Sampol Ng Plano Ng Pagkatuto para sa Filipino 8

4
Kakayahan: Sampol ng Plano ng Pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katangian ng alamat Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling alamat Mga Kasanayang Pampagkatuto: A. Nakapaglalahad ng sariling palagay tungkol sa napakinggan B. Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salitang ginamit sa akdang napakingan C. Natutukoy ang mga katangian ng isang alamat D. Nakikinig nang may pag-unawa upang masagot ang mga tiyak na tanong E. Nakabubuo ng sariling alamat, larawang guhit, awit o tula tungkol sa pinagmulan ng isang bagay sa sariling lugar Pokus na Tanong: Paano makatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino I. ALAMIN: A. Panimulang Gawain: Paunang Pagsubok May alam ba kayong alamat? Maaari bang ikwento ninyo sa harap ng klase? Basahin ang mga halimbawa: 1. Alamat ng Pinya 2. Alamat ng Bulkang Mayon 3. Alamat ng Saging

description

K-12 curriculum

Transcript of Sampol Ng Plano Ng Pagkatuto para sa Filipino 8

Page 1: Sampol Ng Plano Ng Pagkatuto para sa Filipino 8

Kakayahan:Sampol ng Plano ng Pagkatuto

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katangian ng alamat

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling alamat

Mga Kasanayang Pampagkatuto:A. Nakapaglalahad ng sariling palagay tungkol sa napakingganB. Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salitang ginamit sa akdang

napakinganC. Natutukoy ang mga katangian ng isang alamatD. Nakikinig nang may pag-unawa upang masagot ang mga tiyak na tanongE. Nakabubuo ng sariling alamat, larawang guhit, awit o tula tungkol sa

pinagmulan ng isang bagay sa sariling lugar

Pokus na Tanong: Paano makatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino

I. ALAMIN:A. Panimulang Gawain: Paunang Pagsubok

May alam ba kayong alamat? Maaari bang ikwento ninyo sa harap ng klase?

Basahin ang mga halimbawa:1. Alamat ng Pinya2. Alamat ng Bulkang Mayon3. Alamat ng Saging

B. Pagtalakay:1. Ano ang napansin na katangian ng mga napakinggang akda?2. Paano makatutulong ang wakas ng alamat sa pinagmulan ng mga bagay?3. Sa palagay ninyo, bakit karaniwan sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan?4. Bumuo ng talata tungkol sa kahalagahan ng alamat sa kasalukuyan.

Page 2: Sampol Ng Plano Ng Pagkatuto para sa Filipino 8

C. Paglalahad ng inaasahang produkto para sa aralin

D. Pagbuo ng pamantayan sa pagtatasa / pagmamarka para sa produkto / pagganap

II. Paunlarin:

A. Pagbasa sa Alamat – “Mina ng Ginto”B. Pagtalakay sa Talasalitaan: PUZZLE

Ayusin ang mga letra upang mabuo ang kahulugan:1. cañao - 2. anito - 3. bathala - 4. pantas -

C. Pag-unawa sa napakinggang alamat (Panel Discussion)Pangkat 1 – Pag-usapan ang tauhan at katangianPangkat 2 - Pag-usapan ang tagpuanPangkat 3 – Pag-usapan ang pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunodPangkat 4 – Pagbuo ng konsepto tungkol sa alamat

(Ang alamat ay isang kwentong-bayan na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao at nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay)

D. Pagbibigay ng input ng guro sa bahagi ng alamat (simula, gitna, wakas)

III. Pagnilayan at Unawain:A. Pagbasang muli sa alamat ng Baguio

B. Pagpili ng mga salitang ginamit sa akda na nagpapahayag ng panahon? Ng lugar?

C. Isulat sa talahanayan ng mga pangungusap na may pang-abay na pamanahon at panlunan (maaari sa pisara)

D. Input ng Guro sa Wika – Pang-abay ng Pamanahon at Panlunan

E. Pagbasa sa isang kwentong-bayanSi Malakas at Si Maganda(Pinagmulan ng Unang Tao sa Pilipinas)

Page 3: Sampol Ng Plano Ng Pagkatuto para sa Filipino 8

F. Paghahambing ng Dalawang Akdang Napakinggan

G. Pagtukoy sa mga pang-abay na ginamit sa pangalawang kwento

H. Pagsasanay: Sumulat ng kuwento tungkol sa inyong

a) kulturab) tradisyonc) kaugaliand) paniniwala / pamahiin

IV. Ilipat

A. Balikan ang pamantayang pagganap / produkto at pamantayang nabuo sa unang araw

B. Pagpapaliwanag sa pamantayan1. Nilalaman ---------------------------------- 10 %2. May kaugnayan sa paksa ------------------ 5%3. Masining ------------------------------------- 5 %4. Orihinalidad --------------------------------- 5 %5. Gamit ng pang-abay ------------------------ 5 %

pamanahon at panlunan _________ KABUUAN --- 30%