Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at...

107
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Padre Faura Street, Ermita Manila Lalaki’t Pamilya sa Gitna ng Labor Migration ng Babae Isang pag-aaral sa househusbands-ang kanilang pag-agapay, pagtingin kapangyarihan, at pagkalalaki at ang epekto ng mga ito sa pamilya Isang pananaliksik na ipinapasa sa Departamento ng Aghan Panlipunan, Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas Maynila bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng mga rekisitos sa Agham Pampulitika 198 ng kursong Batsilyer sa Sining Agham Pampulitka Dr. Jinky Leilanie del Prado-Lu Dalubguro Ipinasa ni Joanna Marie V. Azarraga 2006-11368 Abril 2010

Transcript of Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at...

Page 1: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining

Padre Faura Street, Ermita Manila

Lalaki’t Pamilya sa Gitna ng Labor Migration ng Babae

Isang pag-aaral sa househusbands-ang kanilang pag-agapay, pagtingin kapangyarihan, at pagkalalaki at ang epekto ng mga ito sa pamilya

Isang pananaliksik na ipinapasa sa Departamento ng Aghan Panlipunan, Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas Maynila bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng mga rekisitos sa

Agham Pampulitika 198 ng kursong Batsilyer sa Sining Agham Pampulitka

Dr. Jinky Leilanie del Prado-Lu Dalubguro

Ipinasa ni Joanna Marie V. Azarraga

2006-11368

Abril 2010

Page 2: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

1

Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Padre Faura, Ermita, Manila

Pagpapatibay

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Lalaki’t Pamilya sa Gitna ng Labor

Migration ng Babae: Isang pag-aaral sa househusbands-ang kanilang pag-agapay, pagtingin kapangyarihan, at pagkalalaki at ang epekto ng mga ito sa pamilya” na inihanda at isinulat ni Joanna Marie V. Azarraga, bilang pagkumpleto sa mga kinakailangan sa Political Science 198: Special Problems in Political Science ay inirerekomenda para sa pagpapatibay.

______________________

Dr. Jinky del Prado-Lu Tagapayo

Ang pananaliksik na ito ay tinanggap at pinagtibay bilang pagkumpleto sa mga rekisitos sa kursong B.A. Political Science.

____________________

Prop. Bernard L. M. Karganilla, MPA

Page 3: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

2

Abstract

Ang pagkakilanlan ng isang tao ay mahalaga sapagat ang mga desisyon, pagtingin, ugali, at aksyon ay nakabatay dito. Ang pamilya na isang proactive na ahente ng sosyalisasyon: binabago at nababago ng sitwasyon ay importante pag-aralan para malaman kung paano nahuhulma ng isang tao ang kanyang pag-iisip nung siya ay bata pa at kung paano ito nababago depende sa konteksto ng kasalukuyang panahon. Ang pamilya, na siyang mahalagang institusyon sa nation-building ay pinapangalagaan din ng pamahalaan. May mga probisyon sa konstitusyon na naglalayon na protektahan ang pamilya mula sa mga salik na maaaring ika-guho nito. Kaya naman ang Labor Migration na naging isang stratehiya ng pamahalaan para sandalan ng ekonomiya, ay nagdudulot ng maraming social costs sa pamilya dahil ang mga pamilya ay hindi naihanda para sa ganitong sitwasyon. Lalo pa itong nadagdagan ng reversal of roles ng nagkaroong ng feminization of labor migration. Ang pagka-iwan ng mga lalaki bilang head ng household ay nagdudulot ng strain at kinalaunan ng reconfiguration sa anyo ng pamilyang Pilipino ngayon. Ang mga lalaki ay nakakaagapay sa pamamagitan ng mga skills na kanilang natutunan noong bata pa sila at sila ay napwersa na rin ng sitwasyon ngayon. Ang kanilang pagtingin sa sarili ay hindi naman maliit, ngunit, nabigyan nila ng kahulugan ang kanilang pagkalalaki sa paraang iba mga 20 taong nakalipas. Ang kanilang pag-agapay sa pamamagitan ng kanilang pagiiba ng pananaw sa isang lalaki, at ang patuloy na pagdali ng communication lines para maibsan ang pangungulila ang pangunahing mga pamamaraan para patuloy na mapatibay ang pamilya, kahit na malayo ang ina.

Page 4: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

3

Talaan ng Nilalaman Pagkilala at Pasasalamat………………………………………………………………... i I. Panimula……………………………………………………………………….... 1

II. Mga Layunin………………………………………………………………..…… 3

III. Rebyu ng Kaugnay na Literatura ……………………………………...……….. 4

IV. Teoryang Balangkas sa Pagsusuri………………………………………………. 16

V. Konseptong Balangkas sa Pagsusuri….……………………………………… 19

VI. Metodolohiya a. Metodolohiya sa pagkalap ng datos …………………………………… 20

b. Metodolohiya sa Pag-analisa ng datos ………………………………… 23

VII. Etika……………………………………………………………...……………. 24

VIII. Presentasyon ng Datos …………………………………………………… ….... 26

IX. Analyses ng Datos …………………………………………………………….. 51

X. Paglalagom………………………………………………………………… …. 70

XI. Rekomendasyon………………………………………………………………… 71 Batis………………………………………………………………………………………… ……. 72

Page 5: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

4

Apendiks Pigura at Talahanayan

Pigura 1: Porsyento ng Babae sa Lalaking OFW, bagong tanggap base sa top ten

occupational skills, 2005-2008………………………………………………………….

9

Pigura 2: Porsyento ng Babae sa Lalaking OFW, bagong tanggap base sa top ten

occupational skills, 1998-2002………………………………………………………….

10

Talahanayan 1: Dami ng babaeng umaalis ng bansa para magtrabaho*, 2008………… 8

Talahanayan 2: Distribusyon ng Edad ng mga househusband (n=30)…………………. 26

Talahanayan 3: Bilang ng anak ng mga househusband (n=30)………………………… 27

Talahanayan 4: Distribusyon na nagpapakita ng antas ng pinag-aralan ng

househusband…………………………………………………………………………... 27

Talahanayan 5: Estado ng hanapbuhay ng mga househusband……………………...… 28

Talahanayan 6: Distribusyon ng Trabaho ng Asawa sa ibang bansa…………………... 28

Talahanayan 7: Distribusyon ng Organisasyong Kinabibilangan ng househusband 29

Talahanayan 7.1: Distribusyon na nagpapakita ng Bisyo o Kinahihilgan ng mga

househusband……………………………………………………………………….…... 29

Talahanayan 8: Distribusyon na nagpapakita kung ang pagdedesisyon ay giangawa

bilang isang joint decision……………………………………………………………….. 30

Talahanayan 9: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng househusband na may

kasambahay at ang mga gawain nito…………………………………………………... 30

Talahanayan 10: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng househusbands na

gumagawa ng gawaing bahay………………………………………………………..…. 31

Talahanayan 11: Distribusyon na nagpapakita ng positibong pananaw sa terminong

househusband…………………………………………………………………………… 31

Talahanayan 12: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng lalaki na naniniwala

na may gawaing pambabae at panlalaki………………………………………………… 32

Talahanayan 13: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng lalaking naniniwala na

dapat gumawa ng gawaing pambahay ang lalaki…………………………………..…… 32

Page 6: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

5

Talahanayan 14: Distribusyon ng mga gawaing tinitignan ng househusband bilang

gampaning pwedeng gawin ng lalaki……………………………………………………

34

Talahanayan 15: Distribusyon ng mga gawaing tinitignan ng househusband bilang

katanggap-tanggap sa lipunan…………………………………………………………... 35

Talahanayan 16: Distribusyon ng mga lalaki na may negatibong impresyon sa

paggawa gawaing pambabae…………………………………………………………… 36

Talahanayan 17: Distribusyon ng househusbands na sumagot kung

katanggap-tanngap ba sa lipunan ang paggawa ng gawaing pambabae………………… 36

Talahanayan 18: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na naniniwala na ang

pagiging breadwinner ay gawaing panlalaki……………………………………………. 37

Talahanayan 19: Distribusyon na nagpapakita ng sagot ng househusbands sa joint

decision-making ng pag-alis ng asawang babae sa ibang bansa………………………… 37

Talahanayan 20: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing positibo

ang impresyon sa pag-alis ng babae sa ibang bansa………………………………….… 38

Talahanayan 21: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing positibo

ang impresyon sa pag-alis ng babaeng may-asawa………………………………….….. 39

Talahanayan 22: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing mas

makapangyarihan na ang babae…………………………………………………….…… 39

Talahanayan 23: Distribusyon na nagpapakita ng mga epekto ng Pag-alis ng asawa sa

househusband at pamilya……………………………………………………………….. 40

Talahanayan 24: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing dapat

nangingibambasa ang babae para magtrabaho………………………………………….. 40

Talahanayan 25: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing dapat

tulungan ng gobyerno ang pamilyang naiwan…………………………………………… 41

Talahanayan 26: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing may

assistance na narinig mula sa OWWA…………………………………………………… 41

Talahanayan 27: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing hindi

sapat ang ginagawa ng OWWA sa Pamilya……………………………………………… 42

Talahanayan 28: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing sapat

ang ginagawa ng pamahalaan para sa OFWs…………………………………………...

42

Talahanayan 29: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing 42

Page 7: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

6

nararamdaman nila ang polisiya para sa OFW………………………………………….

Talahanayan 30: Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing

nararamdaman nila ang polisiya ng pamahalaan para sa pamilya……………………… 43

Page 8: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

7

Pagkilala at Pasasalamat

Unang-una, nagpapasalamat ako sa aking pamilya sa kanilang pag-intindi sa mga mood swing

ko kapag ako’y nagsusungit dahil nagkakaroon ng aberya ang aking thesis. Sa aking ama, ina at

kapatid na walang sawa ang kanilang suporta na matapos ko ito sa oras.

Pangalawa, sa aking mga kaibigan ko sa UP: ang G8- Allan, Eka, Marianne, Patrick, Queng,

Sam, Sassy at sa blockmates kong sina Nadine, Yani, Iji, James, Shiela, Aza. Grabe, matatapos

na rin ang lahat. Salamat.

Salamat sa Nerds, na nandiyan sa mga masasayang araw at sa hindi pagrereklamo sa matagal na

panahong hindi nagkakausap.

Salamat kay Prop. Castillo, Prop. Tuazon, Prop. Ponsaran sa kanilang mga inspiring words na

kahit toxic ay tinutulak pa rin nila kami para gawin ang lahat ng mahusay.

Salamat sa mga pagkakamaling itinuturing kong hamon dahil nagkakaroon ako ng adrenaline

rush para tapusin ang pag-aaral na ito.

Sa mga bagong kaibigan, ka-ibigan at kung anu-ano pang mga relationship na hindi mabigyan

ng label. Ako’y nagagalak.

At sa iyo, Batman. Salamat. Palagi mo na lang ako sinasalo. ☺

Page 9: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

8

I. Panimula Isang masaklap na topic ang gender para pag-aralan sapagkat maraming nagtutunggaling teorya

ang nailathala ukol dito. Ngunit, isa itong interesanteng paksa sapagkat hindi ito hiwalay sa

karanasan ng tao. Ako, sa pag-aaral na ito, marami akong natutunan at napagtanto sa aking sarili.

Ang pag-aaral ay naging isang paglalakbay hindi lamang sa pag-alam ng kaalaman ukol sa paksa

kundi sa pagtuklas ng sarili kong mga paniniwala, biases o minsan, prejudice.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagkakakilanlan ng kalalakihan, o sa mas ispesipikong

pagtalakay, ay pagkalalaki ng mga pamilyado at may asawa nang kalalakihan. Itong mga

kalalakihan na ito ay hindi pangkaraniwan sapagkat sila ay tinuturing na househusbands o mga

lalaki na gumaganap ng gawaing naturingang pambabae.

Ang pag-aral sa pagkalalaki ay hindi hiwalay sa peministang pag-aaral sapagkat ang pagtingin sa

babae, ayon sa patriyarkiya, ay nakabase sa umiiral na pagtingin ng lalaki. Sa gender, hindi

hiwalay ang pag-aaral ng babae sa lalaki. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng lalaki ay mas

magkakaroon ako ng pag-intindi sa mundong ginagalawan ng babae sa lipunan.

Ang pagkuha ng gawaing pambabae ng kalalakihan ay dulot ng peminisasyon ng paggawa na

siyang epekto ng isang offshoot ng globalisasyon: ang labor migration. Maraming babae ngayon

ang umaalis ng bansa para magtrabaho. Kailangan nilang iwanan ang kanilang pamilya

pansamantala para makaahon sa kahirapan. Itong kanilang pag-alis ay may epekto sa pamilyang

Pilipino na nakakaapekto naman sa uri ng lipunan na mayroon tayo ngayon.

Page 10: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

9

Ang pag-aaral na ito ay binibgyan-diin ang pamilya bilang isang importanteng institusyon ng

lipunan. Ang pagrereprodus ng pagkalalaki sa pamamagitan ng pamilya na siyang tinuturing na

political site ay isang importanteng tema ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng sosyalisasyon

mula sa pamilya, nabubuo ng isang lalaki ang kanyang pagtingin sa kanyang sarili. At ito ay may

impact sa pagdedesisyon na isang importanteng aspeto ng buhay pampulitika ng isang tao.

Page 11: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

10

II. Mga Layunin ng Pag-aaral General

1. Upang malaman ang impact ng labor migration ng mga asawang babae sa pagkalalaki ng

househusbands.

Ispesipiko

I. Upang malaman kung paano nakakaagapay ang mga househusbands sa pagbabago ng

kanilang gampanin sa pamilya.

II. Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

III. Upang malaman ang kabuuang tingin ng househusband sa migrasyon ng asawang babae.

IV. Upang malaman kung may mga programa ba ang gobyerno ukol sa migrasyon na

enabling sa pag-agapay ng pamilya sa pagbabagong dinaranas nila.

Page 12: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

11

III. Rebyu ng Kaugnay na Literatura Pinagmulan ng Pamilya

Maraming pag-aaral na ang tumatalakay sa kahalagaan ng pamilya sapagkat malaki ang papel na

ginagampanan nito sa lipunan, sa pag-papapanitli ng mga kaugalian at pagbuo ng pag-iisip ng

isang tao. (Mendez, et. Al, 1984; Go, 1993; Medina, 2001). Tinuturing pa nga ito na isang

batayang institusyon na kailangan sa pagbuo ng lipunan. (Mendez, et. Al, 1984). Ang ama ay

inaasahang maghanapbuhay para sa pamilya at ang ina naman ang tagapamahala sa bahay –

gawaing bahay at pagaalaga ng anak. Itong tradisyonal na paghahati sa paggawa sa loob ng

pamilya ay nakaugat sa paghahati ng paggawa na galing kay Engels (1972). Ayon sa kanya,

itong paghahati kung saan ang babae ay ang namamahala sa loob ng bahay at ang lalaki ang

naghahanapbuhay ay naka-ugat sa pagbabago ng lipunan – mula sa pagbabago ng pinagkukunan

ng yaman. Noong panahon ng barbarismo, ang primitibong komunismo ang sistemang umiiral.

Sa panahong iyon, hindi napasasailalim ng kalalakihan ang estado ng mga babae bilang

tagapamahala ng tahanan or communistic housekeeping bagkus ay tinitingala pa ito at

nirerespeto. Ngunit, nang nagsimulang gumuho ang sistemang ito buhat nang magpalit ng

sistemang pang-ekonomiya, nabuwag na rin ang mataas na estado at pagtingin sa mga babae. Sa

panahong ito, nagkaroon ng mas mataas na posisyon at kapangyarihan ang kalalakihan dahil sa

pagusbong ng kanilang kayamanan mula sa pag-aalaga ng hayop at gawaing nangangailangan ng

pisikal na lakas at pagkakaroon ng pribadong pag-aari. Ang kapangyarihang ito ay nagdulot ng

pagsasantabi sa kalagayan ng kababaihan at pagliit ng pagtingin sa gawaing pambahay. Naglaon,

ang mga babae ay instrumento na lamang ng pagpaparami ng tagapagmana ng lalaki at ng lahi.

Itong unang pagkakahati ng gawain sa loob ng pamilya ay nagpapakita ng relasyon ng

Page 13: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

12

kapangyarihan at kung gano kaliit ang pagpapahalaga sa domestic labor. Sa ganitong paraan, ang

pamilya ay nagiging isang mapanupil na institusyon kung saan ang ideolohiyang umiiral ay ang

patriarkiya. (Roesch, 2004)

Ngunit, ano ang mangyayari kapag nangibangbansa ang ina at naiwan sa bahay ang ama?

Migrasyon: Isang sibol ng Globalisyon

Ang globalisasyon ay isang phenomena na tumutukoy sa iba’t-ibang proseso kung saan

nauugnay ang iba’t ibang bansa at istruktura sa iba’t-ibang aspeto: cultural, pulitikal o pang-

ekonomiya. Maraming mga bansa ang nagtutulak nito sa paniniwala na magdudulot ito ng

kaunlaran. (CADI n.d.) Ngunit, ang dala lang nito ay ang di-pantay na pagunlad kung saan ang

mahihirap na bansa na siyang nagsusuplay ng hilaw na materyales sa mayayamang bansa ay

lalong nasasadlak sa kahirapan. Itong kahirapan na ito ang nagtulak para sa maraming tao para

umalis ng kanilang mga bansa para humanap ng mapagkakakitaan sa mas nakakaangat na bansa.

(Capistrano, Sta. Maria, 2007)

Ang migrasyon, o ang paglipat ng lugar ng tao ay isang lumang phenomenon. Ang ating mga

ninuno ay matagal nang gumagalaw galing sa isang lugar patungo sa susunod para maghanap ng

mas magandang tirahan para sa kanilang komunidad o tribo. Ang pagkalat ng tao sa mundo ay

dahil sa penomenang ito. Sa Pilipinas, ang unang nakilalang migrante ay ang alipin ni Magellan

na si Enrique na nakapaglakbay patungong Acapulco. Maraming Pilipinong mandaragat na

nagtratrabaho sa kalakalang galyon ang nakarating sa ibayong dagat. Noong panahon ng

“assimilation” ng Estados Unidos, tumaas ang bilang ng mga migranteng Pilipino dahil

Page 14: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

13

karamihan sa kanila ay ipinapadala bilang iskolar sa Estados Unidos. (Butalid, 2002). Mas

umigting naman ang migrasyon noong 1970s dahil sa panahong iyon, maraming bansa ang

nagsisimula nang mag-industriyalisa tulad ng Middle East, India at ang Global North.

Malawakang brain drain ang naganap sa panahong ito, kung saan maraming propesyonal ang

umaalis ng bansa bilang mga health professional sa US at construction workers at inhinyero

naman sa Middle East. Itong migrasyong ito ay lalo pang itinulak ng isang batas sa Estados

Unidos na siyang nagpapadali ng pagpasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa para magtrabaho

at doon na lumagi. Isa pang dahilan ng brain drain na ito ay ang diktadurya noong panahon ni

Marcos dahil lalong naghirap ang kondisyon ng mga Pilipino sa ilalim ng kanyang pamumuNo.

(Alburo, Abella 2002) (Butalid, 2002)

Sinasabi na kung titignan sa kabuuan, ang migrasyon o mas ispesipiko, ang labor migration ay

isa sa ginagamit na paraan ng gobyerno bilang sandalan ng ekonomiya ng bansa sa kadahilanang

ito ay magdudulot ng maganda para sa ekonomiya ng bansa. (Pinoy Press, 2008) Sa kabuuan,

mga push at pull actors tulad ng kultura, estado sa buhay at lagay ng bansa ang mga dahilan kung

bakit umaalis ang tao sa kanyang bansa tulad ng pagbuti ng kalagayang pinansyal. (Le Espiritu,

2005; Kingma, 2006; Reyes, 2008) Sa Pilipinas, ang hindi maresolbang problema sa kawalan ng

sapat na trabaho, kahirapan at limitadong pagkakaton sa pagunlad ay mga dahilan sa kanilang

paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. (Capistrano, Sta. Maria, 2007)

Feminization ng Paggawa at Labor Migration

May 1.7 milyong Pilipino base sa 2007 survey ng National Statistics Office (NSO) ang mga

kontraktwal na manggagawa sa iba’t-ibang kapasidad tulad ng mga guro, manggagawa sa

Page 15: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

14

konstruksyon, pagawaan, transportasyon, maritime, business administration, domestic worker,

medical professionals atbp. (NSO 2009) Sa 1.7 milyong ito, may 850,000 na mga babaeng

manggagawa. (NSO 2009) Sa kabuuan, tinatayang mahigit kalahati na manggagawa sa mundo ay

babae. Sa Pilipinas, 93.5 na porsyento ng buong labor force na may trabaho ay babae kumpara sa

93.0 porsyento na lalaki. Kung susuriin ang mga statistikang iprinesente, makikita maraming

babae ang natatanggap sa trabaho kumpara sa lalaki. Itong pormang ito ay tinatawag na

feminization of labor migration. Mapapansin din ang uri ng trabaho na may pagtaas ng demand.

Domestic work, at health-related work ang nangunguna sa pagkuha ng mga Pilipinong

manggagawa. Ang ganitong klaseng shift mula sa construction/manufacturing papunta sa

services na may anyong domestic ay tinatawag na feminization of labor. Sinasabi ng mga

konseptong ito na gendered ang ugnayang paggawa, at ito ay hindi lang isang lokal na

pangyayari bagkus isang malawakang kaganapan sa buong mundo na siyang nakakaapekto sa

estado ng babae. (UN INSTRAW, 2007)

Kung susuriin ang pattern ng pag-alis ng mga migranteng Pilipino at ng uri nang trabahong

kanyang ginagampanan, makikita na may shift papunta sa domestic o health care-related work.

Page 16: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

15

Tal 1 : Dami ng babaeng umaalis ng bansa para magtrabaho*, 2008

*hinango mula sa POEA

Makikita sa Table 1 na may 163, 338 na babaeng bagong tanggap noong 2008, at limapung

porsyento ng kabuuang bagong tanggap na OFW sa ibang bansa ay mga household service

workers. Mapapansin din na ang may pinakamalaking porsyento ng kontribusyon sa kabuuang

bagong tanggap na OFW sa ibang bansa ay may kaaunyang domestic, kung saan mas maraming

babae ang gumaganap. Pansinin ang top 5 kung saan, hotel-related services, charworkers,

cleaners and related workers at sa health services nagmula ang karamihan sa manggagawang

bagong tanggap.

Page 17: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

16

Kaakibat ng pagbabago sa anyo ng trabaho sa merkado ay ang dami ng babaeng umaalis ng

bansa.

Pigura 1: Porsyento ng Babae sa Lalaking OFW, bagong tanggap base sa top ten

occupational skills, 2005-2008

Taon

Mga datos ay kinuha mula sa POEA at pinagsamasama.

Sa Pig. 1 sa itaas makikita na may mataas na porsyento ng babae kumpara sa lalaki ang

nangingibambansa. Noong 2005, naitala ang pinakamataas na porsyento ng babaeng

manggagawa laban sa lalaki. Sa panahong ito, ay may higit na pagdami ng domestic workers

kaysa sa iba pang trabaho. Ang pagbaba ng antas ng mga bagong tanggap noong 2007 at 2008 ay

bunsod na rin ng global financial crisis kung saan maraming mga kumpanya mula sa service

sector ang nagtanggal.

porsyento

Page 18: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

17

Ngunit, itong phenomenon na ito ay hindi lang nagsimula noong 2000, kung hindi, noong 1990s

pa.

Pigura 2: Porsyento ng Babae sa Lalaking OFW, bagong tanggap base sa top ten

occupational skills, 1998-2002

Taon

Mga datos ay kinuha mula sa POEA at pinagsamasama.

Sa Pig. 2 makikita naman ang patuloy na pagtaas ng porsyento ng kababaihan kumpara sa

kalalakihan. Ito ay buhat na nga sa pagusbong ng demand para sa sambahayan at health-related

services.

porsyento

Page 19: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

18

Ang pag-alis ng babaeng manggagawa na maaring may mga pamilya’t anak sa bansa ay may

kaakibat na implikasyon para sa pamilyang Pilipino.

