Panahong Neolitiko

16

description

 

Transcript of Panahong Neolitiko

• Ito ang huling bahagi ng Panahon ng Bato.

• Tinatawag ding Panahon ng bagong bato.

• Mula sa salitang Griyego na “neos” o bago at “lithos” o bato.

• Ito ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.

Katangian ng

Panahong

Neolitiko

Paggamit sa iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino.

Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan.

Domestikasyon ng mga pananim at hayop.

Pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa.

REBOLUSYONG

NEOLITIKO>> Sistematikong Pagtatanim <<

Ito ay naganap sa panahong Neolitiko.

Ito ay isang rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain.

Ito ang nagbigay daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim.

Pamumuhay ng Catal Huyuk

Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon.

Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at baka.

Kultura

Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.

Pagkalat ngPanahongNeolitiko

•Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.

Pagtatapos ngPanahong Neolitiko

oAng pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao