ANGKAN NG WIKA

35
WiKA - kasangkapanang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan - nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao (ekonomiya, relihiyon, pulitika, edukasyon, & lipunan) - nawawala at namamtay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad & nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito - higit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang - nagbuhat sa isang di-pangkaraniwan, kahanga-hang & masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad - pinakamabisa & pinakamahalagang paraan ng pakikipagtalastasan - buong linaw na naiphahayag ng tao ang lahat ng knayang nasa isip & nadarama - nagpapaunlad sa tao - kapag maunlad & malaganap, malaya ang isang bansa- mahalagang papel ang ginagampanan sa isang bansa - natutulungan ang taong makapamuhay nang maayos & maiaagpang ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran - malaking tulong sa larangan ng edukasyon upang hubugin ang kabuuang pagkatao ng isang nilalang (maka-Diyos, makabayan, makatao & makakalikasan) - makatutulong din sa isang tao sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapwa tao sa lipunang kanyang ginagalawan - matutulungang maging matagumpay sa kanyang propesyon o hanapbuhay ang isang mamamayan - isa sa mahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa - mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan & pagkakaisa - masasabing mayroon nang humigit-kumulang sa isang milyong taon ang paggamit sa wika (ayon sa mga labi o artifacts) - hindi iisa ang pinanggalingan (SA KASALUKUYANG PANAHON: masalimuot na ang wika; nagagamit sa pagpapahayag ng kahit anong diwang nakapaloob sa kultura ng tao) LiNGGWiSTiKA – agham ng wika

Transcript of ANGKAN NG WIKA

Page 1: ANGKAN NG WIKA

WiKA- kasangkapanang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan- nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao (ekonomiya, relihiyon, pulitika, edukasyon, & lipunan)- nawawala at namamtay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad & nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito - higit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang- nagbuhat sa isang di-pangkaraniwan, kahanga-hang & masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad- pinakamabisa & pinakamahalagang paraan ng pakikipagtalastasan- buong linaw na naiphahayag ng tao ang lahat ng knayang nasa isip & nadarama- nagpapaunlad sa tao- kapag maunlad & malaganap, malaya ang isang bansa- mahalagang papel ang ginagampanan sa isang bansa- natutulungan ang taong makapamuhay nang maayos & maiaagpang ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran- malaking tulong sa larangan ng edukasyon upang hubugin ang kabuuang pagkatao ng isang nilalang (maka-Diyos, makabayan, makatao & makakalikasan)- makatutulong din sa isang tao sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapwa tao sa lipunang kanyang ginagalawan- matutulungang maging matagumpay sa kanyang propesyon o hanapbuhay ang isang mamamayan- isa sa mahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa- mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan & pagkakaisa- masasabing mayroon nang humigit-kumulang sa isang milyong taon ang paggamit sa wika (ayon sa mga labi o artifacts)- hindi iisa ang pinanggalingan

(SA KASALUKUYANG PANAHON: masalimuot na ang wika; nagagamit sa pagpapahayag ng kahit anong diwang nakapaloob sa kultura ng tao)

LiNGGWiSTiKA – agham ng wikaDALUBWiKA o LiNGGWiSTA – taong dalubhasa sa wika at nagtataglay ng di-pangkaraniwang kaalaman & kakayahan sa pagsusuri ng wikaPOLYGLOT – isang taong marunong ng maraming wika*paniwala ng mga antropologo – kung mayroon mang wika ang mga kauna-unahang tao sa mundo, ang naturang wika’y masasabing kauri ng wika ng mga hayop*

tao – may angking talino na higit na mataas kaysa hayop

Page 2: ANGKAN NG WIKA

- naibukod ang sarili sa mga hayop- nalinang ang wika at kultura na kung ihahambing sa wika & kultura ng mga ninuno ay ibang-iba na

wika & kultura – kapwa nagsimula sa pinakayapak na nagpatuloy sa pag-unlad sa paglipas ng mga tao hanggang sa maging masalimuot

3 DOMAiN1. COGNiTiVE – utak2. AFFECTiVE – damdamin3. PSYCHOMOTOR – paggawa/kilos

SiNTAKSiS – agham ng pag-aaral ng pangungusapMORPEMA – pinakamaliit nay unitPONEMA – makahulugang tunog ng isang salitakatinig – 5 patinig – 16 DiSKORSO – palitan ng pangungusap

TEORiYA:1. Ding-dong - bagay2. Bow-wow - likha ng kalikasan3. Pooh-pooh - masidhing damdaming ng tao4. Ta-ta-yum-yum - kumpas o galaw ng kamay5. Yo-he-ho - pwersang pisikal6. Ta-ra-ra-boom-de-ay - ritwal7. Tore ng Babel (Genesis 11:1-9) - *Babilonya - pagtatayuan ng tore 

KAGAMiTAN NG WiKA:1. proseso ng pagpapalitan ng impormasyon2. pagpapahayag ng pangungusap3. pagpapaliwanag o pangungusap4. pagsasalitaan

MGA PANGUNAHiNG ANGKAN NG WiKA

dalubwika & antropologo:1. pinag-aaralan ang pagkakahawig ng iba’t ibang wika:[magkapamilya o magkaangkan ang 2 o higit pang wika kapag may pagkakatulad o pagkakahawig sa: tunog, pagkakabuo, bokubularyo o talasalitaan & palaugnayan]

2. pinag-aaralan ang pinagmulan ng wika:[kasaysayan ng pagdami ng tao, heograpiya, kalakalan, & pulitika]

Page 3: ANGKAN NG WIKA

3. pinag-aaralan ang pagkilala & pag-uuri sa mga wika:[kapaligiran]

KATANGiAN

"Ang wika ay pangunahin & pinaka-elaborate na anyong simbulikong anyo gawaing pantao."- Archibald Hill

"Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili & isinasa-ayos sa paraang arbitratyo."- Gleason

1. Ang wika ay may masistemang balangkas3 uri ng Morpema: a. Morpemang Panlapi b. Morpemang Salitang-Ugatc. Morpemang Ponema2. Ang wika ay sinasalitang tunog3. Ang wika ay pinipili & isinasaayos4. Ang wika ay arbitraryo5. Ang wika ay ginagamit6. Ang wika ay nakabatay sa kultura 7. Ang wika ay nagbabago o dinamiko 8. May antas ang wika9. Bawat wika ay natatangi10. Ang wika ay komunikasyon11. Makapangyarihan ang wika12. Kagila-gilagas ang wika13. May pulitika rin ang wika14. Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon

KAHALAGAHAN NG WiKA1. Instrumento ng Komunikasyon2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman3. Nagbubuklod ng bansa4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

ANG MGA WiKA SA PiLiPiNAS

Dr. Alfonso Santiago- sumulat ng Panimulang Linggwistika (hindi nagkakaisa ang mga palaaral & mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluan)

