Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

33
CEBU INSTITUTE OF TECHNOLOGY UNIVERSITY Ipinasa ni: Ipinasa Kay:

description

Pagsusuring pampelikula sa pelikulang Petrang Kabayo.

Transcript of Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Page 1: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

CEBU INSTITUTE OF TECHNOLOGYUNIVERSITY

Ipinasa ni: Ipinasa Kay:

Escala, Jane Claire D. Gng. Virginia ColipanoFIL012 Z9 Guro sa Filipino7:30-9:00AM TTH

Page 2: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 3: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 4: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 5: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

VICE GANDA bilang si Peter at ang boses ni Petrang Kabayo.

ABBY BAUTISTA bilang si Pauleen. Luis Manzano bilang si Erickson.

GLORIA ROMERO bilang si Lola Idang.

SAM PINTO bilang si Sam. CANDY PANGILINAN bilang si Maita.

DJ DURANO bilang si Dickson.EAGLE RIGGS bilang si Diobayo.

Page 6: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 7: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

TOM RODRIGUEZ bilang si Chito.

JOY VIADO bilang si Lina.

JOHN ARCILLA bilang si Poldo.

RICKY RIVERO bilang si Geronimo.

NADINE LUSTRE bilang si Dina.

ATAK bilang si Dalvie.

Page 8: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 9: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

EUGENE DOMINGO bilang si Doña Biday.

ANNE CURTIS bilang si pasahero ng kalesa.

MAKISIG MORALES bilang si batang Peter.

GLADYS REYES bilang si buntis na pasahero ng kalesa.

JOHN LAPUS bilang si Tsinoy na matrona.

DENNIS PADILLA bilang si Marjoroi.

JAYSON FRANSISCO bilang si Waiter.

Page 10: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 11: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Nagsimula ang pelikula sa isang panaginip ni Peter (sa katauhan ni Vice Ganda) na animo’y isang bangungot. Kung saan siya’y tumatakbong takot na takot. Tila siya ay sinisingil sa kanyang pagkakautang. Matapos maging isang kabayo ay nagising na siya’t gulat na gulat sa tauhang gumigising sa kanya. Ginigising siya dahil si Donya Biday ay biglang hinimatay nung kumain siya ng Diningding shake at Binignit Sandwich sa hindi malamang dahilan. Agad nilang dinala si Doña Biday (sa katauhan ni Eugene Domingo) sa ospital. Makalipas ang dalawang araw ay nakauwi na din siya.

Naglalakad-lakad si Peter sa hacienda habang sila Chito (sa katauhan ni Tom Rodriguez), Dickson (sa kataunhan ni DJ Durano) at Erickson (sa katauhan ni Luis Manzano) ay nag-uunahan sa pagligo dahil amoy kabayo na sila. Para makapanilip ay pinili ni Peter na manatili sa may paanan ng nananahimik at kumakain na kabayong si Black Beauty. Dahil dito, siya ay nakaladkad, nabugbog ang kanyang katawan at naging sugatan. Sa sobrang galit niya ay pinakatay niya ito at pinaluto. Hindi siya sinabayan pagkain ni Doña Biday dahil sa paborito niyang kabayo si Black Beauty. Itinanong ni Doña Biday bakit nagkaganoon siya. Naging malupit siya sa mga tao at hayop sa paligid niya. Pinagatlunan nila ito at muling binalikan ang kwento ng buhay ni Peter labinlimang taon na ang nakakalipas. Dito nagsimula ang pagbabalik-tanaw sa buhay ni Peter noong bata pa siya.

Mula noong mamatay ang ina ni Peter sa sakit na tipus, naging malupit na ang kanyang ama (sa katauhan ni John Arcilla) sa kanya. Binubugbog siya sa tuwing magpapakabakla siya, nilulublob siya sa tubig nang matauhan, at nung mawala pa ang kabayong si Brown Beauty ay siya ang inihalili dito. Pinaghahampas na tulad ng isang kabayo hanggang sa naisipan niyang magbalot at maglayas. Nagpagala-gala siyang parang isang pulubi. Nagutom, nagulpi pagkatapos ay naglakad hanggang sa siya ay mapadpad sa harap ng bahay ni Doña Biday. Tila siya’yb isang patay nang matagpuan nila. Nang nilapitan ay buhay naman kaya’t agad nilang ipinasok sa bahay, pinaliguan at pinakain. Dahil sa natuwa si Doña Biday sa kanya, siya ay inampon at pinuno ng pagmamahal.

