Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

16
Layunin: Nauuri ang pariralang pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. Nakikilala ang pariralang pang-abay na ginamit sa

Transcript of Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Page 1: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Layunin: Nauuri ang pariralang pang-abay

na pamanahon, panlunan at pamaraan.

Nakikilala ang pariralang pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Page 2: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Mga bata…ako si Popeye, ang bago ninyong kaibigan.

Narito ako upang hingin ang inyong tulong na makakuha ng bulaklak ng spinach na ibibigay ko sa aking sinisinta na si Olive.

Maari mo ba akong matulungan?

Halika samahan mo ako makakuha ng bulaklak….Na kung saan ang mga uri ng pang-abay ang siyag magiging gabay upang makarating tayo sa pang-pang at makakuha ng bulaklak na paborito ng aking mahal.

Page 3: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Teka! Teka! Magdahan-dahan ka.

Paalaala bago ako gamitin, maayos mo itong sundin.1. Linisin ang mga kamay bago ako

hawakan.2. Iwasang mabasa o mapunit ang

aking pahina.3. Huwag din akong susulatan o

sisirain.4. Higit sa lahat ibalik ako sa lugar na

pinagkuhanan.

Page 4: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Kamusta ka na?

Handa ka na ba?

Halina’t samahan ao patungo sa pang-pang ng dagat at alamin ang mga iba’t ibang uri ng pang-abay na siyang daan upang makuha ang bulaklak ng spinach.

Tara na kaibigan ko!

Page 5: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

PRE-TEST:Ang aking kasintahan na si Olive Oil ay paborito an gang bulak ng spinach ngunit wala nito dito sa barko dahil nasa kasalukuyang nasa gitna kami ng karagatan. Kailangan kong makapunta sa pang-pang upang makakuha . Subalit bago ako makatawid kailangan ko munang malampasan ang mga pagsubok.

At ikaw batang Grade 4…..ikaw ang kailangan ko. At kapag ako’y iyong matulungan ikaw na ang pinakamatalik kong kaibigan.

Handa ka na ba? Kung ga’yon simulant na natin.

Kailangan mo lamang ng masusing pag-iisip upang sagutan ang mga katanungang ito:

Saan ako pupunta na kung saan kailangan ko ang iyong tulong?

Ano ang paborito ni Olive? Paanong paraan ang kailangan mo para ako’y

matulungan?

Page 6: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Tama ba ang iyong mga sagot?

Heto ang mga kasagutan:

Sa pang-pang Bulaklak ng spinach Masusing pag-iisip

Page 7: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Sigurado ako na handa ka nang matutunan kung paano na uuri ang mga pang-abay. Kung alin bang pang-abay ang pamanahon, panlunan at pamaraan.

Ang pang-abay na pamaraan ay nag sasabi kung paano ginawa o ginagawa ang kilos.Sumasagot ito sa tanong na paano.Halimbawa:Patihaya kung lumakad ang bangka.Mahusay bumigkas ng tula si Melvin.

Ang patihaya at mahusay ay ang pang-abay na pamaraan.

Page 8: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Heto naman ang paraan kung paano mo matutukoy kung ang pang-abay ay pamanahon.

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasabi ng oras o panahon nang ginanap ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na kalian.

Halimbawa:

Tuwing Pasko isinasabit ang parol.

Nag-aaral si Carlos gabi-gabi.

Ang tuwing Pasko at gabi-gabi ang mga pang-abay na pamanahon.

Page 9: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Paano mo naman matutukoy kung pang-abay na panlunan ang ginamit sa pangungusap?

Ang pang-abay na panlunan ay nagsasabi ng lugar na pinangyarihan ng kilos.Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:Nasa ibabaw ang gatong.Dito nagluto si Insiong.

Ang nasa ibabaw at dito ay pang-abay na panlunan.

Page 10: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Siguro naman kayang kaya mo na ngayong kilalanin at uriin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap.Simulan na natin kaibigan.Kailangan mo lang piliin ang pang-abay na gimamit sa pangungusap at alamin kun anong uri ng pang-abay ito.

Halimbawa: Tinanggap ko ang balita kanina.

Sagot: kanina - pamanahon

1. Mag-aaral akong tumugtog ng piano sa bakasyon.2. May mga batang mayabang kumilos.3. Umakyat ang malikot na bata sa puno.4. Mabilis niyang tinulungan ang batang nadapa.5. Tuwing hapon, sa dalampasigan sila naglalakad.

Page 11: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Tapos mo na bang sagutan?Tingnan natin kung tama ang iyong sagot.

1. sa bakasyon – pamanahon2. mayabang – pamaraan3. sa puno – panlunan4. mabilis – pamaraan5. tuwing hapon - pamanahon

Page 12: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Ayan malapit na tayong makarating sa lupa…makakakuha na tayo ng bulak ng spinach at syempre kukuha din tayo ng mga dahon nito para sa atin kaibigan.Kailangan pa nating malampasan ang pagsubok na ito:Kailangan lang nating lumikha ng mga tanong mula sa susmusunod na mga pangungusap pagkatapos atin itong sasagutan at uriin kung anong uri ng pang-abay ito

Halimbawa: Ihulog mo ang aking sulat bukas.Sagot: Kailan mo ihuhulog ang aking

sulat? bukas-pamanahon1. Masipag magsulat si Elena.2. Galing kami sa Subic.3. Gabi na nag dumating kami sa Maynila.4. Mabagal tumakbo ang mga sasakyan dahil sa

trapik.5. Masayang sinalubong kami ng aking mga

Page 13: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Tingnan at alamin kung tama ang iyong sagot:

1. Paano magsulat si Elena?masipag – pamaraan

2. Saan kayo nanggaling?Sa Subic – panlunan

3. Kailan kayo dumating sa Maynila?gabi na – pamanahon

4. Paanong tumakbo kami ng aking mag-anak?mabagal – maparaan

5. Paano kayo sinalubong ng iyong mga anak?

Page 14: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Post-Test:Palapit na nagn palapit tayo kaibigan.

Huling pagsubok na ito. Galingan mo!

Piliin lamang sa kahon an gang sagot at uriin kung ito ay panlunan, pamanahon o pamaraan.

1. __________ ang pasok sa paaralan.2. __________ magluto ng ulam ang mga

Kapampangan.3. Ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay

_________ maglinis ng paaralan.4. Umulang ng ________ kagabi.5. __________ tahimik na naninirahan ang mga

kamag-anak mo.

masarap mahusay malakas

sa bukid sa Hunyo

Page 15: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Tingnan kung tama ang iyong sagot.

1. sa Hunyo – pamanahon2. masarap – pamaraan3. mahusay – pamaraan4. malakas – pamaraan5. sa bukid - panlunan

Page 16: Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)

Weew!!! Ang galing mo naman kaibigan…Nalampasan mo nang matagumpay ang mga pagsubok. Dahil sayo nakuha ko na ang bulalak ng spinach para kay Olive Oil…. Nakakasiguro ako na matutuwa s’ya dito.Maraming salamat sa’yo kaibigan…magmula ngayon tayo ay matalik nang magkaibigan.