalagitnaan ng ika-12 na siglo
Mga nomadikong pastoral na grupo at paminsan-minsan ay nagtatanim ng butil
XIONGNO- nanirahan sa hilaga ng China SISTEMANG PULITKAL- nakabatay sa katapatan sa kanilang
pinunong mandirigma EX. MGA DAKILANG HARI: MAODUN AT ATTILA MAODUN- ipinatupad ang masalimuot na hirarkiya ng hukbo na
pinamunuan ng 24 aristokratikong opisyal Sa ilalim ng bawat aristokratikong opisyal ay 10,000 mandirigma Nanalanta sa China sa panahon ng dinastiyang Han Sa ilalim ni Attila- ang Imperyong Hun ay lumusob mula sa Gitnang
Asya tungong Iran at Silangang Europa SInalakay ang Greece, Germany, at Italy at naging banta sa
Imperyo ng Rome noong ika-4 na siglo C.E
IMPERYONG MONGOL MONGOL- pangkat-pangkat na binubuo ng magkakapamilya Makikita sa silangang bahagi ng Gitnang Asya GER- tawag sa kanilang tirahan; yari sa balat ng hayop at
ginawang tolda Pagpapastol ang pangunahing ikinabubuhay Aristokratiko- nagpapastol ng mga kabayo Ang IBA- nag-aalaga ng tupa, kambing, at iba pang hayop Itinatag ni Genghis Khan (Temujin- ang tunay na pangalan) Nang lumabas mula sa sinapupunan, may hawak na namuong
dugo sa kanang kamay Ayon sa mga paring Shaman- nagbabadya na magiging dakila ang
sanggol paglaki Ipinagkasundong ipakasal sa isang batang babae, si BORTE noong
9 yrs old pa lamang siya Nagsimula ang paghihirap ng pamilya nang mamatay ang amang
si YESUGEI dahil sa lasong hinalo sa pagkain Tumulong siya para mabuhay ang pamilya
Nang lumaki, napatunayan niya ang katapangan at kakayahang mamuno
EX. Nasagip niya si BORTE mula sa malaking tribu sa Merkit Kalaunan, nilusob ang iba pang tribu na ayaw sumanib sa kanya 1206-kinilala ang kanyang pamumuno ng KURILTAI o isang
pagtitipon ng mga prinsipe at pinuno ng iba’t ibang tribung Mongol Ginawaran siya nv titulong GENGHIS KHAN- ibig sabihin ay
Universal Ruler 1206-1227-sinalakay ang mga karatig na kaharian ( Xixia, Jin, Kara
Khitai at Khwarizm) OGEDEI KHAN- ipinagpatuloy ang pagpapalawak ng teritoryo Ang mga nasakop ay hinati ni Genghis Khan sa kanyang apat na
anak; tinawag itong KHANATE o KHANATO Bawat khanato ay may partisipasyon sa digmaan Ito ang mga sumusunod: GREAT KHANATE- sa Mongolia at Silangang Asya KHANATO ng CHAGADAI- sa Turkestan IL-KHANATE- sa Persia GOLDEN HORDE o KIPCHAK KHANATE
GREAT KHANATE (DAKILANG KHANATO)
Itinatag ni Chagadai Nagmula ditto si Timur na nanalanta
noong ika-14 siglo IL-KHANATE ng PERSIA 1258- itinatag ni HULAGU- kapatid ni
Kublai Khan
KHANATO NG GOLDEN HORDE
1258- itinatag ni HULAGU- kapatid ni Kublai Khan
KHANATO NG GOLDEN HORDE Itinatag ni BATU Nakasentro sa Sarai (nasa lower Volga River sa
Russia) Sakop ang Siberia, ilang bahagi ng Gitnang Asya
at mga lungsod ng Russia Walang nagkaisang pwersa sa Europa na
lumaban sa mga Mongol 1440 C.E- nagkawatak-watak at tulyang
nabuwag noong 1502
MGA MONGOL Mahusay na mandirigma Mula pagkabata-sinanay nang mangabayo at gumamit ng pana KASANAYAN: kaya nilang pumana kahit nasa likod ang target; kayang
lumipat o magpalit ng kabayo habang tumatakbo ito Sa DIGMAAN-hanggang apat na reserbang kabayo ang dala ng mga
Mongol Iba-iba ang hugis ng mga pana-may matutulis para pumatay, may mga
butas ang iba upang humuni habang pumapailang-ilang Gumamit ng teknolohiya sa pakikidigma mula sa mga Persian, Arab at
Tsino tulad ng catapult at battering ram para sa pagkubkob sa mga lungsod na napapalibutan ng matataas na pader
TAKTIKA SA PAKIKIDIGMA- pag-urong upang pasunurin o magpahabol sa kalaban sa labas ng lungsod; pag nakalabas na saka sasalakay ang mga nagtagong Mongol sa kapaligiran
Minsan, naghahagis ng matutulis na metal sa daraanan ng kalaban upang matusok ang paa ng kabayo
PANAHON NG KAPAYAPAAN matapos ang pananalalakay- naging tulay ang kabihasnan ng Imperyong Mongol para magkaroon ng palitan ng ideya, imbensyon at produkto
Binantayan ang ruta ng kalakalan at nagpatayo ng mga bahay-tuluyan para sa mga manlalakbay at mangangalakal
PANANALAKAY NI TIMURTIMUR- nagmula sa Chagadai Khanate
Tinangkang bumuo ng imperyo Nasakop ang Persia at Mesopotamia Tinalo ang Golden Horde at India Malupit sa pagsalakay: sinira ng hukbo ang mga
paaralan, palasyo, at iba pang mahalagang gusali Inutos na pagpatungin sa isang malaking pyramid ang
may isang libong ulo ng pinatay na biktima Matagumpay ang pagsalakay dahil malakas ang
pwersang military at may mga espiya na nagbibigay impormasyon sa lahat ng rutang tatahakin
Teritoryong nasakop-hindi nanatiling buo nang mamatay siya noong 1405
Naglaban-laban ang kanyang mga kamag-anak at mahina ang kanyang mga anak
IMPERYONG TURK
Turkong Ottoman- mula sa hilagang Asya Naglakbay patungong Persia, Mesopotamia at namalagi sa
Anatolia (Turkey) Nagpapastol Nakatira sa mga toldang tirahan na tinatawag na YURT Tinanggap ang relihiyong Islam Itinatag ang Osman- isang maliit na estado na may malakas na
hukbo Halaw sa salitang Osman ang Ottoman HUKBO- malakapatiran- itinuturing ng bawat mandirigma na
kapatid ang isa’t isa Natalo ang imperyong Byzantine at naagaw ang Constantinople sa
pangunguna ni Sultan Mehmed II Sa panahon ni Suleyman, naabot ang tugatog ng mabilis na
paglawak: nasakop ang Egypt, North Africa, Syria, at Arabia