Page 4: ANGKAN NG WIKA

kulturang Indonesyo -galing sa rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina & hangganan ng Tibet- nakarating sa Pilipinas, Formosa, & iba pang pulo ng PasipikoAlifbata ng Arabia – “alibata” sa ngayon- unang paran ng pagsulat ng mga Pilipino- Bahasa Melayu: lingua franca sa TImog-Silangang Asya (700A.D – 1,500 A.D)- pumasok sa Pilipinas nang maitindig na sa Java ang Imperyo ng Madjapahit (Impluwensya ng Malay)David & Healey (1962) - nagsaliksik kung paano lumaganp sa kapuluan ang iba’t ibang wikang ginagamit ngayon- wikang galling sa Malayo Polinesyo (700 B.C)1. Northern Philippine Familya. Mt. Province(Bontoc, Ifugao, Kankanai)b. Ilokano & mga wikang nalaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayanc. Inibaloi2. Southern Familya. Sambalb. Kapampanganc. Tagalogd. Cebuanoe. Bicolg. Maranaoh. Surigaoi. Mansakal. Kalaganm. Western Bukidnon Manobon. Southern Bukidnon Manobong. Binukido. Dibabaonp. Cuyonanr. Subanuns. Magindanao atbp.3. Pangasinanwikang Vietnam - napahalo sa wikang lumaganap sa Pilipinas & Malayo-Polinesyo

PAGBASA- pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdaming at kaisipan sa mga titik & simbolong nakalimbag- mahalaga sapagkat nakatutulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan- nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng pananaw, nagbibigay ng kasiyahan, & nakapagdadala sa isang tao sa iba’t ibang lugar

Page 5: ANGKAN NG WIKA

- nagbibigay sa tao ng mga kaalamang nagpapaunlad & nagpapayaman sa kanyang kaisipan- nakapagpapalawak ng pananaw sa buhay, nakapagpapaunlad ng kaisipan, nakapagpapabuhay ng imahinasyon & nakatutulong sa paglutas ng problemang kinakaharap- maaaring makalibang, makapagpalimot ng bumabagabag sa damdamin, & makatakas sa problema sa buhay at dalhin ang diwa sa pantasya

5 DiMENSYON(o PANUKATAN) SA PAGBASA- makatutulong sa paglinang ng mga kaalaman

I. Pang-unawang LiteralII. Interpretasyon (Interpretation)III. Mapanuring Pagbabasa (Critical Reading)IV. Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa PagbabasaV. Pagpapahalaga (Appreciation)

“Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil ang isang mambasa ay binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa.”- Goodman

HAKBANG SA PAGBABASA1. Perception/Persepsyon- hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas ng wasto sa simbolong nababasa2. Comprehension/Komprehensyon- proseso na nagaganap sa kaisipan at pag-unawa3. Reaction/Reaksyon- paghahatol o pagpapasya; kahusayan at kawastuhan at pagpapahalaga sa tekstong binasa4. Assimilation/Asimilasyon- pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga kaalaman & karanasan sa tekstong binasa

2 DAiGDiG NA KiNUKUHAN NG MGA PAKSA NG MGA MANUNULAT:a. Daigdig na Panlabas – lipunanb. Kapaligirang kanyang ginagalawan

MGA PUNDASYON SA PAGTANONG, KAiSiPAN SA PAGBASA1. sa tahanan2. salita ng ina/mother’s talk3. paaralan

iBA’T iBANG PARAAN NG PAGBASA1. Iskaning – pagbasa sa mga susing salita

Page 6: ANGKAN NG WIKA

2. Iskiming – pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya3. Previewing – sinusuri muna ang kabuuan at istilo ng sumulat4. Kaswal na Pagbasa 5. Pagbasang Pang-impormasyon6. Matiim sa Pagbasa7. Re-reading8. Pagtatala

MGA GENRE NG BABASAHiN1. Alamat – kathang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan2. Dula – pagpapakita ng mas masidhing damdamin na makikita sa mga linya ng mga tauhan; “play” sa English3. Maikling Kwento – isang maikling kathang maaaring hango sa tunay na buhay o maaaring kathang-isip lamang; binubuo ng mga tauhan na may kinakaharap na suliranin at maaaring basahin sa isang upuana. Salaysay – walang katangiang nangingibabaw; timbang na timbang ang mga bahagib. Kuwento ng Katatawanan – may kabagalan at ilang paglihis sa balangkasc. Kuwento ng Tauhan – tauhan ang binibigyang-diind. Kuwento ng Madulang Pangyayari – nagbubunga ng isang bigla & kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kwentoe. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – nasa balangkas ang kawilihan ng kwento; nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhanf. Kuwento ng Katutubong Kulay – ang kapaligiran(o tagpuan) ng isang pook ang binibigyang-diing. Kuwento ng Kababalaghan – binibigyang kasiyahan ang mga pananabik sa mga bagay na kataka-taka & salungat sa wastong bait at kaisipan; madalas na likha lamangh. Kuwento ng Sikolohiko – inilalarawan ang mga tauhan sa isip ng mambabasai. Kuwento ng Talino – ang pagkakabuo ng balangkas sa halip na tauhan ang pang-akitj. Kuwento ng Katatakutan – ang damdamin ang binibigyang-diin; pinupukaw and damdamin ng mambabasa & ang mahalaga’y ang bisa at kaisahan4. Nobela – akdang tuluyan na maraming tauhan at pangyayaring maaaring totoo o likhang-isip lang5. Pabula – hayop ang mga pangunahin tauhan6. Sanaysay – isang akdang nasa anyo rin ng tuluyan ngunit mas maikli sa nobela7. Talambuhay – tungkol sa buhay ng isang tao8. Parabula – hango sa bibliya

Page 7: ANGKAN NG WIKA

9. Talumpati – mga nagpapahayag ng opinion na binibigkas sa harapan ng mga tao10. Anekdota – mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao11. Balita – naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa

3 BAHAGi NG TEKSTOa. Simulab. Katawanc. Wakas

4 NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAGa. Paglalahadb. Paglalarawanc. Pagsasalaysayd. Pangangatwiran

iBA’T iBANG HULWARAN NG TEKSTOa. Paglilista ng detalyeb. Sanhi & Bungac. Paghahambing & Kontrastd. Problema & Solusyone. Pagsusuri

MGA PANANDA & PAMAMARAAN SA PAG-UUGNAY NG TEKSTOa. Mga Salitang Naghahayag ng Sinundan (Causative)b. Mga Salitang Naghahayag ng Karagdagang Ideya (Additive)c. Mga Salitang Naghahayag ng Pagsasalungat (Contrastive)d. Sa mga Salitang Naghahayag ng Pagkakasunod-sunod Ayon sa Panahon (Tempural)e. Mga Panghalip Paraan & Panghalip Pamatnig

this is So Wasted at 2:55:00 AM Wika – Ayon kay Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa kommunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.Ang wika ay   masistema  - May dalawang masistemang balangkas ang wika; ang tunog at kahulugan. Halimbawa ang makabuluhang tunog na /b/, /a/, /t/ ay masistemang magsama-sama na ang ibig sabihin ay sanggol.Ang wika ay arbitraryo - Ang mga tunog ng sinasabi sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit. Isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasundan ng grupo ng mga taong gumagamit nito.

