Rizal Report

24
ANG UNANG PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS AT ANG MULING PAG- ALIS

description

Rizal Report

Transcript of Rizal Report

Page 1: Rizal Report

ANG UNANG PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS AT ANG MULING PAG-ALIS

Page 2: Rizal Report

Dinalaw ni Rizal ang mga padreng Heswita na naging prospesor niya na sina Padre Francisco Sanchez, Padre Federico Faura at Jose Bech.

Bumuo ng isang komiteng kinabibilangan ng mga pdreng Dominiko na susuri sa “Noli” at base sa pagsusuri, ang “Noli” ay tumutuligsa sa pamahalang kastila at sumisirang puri sa relihiyong Katoliko.

Ipinadala ni Gobernador Heneral Terrero sa Commission Permanente de Censura upang suriin ang aklat sapagkat nalalaman niyang may galit kay Rizal ang mga padreng Dominiko.

Padre Salvador Font – isang padreng Agustino na kura ng Tondo at ang tagapangulong nagbigay ng ulat sa commission

Ayon sa kinalabasan ng pagsusuri, ang nobela ay naglalaman ng diwang subersibo laban sa pamahalaan ng España at sa simbahan kaya’at ipinagbawal ang pagpapalimbag nito

Nalathala sa mga pahayagan ang ulat tungkol sa “Noli”

Page 3: Rizal Report

Ipinalimbag ni Padre Salvador Font ang ulat niya tungkol sa “Noli” at ipinamigay ang mga sipi upang siraan ang nobela

Padre Jose Rodriguez – isang pang padreng Agustino na nagpalimbag ng polyeto noong 1880 na may pamagat na “Caiingat Cayo” na tumutuligsa sa “Noli”

Vicente Barrantes – isang manunulat na kastila na bumatikos sa “Noli” at inilathala ang kanyang pahayag tungkol sa nobela “La España Mederna” noong Enero 1890.

Halos anim na buwan lumagi si Rizal sa Pilipinas at sapilitang umalis kahit may sakit, nang kalahatian ng Pebrero, sa payo ng Gobernador Heneral.

Ika-9 ng gabi ng Agosto 5 – Dumating sa Maynila sakay ng bapor Haiphong buhat sa Saigon at pagkaahong pagkaahon kinabukasan ay dumeretso ng Kalamba

Ang Heneral, gayundin ang lahat halos ng mga maykapangyarihan sa Maynila ay pawing mga kasapi ng Partido Liberal.

Page 4: Rizal Report

Tumanggap siya ng mga mapagbalang sulat na walang lagda o hindi kilala kung sino ang may gawa.

Dahil sa mga pagbabalang ito’y inatasan ng Gobernador Heneral Terrero si G. Jose Taviel de Andrade upang samahan siya lagi nito

Dumalaw si Rizal kay Isabelo de los Reyes dahil sa isang bilin ni Blumentritt na may kinalaman sa mga pag-aarap na ipinagbilin naman kay Dr. Labhart, na hindi nito naipagpatuloy dahil sa pagalis sa Pilipinas

Tatlong anak na babae ng kapatid niyang si Saturnina; siyam ni Narciso, na sa mga ito’y tatlo naman ang namatay at dalawa ni Maria dahil sa walang patid na pagbabalang tinatanggap

Nagpadala ng liham si Dr. Blumentritt kay Rizal na may petsang Nobyembre 14, 1877 na naglalaman ng pagalala rito dahil sa matagal nitong hindi pagkibo.

Page 5: Rizal Report

Marcelo H. del Pilar – isa sa mga nagtatanggol ng “Noli” ni Rizal, isa sa patnugot ng “La Solidaridad”, gumamit ng sagisag na Dolores Manapat at nagpalimbag rin ng mga polyetong may pamagat na “Caiigat Cayo” na kahawig ang pamagat na ginamit ni Padre Rodriguez

Ang isa pang nagtanggol sa “Noli” ay si Padre Francisco Sanchez na lantarang ipinagtanggol ang nobela.

Padre Vicente Garcia – isang Pilipinong iskolar ay nagtanggol nang buong ningning sa “Noli” ni Rizal. Gumamit siya ng sagisag na Justo Desiderio Magalang. Inilathala ang ginawang polyeto sa Singapore noong Hulyo 18, 1888.

