DAHILAN AT EPEKTO SA KATAWAN NA MAAARING MAIDULOT NG
ALKOHOLISMO AYON SA OPINYON AT PANANAW SA MGA ESTUDYANTE
SA UNANG TAON SA KOLEHIYO NG NURSING NG UNIBERSIDAD NG BOHOL
Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng Nursing, Unibersidad ng Bohol
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
Ng
1-BSN DIAMOND
MARSO, 2011
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito ay may
pamagat na “Mga Dahilan At Epekto Sa Katawan Na Maaaring Maidulot Ng
Alkoholismo” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-
Diamond na binubuo nina:
Benmarosa Lara Maribeth Tiempo Kristan Agujar
Rosa Epifania Lara Nole Agunod Anabeth Quisora
Maribel Tumale Ethel Emmylou Saluta
Tinanggap ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing,Unibersidad ng Bohol
bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Propesor at Puno ng Departamento
PASASALAMAT
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na
siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahong papel na ito:
Kay G. Jorge Cuajao, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang
Filipino 2.Nagpapasalamat kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay
ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang
pamanahong papel na ito.
Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang aming pangkat, na siyang nagbigay
kulay sa isang animo’y napaka masalimuot na semestre, maraming salamat.
Hinding- hindi namin makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating
pinagsamahan bilang isang klase.
Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa
buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at pag-intindi sa amin.
At higit sa lahat sa Poong Maykapal na siya naming pinag-aalayan nitong aming
munting proyekto, maraming salamat po sa Inyong patuloy na paggabay sa amin
at sa pagbabasbas ng biyaya.
Muli, maraming-maraming salamat po.
-Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I. Ang suliranin at kaligiran nito
1. Introduksyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasion ng Pag-aaral
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata II. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga Respondente
3. Instrumentong Pampananaliksik
4. Tritment ng mga Datos
Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
KabanataV.Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
1. Lagom
2. Kongklusyon
3. Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
Apendiks
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. INTRODUKSYON
Noon paman ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng taon ay inabuso
ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak
at iba pang inuming nakakalasing, itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa
pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng pag-iisip.
Ang alkoholismo ay may marami at kadalasa’y mahihirap na depinisyon.Sa
pangkaraniwang binibigay na depinisyon nito,ang alkoholismo ay isang kondisyon kung
saan ang labis na pag-inom at patuloy na pagkonsumo ng mga nakakalasing na inumin o
alcoholic beverages sa kabila ng masamang maidudulot nito sa sosyal at pangkalusugang
aspeto ng isang indibidwal.( Searless, John S. 1990). Itinuturing ang alcoholism ay isang
sakit at adiksyon na resulta ng madalas na paggamit ng alcohol kahit naito ay nagdudulot
ng negatibong epekto sa taong gumagamit nito.
Noong ika-19 at ika-20 siglo, ang alkoholismo ay tinatawag na dipsomania na
naglalarawan ng pagkahalina o di- maiwasang konsumasyon ng alkohol o ang walang
abilidad na makapagkilala sa negatibong epekto nito sa sobrang alkohol na ininom.Kahit
pa hindi sa lahat ng mga kahulugan nito ang nagsasaad na ang madalas na paggamit ng
alcohol na isang kwalipikasyon upang maihanay sa depinisyon ng alkoholismo, ang iba
naman aynagsasaad ng matagalang epekto o ang tinatawag na long term effects na
madalas na paggamit ng heavy alcohol kasama na ang pagdepende ng isang tao sa
alcohol.(www.google.com)
Gayunpaman, ang paggamit ng alcohol ng isang tao ay hindi nagsasad na
nalulong sa alcohol ang isang tao. Ang dami (quantity), frequency at regular na pag-inom
ng alcohol ay kinakailangang alamin upang maihanay ang isang indibidwal sa
alkoholismo sapagkat ito ay nag-iiba-iba tao mula sa tao. Ilan pa sa mga salik ng
kwalipikasyon ng alkoholismo ay ang sosyal na kapaligiran, stress, mental health at
genetic disposition , edad at kasarian ng gumagamit ng alcohol.