Page 8: ANGKAN NG WIKA

Ang wika ay tunog - Maraming mga tunog sa paligid pero hindi lahat ay maituturing na wika dahil ang karamihan ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananlita.Ang wika ay pantao - Naiiba ang wikang pantao sa wikang panghayop. Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura habang ang wikang panghayop ay ginagamit sa sariling lahat.Ang wika ay para sa komunikasyon - And wika ay daan sa kommunikasyon ng dalawang taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang ipahayag ang kanilang pangangailangan, damdamin at ang kanilang iniisip.Ang wika ay hindi mahihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito - Halimbawa ang salitang Filipino na “po” at “opo”. Sa pagsasabi nito ay nagpapakit na may ugali ang mga Pilipinong pagigng magalang.Kinopi-end-peyst ko ang mga artikel na releyted sa varyeysyon at varayati ng wika. (Sige nga, paano mo isusulat ang "kinopya at ipinost"? Yung madalas mong ginagawa kapag magpa-pass ka ng asaynment mo pero kinuha mo lang sa internet nang hindi binabasa o naiintindihan kung ano iyon! Kin… Kino… Kina.. Kin**** and paste?!) Gaya nito:  

Paghahambing ng morpema ng wikang Filipino at wikang SamaKabanata ISanligan ng Pag – aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nilalalaman ng Artikulo XIV ng ating Saligang Batas na nagsasaad na kailanganang tugunan ng pansin at ipagpatuloy ang mga pananaliksik at pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas upang mapaunlad, mapanatili at mapayaman ang wikang ito.

Rasyonal ng Pag-aaralPinili ng mananalikisik ang pag-aralan ang wikang Sama upang matutunan ang kaibahan nito sa wikang Filipino. Mahalaga ito sa mananaliksik, sapagkat maaari niyang magamit bilang halimbawa sa kanyang pagtuturo ng wika. Magkakaroon din siya ng katibayan kapag siya ay magtuturo ng wika, dahil hindi lang niya masasabing narinig niya o nabasa ang tungkol sa wikang Sama kung ‘di nagawa niya ang paghahambing nito at nasuri.

LayuninLayunin ng pag-aaral na ito na mapaghambing at masuri ang wikang Filipino at Sama. Ito ay upang maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa sa ikalawang antas ng wika: ang morpolohiya.

Page 9: ANGKAN NG WIKA

Tiyak na layunin:1. Maihahambing at masusuri ang alomorp ng dalawang wika.2. Maihahambing at masusuri ang palagitlingan ng dalawang wika.3. Maihahambing at masusuri ang pagbabagong morpoponemiko ng dalawang wika.4. Maihahambing at masusuri ang mga kayarian ng salita ng dalawang wika.

Kahalagahan ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga guro, mag-aaral at kung sino mang dayuhan sa wikang Sama. Sapagkat malalawig ang kanilang kaalaman ukol sa wikang Sama. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito dahil mapaghahambing na ang wikang Filipino sa wikang Sama.Maaari rin itong magamit bilang kaugnay na literatura sa mga susunod pang mgapag-aaral sa hinaharap. Maaari rin itong gawing basehan upang mapatunayan na ang mga wika nga sa Pilipinas ay magkaka-angkan.Sa dahilang ang wika ay patuloy na nagbabago at maaaring mamatay, ang pag-aaral na ito ay napakahalaga. Sapagkat magkakaroon na ng dokumento ukol sa pag-aaral ng wikang Sama bago pa man ito tuluyang pasukan ng ibang wika o ito ay mamatay.

Katuturan ng mga KatawaganWika – ang wika ay anumang binibigkas, sinesenyas o sinusulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobinMorpema – ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahuluganMorpolohiya – ang pag-aaral ng morpemaFilipino – Pambansang Wika ng PilipinasSama – wikang ginagamit sa Bongao, Tawi-TawiAlomorp – anumang salita na mayroong higit pang isang anyoPagbabagong Morpoponemiko – mga prosesong nagaganap sa pagbubuo ng salitaPalagitlingan – gamit ng gitling ayon sa mga palatuntunang sinusunodPang-uri – anumang salita na naglalarawan o nagbibigay katangianPandiwa – anumang salita na nagsasaad ng kilosPangngalan – anumang salita na nagbibigay ngalan sa tao, pook, bagay, pangyayari, damdamin, kaisipan o hayopPanlapi – mga morpemang pangkayarian maliban sa ponemang /a/ na ikinakabit sa ponemang leksikal at nagbibigay ng panibagong kahulugan (pan.)Salitang-Ugat – mga morpemang leksikal na kinakabitan ng ibang morpema upang bumuo ng bagong salita (s.u.)Unlapi – panlaping kinakabit sa unahan ng salitang-ugatGitlapi – panlaping kinakabit sa loob ng salitang-ugatHulapi – panlaping kinakabit sa huluhan ng salitang-ugat

Saklaw at DelimitasyonAng naturang pananaliksik ay nakatuon sa morpolohiya ng wikang Filipino at wikang

Page 10: ANGKAN NG WIKA

Sama. Pag-aaralan ng mananaliksik ang dalawang wika sa pamamagitan ng paghambing at pagsuri ayon sa alomorp, palagitlingan, pagbabagong morpoponemiko at kayarian ng salita.

LimitasyonDahil sa hindi mapupuntahan ng mananaliksik ang pook kung saan ginagamit ang wika, kumuha na lamang siya ng informant. Kaya hindi mailalahad ng mananaliksik ang nilalaman ng matandang Sama.

BalangkasAng pag-aaralan ng manananliksik ay ang morpolohiya ng wikang Filipino at wikang Sama. Paghahambingin at susuriin niya ang dalawa ayon sa (1) alomorp, (2) palagitlingan, (3) pagbabagong morpoponemiko at (4) kayarian ng salita.

.....................................................................................................................................

..............................................

Kabanata IIKaugnay na Literatura at Pag – aaral

Ipinaliwanag ni Trick (1997) na sa wikang Sama, ang panlaping [ngan] ay may mga alomorp. Ang mga alomorp ng panlaping [ngan] ay ang mga unlaping [ngan-], [nga-] at [N-]. Ipinahayag niya rin na ang panlaping hulaping [-an] sa Sama ay nakakabit sa mga pandiwa. Ngunit nabanggit niya, na maaring ang pandiwa ay kabitan ng [-an] at maaari namang hindi. Dagdag pa niya, ang panlaping [ni] ay may dalawang alomorp, at ito ay ang mga unlaping [ni-] at gitlaping [-in-]. Ngunit ipinaliwanag niya, na hindi pa niya natutuklasan ang katuturan ng panlaping unlaping [ni-] sa pagbuo ng salita sa Sama.

Natuklasan naman ni Cruz (1999), na ang panlaping unlaping [a-] ng Sama ay tinutumbasan o katumbas ng panlaping unlaping [ma-] ng Filipino. At kung ikinakabit sa salitang-ugat ang mga morpemang ito, ay parehong bumubuo ng mga salitang gumaganap bilang pang-uri. Tulad ng ahap ( [a-] + [hap] ) ng Sama, na katumbas ng mabuti ( [ma-] + [buti] ) sa Filipino. At ang asigpit ( [a-] + [sigpit] ng Sama ay katumbas ng salitang mahirap ( [ma] + [hirap] ) sa Filipino.

Natuklasan niya rin na ang pag-uulit ng salita sa Sama ay nangyayari upang ipakita ang kaliitan o maagang baytang ng paglaki o kaunlaran. Halimbawa ang riki-riki na ibig sabihin ay napakaliit. Ito ay galing sa salitang-ugat na [riki] na ibig sabihin ay liit. Para sa pandiwa naman, ang pag-uulit ay nagpapakita na nagaganap ang kilos na tinataglay nito. Halimbawa ang ang agpuli-puli na ibig sabihin ay tumatakbo. Ito ay galing sa salitang-ugat na [puli] na ibig sabihin ay [takbo]. Ginagamit din kung

Page 11: ANGKAN NG WIKA

ang pandiwa ay pangmaramihan. Gumaganap din ang pag-uulit bilang bahagi ng pamilangan. Halimbawa ay at tallo-tallo na ibig sabihin ay tatlo-tatlo sa Filipino. Mula sa salitan-ugat na [tallo] na ibig sabihin ay [tatlo].

.....................................................................................................................................

..............................................

Kabanata IIIMetodolohiya ng Pag – aaral

Upang mapag-aralan ang wika, kumuha ang mananaliksik ng limang informant. Isang (1) pangunahing informant at apat (4) na taga-balideyt ng mga datos na nalikom ukol sa wikang Sama. Ang mga informant ay pawang bihasa sa wikang ito sapagkat ito ang wikang giangamit nila sa araw-araw. Ang mga informant ay kamag-aaral sa paaralan ng mananaliksik at kawpa tubong Bongao, Tawi-Tawi. Ilan sa kanila ay nabibilang sa pangkat-etnikong Samal na bumubuo ng 80% ng kabuuang populasyon ng Tawi-Tawi. Samantala, ang ilan naman ay mga Tausug ngunit bihasa rin sa wikang ito dahil nakasanayan na nila ang wika.Ang mananaliksik ay nakikipanayam sa kanyang informant tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa loob ng mahigit apat na buwan. Nagsimula noong Hunyo hanggang Setyembre ng taong 2004. Samantala, sa mga taga-balideyt naman ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng naturang mga buwan rin. Ang dahilan sa pagkuha ng mananaliksik ng taga-balideyt ay upang masigurado na ang mga inpormasyon ay tama. Dahil ang kanyang pangunahing informant na mismo ay nakiusap na kung maaari ay kumuha rin ng ibang opinyon dahil unti-unti na rin niyang nalilimutan ang wika sapagkat may katagalan na rin siya sa Zamboanga.Sa pagkuha ng mga datos, ang mananaliksik ay nagbabanggit at sumusulat ng mga salita sa Filipino at siya namang tinutumbasan ng informant sa wikang Sama. Kinabukasan ay makikipagkita naman siya sa apat na taga-balideyt.Nang makalikom na ng sapat na salita ang mananaliksik, ay pinangkat-pangkat naman niya ang mga ito ayon sa kanilang gamit sa pananalita. Narito ang mga bilang ng mga salitang kanyang nalikom ayon sa gamit at bilang:

Bahagi ng Pananalita

BilangPangngalan50Panghalip15Pandiwa45Pang-uri

Page 12: ANGKAN NG WIKA

30Pang-abay10

Pagkatapos pangkatin, ay pinaghambing naman ng mananaliksik ang mga salita sa salitang Filipino. Matapos paghambingin, ay sinuri niya ang mga ito.Nakakuha rin ang mananaliksik ng karagdagang datos mula sa mga maaasahang artikulo, magazine, aklat at thesis. Ang mga datos ay pinagsama-sama. Matapos pagsamahin ay pinaghambing naman ang ginawang pananaliksik sa iba pang nagawang pag-aaral ukol sa wika at maging sa ibang wika na pinaghambing rin sa Filipino.

.....................................................................................................................................

..............................................

Kabanata IVPagsusuri, Presentasyon at Interpretasyon

Mga Alomorp ng Morpemang Filipino at Sama

Alomorp ng wikang FilipinoAng Filipino ay may apat na panlapi na may mga alomorp. At ang bawat isa’y may mga tuntuning sinusunod. Ang panlaping [pang] ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-], [pam-] at [pan-]. Ginagamit ang [pang-] kung ang inuunlapiang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga patinig na /a, e,i,o,u/ o alinman sa mga ponemang katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/; samantala ginagamit naman ang [pam-] kapag ang salitang-ugat na inuunlapian ang nagsisimula sa /b/ o /p/, habang ang [pan-] naman ay ginagamit kapag ang salitang-ugat na inuunlapian any nagsisimula sa alinmang mga ponemang /d,l,r,s,t/.Halimbawa ay ang mga sumusunod:[pang-] [pam-] [pan-]pang-ihaw pampito panlutopang-ulo pambati pandaliripangngalan pambansa pandikitpangwalis pampuso pantali

Katulad ng [pang], ang panlaping [mang] ay may tatlong alomorp din. Ito ay ang mga unlaping [mang-], [mam-] at [man-]. Ang [sang] at [sing] naman ay [sang-], [sam-], [san-] at [sing-], [sim-], [sin-]. Ang mga ito ay sumusuod sa tuntunin ng panalaping [pang]. Narito ang balangkas upang lubasang maintindihan.[pang-] [pam-] [pan-]

Page 13: ANGKAN NG WIKA

[mang-] [mam-] [man-][sang-] [sam-] [san-][sing-] [sim-] [sin-]a b de p li ro su tkgngmnwy

Alomorp ng wikang SamaAng panlaping [ngan]naman ng wikang Sama ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [ngan-], [nga-], at [N-]. Isang halimbawa sa unlaping [ngan-] ay ang salitang nengkoh (uupo/umupo) at ngandugsuh (sasaksakin/sinaksak).

nengkoh ngandugsuh

pan.un. s.u pan.un. s.u

[ngan-] [tengkoh] (upo) [ngan-] [dugsuh] (saksak)

Ang mga salitang-ugat na [tengkoh] at [dugsuh] ay kapwa nagsisimula sa katinig. At ito ay ang mga ponemang d at t. Ang mga alomorp na [pan-], [man-], [san-] at [sin-] ay ikikabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang /d,l,r,s,t/ dahil ang punto ng artikulasyon ng mga ito ay sa ngipin at gilagid. Maging ang artilulasyon ng mga salitang [tengkoh] at [dugsuh] ay panggilagid at pang-ngipin sapagkat ito’y nagsisimula sa ponemang t at d. Ibig sabihin, ang alomorp [ngan-] ay ikinakabit sa mga salitang nagsisimula sa /d/at /t/, tulad ng mga alomorp na [pan-], [man-], [san-] at [sin-] ng wikang Filipino. Ngunit hindi nangangahulugang ang mga salitang nagsisimula sa l, r at s sa wikang Sama ay kinakabitan ng alomorp na [ngan-] sapagakat ang mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng salitang nilapian ng alomorp na [ngan-] na nagsisimula sa l, r at s.Ang alomorp na [nga-] naman ay makikita sa salitang ngadjal (magluto). Ang salitang ito ay nagmula sa salitang-ugat na [adjal] na ibig sabihin ay luto.

Page 14: ANGKAN NG WIKA

ngadjal

pan.un. s.u.

[nga-] [adjal]Ang alomorp na [nga-] sa salitang ngadjal ay ikinabit sa salitang-ugat na [adjal] na nagsisimula sa patinig na /a/. Sa Filipino, ang mga salitang nagsisimula sa mga patinig na/a, e, i, o, u/ at mga katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/ ay kinakabitan lamang ng mga alomorp na[pang-], [mang-], [sang-] at [sing-]. Ito ang palatuntunang sinusundan sa Filipino. Samakatuwid, ang alomorp na [nga-] sa Sama at ang mga alomorp na [pang-], [mang-], [sang-] at [sing-] ng Filipino ay parehong ikinakabit sa salitang nagsisimula sa ponemang /a/. Ngunit kinakailanagan pa ang mga pagpapalawak at pagpapaunalad sa pag-aaral na ito.Ang alomorp na [N-] ay makikita sa salitang mowa (bubuhatin). Ang salitang ito ay nagmula sa salitang-ugat na [bowa] na ibig sabihin ay buhat.mowa

pan.un. s.u.