Social Costs ng Migrasyon

Bagamat tinatayang makabubuti ang pag-alis sa bansa ng kababaihan, sa kabuuan, may social

costs itong kaakibat na nakakaapekto sa uri ng lipunan at sa kalidad ng pamumuhay ng mga

Pilipino. Isa sa social cost ng migrasyon ay ang pagkakasira ng pamilya dahil sa mga epekto

tulad ng kalungkutan, pambabae etc. (Eviota, 1992; Le Espiritu, 2005; Banico, 2005) Bukod sa

social costs na nakakadagdag sa pasanin ng pamilya, ang pagpapalit ng gampanin o role-reversal

ay siyang humahamon sa tradisyonal na paghahati ng gawain sa pamilya dahil sa stress na

idinudulot nito dito.(Le Espiritu, 2005; Ellerman, 2005) Ang pag-alis ng asawang babae sa ibang

bansa ay nagsasabi na sinasalo niya ang gampanin bilang breadwinner at ang asawang lalaki ang

tumatayong puHinding tagapamahala ng bahay at tagapag-alaga sa anak. Ayon sa isang pag-

aaral ng Scalabrini (2008) magkaiba ang epekto ng pagpapalit ng gampanin sa babae at lalaking

mag-asawa. Kapag lalaki ang umalis ng bansa, mas lumalaki ang pasanin ng mga babae sapagkat

sila ay parehas gumaganap ng papel bilang ama’t ina sa mga anak. Pero kapag babae ang umalis

ng bansa, mas mahirap ang pinagdadaanan ng pamilya sapagkat malaking pagbabago ang

tumatambad dito. Pinangangahulugan lamang nito na may mas malaking bigat sa pamilya ang

gampaning pambabae kaysa sa panglalake. Sinasabi rin na sa pag-alis ng babae, hindi kaagad

nakakasabay sa pagbabago ang kalalakihan at hindi nila kaagad napapangatawanan ang bagong

gampaning epekto ng pag-alis ng kanilang asawa. Ngunit, hindi sa lahat ng bagay, ganito ang

kaso. May mga lalake na hindi nagiging problema ang pagpapalit ng gampanin. Sa isang pag-

Page 20: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

19

aaral ng piling mga househusband sa Ilocos, may ilang kapanayam na nagsasabing walang

problema sa kanila ang pag-gawa ng gawaing tinuturing na pambabae tulad ng gawaing-bahay at

pag-aalaga ng anak. Sinasabi na Hindiong sila ay bata pa, sinanay na sila sa gawaing-bahay ng

kanilang mga magulang. (Pingol, 2001) Isang thesis patungkol sa mga househusband ang

nagsasabing hindi sila nahirapan sa kanilang bagong gampanin. Ang mga househusband na ito ay

dating may mga trabaho at napilitan lang huminto dahil sa kawalan ng pagkakataon. Sa sampung

househusbands na kanyang nakapanayam, 3 lang doon ang nahirapan sa simula sa pagiging

househusbands. Sila rin ay may pinag-aralan at nasa upper middle class. (Santos, 2008)1

Kung gayon, ang impact ng pag-alis ng asawang babae sa pagkalalaki ng asawang lalaki ay may

malalim na implikasyon dahil naaapektuhan nito ang pamilya na siyang importanteng institusyon

sa pagkakaroon ng ideya sa pagkakakilanlan ng isang tao na siya namang nakakaapekto sa

desisyong ginagawa nito sa lipunan.

Importante ang pagkakaroon ng pagkakilanlan sa pagkalalaki o pagkababae ng isang tao lalo na

ng mag-asawa sa pamilya dahil ang pamilya ay isang mahalagang institusyon na nakakaapekto

sa sosyalisasyon ng isang bata para magkaroon ng pagkakilanlan o identidad. (Medina, 2001)

Ang role at ang sukat ng pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay unang nakukuha sa pamilya

sa pamamagitan ng reproduction ng konsepto ng magulang sa kung aHindi ba ang pagkalalaki at

pagkababae. (Medina, 2001) Ang papel na ito na siyang nakukuha mula sa pamilya ay

importante dahil ang nabuong konsepto ng kanilang papel ay siyang repleksyon ng kanilang

1 Ang mga asawa ng househusbands na ito ay hindi manggagawa sa labas ng bansa.

Page 21: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

20

magiging desisyon o choices (Grieshaber, 1998) na isang parte ng pampulitikang partisipasyon at

sosyalisasyon ng isang tao at repleksyon ng ugnayan o estado ng kapangyarihan. (Axford, 1997)

Papel ng gobyerno ukol sa kapakanan ng Pamilyang Pilipino

Kaya naman pinapahalagahan ng estado ang pamilya dahil sa papel nito sa lipunan at nation-

building. Ang kahalagahan ng pamilya ay pinagbibigyan-diin ng 1987 Saligang Batas sa

Artikulo II section 12, kung saan inilalahad ng gobyerno bilang isang state policy ang

pangangalaga at pagpapatibay sa pamilya at ito pa ay naging mas detalyado pa sa Article XV.

(1987 Philippine Constitution). Ukol naman sa labor migration, ang RA 8042 or Migrant

Workers Act of 1995 ay isang importanteng dokumento na naglalaman ng katungkulan ng

gobyerno sa pagsusulong ng kapakanan ng migranteng Pilipino at ang paniniguro ng kanilang

kaligtasan. Dito rin makikita ang mekanismong ginawa para maipatupad ang mga polisiyang

nakasaad dito, tulad ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at Overseas Welfare

Workers Adminsitration (OWWA). Ang POEA ay may regulatory capacity. Ito ang may talaan

ng mga OFWs na lumalabas at pumapasok ng bansa. Ang POEA din ang may katungkulan na

pamunuan ang pagmomonitor ng mga recruitment agencies at siyang naglalaan ng guidelines at

lisensya na kaalinsabay nito. Ang OWWA naman, base sa kanyang pangalan, ang may

primaryang mandato para protektahan ang kapakanan ng migrante at ang dependents at pamilya

nito. Ito ay membership-based, ibig sabihin, nagbibigay ito ng serbisyo kung ikaw ay miyembro

nito. Ang pagiging miyembro ay optional at may kaakibat na kabayaran na 25$ bawat kontrata.

Ngunit, mraming bumabatikos sa mga institusyong ito. Una, ang kakulangan ng POEA bilang

isang regulatory capacity, pangalawa, ang hindi episyenteng pagpapatupad ng mga polisiya nito.

At pangatlo, ang kakulangan ng maraming programa na ito para matiyak ang kaligtasan ng

Page 22: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

21

migranteng manggagawa sa ibang bansa. (Candazo, n.d; COA, 2007) Bukod pa ito, sa mga

batikos ng maraming nongovernmental organizations sa OWWA dahil sa maraming kakulangan

nito, bukod pa dito ang mga pulitikal na batikos.

Sa isang maiksing panayam sa pinuno ng isang NGO ukol sa labor migration, na si Connie

Bragas-Regalado, sinasabi na hindi genuine ang mga programa ng gobyerno para sa OFW. Hindi

bumalbalik sa serbisyo ang perang ibinabayad kada-taon sa POEA at ang OWWA, bilang isang

membership-based na organisasyon, ay hindi napagsisilbihan ng tunay ang mga dependents nito.

Malaki ang pagkukulang ng mga institusyon na ito sa pagseguro ng kaligtasan ng migrante at

mas lalo pang walang kapakinabangan, kung mayroon mang kakaunti, ang mga pamilya ng

migrante. Sinasabi na sinasandalan ng pamhalaan ang remittances kaya layunin nitong kumita ng

kumita, parang isang negosyo.

Kaya naman ang dalawang institusyon na ito na itinalaga ng pamhalaan na mamahala sa

kapakanann ng OFW at ng pamilya nito ay isa ring importanteng variable para tignan kung

paano nakakaagapay ang pamilyang Pilipino, lalo na ang mga househusbands na sa

pansamantalang paglisan ng kanilang asawa para magtrabaho sa ibang bansa, ay kumakaharap

ng mga hamon sa pagpapalit-gampanin at ng kanilang sariling pagtingin sa sarili, sa asawa, sa

pamilya, at sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang pagtalakay sa pamilya bilang isang gendered institution at pagbibigay ng importansya dito

ay hindi pagsasawalang-bahala sa ibang ahente ng sosyalisasyon tulad ng simbahan, media,

edukasyon atbp. Hindi rin layunin na i-downplay ang maaaring epekto ng antas ng pinag-aralan

Page 23: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

22

at ang antas ng pamumuhay sa pagtingin sa pagkalalaki, kundi, pagbibigay-diin lamang sa papel

na ginagampanan ng pamilya, kung saan ang gampaning papel base sa pagkakakilalan, sa

sosyalisasyon ng isang tao ay naapektuhan at binubuo nito.

Page 24: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

23

IV. Teoryang Balangkas sa Pagsusuri Ang pagkalalaki o sa ingles ay masculinity ay may maraming pakahulugan. Sa simpleng

pangangahulugan, ito ay mga lipon ng mga katangian, ugali, o papel na inuugnay sa kalalakihan.

Sa isang pagaaral tungkol sa seks sa pagitan ng piling mag-asawa sa Luzon ,Visayas at

Mindanao, tinukoy ang ugaling pagkahilig sa seks, pagiging matikas at pagiging breadwinner

bilang katangian ng isang asawang lalaki. (Dalisay, 1996)

Sa Pilipinas, kahit na maituturing na moderno na ang panahon ngayon, hindi pa rin nawawala

ang tradisyunal na hatian ng paggawa kung saan ang papel ng asawang lalaki ay mas nabibigyan

ng halaga. Ito ay nakabase sa isang hatian na nagbibigay ng justification sa patriyarkal na

sistema kung saan ang papel ng lalaki ay tinitingala at ang papel ng babae bilang tagapamahala

sa tahanan ay minamaliit (Engels, 1972). Itong ganitong sistema ay nakapaloob at patuloy na

naipapasa sa loob ng pamilya. Ang pamilya, na tinuturing na political sites ni Griesharber (1998)

ay institusyon kung saan bawat desisyon, diskurso, at batas na nagagawa sa loob nito ay

kinakakitaan ng relasyon o ugnayan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga miyembro nito. Kung

gayon, ang patriyarkiya na kinakakitaan sa pamilyang Pilipino ay patuloy na naipapasa sa bawat

miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng sosyalisasyon na nagiging katangian din ng sistema

sapagkat pinangahulugan ang pamilya bilang isang rekisito sa pagbuo ng lipunang Pilipino.

Ang proseso ng pagbuo ng kahulugan, pagtingin sa katotohanan at pag-aaral sa tao ay sa

pamamagitan ng patuloy na interaksyon ng tao at hindi nakabatay sa esensyal na katangiang

tinitignan bilang natural at permanente na sa tao (Berger and Luckmann 1966). Ibig sabihin nito

ay hindi mapapakahulugan ang isang tao at ang kanyang gawain nang nakahiwalay sa

Page 25: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

24

kontekstong kinapapalooban niya kung saan ang kanyang pagkatao ay nabuo o nahulma (Berger

and Luckmann, 1966; Howard and Hollander, 1997) at ang tinatawag na “social order” ay

tinuturing na produkto lamang ng gawain ng tao. (Berger and Luckmann, 1966).

Kung gayon, ang proseso ng sosyalisasyon kung saan nahuhulma ang pag-isip, damdamin, at

identidad ng isang tao ay mahalaga para maintindihan ko kung ano at paano nabubuo ang

konsepto ng pagkalalaki ng mga househusband. Ang pamilya, na isang ahente ng sosyalisasyon

ay titignan bilang area o lokus ng proseso ng sosyalisasyon. Interestante rin malaman ang

maaaring epekto ng ng antas ng kabuhayan at pinag-aralan sa pagtingin ng househusband sa

kaniyang pagkalalaki.

Pagpapalit-gampanin

Ang pagpapalit ng gawain o reversal of roles na humahamon sa mga nakasanayan at naitaguyod

ng mga pagtingin sa pagkalalaki o pagkababae ng isang tao. Ang pagkuha ng mga lalaki sa

naturingang pambabaeng gawain na naiwan ng asawang umalis ng bansa na bunga ng

peminisasyon ng paggawa, ay humahamon sa kanilang pagtingin sa kanilang pagkalalaki na siya

nilang nabuo at nakuha sa pamamagitan ng sosyalisasyon. Ang pag-alis ng asawang babae sa

ibang bansa na nagdudulot ng role-reversal at sinasabing may negatibong epekto sa lalaki at sa

pamilya ay maaaring makaapekto sa konsepto ng mga househusband ng kanilang pagkalalaki.

Ang konsepto ng kanilang pagkalalaki o pagkakakilanlan na siyang nabubuo sa loob ng

patriyarkal na pamilya sa pamamagitan ng sosyalisasyon ay magbibigay ng impormasyon sa

kasalukuyang ugnayan ng kapangyarihan sa lipunan dahil ang patriyarkiya, o sa literal na

Page 26: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

25

pangangahulugan ay ang paghahari ng ama, ay isang sistema ng male domination kung saan ang

babae ay tinuturing na napasailalim ng kapangyarihan ng mga lalaki (Coward, 1972), na

tumatagos sa buhay pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan na aspeto ng buhay ng mga tao.

(Rosaldo, 1974)

Kung gayon, hindi magiging hiwalay ang ideya ng power relations at patriyarkiya sa pagaaral na

ito ukol sa pagtingin ng househusbands sa kanilang pagkalalaki.

Page 27: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

26

Page 28: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

27

V. Metodolohiya

A. Para sa Pagkalap ng Datos

Disenyo ng Pag-aaral

Ito ay isang kalitatibong pag-aaral tungkol sa mga househusband: ang kanilang pagkakakilanlan,

pagkalalaki- ang pagbuo nito mula sa pamilya, at ang hamon dulot ng role-reversal mula sa pag-

alis ng kanilang asawa para magtrabaho sa ibang bansa dito. Mula sa paggamit ng kalitatibo at

kantitabong pamamaraan ng pagkuha ng datos, bubuuin ko ang isang larawan ng sitwasyon ng

househusbands.

May dalawang parte ang pag-aaral na ito. Ang una ay ang case study na siyang disenyo na aking

gagamitin ay ginagamit sa mga pag-aaral na lumalayong sagutin ang mga tanong na paano, sino

at bakit. Gamit ang ganitong disenyo, ang impormasyon na maaraming may hayag o di-hayag na

signipikong kahulugan mula sa karanasan sa buhay ng respondents ay hindi maisasantabi.

(Burns, 2000) Ang isa naman ay ang survey para sa paglalarawan ng profile ng hosuehusbands.

Ang metodolohiyang aking ginamit sa case study na ito ay survey at Key-Informant Interview o

KII. Ang survey ay ginamit upang bigyan ng mas malawig na larawan ang mga househusbands.

Ngunit ang survey na ito ay descriptive lamang at hindi generalizable. Isa ring basehan ang

survey sa pagpili ng cases para sa pag-aaral na ito. Ang KII naman ay aking ginamit dahil ang

ganitong metodolohiya ay nangangahulugan na ang datos na aking makakalap ay impormasyon

mula sa mga ekspert o dalubhasa. Dahil ang datos na kailangan kong makalap ay highly

contextual at kinakaylangan ng masusing paguusig, kailangan kong gamitin ang KII dahil aking

Page 29: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

28

malalaman ang mga karanasan, pananaw at paniniwala na hindi ko makukuha sa isang structured

interview o survey. Ito ay naglalayong magpaliwanag o magbigay interpretasyon sa isang isyu.

(Crabtree, Miller, 1999)

Sampling

Gamit ang criterion sampling, ang aking magiging panayam o Case study ay mga househusbands

na maaaring earning o non-earning. Ang Cases ay mapipili depende sa karanasan at sagot ng

mga househusband sa sarbey na aking ibinigay.

Target Population

Ang aking target population ay ang mga househusband na ang mga asawa ay OFW.

Sample Population

30 na respondents kung saan ang sagot sa sarbey ang pagbabasehan ng aking mga Cases na aking

kakapanayamin. Ito ang magsisiguro na magiging iba-iba ang karanasan ng mga househusbands

at siyang magbibigay ng iba’t ibang kwento ng kanilang buhay.

Gumamit ako ng tape recorder at ng note taking bilang gamit sa pagkalap ng datos sa Cases.

Page 30: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

29

Talahanayan sa Pagkalap ng Datos, Paraan ng pagkuha at Pagkukunan.

(random order)

Data Sets Sources Methods Pananaw ng lalaki

• Papel bilang ama • Papel bilang asawa • Pagkalalaki • Babae

• Gampanin, Tungkulin

• Relasyon o Pagsasama ng mag-asawa

• Househusbands

KII, Survey

Ang talahanayan sa itaas ang naglalaman ng datos na aking kinalap mula sa aking respondents,

ang mga househusband at ang paraan na ginamit ko, ang survey para sa preliminaryang datos at

KII para sa mga cases na napili na magbibigay ng mas malalim pang kaalaman.

Lahat ng househusbands ay binigyan ng sarbey bago ako pumili ng Cases. May isang

pagkakataon na hindi ako gumamit ng tape recorder at nag note taking na lang. May iba na

sumang-ayon na lang na makapanayam nang hindi pinipirmahan ang Prior Informed Consent

form ngunit sila ay pinagbigyan alam ko ng maaaring itanong sa KII.

Page 31: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

30

B. Para sa Pag-analisa ng Datos

Pagkatapos ng transcription ng datos mula sa tape recorder, sinimulan na ang case analysis ng

mga datos mula sa case studies. Tinipon ko muna ang aking case data kung saan ito’y

naglalaman ng panayam at ang binuo kong life histories na dulog ko sa pag-analisa ng datos.

Para sa mas maayos at organisadong datos, ako’y gumawa ng case record. Importante ang case

record sa aking pag-aaral dahil sa kapal ng impormasyon na aking makakalap mula sa panayam

sa househusbands at sa mga taong may kinalaman sa kanila. Pagkatapos nito ay ginawa ko ang

tabular data kung saan ang tema at analysis base sa framework ay nakalahad at ang case study

narrative naman sa pormang life history. (Patton, 1990)

Ang life histories na dulog sa pag-analisa ng datos mula sa KII ay importante sa pag-aaral na ito.

Ang konstruksyon mismo ng househusbands ng pagpapalaki sa kanila at ang kanilang pananaw

sa naging buhay nila bilang isang lalaki sa kanilang pagsagot sa mga tanong ay kritikal sa pag-

aaral na ito. (Lewis-Beck, M.S. Bryman, A. Liao, T.D. 2004)

Pagkatapos maisagawa ang life histories sa apat na case study, magsisimula na ako ng inductive

analysis. Ang napili kong paraan para maipakita ang lalabas na pattern o tema ay ang pagbuo ng

Analyst-Constructed Typologies na makakatulong sa pagsama ng mga konsepto, tema, o isyu na

hindi lantad sa panayam. Ang maganda sa paraang ito, maari kong i-verify kung tama ba ang

aking pagkakaintindi sa mga konseptong aking nabuo mula sa kanilang paglalahad. Ang cases na

ito ay mapipili depende sa kanilang isasagot sa sarbey at sa kanilang katangian bilang isang

househusband. Tinignan ang kanilang mga karanasan bilang isang gabay sa malalim na

Page 32: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

31

paghukay sa iba’t ibang pamumuhay ng mga househusband na nasasadlak sa sitwasyong buhat

ng labor migration.

Sa pangalawang parte ng pag-aaral na tungkol sa polisiya ng gobyerno sa pamilya, ako’y

gumamit ng isang semi-structured interview kasama ang pagkalap ng datos mula sa literature.

C. Etika

Importante ang pagpapaintindi at pagbibgay-alam sa kakapanayamin ang pag-aaral na isasagawa.

Sila ay bibigyan ng Informed Consent form na naglalaman ng impormasyon ukol sa pag-aaral na

ito. Naiintindihan ko na maaaring magkubli ng impormasyon ang aking mga respondent na

maaaring maging limitasyon ng pag-aaral na ito.

Sinubukan, sa abot ng aking makakaya, na makapagtaguyod ng isang environment kung saan

magiging komportable na maglahad ang mga househusbands. Aking ipaparating sa kanila na

ako’y nandoon para makinig sa kanilang karanasan at hindi para magbigay ng husga sa kanilang

paniniwala.

Sa isang pagkakataon, gumamit ako ng notes, o nag-note taking ako, nung hindi ako gumamit ng

tape recorder.

Page 33: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

32

Aking isinama sa aking konsiderasyon ang pagiging babae ko na maaaring maging dahilan para

sila ay magkubli ng impormasyon, kung kaya’t ang pagkakaroon ng partner na lalaki ay aking

kinonsidera.

Page 34: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

33

VI. Presentasyon ng Datos

Resulta mula sa Sarbey

I. Larawan

Tal. 2: Distribusyon ng Edad ng mga househusband (n=30)

Edad Frequency Bahagdan

28 1 3.3

30 1 3.3

33 1 3.3

34 1 3.3

35 2 6.7

36 2 6.7

37 1 3.3

39 3 10.0

40 4 13.3

42 1 3.3

43 1 3.3

44 1 3.3

45 2 6.7

48 2 6.7

49 1 3.3

50 1 3.3

53 1 3.3

55 1 3.3

56 1 3.3

60 1 3.3

64 1 3.3

KABUUAN: 30 100

Page 35: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

34

Tal. 3: Bilang ng anak ng mga househusband (n=30)

Bilang ng Anak Frequency Bahagdan

0 1 3.3

1 1 3.3

2 9 30.0

3 12 40.0

4 4 13.3

5 2 6.7

6 1 3.3

Ipinapakita ng Tal. 2 at 3 na ang mean age ng househusband ay 43 at ang average na bilang ng

kanilang anak ay 3.

Tal. 4: Distribusyon na nagpapakita ng antas ng pinag-aralan ng househusband

Kategorya Frequency Bahagdan

High School 13 43.3

Vocation 6 20.0

College 11 36.7

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 4 na may 43.3 % na househusband ay nakatapos ng high school sumunod ang

nagtapos ng kolehiyo na may 36.7%.

Page 36: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

35

Tal. 5: Estado ng hanapbuhay ng mga househusband

Frequency Bahagdan Meron 20 66.7

Permanente 6 20 Temporary 9 30 On-call 3 10 Self-employed 5 16.7

Wala 10 33.3 Kabuuan 30 100.0

Sa Tal. 5, makikita na may 66.7 % na househusband ang may trabaho at karamihan sa trabahong

iyon ay temporary lamang na may 30 na porsyento. 10 % na househusband ang walang trabaho

at full-time sa bahay, walang pinagkakakitaan.

Tal. 6: Distribusyon ng Trabaho ng Asawa sa ibang bansa

Kategorya Frequency Bahagdan

Nurse 2 6.7

Domestic Helper 19 63.3

Hotel-related 4 13.3

Caregiver 4 13.3

Office-related 1 3.3

KABUUAN 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 6 na karamihan sa asawa ng househusband ay domestic helper sa ibang bansa

(63.3 %).

Page 37: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

36

Tal. 7: Distribusyon ng Organisasyong Kinabibilangan ng househusband

Organisasyon Frequency Bahagdan

Panrelihiyon 3 10

Pampulitika 3 10

Socio-Civic 9 30

At iba pa 2 63

Tal. 7.1 Distribusyon na nagpapakita ng Bisyo o Kinahihilgan ng mga househusband

Kategorya Frequency Bahagdan

Umiinom 23 76.7

Naninigarilyo 19 63

Naglalaro ng sports 15 50

At iba pa 6 20

Ipinapakita sa Tal. 7 na may 30 % na househusband ang kabilang sa socio-civic na organisasyon

at sa 7.1 naman na higit na maraming househusband ang umiinom (23%) kaysa sa naninigarilyo

(19%) o naglalaro ng sports. (15%)

Tal. 8 Distribusyon na nagpapakita kung ang pagdedesisyon ay giangawa bilang isang

joint decision

Kategorya Frequency Bahagdan

Pagdedesisyon bilang joint decision

Oo 26 86.7 Hindi 4 13.3

Page 38: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

37

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 8 na may 86.7 % na househusbands ang nagdedesisyon kasama ng kanilang

asawa, o gumagawa ng isang shared o joint decision ukol sa migrasyon.

Tal. 9: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng househusband na may kasambahay at

ang mga gawain nito

Kategorya Frequency Bahagdan

Meron 6 20

Gawaing Ginagawa sa bahay

pagluluto 5 16.7

paglalaba 6 20.0

Paglilinis ng bahay 5 16.7

pamamalantsa 6 20

pagwawalis 6 20

paghahalaman 4 13.3

Wala 22 73.3

Ipinapakita ng Tal. 9 na may 73.3 % na househusbands ang walang kasambahay at 20 % lang

ang mayroon.

Page 39: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

38

Tal. 10: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng househusbands na gumagawa ng

gawaing bahay

Kategorya Frequency Bahagdan

Meron 29 96.7

Wala 1 3.3

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 10 na 96.7% ng househusbands na nakapanayam ay gumagawa ng gawaing

bahay.

