Pagsusuring Pangbalangkas (Dr. Resty Mendoza Cena)

download Pagsusuring Pangbalangkas (Dr. Resty Mendoza Cena)

of 70

description

Pagsusuring Pangbalangkas (Dr. Resty Mendoza Cena)For more information, please visit http://theteachingteacher.blogspot.com/

Transcript of Pagsusuring Pangbalangkas (Dr. Resty Mendoza Cena)

Pagsusuring PangbalangkasResty Mendoza Cena

Dalawang uri/layon/hakbang sa pagsusuri Pagsusuri na tumutuklas o naglilinaw ng organisasyon ng isang sistema (descriptive) Pagsusuri na nagpapaliwanag ng mga kababalaghan ng wika (explanatory)

Kakanyahan ng masalimuot na sistemaBalita sa kasalimuutan ang sistema ng pandiwang Tagalog Masalimuot ang isang sistema kung: (i) hindi tiyak ang gamit ng mga sagisag at/o hindi regular ang paglapat ng mga tuntunin internal inconsistency Sa ibang pagsasabi, maraming butas ang sistema; maraming tulo.

Masalimuot na sistema, 2Rarely: (ii) Sheer abundance of categories and subcategories. Kaya, kung masyadong maraming kategorya ang isang paglalarawan, maaaring hindi nasuring mabuti ang sistema. Not that rare: (iii) Too few categories; hence, multi-function exemplars

O kaya: (iv) Masalimuot ang sistema dahil hindi pa natin nasusuri at naiintindihang mabuti. (v) Madali lang. Msalimuot lang sa hindi pa nakaaalam.

Ilang halimbawa ng kasalimuutan Parang arbitraryo ang gamit ng mga sangkap, hal., -um- at maggumising, *tumulog Nagdamo si Ben. *Dumamo si Ben. Dumamo ang silong. *Nagdamo ang silong. *Gumubat ang silong. Naggubat ang silong. Tumaba si Ben. *Nagtaba si Ben. Ano ang

Magkaibang anyo, halos magkapareho ng gamit. pagkakaiba (Nolasco): Umupo ka, Maupo ka. Naglangoy si Ben. Lumangoy si Ben.

Halimbawa pa ng kasalimuutan Hindi tiyak ang gamit ng mga sagisag dahil nilalabag ang patakarang isa-sa-isa (isang sagisag, isang tungkulin; isang tungkulin, isang sagisag).-um-: tinig-tagagawa o panahon?

Tila tinig:Bumili si Ben ng basi. Binili ni Ben ang basi.

Tila panahon:Bumili si Ben ng basi. Bibili si Ben ng basi.

Anong bahagi ng halaw na pandiwa ang may anong tungkuilin?

Halimbawa pa Sagisag na mga ginagamit bilang hudyat ng mahigit sa isa: mga bata pang-tantiya (maaaring mahigit, maaaring kulang): mga isang dangkal

Haragan ang wika, mapangharang ito:Hey, wala tayong salitang panghumigit-kumulang. Gamitin natin ang, uh, mga. Sige, bah. Slogan ng wika: Hindi perpekto, pero puwede na.

At halimbawa paIsang panlapi, naghuhudyat ng dalawang magkataliwas na sabkategorya: Nagalit si Ben sa bata. (Tagagawa ang simuno) Naisip ni Ben ang bata. (Tema ang simuno)

Nakuha ni Ben ang basi. Dalawang basa: (a) aksidente: Nakuha ni B ang basi nang hindi sinasadya. (b) nagtagumpay: Pagkatapos ng ilang ulit, nakuha rin ni B ang basi. ??At pagkatapos ng ilang ulit, nakuha rin ni B ang basi nang hindi sinasadya.

Tatlong pangil ng kasalimuutan(i) Anong mga pandiwang ugat (tulog, gising) (ii) at anong mga panlapi ang tinatanggap nila (-um-, mag-) (iii) sa aling gamit? (naglangoy, lumangoy)

Tungkol sa kasalimuutan ng panlapian ng pandiwang Filipino Tatangkain natin na sinupin ang paglalarawan ng sistema ng panlapian ng pandiwa, ipakita na hindi naman kasingsalimuot ng karaniwang akala, na ang kasalimuutan ay bunga ng nalaglag na pagsusuri.