Kaya ngayon, nagtataka si Doña Biday bakit nagkaganoon si Peter. Bakit siya ay naging malupit sa mga hayop at tao sa paligid niya. Sa sobrang haba ng kwento ni Doña Biday, natuyuan ito ng laway at nahirapan huminga na nagdulot ng kanyang kamatayan.

Page 12: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Nang mamatay si Doña Biday, ang kanyang mga abo ay piniling paliparin sa hangin sa may hacienda sa kadahilanang noong buhay pa siya ay gusto niyang magpagala-gala sa hacienda at ngaung patay na siya ay mas gusto niyang magpagala-gala sa hacienda.

Nagkasalubong ang kalesa ni Erickson at ang kotse ni Peter. Inutusan pa ni Peter na sagasaan sila Erickson. Nagsumbong si Erikson kay Lola Idang (sa katauhan ni Gloria Romero). Dahil dito naisip ni Dickson na humanap ng ibang trabaho. Sa dyaryo ay kanilang natagpuan ang Solid Liquid Airlines na pag-aari pala ni Peter. Ang kompanyang ito ay naghahanap ng mga bagong empleyado na papalit sa mga nag-Mass resignation noong nakaraang linggo.

Pag-uwi ay nadatnan niyang bukas ang lahat ng ilaw sa bahay. Nagtaka siya bakit. Ang dahilan pala ay ang pagdating ng anak ni Maita (sa katauhan ni Candy Pangilinan) na si Sam (sa katauhan ni Sam Pinto) galing Amerika. Siya ang pinag-aral ni Doña Biday at inihatid nila nung araw na mapulot nila si Peter. Dito ay sinabi nila kung bakit sa tingin nila ay inilihim ni Doña Biday ang paksang ito sa kanya. Kesyo baka daw magselos si Peter, dahil hidhid daw ang budhi ni Peter, makasarili, sakim, at siya raw ay demonyo sa lupa. At dahil sa mga narining na ito ni Peter, nagalit siya at gusto na silang palayasin. Ngunit nangatwiran si Sam. Sa last will and testament day ni Doña Biday na hindi sila pwedeng palayasin kundi 50% ng mamanahin ni Peter ang mawawala sa kanya maging sa opisina kung saan siya nagrereyna-reynahan ay may shares ding nakalaan para kay Sam. Ngunit hindi naman daw nakasaad sa last will kung paano ni Peter itatrato ang mga tauhan kaya pinatulog niya sila sa basement ng bahay. Ngunit di naglaon, pinalipat sila ni Peter sa kwadra ng mga kabayo.

Kinabukasan, naabutan ni Peter na nag-aaply ng trabaho sila Erickson at Dickson sa Solid Liquid Airlines na noon lamang nila nalamang si Peter pala ang may-ari. Kung anu-ano pang mga pang-iinsulto ang sinabi nila. Kaya minabuti nilang umalis na lamang kesa masipa ng kabayo.

Nang pauwi na ay nakita ni Peter ang kanyang ama kasama ang isang batang babae. Sinundan nila ito hanggang sa bahay. Ito ang muling pagkikita ng mag-ama. At dito rin niya nakilala ang kapatid niyang si Pauleen (sa katauhan ni Abby Bautista) na naging anak ni Mang Pablo sa napang-asawa niya sa Maynila. Napagdesisyonan ni Peter na kunin ang kapatid niya. Dinala nya ito sa opisina at ipinakita kung ano ang kanyang katayuan sa buhay ngayon.

Page 13: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Dahil nga sa nadapuan ng matinding virus si Sylvester hindi ito pinayagang lumaban ng beterinaryo. Ngunit dahil sa pagmamatigas ni Peter, napilitang lumaban si Sylvester. Namatay ito at dito nagsimula ang sumpa ni Diobayo (sa katauhan ni Eagle Riggs).

