Aralin 5 AP 10

22
-CHAPTER 5-

Transcript of Aralin 5 AP 10

Page 1: Aralin 5 AP 10

-CHAPTER 5-

Page 2: Aralin 5 AP 10

Ano ang kahuluganng kakapusan?

Ipinapakahulugan ang kakapusan bilang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang

mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

Page 3: Aralin 5 AP 10

Ano-ano ang kalagayan ng kakapusan?

1. Ang pisikal na kalagayan na tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman

2. Ang kalagayang pangkaisipan na tumutukoy sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Page 4: Aralin 5 AP 10

Ano-ano ang palatandaan ng

kakapusan?

Page 5: Aralin 5 AP 10

●Sa Yamang Likas

pagbaba ng produksyon na nakukuha sa likas na yaman

pagsasaalang-alang ng pinakamataas na kapakinabanagn na makakamit ng tao sa bawatpaggamit ng yamang likas

Page 6: Aralin 5 AP 10

●Sa Yamang Tao

ang mga developed country (tulad ng Canada, Japan, Great Britain, New Zealand, U.S) ay umaangkat ng paggawa mula sa ibang bansa

may kakulangan sa mga tagapaghatid ng batayang serbisyo o paglilingkod sa kanilang mamamayan

Kakulangan sa kasanayan ng kanilang mamamayan na tugunan o tustusan ang pangangailangan nito sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay

Kakapusan sa aspekto ng kalusugan

Kawaln ng edukasyon ng mamamayan

Page 7: Aralin 5 AP 10

●Sa Yamang Kapital

Kawalan ng teknolohiya o kaalaman na kailangan upang itaas ang productivity nito

Kawalan ng investment

Page 8: Aralin 5 AP 10

●Espasyo-bawat detalye ng lugar o lokasyon na nakaapekto sa pagdedesisyon ng tao

Pagkasikip ng isang lugar dahil sa pagdoble ng populasyon

Pagbaba ng kakayahan na mabigyan ng panatag na pamumuhay ang mga mamamayan nito

Pagbaba ng carrying capacity ng espasyo na maaaringmagdulot ng mga trahedya at kaguluhan

Page 9: Aralin 5 AP 10

●Impormasyon-mga kaalaman na mahalaga upang makalikha ang tao ng matalinong desisyon

Kakaunti o walang datos tungkol sa isang kaganapan na sinusuri

Hindi maipaliwanag ng tao ang isang mahalagangkaganapan upang makagawa siya ng matalinong desisyon

Wala pang ibang nakapag-aral hinggil sa sinusuringkaganapan

Page 10: Aralin 5 AP 10

●Oras-panahon na nagugugol sa pagsasagawa at pagpapatibay ng desisyon ng tao

Hindi na ito naibabalik kapag ito ay lumipas na

Ang mga tao ay nagiging ningas-kugon o hindi natatapos ang isang gawaing sinimulan

Maaaring hindi nga naubos ang oras ngunit ang paggamit ditopatungkol sa isang layunin ay nasasayang

Page 11: Aralin 5 AP 10

Paano nagkapareho ang konsepto ng kakapusan at kakulangan?

›KAKAPUSAN

Ito ay hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang mapunan ang pangangailangan ng tao.

›KAKULANGAN

Ito kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo ng tao.

Page 12: Aralin 5 AP 10

Ano-ano ang pagkakatulad at pagkaka-iba ng kakapusan at kakulangan?

>PAGKAKA

TULAD

Parehong kumikilala na may pangangailangan at kagustuhan ang tao na hindi kayang punan ng ekonomiya

>PAGKAKA-IBA

Nakapaloob ang konsepto ng kakulangan sa konsepto ng kakapusan

Page 13: Aralin 5 AP 10

Bakit mahalaga ang pokus ng pag-aaral ng kakapusan at

kakulangan?

Ang kakapusan ay katangiang likas sa mga pinagkukunang-yaman.

Ang kakulangan ay iniuugnay sa hindi magkatugmang plano ng produksyon at ng pagkonsumo.

Ang kakulangan ay isang resulta ng hindi maayos na pagpaplano ng tao sa mga gawaingpang-ekonomiya tulad ng produksyon at pagkonsumo.