Mga salitang pandiwa na halaw mula sa bili - 1bibili bibilihan bibilihin bilihan bilihin binibili binibilihan binili bumibili bumili ibibili ibili ibinibili ibinili ikabili ikakabili ikakapabili ikakapakibili ikakapakipagbili ikakapakipamili ikakapakipangbili ikakapamili ikakapangbili ikapabili ikapagbili ikapakibili ikapakikibili ikapakikipagbilihan ikapakikipamili ikapakikipangbili ikapakipapamili ikapakipapangbili ikapamili ikapangbili ikapapabili ikapapagbilihan ikapapakibili ikapapakipagbili ikapapakipangbili ikapapamili ikapapangbili ikinabili ikinakabili ikinakapabili ikinakapagbili ikinakapagbilihan ikinakapakibili ikinakapakipagbili ikinakapakipangbili ikinakapamili ikinakapangbili ikinapabili ikinapagbili ikinapakibili ikinapakikibili ikinapakikipagbili ikinapakikipamili ikinapakikipangbili ikinapakipagbilihan ikinapakipamili ikinapakipamilihan ikinapakipangbili ikinapakipapamili ikinapakipapangbili ikinapamili ikinapamimili ikinapangbili ikinapapabili ikinapapagbili ikinapapakibili ikinapapakipagbilihan ikinapapakipamili ikinapapakipangbili ikinapapangbili ipabili ipagbibili ipagbili ipagpabilihan ipakibili ipakikibili

Mga halaw na salitang pandiwa mula sa bili - 2ipakikipagbilihan ipakikipamili ipakikipangbili ipakipagbili ipakipangbili ipakipapagbilihan ipakipapamili ipakipapangbili ipamili ipamimili ipangbili ipapabili ipapagbili ipapagbilihan ipapakibili ipapakipagbili ipapakipamili ipapakipangbili ipapamili ipapangbili ipapapagbili ipapapamili ipapapangbili ipinabili ipinagbibili ipinagbili ipinagbili ipinakibili ipinakikibili ipinakikipagbili ipinakikipamili ipinakikipangbili ipinakipagbili ipinakipangbili ipinakipapagbili ipinakipapangbili ipinambili ipinangbibili ipinangbili ipinapabili ipinapagbili ipinapagbilihan ipinapakibili ipinapakipagbili ipinapakipagbilihan ipinapakipamili ipinapakipangbili ipinapambili ipinapangbili ipinapapagbili ipinapapamili ipinapapangbili kapagbibili kapapabili kapapagbili kapapamili kapapangbili kinakasingbili kinasingbili kumakasingbili kumasingbili mabibili mabili magbibilihan magbili magbilihan magkakangbili magkakangdabili magkambibili magkangbibili magkangbili magkangdabili magpabili magpapabili magsibili magsibili magsipagbilihan magsisibili magsisibili magsisibilihan magsisipagbilihan maiikapakipagbili

Mga halaw na salitang pandiwa mula sa bili - 3maiipabili maiipangbili maikakapakipagbili maikakapakipangbili maikapakikipagbili maikapakipagbili maikapapakipagbili maipabili maipangbili maipapangbili makabili makakabili makibili makibili makikibili makikibili makikipagbili makikipagbilihan makikipagsibilihan makikipamili makikipamilihan makipagbili makipagsibilihan mambili mamiili mangagkakandabili mangagkandabili mangagkandadabili mangagkangdabili mangagkangdadabili mangagsibili mangagsipagbili mangagsipagmabili mangagsipamili mangagsipapagbili mangagsisibili mangagsisipagbili mangagsisipamili mangangagkandabili mangangagkangdabili mangangagsibili mangangagsipagbili mangangagsipamili mapabili mapakabili mapakibili mapakikibili nabili nagbibilihan nagbili nagbilihan nagka- nagkakambili nagkakandabili nagkambibili nagkambili nagkandabili nagkangdabili nagpabili nagpapabili nagsibili nagsibili nagsibilihan nagsipagbilihan nagsisibili nagsisibili nagsisipagbilihan naiikapakipagbili naiipabili naiipangbili naikakapakipagbili naikapakikipagbili naikapapakipagbili naipabili naipamili naipangbili nakabili nakibili nakikibili