Mahigit sa 40% ang nagsisimulang gumamit ng alcohol sa edad na 14 pa lamang
at nakadepende na dito, samantalang 10% ang hindi umiinom hanggang sa edad na 20 o
pataas at nagdebelop ng problema sa alcohol hanggang sa katandaan nila.
(www.google.com) Ang pag-abuso sa alcohol sa kabataan (adolescence) ay maaring
maging sanhi ng panmatagalng pagbabago sa pag-iisip ng isang tao at maaring humigit
pa ang risgo sa susunod na taon.
Ang alak ay urihinal na bumubuo ng kaligayahan at oras na walang ginagawa
kaya inaakala ng mga alkoholiks na may nakukuhang benepisyo dito dahil sa kasiyahan
na natatamo sa pag-inom ng alak ngunit di nila nalalaman na ito ay unti-unting sinisira
ang cnsna nagiging sanhi ng depression.( Flores, Berlin. 2009)
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa
Alkoholismo at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang mga kritikal na karamdaman na maaaring maidulot ng
alkoholismo sa tao? Sa aspetong pisikal, mental at sosyal?
2. Ano ang dahilan ng pag iinom?
3. Ano ang mga pagkilala sa Alkoholismo?
4. Ano ang mga realisasyon sa mga taong kasali nito?
5. Maimulat ba ang mga kabataan sa negatibong epekto ng pag-inom ng alak?
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ng tao
ang negatibo at masasamang epekto na maiidulot ng alcohol
gayunpaman sa aspetong pisikal, mental, at sosyal. Para malaman ng
tao kung ano ang alkoholismo at upang maagapan ang pagdami ng
populasyon sa taong umiinom at mabigyan ng solusyon ang mga
suliranin na ito sa ating lipunan.
Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing pamulat
sa mga umiinom lalong-lalo na sa mga estudyante sapagkat ito ay
nakakasira ng kalusugan.Makakatulong ito sa mga taong dumaranas
ng sakit na ito. Tumutulong din ang paksang ito sa iba pang mga mag-
aaral at mananaliksik na palawigin pa ang kaalaman ukol sa nasabing
paksa.
Napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil batid ng mga
mananaliksik na ang paksang ito ay tungkol sa epekto ng alkoholismo
sa kalusugan ng tao na magbibigay ng
kaalaman sa mga tao na ginagawang kasiyahan at libangan na hindi
iniisip ang masamang naidudulot nito sa katawan.
Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga
epekto ng alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga
impormasyong ito ay makakatulong
sa lahat upang maiwasan ang alkoholismo at maagapan ang
masasamang epekto nito sa
katawan.
4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto sa kalusugan partikular ang
mga sakit naidudulot nito sa katawan ng isang tao. At ito lamang ay nakatuon sa mga
estudyante sa unang taon sa kolehiyo ng Nursing, Unibersidad ng Bohol, Lungsod ng
Tagbilaran, Ikalawang semester, taong panluna 2010-2011.
5. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga
mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga
sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat
isa sa pamanahong papel na ito:
Cardiomyopathy - isang sakit samuscle ng puso, kadalasan ay hindi
sigurado nag
kadahilanan.
Coronary artery disease -( sakit sa ugat sa puso) tinatawag ring
sakit
sa puso o atherosclerosis. Ito ay ang paninigas ng mga daluyan ng
dugo
dahil sa mga deposito ng taba na tinatawag na plak (plaque).
Cardiac dysrhythmia -isang condition kung saan ang tibok na puso
ay irregular.
