pamanahon Larsss.docx
-
Upload
lariel-manabat -
Category
Documents
-
view
126 -
download
6
Transcript of pamanahon Larsss.docx
Kagawaran ng Edukasyon
Mataas na Paaralang Lakan Dula
Tundo, Maynila
Lumalalang kaso ng bullying
Ipinasa ni: Ipinasa kay:
Lariel M. Crsipin Gng. Erlinda Villegas
Paunang Salita Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang
karapatan upang sa lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May mangilan-ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itong “bullying” sa ingles.
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Lumalalang Kaso ng Bullying”, ay isang pag-aaral ukol sa mga karanasan ng bawat isang indibidwal lalo na sa paaralan kapag sila ay naloloko o naaabuso ng ibang tao. Bawat detalye ay aking inilhad sa pag-aaral na ito upang mas lalong maunawaan ng bawat isa kung bakit hindi dapat tayo pumapayag sa “bullying”.
Upang mailathala ang mga tamang iimpormasyon para sa pag-aaral na ito, gumamit ako ng sarbey na naglalaman ng 3 (tatlo) tanong na sinagot ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula na nagmula sa iba’t ibang pangkat at taon.
Sa iba pang aspeto, ang pagtalakay ko sa usapin na ito ay magbibigay kaliwanagan at mga marapat gawin ng isang tao kapag siya ay nahaharap sa ganitong uri ng problema. Ang “bullying” ay maari naman maiwasan ng bawat isa kung magkakaroon ng pagkaka-unawaan sa bawat isa at pag-intindi.
Sana ay may matutuhan kayo sa aking pananaliksik na ito at nawa’y nabigyang kaalaman din kayo sa maaring idulot ng “bullying” sa ating mga anak kapatid at bawat isa sa atin.
Talaan ng nilalaman
I. Panimula/ Introduksyon
II. Paglalahad ng Layunin
III. Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Saklaw at Delimitasyon ng
Pag-aaral
V. Mga Kaugnay na Literatura at
Pag-aaral
VI.Pamamaraan ng Pangangalap
ng Datos
VII.Paglalahad at Interpretasyon ng
mga Datos
VIII. Buod
IX. Konklusyon
X.Rekomendasyon
XI. Bibliyograpiya
XII. Apendix
Kabanata I.
(Ang Suliranin at ang Saligang pag-aaral nito)
Panimula/ IntroduksyonSa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na lahat ng bagay
sa mundo, hindi maiiwaasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng tao sa kung anumang bagay sa kanyang paligid, lumaganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima nito. Bunga marahil siguro ng inggit o di kaya’y paggaya sa matanda, ang mga kabataan ay namulat na sa tinatawag na “bullying”. Isang di pangkaraniwang problema na madalas ng kinakaharap ng mga paaralan at komunidad sa panahin ngayon. Ang bullying sa wikang tagalog ay pang-aasar o panloloko. Madalas itong ginagamit sa mga estudyante. May mga lokong estudyante na gustong gusto nilang nanloloko o nang-aasar sa kanilang kapwa estudyante. Minsan humahantong pa ito ng sakitan. Marami sa mga kabataan na ito na nasasangkot sa mga ganitong klase ng kaguluhan, ay maaring naimpluwensyahan ng kapwa nila kamag-aral o di kaya ay dala ng inggit o galit para sa taong ginagawan nila nito. Sa kabilang banda, ang mga taong nagagawan ng mga panlolokong ito o mas alam sa tawag na mga biktima o “mga nabubully” ay may mga iba’t ibang istilo sa pag-iwas sa mga gulong kagaya nito. Sila ang mga nabibiktima ng mga “bully” na ito na humahantong pa nga minsan sa depresyon na maaring maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay.
Layunin ng Pag-aaralAng “bullying” o panloloko sa kapwa ay isang seryosong usapin na
dapat talakayin upang sa gayon ay maiwasan na ang mga gawaing ito na nakakapagpahamak sa maraming tao. Sa ganitong uri ng problema marapat
na lamang na bigyan na karapmpatang solusyon na maaring magamit ng bawat isa sa atin upang maprotektahan natin an gating sarili laban sa gabitong Gawain. Ang pag-aaral sa “bullying” ay tatalakay sa malawakang suliranin na ito kung saan maraming kabataan ang nadadamay at nasasaktan. Layunin nito na magbigay ng kongkretong solusyon para sa bawat isa.
Kahalagahan sa pag-aaral Sa Kabataan:
Ang pag-aaral sa “bullying” sa mga paraan upang maiwasan ito ay makakatulong ng malaki sa atin, mga kabataan upang di masangkot sa
ganitong kaguluhan. Makakatulong din ito para mas maunawaan natin ang
mga dahilan sa likod ng pambubully.