Mga halaw na salitang pandiwa mula sa bili - 4nakikibili nakikipagbili nakikipagbilihan nakikipamili nakipagbili namili nangagkakandabili nangagkakangdabili nangagkandabili nangagkandadabili nangagkangdabili nangagkangdadabili nangagsibili nangagsipagbili nangagsipagmabili nangagsipambili nangagsipanbili nangagsipangbili nangagsipapagbili nangagsisibili nangagsisipagbili nangagsisipamili nangangagkandabili nangangagkangdabili nangangagsibili nangangagsipagbilihan nangangagsisipagbilihan nangangagsipamili napabibili napabili napapabili pabili pagbibilihan pagbibilihin pagbili pagbilihan pagkabili pagkakabili pakibili pakibilihin pakibilihan pakikibilihan pakikibilihin pakikibili makikibili pakikipamili pakipagbili papabilihin papagbilihan papagbilihin papapabilihin papapagbilihin pinabibili pinabili pinagbibilihan pinagbilihan pinakibibili pinakibili pinakikibili pinakikipabili pinakikipagbili pinakipabili pinakipapagbili pinapabili pinapakibili pinapakipagbili pinapapabili pinapapagbili pinapapakibili

Gaano karami? Sa listahan, pandiwa lang and isinama, hindi kasama ang mga pangngalan at pang-uri Hindi rin kasama ang mga reduplikasyong tulad ng Bumili-bili, Bumiling-bumili Binili-bili, ibili-bili, nabili-bili Magbiling-magbili Atbp. 900 humigit-kumulang

Paano natututuhan? Kinakabisa bang isa-isa? Maliwanag na hindi. May sistema ang panlapian Tinutuklasan ng bata ang sistema. Isa siyang linggwista.

Mga sangkap ng pandiwa Anong impormasyon ang inihahayag ng mga panlapi sa pandiwa? Halimbawa: Bumili ka ng basi. Bilihin mo ang basi. Bilihan mo ng basi ang matanda. Ibili mo ng basi ang Tatang.

Nagsasaad ng tinig/gampanin role ng simunoBumili ka ng basi. Bilihin mo ang basi. Bilihan mo ang tao.Ibili mo ang Tatang.

-um- tagagawa -in lokal na apektado -an direksyon, di-tuwirang apektado ilaanan

Ano ang inihuhudyat ng mga panlapi sa pandiwa?Bumili si Ben ng basi. Bibili si Ben ng basi. Bumibili si Ben ng basi.

Panahon/Aspekto sa pandiwa na banghay sa tagagawaBumili si Ben ng basi.-um-: nasimulan na, walang CVr: tapos na (pangnagdaan)

Bibili si Ben ng basi.CVr: di pa tapos, walang -um-: di pa nasimulan (panghinaharap)

Bumibili si Ben ng basi.-um- + CVr: nasimulan na, di pa tapos (pangkasalukuyan)

Nota: CVr - pag-uulit ng pantig, hal., bibili

Dalawa pang panahon/aspekto katatapos (Schachter & Otanes): hal., Kabibili ni Ben ng basi. ka+CVr (ang CVr dito ay tapos na!) sisimulan (Nolasco) hal., Pabili si Ben ng basi. pa-

Panahon/aspekto sa pandiwa na banghay sa layonBinili ni Ben ang basi. Bibilihin ni Ben ang basi. Binibili ni Ben ang basi. -in-, CVr -in-, CVr -in-, CVr

Panahon/aspekto sa pandiwa na banghay sa tagagawang mag Nagbili si Ben ng basi. Nagbibili si Ben ng basi. Magbibili si Ben ng basi. nag-, CVr nag-, CVr mag-, CVr

Dalawang sabkategorya ang naitatag: tinig at panahon

Iba pang panlapi Paano naman ang iba pang mga panlapi? i-p-in-ag-pam-igayan-an i-k-in-a-pa-ki-kuha Alam natin ang tungkulin, pero hindi ang kategorya Inililista ang mga panlapi (Santos 1939) Inililista ang mga panlapi bilang kombinasyon ng minor at major affixes (Schachter & Otanes 1972) ipa-, ipaka-, paki-, ipang-, ika-, magsi-, atbp Mahigit na 120 kombinasyon sa Schachter & Otanes

Wolfenden (1969) panahon tinig paraan (mode) tinig-paraan

Cena & Nolasco (2011) panahon tinig paraan

Shameless Self Promotion

Ano ang paraan sa pandiwa mode? Paghambingin ang mga pangungusap: Bumili si Ben ng basi. Nakabili si Ben ng basi. Sa bumili, walang inihahayag na paraan ng pagkakabili. Sa nakabili, may dagdag na impormayon: di sinasadya o naisakatuparan Samakatuwid may pangatlong impormasyon sa halaw na pandiwa paraan, na kasingkategorya ng tinig at panahon.