Pinayuhan ni Gobernador Terrero si Rizal na lisanin niyang muli ang Pilipinas sa kapakanan ng kanyang pamilya at sa katahimikan ng bayan

Bago siya umalis, sumulat siya ng isang tula na pinamagatang Dalit sa Paggawa bilang alaala sa pagiging lunsod ng naturang bayan.

Pebrero 03, 1888 – Umalis siya sa Maynila

Page 6: Rizal Report

Sa Hongkong ang hinto ni Rizal, ikalawa’y sa Yokohama.

Ang isa sa pinakamaligayang pangyayari sa buhay ni Rizal ay ang paglalakbay niya sa Hapon dahil sa magagandang tanawin at sa pagibig ni sa isang Haponesang nagngangalang O-Sei-San.

Abril 28, 1888 – Dumaong ang sinasakyang niyang bapor, ang Belgic sa San Francisco

May 6, 1888 – Nilisan niya ang San Francisco patungong Oakland.

Mula sa Oakland ay sumakay ng Tren patungong Nueva York at dumating ditto noong Linggo ng umaga ng Mayo 13, 1888.

Namalagi siya rito ng tatlong araw at lumisan ng Nueva York patungong Liverpool noong Mayo 16, 1888 na lulan ng pangalawang pinakamalaking bapor sa buong mundo, ang “The City of Rome”

Page 7: Rizal Report

Dumating si Rizal sa kaliporniya nang sabado, ika – 28 ng Abril, 1888.

Nagdaan sa Oakland, Reno, Utah, dinalaw niya ang talon ng tubig sa Niagara at dumating sa Nueva York ika 11:10 ng umaga ng ika – 13 ng Mayo 1888.

Maganda ang araw at masama ang dagat sa paglalakbay niya habang nakasakay sa bapor. Dumating siya ng ika-2 ng madaling araw ng ika-24 ng Mayo sa Queenstown at kinahapunan dumating sa Liverpool.

Bago niya lisanin ang City of Rome ay nakipagkilala siya sa dalagang nagngangalang Holt na kinausap ni sa wikang Pranses

Binibining Holt – ay isang babaeng kagiliw giliw at maganda

Ika-25 ng Mayo, Biyernes – Umalis sa Liverpool ng ika-11 ng umaga.

Nanirahan siya sa Londres mula noong Mayo 1888 hanggang Marso 1888

Page 8: Rizal Report

Antonio Maria Regidor – isang Pilipino na nagpatuloy sakanya sa tahanan nito at nakitira sa maikling panahon.

Nangasera siya sa pamilya Beckett

Ginoong Beckett – isang organist sa simbahan ng San Pablo

Iniukol ni Rizal ang malaking bahagi ng kanyang panahon sa pagbabasa ng mga aklat tungkol sa Pilipinas

Dr. Reinhold Rost – isang librarian sa aklatan ng “Ministry of Foreign Affairs.” na nakilala niya ng magtungo siya sa Museo Britanico.

Maraming magaganda at masasamang balitang nakarating sa kanya katulad ng pagmamalupit ng mga makapangyarihang Kastila sa kanyang mga kaanak at mga kababayan

Ang isang magandang balitang tinanggap niya ay mula kay Mariano Ponce na nagbalita ng ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa kanyang “Noli”.

Page 9: Rizal Report

Iginawa niya ng mga tala at paliwanag ang “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Dr. Antonio Morga

Ang “Sucesos de las Islas Filipinas” ay lumabas sa palimbagan kasama ang paliwanag ni Rizal at isang magandang prologo ni Dr. Blumentritt.

Nilisan ni Rizal ang Londres upang iwasan si Gertrude na anak ng mag-asawang Beckett.

Iniukol niya ang kanyang panahon sa pagsagot sa mga tuligsa sa kanya.

Ang unang tinugon ni Rizal ang mga polyeto ni Padre Rodriguez na inilathala sa Barcelona noong 1889. Gumamit siya rito ng sagisag na Dimasalang. Ang pamagat ng satirikong pagpapahayag na sinulat niya ay “La Vision de Fray Rodriguez.”

Sumulat si Rizal ng isang liham sa mga kababaihang taga-Malolos sa kahilingan ni Marcelo H. del Pilar.

Page 10: Rizal Report

Mayo 31, 1889 – lumabas sa pahayagang “La Solidaridad” ang isang marahas na sagot sa dalawang lathala ng “La Voz de España” na lumalait sa buong lahing Pilipino.

Marso 1889 – Dumating siya sa Padres, panahon ng taginit

Nanirahan siya sa maikling panahon sa tahanan ng isa niyang kaibigan, Valentin Ventura.