Tal. 11: Distribusyon na nagpapakita ng positibong pananaw sa terminong househusband

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 18 96.7

Hindi 7 3.3

Depende 4 13.3

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 11 na may 96.7 % ng mga househusband ang nagsasabing positibo ang

terminong ito. 3.3 % lang ang nagsabing hindi.

Page 40: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

39

Gender Roles

Tal. 12: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng lalaki na naniniwala na may gawaing

pambabae at panlalaki

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 13 43.3

Hindi 10 33.3

Depende 6 20

Walang sagot 1 3.3

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 12 na may 43.3% na mga househusbands ang naniniwala na mayroong

gawaing pambabae at panlalaki lamang. 33.3 % ang nagsabing hindi at 20% ang hindi sumagot.

Tal. 13: Distribusyon na nagpapakita ng bilang ng lalaking naniniwala na dapat gumawa

ng gawaing pambahay ang lalaki

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 12 40.0

Hindi 13 43.3

Depende 5 16.7

Kabuuan 30 100.0

Page 41: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

40

Ipinapakita ng Tal. 13 na may 43.3 porsyento ang hindi naniniwala na dapat gumawa ng gawaing

pambahay ang lalaki. 40.0% naman ang nagsasabing oo. At 16.7 % naman ang nagsasabing

depende.

Tal. 14 Distribusyon ng mga gawaing tinitignan ng househusband bilang gampaning

maaaring gawin ng lalaki

Gawain Frequency Bahagdan

Electrical related Oo 21 70

Hindi 9 30

Paglilinis ng sasakyan Oo 18 60

Hindi 12 40

Construction-related Oo 26 86.7

Hindi 4 13.3

Paglalaba Oo 9 30

Hindi 20 66.7

Pamamalantsa Oo 8 26.7

Hindi 22 73.3

Pagluluto Oo 8 26.7

Hindi 22 73.3

Pagtatanim ng halaman Oo 11 36.7

Hindi 19 63.3

Pagdidilig ng halaman Oo 10 33.3

Hindi 20 66.7

Pag-aalaga ng anak Oo 10 33.3

Hindi 20 66.7

Paglilinis ng Bahay Oo 9 30

Page 42: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

41

Hindi 21 70

Pagpunta sa PTA meeting ng anak Oo 9 30

Hindi 21 70

Pagdidisiplina sa anak Oo 11 36.7

Hindi 19 63.3

Pag-badyet ng pera Oo 9 30

Hindi 21 70

Pamamalengke Oo 7 23.3

Hindi 23 76.7

Pagmamaneho Oo 21 70

Hindi 9 30

Mula sa Tal. 14, makikita na ang gawaing pinaniniwalaang gawaing panlalaki ay construction-

related ( 86.7 %), sinundan ng pagmamaneho at electrical-related na parehong may 70.0% at

paglilinis ng sasakyan (60%).

Tal. 15: Distribusyon ng mga gawaing tinitignan ng househusband bilang katanggap-

tanggap sa lipunan

Gawain Frequency Bahagdan

Paglalaba Oo 12 40

Hindi 18 60

Pamamalantsa Oo 10 33.3

Hindi 20 66.7

Pagluluto Oo 26 86.7

Page 43: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

42

Hindi 4 13.3

Pagtatanim ng halaman Oo 19 63.3

Hindi 11 36.7

Pagdidilig ng halaman Oo 18 60.0

Hindi 12 40.0

Pagaalaga ng anak Oo 18 60.0

Hindi 12 40.0

Paglilinis ng bahay (pagpupunas ng sahig) Oo 19 63.3

Hindi 11 36.7

Paglilinis ng bahay (paglinis ng banyo) Oo 19 63.3

Hindi 11 36.7

Paglilinis ng bahay (pagwawalis) Oo 21 70

Hindi 9 30.0

Paghuhugas ng Pinggan Oo 18 60.0

Hindi 12 40.0

Pagpunta sa PTA meeting ng anak Oo 20 66.7

Hindi 10 33.3

Pagdidisiplina sa anak Oo 28 93.3

Hindi 2 6.7

Pag-badyet ng pera Oo 21 70

Hindi 9 30

Pamamalengke Oo 16 53.3

Hindi 14 46.7

Page 44: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

43

Ipinapakita ng Tal. 15 na ang pagidisiplina sa anak na may 93.3 % ang gawaing

pinakakatanggap-tanggap sa lipunan. Sinundan ito ng pagluluto na may 86.7%, pagbabdyet ng

pera, pagwawalis na may 70%.

Tal. 16 Distribusyon ng mga lalaki na may negatibong impresyon sa paggawa gawaing

pambabae

Kategorya Frequency Bahagdan

Meron 4 13.3

Wala 26 86.7

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita sa Tal. 16 na may 86.7% ng househusbands ang walang negatibong pagtingin sa

paggawa ng gawaing pambabae.

Pagtingin sa Migrasyon

Tal. 17 Distribusyon ng househusbands na sumagot kung latanggap-tanngap ba sa lipunan

ang paggawa ng gawaing pambabae

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 19 63.3

Hindi 8 26.7

Depende 3 10

Kabuuan 30 100.0

Page 45: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

44

Ipinapakita sa Tal. 17 na higit na maraming househusbands ang nagsasabing katanggap-tanggap

sa lipunan ang paggawa ng gawaing pambabae.

Tal. 18 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na naniniwala na ang pagiging

breadwinner ay gawaing panlalaki

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 10 33.3

Hindi 11 36.7

Depende 9 30

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita sa Tal. 18 na may 36.7% ng househusbands ang naniniwala na hindi gamapaning

panlalaki ang pagiging breadwinner.

Tal. 19 Distribusyon na nagpapakita ng sagot ng househusbands sa joint decision-making

ng pag-alis ng asawang babae sa ibang bansa

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 27 90.0

Hindi 3 10

Depende 3 10

Kabuuan 30 100.0

Page 46: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

45

Tal. 20 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing positibo ang

impresyon sa pag-alis ng babae sa ibang bansa

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 20 66.7

Hindi 6 20.0

Depende 4 13.3

Kabuuan 30 100.0

Tal. 21 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing positibo ang

impresyon sa pag-alis ng babaeng may-asawa

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 15 50 Hindi 10 33.3

Depende 4 13.3 Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng mga talahanayang ito na 90.0% na househusbands ang nagsasabing isang shared o

joint decision (Tig. Tal. 19) ang pag-alis ng kanilang asawa sa ibang bansa. 66.7% na naman ang

nagsasabing sila ay may positibong pagtingin sa babaeng umaalis (Tig. Tal. 20) at 50 % naman

ang nagsasabing sila ay may positibong pagtingin sa babaeng may-asawa na nangingibambansa

(Tig. Tal. 21).

Page 47: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

46

Tal. 22 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing mas

makapangyarihan na ang babae

Kategorya Frequency Bahagdan

Hindi 27 90.0

Depende 3 10.0

Kabuuan 30 100.0

Makikita sa Tal. 22 na 27% ng mga househusband ang nagsasabing hindi naging mas

makapangyarihan ang kanilang asawa sa pag-alis nito sa ibang bansa.

Tal. 23 Distribusyon na nagpapakita ng mga epekto ng Pag-alis ng asawa sa househusband

at pamilya

Gawain Frequency Bahagdan

Umangat ang aming buhay Oo 14 46.7

Hindi 16 53.3

Marami kaming nabibili Oo 8 26.7

Hindi 22 73.3

Mas nakapagpundar kami sa aming mga anak Oo 20 66.7

Hindi 9 30.0

Mas masaya ako Oo 1 3.3

Hindi 29 96.7

Mas Masaya an gaming mga anak Oo 9 30.0

Hindi 21 70.0

Hindi masyadong masigla ang buhay may-asawa ko Oo 9 30.0

Hindi 21 70.0

Minsan malungkot ako Oo 24 80.0

Hindi 4 13.3

Minsan malungkot mga anak ko Oo 20 66.7

Page 48: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

47

Hindi 9 30.0

Nakararamdam ako ng pangungulila Oo 24 80.0

Hindi 4 13.3

Hindi masyadong nadidisiplina an gaming mga anak Oo 14 46.7

Hindi 16 53.3

Mahirap ‘pag walang babae sa bahay dahil wala nang gaganap sa gawaing pambabae

Oo 14 46.7

Hindi 16 53.3

Kulang sa kalinga an gaming mga anak Oo 12 40.0

Hindi 18 60.0

Nararamdamanan ko na hindi ako tunay na lalaki Oo 0 0

Hindi 30 100.0

Nararamdaman kong kailangan kong higitan ang nailalaang pera ng aking asawa

Oo 7 23.3

Hindi 23 76.7

Nagkakaproblema ako sa pagiging ina at ama ng sabay Oo 11 36.7

Hindi 19 63.3

Ipinapakita ng Tal. 23 na 100.0% na househusband ang nagsabing hindi nakakaapekto ang pag-

alis ng asawa sa pagiging tunay na lalaki ng househusband. May 96.7% ang nagsabing hindi sila

mas masaya at 80% naman ang nagsabing sila at nanugngulila at madalas nalulungkot. 26. 7 %

lang ang nagsabing marami silang nabibili, 46.7% lang ang nagsabing umangat ang kanilang

buhay, at 66.7% ang nagsabing mas nakapagpundar para sa kanilang mga anak.

Tal. 24 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing dapat

nangingibambasa ang babae para magtrabaho

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 3 10.0 Hindi 6 20.0 Depende 21 70.0 Kabuuan 30 100.0

Page 49: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

48

Isinasaad ng Tal. 24 na 70% na househusbands ang nagsabing depende ang pangingibambansa

ng babae para magtrabaho.

Gobyerno

Tal. 25 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing dapat tulungan ng

gobyerno ang pamilyang naiwan

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 19 63.3

Hindi 9 30.0

Depende 2 6.7

Kabuuan 30 100.0

Tal. 26 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing may assistance na

narinig mula sa OWWA

Kategorya Frequency Bahagdan

Meron 8 26.7

Wala 15 50.0

Hindi sigurado 7 23.3

Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita sa Tal. 25 na malaking bilang (63.3 %) ng househusbands ang nagsabing dapat

tulungan ng gobyerno ang pamilyang naiwan ng mgiranteng babae. Sa Tal. 26 naman, 50% ang

nagsabing wala silang narinig na tulong na inaalok o ipinamamahagi ng OWWA.

Page 50: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

49

Tal. 27 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing hindi sapat ang

ginagawa ng OWWA sa Pamilya

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 0 66.7 Hindi 25 83.3 Marahil 5 16.7 Kabuuan 30 100.0

Tal. 28 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing sapat ang

ginagawa ng pamahalaan para sa OFWs

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 1 3.3 Hindi 25 83.3 Marahil 4 13.3 Kabuuan 30 100.0

Tal. 29 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing nararamdaman

nila ang polisiya para sa OFW

Kategorya Frequency Bahagdan

Oo 2 6.7 Hindi 13 43.3 Marahil 15 50.0 Kabuuan 30 100.0

Page 51: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

50

Tal. 30 Distribusyon na nagpapakita ng househusbands na nagsasabing nararamdaman

nila ang polisiya ng pamahalaan para sa pamilya

Kategorya Frequency Bahagdan Oo 3 10.0 Hindi 13 43.3 Marahil 14 46.7 Kabuuan 30 100.0

Ipinapakita ng Tal. 27 na 83.3 % ng househusbands ang nagsasabing hindi sapat ang ginagawa

ng OWWA para sa kanilang pamilya. 83.3 % din ng mga househusband ang nagsabing hindi

naging sapat ang ginagawa ng gobyerno sa mga migranteng Pilipino. Malaking porsyento naman

ang sumagot ng marahil sa Tal. 29 kung saan sila ay tinanong kung may nararamdaman silang

polisiya para sa OFW. 46.7 % naman ang nagsabing hindi sila sigurado sa mga polisiya ng

pamhalaan para sa pamilya.

Page 52: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

51

Talahanayang Representasyon ng Datos mula sa Key-Informant Interview (KII)

Tanong:Tanong:Tanong:Tanong: Pagbabago buhat ng migrasyonPagbabago buhat ng migrasyonPagbabago buhat ng migrasyonPagbabago buhat ng migrasyon

Categories KasagutanKasagutanKasagutanKasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

PamilyaPamilyaPamilyaPamilya ang changes lang namin ay ‘yung anak ko, medyo lumaking naging tumitigas ang ulo gawa nung, nung syempre, pumapasok din ako, naiiwan, walang naiiwan sa amin.

Mahirap, mahirap, kasi ano eh, tagal mo nang kasama pamilya mo eh, syempre, malungkot, nakikiramdam nga misis mo, tapos biglang aalis, malulungkot ka din, pati mga bata, syempre, mag-aalala.

Mahirap kasi wala ‘yung asawa mo eh, tapos may trabaho ka minsan, ‘di mo pa maalagaan.

EstadoEstadoEstadoEstado Ang kagandahan lang na nanudun siya sa abroad, --Ngayon, lahat ng mga ano, nabibili ng mga anak ko pag, although siguro kung andito siya, hindi naming mapagaaral ng medicine ‘yung anak ko,

maganda naman siya kahit papaano kasi nakakaluwang-luwang kami. Kahit paano nakakabili-bili ng ibang mga gamit, kaya ok, positbio.

Postitbo, to the point na maganda nama ang hangarin niya, at nakikita ko nama na maganda naman ang hangarin niya,m kasi ngayon pa lang, yung mga plans niya,advanced na,

Hindi rin masyado nakakatulong kasi nga hindi naman permanente trabaho niya dun eh TNT siya dun.

Page 53: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

52

GampaninGampaninGampaninGampanin Bata pa lang ako sanay na ako magtrabaho. Ang magulang ko rin naman, sinanay rin kaming ganoon, gusto nila na habang bata marunong ka nang maglaba, magluto, Kaya di na ako naninibago, Kahit ‘di pa ako nagaasawa, marunong na ako magluto, maglinis ng bahay, maglaba, nakikipaglabahan pa nga ako sa iba.

Sa pagaadjust, hindi ako nahirapan kasi sanay na ako eh, sa trabaho ko, although nung nagtrabaho ako, iba nay ung tinatrabaho mo kaya syempre ngayon , nahinto ako, hindi ako ganun na surpresa sagawaing bahay kasi sanay na ako eh. Gaya ng pagdisiplina, iba kasi disipina ng babae sa lalaki. Mas strict lalaki eh, pangalawa, yung apgaaralan mo kung ano yung papakain mo ,kasi yung bata medaling magsawa ng pagkain pagaaralan mo kung amo dapat papakain mo, yung kombinasyon, lahat yan iniisip ko na ngayon

Hindi naman masyado mahirap kais nung bata naman ako, nakatira ako sa lola ko, lahat kami lalaki dun, ginagawa ko rin naman lahat.

PagkalalakiPagkalalakiPagkalalakiPagkalalaki Kalungkutan

Page 54: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

53

Tanong: Problemang Dinaranas dahil sa MigrasyonProblemang Dinaranas dahil sa MigrasyonProblemang Dinaranas dahil sa MigrasyonProblemang Dinaranas dahil sa Migrasyon

Categories Kasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

PamilyaPamilyaPamilyaPamilya medyo lumalayo mga anak ko, kasi medyo minsan lang kami nagkakausap. Kasi kung andito misis ko, magguide-an niya mabuti yung mga anak namin, yun ang epekto.

yung mga ano, kasi mga anak ko sanay silang lagging kasama nanay, o, kung ako, ok lang kasi ako lagging nasa trabaho, eh ang nanay laging kasmaa ng mga bata ayon maninibago yung mga bata ako lagging kasmaa ako lagging nagaaruga sa kanila, maninibago sila, kayasabi ko tiis lang.

pangungulila lang, namimiss mo siya kahit syempre, gabi-gabi magkatabi, pero pagdatingn amn diyan, adjustment lang iyan,basta isipin mo lang hindi apra sarili mo kungdi para sa mga anak.

Tanong: Coping Strategy sa mga Epekto o Pagbabago bCoping Strategy sa mga Epekto o Pagbabago bCoping Strategy sa mga Epekto o Pagbabago bCoping Strategy sa mga Epekto o Pagbabago buhat ng Migrasyonuhat ng Migrasyonuhat ng Migrasyonuhat ng Migrasyon

Categories Kasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

KomunikaKomunikaKomunikaKomunika----syonsyonsyonsyon

Although ngayon, maganda na ang komunikasyon, gawa ng pag may problema ka text mo lang. internet, may mga ano po tayo diyan mga friendster, facebook, maraming means of communication diyan kaya di ka na rin maaiinip eh. Dahil lagi mo naman siyang makakausap. Tsaka every year naman umuuwi.

Linggo-linggo natawag, minsan three times a day, minsan sa isang linggo tatlong beses, para di namamalayan ng mga bata.

Through computer, trhough skype, halos araw-araw naman kami nagcchaat, tapos yungproblema ng bawat isa sa amin, napaguusapan naman tsaka up to date kami sa isa’t isa.

Nagtetext at tumatawag siya. Ito lang communication naming dahil wala naman kaming alam na detalye sa kanya, sa employer niya.

Page 55: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

54

Tanong: Pagtingin sa MigrasyonPagtingin sa MigrasyonPagtingin sa MigrasyonPagtingin sa Migrasyon

Categories Kasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

Tool for Tool for Tool for Tool for Upward Upward Upward Upward MobilityMobilityMobilityMobility

Migration bilang paraan ng pag-angat ng katayuan sa buhay Isa itong last resort,

PInakamagandang paraan para umangat sa buhay

Maganda pero depende sa trabaho. Kung DH, sa Pilipinas na lang. Nakakabuti sa kalagayang pampinansyal.

Hindi dapat umaalis ang babae sa bansa,

Tanong: Family DynamicsFamily DynamicsFamily DynamicsFamily Dynamics

Categories Kasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

Page 56: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

55

GampaninGampaninGampaninGampanin . Sila ngang nandito yung wife ko sa pamamalengke, dalawa kami. Paglilinis ng bahay, tulungan kami, kasi nagwwork din siya ditt. Magbabad sa gabi na labahan, sa umaga, ako magbabanlaw. Give and take kami.

Minsan, eh ako naglalaba, minsan pag ako andun sa bahay, nagluluto, naglalaba, naglilinis ng bahay, yun, ginagawa ko lahat ng,syempre, pag umuuwi ako sa amin, pag andiyan yung nanay nila, nagagawa ang lahat ng iyon, syempre ngayon ako lahat gagawa. Maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, kaya naranasan ko na lahat rin.

Ako lahat Ako pa prin nagpporgram sa lahat kahit sabihin na natin na mayoroon akong kasama dito.

Ako lahat, kaso nga minsan may trabaho ako eh kaya minsan tinututlungan ako ng biyenan ko, inaalagaan yung mga anak ko. Minsan mas gusto nga nila dun.

DesisyonDesisyonDesisyonDesisyon Sa desisyon, kinokonsulta ko sa kanya kung, payag ka ba, diyan ka, paano sila

Kami dalawang nagdedesisyon

may mga bagay rin na hindi ko na pinapaalam na, may mga bagay din na dapat ipaalam ko para just in case may sakit ng mga bata, kung alam ko lang din naman na kayak o, di ko na sasabihin dun, sasabihin ko, tapos na.

Magkahati, sinasabi ko naman problema sa kanya kasi may mga bagay na ayaw sa akin sabihin ng mga anak ko, pang nanay lang.

PagdidisipliPagdidisipliPagdidisipliPagdidisiplina sa anakna sa anakna sa anakna sa anak

‘yung pagdidisplina sa mga anak mo. Iba yung may katulong ka sa pagdidisiplina sa mga anak ko. Mas atakot sa kanya yung mga anak ko. Kaysa sa akin. Sa akin kasi hindi takot, medyo maluwang kasi ako.

kung maganda pagdidisiplina ko, di kahit ano siyang nadun, dindiidplkina niya rin, pag tuantawag, kayo ganiuto, magaral kayo ganbun, huwag kayo gagawa nito. Kung ano sinasabi niya, sinasabi ko rin pareho kaming dinisiplin mga bata na ayaw kon g mangyari sa mga bata ay yung mapariwara sila,

although dalawa pa rin kami, dahil pag nakakusap niya rin yungmga bata, naadvisan niya rin, so nadidisiplina pa rin, Iba kasi disipina ng babae sa lalaki. Mas strict lalaki eh,

Mahirap sa anak kong babae kasi lumalaki na siya may mga bagay na di niya sinasabi sa akin Nagpupunta siya sa lola niya o nagkkwento naman pag andyan nanay nila, pag tumawag.

Page 57: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

56

PagbabadyPagbabadyPagbabadyPagbabadyetetetet

‘yung kita ko, kita niya, may budget yun, may budget sa meralco, may nakatabi na kaagad dun. siya nagbabadyet, pagdating sa ilaw sa tubig, sa pamalengke, lahat ng ano nakabadyet yun.

Relasyon sa Relasyon sa Relasyon sa Relasyon sa anakanakanakanak

Sa amin naman, ang relation--, medyo lumalayo mga anak ko, kasi medyo minsan lang kami nagkakausap. Hindi kagaya nung maliliit pa, na everytime na ihahatid ko sila sa school

Masaya na kami, siguro sa dami ng problema, masya rin kami, ditulad sa ibang pamilya, may nagaaway

Relasyon sa Relasyon sa Relasyon sa Relasyon sa asawaasawaasawaasawa

Meron, mga syenpre, kahit di kayo magkalayo,nagkakaroon din kayo ng problema. Meron din, ganun din, yung pinagaawayan din namin.

Masaya na kami, siguro sa dami ng problema, masya rin kami, ditulad sa ibang pamilya, may nagaaway

Hands on pa rin

Page 58: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

57

Tanong:Tanong:Tanong:Tanong: Partisipasyon ng gobyerno sa kanilang buhayPartisipasyon ng gobyerno sa kanilang buhayPartisipasyon ng gobyerno sa kanilang buhayPartisipasyon ng gobyerno sa kanilang buhay

Categories KasagutanKasagutanKasagutanKasagutan

Case 1: MonCase 1: MonCase 1: MonCase 1: Mon Case 2: OmarCase 2: OmarCase 2: OmarCase 2: Omar Case 3: FredCase 3: FredCase 3: FredCase 3: Fred Case 4: daniloCase 4: daniloCase 4: daniloCase 4: danilo

AAAAwareness wareness wareness wareness sa sa sa sa programa programa programa programa ng ng ng ng gobyerno gobyerno gobyerno gobyerno para sa para sa para sa para sa OFWOFWOFWOFW (OWWA)(OWWA)(OWWA)(OWWA) POEAPOEAPOEAPOEA

Kilala sa pangalan, pero hindi sigurado sa kung aHindi ang silbi nito. May binabayaran sa ahensyang ito pero hindi translated sa serbisyo Walang benepisyo o kahit anumang assistance.

Alam kung para saan ang OWWA at POEA pero negatibo ang impression.

Walang maitutulong ang gobyerHindi bukod sa pagpromote sa Pilipinas para magkaroon pa ng mas maraming trabaho sa ibang bansa.

Wala naman silang maitutulong sa amin. Pwera na lang kung nagkaproblema siya dun, kaya wag na lang.

