Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d....

12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikatatlong Markahan- Modyul 2: Kontemporaryong Panitikan: Pagsulat ng Balita/Komentaryo Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d....

Page 1: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino Ikatatlong Markahan- Modyul 2:

Kontemporaryong Panitikan:

Pagsulat ng Balita/Komentaryo

Zest for Progress

Zeal of Partnership

8

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Winda O. Fernandez

Editor: Lindo O. Adasa, Jr.

Philip D. Caermare

Shayne Everette U. Eldian

Tagasuri: Adela S. Luang

Maricel B. Jarapan

July G. Saguin

Tagaguhit: Edgardo Jamillar, Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, Ed. D., CESO V

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.

Jephone P. Yorong, Ed. D.

Lindo O. Adasa Jr.

Page 3: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

5

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na

komunikasyon ( balbal, kolokyal, banyaga ( F8WG-IIIa-c-30 )

Natutukoy ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng

balita , komentaryo, at iba pa. ( F8PU-III-c-30 )

Balikan 5

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. (1 puntos bawat bilang)

1. Alin sa sumusunod ang ibig sabihin ng salitang cybernetics? a. Taong aktibong gumagamit ng internet

b. Mga nababanggit sa internet lalong lalo na sa social media c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at

buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet.

2. Mga kabataan laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na

ang internet ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan. a. nagtatanong c. nagsusuri

b. nagbibigay ng babala d. nangangaral 3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang “netizens” sa social media?

a. Taong eksperto sa paggamit ng social media b. Taong legal na miyembro ng isang bansa

c. Taong mahilig maglaro ng ML d. Taong mahilig magdownload

Aralin 2.1

Kontemporaryong Panitikan: Pagsulat ng Balita/Komentaryo

Page 4: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

4. Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng information age, e-class, multimedia, email, online learning education , cybernetics, wed page, hypermedia, at marami pang iba. a. nagsasalaysay c. nangangatwiran

b. naglalarawan d. nagpapaalala

5. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng # hashtag? a. Simbolong nakakatulong upang mapagsama-sama sa isang kategorya ang post

sa social media.

b. Mga sulatin, larawan , tunog, video at iba pang gamit sa pangpost c. Mga napag-usapan sa internet partikular sa social media

d. Mga tamang letrang na dapat gamitin sa social media.

Tuklasin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (1 puntos bawat bilang )

1. Alin sa mga bagong salitang nabanggit sa loob ng kahon na nakalimbag nang madiin ang kadalasang ginagamit sa araw-araw?

a. babaye, lalaki, itay

b. sinturon, baro, palda c. bae, pabebe, beast mode

d. puso, mata, tainga

2. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Kaibigan b. kapatid c. kaaway d. taong mahal na kasama habambuhay

Pinoy Slang 2015

Mga Patok na Salita Ngayong Taon

Ayon sa GMA News Online, ngayong 2015 ay maraming salita ang nabuo

at naging bukambibig ng maraming Pilipino lalo na ng mga kabataan. Karamihan

daw sa mga salitang ito ay nagmula sa Internet, partikular sa social media.

Ilan sa mga bagong salita o Pinoy slang na naging bahagi ng pang-araw-

araw ng pakikipagtalastasan ng mga Pilipino ay ang bae, pabebe, beast mode,

ninja moves, walwalan, forever, at iba pa.

#SEMBREAK #tulogtothemax

Siya ay nakahanap ng forever

Page 5: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

3. Bukod sa mga nabanggit, alin sa sumusunod ang mga bagong slang na salita ang madalas na ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan?

a. maganda, pangit, mabait c. bata, matanda, payat

b. junakis, mudrabels, pudrabels d. mabango, mabantot, mabaho

Suriin

Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw

na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa

mga impormal na salita. Ang impormal na salita ay nauuri sa apat.

1. Lalawiganin (Provincialism) - ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita,

bukod sa iba ang bigkas , may kakaiba pang tono ito.