Sa Komunidad:
Mahalaga na matalakay ang “bullying” upang sa gayon ay magkaroon rin ng kaalaman ang komunidad ukol sa mga pangyayaring ito ng sa gayon ay agad nilang maaksyunan o matulungan ang mga taong kailangan saklolohan.
Sa pamahalaan:
Nakakatulong ito upang malaman ang bawat hinaing at paghihirap na nararanasan sa “bullying” para ng sa gayon ay magakaroon ng mas matibay na batas laban sa ganitong uri ng pananakit sa kapwa
Sa simbahan:
Ang pag-aaral na ito ang siyang maaring daan para malaman ng simbahan ang mga paraan at tulong na kaya nilang maibigay para sa mga nabibiktima at mambibiktima sa usaping “bullying”
Kabanata II.( Mga Kaugnay na literatura at Pag-aaral)
Ang “bullying” ay ang pananakit o panloloko sa kapwa na
nakakapagdulot ng kakaibang depresyon sa tao. Ayon sa isang blog na
pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon” talamak na ang
nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito, maraming
dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaring
nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at
pisikal na kapansanan. Bunsod nito, maraming kabataan ang katutuwaan
siya at gagawan ng mga panloloko. Sa kabilang banda, ayon sa pananaliksik
ni Ted Failon, maari namang nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit
o kaya’y impluwensiya ng barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito
ng mga pahayagan at telebisyon. Samu’t saring balita ang aking naririnig
araw-araw ukol sa “bullying”. Nagaganap ito lalong lalo na sa mga paaralan
pribado man o pampubliko. Sabi ni Ben Tulfo, ang “bullying” ay
pagpapakita ng pagiging dominente ng isang tao. Kung kaya’t dahil sa
lumalalang kaso ng “bullying” napagpasyahan ng DepEd o Department of
Education na tuligsain na ang problemang ito na nakakapagdulot ng pinsala
sa bawat kabataan. Ayon sa DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling
pelikula ukol sa epekto ng “bullying” sa kada isang indibidwal upang
maunawaan ng lahat ang hindi magandang pangyayari na maaring
maranasan ng isang tao. Ayon sa kanila, marapat na ang guro ang siyang
maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang mga isipan sa
ganitong uri ng kapaligiran at para mapanatili na rin ang kapayapaan. Nais
ng bawat isa sa mga ito na masolusyunan at maaksyunan ang ganitong uri
ng suliranin, ngunit marapat na tayo ring mga kabataan ang siyang kumilos
para malabanan ang sakit sa lipunan na tinatawag na “bullying”.
Kabanata III:(Mga Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos)
Disenyo at Pamamaraan sa Pananaliksik:
A. Disenyo ng Pananakilsik:
Ang pamamaraan na ginamit upang maisakatuparan ang pananaliksik
na ito ay impormatib na naglalayon na mibigay ang saloobin ng mga
kabataan sa paaralang Lakan Dula para sa usaping “bullying”.
B. Mga Respondent:
Ang mga sumagot sa aking mga katanungan ay mula sa mag-aaral ng
Lakan Dula na nagmula sa iba’t ibang pangkat at taon na nasa 13-16 na
taon at maaring nakaranas na ng “bullying”
C. Insrumentong Ginamit:
Ang instrumentong ginamit upang masagawa ang pananaliksik na ito
ay pagkuha ng mga mahahalagang inpormasyon mula sa libro at
internet.
D. Tritment ng mga Datos:
Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman lamang ng mga
katanungan at interbyu ukol sa mga karanasan ng isan indibidwal sa
kanyang paligid na ginagalawan.
Kabanata iv: (Pagsusuri, paglalahad at Interpretasyon ng mga
datos) SARBEY
1. Ano ang “bullying”
4
3
2
1
Sagot ng mga kabataan
Pang-aalipusta o Pang-aabusoPang-aapiPananakitPang-aalipin
Ayon sa depinisyon na ibinigay ng mga kabataan 4 sa bawat 10 mag-
aaral ang naniniwala na ang “bullying” ay maihahanay sa pang-aabuso ng
kapwa. At ang natitirang bahagi naman ay nahati sa iba’t iba pang
depinisyon na nakikita ninyo sa ibabaw.
2. Naging biktima ka na ba ng “bullying”?
3
7
Sagot ng Kabataan
OoHindi
Makikita sa grap sa itaas na 7 sa bawat 10 mag-aaral ng paaralang
Lakan Dula ay hindi nabiktima ng ganitong klaseng karahasan. Ngunit kung
atin pa ring titingnan ang 3 porsyento ay malaking bahagi na rin para
masabi na ang suliranin sa “bullying” ay malaki pa rin at nakakaapekto sa
bawat estudyante
3. Ano sa tingin mo ang dahilan ng “bullying”?
5
3
1 1
Sagot ng mga Kabataan
Problema sa pamilyaPagganti sa KapwaKawalang DisiplinaPera
Batay sa grap sa itaas, makikita na para sa mga kabataan o mag-
aaral ng Lakan Dula ang naniniwala na ang pangunahing dahilan
ng “bullying” ay ang problema sa pamilya. 5 sa bawat 10 katao an
naniniwala na ito ang dahilan kung bakut patuloy sa pagtaas ang
mga nabibiktima ng “bullying”. Kung susumahin, sumunod lamang
ang pagganti sa kapwa, at nagkaparehas ang bilang sa kawalang
disiplina at pinansyal na problema. Kung gayon ating mahihinuha
na ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong klasen
karahasan ay nagmumula sa pamilya. Nagsisimula kung saan dapat
matuto ng tama ang mga kabataan.