Nagpalipat-lipa siya ng tirahan hanggang sa mangupahan siya ng isang maliit na kuwarto at nakasama sina Kapitan Justo Trinidad at Jose Alberto.

Kapitan Justo Trinidad – isang dating gobernadorsilyo ng Santa Ana, Maynila

Jose Alberto – isang estudyanteg taga-Maynila.

Malimit siya sa tahanan ng mga Pardo de Tavera at tahanan ng mga Boustead.

Ginoong Edward Boustead – isinilang sa Pilipinas at nakapagasawa ng isang dalagang nabibilang sa kilalang angkan ng Genato sa Maynila, Magiliw ito sa mga panauhin sa Padres.

Page 11: Rizal Report

Naging magiliw kay Rizal ang magkapatid ng Boustead. Si Adelina ang napusuan ni Rizal sapagkat ito’y tahimik, mahinhin at kagalang galang kataliwas ng mapagbiro at masayahing si Nellie.

Ipinagpatuloy ni Rizal sa Padres ang pag-aaral ng mga wika. Malimit siyang dumadalo sa mga panayam sa Universidad ng Padres kasama si Dr. Trinidad Pardo de Tavera.

Naging mahusay siya sa wikang Pranses at nakasulat siya ng isang aklat na ginamit ng mga ibig mag-aral ng Pranses

Abril 18, 1889 – sumulat si Rizal para kay Ponce at sa mga kasama sa “La Solidaridad”.

Sa España ay nakasama niya ang mga kabataang Pilipino ng kilusan sa pagpapalaganap gaya ni Lopez Jaena, Marcelo del Pilar, Pedro Paterno, Galiciano Apacible, Mariano Ponce at iba pa

Page 12: Rizal Report

Noong 1890 ay natanggap ni Rizal ang balitang ikakasal si Leonor Rivera kay Charles Henry Kipping, isang inhinyerong Ingles na naglilingkod sa perokaril. Labis niyang dinamdam ito.

Sa kabila ng kabiguan ni Rizal na mapangasawa ni Adelina ay nanatili siyang mabuting kaibigan ng pamilya Boustead. Sa Padres siya nag-Pasko noong Disyembre 25, 1889 sa piling ng kaibigang si Jose Albert sa loob ng kanilang maliit ng kuwarto.

Enero 28, 1890 – Nilisan ni rizal ang padres patungong Bruselas, Belhika kasama si Jose Albert

Hindi nagtagal ay umalis si Jose Alvert at ang nakasama naman ni Rizal sa pangaserahan ay si Jose Alejandrino.

Jose Alejandrino – isang estudyante ng inhinerya

Naging lubhang abala si Rizal sa pagsulat ng pangalawa niyang nobelang karugtong ng “Noli”. Bukod ditto ay sumusulat pa rin siya sa mga sagisag na “Dimasalang” at “Laong Laan”.

Page 13: Rizal Report

Tumangap siya ng malungkot na balita sa mga sulat na nanggaling sa kanilang pamilya. Lalo pang itinaas ng mga padreng Dominiko ang paupa sa kanilang mga bukirin hanggang sa tumutol si Don Francisco at hindi nagbayad

Ipinatapon sa Mindoro si Paciano at ang dalawang bayaw na sina Silvestre Ubaldo, asawa ni Olympia at Antonio Lopez, asawa ni Narcisa. Ipinatapon naman sa Bohol sa ikalawang pagkakataon si Manuel Hidalgo, asawa ng kapatid niyang si Saturnina.

Sa mga artiklong sinulat ni Rizal na nalathala sa “La Solidaridad” ay kabilang ang dalawang mabigat na sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos” at “Filipinas Dentro de Cien Anos”.

Page 14: Rizal Report

Ipinasya ni Rizal na umuwi sa Pilipinas dahil sa mga balitang pinahihirapan ang kanyang pamilya.

Hulyo 9, 1890 – Sinulatan niya si Mariano Ponce na sumasalungat sa balak ni Graciano Lopez Jaena na magtungo ng Cuba at sinabi niyang higit na makabubuting umuwi sa Pilipinas si Jaena upang ipagtanggol ang kanyang simulain kaysa mamatay sa sakit sa Cuba.

Nagbago ang balak ni Rizal nang tanggapin niya ang liham na natalo sila sa usapin laban sa mga Dominiko kaya’t naghahabol sila sa katas-taasang Hukuman ng España.

