World history power point

34
Farlin E.Espiritu BSED-SS/2F

Transcript of World history power point

Page 1: World history power point

Farlin E.EspirituBSED-SS/2F

Page 2: World history power point

RepormasyonAng repormasyon ang mahalagang

bagong pangyayari nagbigay ng ligalig sa lahat ng kristiyano noong ika-16 na siglo at humubog sa direksyon ng kasaysayan ng daigdig. Ito ay may dalawang pangyayari. Sa isang panig, ito ay isang Repormasyong ng Protestante o pag-aalsang panrelihiyon. Sa kabilang panig, ito ay isang Ganting-Repormasyon ng katoliko dahil sa ito’y nagbigay ng mga pagbabago sa Simbahang katoliko na nagpabuti sa pananampalatayang katoliko.

Page 3: World history power point

Ang kilusan ng Protestante sa Inglatera ay kakaiba sapagkat humiwalay ito sa Simbahang Katoliko bago gumamit ng anumang paniniwala sa Protestante. At ito ay pinangunahan ni Haring Henry VIII.

Page 4: World history power point

Haring Henry VIII

Page 5: World history power point

Si Haring Henry VIII ng Inglatera ay anak nina Haring Henry VII at Elizabeth ng York.

Hunyo 28,1491- sya ay ipinanganak.

may 4 syang kapatid. 2 lalake na sina Prinsipe Arthur at Edmund at 2 kapatid na babae.

Page 6: World history power point

Si Haring Henry VIII ang kauna-unahan sa trono ng hari na nakapag-aral sa ilalim ng impluwensya ng Renaissance. Siya ay nakapagtapos sa larangan ng linguismo, musika at atleta. Interasado din sya sa pakikipaglaban gamit ang sandata, pangangaso at mga babae. Mahilig din syang sumulat ng mga tula at kanta.

Page 7: World history power point

Mga Tula at Kanta ni Haring Henry VIII:

Pastime With Good Company Whereto should I expressWhoso that will all feats obtain Whoso that will for grace sue Green Growth the Holy Though That Men Do Call It Dotage If Love Now Reigned, As It Halt Been Lusty Youth Should Us Ensue

Page 8: World history power point

Nang mamatay ang kanyang kapatid na si prinsipe Arthur noong 1502 at ang kanyang ama noong Abril 22, 1509 sya na ang naatasang mamahala sa tronong naiwan. Noong 1520 sumulat siya ng isang pagtatanggol sa Katolisismo laban sa mga Lutheran, kaya ipinagkaloob sa kanya ng Papa ang titulong “Tagapagtanggol ng Pananampalataya.”

Page 9: World history power point

Nagkaroon ng 6 na asawa si Haring Henry VIII. At ang kanyang unang asawa ay si Reyna Catherine ng Aragon (tiya ni Emperador Charles V) sila ay nagkaroon ng anak na pinangalanang Mary I na mas kilala sa tawag na “Bloody Mary” dahil sa maraming Protestante ang kanyang pinapatay noong sya ay namumuno.

Page 11: World history power point

Habang kasal pa si haring Henry VIII kay Reyna Catherine ay napaibig sya kay Anne Boleyn. Binalak nyang makipagdiborsyo kay Catherine upang mapakasalan si Anne Boleyn subalit tumanggi ang Papa na mapawalang-saysay ang kanilang kasal. Nagalit si haring Henry VIII sa pagtanggi ng papa kaya umalis siya at ang kanyang tagapayo.

Page 12: World history power point

Pinalitan niya ang kanyang pangalan na Thomas Cranmer na sumasang-ayon sa ilang katuruan ng Protestante pero kahit ginusto niya na maging malaya sa papa ay pinatili pa rin nya ang pagiging katoliko.

Isinulong at inaprobahan ni haring Henry VIII ang pagkakaroon ng diborsyo. At non nga ay idiniborsyo nya si Reyna Catherine at pinakasalan si Anne Boleyn noong 1533.