Kabanata V:
(Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon)
Lagom:Sa pananaliksik na ito, lumabas ang mga tunay na dahilan kung bakit
marami sa atin ang nabubully o nangbubully. Mga dahilan na
pangkaraniwan na lamang dahil maari ring maging dahilan ito sa iba pang
problema ngunit dahil sa mga kadahilanan na ito ay lalong lumalala ang mga
kasong may kinalaman sa “bullying”. Ang mga respondent na aking ginamit
na may kaniya kaniyang bersyon ng karanasan sa :bullying: ay nakatulong
ng malaki upang mailahad ng maayos ang mga detalye na maaring
makatulong sa atin. Ang pananaliksik na ito ay bunga ng masinsinang
paghahanap ng mga kasagutan upang sa gayon maibigay ang mga tamang
impormasyon sa bawat isa. Sa tulong ng sarbey ay naipahayag ng mga
kabataan ang kani-kanilang saloobin ukol sa usapin na ito kung kaya’t
nabigyan ang bawat isa ng karapatan ihayag ang kanilang kinikimkim na
saloobin ukol dito sa tulong ng mga tanong na kanilang sinagot.
Konklusyon: Sa bawat problema ay may solusyon. Kung kaya’t ang problema sa
“bullying” ay maari pang masolusyunan. Kung ang dahilan ay problema
sa pamilya, maari pang maagapan ito sa pamamagotan ng pakikipag-
komunikasyon at mahinahong pag-uusap ng bawat isa, sa tulong nito
maaring mabawasan o maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Kung sa
pagganti naman sa kpwa ang problema, hindi ba’t mas masayang
mamuhay sa isang lugar na payapa at lahat ng makakasalamuha mo ay
iyong kasundo? Tamang pagtanggap ang kailangan at pagpapatwad
upang matamo ang katahimikan at hindi na magawi pa sa masama. Kung
iispin nating mabuti walang dulot na maganda ang “bullying” sa
kabataan man o maging sa matatanda. Dito ay lagi tayong talo. Walang
nanalo. Walang tunay na magiging masaya.
Rekomendasyon:Inirerekomenda ko na bilang isang mananaliksik ng pag-aaral na ito,
nirerekumenda ko na mas tibayan pa ang mga batas ukol sa “bullying”.
Siguro mas magiging maganda ang kapaligiran na hindi iniikutan ng mga
ganitong karahasan. Para sa akin, kung mapapakinggan lang ang mga
hinaing ng mga kabataan, mas magiging madali ang pagbabawas ng mga
gaintong uri ng problema lalo pa’t mga kabataan ang sangkot sa ganitong
usapin. Sabi nga ni Gat Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”,
ngunit kung ang kabataan ngayon ay nagkakagulo, gumagawa ng mga di
kanais-nais paano na ang kinabukasan? Kung ang lahat ay di marunong
makinig sa bawat hinaing na gustong ihayag ng bawat isa?
Bibliograpiya:
www.google.com
www.philstar.com
www.essaydepot.com
www.deped-ne.net
Appendix:
Sa dinami-rami ng suliranin, itong “bullying” ang isa sa pinakamahirap sugpuin na problema. Nakaklungkot isipin na isa sa dahilan kung bakit lumalaganap ang problemang ito ay dahil bunsod ng problema sa pamilya. Ang pamilya ang siya dapat gagabay sa atin sa tama gunit sa usaping ito, ito ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang siyang nangbubully. Tayong mga Pilipino ang kilala sa tinatawag na “close family ties” ngunit sa nakikinita ko ang pamilya ng mga kabataan ng nasasangkot sa “bullying” ang siyang nagiging dahilan kung bakit nagagawa ng mga ito ang maging “bully”. Ang kakulangan sa atensyon, kawalang oras marahil ang dahilan kung bakit naiisipan ng mgga ganitong klaseng kabataan ang gumawa ng mga karahasan. Kung tutuusin, kung napalaki ng maayos ang mga kabataang ito ay nagabayan ng maayos, lahat sana ay namumuhay ng pantay-pantay. Inaasahan ko n asana ay may natutuhan kayo sa aking pananaliksik. Sana ay mapakinggan ng bawat isa ang kani-kaniyang opinyin padating ng araw. Maraming salamat po!