Tinig, Panahon, at Paraan Ang tinig ay tumutugon sa pangsemantikong gampanin semantic role ng simuno, Ang panahon ay naghahayag ng daloy ng panahon ng aksyon, kung nasimulan na at kung sumisige pa, at Ang paraan ay nagdaragdag ng impormasyon tungkol sa paraan o kulay ng aksyon o pangyayari. Ang tinig at panahon ay mga pangbalangkas na kategorya; kumakabit sila sa lahat ng pandiwang ugat. Ang paraan ay mala-semantiko na tulad ng ugat, at mala-pangbalangkas na tulad ng tinig at panahon. Kumakabit ang paraan sa mahigit sa isang ugat, pero hindi sa lahat ng ugat.

Mga sangkap ng halaw na pandiwapa bi bilih in

Paraan Panahon Ugat Tinig

pabibilih -in

Ang mga Panlaping Paraan-aTungkulin, Kahulugan Mga Halimbawa directive causal, matulog pangkakayahan abilitative, mabangga pangdi-sinasadya accidental pasanhi injunctive, indirective causal pakuha panadya externally directed ipagbili, magbigay pasabayan simultaneous nagtawanan panggantihan reciprocal nagsuntukan pangmalawakan extensive ipagpasikatan

pa-ag-an

Panlaping paraan 2-angpamudmod extensive across time (habitual, ipangtulog reservational, instrumental), ipangbukas or extensive in effort (comprehensive) mangisda padahilan reason, causative ikabili pangdi-inaasahan unexpected nagkasakit,

-ka-

nagkaperapasakatuparan abilitative ikakuha, makakuha pangdi-sinasadya accidental makabangga -kang(da)- out of control magkangdahulog -kipapakiusap deferential, social, requestive pakikuha, makikuha -tipaubaya self-assistive magpatihulog -sadirectional pasa-Maynila -sipakaniya-kaniya one by one, individually magsikuha, pagsikunin

Panlaping paraan 3 -ag-+Lipat-diin ma-+Lipat-diin di markado unmarked, neutral pangmasidhi intensive pangkakayahan, pangdi-sinasadya bumili, binili magkain, pagkainin nbili

Ulit-salita (FWr) pasidhi augmentative mabilng-mabil Ulit-bahagi (PWr) pangkatamtaman moderative mabusi-busisi disapprobational bumili-bili pangpanaka-naka occasional bali-balitaan Ulit-salita (FWR) kondisyonal conditional bumiling-bumili Ulit-salita+Lipat-diin pangkatuparan able to, with much effort mbiling-mbili Ulit-bahagi+ Lipat-diin pasisi shouldnt have done the action mbili-bili

Ano ang ating inani sa ating pagsusuri?Sa halip na isang sistema na hindi yari: Tinig (=major affixes) + Tinig + minor affixes + Panahon + ugat Panahon + ugat

Tapusin natin ang sistemang ito: Tinig (=Major affixes)+Panahon +minor affixes+ugat = Tinig + Panahon + Paraan + ugat

At ngayon, ang larawan ng sistema ng panlapian sa pandiwa ay simple, elegante, at kasiya-siya. Tinig -in -an iPanahon -mParaan pakaki -agatbp. Ugat ugat

Isa pang kainaman ng bunga ng pagsusuriMagagamit ang paraan na gabay sa pagsusuri ng sistema ng panlapian ng pang-uri. pinaka ma si sigla ugat Kailanan Kapang-urian Kaantasan mag ka ka sing bait ugat Hambingan Kapang-urian Kailanan Paraan? (Pangmudmod)

Obserbasyon vs Paliwanag Nasaksihan natin ang pagsusuri tungo sa paglalarawan, samakatuwid, obserbasyon tungkol sa isang bahagi ng balarila ng Filipino Ngayon tumungo tayo sa isang pagsusuri na nagpapaliwanag ng tungkol sa gawi ng wika.