[N-] [bowa]Ang alomorp na [N-] sa salitang mowa ay ikinabit sa salitang-ugat na [bowa]. Ang salitang-ugat na ito ay nagsisimula sa ponemang /b/. Sa Filipino, ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang /b/ at /p/ ay maaari lamang unlapian ng mga sumusunod na alomorp: [pam-], [mam-], [sam-] at [sim-]. Tulad ng Filipino, ang alomorp na [N-] ay maaari ikabit sa mga salitang nagsisimula sa ponemang /b/ kagaya ng apat na alomorp sa Filipino na kababanggit lamang. Ngunit hindi sinasabi na ang mga salita na nagsisimula sa ponemang /p/ sa wikang Sama ay kinakabitan ng alomorp na [N-], sapagkat ang mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng mga salitang nilapian ng alomorp na [N-] at ang salitang-ugat ay nag-uumpisa sa ponemang /p/.

Palagitlingan sa wikang Filipino at Sama

Ang paggamit ng gitling ay hindi lang basta basta. Sapagkat ang paggigitling ay may mga palatuntuning sinusunod. Sa Filipino, mayroong labing-isang palatuntunang sinusunod sa paggigitling. At ito ay ilalahad sa ibaba.Ang gitling sa Filipino ay ginagamit:Kung inuulit ang salita>araw-araw >dala-dalawa > punung-puno > gabi-gabiSa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig

Page 15: ANGKAN NG WIKA

>pag-ibig > tag-araw > pang-ulo >mag-aaralSa pagitan ng panlapi at pangngalang pantangi>maka-Filipino > nag-Jollibee >taga-Bacolod > mag-Otso-otsoSa pagitan ng panlapi at salitang hiram o banyag>nag-rent >mag-cable >mag-jet >nag-SmartSa pagitan ng dalawang aslitang magkasalungat>urong-sulong >atras-abante >umulan-umaraw > akyat-babaKung may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagtatambal>bahay na kubo >dalagang taga-bukid

bahay-kubo dalagang-bukid

Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal>taong-gubat >baboy-ramo >dalagang-bukidKapag ang panlaping [ma-] ay ikinakabit sa pang-uri sa nagsisimula sa ponemang /m/ na ibig sabihin ay “maging”>ma-mahirap >ma-maganda >ma-matalino >ma-mababaKapag ang panlaping [ika-] ay sinusundan ng tambilang>ika-10 >ika-2 > ika-4 >ika-11 >ika-5Kapag isinusulat ng patitik ang yunit ng praksyon>Isang-kapat (1/4) > tatlong-kalima (3/5) >dalawang-kanim (2/3)Kapag ikinakabit ang apelyido ng asawa sa apelyido ng babae noong dalawa pa siya>Maylene Oliveros-Murao >Francisca Marcial-Koh

Sa Sama naman, ang paggamit ng gitling ay may mga palatuntunan ding sinusunod. Ilalahad ang paggamit ng gitling sa Sama sa ibaba.Ang gitling sa Sama ay ginagamit:Kung inuulit ang salita>onde-onde (bata) > duwa-duwa (dala-dalawa) >subu-subu (madaling araw)Sa pagitan ng panlaping unlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig>mag-ajdal (magluto) > mag-api (mag-apoy)

Kapag ang panghalip na panao ay ikinakabit sa hulihan ng salitang inaari ng panghalip sa loob ng pangungusap>indaman-ku (hiramin ko) >anak-na (anak niya) >paanda-ta (ipakita kita)Sa paggamit ng gitling sa Sama, ang unang dalawang tuntunin nito ay katulad ng unang dalawang tuntunin ng Filipino sa itaas. Ibig sabihin, ang wikang Filipino at Sama ay may iilang parehong tuntuning sinusunod sa paggamit ng gitling. At ito ay ang unang dalawang tuntunin ng dalawang wika sa paggamit ng gitling sa itaas.Samantala, ang mananaliksik ay may bagong natuklasang gamit ng gitling at panibagong tuntunin mula sa wikang Sama. Sa ikatlo at huling tuntuning nakalista

Page 16: ANGKAN NG WIKA

sa itaas na gamit ng gitling sa Sama, ginagamit ito sa pagitan ng panghalip at salitang inaari nito sa pangungusap. Ibig sabihin, ang Sama ay may kakaibang gamit ng gitling na wala sa wikang Filipino. At ito ay ang pagkabit ng panghalip na panao sa salitang inaari nito sa pangungunap (tuntunin bilang 3 ng paggamit ng gitling sa Sama). Ngunit kinakailanagan pa ang mga pagpapaunlad at pagpapalawak sa pag-aaral na ito.

Pagbabagong Morpoponemiko ng wikang Filipino at Sama

Sa pagbuo ng salita, maraming prosesong nagaganap. Ang mga prosesong ito ay tinatawag na ‘pagbabagong morpoponemiko.’ Ang mga prosesong ito ay nagaganap sa pagbuo ng panibagong salita mula sa isang salita at nagbibigay ng panibagong kahulugan. Bilang pangkalahatang alituntunin, mayroong limang uri ng pagbabagong morpoponemiko. Ang (1) asimilasyon, (2) pagpapalit-ponema, (3) pagkakaltas-ponema, (4) paglilipat-diin at (5) metatesis.Ang mga pagbabagong morpoponemikong ito ay siyang nagaganap sa wikang Filipino at iba pang wika sa buong mundo. Ang pag-alam nito ay mahalaga sa pag-aaral ng wika. Dahil ito ay maaaring maging sagot sa matagal nang suliranin, ang pagkaka-angkan ng wika sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

AsimilasyonAng asimilasyon ay may dalawang uri. Ang ganap at di-ganap o parsyal. Sa asimilasyong di-ganap, ang pagbabago ay nagaganap sa panlapi lamang. Halimbawa ay,[mang-] + [butas] = mambutas [pang-] + [tali] = pantali

Ang panlaping [mang-] ay nagiging [mam-] habang ang salitang-ugat na [butas] ay nanatili ang anyo at baybay. Ang panlaping [pang-] naman ay nagiging [pan-] ngunit ang salitang-ugat na tali ay nanatili ang anyo at baybay. Ang mga panlaping [mam-] at [pan-] ay mga alomorp ng panlaping [mang-] at [pang-] at may mga palatuntuning sinusunod. Ito ay ipinapaliwanag sa itaas, ang tungkol as alomorp.Ang asimilasyong ganap, ang pagbabago ay nagaganap sa kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa ay,[pang-] + [palo] = pamalo [pang-] + [tahi] = panahiang panlaping [pang-] ay nagiging [pam-] at ang salitang-ugat na [palo] ay nakakaltasan ng ponemang /p/. Sa ikalawang halimbawa naman, ang panlaping [pang-] ay nagiging [pan-] at ang salitang-ugat na [tahi] ay nakakaltasan ng ponemang /t/. Samakatuwid, ang pagbabago ay makikita sa panlapi at salitang-ugat. Ang mga panlaping [pam-] at [pan-] ay mga alomorp ng panalping [pang]. Ito ay nagbabago dahil may alituntuning sinusunod. Ito ay naipaliwanag na sa itaas, ang tungkol sa alomorp.