Page 59: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

58

IX. Pag-analisa ng Datos

Househusbands

Case 1: Mon. Kumikita, pero hindi pa rin sapat

Si Mon ay isang 48 anyos na lalaki na nagtatrabaho sa isang telecommunications

company. Siya ay nakatapos ng kolehiyo at nakatira sa Caloocan. Noo0ng siya ay bata pa,

maraming gawain na ang kanyang ginagampanan sa kanilang pamilya. Bilang lalaki, madalas

siya ay nag-iigib ng tubig, at nagsisibak ng kahoy sa kanilang probinsiya. Siya rin ay nagluluto,

at nagpapalit ng lampin ng kanyang mga kapatid noong sila ay bata pa. Madalas din siya

maglinis ng bahay kaya wala siyang problema sa paggawa ng mga gawaing bahay. Hindi siya

ang panganay ngunit lumaki siya ng may dalang malaking responsibilidad. Educated si Mon at

isa rin siyang debotong Katoliko. Malumanay siya at ang kanyang mga pagkilos ay hiwalay sa

natuturingang ‘macho’ na lalaki. Ang pagdala niya ng responsibilidad ay lumawak lalo nang siya

ay nag-asaw. Ang kaniyang maybahay ay isang nars dito sa Pilipinas. Sila ay may dalawang

supling. Ang kanyang babae ay kakatapos lang ng nursing at ang kanyang anak na lalaki naman

ay nakatapos na rin at nagtatrabaho bilang isang call center agent. Ang kanilang responsibilidad

ay hati sa pamilya, Tinitignan niya ito bilang isang pagtutulungan. Ang typical na araw para kay

mon noong nandito pa ang kanyang asawa at maliliit pa ang kanyang mga anak ay ito:

gumigising siya ng maaga para ihanda ang pagkain na babaunin ng kanyang mga anak. Dahil

mahilig siya magluto, siya na ang gumagawa nito. Pagkatapos ay hinahatid na niya ang kanyang

anak at asawa sa trabaho. Sabay-sabay silang umaalis ng bahay. Kapag night shift naman ang

kanyang asawa, mas madalas ang kanyang pagganap sa gawain. Pero minsan ay hindi sila gaano

nakakapag-usap dahil sa trabaho. Kaya naman palagi nilang sinasamantala ang weekends o araw

na may free time sila para makapag-bonding dahil importante ito sa pamilya. Sa kabuuan,

Page 60: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

59

maganda ang relasyon nilang pamilya. Noong 2004, noong panahon na umuusbong ang

pagkakaroon ng maraming offer sa ibang bansa para sa mga health professionals,

napagdesisyunan nilang mag-asawa na magtrabaho ang babae sa ibang bansa bilang nars. Dahil

nga ang kurso ng kanyang asawa ay madaling mahahanapan ng trabaho at dahil na rin sa

kagustuhan na bumuti ang kalagayan sa buhay, parehas nilang napagpasyahan na mangibang-

bansa ang kanyang asawa sa Scotland bilang isang nars din sa ospital. Nagapply ang kanyang

misis sa Scotland, at siya naman ay natanggap. Hindiong una, nahirapan si Mon sa pagbabagong

hinaharap niya sapagkat maraming emosyon ang kanyang naramdaman. Una, nalulungkot at

nag-aalala siya para sa kanyang asawa. Malamig sa Scotland at mag-isa lang ang kanyang asawa

doon. Madalas sila parehas makaramdam ng pagiging ‘homesick’ ngunit dahil sa teknolohiya,

medyo naiibsan ito. Importante ang pagkakaroon at pagmaintain ng communication sa asawa

dahil dito nila napaguusapan ang mga bagay-bagay tungkol sa bahay. Sa emosyonal na aspeto,

marahil hindi siya naging masyadong handa dahil nasanay siya na palagi niyang kapiling ang

asawa niya sa lahat ng bagay. Nahirapan din siyang mag-adjust nung una, pero naglaon, medyo

nakaagapay na siya. Ang pagkakaroon ng pagiisip na kailangan gawin iyon at ang pag-isip sa

kinabukasan ng mga bata ang pumipilit sa kanya na malampasan ng mga hamon na kinahaharap

niya. Dahil sa pag-alis ng kanyang asawa, mas bumigat ang dalahin niya. Maraming gampanin

ang asawa niya ang nalipat sa kanya. Una, ang pagdidisiplina ng mga bata. Tinuturing ni Mon na

pinaka-importanteng gampanin ng isang ina ang pagdidisiplina ng anak. Hindi naman kasi siya

nakikialam noon sa pagdisisplina ng kanyang misis dahil malaki ang pagtitiwala niya dito.

Ngunit ngayon, ito ang primaryang gawain niya. Ito rin ang nagdudulot sa kanya ng

pinakamatinding lungkot. Kapansin-pansin kung paano siya mangiyak-ngiyak nang pag-usapan

na ang kanyang anak na lalaki. Ayon kay Mon, lumaking matigas ang ulo ang kanyang anak na

Page 61: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

60

lalaki. Napapalayo din ang loob niya. Sinasabi niya na ang dahilan nito ay hindi nagabayan ng

maiigi ang kanyang anak dahil wala ang kanyang nanay. Sa tingin niya, wala siyang sapat na

kakayanan para magdisiplina ng bata. Kahit sabihin pa niya na napagsasabihan naman ang anak

niya, hindi pa rin niya napalaki ng mas maayos. Wala naman siyang problema sa anak niyang

babae, pero sabi niya, hindi daw sila close. Nahirapan si Mon sa pagpapalaki ng kanyang mga

anak dahil Hindiong oras na umalis ang kanyang asawa ay high school na ang kanyang anak at

kasalakuyang dumadaan ng puberty. Sinasabi niya na madalas ay hindi sila nag-uusap ng

kanyang mga anak dahil na rin ang babae niya ay kumukuha ng nursing at naisip niya na

magiging istorbo lang siya pag kakausapin pa niya. Minsan, nagtetext na lang sila, lalo na kapag

may kailangan ang kanyang anak, o may ipapabili. Hindi naman gaHindion kalala ang

sitwasyon, ngunit iniisip at alam ni Mon na mas magiging maayos sana kung hindi umalis ang

kanyang asawa. Kulang kasi sa kalinga ang kanilang mga anak, dahil mag-isa lang siyang

magulang at babae talaga ang magaling magdisiplina. Masasabing hindi naging ganoon kaganda

ang naging relasyon niya sa kanyang mga anak bunsad ng pag-alis ng kanyang asawa.

Sa gawaing bahay, wala naming kahit anong problema. May kasambahay si Mon, pero

hindi in-stay at on-call lang, sa umaga. Lahat ng malalaking gawain lalo na kapag patungkol na

sa mga bata, siya ang gumagawa. Hindi siya nahirapan dahil bata pa lamang ay gumagawa na

siya ng gawaing bahay. Sa tingin niya rin, dapat ang lalaki gumagawa ng gawaing bahay at hindi

naman kabawasan sa pagkalalaki ang paggawa nito. Hindi niya tinignan na negatibo ang

paggawa ng gawaing pambabae. Modern na daw kasi ang panahon ngayon, at hindi na dapat

iniisip na may pambaba at panalalaki pang gawain. Ngunit, minsan, dapat isipin rin iyong uri ng

gawain. Ang mga bagay na kailangan ng lakas o puwersa ay dapat sa lalaki dahil hindi mo

naman pwede pagawin ito sa babae. Palagi niyang binibigyang-diin ang pagka-moderno ng

Page 62: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

61

panahon ngayon. May mga bagay na dapat gawin dahil nappwersa ka ng sitwasyon. Pagdating

naman sa pangangantiyaw ng iba, wala naman siyang naransang ganito. At isa pa, marami siyang

kilalang mga lalaki na gumagawa ng gawaing pambabae. Puro papuri rin ang nakuha niya dahil

gumiginhawa at mas umaangat ang kanilang pamumuhay. Nakapagpundar at nakapagpaayos

sila ng bahay. Kanilang napagtapos ang kanilang mga anak sa kolehiyo, at ang kanyang anak na

babae ngayon ay nakapasa na sa board exam at balak kumuha ng medisina sa UST. Kung sa

economic side, positibo talaga ang epekto ng pag-alis ng kanyang asawa. Malaki din talaga ang

sahod nito. Pero si Mon ay kasalukuyang may trabaho pa rin, at sinabi niya na hindi naman siya

naiinsecure sa asawa niya, sinasabi niya kasi na kailangan sa pamilya ang pagtutulungan. Hindi

naman dapat lalaki ang breadwinner. Positibo rin ang tingin niya sa pag-alis ng kanyang asawa,

ngunit hindi niya inisip na mas makapangyarihan na ang asawa niya sa kanya. Nagtutulungan

lang sila, at parehas lang sila ng posisyon. Ang ganitong pagtingin ni Mon ay maaaring dahil sa

kanyang pagpapalaki at sa kanyang kapaligiran. Una, iniisip ni Mon na dahil modern na ang

panahon ngayon at maraming lalaki sa paligid niya ang gumagawa ng gawaing pambabae, hindi

niya naiisip na negatibo ito. Normal lang naman ito at dapat lang gawin. Ang kanyang exposure

sa ganitong environment ay nakatulong sa kanyang pagganap ng mga gampaning nadagdag sa

kanya ng umalis ang kanyang asawa. Ang kanyang kasanayan din noong bata siya ay may

malaking impact sa kanyang pagtingin sa kanyang pagkalalaki. Malaki ang nadudulot ng

pagpapalaki ng magulang o ang pag-mold sa isang tao sa pamamagitan ng pamilya sa kaniyang

pagiisip, pagdedesisyon at pagtingin sa mundo.

Kaya naman, kahit medyo naiba ang setup, hindi sya nahirapan. Mayroon ding mga bagay na

hindi naman nagbago tulad ng pagdedesisyon. Parehas pa rin silang nagdedesisyon sa bahay.

Lahat ng problema ay ipinapaalam niya sa kanyang asawa.

Page 63: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

62

Ayon kay Mon ay hindi siya nambababae, pero inamin niya na siya ay umiinom. Hindi

daw ito coping mechanism dahil matagal na raw siyang umiinom, kahit nandito pa ang kanyang

asawa. Basta, kapag nalulungkot siya, tinetext niya na lang at nagchachat sila gamit ang internet.

Ang communication ay importante talaga sa pamilya dahil pinapanatili nitong buo ang linya ng

relasyon sa miyembro ng pamilya. Nagbibigay rin ito ng pagiintindi at naiibsan nito ang

pagkahomesick. Siya ay may pagiintindi na ang pamilya ang importante sa lahat kaya dapat

samantalahin ang oprtunidad para sa ikabubuti ng pamilya. Kung susumahin, maganda naman

yung pag-alis ng misis niya dahil umangat buhay nila, pero hindi nito matutumbasa ang social

cost na kaugnay na pag-alsi ng kanyang asawa. Bagamat tinitignan niya bilang isang oportunidad

ang pagtatrabaho sa ibang bansa, isa itong last resort. Mas maganda pa rin kung dito sa bansa

nagtatrabaho. Kung may mga oportunidad sa Pilipinas kung saan ang sasahurin ng kanyang misis

ay nararapat sa kanyang trabaho, mas pipiliin nila na hindi na umalis ang kanyang asawa.

Importante ang pagkakaroon ng sapat na trabaho sa Pilipinas na may decent compensation ngunit

sa kasalukuyan ay hindi pa ito magaganap. Ang primaryang mga ahensiya na tumutulong sa

OFWs at pamilya nito, OWWA at POEA, ay hindi masyadong naramdaman ni Mon. Sa haba ng

pag-alis ng kanyang asawa, ni isang benepisyo o tulong mula sa ahensiya ng gobyerno ay hindi

siya nakatanggap. Wala rin siyang alam na kahit anong tulong na inaalok ng gobyerno. Siya ay

umaasa na mapalitan na ang gobyerno para hindi na maging korap at matulungan ang pamilya ng

OFW pati mismo ang OFW sa ibang bansa.

Page 64: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

63

Case 2: Omar, Lalaking napilitan manatili sa bansa dahil walang trabaho para sa kanya sa

ibang bansa

Ang kaso ni Omar ay kakikitaan ng hirap bilang una, siya ay hindi naman ganoon

katanda, at ang kalagayan niya sa buhay ay namamarkahan ng kakaunting kita at hindi ganoong-

kataas na antas ng edukasyon.

Si Omar ay ipinanganak sa mahirap na pamilya. Dalawa lang silang magkapatid at sa

murang edad ay naghiwalay na ang kanilang magulang. Dahil sa mga pangyayaring ito, mas

naging mahirap para sa kanya ang buhay. Bata pa lang ay natuto na siya gumanap ng mga

gawaing bahay. Marunong siya magluto, maglaba, mamalantsa at madalas siya rin ang naglilinis

ng bahay. Noong binata siya ay naghahanapbuhay na siya bilang isang labandero. Tumatanggap

siya ng labahin mula sa kanilang mga kapitbahay at nakikipagsabayan siya sa mga babaeng

naglalaba din sa kanila. Naging tudlaan man ng tukso, hindi siya naapektuhan dito dahil malinis

naman ang kanyang trabaho at wala naman siyang ginagawang mali. Ang importante sa kanya ay

ang kumita at magkaroon ng panggastos. High school lang ang natapos ni Omar, nakatungtong

siya ng first year college pero hindi rin naituloy dahil mahirap. Sa una pa lang, mahirap na ang

sitwasyon sa kanya dahil hindi naman siya nakatapos kaya hirap siya maghanap ng trabaho. Ang

ginagawa na lang niya ay tumutulong siya sa palengke sa puwesto ng tiyuhin niya. Part-time

lang, at hindi rin sapat ang kinikita. Ito na rin ang trabaho niya nung nakilala niya ang kanyang

asawa at nagkaroon sila ng anak. Ang kanyang asawa ay hindi rin nakatapos kaya simpleng

cashier lang din ang nagiging trabaho niya pero hindi rin niya ito natuloy sapagkat kailangang

alagaan ang mga anak.

Marami sa tiyahin ni Omar ay nasa Jeddah bilang mga household service workers. Ang

employer nila sa Saudi ay kumukuha lamang mula sa kanilang pamilya, kaya nung nagkaroon ng

Page 65: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

64

pagkakataon para makapag-abroad bilang isang tagapag-alaga ng bata, kinuha na ito ng pamilya

ni Omar. Kung lalaki nga lang sana ang kukunin ay si Omar na ang aalis pero babae kasi ang

hinahanap kaya ang asawa na niya ang umalis papuntang Jeddah. Parehas pinagdesisyunan ito ni

Omar at ng kanyang asawa. Ngunit, bagamat sinasabi niya na isa itong shared decision, ang mga

salitang “kaya ko rin siya pinayagan” ay nagsasabi ng hindi pantay na power relations sa kanila.

Ang desisyon sa pag-alis ng kanyang asawa ay tinignan bilang isang pagkakataon para

makaangat sa buhay; isang oportunidad na kahit anong hanap at kayod mo sa Pilipinas, sa

kadahilanang ika’y di nakatapos at mahirap, hindi mo mahahanap. Ang usapin ng seguridad din

ay lumabas sa usapan dahil sa lantad na balita at impormasyon ukol sa mga nagtatatrabaho sa

Saudi na naaabuso. Panatag siya na paalisin ang kanyang asawa dahil marami siyang kamag-

anak dun na pwedeng tumulong sa kanya.

Mahirap para kay Omar sa kanyang mga anak na mawalay sa asawa niya. Una, nasanay

na rin siya na kasama niya ito palagi sa bahay at dahil nga sa bata pa ang kanyang mga anak, mas

kapiling nila ang nanay nito. Madalas daw hinahanap ng kanyang mga anak ang kanilang ina at

makikita talagang nangungulila sila sa pagkawalay ng ina. Ang ginagawa niya ay palagi niyang

pinagpapaliwanagan ang mga anak at pinapaintindi na kaya umalis ang kanilang nanay ay dahil

mahal na mahal sila nito. Na iyon ay para sa kanilang ikabubuti. Matagal din bago sila nakapag-

adjust. Si Omar din ay nahirapang mag-adjust pero di-kalaunan, dahil sa pangangailangan ng

pagkakataon at ng sitwasyon ay napwersa siyang pakitunguhan ang bago nilang kalagayan.

Nahirapan si Omar gumanap bilang ama’t ina dahil una, mahirap ang kanyang trabaho sa

palengke. Nangangailangan ito ng pisikal na lakas, at ang oras na kanyang tinatrabaho ay hindi

biro. Napapagod siya ng husto din, dahil maaga siya gumigising para sa mga bata, lalo na sa

panganay nito na nag-aaral na rin. Hinahanda niya ang baon at hinahatid ito sa paaralan.

Page 66: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

65

Pagkatapos ay didiretso sa palengke para magtrabaho. Sa tanghali ay umuuwi siya sa anak niya

para magluto at maglinis ng bahay. Kung sa gawaing bahay lang naman ay walang problema

dahil sanay na siya dito. Bata pa lamang siya nagawa na niya lahat ng trabaho kaya kahit ano

ipagawa sa kanya, kaya niyang gawin. Ngunit minsan ay nahihirapan siya balansehin ang oras

kaya buti na lang ay tinutulungan siya ng kanyang biyenan. Minsan dumadaan ang biyenan niya

sa bahay nila para mag-alaga at bantayan ang mga bata. Malaki ang pasalamat ni Omar sa

kanyang mga biyenan dahil kung wala sila ay sigurado siyang hindi kakayanin. May mga

sitwasyon na dahil sa malapit sa extended family ang nuclear family, tumutulong ang extended

family sa pagpapalaki sa mga bata. Iginiit naman ni Omar na kahit andoon ang biyenan niya ay

sinisigurado niya na siya ang magdidisiplina ng maigi sa mga bata at magtuturo ng kanilang

kailangan malaman sa buhay. Ang pagiging magulang ni Omar ay napulot niya rin sa kanyang

mga magulang. Maraming aral na tinuturo niya sa mga bata ang turo din ng kanyang magulang.

Isang importanteng lesson na natutunan ni Omar mula sa kanyang karanasan ay ang pagkakaroon

ng buong pamilya. Ayaw niya na maging broken family sila dahil nagpabaya siya o lumaking

pariwara ang mga anak niya. Kaya sinisigurado niya na palagi niyang nakakausap ang kanyang

asawa sa pamamagitang ng pagtawag o pagtetext.

Kahit na malayo ang asawa niya, sinisigurado niyang updated ang asawa niya sa lahat ng

bagay na nangyayari sa kanilang pamilya lalo na sa usapin ng kalusugan. Sinasabi niya kung

may sakit ang mga bata dahil ayaw niyang kung kalian malala na, dun niya palang ipagbibigay-

alam. Sa pagdedesisyon, ganoon pa rin tulad ng dati, parehas pa rin sila nagdedesisyon, pero may

mga bagay na siya na lang nagdedesiyon kung maliit lang ito.

Kahit na kinakitaan ng paghihirap si Omar sa bago niyang gampanin, positibo pa rin ang

pagtingin niya sa pagalis ng bansa. Ito lang daw ang solusyon at magiging susi sa pag-angat nila

Page 67: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

66

sa buhay. Mas gusto niya rin na magtrabaho na rin siya sa ibang bansa tulad ng kanyang asawa

para mas malaki ang kikitain nila.

Case 3: Fred, Full-time Dad

Si Fred ay tubong Cagayan Valley, isinilang siya sa may-kayang pamilya at noong bata

siya ay mayroon silang kasambahay. Bagamat sila’y may kasambahay,siya pa rin ay

pinagtatrabaho ng gawaing bahay ng kanyang mga magulang. Marunong siya magluto, at

naglilinis siya ng bahay. Sabi niya kasi, ganun naman daw kasi sa probinsiya. Ang kanyang

kasanayan sa ganitong gawain ay lalo pang nahasa nang siya ay nagkolehiyo. Ang kanyang

paaralan din kasi ay malayo sa bahay nila at kinailangan niya magdorm. Natutunan niya maging

independent at magdesisyon para sa sarili niya. Siya’y mas naging disiplinado at nagkaroon siya

ng pagpapahalaga sa gawaing pambabae. Nag-aral siya ng geodetic engineering at naglaon,

nagreview siya para magkalisensya na. Ngunit, nawili siya sa kanyang trabaho. Isa kasi siyang

CI sa isang kumpanya at nature na ng trabaho niya ang pag-alis patungong iba’t ibang lugar.

Tinamad na siya mag-exam at nagtuloy-tuloy na siya sa trabaho niya na malayo sa kanyang

pinag-aralan. Noong kolehiya niya nakilala ang kanyang asawa, na isang accounting graduate at

6 years na mas bata sa kanya. Matagal din silang nagsama at naging maganda naman daw ang

kanilang pagsasama. Sila ay may tatlong supling, dalawang lalaki, isang babae. Noong nandito

pa ang kanyang asawa, siya lang ang nagtatrabaho, at housewife ang kanyang misis. Sa bahay,

ang kanyang asawa ang bahala sa pagdidisiplina. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay hindi na siya

nagdidisiplina ng anak, minsan lang ay namamalo siya dahil sobrang makukulit ang kanyang

mga anak. Ang pagdedesisyon din sa pamilya ay joint o shared. Lahat ng problema ay kanilang

pinag-uusapan at parehas nilang tinatanong ang pananaw ng isa’t isa tungkol dito. Hindi

Page 68: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

67

nagkaroon ng pagkakataon na nagdesisyon sila nang hindi kinokonsulta ang isa. Isa n rito ang

pag-aabroad na isa sa mga major decisions na ginawa nila sa buhay.

Ang idea nang pag-aabroad ay unang naisip ni Fred dahil tatlo na ang kanyang mga anak

at lumalaki na ang kanilang pangangailangan. Sinasabi niya na hindi sapat ‘yung kinikita niya

dahil maliit lamang ito para sa kanilang lumalaking pamilya. Kaya naman pinag-usapan nila ito

ng kanyang asawa at napagpasyahan na si Fred ay mag-aapply sa ibang bansa. Natanggap naman

siya, ngunit sa kasamaang palad, bumagsak siya sa medical. Sabi niya, buti na lang at pumayag

ang employer niya na palitan siya ng kanyang asawa. Ang asawa niya ngayon ang

nangibangbansa. Itong desisyon na ito ay kanilang pinag-isipan ng maigi. Ang kanilang desisyon

ay hindi maaaring parehas silang nasa abroad o walang matitira para mag-alaga at gabay sa mga

anak. Kaya naman dahil nandiyan na rin ang oportunidad para sa kanila, napagdesisyunan na

nilang tumulak ang isa, ang kanyang asawa papuntang Canada bilang food server noong

September 2008.

Naging mahirap ang pag-alis ng kanyang asawa dahil nasanay na siya na andiyan lang

ang kanyang asawa na kaagapay niya sa lahat ng bagay. Bagamat siya ay madalas wala noon sa

kanilang bahay dahil sa anyo ng kanyang trabaho, iba pa rin pag nasa abroad dahil dito, talagang

walang magagawa. Nahirapan siya sa mga bata Noong una dahil umiiyak ang mga ito,

nahihirapan sa bagong sitwasyon kung saan wala ang kanilang ina. Ang ginagawa niya tuloy ay

palagi niyang pinapaliwanag sa mga bata ang sitwasyon at pagpapaintindi sa kanila na ang pag-

alis papuntang ibang bansa ay para rin sa ikabubuti nila. Kalungkutan ang isa sa malalaking

epekto ng pag-alis ng kaniyang asawa, ngunit ito ay naiibsan ng madalas nilang pag-uusap sa

pamamagitan ng cellphone at internet. Nakakapag-online naman ang kanyang asawa doon at

madalas ay thru Skype sila nakakapgkwentuhan. Kung sa emosyonal na aspeto, naging mahirap

Page 69: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

68

para sa kanila, pero nakakapag-adjust naman. Nakakausap pa rin naman ng mga bata ang

kanilang ina kaya hindi naging mahirap. Magiging problematic lang daw kung walang ganitong

teknolohiya. Sa pag-alis ng kanyang asawa ay tumambad ang mga takot na maaaring lumaking

pariwara o pabaya ang kanilang mga anak pero, tiwala naman daw ang kanyang misis sa kanya,

at nagagawa ni Mon ng maayos ang pagpapalaki sa mga anak. Tumigil na si Mon sa

pagtatrabaho at naging full-time na sa pag-aaruga sa kanilang mga anak. Malaki kasi ang

pagbibigay-halaga nila sa presence ng isang magulang habang lumalaki ang mga anak. Hindi

naman siya nahirapan sa pagdidisiplina, pero marami ring nagbago sa kanya, dati kasi ay

namamalo siya, pero ngayon ay hindi na gaano, depende na lang sa kasalanan. Maraming mga

bagay na intinuro ng magulang niya sa kanya ang ititinuturo niya rin sa mga anak niya tulad ng

paggawa ng gawaing bahay, pagiging responsible at pag-aaral ng mabuti. May kasamabahay si

Mon at sabi niya at sobrang sipag daw nito kaya maraming gawaing bahay na ang hindi na niya

kailangan pang gawin at pagawin sa mga anak niya. Pero, hindi naman ito hadlang dahil palagi

niyang sinisigurado na matututo ang mga anak niya sa gawaing bahay. Minsan pinagwawalis

niya sa labas, kahit maliliit pa ang mga ito. Malaki rin ang pagpapahalaga niya sa edukasyon.