May at mayroon Data May binili si Ben. Mayroong binili si Ben. May libro si Ben. Mayroong libro si Ben. Kongklusyon: Pareho ng gamit ang may at mayroon. Data May libro ba si Ben? *Mayroong libro ba si Ben? *May ba libro si Ben? Mayroon bang libro si Ben? May libro daw si Ben. *Mayroong libro daw si Ben. *May daw libro si Ben? Mayroon daw libro si Ben?

Kongklusyon: Ops. Hindi masusundan ang may ng salitang partikulo; masusundan ang mayroon ng partikulo.

May at mayroon pa DataMay sa palos si Ben. Mayroong sa palos si Ben. May ang kupad lumakad dito. Mayroong ang kupad lumakad dito. May may amoy ang sapatos dito.Mayroong may amoy ang sapatos. May mayroong amoy Mayroong mayroong amoy

Konklusyon: Ops. Puwedeng sundan ang may ng partikulo. Ano ba to?

Bakit?Nabihag ang datos, pero hindi naipaliwanag kung bakit may gayong gawi ang wika.(i) Bakit hindi nasusundan ng paningit ang may? (ii) Bakit nasusundan ng paningit ang mayroon? (iii) Bakit may dalawang salitang pangmayroon?

Bakit hindi maliligaya ang mga estudyante ng Filipino? Kung puro obserbasyon at walang paliwanag, walang gaanong ligaya sa buhay.

Saan sumasabit ang paningit?Obserbasyon: Gamit ang paningit para magbigay ng puna tungkol sa assertion. Sa unang halimbawa, pinupuna ng nga ang bumili. Bumili {nga, raw, ba) si Ogg ng lambanog. Hindi ngarod bumili si Ogg ng lambanog. Dapat pala(na) bumili si Ogg ng Lambanog. Mainam ding dapat magmumog si Ogg ng Lambanog?

Walang silbing punahin ang salitang pangbalangkasWalang dahilan para bigyan ng puna ang salitang pangbalangkas:Kay *{nga, raw, ba} Ben bumili si Ogg?

Ang may ay salitang pangbalangkasObserbasyon: Sa tungkulin, may pagka-pantukoy ang may.Ang libro sa mesa May libro sa mesa

Hindi matuturingan ang ang ng paningit:Ang *ba libro sa mesa

Hindi rin matuturingan ang may ng paningitMay *ba libro sa mesa

Paano matuturingan ang pagkakaroon to exist Solusyon: Gawing anyong pangnilalaman ang may. Paano?May + doon > mayroon

Patunay na pangnilalaman ang mayroon:1. Nakapag-iisa ang mga salitang pangnilalaman.Mayroon. Wala. Hindi. Mabait. Manloloko.

Pero hindi ang salitang pangtungkulin:*May. *Ang. *Ng. *Kay.

2. Nasasabitan ng paningit ang salitang pangnilalaman:Mayroon ba? Wala ba?

Hindi nasasabitan ng paningit ang salitang pangtungkulin, halimbawa, ang mga pantukoy:*May ba? *Ang ba? *Kay ba?

Patunay na pangnilalaman ang mayroon 2 Walang dahilan ang pagkawing ng doon sa may kundi gawing salitang pangnilalaman ang may para maigalang ang isang kakilingan ng wika.

Katumbas na sitwasyon sa Ingles: Do-support Para ma-appreciate ang obserbasyon, pansinin ang isang katumbas na sitwasyon sa Ingles.Ben (be+TNS)=is teaching tap dancing. (tense affixation) (be+TNS)=Is Ben teaching tap dancing? (tense inversion) Ben (teach-TNS) teaches tap dancing. (tense affixation) *Teaches Ben tap dancing? (tense inversion) *-es Ben teach tap dancing? (tense inversion)

Solution(do+TNS)=Does Ben teach tap dancing? (Do-support)

Whats going on here? Sa Ingles, isiningit ang do para lang may makapitan ang TNS affix para maigalang ang isang tuntunin (tense inversion) Sa Filipino, isinasabit ang doon sa may para makaakit ng paningit at maigalang ang isang tuntunin (sumisingit ang paningit sa tabi ng unang salitang may semantikong nilalaman).