Sa paglilinaw ng konsepto ng kakapusan, mabibigyan ang tao ng wastongpagpapahalaga sa pinagkukunang yaman

Page 14: Aralin 5 AP 10

Ano-ano ang mga kadahilanan ng

kakapusan?

Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman

Non-renewability ng ilang pinagkukunang yaman

Walang katapusang pangangailanganat kagustuhan ng tao

Page 15: Aralin 5 AP 10

Ano ang iba’t ibang paraan ng pag-aaksayang pinagkukunang

yaman?

Kapag hindi malinaw sa tao ang layunin ng paggamit ng pinagkukunang-yaman. Walang nakakamit na kapakinabangan sa pinagkukunang-yaman ang isang tao na hindi batid kung anongpangangailangan o kagustuhan ang nais na tugunan.

Page 16: Aralin 5 AP 10

Batay sa mga panlipunan at kultural na salik. May mga lipunan at pangkat ng tao na nagtataguyod ng paniniwala na nagpapaunti sa pinagkukunang-yaman. May mga pangkat ng tao na nagpapahalaga sa pagpapanatili ng kinis ng kutis at pagmumukhang bata ng matatandang tao. Gumagamit sila ng langis ng endangered na mga halaman at hayop. Ang kalakarang ito ay nakaaambag sa tuluyang pagkaubos ng endangered na halaman at hayop. Nakadaragdag din ito sa ecological imbalance.

Maling gawain na sumisira sa pinagkukunang-yaman. Halimbawa, ang illegal na pamamaraan tulad ng paggamit ng dinamita sa pangingisda, labis na quarrying sa mga kabundukan, at ilegal na pagtotroso na kumakalbo sa mga kagubatan.

Page 17: Aralin 5 AP 10

Non-Renewable Resources-tumutukoy sa pinagkukunang-yaman na hindi self-

replenishing.-maaari ring tumutukoy ito sa pinagkukunang-yamang

mapapalitan lamang matapos ang mahabang panahon.

Halimbawa: - fossil fuel- mineral- gas

Page 18: Aralin 5 AP 10

Bakit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng

tao?

Dahil sa pagdami ng tao.

Pagbabago ng bayolohikal at pisyolohikal na pangangatawan ng tao.

Pagsulpot ng mga paanunsyo at iba pang pamamaraan ng bahay-kalakal upang makaakit ng mamimili.

Limilikha sila ng panibagong kagustuhan na inaakala ng tao na kanilang pangangailangan.

Page 19: Aralin 5 AP 10

THOMAS MALTUS-isang British political economist noong ika-19 na siglo-Ayon sa kanyang teorya, magpapatuloy sa mabilis na paglaki ang populasyon

kung hindi ito makokontrol. Samantala, mabagal at hindi makakasabay sa mabilis na paglaki ng populasyon.

Ang kakapusan ay hindi sana magiging suliranin ng ekonomiya kung may hangganan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Magkakaroon ng sapat na panahon ang tao at kalikasan na maparami o maipag-ibayo ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.

RELATIVE SCARCITY-tawag sa uri ng kakapusan na nakabatay sa kawalang katapusan na pangangailangan at

kagustuhan ng tao.

Page 20: Aralin 5 AP 10

Mga Naidudulot sa Pag-uugali ng Tao dala ng Kakapusan

KAGULUHAN-maraming digmaan, tunggalian ng mga pangkat o away ng mag-anak na ang pinag-uugatan ay pagkamkam o hidwaan sa hangganan ng mga pag-aaring pinagkukunang-yaman tulad ng lupain. Natututo ang tao na makipagkompetensya sa isa’t isa para makapagmay-ari ng limitadong pinagkukunang-yaman.

PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN-Dahil sa kakapusan, karamihan ng mga bagay ay hindi libreng makakamtam. Mayroon itong katapat na halaga at kailangan itong bilhin.

Page 21: Aralin 5 AP 10

Ano-anong programa ang isinusulong na pangkoserbasyon?

Pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbong kagubatan at sa kaunlaran;

Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon;

Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance;

Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop.

Page 22: Aralin 5 AP 10

Ano ang OPPORTUNITY COST?

-ito ay ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan upang makamit ang isang bagay.

-nagkakaroon ng opportunity cost sapagkat may kakapusan ang pinagkukunang-yaman.