Pangarap din nila na makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kaya naman minsan,

napupukpok niya ng maigi ang mga bata sa pag-aaral. Natutuwa rin kasi ang asawa niya kapag

nakakarinig ng magandang balita tungkol sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Kahit na sila’y may kasamabahay, maraming gawaing pambabae pa rin ang ginagawa niya tulad

ng pagwawalis at pagluluto: mga gawaing naka-focus sa mga anak niya. Siya rin ang

nagsisilbing tutor ng mga bata lalo na pag may eksam. Naniniwala si Mon na walang gawaing

pambabae o panlalaki lamang dahil sa tingin niya ay pantay na ang babae at lalaki sa panahon

Page 70: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

69

ngayon. Ang lalaki ay dapat gumawa na rin ng gawaing pambabae. Ang pagdidisiplina ng anak

ay dapat gawain din ng lalaki. Ang pagganap ng mga gawaing ito ay naging madali dahil nga sa

kanyang kasanayan nung siya ay bata pa at nadala niya na sa kanyang pagtanda. Ang kanyang

asawa na siyang breadwinner ng pamilya ay hindi niya kinakitaan ng isang porma ng

kapangyarihan at kakutya-kutyang punto sa parte niya. Nakakarinig din siya ng pangungutya

minsan, pero wala siyang pakialam dito dahil ang importante sa kanya ay ang kaniyang pamilya

at ang pagganap niya ng mabuti sa kanyang responsibilidad. Ganito niya rin pinangahulugan ang

pagkalalaki. Ang tunay na lalaki ay ‘yung marunong kumuha, tumanggap at gumanap ng

responsibilidad. Isa pa, depende sa sitwasyon din ang pagiging breadwinner. Kung saan mas

maganda ang opportunity sa pamilya. Basta ang focus lang ay ang ikabubuti ng mga anak at ng

pamilya.

Sa pag-alis ng kanyang misis, wala naming naging malaking problema na dinanas nila.

Parang katulad din ng dati lalo na sa pagdedesisyon, pagbabadyet. Siya ay magaling magbudget

at pinagkakatiwalaan siya ng kanyang asawa. Siya rin ay nagtitiwala sa kanyang asawa. Makikita

dito ang pagiging sensitive topic ng pera bilang isang indicator ng maaaring pagloloko. Hindi

naman daw nagkulang ang asawa sa pagpapadala sa kanila, at siya naman at nabbudget ng

maayos ang pera. Parehas silang transparent lalo na usaping ito.

Bagamat maraming kaso ang nagsasabing madalas ay may marital infidelity dahil sa migration,

hindi naman ito nangyari sa kanila. Si Fred ay pinalaki sa isang striktong Roman Catholic na

pamilya. Ayon sa mga kapitbahay niya ay magaling daw itong kumanta ay kasali siya sa choir sa

kanilang parokya. Marami rin siyang alam tungkol sa bibliya at salita ng Diyos.

Ang tingin niya sa pag-aabroad ng isang babae bilang positibo o negatibo, ay depende sa

sitwasyon. Kung ang trabaho sa ibang bansa ay isang DH, ay hindi siya papaya na umalis ang

Page 71: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

70

kanyang asawa dahil sa panganib na maaaring kaharapin nito. Sa tingin niya ay mas malapit sa

disgrasya at pangaabuso kung ang asawa niya ay magiging DH. Kung DH lang din ay sa

Pilipinas na lang ang kanyang asawa at titiisin na lang nila ang hirap. Maganda naman ang

epekto ng pag-alis ng kanyang asawa sapagkat umangat ang kanilang buhay kaysa dati at mas

maraming nabibili. Nabibilhan na ang mga bata ng PSP, at kung anu-ano pang gamit,

pangangailangan man o luho. Ito ang usual na reaction ng mga pamilya sa migration ng isang

miyembro ng pamilya kung ang pag-alis ay ligtas, ang trabaho ay ligtas at kung napamahalaan

ng magulang na naiwan sa bansa ang mga anak.

May negatibong impresyon si Fred sa gobyerno dahil lumalapit ka lang sa mga

ahensyang iyon kung may matitinding problema. Wala itong nagawa para sa kanila at lahat ng

problema kinakaharap nila ay tanging pamilya lang ang gumagawa ng solusyon. Ang social cost

ng migration ay burden lamang ng pamilya at hindi nakatutulong ang gobyerno para mabawasan

man lamang ito.

Page 72: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

71

Case 4: Danilo, Na-pwersa ng sitwasyon, sinusubukang kumita ng kaunti

Si Danilo ay nakatira sa isang depressed area sa Marikina. Ang asawa niya ay domestic

helper sa Saudi. Sila ay may tatlong anak. Hanggang high school lang ang tinapos ni Danilo kaya

daw nahihirapan siya maghanap ng trabaho. Dahil sa malaki ang kanyang built, minsan

nakakahanap siyang pa-extra –extra sa mga teleserye sa channel 7. Minsan, kontrabida, pulis.

Minsan bouncer rin siya, depende kung may pangangailangan. Bagamat marunong naman siya

gumawa ng gawaing pambabae o gawaing pambahay, binigyang diin niya na hindi trabahong

lalaki iyon. Lalaki pa rin ang dapat breadwinner ngunit wala naming magagawa dahil mas

maraming trabaho para sa kababaihan ngayon kaysa sa kalalakihan. Noong andito pa ang

kanyang asawa, hati ang kanilang gawain, at ang kanyang asawa ang nag-aalaga ng kanilang

mga anak. Ngunit sa pag-alis ng kanyang asawa, bagong sitwasyong ang tumambad sa kanya.

Kailangan niya gumanap bilang parehong ama’t ina sa kanyang mga anak. Ang pag-alis ng

kanyang asawa ay nagdulot ng matinding strain kay Danilo sapagkat bagamat sanay siya sa

gawaing iyon, hindi niya gusto ang paggawa ng gawaing pamababae dahil hindi siya

kumportable dito. Isa pa, ang pagtingin ni Danilo sa kaniyang sariling pagkalalaki ay

kinakakitaan ng tikas at hiwalay sa kanyang pinagdaanan ng siya’y bata pa. Kung kasanayan

lang ang pagbabasehan, kaya niyang maka-agapay sapagkat bata pa lang siya ay marunong na

siya gumawa ng gawaing bahay. Siya ay pinalaki ng kanyang lola at halos lahat sila dun ay lalaki

kaya naman maraming naiatas na mga gawain na madalas ay babae lang ang gumagawa.

Si Danilo ay isang matikas at matipunong lalaki at ginagamit niya ang katangiang ito sa

kanyang linya ng trabaho tulad ng pagiging bouncer o extra sa palabas sa telebisyon. Ito ay isa sa

mga dahilan kung bakit ganun na lamang ang kanyang pagitingin sa gawaing pamababae at ang

kanyang panangahulugan sa pagiging isang tunay na lalaki.

Page 73: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

72

Kung susuriin ang kanyang relasyon sa kanyang mga anak, hindi masyado maganda ang

kalagayan nito sapagkat hindi siya masyadong maka-ugnay sa kalagayan ng kanyang mga anak.

Dahil sa hatian ng gawain nilang mag-asawa noon, kung saan ang kanyang asawa ang

gumaganap ng gampanin na ukol sa knilang mga anak, at ang kanyang pag-alis ng madalas dahil

sa linya ng kanyang trabaho, hindi niya nakakausap ang kanyang anak ng madalas.

Sinasabi ni Danilo na naging mahirap para sa kanya ang pag-alis ng kanyang asawa dahil

nahihirapan siya sa pagdisiplina ng kanyang mga anak at mayroon siyang takot na maaring

mapariwara ang mga ito. Kaya naman, humihingi siya ng tulong madalas sa kanyang mga

biyenan na siyang nag-aalaga ng kanyang mga anak ‘pag siya’y wala.

Kung susumahin, hindi maganda ang dinulot ng pag-alis ng kaniyang asawa, unang-una

dahil, hindi naman permanente ang trabaho ng asawa niya doon at TnT lang. Ang ganitong

sitwasyon ay tumatawag ng kaukulang panganib. Isa pa, hindi naman malaki ang sweldo niya

doon, at hindi nakakapagpadala ng regular kaya nahihirapan din si Danilo na pagkasyahin ang

gastusin.

Kung sisipatin ang tulong ng gobyerno sa kanila, wala siyang naisip na magandang

pakinabang na nakuha nila mula sa gobyerno dahil hindi naman niya alam ang mga proyekto ng

gobyerno para sa kanila. Ang ganitong pangyayari ay madalas na nangyayari dahil hindi lantad

at hayag ang pangangampanya o pagpapaalam sa mga mamamayan lalo na sa dependents ng mga

OFWs ang proyekto ng gobyerno para sa kanila.

Page 74: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

73

Diskusyon

Paglalarawan

Kung susuriin ang mga sagot mula sa sarbey makikita natin na ang larawan ng househusbands na

kasama sa pag-aaral na ito ay may 43 taong gulang at may average na 3 anak. Malaking bilang

ay mga high school graduate. Karamihan sa kanila ay may trabaho, ngunit ang uri nito ay

temporary lang. Ang iba ay may mga organisasyong kinabibilangan, at malaking bilang ay

kasama sa isang socio-civic organization. Malaking bilang ng mga asawa ng househusband ay

domestic helper at ilan sa kanila ay mga nurse, caregiver at nasa iba pang posisyon.

Ang Bagong Anyo ng Pamilyang Pilipino

Base sa pag-aaral na ito, egalitarian na ang pamilyang aking nakapanayam. Ang hatian ng

gawain, noon pa mang andito ang kanilang asawa ay naging pareho lang nang sila’y naiwan para

pangalagaan ang sambahayan. Karamihan sa mga househusbands ay hindi nahirapan sa gawaing

bahay dahil ito’y kanilang kinasanayan na. Base sa cases sa pag-aaral na ito, lahat ng

househusband ay may karanasan na sa gawaing bahay bata pa sila, at hindi naging instrmento

ang kanilang kalagayan sa buhay. Sa apat na cases kung saan dalawa sa mga ito ay nakakaangat

sa buhay at nakapagtapos ng kolehiyo, mapapansin na lahat ng househusbands ay may dati pang

kasanayan sa gawaing pambabae na siyang kanilang tinignan bilang parte ng kanilang identidad.

Ang impluwensiya ng kanilang pamilya sa pamamagitan sa paghulma nila ng sariling pagkatao

at pagtingin sa kanilang sarili at pagkakalalaki ay may bigat. Maaari din nating tignan ang

konteksto kung saan sila ay nakapaloob. Malaking responsibilidad ang tumambad sa kanila at sa

pagkawala ng kabiyak, sila ay nasa sitwasyon na nagdidikta ng gawaing kailangan nilang

gampanan. Ang sitasyon kung saan walang ibang gaganap sa mga gawain kundi hindi ang

Page 75: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

74

kanilang mga sarili ang konteksto para gumanap sila ng ibang gampaning maaaring naiiba sa

kumbensyunal na pagtingin sa isang ama.

Ang pagkalalaki ng househusband ay tinitignan nila bilang isang magandang bagay na hinulma

ng sitwasyong wala silang magawa o kanila mismong pinili. Binigyan nila ng bagong kahulugan

ang pagiging isang lalaki bilang isang responsableng ama na gumaganap sa kanilang tungkulin.

Ang lipunan ay binigyan nila ng bagong mukha bilang modernong mundo kung saan ‘hindi na

uso’ ang kumbensyunal na pagtingin at hatian ng gawain sa isang pamilyang Pilipino. Ito pa ay

sinusugan ng sitwasyong mapanupil sa pamilya na humubog sa bagong configuration na ito na

hindi nakabatay sa patriyarkal na pamilya.

Social Costs ng Migrasyon

Mapapansin na isang aspeto ng hirap na dinaranas ng mga househusband ay ang pagpapalaki o

pagdidisiplina sa kanilang mga anak. May mga pangamba na maaaring ito’y magdulot ng

pagkakawatak-watak o pagkakroon ng broken family. Isa pa ang takot na maaaring mapariwara

ang kanilang mga anak dahil hindi sila nagabayan ng kanilang ina. Ang mga natukoy na social

cost dito ay ang mga sumusnod: kalungkutan ng asawa at anak, at kakulangan sa pagdidisiplina

ng mga anak.

Gender Roles

Sinasabi ng literature na ang mga lalaking mas may mataas na antas ng pinag-aralan ay mas

handa sa pagtanggap ng gampaning pambabae, ngunit, makikita na halos homogenous ang sagot

ng mga househusbands sa kanilang pagtingin sa pag-alis ng kanilang asawa, pagganap sa

Page 76: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

75

gampaning babae. Halos pareho ang kanilang nararanasan sa pag-alis ng kanilang asawa, lalong-

lalo na sa ispesipikong mga gampanin tulad ng pagluluto, paglalaba, pamamalantsa,

pagdidisiplina ng anak at iba pang mga gawain. Tinitignan nila ang pag-aalaga ng anak bilang

isang gampanin ng parehong magulang ngunit, tinataya nilang mas maganda at mabuti kung ang

ina ang nagdidisiplina. Kahit na egalitarian ang lumalabas na anyo ng pamilyang Pilipino, may

mga paniniwalang hindi pa rin nawawala tulad ng pagkakaroon ng ‘kakaibang’ katangian ang

mga ina para magdisiplina. Isa pa ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa bahay tulad ng mas

mabibigat na gawain sa lalaki, at pagaalaga, pagdidisplina, paglalaba, pamamalantsa bilang

gawain ng mga babae. Ngunit, maraming mga gawain tulad ng pagluluto ay nagiging isang

gampaning hindi tumutukoy ng gender. Maraming househusbands ang hindi nagaalangan na

magluto sapagkat marami na ring mga lalaking gumagawa nito. Maaaring ang kanilang

paghulma sa sarili, ang pagtingin nila sa kanilang pagkatao ay naiimpluwensiyahan din ng media

o ang prevailing na notion ng lipunan sa pagluluto. Ang pagkakaroon ng pagdami ng lalaking

chef ay maaaring nakaimpluwensiya sa pagtinging nila sa gawaing iyon bilang parehong

panalalaki at pamababae.

Mapapansin din ang kanilang mariing pagtanggi na hindi isang source ng kapangyarihan ang

pera sa pamamagitan ng pangingibambansa ang pamilya. Mariin nilang ignigiit na tulungan o

give and take ang mayroon sa pamilya.

Interesante tignan na karamihan sa mga househusbands ang sumagot na hindi naging mas

maganda nag kanilang buhay sa pag-alis ng kanilang asawa. Dito makikita ang pagkakaiba ng

opinion base sa trabaho ng asawa sa ibang bansa.

Page 77: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

76

Gobyerno

Hindi maganda ang resultang lumabas ukol sa kanilang pananaw sa gobyerno at ang mekanismo

ng POEA at OWWA. Hindi sila aware sa mga proyekto at programa ng nasabing mga

institusyon at tinitignan pa bilang negatibo ang paglapit doon. Ayon sa Cases, maaring pabigat

pa ang mga isntitusyon na iyon dahil dagdag pa ito sa bayarin at pasanin ng mga OFWs. Ang

pagiging hindi epsiyente ng mga programa ay hindi naglalayon para masilbihan ang mga

dependents at ang OFWs. Ang ganitong pagtingin ay nirereinforce lamang ang notion na

ginagawang sandalan ng ekonomiya ang pamahalaan ang labor migration , kaya’t layunin nito na

makakuha ng maraming remittances nang hindi naibabalik ang serbisyo sa mga manggagawa.

X. Paglalagom

Ang impact ng labor migration ng babae sa househusband ay mabigat at tumatagos sa aspetong

hindi lang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kanilang mga anak. Ang kalungkutan,

pagkakaroon ng kakulangan sa pagdidisiplina ng anak ay ilan sa natatamaan ng pag-alis ng

kanilang asawang babae. Ang pag-ganap sa gawaing bahay ay hindi naging problema dahil sa

kanilang kasanayan sa gawaing ito nung sila ay bata pa.

Ang mga househusband na naiwan para harapin ang gampanin ng kanilang asawa kung saan ay

nas ibang bansa para magtrabaho, ay nakakaagapay depende sa mga skills na natutunan nila nung

sila ay bata pa. Ang natutunan nila sa kanilang pamilya, kasama ng kanilang karanasan ay

bumubuo sa kanilang pagtingin sa sarili na siyang tumutulak sa kanila para maka-agapay sa

sitwasyong hinaharap nila.

Page 78: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

77

Positibo ang kanilang tingin sa pag-alis ng kanilang asawa dahil nakatutulong ito sa estado ng

kanilang pamilya, ngunit hindi nila tinitignan bilang kapangyarihan o control ang trabaho ng

kanilang asawa na naglalagay sa kaniya sa mas mataas na posisyin sa pamilya. Bagamat positibo

ang kanilang pag-alis, hindi ito nangahulugan na naging maganda ang karanasan o ganansya na

nakuha nila mula dito. Ito pa ay nadagdagan ng strains tulad ng kalungkutan o pangamba: sa

kanilang asawang nasa ibang bansa at sa kahihinatnan ng kanilang anak at pamilya, sa kabuuan.

Walang natatanggap at hindi lantad sa mga househusband ang programa ng gobyerno para sa

kanila. Hindi rin positibo ang pagtingin nila sa mga polisiyang ito. Hindi naging enabling ang

pamahalaan sa mga pamilya at anumang problema mayroon sila ay sinosolusyunan na nila nang

hindi humihingi ng tulong sa pamahalaan. Ang paghahanda sa pamilyang Pilipino para sa labor

migration ay isinasantabi.

Page 79: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

78

XI. Rekomendasyon

Sa aspeto ng househusbands at ng pamilya, maganda kung magkakaroon ng mas

komprehensibong pag-aaral para matukoy ang mga social costs na maaring tago o lingid sa

nakikita ng mga tao. Maganda rin na magkaroon ng mga comparative study tungkol sa mga

karanasan ng mga pamilya kung saan ang trabaho ng isa ay Domestic Helper at ‘yung iba ay

nasa propesyonal na sector.

Sa panig ng gobyerno, maganda kung magkakaroon ng program evaluation ang OWWA at

POEA na komprehensibo upang matukoy ang ispesipikong aspeto na kailangang baguhin o i-

overhaul.

Page 80: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

79

Batis: Alburo, F. at Abella, D. (2002). “Skilled Labor Migration from developing countries: study on the Philippines” International Migration Papers 51. July 2002. Information Source: Online Accessed: August 2009 (URL: Axford, B. (1997). Politics: An Introduction. New York: Routledge 1997 pp:62-64, 112, 420 Banico, Albert. (2002). "Caring While at Risk: OFW phenomenon and its impact to the Filipino family" Information Source: Online Accessed: July 2009. (URL: http://www.migrationanddevelopment.net/research-publications/caring-while-at-risk- ofw-pheHindimeHindin-and-its-impact-to-the-filipiHindi-family/at_download/file) Butalid, Carlo. (2002). “Migration: the Philippine Experience” A paper presented during the Ecumenical Conference Philippines in Germany. October 25-27 2002. Information Source: Online Accessed: August 2009 (URL: www.ilo.org/public/english/protection/migrant/.../imp/imp52e.pdf) Burns, Robert B. (2000). Introduction to Research Methods London: Sage Publications Ltd. pp. 462-480 Capistrano, Loradel and Lourdes Sta. Maria. “The Impact of International Labor Migration and OFW Remittances on the Poverty of the Philippines.” Philippine Institute for Development Studies. Information Source: Online Accessed: October 2009 (URL: http://serp-p.pids.gov.ph/printable.php3?tid=4112) Coward, Rosalind. (1983). Patriarchal Precedents: Sexuality and Social Relations Routledge Crabtree, B.F. at Miller, W.L. (1999). Doing Qualitative Research: Research Methods for Primary Care, vol. 3 pp: 72-73 Dalisay, Grace-Aguiling. (1996). Luto Ng Diyos: Mga Kwento Ng Buhay Mag-Asawa. Manila: DLSU Press. Ellerman, David. (2005). “Labour Migration: a developmental path or a low-level trap?” Information Source: Online Accessed: July 2009 (URL: www.ellerman.org/Davids-Stuff/Dev-Theory/Migration-Path-or-Trap.pdf) Engels, Friedrich. (1972). The Origin of the Family, Private Property and the State Eviota, Elizabeth Uy. (1992). The Political Economy of Gender: Women and the Sexual Division of Labor in the Philippines. Manila: Raintree Publishing Inc. “Globalization” (n.d.) Center for Alternative Developpment Strategies. Information Source: Online Accessed: October 2009 (URL: http://www.cadi.ph/globalization.htm)

Page 81: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

80

Go, Stella P. (1993). The Filipino Family in the Eighties. Manila: Social Development Research Center, De La Salle University Griesharber, Susan. (1998). “Constructing the Gendered Infant” in Gender in Early Childhood. London: Routledge. pp: 19-20 Howard, Judith and Hollander, Jocelyn. (1997). Gendered Situations, Gendered Selves: A Gender Lens in Social Psychology London: Sage Publication Ltd. Kingma, Mireille. (2006). Nurses on the Move. Cornell University Press. Le Espiritu, Yen. (2005). "Gender, Migration, and Work" Revue européenne des migrations internationales [Online], vol. 21 - n°1 | inilimbag online on 02 septembre 2008. Accessed: July 2009. (URL: http://remi.revues.org/index2343.html ) Lewis-Beck, M.S. Bryman, A. Liao, T.D. (2004). The Sage encyclopedia of social science research methods, Volume 2. pp: 564-567 Medina, Belen T.G. (2001). The Filipino Family 2nd ed. Quezon City: UP Press. pp. 138-155 Mendez, Policarpio Paz, F. Landa JocaHindi et al. (1984). The Filipino Family in Transition: a Study In Culture and Education, CEU research center, Manila, Miles, M.B. at Huberman, A.M. (1994). Qualitative Data Analysis: An Expanded Sourcebook pp: 10-12 National Statistical Coordination Board. “Gender Factsheet: Overseas FilipiHindi Women”. Information Source: Online Accessed: October 2009 (URL: http://www.census.gov.ph/data/specialevents/cedaw2009/factsheets/SOF_rev.pdf ____ “Gender Factsheet: Employed Women”. Information Source: Online Accessed: October 2009 (URL: http://www.census.gov.ph/data/specialevents/cedaw2009/factsheets/employed.pdf) Patton, M.Q. (1990). Qualitative Research and Evaluation Methods. Sage Publications. pp: 384-390, 398 Pingol, Alicia. ( 2001). Remaking Masculinities: Indentity, Power, and Gender Dynamics in Families with Migrant Wives and Households UP Diliman. ReOo, Melanie M. (2008). "Migration and Filipino Children Left-Behind: A Literature Review". Information Source: Online Accessed: July 2009. (URL: www.unicef.org/philippines/Synthesis_StudyJuly12008.pdf)

Page 82: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

81

Roesch, Jen. (2004). “Turning Back the Clock? Women, Work and Family Today”. International Socialist Review Issue 38, Online Edition. Accessed: October 2009. (URL: http://www.isreview.org/issues/38/women_family.shtml) Rosaldo, Michelle. (1974). Women, Culture and Society. California: Stanford University Press. Santos, K. (2008). “Househusbands: Self- concept, Marital Relations, Family Dynamics, and Social Perceptions. (Undergraduate Thesis, University of the Philippines Manila, 2008). Scalabrini Migration Center-Manila. (2007). Gender Dimensions of Labor Migration in Asia. Information Source: Online Accessed: July 2009 (URL: un.org/womenwatch/daw/csw/csw50/statements/CSW HLP Maruja MB Asis.pdf) United Nations International Research and Training Institute for the Advancement of Women (INSTRAW). (2007). “The Feminization of the International Labor Migration” Working Paper [Electronic Source] Accessed: October 2009 (URL: http://www.un-instraw.org/en/downloads/gender-remittances-and-development/working-paper-1-feminization-of-migration/download.html)

Page 83: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

82

APENDIKS

Page 84: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

83

APENDIKS A: Halimbawa ng Sarbey Form na ginamit Magandang Araw po! Ako po si Joanna Azarraga, isang Political Science student mula sa UP Manila. Ako po ay nagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng migration ng mga asawang babae sa househusbands at sa pamilya at ang papel ng gobyerno sa pangangalaga sa pamilyang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay importante sa paghulma ng polisiya para sa pamilya ukol sa migration at ang inyong pagsagot sa survey na ito ay makatutulong na maabot ang aking layunin. Maaari lamang po na sagutan ang survey at pakibalik po sa akin. Ang mga tanong pos a survey ay hindi required at maaari niyo pong hindi sagutan ang mga tanong na sensitibo para sa inyo. Sa pagsagot po ng survey na ito ay kayo ay pumapayag na sumali sa aking pananaliksik. Ang iyong pangalan at iba pang impormasyon ay gagawing pribado at confidential. Ang impormasyong inyong isinulat dito ay para sa research purposes lamang. Maraming Salamat po! Joanna Marie V. Azarraga Researcher

Page 85: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

84

Magandang Araw po! Ako po si Joanna Marie V. Azarraga, isang 4th yr college student ng University of the Philippines Manila. Ako po ay gumagawa ng pag-aaral tungkol sa labor migration ng mga babae at pag-ganap ng lalaki sa tungkulin ng kanilang asawang babae at ang policy implication nito. Maari po sana ninyong sagutan ang survey sa ibaba. Maraming salamat po. Primaryang Katanungan

1. Pangalan (opsyonal):_____________________________________________________ 2. Edad:_______ 3. Seks: _______ 4. Relihiyon: ________________ 5. Bilang ng mga anak: _______________ 6. Antas ng pinag-aralan

____ post-graduate ____ Kolehiyo

____ Vocational ____ High School ____ Elementarya

7. Kayo po ba ay may trabaho sa kasulukuyan?

____ Oo ____ Wala

9.1 Kung Oo, ang trabaho po ba ang pangunahing pinagkukunan ng gastusin?

____ Oo ____ Hindi

9.2 Ang trabaho po ba ay

____ Permanente ____ Temporary ____ On-call ____ Self-Employed ____ Wala sa pagpipilian

8. Antas ng Kita ____ 240,000 pataas

____ 120, 000 ____ 50,000 pababa

9. Organisasyong Kinabibilangan

____ pang-relihiyon ____ pampulitika ____ Socio-civic na organisasyon ____ iba pa (tukuyin: ___________________________________________)

10. Lagyan ng tsek ang tumutukoy sa inyo: ____ Naninigarilyo ____ Umiinom (Gaano kadalas: __________________________________) ____ Naglalaro ng sports (Tukuyin: _______________________________) ____ iba pang libangan (Tukuyin: _________________________________)

Page 86: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

85

II. Lagyan ng marka ang item na tumutugma at sumasagot sa mga tanong sa ibaba.

1. Pag-uukol ng budget: Lagyan ng 1-9 ang mga sumusunod. 1 bilang pinakaimportante, 9 – hindi ganoon ka-importante _____ pagkain _____ edukasyon _____ leisure _____ kalusugan (gamot, emergency hospital bills) _____ iba pang kagastusan tulad ng kuryente, tubig, _____ insurance _____ savings _____ communication _____ atbp (tulad ng/ng mga:______________________________)

2. Ang pagdedesisyon ba ukol sa mga kagastusan ay isang joint decision? Ibig sabihin, parehas kayong mag-asawa ang nagdedesisyon?