Paliwanag Bakit nasusundan ang mayroon ng mga paningit pero hindi ang may? Sapagkat ang pagsingit ng mga paningit ay pagtuturing, at walang kapararakang punahin/turingan ang may na isang salitang pangkayarian, kaya ginawa munang salitang pangnilalaman ito sa pamamagitan ng pagsanib ng doon.

Ok ang paliwianag, pero Tulad ng paliwanag sa tanong na bakit maasim at berde ang hilaw na mangga. Ang layon ng mga bunga ay para makagawa ng puno na magbubunga Habang hindi pa handa ang bunga na gumawa ng puno, pinangangalagaan ito ng puno: berde ang kulay para maitago sa mga dahon; maasim ang lasa para hindi pitasin at kainin ng mga hayop Kapag handa na ang bunga, masarap, mabango at matingkad ang kulay nito Paliwanag ito kung tinatanggap natin na may isip ang punong mangga

Ok ang paliwanag pero Sa isang banda, maaaring pagdudahan dahil umaasa sa pag-iisip na alam ng balarila (narrow syntax) na ang mga salitang may, kay, ang, atbp. ay walang semantikong nilalaman Isa pa, paano ipapaliwanag na ang may ay nasusundan ng sa at may sa: May sa palos si Ben. May may amoy ang sapatos dito. May kay Ampi sa mga pasalubong. May sa malamig, sa malamig dito.

Humanap ng paliwanag nahindi batay sa semantiko kundi sa balangkasPangbalangkas na pagkakaiba ng may at mayroon: Ang may ay walang balangkas o internal structure Ang may+doon ay may balangkas Ang may libro ay may balangkas At gayon din ang mayroong libro

Ang walang balangkas na sangkap ay hindi masusundan ng sangkap na wala ring balangkas; (O, hindi bumubuo ang balarila ng isang sirang balangkas.)

Paliwanag batay sa anyo ng balangkasSinusundan ang may ng mga balangkas: [May [basi]] si Ben. *[[May ba] basi] si Ben? [May [sa palos]] si Ben. (May internal structure ang sa palos) [May [para sa kaniya]]. (Gayon din ang para sa kaniya) [May [ang bilis mag-isip sa kanila]] [[May+roong] basi] si Ben. [[[Mayroon] bang]] basi] si Ben?

Samakatuwid: (FunctionWord + Lexical Phrase)**FunctionWord + FunctionWord ?Lexical Phrase + Lexical Phrase

Ok. Bakit hindi isa na lang ang salitang pangmayroon? Sagot: May gamit ang may na hindi kaya ng mayroon. Ang mayroon ay laging umaakit ng paningit: Mayroon bang dinalang lambanog si Ben? Dahil dito, hindi matuturingan ng ba ang dinala: *?Mayroong dinala bang lambanog si Ben? Paano ngayon matuturingan ng paningit ang dinala? Sagot: gamitin ang may May dinala bang lambanog si Ben? Walang pang-akit ang may sa mga paningit ba: *May bang dinalang lambanog si Ben?

Magkaka- at magkakaruonPatunay na tayo ay nasa tamang daan:Magkakaruon ba ng pera si Ben? *Magkakaruon ng pera ba si Ben?

Paano matuturingan ng paningit ang pera? Sagot: tanggalin ang doon. Dahil ang magkaka- ay panlapi, mang-aakit ito ng makakapitan ang layong pera. Ngayon puwede nang akitin ng magkakapera ang ba.Magkakapera ba si Ben? Ang magkakaroon ay katumbas sa gamit ng mayroon

Ang magkaka- ay katumbas sa gamit ng may

Pa(sa)- at paruonPapunta sa Maynila si Ben. Papunta ba sa Maynila si Ben? *Papunta sa Maynila ba si Ben? Pa(sa)-Maynila si Ben. Pa(sa)-Maynila ba si Ben? Ang pa{pandiwa} ay tulad sa gamit ng mayroon Ang pa- ay tulad sa gamit ng may

WowDalawang paraan: object/noun incorporation, hal., magkakapera, pa-Maynila at de-contentivization hal., mayroon > may ang nagtulong, parang isang konspirasi, para mailagay sa unang posisyon ang layon: [Magkakapera ba] [May pera ba] at maturingan ng paningit, dahil sa ang paningit ay kumakabit lang sa unang balangkas ng pangungusap.