Sinulatan ni Rizal si Marcel H. del Pilar upang siyang abugadong magtanggol sa usapin ayon din sa sinabi niyang magtutungo siya sa Madrid upang pangasiwaan ang usapin.

Katapusan ng Hulyo, 1890 – Lumisan si Rizal patungong Madrid at iniluha ito ni Susanne Jacoby na nagging kasintahan niya

Susanne Jacoby – pamangkin ng kanyang pinangangaserahan

Page 15: Rizal Report

Sinikap ni Rizal na mabigyang katarungan ang ginawa ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at ng mga Dominiko sa mga taga-Calamba ngunit walang nangyari.

Nakarating sa kanya ang balitang sina Paciano, Antonio Lopez, Silvestre Ubaldo, Dandoy at Mateo Elejorde ay ipinatapos sa Mindoro noong Setyembre 6, 1890.

Napagalaman din niyang inilit ang kanilang bahay at ang kanyang mga magulang ay nakikitira sa tahanan ng kanyang kapatid na si Narcisa.

Ang isa pang pangyayaring muntik nang magsuong kay Rizal sa panganib ay nang hamunin niya ng duelo si Wenceslao E. Retana

Wenceslao E. Retana – isang iskolar na Kastila na madalas tumuligsa sa mga Pilipino kabilang na si Rizal.

Ipinalathala ni Retana sa pahayagang “La Epoca” ang isang artikulong nagsasaad na kaya binawi ng mga Dominiko ang mga bukiring inuupahan ng mga kaanak at mga kaibigan ni Rizal ay sapagkat hindi sila nagbabayad sa mga padre.

Page 16: Rizal Report

Ang isa pang nakadaragdag ng pagdaramdam ni Rizal ay ang pagtanggap niya ng sulat ni Leonor Rivera na humihingi ng patawad sa gagawin nitong pagpapakasal sa iba. Natanggap niya ang liham noong Disyembre 1, 1890.

Naisulat niya kay Dr. Blumentritt pagkaraan ng ilang linggong putos ng kalungkutan ang pagtalikod ni Leonor Rivera.

Tinanggap niya ang sagot ni Dr. Blumentritt na nagsasaad na hindi maubos-maisip ng kanyang maybahay kung paanong nagawa ng isang babaeng minahal nang gayon na lamang ni Rizal na talikuran ito at nayayamot siya kay Leonor

Page 17: Rizal Report

Pebrero 1891 – Bumalik si Rizal sa Bruselas pagkatapos maganap ang mahigpit na labanan sa pagpili ng mamumuno sa “Asociacion Hispano-Filipina” at paghalal ng isang lider na tagapagtanggol at tagapagsalita ng mga Pilipino sa Europa.

Nagkalaban sina Rizal at Marcelo

Nanalo si Rizal pero nagpasya na lamang umalis upang hindi magkahati-hati ang mga Pilipino sa Madrid at iwan nang magisa si Marcelo H. del Pilar sa pamumuno

Nagtungo siya sa pamilya Boustead sa Villa Eliada Biarritz.

Pagkaraan ng maikling bakasyon ay nagtungo naman siya sa Padres, sa kaibigan niyang si Valentin Ventura.

Sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa tungkol sa balak niyang pagpunta sa Hongkong ngunit sa halip na tumuloy ay bumalik siya sa Bruselas, Belhika.

Naging abala si Rizal nang sumunod na mga araw sa pagsasaayos sa manuskrito ng pangalawa niyang nobel, ang “El Filibusterismo”.

Page 18: Rizal Report

El Filibusterismo – isang nobela na inihandog niya sa tatlong padreng sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora na hindi niya nalilimutan ang walang katarungan pagkamatay

Sinimulan niyang sulatin ito sa Calamba noong 1887

Ang ibang kabanata ay sa Madrid, Padres at Biarritz

Natapos nito ang manuskrito sa Biarritz noong Marso 29, 1891.

Ito ay naipalimbag sa Gante (Ghent), Belhika noong Setyembre 18, 1891

Valentin Ventura – ang tumulong kay Rizal upang ito’y maipalimbag at ibinigay ni Rizal ditto ang orihinal na manuskrito ng nobela bilang pagtanaw ng utang na loob

Kalahatian ng Oktubre 1891 – Nilisan ni Rizal ang Europa pagkatapos maipalimbag ni Rizal ang “EL Filibusterismo”.