_____ Oo _____ Hindi

3. May mga situasyon ba na ikaw lang ang nagdedesisyon?

_____ Meron _____ Wala

4. May kasambahay po ba kayo sa bahay? _____ Meron _____ Wala

a. Aling mga gawain ang ginagawa ng kasambahay? Lagyan ng tsek ang nag-aapply. _____ pagluluto _____ pamamalantsa _____ paglalaba _____ pagwawalis _____ gardening (pagdidilig, maintenance) _____ paglilinis ng bahay _____ atbp. (tulad ng: _______________________)

5. May gawaing bahay po ba kayo na ginagawa? _____ Meron _____ Wala

Anu-ano po ang mga gawaing ito? ___________________________________________

6. Ang pagdidisiplina ba sa mga anak ay iyong primaryang gawain o gampanin? _____ Oo _____ Hindi _____ Iba pa (Tukuyin: _____________________________________________)

Page 87: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

86

III. Pagtingin sa gawaing bahay, gampanin at pagiging ‘househusband’

1. Ang term na ‘househusband’ po ba ay may positibong kahulugan para inyo? _____ Oo _____ Hindi _____ Depende (Tukuyin: __________________________________________)

2. Sa palagay mo ba, dapat gumawa ng gawaing pambahay ang mga lalaki?

_____ Oo _____ hindi _____ Depende (Tukuyin: __________________________________________)

3. Sa tingin niyo, ang pagpapalaki sa mga anak ay dapat gampanin ng isang lalaki? _____ Oo _____ Hindi _____ Depende (Tukuyin: __________________________________________)

4. May mga bagay ba na sa tingin niyo ay tanging pambabe o panlalaki lamang? _____ Oo _____ Hindi _____ Depende (Tukuyin: __________________________________________)

5. Kayo po ba ay hirap sa gawaing pambabae? _____ Oo _____ Hindi _____ Depende (Tukuyin: __________________________________________)

6. Alin sa ibaba ang sa tingin niyo gawaing panlalaki lamang? _____ pagkukumpuni ng gamit _____ electrical-related (paglalagay ng bumbilya, etc) _____ paglilinis ng sasakyan _____ construction-related _____ paglalaba _____ pamamalantsa _____ pagluluto _____ pagtatanim ng halaman _____ pagdidilig ng halaman _____ pag-aalaga ng anak _____ paglilinis ng bahay _____ pagpunta sa PTA meeting ng anak _____ pagdidisiplina sa anak _____ pag-badyet sa pera _____ pamamalengke _____ pagmamaneho

7. Alin sa ibaba sa tingin niyo ay maaring gawin o katanggap-tanggap na gawain ng lalaki? _____ paglalaba

_____ pamamalantsa _____ pagluluto _____ pagtatanim ng halaman _____ pagdidilig ng halaman _____ pag-aalaga ng anak _____ paglilinis ng bahay (pagpupunas ng sahig) _____ paglilinis ng bahay (paglinis ng banyo) _____ paglilinis ng bahay (pagwawalis)

Page 88: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

87

_____ paghuhugas ng pinggan _____ pagpunta sa PTA meeting ng anak _____ pagdidisiplina sa anak _____ pag-badyet sa pera _____ pamamalengke

8. Sa tingin niyo po ba ay may negatibong impression ang paggawa ng gawaing pambabae? ____ Meron ____ Wala ____ Depende (Tukuyin:

9. Base sa iyong karanasan, kayo po ba ay nagkaproblema nung kayo ay nagsimulang gumawa ng gawaing pambabae?

Oo dahil: ______ Hindi ako sanay gumawa ng gawaing pambabae ______ Nakakahiya gumawa ng gawaing pambabae ______ Mahirap gawin ang gawaing pambabae. ______ Pakiramdam ko hindi ako tunay na lalaki kapag gumaganap ako ng gawaing pambabae. ______ Iba pa: (Tukuyin:______________________________________________) Hindi dahil:

______ Bata pa lang ako, sanay na ako sa gawaing pambabae. ______ May kaagapay naman ako sa paggawa ng gawaing pambabae ______ Hindi kabawasan sa aking pagkalalaki ang pagganap sa gawaing pambabae. ______ Marami akong kilala na gumagawa ng gawaing pambabae. ______ Iba pa: (Tukuyin: ______________________________________________)

10. Sa tingin niyo po ba katanggap-tanggap ang pagganap ng lalaki sa gawaing pambabae sa lipunan? ______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin: ____________________________________________)

11. Ang pagiging breadwinner ba sa pamilya at dapat gawaing panlalaki?

______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

Page 89: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

88

IV. Ukol sa pag-alis ng asawa

1. Ang pag-alis para mangibambansa po ba ng inyong asawa ay isang joint o shared decision? ______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

2. Positibo ba ang impression mo sa pag-aabroad ng kababaihan ngayon? ______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

3. Positibo ba ang impression mo sa pag-aabroad ng kababaihang may asawa?

______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

4. Sa tingin mo mas makapangyarihan na ang kababaihan ngayon dahil sa kanyang pag-aabroad?

______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

5. Ano sa palagay mo ang epekto ng pag-alis ng asawa mo sa inyo? Lagyan ng tsek ang tumutukoy sa

iyo. ______ Umangat ang aming buhay ______ Marami kaming nabibili ______ Mas nakapagpundar kami sa aming mga anak ______ Mas masaya ako. ______ Mas masaya ang aming mga anak ______ Hindi masyadong masigla ang buhay may-asawa ko ______ Minsan malungkot ako. ______ Minsan malungkot mga anak ko. ______ Nakararamdam ako ng pangungulila. ______ Hindi masyadong nadidisiplina ang aming mga anak ______ Mahirap ‘pag walang babae sa bahay dahil wala nang gaganap sa gawaing pambabae. ______ Kulang sa kalinga ang aming mga anak. ______ Nararamdaman ko na hindi ako tunay na lalaki. ______ Nararamdaman kong kailangan kong higitan ang nailalaang pera ng aking asawa. ______ Nagkakaproblema ako sa pagiging ina at ama ng sabay.

6. Sa tingin mo dapat nangingibambansa ang mga babaeng may asawa’t pamilya para magtrabaho?

______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

Page 90: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

89

V. Polisiya ng gobyerno

1. Sa tingin mo ba nararapat tulungan ng gobyerno ang pamilyang naiwan ng babaeng nangingibambansa?

______ Oo ______ Hindi ______ Depende (Tukuyin:_____________________________________________)

2. May assistance ba kayong narinig na pino-provide ng pamalaan?

______ Meron ______ Wala ______ Hindi sigurado Kung meron, ano ang mga ito? __________________________________________

3. Sa tingin mo sapat ang ginagawa ng gobyerno para sa OFWs? ______ Oo ______ Hindi ______ Marahil

4. Sa tingin mo sapat ang ginagawa ng gobyerno para sa pamilya ng OFWs?

______ Oo ______ Hindi ______ Marahil

5. Pamilyar ba kayo sa OWWA?

Oo, dahil _______ alam ko kung para saan ang OWWA at alam ko kung ano naitutulong nito _______ naririnig ko lang sa TV, radio, pero di ako sigurado kung para saan ito _______ alam ko kung para saan ang OWWA pero hindi ko kabisado ang importanteng gampanin nito. _______ Iba pa (Tukuyin: ________________________________________________) Hindi, dahil ______ wala naman itong naitutulong sa akin, o sa asawa ko. ______ dagdag pasanin lang ito sa amin ______ wala akong naririnig na balita o importanteng gampanin nito mula sa gobyerno o sa mga tao sa paligid ko ______ Iba pa (Tukuyin: _________________________________________________)

6. Nararamdaman mo ba ang mga polisiya ng gobyerno para sa OFW?

______ Meron ______ Wala ______ Hindi sigurado

7. Nararamdaman mo ba ang mga polisiya ng gobyerno para sa pamilya ng OFW?

______ Meron ______ Wala ______ Hindi sigurado

8. Sa tingin mo may nagagawa ang pamahalaan para sa pamilya niyo? ______ Meron ______ Wala ______ Depende (Tukuyin:______________________________________________)

MARAMING SALAMAT PO! ☺☺☺☺

Page 91: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

90

APENDIKS B Form na nagsasaad ng May-Kabatirang Pagsang-ayon mula sa househusband Magandang Araw po! Ako po si Joanna Azarraga, isang mag-aaral ng Political Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Ako po ay gumagawa ng pag-aaral tungkol sa pagtingin ng househusband sa pag-alis ng kanilang asawa para mangibambansa, ang epekto nito sa kanilang pagkalalaki at ang papel ng gobyerno sa pagtulong sa pamilyang naiwan. Tinitignan ko po ang epekto ng pamilya at ng pag-alis ng inyong asawa sa inyong pagtingin sa gawaing panlalaki at pambabae. Kayo po ay aking napili para ma-interbyu at matanong tungkol sa pagtingin niyo sa mga gawaing panlalaki. Ako po ay magtatanong ng mga tanong tungkol sa inyong pagkabata, sa pamilya niyo ho nung kayo ay binata pa at sa pamilya niyo po ng kayo ho’y nakapag-asawa na. Ang pag-aaral na ito ay mababasa po ng aking propesor sa unibersidad at ng mga estudyante o iba pang mananaliksik na iteresado din sa aking isinulat. Kaya po naman, maaari hong ikubli ang inyong tunay na pangalan at iba pang impormasyong tutukoy sa inyong katauhan. Maaari pong gumamit ng code name. Maaari din po kayong tumanggi sagutin sa ibang mga katanungan ko. Kayo rin po ay bibigyan ng kopya ng mga topic ng mga tanong bago ang panayam. Kung kayo po ay pumapayag, maaari lamang po na lagdaan ang patlang sa ilalim ng linya. Maraming Salamat po! Gumagalang, Joanna Azarraga Mananaliksik May pahintulot ni: Dr. Jinky Lu Adviser

Ako ay pumapayag na ma-interbyu para sa pag-aaral na isasagawa tungkol sa househusband,

alinsunod sa mga kondisyon na inihayag sa sulat na ito.

_______________________ Lagda

________________________________________

(Pangalan)

_____________________________ (Petsa)

Page 92: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

91

APENDIKS C: Transcribed KII

CODE: H1

Page 93: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

92

J: interviewer R: Respondent J: Ayun po, magandang hapon po, ako po si Joanna. Ay, ano po ang pangalan nila? R: Mon. J: Mon po, ngayon po, ang topic ko, na nasabi ko po kanina ay tungkol sa househusbands, kung paano sila nagccope o nakakaagapay sa changes na nangyayari pagkatapos umalis ng kanilang asawa. At kaalinsabay na rin po ay ‘yung mga policy implications o kung paano natutulungan ng gobyerno na makaagapay ang pamilya na naiwan sa Pilipinas. Ang una ko lang pong tanong, so, history lang po ano, ilang taon na po nagtatrabaho sa ibang bansa ang asawa niyo po? R: Since 2004. J: Hmm, since 2004 po ano. Tapos po, paano po yung changes na dinaranas niyo po nung umalis na po siya.? R: ang changes lang namin ay ‘yung anak ko, medyo lumaking naging tumitigas ang ulo gawa nung, nung syempre, pumapasok din ako, naiiwan, walang naiiwan sa amin. Basta ako, sa umaga pinagpprepare ko lang sila ng pagkain nila, aalis na ako bahala na silang ano. Sa gabi naman, minsan tulog na ako, wala pa rin sila. Sa school, galing sa school. Kaya minsan, di na kami nakakapagusap. Nakakapagusap lang kami pagka, pag Sunday. Di gaya nung wala nung nandito yung mommy niya na Everytime na ano, sasabihan na lang sa akin, sa work ko, na eto ganito, medyo ano. Pero sinasabi rin naman nila sa akin kunhg may problema sila. Sa mga anak ko. Tapos sa bahay naman, wala namang problema, maliit pa lang kasi ako, marunong na ako ng gawaing bahay. Lahat ng mga kapatid ko, ako naglalaba ng mga lampin nila, nagluluto, nag;lil;inis ng bahay, nagsisibak ng kahoy, nagiigib ng tubig kaya walang problema sa akin pag gawaing bahay, Ang di lang pwede, ang ano ko lang, yung pamamalantsa kasi pagka ano, magluluto ka diba. Sa paglilinis naman ng bahay ngayon dahil meron kaming kasamabahay na ano, hindi naman siya stay-in, ano lang siya sa umaga lang tapos maglalaba, maglilinis ng bahay kaya siya na namamalantsa. Tapos sa hapon, pag ano, babalik, maglilinis ng kwarto. Pero sa pagluluto, ako talaga, hindi ko inaasa sa ano ko, katulong. J: Malalaki na po ba ang mga anak niyo nung umalis ang asawa niyo po? R: High school. J: Naramdaman niyo po ba nung umalis ang asawa niyo na mahirap po ‘yung ginampanan niying trabaho? M: First, hindi eh, yung ano kasi sanay na ako. Sila ngang nandito yung wife ko sa pamamalengke, dalawa kami. Paglilinis ng bahay, tulungan kami, kasi nagwwork din siya ditt. Magbabad sa gabi na labahan, sa umaga, ako magbabanlaw. Give and take kami. Hindi kami yung, pamababe ‘yan talagang tulungan kami. J: So hindi po kayo naniniwala na may gawaing pambabae lang at gawaing panlalaki lang? R: hindi. Hindi ako naniniwala dun. Pero kung magkukumpuni ng bubong, syempre lalaki yan diba, pero yung laba, luto, pamamalengke, hindi lang pambaba yan, panglalaki rin yan. Iba na ngayon eh. ‘di ba? Noong unang araw siguro, nung panahon noon, pag sinabing magluto ka, pambabae lang yan, pang-ano. Eh ngayon, iba na. Iba na ngayon ang takbo ng buhay. J: Sa emotional po, may naramamdan po ba kayo ng umalis yung asawa mo? Na mahirap… R: Ay syempre, mahirap, malungkot, wala kang kasama. ‘yung pagdidisplina sa mga anak mo. Iba yung may katulong ka sa pagdidisiplina sa mga anak ko. Iba pa rin yung pag may mproblema ka, may mapagsasabihan ka kaagad. Although ngayon, maganda na ang komunikasyon, gawa ng pag may problema ka text mo lang. Di tulad dati, sulat lang, isang buwan lang bago makadating sulat mo. Eh ngayon, internet, may mga ano po tayo diyan mga friendster, facebook, maraming means of communication diyan kaya di ka na rin maaiinip eh. Dahil lagi mo naman siyang makakausap. Yung una lang, Syempre, wala, bago, di ka sanay na wala sa tabi mo. Tsaka every year naman umuuwi. J: so yung choice po nung pag aalis siya, dalawa po kayong nagdecide nun? R: Hindi, unhang-una, siya nag-apply tapos sinabi niya sa akin, KJailangan lumulamki mga anak naming dahil maliit naman sweldo naming, at isa pa, tamang-tama sa course na pupuntahin niya. Nurse siya, so ano, yung pupuntahan niya, related sa trbahao niya. Hindi yung ano siya, DH, as a nurse yung trabaho niya, Kasi dito sa manila ,nurse din siya. Eh mas, Syemrpe ggrab niya yung opportunity na mas malaki yung kikitain niya kaysa ditto sa atin. Eh dito sa atin, ang pinakamababang sweldo nurse eh. Eh dapat nga yung sa gobyerno para di umalis yung mga ano, lakihan nila sweldo ng nurse dito. Ehngayon ngaang daming graduate na nurse, bago ka makapagtrabaho sa ospital magbabayad ka muna, diba? Voluntary magbabayad ka. Kaya Wlang kwenta ang ano natin ditto. Sa atin. J: So kung papipiliin po kayo, kunware po may trabaho po dito, kuyng papipiliin po kayo, satingin niyo po, yung asawa niyo, magaabroad pa po siya. R: Kung yung sweldo niya ay malaki sa profession niya, syemrpe papipiliin niya na ditto na lang dahil mahirap din mangibambansa nang nagiisa. Mahirap yun. Lagi ngang dumadaaing eh, nagiisa lang ako, kayo ang dami niyo dyan. Diba?

Page 94: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

93

J: kalaban po homesick? R: Kalaban mo homesick, tapos lamig. Kasi malamig dun sa pinuntahan niya, Scotland, malamig dun eh, nag-negative 5 yung lamig, tapos di sila lumalabas ng hospital, ng kwarto nila J: So kung titignan niyo po, kung papipiliin po kayo, sa tiungin niyo po dapat po ba ang babae hindi nap o nangingibambansa o dapat sa bahay na lang siya, nagaalaga ng mga anak R: Kaya nga, ang ano diyan, sagot diyan, depende. Depende. Kung kaya ng lalaki na ano, sa tingin mo sa sweldo ng lalaki,talagang may business ka dito, eh kung namamasukan ka lang, at kung empleyado ka lang na minimum ang sweldo, hindi kakayanin ng ano, tapos kung halimbawa, graduate naman ang babae at dito ka lang sa bahay, wala kang ano, sayang naman ang pinag-aralan mo diba, bakit ka pa nag-aral kung sasayangin mo lang din. Diba? Yun yung ano dun.Di kagaya naming, matagal, nung nandito siya, shared yung ano naming, yung kita ko, kita niya, may budget yun, may budget sa meralco, may nakatabi na kaagad dun. siya nagbabadyet, pagdating sa ilaw sa tubig, sa pamalengke, lahat ng ano nakabadyet yun. Kaya kung sasabihin sa akin, eh night shift siya, eh yung ano, kunin mo pambayad diyan, alam ko na kaagad kung nasaan yung pambayad yung budget naming ganun. Tsaka Ang kagandahan lang na nanudun siya sa abroad, ngayon oo, sa amin mahirap dahil wala siya. Ngayon, lahat ng mga ano, nabibili ng mga anak ko pag, although siguro kung andito siya, hindi naming mapagaaral ng medicine ‘yung anak ko, graduate na yung anak ko ng nursing, dib board passer na rin yung babae, irst year proper siya sa UST. J: ilan po ba ang anak niyo? R: Dalawa. Kaya lang yung lalaki ko medyo, Yun nga, nabarkada nga, pinapauwi naming sa mIndanao J: Ah, sa Mindanao po? Taga-Mindanao po kayo? R: Oo, pinapa-ayos niya yung bahay niya dun. Kasi nagpagawa siya ng bahay dun. J: Ah, matanda na rin po? R: 24. 24 pa lang. Lahat ng yun, syempre, may kita nay un eh, eh yung magulang niya andun, gusto niya rin katabi ng magulang niya, yung kapatid niya, bumili siya ng lupa dun. Nagpatayo siya ng bahay dun. Pero sa tingin ko hindi siya titira ang anak dun. Pupunta lang siya dun, bakasyon. J: Kumusta po ba ang relationship niyo sa mga anak ninyo. R: Sa amin naman, ang relation--, medyo lumalayo mga anak ko, kasi medyo minsan lang kami nagkakausap. Hindi kagaya nung maliliit pa, na everytime na ihahatid ko sila sa school, yung umalis ng wife ko, ihinahatid ko, sa Caloocan Science sa morning, sabay kami, kahit maaga pa, pagdating sa opisina okay na bastes abay kami ‘yung anak ko, ganon din, magtetext sa akin yung anak kong lalaki, Pa, anong ulam natin? Sandali, hintayin mo, ano ba gusto mo? Sinasabi naman nila kung ano yung ano nila. Kayal nag, emdyo yung sa communication, kasi nga busy sila sa pag-aaral, di ko naman siya--, pag andiyan siya, pagdating sa school, kakausapin mo, diba syempre, nagaaral yan, di namn pwede, lalo na ngayon yung course niya, medyo mabigat, kailangan, aral ka talaga, medicine. Hindi pwede yung ano, minsan nga, inaabot hanggang 3 o’clock in the morning, nagaaral siya. J: Kaya po parang wala pong oras? R: Oo, kaya wala kaming oras, oo. Basta ang inaano ko lang, ang inaano ko lang sa kanila, paggising nila sa umaga, may pagkain sila, paguwi nila sa gabi, may kakainin sila bago sila matulog kasi sa tanghali, wala naman kami pare-pareho eh. Yun lang. ‘yon pag may kailangan sila, Pa, bili mo ko, magtetext lang sa akin yan, bili mo ko cake. Yun nga, communication naming text. J: ah, text. R: Sa bahay, medyo, yung anak kong babae, minsan, masungit, kaya di ko masyado maano, konting ano mo lang, nbakasimangot. Pero yung lalaki ko, matigas ang ulo pero pag pinagsabihan mo naman, kaya lang pinapauwi ng mama niya sa Mindanao gawa nung, eh wala, puro barkada dito, nagkaroon ng pera, panaymotor, laging umaalis ng bahay kaya yung bahay naming laging walang tao, pag linggo lang. o kaya sa gabi. J: Sa tingin niyo po ba, yung pag-alis ng misis niyo po ay may epekto sa pamilya niyo po? R: Meron, meron, meron syempre, may epekto yun. Kasi kung andito misis ko, magguide-an niya mabuti yung mga anak namin, yun ang epekto. J: So ‘yun po yung pinakaimportanteng gampanin po ng-- R: babae J: --opo, ng ina. Pagdidisiplina po. R; pagdidisiplina. Kasi mas takot ang mga bata. Mas atakot sa kanya yung mga anak ko. Kaysa sa akin. Sa akin kasi hindi takot, medyo maluwang kasi ako.

