Renaissance

22
RENAISSANCE GRAADE 8-NOAH TR.ANGIE

Transcript of Renaissance

Page 1: Renaissance

RENAISSANCE

GRAADE 8-NOAHTR.ANGIE

Page 2: Renaissance

PAGSISIMULA NG RENAISSANCE SA ITALY

Page 3: Renaissance

NAGSIMULA ANG RENAISSANCE SA MGA LUNGSOD-ESTADO SA

HILAGANG ITALY.ANG RELIHIYONG ITO NA NASA

HILAGA NG ROME AT TIMOG ALPS AY NAIIBA SA IBA PANG REHIYON SA EUROPE SA APAT

NA PARAAN.

Page 4: Renaissance

ANG APAT NA PARAAN NG IBANG RELIHIYON

Page 5: Renaissance

ANG APAT NA PARAAN NG IBANG REHIYON

• Relihiyong Urban

Page 6: Renaissance

REHIYONG URBAN

Isang rehiyong urban ang hilagang Italy.Sa katunayan ang tatlong lungsod-estado ng Genoa,Venice,at Florence ay mayroong populasyon na tinatayang umabot sa 100,000 katao bawat isa.

Page 7: Renaissance

ANG APAT NA PARAAN NG IBANG REHIYON

•Rehiyong urban • Kapangyarihan ng mga Mangangalakal

Page 8: Renaissance

KAPANGYARIHAN NG MANGANGALAKAL

• Nangibabaw sa lipunan ang mga mangangalakal.Malaya ang mga lungsod-estado sa Italy at mayroon itong mga sariling hukbo at pamahalaan na pinamumunuan ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya ng mga mangangalakal.

Page 9: Renaissance

ANG APAT NA PARAAN NG IBANG REHIYON

• Relihiyong Urban• Kapangyarihan ng mga mangangalakal•Maharlikang Angkan

Page 10: Renaissance

MAHARLIKANG ANGKAN

• Ang mga mayayamang pamilya ay naging patron o taga-suporta ng sining,at sa pagpapatayo ng mga aklatan at gusali.Ang mga pangunahing patron ng sining ay mga papa sa Rome,pamilyang Medici sa Florence pamilyang Sforza sa Milan, at mga mayayamang mangangalakal sa Venice.

Page 11: Renaissance

ANG PAMILYANG MEDICI

• Ang pamilyang Medici ay isa sa mga pamilyang gumagabay sa kapalaran Florence,Italy.• Isa rin sa itinuturing na pinakamayamang pamilya at

mga duke sa Tuscany.• Naging mahalaga din ang papel ng pamilyang Medici

sa pag-usbong ng Renaissance.

Page 12: Renaissance

ANG APAT NA PARAAN NG IBANG REHIYON

• Relihiyong Urban• Kapangyarihan ng mga Mangangalakal•Maharlikang Angkan• Kaugnayan sa Rome

Page 13: Renaissance

KAUGNAYAN SA ROME

• Naging inspirasyon ng mga iskolar at alagad ng sining ang mga naiwang guho ng kabihasnang Romano na nasa Italy.

Page 14: Renaissance

MGA KATANGIAN NG RENAISSANCE

Page 15: Renaissance

PAGSIBOL NG HUMANISM

• Ang pag-aaral sa mga klasikal na teksto ang nagbigay-daan sa pagsibol ng Humanism.Ang Humanism ay isang pilosopiya na nagbibigay-halaga sa indibidwalismo at sekularismo.Batay sa pananaw na ito,may kakayahan ang tao na gumawa ng mga dakilang bagay.

Page 16: Renaissance

PAGPAPAHALAGA SA INDIBIDWAL• Sa panahon ng Renaissance ay nagkaroon ng tiwala sa sarili ang mga tao at sa kanilang kakayahan.•Hinangad ng mga alagad ng sining at manunulat sa Italy ang katanyagan upang maalala sila bilang mga mahuhusay na indibidwal at naniwala sila sa katanyagan ang pinakamataas na parangal para sa isang mahusay na talento.• Bunga nito may dalawang bagong uri ng sining na nasimulan at ito ang portrait painting at autobiography.

Page 17: Renaissance

PORTRAIT PAINTING & AUTOBIOGRAPHY

• Ang Autobiograpiya o sariling talambuhay ay ang talambuhay ng isang tao na siya rin ang mismong sumulat o paksa.• Ang Portrait Painting ay iyong pinipinta ang isang tao mula ulo hanggang balikat.

Page 18: Renaissance
Page 19: Renaissance

PAGMAMAHAL SA KLASIKAL NA KAALAMAN

• Pinatanyag ng mga humanista ang pag-aaaral ng kasaysayan,literature at pilosopiya.•Naimpluwensyahan ng mga humanista ang mga alagad ng sining at arkitekto na ipinagpatuloy ang mga klasikal na tradisyon.

Page 20: Renaissance

MATERYAL NA PAMUMUHAY

•Naniniwala ang mga tao sa panahon ng Middle Ages na ang buhay sa kasalukuyan ay paghahanda para sa kanilang buhay,habang ang mga tao sa panahon ng Renaissance ay naniniwalana mahalagang maging maligaya sa kasalukuyang buhay.Hindin iwinaksi ng mga tao sa panahon ng Renaissance ang kanilang paniniwala sa Diyos,bagkus gaya ng mga Griyego,at Romano,binigyan halaga ito.

Page 21: Renaissance

PAGPAPAHALAGA SA ABILIDAD NG TAO

• Binigyang pansin din ng mga humanista ang mga etikal na isyu at wastong pagkilos o pag-uugali ng tao upang magkaroon ng maayos na lipunan.Hinangad ng mga indibidwal na maging mahusay sa iba’t-ibang larangan at pagbutihin ang kanilang mga abilidad.Ang isang tao na may nalinang na katalinuhan sa iba’t-ibang paksa at may mga mahusay na abilidad ay tinatawag na “UNIVERSAL MAN”o “RENAISSANCE MAN”.

Page 22: Renaissance

THANK YOU AND GOD BLESS YOU