Myocardial infarction - atake sa puso
Ulcer -Pananakit sa sikmura o maaari din po itong ulcer sa parte ng
bituka
Break-up- ang paghihiwalay ng magkasintahan
Public disorder- ang pagdulot ng disturbo sa nakakarami o publiko
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon sa isang web article ng www.gotocld.com ,marami nang nanaliksik tungkol
sa mga epekto ng alkoholismo sa tao sa pagdaan ng tao ay pataas ng pataas ang bilang ng
mga tao na nalululong sa ganitong uri ng bisyo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), 140 milyong katao sa buong mundo
ang may pag-uumasa sa alkohol. Isinalaysay ng Journal of the American Medical
Association na ang alkoholismo ay isang pangunahing sakit na di malulunasan ngunit
maaagapan. Ang alak ay isang pagkain na naiiba dahil hindi nangangaialangan ng
prosesong digestion ngunit direktang inihahatid sa dugo at discharged sa bawat biological
tissue sa katawang ng tao. Ang labis na paggamit ng alcohol ay maaaring progreso hilam
pamingin at koordinasyon problems.
Ayon pa kay Anne Sayers, ang alkoholismo ay isang sakit ng katawan, isip,
damdamin at diwa. Bilang isang resulta, ang katawan at utak ay nangangailangan ng mas
maramingalak.
Ayon sa DSM-IV (pamantayan sa dayagnostiko ng sikiyatriya at
Sikolohiya) ang pang-aabuso sa alkohol (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na pag-inom sa
Kabila ng mapanganib na epekto, pag-uumasa sa alkohol na may dagdag na pagpaparaan
Ng Droga (drug tolerance) pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot ng
nagiging Sanhi ng mahigitang pag-iinom, abstinensya (withdrawal) at di pagkontrol sa
damdaming makainom ng alak.
Ayon kay Berlin Flores, isang kalusugan at gamit na manunulat, ang antas ng
Toxicity kapag ang alak ay nakonsumo matapos kumain at mas mataas bago kumain na
nakakaapekto sa ating central nervous system(CNS). Sa mga tuntunin ng hydration, ang
mga antas ng toxicity ay higit na maliit kung ang alak ay diluted muna bago ang pag-
iinom.Dagdag pa ni Flores, ang pagkilala ng alkoholismo ay ang paggamit ng
pamamaraang screening ay karaniwang self-ulat na ang mga partikular na ginagamit
upang tiyakin ang pagkakaroon ng alcohol addiction. Ang eksaminasyon naman sa dugo
at ihi ay isang paraang upang malaman ang lebel ng alkoholismo.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga deskriptib-analytik
sarbey.Isang paraan sa tulong ng talatanungan sa paglikom ng datos.Tinangkang ibigay
ang epekto ng alkoholismo sa kalusugan ng isang tao.
MGA RESPONDENTE
Ang pamanahong papel na ito ay nangailangan ng respondente sa Kolehiyo ng
Narsing ng Unibersidad ng Bohol.
INSTRUMENTONG PANANALIKSIK
Ang instrumento sa pananaliksik na ito ay sarbey-kwestyoner. Ang mga
mananaliksik ay nagbibigay ng mga sarbey- kwestyoner sa mga respondente na siyang
pinagbabatayan sa mga pangangalap ng mga datos.
TRITMENT SA MGA DATOS
Ang pamanahong papel na ito ay hindi gumagamit na istatistikal
na komputasyon dahil ito ay hindi pampalakihang pananaliksik.
Kinukuha lamang nito ang porsyento o ang bahagdan sa mga
nakuhang mga datos.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
impluwensya ng barkada52%
break-up25%
personal na problema
(broken family)11%
walang gabay ng magulang
9%stress
4%
DAHILAN
Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, limampu’t isang
porsyento ang nakakuha ng may pinakamataas na bahagdan at ito ay ang impluwensya ng
barkada na isa sa mga dahilan ng alkoholismo. Samantala, ang nakakuha ng
pinakamababang porsyento ay ang dahilan na stress.
Dahilan ng Pag-iinom
Impluwensya ng barkada- malaki ang impluwensya ng mga kabarkada sa isang tao. May
mga bagay na ginagawa nila na hindi naman dapat gawin pero napipilitan lamang at
kinakailangang sundin.