Init na init si Peter at hindi alam ang gagawin. Matapos uminom ng tubig ay lumabas ng bahay, Nakarinig siya ng boses na tila sinisingil siya. Nagtatakbo siya sa gubat. Nagkita sila ni Diobayo. Matapos silang makapag-usap ay nagtatakbo na siyang muli palayo hanggang sa maging isa na siyang kabayo.

Kinabukasan, nagising siyang nasa gubat at walang suot na damit. Nakakita siya ng ahas at siya niyang ginamit niyang damit pauwi sa bahay. Inabutan niyang kumakain ang mga tauhan niya at sinabing ibabawas sa sweldo nila ang kanilang mga kinain. Matapos maligo, biglang sumulpot si Diobayo upang ipaliwanag ang sumpa ni Peter. Pagdating sa opisina, takang-taka ang lahat ng tao dahil sa kakaibang ipinapakita ni Peter. Nang makita niyang low batt ang kanyang cellphone ay pinasok niya ang isang kwarto sa opisina at pinalayas ang mga nagmimiting dito upang makapag-charge ng cell phone. Dahil sa ‘di kagandahang asal na kanyang ipinakita, muli siyang naging kabayo.

Namatay ang kabayo ni Erickson na si Ermita. Sa burol ni Ermita, biglang sumulpot ang isang puting kabayo at pinangalanan ito ni Lola Idang na Petrang Kabayo. Samantalang ang mga tauhan sa bahay ni Peter ay nag-aalala’t naghahanap sa kanya. Ibinalita naman nila ito kila Erickson at Dickson.Sa bahay naman ay may nararamdamang lungkot si Pauleen.

Habang si Erickson ay abalang-abala sa paghahanda ng pagkain ni Petra, si Petra naman ay nakarinig ng humihingi ng saklolo. Sinaklolohan niya ang isang Tsinoy na matrona ( sa katauhan ni John Lapus). Matapos ang byahe nila ay pinaliguan ni Dickson si Petra pagkatapos ay siya naman ang naligo. Dahil sa matagal na ding hindi nakakakita si Peter ng mga lalaking nakahubad ay minabuti niyang sumilip kay Dickson sa paliligo. Kinagabihan, pauwi na si Dickson matapos ang byahe samantalang si Erickson ay niyaya na si Petra ayaw pa rin umuwi. May mag-syota na sumakay sa karwahe ni Erickson papunta sa sinehan nang nakasalubong nila ang isang buntis (sa katauhan ni Gladys Reyes) na humihingi ng tulong dahil manganganak na siya. Dahil ayaw bumaba ng mag-syota dahil leyt na daw sila sa last full show ay pinili ni Petra na yugyugin ang karwahe hanggang sa malaglag ang dalawa. Tila natakot na ang buntis na sumakay sa karwahe at sinabing doon

Page 14: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

na lang siya manganganak ngunit pinilit pa rin ni Erickson ang buntis na sumakay sa karwahe para madala sa ospital. Mag-uumaga na nang naging taong muli si Peter.

Samantalang sa opisina ay dumating ang abogado ni Peter dahil sa utang na liimang milyong piso na malaki na ang tubo. Namomroblema si Sam kung paano ito mababayaran. Samantalang si Lola Idang, Erickson at Dickson ay namomroblema dahil nawala ang kabayo nilang si Petra. Pagdating ni Peter sa bahay ay naging masaya nang muli ang kanyang kapatid an si Pauleen. Pagdating sa opisina ay nagmiting sila tungkol sa lumalakiing utang ng kompanya.

Kianbukasan, pinuntahan ni Peter ang bahay nila Erickson upang magbigay sana ng kabayo dahil nabalitaan kuno niya na nawala ang kabayo niyang si Petrang Kabayo. Kinagabihan ay napagtsismisan nila ni Diobayo ang sinabi ni Erickson tungkol kay Petra isa pa namigay din ng sweldo si Peter sa mga tauhan niya sa kabila ng problema niya sa opisina.