Page 13: World history power point

Noong 1534 hinikayat niyang pagtibayin ng Parlamento ang Act of Supremacy, na ipinahahayag ang hari bilang pinakamataas na puno ng Simbahan ng Inglatera. Lahat ng sakop ay kinakailangan manumpa bilang pagkilala sa kataasan ng hari sa mga gawaing panrelihiyon.

Page 14: World history power point

Nang magpakasal at magsama sina Haring Henry VIII at Anne Boleyn ay nagbunga ng isang anak na pinangalanang Elizabeth I,na naging pinakamataas at matagumpay na reyna ng Britanya. Subalit si reyna Anne Boleyn ay pinarusahan at pinugutan ng ulo.

Page 16: World history power point

Sa ikatlong pagkakataon ay muling umibig si Haring Henry VIII sa isang babae sa korte na si Jane Seymour. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinangalanang Edward VI. At hindi rin nagtagal ay namatay si reyna Jane Seymour dahil sa inpeksyon.

Page 18: World history power point

Ang tagapayo ni Haring Henry VIII na si Thomas Cromwell ay inirekomenda si Anne Cleves para maging asawa sa pang-apat na pagkakataon. Subalit nauwi rin ito sa diborsyo pero nanirahan pa rin si Anne kasama ang kanyang 3 anak sa Inglatera.

Page 20: World history power point

Ang ikalimang asawa ni Haring Henry VIII ay si Catherine Howard na nagpakasal sa hari para lamang sa sariling ambisyon at sa kagustuhan na rin ng kanyang pamilya. Si Haring Henry VIII ay may katandaan na rin nang mga panahong iyon at mahilig siyang magsulat ng liham sa pinakamamahal nyang si Anne Boleyn. At kinalaunan ay hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil pinarusahan si Catherine at pinugutan ng ulo.

Page 22: World history power point

Ang ika-anim at huling asawa ni Haring Henry VIII ay si Katherine Parr, isang edukadang babae at magaling sa pagsusulat. Sya ay minahal ng hari dahil sa taglay nitong kabaitan at minahal din sya ng mga naging anak nito.

Page 24: World history power point

Noong 1547 ay namatay si Haring Henry VIII at pumalit agad sa kanyang trono si Haring Edward VI at itinuro nya ang doktrina ng Protestante. At ito ay mas lalong lumaganap sa Inglatera. Hindi rin nagtagal, noong 1553 ay namatay si Haring Edward VI dahil sa kahinaan ng resistensya.

Page 26: World history power point

Pagkamatay ni Haring Edward VI ay pumalit naman si Reyna Mary I, hindi naging maganda ang kanyang pamamalakad sapagkat ipinapatay nya ang mga Ingles na Protestante at ibinalik ang Katoliko. Kinalaunan ay ikinasal sya kay Philip II, katolikong hari ng Espanya. Noong 1558 ay namatay si Reyna Mary I sa sakit na ovarian cancer.

Page 28: World history power point

Nang mamatay si reyna Mary I ay pumalit si Reyna Elizabeth I, na mas kilala sa tawag na “The Virgin Queen”. Malaking pagbabago ang kanyang ginawa isa na dito ay muli nyang ibanalik ang Protestante at pinasigla ang sining at literatura lalo na larangan ng pagtula at pag-arte. Ang kanyang pamumuno ay tinawag na “Elizabethan Era”.

Page 30: World history power point

Mga Larawan Ni Haring Henry VII

Page 34: World history power point

Sanggunian

Dr. Sonia M. Zaide, Kasaysayan ng Daigdig 3 edisyon (Quezon City: All- Nations Publishing Co. Inc. 1996) 157 Marvin Perry, A History of the World (United State of America: Houghton Mifflin Company 1989) 339-340 http:// www.luminarium.org./renit/tudordio.htm