Page 95: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

94

J: Siya mas strict po R: Mas strict. Pag siya, namamalo yan, ako hindi. J: sa pagdidisiplina po, siya po talaga. Kahit dati pa po na andito po siya? R: kahit dati pa. Kasi yung, kaya nga naging suplada yung anak ko eh, di nakaranas maglaro yan, panggabi yan, pag walang pasok yan, di pinapalabas yung anak ko, kasi nga wala siyang katulong. Pag matutulog yung wife ko, nakahigal ang din yan, nagbabasa ng books, di lumalabas yan. Kaya nga sabi ng wife ko, eh kung natutulog ako, lumabas yan, eh di kung anu na nangyari—Kaya gawa J: Pagdating naman sa pagkalalaki, paano niyo po pangangahulugan ang pagkalalaki? Paano niyo po ba masasabing isang lalaki. Ang pagkalalaki po, paano niyo bibigyan ng definition po. R:Ang ano ko diyan sa pagiging isang lalaki, hindi lang yung kumikita ka o ano, kelangan alam mo rin ang dapat mong gawin, diba? Hindi porke naglalaba ka, hindi ka na lalaki, hindi porke nagluluto ka, inuunder ka, hindiu porke namamalengke ka, ganun na ang tingin sa’yo, diba. Hindi. Kelangan tulungan mo rin yung isang babae, hindi ppwedeng, siya lang lahat ng gagawa nun, diba> Hidni ppwede, dapat tulungan kayo. Yun yung ano dyan, tulungan. J: Sa lipunan po kaya, nakaranas po ba kayo na parang, iba, o maliit yung pagiting sa’yo? R: ay hindi, mas ano pa nga ako eh *lfiting gesture* J: nilelevel, dignified po. R: Hindi porke ano, yung ano, yung mga umaano sa akin, puro buti ka pa, buti ka pa, may ano ka na. May sarili ka na, eh kung hindi nag-abroad yung ano mo, kung hindi kayo nagtutulungan, kung hindi umalis misis mo, hindi mo makukuha yan. Pero nung hindi pa umaalis yung wife ko, nakuha ko na yung lupa nay an. Ako na nag-ano niyan, mas nadagdagan pa nung naka-ano siya, napaayos naming ng bahay. J: So maganda po talaga yung tingin, positibo? R: Positibo. Depende kasi. Meorn kasing ibang ano eh, mga tao na sa pamilya, pag umalsi yung babawe, yung lalaki, heto na, kung anu-anong kalokohan na yung pinaggagawa. Magpapadala yung babae, kung saan saan napupunta diba , hindi nila iniisip na mahirap ang trabaho ng asawa mo nagpapakahirap dun magisa lang tapos lulsiutayan mo lang, diba. Yun yung ano, eh kasi ako naman pero paara sa ano ko, yung ginagastos ko, syempre, yung sweldo ko, pero yung galling sa kanya, hindi. J: Hindi po ba kayo na-tempt? R: na… J: na, magbisyo R: Hinde, May bisyo ako, umiinom ako eh. Pero sugal wala, wala, wala pambabae, wala. Pero kami, minsan nalabas, kaming magkakaofficemates, pero yung pambababae, wala yun, wala. Pangit yun, mahirap. J: sa mga desisyon pos a bahay, o sa mga anak, paano po yun? R: Sa desisyon, kinokonsulta ko sa kanya kung, payag ka ba, diyan ka, paano sila, katulad nung ano, pupunta sila ng Singapore sa May, tinanong ko muna kung papayag siya, ang sagot sa akin, nugn wife ko, tanong mo muna siya kung sigurado siya, eh pag ano, protective ba,Eh yung desisyon, ano, walang passport, sa communication, madali. Yun ang nangyayari. Madali naman. Pagka maysasabihin ka sa kanya, hindi yung ikaw o siya lang magdedesisyon, dapat dalawa kayo. J: May mga problema po ba kayong na-encounter ng asawa niyo, dahil magkalayo kayo? R: Meron, mga syenpre, kahit di kayo magkalayo,nagkakaroon din kayo ng problema. Meron din, ganun din, yung pinagaawayan din namin. J: ah, pero normal lang po? R: Normal lang. J: Tapos po, dumako naman po tayo sa policy implication na kasi po, sa tinign niyo po an gobyerno po ay may nagagawa sa mga OFWs? R: parang wala. Wala. Wala akong naano, Siguro pag time na na-media, dun lang sila gumagawa, pero sinabi mo na dapat ang gobyerno ano, meron, wala eh. Matagal nang umalis ang wife ko pero hanggang ngayon wala pa akonjg nakitang benepisyo man lang.

Page 96: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

95

J: wala po talaga, kahit ano? R: Oo, siguro, korap gobyerno natin, siguro kung napalitan ng medyo maganda-danga ng ano yung namamahala sa bayan natin, kaya dapat mapalitan na. J: Yung burden po na sinasalo ng pamilya, o ng isang miyembro ng pamilya, talagang pamilya lang po ang sumasalo. Wala pong ignagawa ang gobyerno? R: Wala, wala, wala. Wala. Anong gagawin ng gobyerno? Magbabayad ka pa nga ng mga travel tax, eh di kita rin ng gobyerno, saan pupunta iyon? Eh di sa bulsa nila, sa gobyerno. Eh pagpunta mo ditto, pagpunta mo ng POEA, magbabayad ka, diba? Magbabayad ka ng OWWA, eh membership lang, wala naming benepisyong nakukuha. Yun yung ano, wala pa akong nakukuhang benepisyo. Nagkasakit nga anak ko, wala kaming nakuha. J: Kahit insurance? R: wala. J: So wala po talagang ginawa? J: Ayun po, sir, salamt po, maraming salamat po sa panayam.

Page 97: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

96

CODE: H2 J: Interviewer O: respondent J: So ano po yung mga pagbabagong dinanas niyo po nung umalis yung asawa niyo po? O: Mahirap, mahirap, kasi ano eh, tagal mo nang kasama pamilya mo eh, syempre, malungkot, nakikiramdam nga misis mo, tapos biglang aalis, malulungkot ka din, pati mga bata, syempre, mag-aalala. J: Ilang taon po ba siya, kalian lang po ba siya umalis? O: Halos anon a eh, buwan din, yun nga lang buwan eh hirap na hirap na rin kami eh. J: Paano po nagging mahirap? O: Syempre, sa mga bata lang eh, pag-aasikaso lang sa mga bata maghapon, nagtatrabaho pa ako ditto, syempre, doble-doble hirap ko, syempre, kung ako sa lalaki, syempre, trabaho pa ako ditto, trabaho pa sa bahay, mag-alaga sa mga bata, kailangang gawin ko ‘yun, kailangang mag-sacrifice eh, dib a eh syempre, parehas kaming nagtatrabaho, hindi naman pwede siya lang ang magtatrabaho, kailangang kumita din ako. Kailangan o, pag syempre, trabaho siya, trabaho din ako, at least gagaan yung ano naming, pamumuhay namin, kumikita siya, kumikita rin ako, o, maigi yung nagtutulungan kami. J: Ano po ba trabaho niya doon? O: tagapag-alaga din ng bata, sa ano din, sa pamilya din, kumbaga, tagapag-alaga ng bata. J: Saang bansa po siya? O: Jeddah, Saudi, kasama din siya ng tita ko kasi tita ko kumuha sa kanya kaya dir in ako nagaalala na pinalakad ko siya kahit ano mahirap sa akin, pinalakad ko siya para lang makaahon kami sa hirap. Mahirap. J: Bakit hiyo po ba naisip na umalis siya? ‘yung desisyon po ba na umalis siya, ano yon ,parehas kayo nagdesisyon nun? O: Oo, desisyon namin pareho ‘yun. Desisyoin niya, hindi ko naman siya, kumabaga, hindi ko naman siya sapilitan, kung gusto niya magtrabaho, ano, ayun, pinayagan ko, pumayag naman siya, kumabaga, di sapilitan yung ano, kumabaga, pinagdesisyon naming dalawa, mahirap kasi kung kailngang magdedesisyon, syempre, sasama loob ko kung siya lang magdedesisyon kasi asawa niya ako. Kailangan parehas kaming magdedesisyon para walang away. Ayun. J: Ilang taon nap o mga anak niyo? O: Yung isa kong ,pitong taon, yung isa dalawang taon eh mahirap kasi nanay yun, di pa sanay yung mga bata lalo na naiiwan sa nanay. Kjaya mahirap ngayon. J: nahihirapan po mga anak niyo? O: oo, laloi na yung mga ano, kasi mga anak ko sanay silang lagging kasama nanay, o, kung ako, ok lang kasi ako lagging nasa trabaho, eh ang nanay laging kasmaa ng mga bata ayon maninibago yung mga bata ako lagging kasmaa ako lagging nagaaruga sa kanila, maninibago sila, kayasabi ko tiis lang. J: Kinakausap niyo palagi sila? O: Oo, sinasabi ko lagi sa kanila na kailangan kayo, yung isa ko pinag-aaral, hanggat maari magtiis sabi ko, opo, sabi nila, ayon, naintindihan naman ng anak ko, pag di mo kasi inaanong ganon, sasabihin ng bata, asasabihin, habang lumalaki ang bata ng wala ang nanay, sasabihin, di ba tayo mahal ng nanay? Bakit ganito, wala siya? Kaya habang bata pa, pinapaintindi ko sa kanya na kaya nagtatrabaho ang nanay niiya, nila, para sa kanila din, kumabaga para sakinabukasan nila, ayun, kaya kahiot ano gagawin para maihaon sila sa hirap.Makapg-aral sila ng maayos, ayun J: nung nandito po ba, paano po yung trabaho niyo, sino po yung gumagawa ng gawaing bahay? O: Minsan, nakakatulong ko ‘yung nanay niya, tumutu;long nanay niya? J: Palagi pong nasa inyo? O: Kumabaga sumusuporta siya sa akin kahit paano, syempre, pag nanay mo, biyenan mo, kailangan bibigyan mo rin, pag di mo binigyan, eh siyempre kalimitan ganun ang gagawin, syempre kailangan, baka may masasabing iba. Mahirap pa rin, kasi

Page 98: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

97

pakikisamahan mo yun, kahit sabihin na nagbibigay , pakikisamahan mo pa rin. Syempre, kasi kahit sabihin mong nagbibigay sa kanya, utang na loob mo pa rin sa kanya yun. J: Eh yung asawa niyo po nung nandito pa siya, ano po trabaho niya? O: yung biyenan ko? J: Yung asawa niyo po O: Ah nandito, wala, nasa bahay lang siya. Nagaalaga lang ng bata, ako lang nagtatrabaho, epro sabi ko sa kanya, kung gusto niya magtrabaho sa ibang bansa, tutal may tita ako na kumukha sa kanya, yun nagdesisyon kami na ipalakad ko na siya, kaya pareho kaming nagdesisyon kaya ayun. J: Eh bakit po dito, dip o siya naghanap ng trabaho? O: Di, meron siyang work ditto, regular, pero mahina din, baliwala rin naman, di kumikita. J: Di po sapat? O: Di sapat talaga J: O: Talaga, kahit sabihin mong pamilya, dalaga, ako nga binata dito, maliit pa kinikita dito, lalo pa ngayon, mahihirapan na ako, may mga anak ako, nung binata, nahihirapan ako, eh lalo na ngayon, mahirap kasi may mga anak na ako kaya kung anuman yung ginagawa ko noon eh di ko na kaya gawin ngayon. J: Ano po ba yung ginagawa noon? O: Kumbaga, kunware, sama sa mga tropa, inuman, tambay doon, tatambay, eh ngayon laaht, konting oras, trabaho, konting oras kailangan tatrabaho, kailangan, kumbaga, sa pamilya lahat , mahirap eh, tiis=tiis tlaaga. J: Paano pos a gawaing bahay, ano po yung mga ginagawa niyo sa bahay ngayon? O: Minsan, eh ako naglalaba, minsan pag ako andun sa bahay, nagluluto, naglalaba, naglilinis ng bahay, yun, ginagawa ko lahat ng,syempre, pag umuuwi ako sa amin, pag andiyan yung nanay nila, nagagawa ang lahat ng iyon, syempre ngayon ako lahat gagawa. Maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, kaya naranasan ko na lahat rin. J: Di po kayo nagulat sa ganoong gawain? O: Hindi naman. Bata pa lang ako sanay na ako magtrabaho. Ang magulang ko rin naman, sinanay rin kaming ganoon, gusto nila na habang bata marunong ka nang maglaba, magluto, maglinis at least hanggang ngayon, naano ko na, kinalakihan ko na yung ganun, kaya ok lang, kahit saan ako mag-ano, marunong ako ng gawaing bahay. Kaya di na ako naninibago, sanay na ako sa mga ano, sa mga ganoong gawain. Kahit ‘di pa ako nagaasawa, marunong na ako magluto, maglinis ng bahay, maglaba, nakikipaglabahan pa nga ako sa iba. J: Hindi po kayo natutukso, kunware, mga barka-barkada. O: Hindi naman, kasi ako nga nung binata, nakikipaglabahan, syempre di maiwasan na tutuksuhin, oh, doble-doble kayod tayo diyan, binata pa mga ganun. Ok lang naman, bakit ka mahiya eh kinabubuhay mo yun, naghahanap-buhay din. Kailangan, sa hirap ba naman ng buhay, kahit ano gagawin mo diba? Basta kumita ka lang, hindi naman, kuymbaga sa magandang anon a, kailangan kumnita talaga eh. J: Ilan po kayong magkakapatid O: Dalawa, J: ah, dalawa lang po kayo? O: oo, bunso ako J: Tapos po buhay pa magulang niyo? O: Oo, kumbaga broken family din ako. Kumbaga, ayoko ng ganun. Nung sinabi ko sa misis ko na, ah broken family ako, nanay ko atatay ko hiwalay, bata pa kami hiwalay na sila, pero nandiyan sila pareho, sinosuportahan pa rin nila kami. Hiwalay sila, di kami pinabayaaan. J: Ano ho yung tinuturo nila sa inyo na hanggang ngayon inaaplay niyo ho sa mga anak ninyo?

Page 99: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

98

O: Ah, yung ano, katulad nung broken family, ayoko na mangyari yun sa amin. Kaya sinasabi ko sa mga anak ko na kaya umalis ang nanay nila, kumbaga, hindi dahil galit sa akin, kungdi, gusto niya magaan ang buhay kaya para sa kanila yung hanapbuhay niya eh, kung dito kasi mahirap maghanapbuhay eh, mahirap, kahit magtrabaho ka dito kahit sobrang kumayod ka ng kumayod, walang asenso pa rin dito sa atin kumbaga, wala talaga ,kailangan mong magsakripisyo sa ibang bansa. J: Ah, so parang dahil wala nang makitang trabaho ditto, walang matinong trabaho ditto, kailangan talagam angibambansa. O: Oo. Mahirap talaga eh, kahit paano, nakakaraos na ngayon, kahit mahirap sa akin, sa mga bata, natitiis naman. J: Kung papipiliin po kayon, kung mayroong trabaho dito, papaalisin niyo pa po asawa niyo? O: Siguro kung magandang trabaho din, papaalisin mo pa rin, kasi wala talaga eh, kasi kahit nga yung iba, mga manager na ditto, talagang magaganda na mga trabaho dito diba nangingibambansa pa rin. Eh syempre, eh ako, katulad ako, syempre, lkung ako lang makakapagtrabaho, kung manager ako, eh kung magaganda mga offer sa ibang bansa, bakit hindi, eh di makapagabroad na rin kasi mas maganda offer dun eh, syempre kung saan ka aasenso, dun ka rin aano. Kumbaga kung saan gaganda ang buhay mo. Kumbaga laban kung laban J: So paano po yung pagdedesisyon niyo ho, sa mga anak niyo po? Palagi po kayo naguusap ng asawa niyo? O: Oo. Linggo-linggo natawag, minsan three times a day, minsan sa isang linggo tatlong beses, para di namamalayan ng mga bata. J: Umiiyak po sila? O: umiiyak talaga, pero yung mga bata, sinasabihan na rin ng nanay nila na huwag umiyak, mahal na mahal ko kayo, di ko kayo papabayaan, basta ako nandito, nagtatrabaho ako, wag kayong magalala. Yon., kahit paano, nakaka-adjust na yung mga bata, di na sila nalulungkot na wala yung nanay nila. J: paano po yung nag-aaral? Paano niyo ginagabayan sa pag-aaral. Sabi daw po nila, nagrerebelde daw po mga anak ng OFW O: depende naman iyon sa pagpapalaki ng magulang, depende rin sa akin, sananay, syempre kahit paano, tumatawag naman siya, napagsasabihan din. J: Kahit po nasa ibang bansa siya, hands on pa rin, alam niya lahat ng nangyayari O: Oo, sinasabi ko lahat. Kahit ang bata ganito, ang grades, ok, kahit paano Masaya siya, kapag ang mga bata ok diba? J: pati po mga problema sinasabi niyo po so kanya? O: Oo, sinasabi ko, tulad nung pagnagkakasakit, sinasabi ko kaagad, ayoko naman kung kalian malala dun ko pa lang isnasabi, eh syempr, amahirap, kung iakw yun nasa ibang bansa, iisipin mo talaga yung mga nandito, eh mahirap, homesick lalao pa kung iisipin mo ng iisipin yung mga bata dito, walang mangyayari. J: Yung pinakamalking pagbabago na naranasan niyo? Yung pagbabago po ba negatibo o positibo? Maganda ba siya? O: maganda naman siya kahit papaano kasi nakakaluwang-luwang kami. Kahit paano nakakabili-bili ng ibang mga gamit, kaya ok, positbio. J: Kung may negative ano iyon? O: Kung may negative, siguro yung di naming nakaksama siya pagn kami nagsasaya, kumabaga malungkot,. Pag Masaya kami, malungkot, parang may kulang kami. Tulad nung 28 birthday ko, di siya nakauwi, syempre, malungkot pa rin diba. Nung birthday may handa, malungkot wala si mama, pero sabi ko wag ka magalala. J: Kwento niyo po yung schedule niyo sa isang araw, yung mga ginagawa mo. Paano, sa umaga, yung paghahti ng oras O: ayon, pagkamadaling araw, misnan, uuwi ako, isa lang kasi napasuan sa amin, o medaling araw, ang pasok niya 6 eh, eh di 5 pa lang gumigising na ako, tapos 6 papasok na siya, sinusundo na siya ng biyenan kong lalaki pauwi, nagddrive kumbaga, ako sa umaga, biyenan ko sa hapon, kumabga nagtutulungan din kami kaya sabi ko, malaking tulong din biyenan ko kaya kailangan din amgbigay din eh kum,baga suporta o parang pakikisama na rin sa kanila. J: Nakatira po sila sa inyo? O: Hindi, kungbaga magkalapit bqahay lang kami. Minsan walang tao, pupumta sila sa amin. J: Tingin niyo po ba kung wala yung biyenan niyo mas mahirap . O: siguro, mas matinding hirap gagampanan ko, siguro ganun nga, napakahgirap siguro mas lalaong mahihirapan ako. Baka mapatigil pa ako sa trabaho, syemnpre, pag wala sila, andun na akol agi sa bahay din a ako makakaalis. Syempre aalagan, sundio, hated, linis ng bahay. Ako gagawa lahat. Di kakayanin.

Page 100: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

99

J: ‘yung sweldo po ng misis niyo mas malaki kaysa sa inyo? O: hmm, kaigihan lang din, nakakasweldo din naman ako, nakaksuporta din J: Hindi po ba minsan suamsagi sa isip niyo na ‘mas malaki yungswleod niya sa inyo” Dapat mas malaki yugn sinasahod ko kasi lalaki ako O: Ay hindi, di naman kami tulad ng iba na naghahanap. Syempre kung ano meron kami, yun lang, hindi kami o bat ganito lang sinasahod mo, di kami ganun, kami Masaya na kami kung ano binigay sa amin, kung ano kikita niya dun, kung ano kinikita ko dito ok basata nakakapgipon kami kaya sinasabi ko sa kanya, nakakapgipon na kami, ok naman. J: So, hanggang kalian po ba siya magtatrabaho dun? O: Ayun, pinababalik uli, kakauwi lang, yung amo niya kasi umalis, ayun pababalikan naman uli, kaya nga sabi eh, naka-ano, naka-balik uli eh. J: Hanggang kalian po b siya dun, tingin niyo mga ilang taon? O: Kasi yung tita ko dun, almost ten years, halos tiyahin ko lahat dun eh umabot ng taon din, yun na ang pinakamatagal, yung isang tiyahin bali, limang tiyahin kop nandun, kumbaga, ang kinukuha nung employer nay un, yung ano naming, yung amo nila, gusto kamag-anak naming, kaya kamag-anak ko lang, kinukuha, di siya kumukuha ng ibang tao na para umano, para magtrabaho sa kanila, kumbaga sa amin lang talaga. Kaya pinapasok na yung asawa ko at din a rin ako nag-aalala kung ano. J: kasi may mag-aalaga na sa kaniya? O: oo. J: Ano po ba yung mga una niyong alalahanin nung aalis siya? Yung iniisip niyo? O: Ang inisip ko, syempre, katulad ng kung ano mangyayaring buhay niya dun, kalimitan kasi kung ano napapanood natin sa tv, minsan diba may naabuso, pinapatay, syempre, yun yung mga nagaalaa ako sa ganun, sa kaligtasan niya, syempre wala ako dun. Ayun. Mahirap talaga. J: Sa tingin niyo po baa no yung importanteng bagay para umasenso? O: siguro ano, kayod, kumayod ng kumayod, wala eh, pag di ka nagsipag, wala eh, walang asenso, pag ano ka lang, tambay ka lang ,wala. Noon ako tambay, naisip ko, paano ba, ano mangyayari sa akin kung ako’y tatambay, kung ako’y maglalakwatsa, kugn ako mag-iinom sa tropa, sasama sa mga tropa, walang mangyayari sa akin. J: Bakit po, may kaibigan kayong ganun? O: oo, may mga kaibigan akong ganun. Eh syempre, sinabihan ko na rin yung iab na walang manyayari sa atin kung ganito ginawa natin, kaya ayun, kahit paano nakatulong yung mga sinabi kong mga salita sa kanila. Naka-impluwensiya sa kanila. J: Sa tinign niyo po ba yung attitude niyo ngayon, saan niyo nakuha. O: Sa magulang ko na rin, nagpapasalamat na nga ako may natutunan ako sa kanila, tulong nila sa akin, eh di hanggang ngayon, yung tinuro sa akin na maglinis ng bahay, yun nagagawa ko na ngayon. J: Yung asawa niyo po ba nakapagtapos po siya? O: oo J: ano po tinapos niya? O: oo, highschool din, nung college tumigil siya gawa ng kahirapan din, naghanap na rin siya ng trabaho. J: Eh ano naman po pangarap niyo sa mga anak niyo? O: ang pangarap ko, yung mga anak ko, makatapos, makapag-aral, makakuha ng magandang trabaho J: Tingin niyo po importante na makatapos sila? O: oo. Oo kasi mahirap kapag hindi nakatapos. Yun ang pinakaimportante talaga, makatapos ng pag-aaral yung mga bata. Yun ang pangarap ko, makahanap ng magandang trabaho. J: kayo po, nakatapos po kayo

Page 101: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

100

O: hanggang first year college. Kahit nga first year college, nahirapan ako magapply sa mga ano, marami narin akong inapplyan, sa burger machine, URC, magnolia, production, makina, J: mahirap po maghanap ng trabaho? O: Mahirap tlaga, mahirap, eh ngayon o, tulad ngayon, matanda na ako, mahirap na makanap ng trabaho, di bali sana kung katulad niyo mga bata pa, madali maka-ano, eh tulad ko, matanda na, may age limit na kasi, kaya mahirap, nagtiyatiyaga na dito J: matagal nap o kayong nagtatrabaho dito? O: oo. J: Mga ilang taon na po? O: Halos, bata po kasi sanay na ako dito eh halimbawa, natulong-tulong na ako dito. Sa tiyahin ko kasi yun, kumbaga, kahit sila nakatulong na rin sila sa pag-aaral ko kaya di pa ganito ang ayos nito. Bata pa ako talagang sanay na ako, sanay na ako sa hirap. J: Nakatulong po tlaaga lahat ng mga natutunan niyo nung bata pa kayo O: oo. J: ano poyung anak niyo, parehas lalaki? O: parehas babae. J: So ano po yung mga importanteng lessons na itinuturo niyo po sa kanila? O: yung, maki-sama sa mga ibang tao, makisalamuha, huwag gagawa ng kalokohan, yung mga syempre, pag bata, di maiwasan na pag natuwa sa ibang bagay, kinukuha bigla, sainsabi ko masama iyan, huwag ganun hanggat bata sinasabi ko yung dapat at di dapat nilang gawin. J: Close po ba sila sa inyo? O: oo naman J: Hindi naninibago? O: Hindi, J: Ano naman po tingin niyo sa asawa niyo ngayon na nakaalis siya? Natutuwa po ba kayo? O tinign niyo mas makapangyarihan na siya o hindi yun iumportante. O: Hindi masyado, hindi naman totally makapangyarihan, kumbaga, kaigihan, ok lang, Masaya naman na nakapagtrabaho siya dun, kumbaga, nakakatulong siya sa amin, nakakatulong siya sa pamilya niya, ayun. Ok na. J: Hindi kayo kinakantiyawan ng mga biyenan niyo, nagpapasaring O: Ay hindi, mabait naman. J: Dumako naman sa government policies, may nakukuha ba kayong benepisyo> Nagpunta nap o ba kayo sa OWWA? O: wala, di pa, J: so dip o kayo aware sa scholarships pag member ka, o kaya loan, wala? O: wala J: sa tingin niyo po dapat tumutulong yung gobyerno sa pamilya ng OFWs. OL sa tingin ko, di naman na nakakatulong yung gobyerno, syempre, uunahin niya yung mga mahihirap na mas nangangailangan ng tulong, oh eh, may nangyari bas a mga yun? Yun, kung matutulungan man ako,m meron din kumbaga,m pag aano sa ibang bansa, nakilala tayo dun? Parang referral. Yun lang. J: paano po yun kapag nanugngulila po kayo, may mga bisyo po kayo? O: ay wala, J: ano po ginagawa niyo kapag namimiss niyo po asawa niyo? O: tawag

