WIKA

28
WIKA WIKA

description

WIKA

Transcript of WIKA

Page 1: WIKA

WIKA

WIKA

Page 2: WIKA

--pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.-- behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.

Page 3: WIKA

• Isang sistema na binubuo ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan.

• Ang wika ay isang sistema -- anyo– magkakaugnay na anyo o kahulugan -- pangungusap – sintaktik na kaayusan tunog -- nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita gaya ng

labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig. arbitraryo -- may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal at gramatikal na

istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika. pantao -- naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng

wikang pantao. pakikipagtalastasan -- pagpapahayag ng mga nararamdaman, opinyon, haka-haka atbp.

Page 4: WIKA

Ang wika ay buhay

naglalarawan ng kultura ng bansa

naglalantad ng saloobin ng tao

Page 5: WIKA

Bilinggwal– taong marunong magsalita ng dalawang wika

Monolinggwal– isang wika lamang ang alam ng isang tao.

Poliglot– mahigit sa tatlong wika ang ginagamit ng isang tao

Linggwistika– maagham na pag-aaral ng wika

Linggwista– taong nag-aaral ng wika

Wikang kolokyal– isang istandard na anyo ng Wikang Pambansa na sinasalita sa pribado at semi- official na mga kalagayan ng mga taong may pinag-aralanWikang Pambansa– isang wikang ginagamit sa pulitikal, sosyal at kultural na aspeto ng pamumuhay, nagpapakita na ang isang wika ay nagsisilbi sa buong mundo

Page 6: WIKA

Pinagmulan ng Wika

= Teorya ng Wika = Tore ng Babel

Genesis 11:1-9 Teoryang Bow-wow

-- nagsimula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop hal. Kahol ng aso

Teoryang Dingdong-- tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may

sariling tunog. Hal. Tunog ng kampana Teoryang Pooh-pooh -- ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga

salitang nagsasaad ng matinding damdamin bunga ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan.

Teoryang Yo-he-ho -- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong nagtatrabaho nang sama-sama

Teoryang Yum-yum -- nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika

Page 7: WIKA

Genesis 2:19 -- sinasabi na ang wika ay kaloob ng Diyos sa

tao. Jean Jacques Roussea -- ang kalayaan ng tao ang nagtulak sa kanya

na lumikha ng wika. Ang unang wika ay magaspang at primitibo

Aramean -- sinaunang tao na nanirahan sa Syria at

Mesopotamia na ang wika ay ARAMAIC na nagmula sa Afro- Asiatic Timog- Silangang Kanluran ng Asya.

Page 8: WIKA

Paano Nagsimula ang Wika?1. Ehipto

Haring Psammatichos– sadyang natututunan ang wika2. Charles Darwin

“ Origin of Language” sinasabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao para

mabuhay ang nagturo sa kanila upang makalikha ng wika.3. Plato -- nabuo ang wika ayon sa batas ng pangangailangan4. Siyentipiko– “ Homo Sapiens” unggoy – tayo ay nagmula sa

unggoy kung kaya’t ang tunog na nalilikha ng unggoy ang siyang pinagmulan ng wika.

5. Rene Descartes– ayon sa kanya, mas mataas ang antas ng tao kaysa sa hayop kung kaya’t ang wika ang nagpapatunay na ang tao ay kakaiba.

Page 9: WIKA

Tungkulin ng Wika

• Ferdinand Sausure-- isang functionalist -- mas kailangan pagtuunan ng pansin ang

anyo at paraan ng wikang ginagamit, subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay nakasalalay sa paraan at anyo ng pagsasalita. -- ang bawat salitang ginagamit ay makabuluhan at magkakaugnay.

Page 10: WIKA

• Emile Durkheim (1985) “ Ama ng Makabagong Sosyolohiya” -- ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan

ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan.

-- “Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.

Page 11: WIKA

Ayon kay Jakobson (2003)– may anim na paraan na paggamit ng wika

1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive) -- palutangin ang karakter ng nagsasalita.2. Paghihikayat (conative)

-- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)-- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.

4. Paggamit bilang Sanggunian (referential) -- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong

nagtatrabaho nang sama-sama5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual) -- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng

komentaryo sa isang kodigo o batas.6. Patalinghaga (poetic)

-- masining na paraan ng pagpapahayag

Page 12: WIKA

Ayon kay M.A.K. Halliday (1973)

1. Pang-instrumental -- tugunan ang pangangailangan2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao hal.

Pagbibigay ng direksyon3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa

kanyang kapwa.4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro; talaarawan at jornal5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang tao sa

paraang pasulat o pasalita.6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng impormasyon

hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa radyo7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon sa paraan

pasulat o pasalita hal. Ulat, pamanahunang tesis, panayam at pagtuturo.

7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the functions of Language

Page 13: WIKA

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Page 14: WIKA
Page 15: WIKA

Dahilan kung bakit Tagalog1. Mas marami ang nakapagsasalita at

nakauunawa.2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog, kung

ano ang bigkas ay siyang sulat.3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila.4. May historikal na basehan– ito ang wikang

ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.

5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog.

Page 16: WIKA
Page 17: WIKA
Page 18: WIKA

BATAS NG WIKA

Page 19: WIKA

1. Artikulo 14, seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) – “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na nababatay sa isa sa mga umiiral na wika…”

2. Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) -- Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.

Page 20: WIKA

• 1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang. Quezon na batay sa Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.

• 1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at ang Gramatika ng Wikang Pambansa na itinakdang ituro sa mga publiko at pribadong paaralan mula Hunyo, 1940.

Page 21: WIKA

5. Batas Komonwelt Blg. 570 (1940) – Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

6. 1954 (Marso 26)Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

7. 1955 (Set.23) Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon.

Page 22: WIKA

8. 1959 (Agos. 13) Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.

9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at iniutos na simula sa Taong-Aralan ‘63-64, ang mga sertifiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang Pilipino.

10. Kautusang Tagapagpaganap Blg.60 (1963) – Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa titik nitong Pilipino.

Page 23: WIKA

11. 1967 (Okt. 24) Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

12. 1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng Memorandum Sirkular blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga letterhead ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan.

13. 1968 (Agos.6) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin ang wikang Pilipino, hangga’t maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Page 24: WIKA

14. 1970 (Agos.17)Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular blg. 384 na nagtatalaga ng tauhang mamamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan , tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

15. 1971(Marso 16) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa. Naging Tagapangulo nito si Dr. Ponciano BP. Pineda. Nanungkulan siya hanggang taong 1999.

Page 25: WIKA

17. 1972 (Dis. 1) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Panlahat blg. 17 na ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles .

18. Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) -- “ Ang pambansang asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino.

Page 26: WIKA

19. Kautusang pangkawagaran Blg. 25 (1974) – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad sa patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan.

20. Artikulo XIV, seksyon 6 (1987) -- “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

seksyon 6—midyum ng opisyal na komunikasyon

seksyon 7 – Wikang Opisyal ng Pilipinas—Filipino; wikang pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at pantulong sa pagtuturo.

Page 27: WIKA

21.Kautusang Blg. 52 – Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos na gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles.

22.Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)– Iniutos ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin ang wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang batas at sa bayan natin.

Page 28: WIKA

23.Hulyo 15, 1997 - Proklamasyon Blg. 1041, nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 na nilagdaan nina Pangulong Fidel V. Ramos at Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torres.

24.Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang Filipino (2001) – Inilabas ng Komisyon ng Filipino ang Revisyon sa mga tuntunin ng Ortografiyang Filipino tungo sa istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang pambansa.