Halimbawa: kaibigan ( Tagalog ), Gayyem (Ilokano), Higala (Cebuano), Amiga (Bikolano)

2. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga

salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay

tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:

Erpat - tatay Tsikot - kotse

Juding - bakla Lispu - pulis

Yosi - sigarilyo

Praning – baliw

3. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw- araw na

pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabul- gar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa: Pormal Kolokyal

Aywan ewan Piyesta pista

Nasaan nasan Tena tara na

4. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika

ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika o mga salitang banyagang walang

salin sa wikang Filipino.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

Page 6: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

____

Iba’t Ibang Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat

1. Pagbabasa at Pananaliksik – Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa

mga libro at iba pang mga materyales na karaniwang matatagpuan sa mga

aklatan o Internet.

2. Obserbasyon – ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa

pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao, o pangkat, at

pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.

3. Pakikipanayam o Interbyu – Magagawa ito sa pamamagitan ng

pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa

paksang hinahanapan ng impormasyon.

4. Pagtatanong o Questioning – Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng

mga katanungang nais masagutan hinggil sa paksa.

5. Pagsulat ng Journal – ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga

mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan.

6. Brainstorming – mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at

katwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang

pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.

7. Pagsasarbey – Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa

isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagpapasagotng questionnaire sa isang

grupo ng mga respondent.

8. Sounding–out Effects – Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang

paglapit sa mga kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho para sa isang

impormal na talakayan hinggil sa paksa.

9. Imersiyon – Ito ay isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o

pakikisalamuhasa isang grupo ng tao.

10. Pag- eeksperimento – Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang

bagay bago sumulat ng akda.

Sanggunian: www.slideshare.net, Jonalyn Taborada

Pagyamanin 10

Gawain A.

Panuto: Ibigay ang iyong tugon sa mga sitwasyong nakatala sa ibaba gamit ang

mga impormal na uri ng salitang nasa loob ng panaklong.

1. Gusto mong makakuwentuhan ang pinsan mong galing sa inyong probinsiya . Paano ka magbubukas ng usapan ninyo? (panlalawigan )

Page 7: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

a. Pinsang Madel, kumusta ang biag natin sa probinsiya?

b. Masaya ang tipar kina Jun kagabi. c. Palitan mo na kasi ‘yang tsekot mo ng tsedeng para hindi kana

nasisiraan. 2. Namamasyal kayo ng lola mong galing sa Amerika at may gusto kang ipabili

sa kanya. Paano mo ito sasabihin? ( banyaga ) a. Wala pa táyong datung, P’re. Sakâ na ‘yan.

b. Kelan kaya matatapos ang palabas sa telebisyon? c. Lola, bilhan mo naman ako ng bagong videotape.

3. May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya kaya kinaibigan mo siya sa iyong facebook, ( balbal )

a. “Hi friend, kumusta kana? Dehins kita nakilala sa profile picture mo ah. b. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan. c. A-atend kaba sa birthday ni Lina?

4. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano ka magtatanong sa mga taong puwede mong hingan ng tulong sa

daan. ( kolokyal ) a. Kasama ni Ana ang kanyaqng erpat sa pagsimba kanina sa simbahan.

b. Ale, puwede po bang magtanong? Nasan po dito sa lugar ninyo ang tirahan ng kaibigan kong si Ellas?

c. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.

Gawain B.

Panuto: Buoin ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

5. _______________________Ito ay ang pagmamasid ng mga bagay-bagay tao, pangkat o

pangyayari at mga katangian na kaugnay sa pangyayari.

6. _______________________ Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.

7. _______________________ Ang pagtatala sa mga mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan.

8. _______________________ay paglalatag ng mga katanungan na nais masagutan hinggil sa paksa.

9. _______________________magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng bagay bago

isulat ng akda. 10. _______________________ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o

pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.

Pagtatanong Pag-eeksperimento Imersiyon

Pagbabasa Obserbasyon pagsusulat ng journal

Page 8: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

_______

Isaisip 10

GAWAIN A.

ILOG NG KAALAMAN

Panuto: Hulihin mula sa ilog ang isdang nagtataglay ng kaalamang natutunan

mo mula sa aralin, at isulat ang salitang nahuli mo sa patlang upang mabuo ang

konsepto ng talata.

di- pormal salita angkop popular

napapanahon balbal

bumuo wika

katumbas Filipino

Nakakatulong ang paggamit ng 1._________na 2. _________sa pag-unawa sa panitikang 3. _________sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang

4.__________at mga salitang walang 5.______________sa wikang Filipino.

GAWAIN B.