Nobyembre 1891-Hunyo 1892 – Nanirahan sa Hongkong pagtapos maglayag papunta rito

Page 19: Rizal Report

Sumulat siya sa kanyang magulang noong unang araw ng Disyembre na uuwi siya sa Pilipinas at hinihingi niya ang pahintulot ng mga ito

Bago mag-Pasko ay dumating naman ang kanyang ina kasama ang mga kapatid niyang sina Trinidad, Josefa at Lucia.

Nabatid ni Rizal ang ginawang pagdakip sa kanyang ina at paglalakad nito nang yapak mula Calamba hanggang Sta. Cruz dahil sa kasalanang umano’y hindi paggamit ng apelyidong “Realondo de Rizal” kundi simpleng Teodora Alonzo lamang.

Nagbukas siya ng klinika sa Hongkong at nakasama niya rito si Dr. Lorenzo Marquez, isang medikong Portuges. Inoperahan niya ang kanyang ina at nagging matagumpay ang operasyon.

Abril 1892 -Binalak ni Rizal na magtayo ng isang bayan-bayanan ng mga Pilipino sa Hilagang Borneo at nakipag-unawaan siya sa makapangyarihan doon.

Naging matagumpay ang misyon. Sumang-ayon ang mga makapangyarihan sa Borneo na magkaloob ng 100,000 ektaryang lupa at ipinahanda na ni Rizal ang kasunduan.

Page 20: Rizal Report

Mayo 26, 1892 – si Graciano Lopez Jaena, isa sa mga kaibigan niyang sumang-ayon sa plano ni Rizal, ay sumulat sa kanya upang maipahayag nito ang kasiyang maging kasama sa naturang bayan-bayanan at hiniling niya na ipaglaan siya ng kapirason taniman ng tubo.

Si Gobernador Heneral Valeriano Weyler ang Gobernador Heneral ng Pilipinas noong panahong binalak ni Rizal ang naturang bayan-bayanan. Sinasabing terorista ito kaya’t hindi naglaon ay pinalitan siya ni Gobernador Eulogio Despujol.

Disyembre 23, 1891 - Nagpadala ng liham sa bagong Gobernador si Rizal na nagsasaad ng kanyang pangangamusta at paghahandog ng pakikiisa sa anumang plano ng Gobernador ngunit hindi siya sinagot nito.

Pagkaraan ng tatlong buwan na hindi siya sinagot ng Gobernador ay muli siyang nagpadala ng liham na humihingi ng pahintuloy sa Gobernador upang makapagtayo ng bayan-bayanan sa Borneo

Page 21: Rizal Report

Hinintay ni Rizal ang kasagutan sa kanyang liham ngunit hindi siya sinagot ng Gobernador sa pangalawang pagkakataon. Sa halip ay ipinasbi sa kanya sa pamamagitan ng Konsul ng España sa Hongkong na hindi makabayan ang mangibang lupain at linangin ang lupa roon samantalang nangangailangan ng maraming manggagawa sa Pilipinas

Nagpatuloy si Rizal sa pagsulat sa kabila ng marami niyang Gawain, kaugnay ng kanyang prospesyon at ng pinakamahalaga niyang sinulat ay ang saligang-batas at mga tuntunin ng “La Liga Filipina”.

Ang “La Liga Filipina ay naipatupad noong 1892 sa Hongkong

Panukala ni Jose M. Basa ang pagtatatag ng naturang samahan

Nais ni Rizal na umuwi ng Pilipinas dahil sa mga panliliglig ng mga kastila sa pamilya nito.

Bukod ditto ay ibig niyang makapanyam si Gobernador Depujol tungkol sa Maynila at pasinungalingan ang mga paratang sa kanya ni Eduardo de Lete na iniwan niya sa paghihirap ng kanyang bayan

Page 22: Rizal Report

Labis na tinutulan ng kanyang mga kaanak ang balak na paguwi ni Rizal sa Pilipinas dahil manganganib ang buhay nito ngunit hindi nila napigil si Rizal.

Ipinagdiwang niya sa HongKong ang kanyang ika-31 kaarawan.

Parang nakikini-kinita niya ang kanyang kamatayan kaya’t gumawa siya ng dalawang liham na ipinagkatiwala niya kay Dr. Lorenzo Marquez

Nakasulat sa sobre na buksan lamang ang mga liham kung siya’y patay na. Ang unang liham ay para sa kanyang mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan. Ang ikalawa’y para sa kanyang mga kababayan.

Page 23: Rizal Report
Page 24: Rizal Report

THE END