Pangalawang bahagi

11
Pangalawang Bahagi: Palihan sa Pagkritik Abigail Alfaro

Transcript of Pangalawang bahagi

Page 1: Pangalawang bahagi

Pangalawang Bahagi: Palihan sa PagkritikAbigail Alfaro

Page 2: Pangalawang bahagi

Ano ang pagkritik?Ayon kay Lee (2011), sa kaibuturan daw ng

bawat isa ay nagtatago ang isang maliit na tao. Ito raw ang siyang laging nag uudyok sa atin na kumuha ng bolpen at magsulat o humarap sa kompyuter at mag type upang mapawalan ang ating mga kaisipan at damdamin sa anyo ng isang akda.

Ito rin ang laging bumubulong sa atin na hanapan ng sagot ang ating mga tanong, na danasin ang mga bagay na hindi pa natin dinaranas upang yumaman at maging makatotohanan ang ating pagsulat.

Tayo rin daw ang unang humahadlang sa paglaki ng maliit na tao sa atin, lalo na kapag hindi natin pinagbibigyan ng udyok na magsulat o kapag sinisimulan ang isang akda ngunit hindi naman tinatapos.

Page 3: Pangalawang bahagi

Ano ang pagkritik?Paulit ulit ang paghahangad na

makapagsulat ngunit palagi ring “nababansot ang maliit na tao” dahil sa takot na sumubok o magpatuloy

Kapag nakatapos ng akda ang isang manunulat, isa naman itong kahingiang ipinasa sa klase o literaturang isinulat upang magpalipas nang makabuluhan ang oras, masasabing bahagyang lumaki ang maliit na tao sa kanya.

Page 4: Pangalawang bahagi

Ano ang pagkritik?Kapag nakinig siya ng taimtim sa kanyang

klase sa pagsulat at matiyagang inilapat ang mga teoryang natutuhan sa mabisang pagpapahayag, di maikakailang bahagya na namang lumaki ang kanyang maliit na tao.

Kapag nagpasa siya ng lahok sa mga timpalak pampanitikan o sumali sa isang samahang lumilinlang ng interes at kakayahan sa pagsulat, maituturing na lumaki na naman ang maliit na tao sa kanya.

Kapag nagsumite siya ng papel sa isang kumperensiya sa pananaliksik o ng mga akda sa isang palihan sa pagsulat at sumailalim sa kritik ng mga iskolar, di mapapasubaliang muling lumaki ang kanyang maliit na tao.

Page 5: Pangalawang bahagi

Ano ang pagkritik?Ipinaliwanag ni Ziegler (2008)

ang pagkakaiba ng kritisismo at kritik.

Kritisismo Kritik

Ginagawa kapag sinusuri ang isang akdang maituturing nang klasiko o tumanggap na ng mataas na pagtangkilik mula sa mga mambabasa sa paglipas ng panahon

Nangyayari kapag ang isang akda, lalo na kapag nagmula ito sa isang baguhan o hindi pa establisadong manunulat, ay tinataya upang lalong mapabuti.

Page 6: Pangalawang bahagi

Ano ang pagkritik?Halimbawa:

Higit na angkop sabihing kritik ang ginagawa kapag sinusuri ang mga akdang inilalahok sa isang palihan dahil pawang bago ang mga akdang ito at karaniwan ay produkto na sumisibol pa lamang na mga manunulat

Page 7: Pangalawang bahagi

Kritik ng Sariling KomposisyonBilang manunulat, ikaw mismo ang nagsisilbing

unang kritik ng iyong akdaSa pagtuklas pa lamang ng paksa o paglinang ng

mga kaisipan na siyang simula ng proseso ng pagsulat ay marami nang pasiyang kailangang gawin◦ Bakit ang isang paksa ay kailangang piliin sa halip na

ang isa?◦ Anong aspekto ng paksa ang itatampok sa pagtalakay?◦ Paano sisimulan ang akda at ano bang antas ng wika

ang mabisang gamitin?◦ Paano padadaluyin ang komposisyon upang matiyak

ang kabuluhan ng nilalaman nito habang pinananatili ang interes ng mambabasa?

Page 8: Pangalawang bahagi

Kritik ng Sariling KomposisyonSa pag-usad mo sa buong proseso,

sinusuri ang bawat bahagi ng akda, pinagtitimbang timbang ang kalakasan at kahinaan ng mga ito, at tinatangkang mailuwal ang pinakamahusay na akdang maibubunga ng iyong panulat.

Ayon kay Edgardo Reyes sa Ikatlong Rogelio Sicat Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat noong Mayo 2010, “hindi dapat pakawalan ng isang manunulat ang kanyang akda hangga’t hindi siya sigurado rito.

Page 9: Pangalawang bahagi

Kritik ng Sariling KomposisyonNaniniwala rin siyang dapat magawa

ng isang akda na maipagtanggol ang sarili nito, sa husay ng nilalaman at galing ng pagkakasulat, nang hindi na kakailanganin pa ng may-akda na personal na tumindig upang ipaliwanag kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang isinulat o kung bakit gayon ang pamamaraang kanyang ginamit.

Page 10: Pangalawang bahagi

Sanggunian:Kabanata 6- Paglalapat: Palihan

sa Pagsulat at Pagkritik ; Sayusay-Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato at Alvin Ringgo C. Reyes

http://cambridgeforecast.wordpress.com/2009/10/page/4/

http://tanghalangpilipino.org.ph/main/news/tanghalang-pilipino-celebrates-its-silver-anniversary.html

Page 11: Pangalawang bahagi

Salamat ho sa pakikinig