Panuto: Hanapin mula sa kahon ang angkop na salita. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Beast mode pinoy slang

Walwalan pakikipagtalastasan

Pabebe bukambibig

Page 9: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

____

Napag-alaman ko rin sa modyul na ito na ang mga 1._____________ na naging bahagi ng ating pang- araw-araw nating 2.________________. Ang mga

halimbawa nito ay ang mga 3. __________, 4._____________ at 5.__________.

Tayahin 10

I – PANUTO: Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_______________1. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago. _______________2. Hanep ang sayá palá talagang mag-aral gamit ang kompyuter.

_______________3. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin. _______________4. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.

_______________5. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni ermat.

II – PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na estratehiya sa pangangalap ng ideya sa

pagsulat ng balita o komentaryo. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Ito ay ang pagmamasid ng mga bagay-bagay, tao, pangkat o pangyayari at mga

katangian na kaugnay sa pangyayari. a. Imersiyon c. pagsarbey

b. Obserbasyon d. brainstorming 7. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionnaire sa isang

grupo ng mga respondent. a. Pagsulat ng Journal c. Pakikipanayam o Interbyu

b. Obserbasyon d. Pagsasarbey

8. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng Pagtatanong o Questioning? a. Ito ay ang paglalatag ng mga katanungan na nais masagutan hinggil sa paksa

b. Ito ay ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan sa isang grupo c. Sa pamamagitan ng pakikipanayam

d. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. 9. Ito ay ang pagtatala sa mga mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan.

a. Sounding – out friends c. Pagsulat ng Journal

b. Pag-eeksperimento d. Imersiyon 10. Ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang

grupo ng tao. a. Imersiyon c. Pagsasarbey

b. Brainstorming d. Obserbasyon

Page 10: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

Karagdagang Gawain

1. Tumbasan ng impormal na salita ang mga sumusunod na salita:

a. Aywan d. kapatid

b. Piyesta e. Pulis c. Ama

2. Sumulat ng isang sariling likhang balita/komentaryo tungkol sa isang pangyayari.

Gamitin ang mga salitang napabilang sa impormal na komunikasyon .

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Balita/Komentaryo

5 4 3 2 1

Nakasusulat ng isang sariling likhang balita/komentaryo tungkol sa isang pangyayari.

Nagagamit ng wasto at angkop ang mga salitang impormal na komunikasyon.

Naimungkahi ang karagdagang impormasyon sa mga hakbang sa pagsulat ng balita.

Maganda o positibo ang balita at nakapagbigay inspirasyon sa iba.

Kabuoang Puntos

5-Napakahusay 2-Di-Mahusay 4-Mahusay 1-Sadyang Di-Mahusay

3-Katamtaman

Page 11: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian: AKLAT:

Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) pahina 350-358; Alma M. Dayag, et al; 2017; Phoenix Publishing House, Inc.

927 Quezon Ave., Quezon City

Pinagyamang Pluma 7 (K to 12) pahina 158-161; Ailene Baisa-Julian, et al; Phoenix Publishing House, Inc.

927 Quezon Ave., Quezon City

INTERNET/WEBSITES:

https://www.slideshare.net/JonalynTaborada/ibat-ibang-estratehiya-ng-pangangalap-ng-impormasyon

https://www.scribd.com/document/441739932/GRADE-8-HAND-OUT-docx

https://www.scribd.com/document/435476770/Filipino-LP-3

BALIKAN

1. C

2. B

3. A

4. A

5. A

ISAISIP

Gawain A.

1. Di- pormal

2. wika

3. popular

4. napapanahon

5. katumbas

Gawain B.

1. Pinoy Slang

2. Pakikipagtal

astasan

3. Pabebe

4. Walwalan

5. beastmode

TAYAHIN

1. kolokyal 6. B

2. balbal 7. D

3. banyaga 8. A

4. lalawiganin 9. C

5. balbal 10. A

PAGYAMANIN

Gawain A.

1. A

2. C

3. A

4. B

Gawain B..

5. obserbasyon

6. pagbabasa

7. pagsulat ng

Journal

8. pagtatanong

9. pag-eeksperimento

10.Imersiyon

TUKLASIN

1. C

2. D

3. B

Page 12: Z P Filipino...c. Agham ng komunikasyon at sistema ng pagkontrol ng kapwa sa makina at buhay d. Tamang kaasalan/ pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet. 2. Mga kabataan

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.