Page 17: ANGKAN NG WIKA

Pagkakaltas-PonemaAng pagkakaltas-ponema ay nagaganap kapag ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Halimbawa ay,

dakpin sarhan kamtan

s.u. pan.hul. s.u. pan.hul. s.u. pan.hul.

[dakip] [-in] [sara] [-an] [kamit] [-an]ang huling ponemang patinig na /i/ sa salitang-ugat na [dakip] ay nawawala ng ito ay hinulapiann ng hulaping [-in]. At gayon din ang nangyari sa mga huling ponema ng salitang-ugat na [sara] at [kamit], nawala ang mga ito ng hulapian ng [-an].

Pagpapalit-PonemaAng pagpapalit-ponema ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay kinakaltasan ng isa o higit pang ponema kapag ito ay kinakabitan ng iba pang morpema. Halimbawa ay,biruin marumi hagkan

s.u. pan.hul. pan.un. s.u. s.u. pan.hul.

[biro] [-in] [ma-] [dumi] [halik] [-an]ang huling ponemang /o/ sa salitang-ugat na [biro] ay napalitan ng ponemang /u/. Ang mga ponemang /d/ at /l/, /i/ ng mga salitang-ugat na [dumi] at [halik] ay napapalitan naman ng mga ponemang /r/ at /g/. Ibig sabihin, napapalitan lang ang mga ponemang napapaloob sa salitang-ugat ngunit ang kahulugan ay buo pa rin.Paglilipat-diinAng paglilipat-diin ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay hinuhulapian. Halimbawa aysira:in hawa:kan putu:lin

s.u. pan.hul. s.u. pan.hul. s.u. pan.hul.

[si:ra] [-in] [ha:wak] [-an] [pu:tol] [-an]ang mga diin ng salita ay nalilipat; na iba sa diin ng salitang-ugat. Ito ay makikita sa mga halimbawa as itaas. Ang dating diin na makikita sa pagitan ng una at ikalawang pantig ng salitang [si:ra] ay nalipat sa hulihan ng ikalwang pantig nito. Kaya binibigkas ng, [sira:in] at hindi *[si:rain}. At gayon din sa iba pang mga halimbawa sa itaas.

MetatesisAng metatesis ay nagaganap kapag nagkakapalitan ng pusisyon ang dalwang

Page 18: ANGKAN NG WIKA

ponema sa loob ng isang salita. Ito ay nangyayari kung ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang katinig na /l/, /r/ at /y/ ay ginigitlapian ng gitlaping [-in-]. Ngunit, hindi ibig sabihin na maaari lamang ito maganap sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/, /r/ at /y/ at ginigitlapian ng [-in-]. Dahil nagaganap din ito sa mga salitang-ugat na ‘di nagsisimula sa tatlong nabanggitn na ponemang katinig tulad ng aptan at sidlan. Nasabi lamang ito dahil ito ay karaniwang nagaganap. Halimbawa ay,

sidlan nilipad aptan

s.u. pan.hul. s.u. pan.git. s.u. pan.hul.

[silid] [-an] [lipad] [-in-] [atip] [-an]makikita na ang mga ponemang /l/ at /d/ ng salitang-ugat na [silid] ay nagkapalitan ng pusisyon at mayroon pang nangyaring pagkakaltas-ponema dahil ang ponemang /i/ at nawala nang hinulapian ito ng [-an] at naging sidlan. Makikita rin ang mga pagbabago sa iba pang halimabawa.

Pagbabagong Morpoponemiko sa wikang Sama

Asimilasyon sa wikang SamaAng mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng salitang Sama na nabuo sa prosesong asimilasyon, ganap man o hindi. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito nagaganap sa wikang Sama. Maaaring nagaganap ito at maaari ring hindi. Hindi pa sapat ang kaalaman ng mananalikisk upang bigyang tuldok ang penomenang ito.

Pagkakaltas-Ponema sa wikang Samapinung (pinutulan)

s.u. pan.git.

[pamung] (pinutol) [-in-]

Sa halimbawa sa itaas, makikita na ang mga ponemang /a/ at /m/ ng salitang-ugat na [pamung] ay nawawala nang ito ay ginitlapian ng [-in-] at naging pinung. Ang prosesong nagaganap ay katulad ng sa Filipino. Ibig sabihin, ang pagakakalatas-ponema ay parehong nagaganap sa dalawang wika.

Pagpapalit-Ponema sa wikang Samaamella (nagluto) karua (pangalawa)

Page 19: ANGKAN NG WIKA

pan.un. s.u. pan.un. s.u.[aN-] [bella] (luto) [ka-] [dua] (dalawa)

Makikita na ang ponemang /b/ sa salitang-ugat na [bella] at /N-/ sa panlaping [aN-] ay nawawala ngunit pinalitan ng ponemang /m/ sa pagbubuo. Sa salitang-ugat na [dua] naman, ang ponemang /d/ ay napapalitan ng ponemang /r/ nang ito ay nilapian ng [ka-]. Ang prosesong ito sa Sama ay katulad ng nagaganap sa Filipino. Ibig sabihin, ang wikang Filipino at Sama ay kapwang nagpapalit-ponema sa pagbuo ng salita.

Paglilipat-diin sa wikang Samaeso:gin (gamitan ng lakas) kabaya:an (ginusto)

s.u. pan.hul. pan.un. s.u. pan.hul.

[e:sog](lakas) [-in] [ka-] [baya] (gusto) [-an]

Makikita na ang diin ng salitang hinulapian ay hindi na sa dating diin. Nalipat ang diin mula sa loob ng salitang-ugat at nalipat sa hulihan nito. Ang proseso ay katulad ng sa Filipino. Ibig sabihin, kapwa sa Filipino at Sama ay nagaganap ang paglilipat-diin.

Metatesis sa wikang Samanilengngan (nilakad) nilinganan (tatawagan)

s.u. pan.git. s.u. pan.git. pan.hul.

[lengngan] (lakad) [-in-] [lingan](tawag) [-in-] [-an]

Sa mga halimbawa sa itaas, makikita na ang ponemang /l/ mula sa salitang-ugat na [lengngan] at ponemang /n/ ng gitlaping [-in-] ay nagkapalitan ng pusisyon. At gayon din ang nangyari sa salitang nilinganan.Sa Filipino, may tuntuning sinusunod sa Metatesis. Ipinaliwanag sa itaas (Metatesis) na ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa ponemang patinig na /l/, /r/ at /y/ na gigigitlapian ng gitlaping [-in-], ay nagkakapalitan ang pusisyon ng ponemang /n/ ng panlaping [-in-] at nagsisimulang katinig ng salitang-ugat sa pagbubuo. At sa halimbawa sa Sama sa itaas, ang ponemang /l/ ng salitang-ugat at /n/ ng gitlapi ay nagkapalitan ng pusisyon. Magkatulad ang nangyayari sa Filipino. Ibig sabihin, ang metatesis sa Sama ay may tuntunin ding sinusunod. At ito ay ang pagpapalitan ng pusisyon ang ponemang /n/ ng gitlaping [-in-] at ponemang /l/ ng salitang-ugat nma nagsisimula sa katinig na /l/. Ito ay isa ring tuntunin sa Filipino. Ibig sabihin, parehong nagaganap ang metatesis sa Filipino at Sama kung ang salitang-ugat

Page 20: ANGKAN NG WIKA

nagsisimula sa katinig na /l/ ay ginigitlapian ng [-in-]. Ngunit kinakailangan pa ang mga pagpapalawak at pagpapaunlad ukol sa pag-aaral.Ngunit ang Sama ay may kakaibang uri ng pagbubuo ng salita na wala sa Filipino. Kakaiba ito sapagkat ang salita ay tuluyang nagbabago kapag ito ay kinakabitan ng iba pang morpema. At ito ay makikita sa mga halimbawa sa ibaba.