Page 102: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

101

J: Sa tingin niyo po importante yung communication? Kasi? O: oo, kasi, para, di siya malungkot, di siya nanugngulila, kahit paano,m nasa malayo sa nagtratabhao, di siya malulungkot na kami nasa malayo, patrangp apag tumawtwag siya sa amin, lagi kaming magkaasam, kahit malayo siya parang andito rin siya, di siya nanagamba sa kung anon a nangyayari sa amin, pati ako di nahihirapan. J: May malaking problema po ba kayong dinanas nung umalis po siya? Famnily problem O: wala, di pa naman nangyayari, sana wag. Yun lang siguro yung problema ko,syempre sa mga bata, nahihirapan sa pagtulog, katabi nila magulang, katabi nanay nila, nahihirapa sila. Pero dalawang linggo, nakapag-adjust na rin. J: Sa tingin niyo po, babae ang nagdidisiplina sa mga anak? O: hindi, kasi sa amin, dalawa. Kami dalawang nagdedesisyon. J: may mga gawain po bang pangnanay lang? O: siguro, wala na, halos pantay na siguro mag-asawa, babae, lalaki, pantay na ngayon. Hindi naapdat hinahati. Kung kaya mo gawin, gawin mo, tulungan, kumbaaga, di lang babae ang gagawa, kungdi, syempre sa paglalaba, maglalaba ka, syempre, palitan kayo nagtutulungan kayp sa gawaing bahay, di naman ako yung naguutos na o, linisin mo yung bahay, gawin mo to, ganun, eh sa amin hindi, pag gumawa ka na sabahaym, gawin mo na, kumbaga di ka na naghihintay, ako, di ako naguutos, kapag ginawa ko, tatapusin ko, kapag ginawa niya tatapusin niya, ganun, o gagawin ko to, sige, oo. Tutulungan kami, kumbaga, hindi ako nagdedresiyon na ako lang, laging kaming dalawa ang nagdedesisyon J: salahat ng bagay? O: oo, sa lahat ng bagay J: kinokonsulta niyo po? O: Oo. Kaya bmasaya ko na ganun kami, J: mga ilang years niyo po kaya siya pagtatrabhuin? O: Hanngat gutso niya, paguusapan pa naming yan, wala pang desisyondepende namn sa kanya kung gusto niya umuwi, walang problema, kung ayaw niya na, magpapahinga na siya, wala naman problema sa akin yun eh. J: may mga bagay ba kayong piangtatalunan? O: dati, nung nandit pa, pera, J:L paano po? OL syemprem, nung ako langnagtatrabaho, sa kita ko bang ganito maliit, susuportahan ko sila. Kahit sino naman siguro, pera ang malimit na pinagtatalunan. O: Hindi nama nkapag marami kang pera, kahit awla kaming pera, masyaa pa rin kami, basta di kami nagaaway, lagui kami nagtutkungan sa lahat ng bagay. J: kung iisipin niyo pos a kabuuan, Masaya po ang pamilya niyo? O: oo, Masaya na kami, siguro sa dami ng problema, masya rin kami, ditulad sa ibang pamilya, may nagaaway, nagiging boken family. Yun ang ayaw kong mangyari sa amin, kailangan masyaa kami, kaiya kaioalganan dalawa kayong lagi nagdedesisyon, hindi yung kumabaga, ako lang, gusto ko parehas kami nagdedesisyon para ano, J: importante ho yun? O: oo, iumportante yun, tlaaga. Basta kahit andun siya sa ibang bansa, desisyon naming pareho,m lagi kong sinasbai sa kanyam, kung may porobklema dito,m kung ano giangawa, lahat ganito ganun para di siya nagaalala,. J:L parang andito rin siya? Yung smahan niyo parehas pa rin O: oo, parang nandito lang, wala paring panigbago kahit nandoon kahit akoy nadnito parang magkasama pa rin kami. J: nakatulong po yung cp at internet, O: malaking natutulong, di katulad noon na sulat sulat, eh ngayon tawag madali paniwalaan.nakausap mo na siya ok, manararamadman mo siya,

Page 103: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

102

J: so okay po relationship niya, eh paano po yung mga anak, natatajkot po ba kayo nam airing mapariwara/ O: oo, pero hinde, ok na sila ngayon ,pero nasa pagdidisiplina, kung maganda pagdidisiplina ko, di kahit ano siyang nadun, dindiidplkina niya rin, pag tuantawag, kayo ganiuto, magaral kayo ganbun, huwag kayo gagawa nito. Kung ano sinasabi niya, sinasabi ko rin pareho kaming dinisiplin mga bata na ayaw kon g mangyari sa mga bata ay yung mapariwara sila, gusto ko, talaga, kahit paano makapagaral sila, umunlad sila . ayokong tumulad sila sa akin na mahirap na ano, ganun, Ayokong maranasan nila ung mga naranasn ko. Syempre di ko napparans sa anak ko, gusto ko umunlad sila? J: Ano po pinakamahirap na naransan niyo pos a buhay niyp, O: syempre ngayon, young ngaypon, medaling arawn agtatrabaho kana, ang tulog ko lang ganitong oras, tatlong oras lang tapos tinda nan man uli, gabi, dmaaling araw. Nakakapgod. J: paano po pag nagkasakit mga anak niyo po? O: lalo nay an pag nagkjasakit uuwi ako, pag di ako nagtrbahao, wala koang kiktiain, yungdin mamhirap din apgnanagkaskaskit mga bata. JL An po ginagawa niyo? O: sympre aalgagan mo babantayan mo kailangan todo bantay hanggang sa gumaling. Alam ko na rin gagawin kasi naranasna ko rna irn dati kumabaga mag-alaga ng mga bata, syempre yung m,ga oinsan ko, mga kamagana

Page 104: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

103

Code: H3 J: interviewer F: respondent J: Kailan po umalis ang asawa ninyo? F: tungkol sa ano, dati rin kaming employed dito kaso, kahit sabihin mo na medyo maganda ang mga position namin dito, yung posisyon naming, mababa sahod J: Saan po kayo nagtrabaho? F: Dati akong CI ng kumpanya dati, nasa credit department ako, yung misis ko naman, nasa accounting section naman siya sa may Binondo, eh may opportunity na, actually, dalawa kami nagapply, unahan na lang sana, nauna ako, kaso failed ako sa medical kaya pinalit ko yung misis ko, buti na lang, na-swertehan na pumayag din yung employer na ipalit ko ‘;yung asawa ko kaya siya ‘yung naka-alis J: Yung kinikita niyo po sdati, hindi sapat talaga? F: Kung sa pagkain lang, sapat, pero syempre yung pangangailangan ng mga bata, in the future, hindi kumbaga,m sapat, lalo na maghihigh school na rin yung mga bata, popondo ka diyan, magccollege nay an eh, J: Paano, po yung decision nun, nung umalis siya Paano po yung pagdedesissyon? F: Kailangan tlaga pagdesisyunan naming, pinag-aralan talaga naming na kialngan, kung umalis yung isa, isa ang tututok sa mga bata, hindi pwede na dalawa yung umalis, dahil may mga cases na pag umalis ang dalawa, kahit na sinabi mong, magulang mo ba magbantay, mahirap. J: So, parang natakot po kayo? F: Parang kumabga, andun yung fear naming na aanhin mo naman angpera kung napapariwara naman ang mga bata J: So kailangan po may magulan na magaalaga F: dapat. Dapat may tutuok talaga sa mga bata J:So ano po yung mga changes na una niyong nadansa, yung medyo nagulat kayo F: Actually naman, hindi naman ako nagulat kasi pinag-usapan din naming, kasi yung mga changes na sdinsabi natin, syempre, yung una, pangungulila, pangalawa, yung dating di ginagawa, ginagawa ko na. J: Katulad po ng? F: Katulad pagaano ng mga bagay, pagaaruga sa mga bata, pagproprogram na ngayon na dati, misis konagproprogram. J: Nagpoprogram po ng? F: nagproprogram sa mga gaya ng pagkain ng mga bata, pagpapacheck kasi dati ako yun field worker eh ,kung saan saaan ako nadedesitino eh, sa Marinduque, Romblon, Mindoro, kung saan-saan, depende sa kumpanya, tapos tatagal ako every week. Weekend ako umuuwi, kaya minsan, di ko nakikita, nagtitiwala na lang ako sa misis ko regarding sa disipina, budgeting t apgaalaga nila. J: Ah, yun po yung setup dati bago po F: Dati. J: Kumbaga ngayon, nagulat po kayo na kayo na gumagawa ng lahat? F: Ako na ngayon, kumbaga nung nasa serbisyo ako, gala ako, kngayon parang ako nakakulong. J: Ano po yung pinakamahirap na trabaho po ninyo? F: Lahat naman mahirap, basta seryosos ka gawin yung mga pinakatrabaho mod tio, pero kung di ka seryoso,syempre lahat madali lang, alhtouh may kautulonmg ako, o kasama sa bahay, hindi spat, hindi spat para masabi na nagampanin lahat ng pangangailangan ng mga bata dito, ako pa prin nagpporgram sa lahat kahit sabihin na natin na mayoroon akong kasama dito. J: Kayo pa rin po lahat? F: Ako lahat J: Mahirap po ba? F: mahirap tlaga, dahil kung tutuusin ako na tatay at nanay J: Opo, aling parte po ba kayo nahirapan sa gawaing dati ginagawa ng asaw ninyo? F:Gaya ng pagdisiplina, iba kasi disipina ng babae sa lalaki. Mas strict lalaki eh, pangalawa, yung apgaaralan mo kung ano yung papakain mo ,kasi yung bata medaling magsawa ng pagkain kahit gaano kasarap yan kaya pagaaralan mo kung amo dapat papakain mo, yung kombinasyon, tsaka yung mga ipapabaao, yan lahaat, iniisip ko na ngayon J: An po yug factors na kinokonsider niyo po pag guamgawa ng baon? F: Ayun, pagka halimbawa, pagdating sa baon, sila mismo, sila yung nagssuggest sa akin, halimbawa, dinadala ko sila sa mga malls “Anak, anong gusto mong baon.” “Pa ito, pa ito, pa ito” Kanya-kanya, ngayon kung bibilhin mo lahat yun, eh parang syempre, out of budget ka skasi kailangan yung pagbbudget mnagaling ka rin, hindi bastastan a sabihin mo na eto lahat, eh asa akin kasi, kung ito yung gusto ng isa, eto rin yung gusto ng isa --, kelangan ito bibilhin mo ngayon, sa susunod na linggo, ito naman, sa susunod na linggo, ito naman, hindi lang isang klase, kailangan dalawa hanggang tatlo, ayon.. J: Mahirap po magdisiplina F: Isa sa piankamaselan na parte ng magulang ang pagdisiplina ng bata, kaialngan dyiyan, hindi puro ano eh, nung tima na ano, nasa trabaho ako, namamalo ako dati, pero nung time na nasa abroad na misis ko, napagsiip isip ko na pag papaluin ko sila, wala na silang pupuntahan, kasi noon, pag pinalo ko sila, nandyan naman nanany nila, ngayon, nireverse ko na lang, puro salita na lang, puro motivation, nakakaawa naman yung mga bata kapag sinabi mo na, o pinalo mo, kapag pinagsabihan mo na, nasasaktan sila,

Page 105: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

104

wala na silang masisilungan, kaya kalngan tlaga, i-reverse psychology ko. Yun yung technique ko, hindi na ako namamamalo, unless tlaga, to the maximum na talaga galit ko, ponce na nagwarnign ako isa ,dalawa, automatic nay un na paparamdam ko sa knila na ano eh, dati kasi sinisinturon ko sila eh, natikman nila kung gaano kasakit ang sinturon, pero tinanggal pero pag maximum na tlaga galit ko, ay pinaparamdam ko ulit sa kanila. J: Dpeende pos a kasalanan, F: oo J: Paano po ngayon, na nasa ibang bansa nap o siya, paano po yungrelationship ng asawa niyo po sa mga anak niyo po? F: Through computer, trhough skype, halos araw-araw naman kami nagcchaat, tapos yungproblema ng bawat isa sa amin, napaguusapan naman tsaka up to date kami sa isa’t isa. J: Lahat po sinasabi niyo? F: up to date naman din J: Paano pos a decision making? Yung mga bagay na pinagdedesiyunnan ngayon F: may mga bagay rin na hindi ko na pinapaalam na, may mga bagay din na dapat ipaalam ko para just in case may sakit ng mga bata, kung alam ko lang din naman na kayak o, di ko na sasabihin dun, sasabihin ko, tapos na. J: Kasi po? F: ayoko rin mag-alala eh, eh siyempre malayo siya, pagkainstance na ganito, pero halimbawa, kung malalan ayung sakit o tumatagal ng two to three days ayun sinasabi ko na para mapagusapan naming kung ano ang suggestion niya tsaka ano, J: So hands on pa rin po siya? F: Hands on pa rin J: Sa isang linggo, gaano kadalas po kayo magusap? F: seven days a week, siguro 3 to 4 times. Madalas talaga J: Ginhawa na rin po? F: Oo, malaki, kaya pag walang computer, sobrang hirap, sacrifice. Nasanay kami syempreng magkasama kami eh, kahit dati na weekly ako umuuwi, hindi parang ganito, every week yun eh, ngayon every 2 years na. J: Hindi naman po kayo nakaririnig ng kutya ‘pag gumagawa kayo ng gawaing pambabae? F: Ay hindi, hindi ko kahit anong kutya dyan, di ko pinapansin yan, ang kutay naman diyan, kanya-kanyang buhay yan eh, tnaggap ko naman obligasyon yun, kaya bakit ko pa papatulan yan. J: Ah, pero meron po. F: Oo, para sa akin, tanggap ko eh, at iniisip ko para sa bata, hindi ko na inisip yung pride ko eh, iniisip ko na lang para sa bata yung ginagawa ko, yun na lang. J: Sa tingin niyo po ba, paano po ba yung tunay na lalaki? F: Ang tunay na lalaki, gagampanan mo lang yung obligasyon mo tsaka yung responsibilidad mo, apra sa akin, yun na yun. J: Hindi po ba kayo minsan nakakapagsabi na, ‘ay, pambabae to. F: Ay hindi, lahat naman ng gawain dito ginagawa ko eh, wag lang sa paglalaba J: Bakit po? F: hindi ko rin ma-explain eh, pero kung wala na akong pagalawain, yun lang talaga yung kinaiinisan kong trabaho. Di ko maexplain eh, kasi nugn college naglalaba ako eh, pero inawayan ko, ayoko langtalaga, parang naiinis ako sa trabaho na yun hindi naman dahil sa pamababae siya. Kaya nga ginagawa ko nung college eh, may set yungdamit ko eh, Set A, ito para sa isang linggo, tapos uuwi ko pag gamit na. tapos set B naman. J: Ah, so sabi niyo po sanay na po kayo? Paano niyo po nasabi? F: Ah nung bata kasi kami, sinanay kami ng nmagulang naming eh kahit na may katulong kami noon, may kanya-kanyak aming obligasyon niyan, J: Ilan po kayo amgkakapatid? F: Apat J: Saan po kayo lumaki? F: Cagayan Valley J: Tapos yung magulang niyo po? Nagtatrabaho po sila? F: Oo, tracher mama ko, yung father ko jeepney driver, J: Ano-ano po yung tinuturo nila sa inyo? F: Ah, pagdating sa pagdisiplina, both din sila nagdidisiplina sa amin, pero pagsa probinsya kasi bago ka pumasok, yung parents naming pinagoobliga kami sa trbahao, J: tulad po ng? F: pagwawalis, pag-iigib, pagluluto, lahat yan tinuturuan kami. J: May kapatid po kayong babae? F: Dalawa J: pero hindi po sa kanila lang yung trabaho? F: hindi, kumbaga kung sa ano, alternate eh, o ikaw ngayon, bukas yung isa, sa sususnod isa. Kumabaga kung ano, sinanay na rin kami sa lahat ng trabaho. J: Hindi po kayo nahirapan?

Page 106: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

105

F: Ay hindi na nahirapan. Sa pagaadjust, hindi ako nahirapan kasi sanay na ako eh, sa trabaho ko, although nung nagtrabaho ako, iba nay ung tinatrabaho mo kaya syempre ngayon , nahinto ako, hindi ako ganun na surpresa sagawaing bahay kasi sanay na ako eh. J: Ano po ‘yung tinuturo ng magulang niyo natinuturo niyo rin pos a mga anak niyo? F: Sa ngayon kasi eh, meron kasing mga, meron kasi akong kasma dito, although yung kasam ko may pagka-bading, masipag, paggisning palang ng mga bata, wala ka nangtatrabahuin, kay kahit magwalis-walis man lang o magpunas-punas, yun yung pinapatrabaho ko sa mga bata. J: So as much as possible po, F: oo kahit papaano. J: Ano po sinasabi niyo sa kanila? F: O, bago kayo maglaro, kahit na malinis na, magwalis-walis muna, kaya moinsan pag sabado linggo, magpupunas sila diyan, pero syempre, dodoblehin pa rin ng kasma naming, kasi iba pa rin yung trabaho nila eh. J: So bakit niyo po sila pinapagawa ng mga gawaing bahay? F: Para at least pagdating din ng panahon, pag sila rin ang magulang, ay magiging importante rin sa kanila to. Kasi umiikot lang din yugn trbahao sa loob ng bahay eh, ayoko naman na yung mga anak ko, kahit nasa computer, eh, gusto ko imamanual ko sila, para di sila mabibigla pag sila naman ang nagkapamilya J: tingin niyo po ay importsante sa buhay? F: napakaimportante dahil halimabwa, nagaabroad ka, wala kang ibang katulong, kundi ikaw. J: Ah, ano po yung inaral niyo po nung college? F: Engineering, geodetic pero di ko naapply, dahil nung nagpunta ako dito, pinagreview ako ng magulang ko, sinubukan ko magapply ngtrabaho, tanggap kaagad ako, eh nun naranasan ko sumahod, eh di ko naman nagagastos lahat, eh may allowance pa ako, kaya yung sahod, karga-karga lang sa banko, naiipon, eh sa tingin ko, nasira ang pagrereview kasi napasarap ako sa trabaho, nageenjoy kasi ako dahil pabyahe-byahe ako eh, kaya na-enjoy ko tlaga trbahao ko, kaya nagtagal; ako ng 15 years, underemployed tuloy ako. Hindi ko na napractice. J: So paano po nung college, malapit pos a bahay niyo? F: Medyo malayo, nagbboard ako nun, J: ahh, naging independent po? F: Oo, naging independent ako nun, J: malaking tulong din po yung pagiging independent niyo F: malaki J: sa papaanong paraan po? F: kasi ikaw gumagawa sa buhay mo eh, wala nang nakabantay way o ibig sabihin, ang disiplina nasa iyo kaya although nandyan pa rin ang parents mo, every week, ka umuuwi, iakw pa rin yung ugmagawa sa desisyoin mo eh, sa decision making. J: Eh kelan niyo naman po nakilala asawa niyo F: Ah, nong nasa college na ako, J: Ah, same college po? F: ah oo, yes. Graduating na rin siya nun nung nagpakasal kami. J: Sa pagpaplano po ng pamilya, paano po kayo naguusap? F: Inisip naming, gusto naming 2-3 yung anak, basta importante, may babae at isang lalaki J: Eh ngayon po? F: 2 lalaki tapos isang babae J: Ang panganay niyo po ay? F: babae J: Sa tingin niyo po bam as malaki yugnrepsonsibility niya, mas madami siyang gingawa o kaya mas strikto po kayo F: Ayun, mas strikto ako dun sa anak kong babae kasi nakamonitor ako eh, kaialngan tlaga pagmalalate sila sa paguwi, tatawag isla dito kasi may telepono naman, although kahit bawal cellphone sa school, ako nagudyok na magdala siya, at pagkasinita ka, sabihin mo, papa ko ang nagpadala sa akin para namomonitor ako at ako ang kakausap, basta wag gagamitin pag school time. J: So paano po yugn relationship ng asawa po niyo? F: Nako umiyak sila, nung una, pero nakapagadjust din, actually mas nauna pa nga silang nakapagadjust kaysa sa akin eh, J: Paano po kayo at sila nakapagadjust? Kinausap niyo po sila? Pinaliwanagan? F: Ayun, oo, sabi ko naman sa mga bata, anak, kaya oinayagan ko ang nanay niyo umnalsi kasi alam ko maganda angtrabaho ng nanay niyo, pero kung ang trabaho ng nanay niyo ay katulong, di ko papayagan kasi ayoko maging katulong ang mama niyo doon. J: So parang depende pos a trabaho kasi po, kapag katulong po? F: ayaw ko payagan, J: bakit po? F: Eh dito na lang kami, pagtiyagaan na lang naming siguro kugn ano meron kami dito hanggat kami naming itaguyod ang pamilya namin.. J: kasi po pag naging katulong siya sa ibang bansa F: ayoko J: ayaw niyo po dahil, F: ayoko dahil syempre, ayoko naman na, although amtaas ang sahod, ayoko nama na ganun kahirap ang dadanasan niya dun,

Page 107: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at ...dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/569/1/H92.pdf · Upang malaman ang iba pang epekto ng migrasyon sa pamilya.

106

J: iniisip niyo rin magiging sitwasyon nuya? F: Oo, ytung sitwasyon niya J: Yung mga bata po, hindi namna po nagtatampo, kung bakit wala si mommy? F: ngaiintindihan nila, kasi dati naman, wala silang laro nap sp, Nintendo, eh ngayon, halos lahat naman din na laro na mga mga ano, meron na rin sila. J: So kung pag-alis ng asawa niyo, kung susumahin po, positibo, negatibo F: postitbo, to the point na maganda nama ang hangarin niya, at nakikita ko nama na maganda naman ang hangarin niya,m kasi ngayon pa lang, yung mga plans niya,advanced na, J: paano pong advanced? F: kumbaga ngayon, matrikula na, kumbaga sa ano eh anytime, pwde ko na silang ipaenroll, allowance di siya nagkukulang ,pag binigay na yung pambudget bahal na ako magbudget, di ko nakitaan na nabibitin kami na halimbawa, kasi kialal na naman niya ako na pagdating sa budgeting, dyan din ako mahusay kasi nakapagadjust na rin ako eh, depende sa naadjust kong budget. J: so financially po mas maganda? F: malayo, J: kung may negative po, ano poi yon? F: negative, pangungulila lang, namimiss mo siya kahit syempre, gabi-gabi magkatabi, pero pagdatingn amn diyan, adjustment lang iyan,basta isipin mo lang hindi apra sarili mo kungdi para sa mga anaak. J: sakripisyo po ba? F: Sacrifice, sacrifice talaga, eh may sakbaihan naman na there’s no g.ory without sacrifice J: So paano po yun, pinagisipinan niyo rin po kung gaano katagal siya magaabroad F: ang sabi ko nga, eh basta after two years uuwi siyam, lama ko na na every two years contract siya, di ko alam kung marerenew, pero sana naman marenew J: Pero hanggangk ailing po siya magaabroad F: siguro –agkamedyo naipon nang konti, meron nang pagbusinessan, yung pwede nang gawing business, siguro that;s the time na siguro hihinto na rin siya pag meron narin kaming bauong konting business. J: Kung may chance o opportunity po na malaki ang kinikita dito, hindi nap o siya aalis? FL ay hindi na, hindi na, mahirap magkalayo, J: tingin iyo po bas a paggabay ng anak F: mas maganda pa rin pag dawla talga, although dalawa pa rin kami, dahil pag nakakusap niya rin yungmga bata, naadvisan niya rin, so nadidisiplina pa rin, J: so nilagay niyo po rito, self-employed po F: ah, oo, kasi may van akong pinapahire eh, nakakatulong naman