Problema sa personal na Buhay - Ang tao na may personal na problema sa buhay ay
nasabing isang sa mga dahilan kung bakit nag iinom ang isang tao upang panandaliang
makalimutan ang problema.
sakit sa atay at utak56%
depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder)
20%
sakit sa puso9%
makasanayan at hi-
nahanap-hanap na
8%
paggawa ng krimen7%
EPEKTO
Sa pitumpong respondente sa mga estudyante ng nursing, ang nakakuha ng
pinakamataas na bahagdan (56%) hinggil sa epekto ng alkoholismo ay ang pagkakaroon
ng sakit sa atay at utak at pitong porsyento naman sa paggawa ng krimen na nakakuha ng
pinakamaliit na bahagdan.
Mga Sakit na Maaaring Maidulot ng Alkoholismo
Sakit sa atay
Ang sakit sa atay ay sanhi ng pagkawala ng balance ng mga kemikal sa katawan,
blood sugar, produksyon ng protina, at ang pagkabuo ng taba sa atay. Nagbubunga din
ito ng pagkasira ng sirkulasyon ng dugo, kakaibang pagkabuo ng peklat pag nasugatan.
Sakit sa Puso
Cardiomyopathy; paglaki ng puso, dysrhythmias at pagbagal sa paghinga.
Coronary artery disease; myocardialin infarction;ulcer
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga dahilan at epekto
ng alkoholismo sa katawan ng tao lalo na ang mga posibleng pinagmulan, karamdaman o
mga sakit na maaaring maidulot nito.
Sa aming pananaliksik, kinakailangan pa ring mag-ingat ang mga taong umiinom
at sa mga taong hindi umiinom dahil ito’y nagsisilbing babala na dapat hindi sobra-sobra
ang pag-inum ng mga alak. Ito’y naghahandog ng realisasyon at proteksyon sa mga tao
lalong-lalo na sa mga kabataan at mga estudyante na malapit sa impluwensya ng alak.
KONGKLUSYON
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na kongklusyon:
a. Ang ilang epekto ng alkoholismo sa katawan ng isang tao ay maaaring maging
isang napakalubhang karamdaman at maaaring maging dahilan ng kamatayan ng
isang nilalang.
b. Ang alkoholismo ay hindi bago sa ating lipunan. Hangarin ng mga mananaliksik
na maimulat ang mga tao sa maraming masasamang elemento sa mundo.Kahit ito
ay isang bagay na nakapagpapasaya at nakakatanggal ng problema hindi pa rin ito
ang solusyon. Dahil sa isang alak, maaaring mapahamak ang sariling katawan at
nakasalalay ang kaligtasan ng isang indibidwal.
REKOMENDASYON
Kaugnay ng mga kongklusyon nabanggit, buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay
nararapat gawin lalo sa panahon ng kahirapan.
b. Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan
particular sa mga anak na may posibilidad na mahantong sa ganitong bisyo.
c. Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag
dumating na ang panahon na sila na ang namumuno sa mga malalaking organisasyon o
kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang nagkaroon ng isang malubhang karamdaman
dulot ng pag iinom.
TALAAN NG SANGGUNIAN
Libro:
Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics. New York: Guilford Press
Hahn, Dale B. 1991.
Flores, Berlin. 2009. Ang iba't ibang pisikal at medikal na mga epekto ng alak
addiction.
Elektroniko:
http://www.gotocld.com/ph/ang-ibat-ibang-pisikal-at-medikal-na-mga-epekto-ng-
alak-addiction-\
http://www.disability-resource.com/medical-health/alcoholism/the-reasons-
behind-alcoholism.php
www.google.com
APPENDIKS A
LIHAM PAHINTULOT
Departamento ng Narsing
Unibersidad ng Bohol
Tagbilaran City,Bohol
Marso 3,2011
Ginoo/Gng./Bb.
Magandang Araw!
Kami ay nasa proseso upang magsagawa ng sarbey na pinamagatang “Dahilan At
Epekto Sa Katawan Na Maaaring Maidulot Ng Alkoholismo”.Ito ay naglalayong
makakuha ng impormasyon kung anu-ano ang epekto at dahilan ng alak sa katawan.
Sa koneksyong ito, gusto naming humingi ng pahintulot ds’yo upang magsagawa
kami ng pananaliksik ukol sa alkoholismo.