Mangan (kumain) magkalang (kakanta)

Pan.un. s.u. pan.un. s.u.

[ngan-] [kakan] (kain) [mag-] [talangan] (kanta)

Sa isang tingin, ang salitang mangan ay isang payak na salita. Ngunit hindi ito payak. Ito ay maylaping salita. Galing ito sa salitang-ugat na [kakan] na ibig sabihin ay kain ay panlaping unlaping [ngan-]. Mapapansin na nawawalang tuluyan ang salitang [kakan]. Ang magkalang naman ay kakaiba rin. Dahil ito ay nagmula sa salitang-ugat na [talangan] na ibig sabihin ay kanta. Ngunit ng ito ay nilapian na upang at naging magkalang, mapapansin na ang ‘t’ sa salitang-ugat na [talangan] ay napalitan ng ‘k’ at ang huling dalawang ponemang ‘a’ at ‘n’ ay nawala. Hindi masasabing pagkakaltas-ponema ang naganap dahil nawala ang dalawang huling ponema, sapagkat nagaganap din ang pagkakaltas-ponema. Hindi rin masasabing pagpapalit-ponema ang naganap sapagkat naganap ang pagkakaltas-ponema. Parehong naganap ang dalawang proseso. Ngunit hindi ito matatawag na iisa.Ibig sabihin, ang prosesong naganap ay talagang iba. Ito ay bagong uri ng pagbubuo ng salita sa Sama. Ibig sabihin, na ang Sama ay mayroong sariling proseso sa pagbuo ng salita. Mayroong pagkakapareho ay dalawang wika at mayroon namang pagkakaiba. Ngunit kinakailangan pa ang pagpapaunlad at pagpapalawak sa pag-aaral na ito.

Kayarian ng Salita sa wikang Filipino at Sama

Ang salita ay may iba’t ibang kayarian. Kaya ang salita ay nauuri sa apat, (1) payak,(2) maylapi, (3) inuulit at (4) tambalan.Ang mananaliksik ay nakalikom rin ng mga salita at hinanay niya ito ayon sa kayarian. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang bilang ng mga salita ayon sa kayarian,

Kayarian ng SalitaBilangPayak80Maylapi

Page 21: ANGKAN NG WIKA

50Inuulit20Tambalan5

PayakAng salita ay masasabing payak, kung ito ay binubuo lamang ng salitang-ugat, at walang panlapi; hindi inuulit at walang katambal na ibang salita.Filipino Sama = Katumbas sa Filipinotao daah huwagganda ero asopuno esog lakasguro danda babaesayaw tulih tulogAng mga halimbawa sa itaas ay mga payak na salita. Makikita na sa Filipino sa unang hanay, na ang salitang payak ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Sa ikalawang hanay naman ay ang mga salitang Sama na payak. Binubuo rin ito ng salitang-ugat lamang. At ang katumbas nito sa Filipino ay payak na salita rin. Ibig sabihin, ang mga salitang payak sa Sama ay payak din ang katumbas sa Filipino.

MaylapiAng salita ay masasabing maylapi kapag ito ay nilalapian. Ang panlapi ay may tatlong uri: (1) unlapi, (2) gitlapi at (3) hulapi. At may iba’y ibang uri naman ng paglalapi. Ito ay ang mga pag-uunlapi; paggigitlapi; paghuhulapi; pag-uunlapi at paggigitlapi; pag-uunlapi at paghuhulapi; paggigitlapi at paghuhulapi; at pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi.

\\ Pag-uunlapi sa Filipinoumihi natulog

pan.un. s.u. pan.un. s.u.

[um-] [ihi] [na-] [tulog]

\\Pag-uunlapi sa SamaAgpatambal (nagpagamot) ahap (mabuti)

Pan.un. s.u. pan.un. s.u.

[agpa-] [tambal] (gamot) [a-] [hap] (buti)Ang pag-uunlapi ay nagaganap sa Filipino at Sama.

Page 22: ANGKAN NG WIKA

\\Paggigitlapi sa FilipinoTumulong sinabi

s.u. pan.git. s.u. pan.git.

[tulong] [-um-] [sabi] [-in-]

\\Paggigitlapi sa SamaBinelli (binili) kinakan (kinain)

s.u. pan.git. s.u. pan.git.

[belli] (bili) [-in-] [kakan] (kain) [-in-]Ang paggigitlapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama.

\\Paghuhulapi sa FilipinoLinisin unahin

s.u. pan.hul. s.u. pan.hul.

[linis] [-in] [una] [-in]

\\Paghuhulapi sa SamaIndaman (hihiramin) esogin (gamitan ng lakas)

s.u. pan.hul. s.u. pan.hul.

[indam] (kita/tingin) [-an] [esog] (lakas) [-in]Ang paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama.

\\Pag-uunlapi at Paggigitlapi sa FilipinoMagsumikap ikinuha

Pan.un. pan.git. s.u. pan.un. pan.git. s.u.

[mag-] [-um-] [sikap] [i-] [-in-] [kuha]Walang nagaganap na pag-uunlapi at paggigitlapi sa wikang Sama.

\\Pag-uunlapi at Paghuhulapi sa Filipino

Page 23: ANGKAN NG WIKA

Pagsabihan nagtayuan

Pan.un. s.u. pan.hul. pan.un. s.u. pan.hul.

[pag-] [sabi] [-an] [nag-] [tayo] [-an]

\\Pag-uunlapi at Paghuhulapi sa SamaKabayaan (ginusto) agtenggehan (nagtayuan)

Pan.un. s.u. pan.hul. pan.un. s.u. pan.hul.

[ka-] [baya] (gusto) [-an] [ag-] [tenggeh] (tayo) [-an]Ang Pag-uunlapi at Paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama.

\\Paggigitlapi at Pag-uunlapi sa FilipinoTinabasan winalisan

s.u. pan.git. pan.hul. s.u. pan.git. pan.hul

[tabas] [-in-] [-an] [walis] [-in-] [-an]

\\Paggigitlapi at Paghuhulapi sa SamaBinellihan (binilihan) sinekotan (nilapitan)

s.u. pan.git. pan.hul. s.u. pan.git. pan.hul.

[belli] (bili) [-in-] [-an] [sekot] (lapit) [-in-] [-an]

Ang Paggigitlapi at Paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama.

\\Ang Pag-uunalapi, Paggigitllapi at Paghuhulapi sa FilipinoPagsumikapan

Pan.un. pan.git. s.u. pan.hul.