Structure-dependencyAnong prinsipyo ng balarila ang sinusunod ng mga operasyong ito? structure-dependency Ang isang operasyon na structure-dependent ay nakasandig sa abstraktong organisasyong pangbalangkas ng mga sunuran ng sangkap sa pangungusap.

Halimbawa pa ng StructureDependencyAuxiliary Inversion based on counting word types: invert the first auxiliary.Ben is tall when he is wearing padded shoes. > Is Ben tall when he is wearing padded shoes? The man [who is tall] is an American. *Is the man [who tall] is an American?

Auxiliary Inversion based on structure: invert the auxiliary of the main clause.Is the man [who is tall] an American?

Pinuhin ang Tuntunin tungkol sa Pagsanib ng baTuntunin: Isanib ang ba sa hulihan ng unang balangkas ng pangungusap. Mangalap pa ng mga datos, halimbawa: (a) ?[Talagang lumakad ba] si Tess? (b) [Talaga bang] lumakad si Tess? (c) *[Mabilis lumakad ba] si Tess? (d) [Mabilis bang] lumakad si Tess? (e) *[Talagang mabilis lumakad ba] si Tess? (f) ?[Talagang mabilis bang] lumakad si Tess? (g) [Talaga bang] mabilis lumakad si Tess? (h) ?Talaga bang mabilis bang lumakad si Tess?

Mga datos pa 1 [Para kay Tess ba] ang tuba? [Para ba] kay Tess ang tuba? [Ilan bang] aso ang lumusob? [Ilang aso ba] ang lumusob? Sampo bang libro ang binasa mo? Sampong libro ba ang binasa mo?

Mga datos pa 2 ?Tumakbo nang tumakbo ba si Ben? Tumakbo ba nang tumakbo si Ben? (Naisisingit ang ba sa pagitan ng inuulit na salitang pandiwa.) Mabilis na mabilis ba si Ben? *Mabilis ba na mabilis si Ben? (Hindi maisisingit ang ba sa pagitan ng inuulit na salitang panguri.)

Mabilis ba nang mabilis kumain si Ben kaya siya natinik ng isda? (Pero tinatanggap (?) kung ang inuulit na salita ay pang-abay.)

Mga datos pa 3 Tumakbo ba nang mabilis si Ben? *?Tumakbo nang mabilis ba si Ben? (Hindi magandang pakinggan kung ang ba ay nasa kanan ng pang-abay ng pandiwa at kung ang pang-abay ay sa kanan ng pandiwa.) Kumakanta bang naglalakad si Ben? *?Kumakantang naglalakad ba si Ben? (Hindi magandang pakinggan kung ang ba ay nasa huli ng magkasunod na pandiwa.)

At mga datos pa 4 Nagbabalak bang maghandang maglakbay si Ben? *Nagbabalak maghanda bang maglakbay si Ben? *Nagbabalak maghandang maglakbay ba si Ben? Atbp.

Ano ang Balarila? Ang balarila ay isang sistema na, tulad ng ano mang sistemang pangkalkulasyon, ay ginagabayan ng mga desiderata na tulad ng economy, symmetry, elegance, simplicity. Sapagkat ang balarila ay isang sistemang organiko, ang mabisang pagtuklas ng balarila ay umaalinsunod sa pamamaraang experimental. Ang layon ng pag-aaral ng (teorya ng) balarila ay makapagdag ng kaalaman tungkol sa balangkas, organisasyon at operasyon ng pag-iisip ng tao.

Pag-aaral ng BalarilaAng pag-aaral ng balarila ay isang magandang pagkakataon para malinang ang maka-agham na pag-iisip. Ilang kainaman: Matipid (di kailangang ang mga mahal na aparato) Simpleng eksperimento (walang mabusising paghahanda ng experimento) Madaling mangalap ng mga datos (nasa isip ng mga nag-aaral ang datos) At episyente (mabilis ang iteration ng hypothesis testing)

Shameless Self Promotion

Shameless Self-Promotion 2Abangan ang ikalawang libro sa serye: Sintaks ng Filipino