Ang inyong positibong kasagutan tungkol sa bagay na ito ay binibigyan naming
ng buong galang na respeto.
Gumagalang,
Benmarosa Lara
Mananaliksik
Binibigyang-pansin ni:
Ginoo Jorge Cuajao
Guro
APPENDIKS B
KWESTYUNER
Panuto: Lagyan ng tsek (kung sa palagay mo ay ang sumusunod na ito ay epekto o
sanhi ng alkoholismo.
DAHILAN:
____ impluwensya ng barkada
____kuryosidad
____stress
____walang trabaho
____pagpapainit ng katawan
____nakakahiligan
____walang gabay ng magulang
____walang gabay ng mabuting kaibigan
____pauso
____personal na problema (broken family)
____break-up
PISIKAL AT MENTAL NA EPEKTO:
Nakakasama sa kalusugan at makapagdudulot ng sakit gaya ng:
____ sakit sa puso
____ depresyon, pagkabalisa (anxiety disorder)
____ withdrawal syndrome
____ nakakasira ng atay at utak
____ sanhi ng pancreatitis,epilepsy at cancer
____ panic disorder
SOSYAL NA EPEKTO
____ public disorder
____ pagkatanggal sa trabaho
____ naksanayan at hinahanap-hanap na
____ pagkadepende sa alak habang buhay
____ pagiging regular na pag-inom
____ pinansyal na problema
____ paggawa ng krimen ( domestic violence,rape)
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Benmarosa Lara
PETSA NG KAPANGANAKAN : July 19, 1992
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Loon, Bohol
MAGULANG : Benito Tubaces
: Rosalia Lara
KAPATID : Rosa Epifania Lara
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : COGON NORTE ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : SANDINGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Rosa Epifania Lara
PETSA NG KAPANGANAKAN : March 18, 1994
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Benito Tubaces
: Rosalia Lara
KAPATID : Benmarosa Lara
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : COGON NORTE ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : SANDINGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Ethel Emmylou R. Saluta
PETSA NG KAPANGANAKAN : December 28, 1994
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Inocencio Saluta: Clementina Saluta
KAPATID : Mae Lyn Saluta
: Judy Lyn Saluta
: Mary Grace Saluta
: Shiela Mae Saluta
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : TALOTO ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : DR. CECILIO PUTONG NATIONAL HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Kristan D. Agujar
PETSA NG KAPANGANAKAN : November 23, 1992
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Brendo Agujar: Marilou Agujar
KAPATID : Kliford Agujar
: Kenneth Agujar
: Kelvin Agujar
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : HOLY REDEEMER SCHOOL
SEKONDARYA : BOHOL WISDOM SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Anabeth O. Quisora
PETSA NG KAPANGANAKAN : December 20, 1992
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Rufina Quisora
KAPATID : Julius Quisora
: Cristina Quisora
: Randy Quisora
: Marivic Quisora
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : CAMAMBUGAN ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : CAMAMBUGAN HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Maribeth S. Tiempo
PETSA NG KAPANGANAKAN : June 16, 197
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Marianetta Tiempo
KAPATID : Alan Tiempo
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : CAMAMBUGAN HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Nole C. Agunod
PETSA NG KAPANGANAKAN : September 17,1992
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Cortes, Bohol
MAGULANG : Exequiel Agunod
: Erlinda Agunod
KAPATID : Eunice Nancy Agunod
: Cristian Agunod
: Christopher Agunod
: Corazon Agunod
: Kingjun Agunod
: Curtis Agunod
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : CORTES CENTRAL ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : INFANT KING ACADEMY
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING
APPENDIKS C
VITAE
PANGALAN : Maribeth S. Tiempo
PETSA NG KAPANGANAKAN : June 16, 1978
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Tagbilaran City, Bohol
MAGULANG : Marianetta Tiempo
KAPATID : Alan Tiempo
PINAG-ARALAN
ELEMENTARYA : ELEM. SCHOOL
SEKONDARYA : CAMAMBUGAN HIGH SCHOOL
KOLEHIYO : UNIVERSITY OF BOHOL
KURSO : NURSING