[pag-] [-um-] [sikap] [-an]

ipagsumigawan

Page 24: ANGKAN NG WIKA

pan.un. pan.git. s.u. pan.hul.

[ipag-] [-um-] [sigaw] [-an]

Ang Pag-uunlapi, Paggigitlapi, at Paghuhulapi ay hindi nagaganap sa wikang Sama, ngunit kinakailangan ang mga pagpapaunlad at pagpapalawak sa pag-aaral na ito.InuulitFilipino Sama

Araw-araw manuk-manuk (ibon)Sama-sama riki-riki (napakaliit)Gabi-gabi subu-subu (madaling araw)

Ang pag-uulit sa Filipino ay nagpapakita ng dalas at rami na tinataglay ng salita. Samantala, sa Sama naman; inuulit ang salita upang ipakita ang kaliitan o kaagahan na taglay ng salita.

Tambalan

Filipino Sama = Katumabas sa Filipinobahaghari engkot-kollong kwintas(tali) (leeg)

bahay-kubo tah-hik dagat(malayo) (malalim)

asal-hayop lumah-sarirap bahay-kubo(bahay) (dahon ng niyog)

urong-sulong pagkakay-pagkakan isang kahig, isang (paghukay) (pagkain) tuka

Mapapansin na ang tambalang salita sa Sama ay maaari ring tumbasan ng tambalan sa Filipino. Ngunit may pagkakataon ring ito ay bumubuo ng tambalang salita na nananatili ang kahulugan ng dalawang salita tulad ng lumah-sarirap na bahay-kubo sa Filipino. Nananatili ang kahulugan ng salitang /lumah/ na ibig sabihin ay bahay at /sarirap/ na ibig tawag naman sa ‘dahon ng niyog’ na ginagamit sa paggawa ng lumah-sarirap. Ngunit may pagkakataon namang nagkakaroon ng ikatlong kahulugan ang tambalang salitaqng Sama gaya ng engkot-kollong. Mula sa mga salitang /engkot/ na ibig sabihin ay ‘tali’ at /kollong/ na ibig sabihin ay ‘leeg.’ Hindi naman ito nangangahulugang ‘pantali sa leeg’ kung ‘di kwintas. Tulad ng

Page 25: ANGKAN NG WIKA

bahaghari sa Filipino, na hindi nangangahulugang ‘bahag ng hari’ kung ‘di “rainbow.”

.....................................................................................................................................

..............................................

Kabanata VKongklusyon at Rekomendasyon

Kongklusyon

Alomorp ng Filipino at SamaIbig sabihin, ang alomorp [ngan-] ay ikinakabit sa mga salitang nagsisimula sa /d/at /t/, tulad ng mga alomorp na [pan-], [man-], [san-] at [sin-] ng wikang Filipino. Samakatuwid, ang alomorp na [nga-] sa Sama at ang mga alomorp na [pang-], [mang-], [sang-] at [sing-] ng Filipino ay parehong ikinakabit sa salitang nagsisimula sa ponemang /a/. Tulad ng Filipino, ang alomorp na [N-] ay maaari ikabit sa mga salitang nagsisimula sa ponemang /b/ kagaya ng apat na alomorp sa Filipino na kababanggit lamang.Palagitlingan sa Filipino at SamaAng mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng salitang Sama na nabuo sa prosesong asimilasyon, ganap man o hindi. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito nagaganap sa wikang Sama. Maaaring nagaganap ito at maaari ring hindi. Ibig sabihin, ang pagakakalatas-ponema ay parehong nagaganap sa dalawang wika. Ibig sabihin, ang wikang Filipino at Sama ay kapwang nagpapalit-ponema sa pagbuo ng salita. Ibig sabihin, kapwa sa Filipino at Sama ay nagaganap ang paglilipat-diin. Ibig sabihin, ang metatesis sa Sama ay may tuntunin ding sinusunod. At ito ay ang pagpapalitan ng pusisyon ang ponemang /n/ ng gitlaping [-in-] at ponemang /l/ ng salitang-ugat nma nagsisimula sa katinig na /l/. Ito ay isa ring tuntunin sa Filipino. Ibig sabihin, parehong nagaganap ang metatesis sa Filipino at Sama kung ang salitang-ugat nagsisimula sa katinig na /l/ ay ginigitlapian ng [-in-].

Kayarian ng SalitaPayakIbig sabihin, ang mga salitang payak sa Sama ay payak din ang katumbas sa Filipino.

MaylapiAng pag-uunlapi ay nagaganap sa Filipino at Sama. Ang paggigitlapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama. Ang paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at

Page 26: ANGKAN NG WIKA

Sama. Walang nagaganap na pag-uunlapi at paggigitlapi sa wikang Sama. Ang Pag-uunlapi at Paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama. Ang Paggigitlapi at Paghuhulapi ay kapwa nagaganap sa Filipino at Sama. Ang Pag-uunlapi, Paggigitlapi, at Paghuhulapi ay hindi nagaganap sa wikang Sama.

InuulitAng pag-uulit sa Filipino ay nagpapakita ng dalas at rami na tinataglay ng salita. Samantala, sa Sama naman; inuulit ang salita upang ipakita ang kaliitan o kaagahan na taglay ng salita.

TambalanIbig sabihin, ang tambalang salita sa Sama ay maaaring tambalan rin ang katumbas sa Filipino. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, sapagkat mayroon din mga tambalang salita sa hindi tambalan ang katumbas sa Filipino kung ‘di payak na salita o iba pang kayarian.

Rekomendasyon

Dahil sa kahinaang taglay ng mananaliksik, pinanapayo ang marami at higit pang malalimang pagpapalawak at pagpapaunlad sa wikang Sama. Kinakailangan ito upang mapagtibay ng husto ang mga natuklasan ng mananaliksik.Maaari ring tunguhan ang lugar ng mga informant sa Bongao, Tawi-Tawi na pinaniniwalaang pugad ng wikang Sama upang mapag-aralan na rin ang nilalaman ng matanadang Sama at mapaghambing ito sa makabagong Sama at iba pang wika.

.....................................................................................................................................

..............................................

Mga Sanggunian

Casino, Eric. (1976). The Jama Mapun: A Changing Samal Society in the Southern Philippines

Casino, Eric. et al. (1975). Ethnic Groups of Insular Southeast Asia

Cruz, Leticia C. (1999). Sama Badjao, Sama Bangingi, Sama Sibuco: A Description andComparison, Ateneo de Zamboanga

Nimmo, Hadji Arlo. (2001). MAGOSAHA: An Ethnography of Tawi-Tawi Sama Dilaut.

Page 27: ANGKAN NG WIKA

Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang Linggwistika sa Pilipino. REX Book Store

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. (2003). Makabagong Balarilang Filipino.REX Book Store

Trick, Douglas. (1997). Equi-NP Deletion in Sama Southern. Philippine Journal ofLinguistics 28:1-2 pp. 125-143

Mga Informant:Pangunahing Informant: Fariborz T. Koh

Taga-Balideyt: Jul E. AmilhussinAlhemma S. Idanan BasaWiller A. LimFarida Jahra L. Maulad

Karapatang-ari.2004.Francis Marcial

# posted by Filipino @ 1:05 AM 0 comments

About Me