Kinabukasan, natagpuan ni Peter ang abogado sa mga kwadra ng kabayo dahil pinapabilang niya ang mga kabayo dahil nakakita na daw siya ng bibili nito. Nag-init ang ulo ni Peter dahil dito kaya naging kabayo siyang muli. Kinagabihan, isinoli ni Erickson ang kabayong ibinigay ni Peter. Bago umalis ay nakita ni Sam si Petra. Dito din nagkakilala si Sam at Erickson.

Kinabukasan, natagpuan ni Lola Idang na si Petra at si Peter ay iisa. Pagbalik ni Peter sa bahay ay isinama niya ang kapatid na si Pauleen at kumain sila sa labas. Bukod dito, binigyan niya sila ng perang panimula at isinoli na niya si Pauleen kay Mang Poldo. Nang malapit na sila sa bahay ay nasiraan sila ng sasakyan kaya minabuti na lang nilang lakarin ang bahay. Pagdating ay naabutan nilang nakabulagta si Mang Poldo sa sahig. Dahil sa walang sasakyan, naisip ni Peter na kunin na lang ang karwahe na gamit ng kanyang ama sa hanap-buhay dati. Si Geronimo (sa katauhan ni Ricky Rivero) ang naging kutsero samantalang si Peter ang pumwesto sa pwesto ng kabayo. Dahil sa paghampas ni Geronimo sa kanya, nainis siya at naging kabayo. Pagdating sa ospital, kinapos lang daw sa potassium si Mang Poldo kaya hinimatay. Nagkapatawaran na ang mag-ama.

Naisip ni Peter na ibenta ang ibang properties at alahas ni Doña Biday ngunit tingin nila ay hindi ito aabot ng isang daang milyong piso pero makakatulong kahit papaano. Nakita ni Maita ang isang poster ng Amazing Horse Race. Naisip niyang magiging malaking tulong ito sa kanilang

Page 15: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

problema sa kumpanya. Ngunit naisip nilang wala na silang mabibilis na kabayo na pwedeng ilaban. Kaya pinipilit niya si Erickson na maging hinete ni Petra para sa laban.

Sa araw ng laban, nahirapan na si Peter maging si Petra dahil mabait na siya. Biglang dumating si Diobayo para tumulong maging kabayong muli si Peter. Sa laban, nangungulelat si Petra. Pero nang sumgaw siya, “kapag hindi kayo tumigil gagawin ko kayong tapaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” ay nagsitigil ang lahat ng kabayo at nanalo sila. Dahil sa sobrang tuwa ay nahalikan ni Erickson ng lips to lips si Petra. Dahil dito nawala na ang sumpa ni Peter. Naging masaya na ang lahat dahil nanalo na sila hindi pa mareremata ang hacienda.

ANG WAKAS

Page 16: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 17: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Uri ng Pelikula:

Comedy/Fantasy

Kaanyuan ng Pelikula:

Ang TEMA ng pelikulang PETRANG KABAYO ay nagpapahiwatig na huwag tayong maging malupit sa mga hayop at taong nakapaligid sa atin dahil hindi lahat sila ay masama.

Uri ng Pananalig:

Ang pelikulang Petrang Kabayo ay patungkol sa pagkatuto ni Peter kung paano makisama sa kapwa at sa mga hayop ng maayos matapos ang isang sumpa. Kaya maari nating masabing moralistiko ang uri ng pananalig na ginamit.

Maari ding maging humanismo ang uri ng pananalig na ginamit dahil ipinapakita ang mga saloobin ng tauhan na nasa akda.

Istilo ng Paglalahad:

Pangkaraniwang anyo ng paglalahad ang ginamit na istilo. Dahil naipakita dito na dumaan si Peter sa dusa sa kanyang ama at nagbago ang kanyang buhay nang madampot siya ni Donya Biday sa harap ng bahay nito. Nagkaroon ng kakaibang galaw ang kwento nung mabigyang sumpa si Peter. Gayun pa man, naging magaan ang daloy ng kwento kaya masasabing ito ay pangkaraniwang anyo ng paglalahad.

Matayutay o Matalinhagang Pananalita:

1. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”-Erickson

Kung literal mong pakikinggan, masasabi mong ”sino pa ang kakain ng mga damo kung patay na ang kabayo?” Pero kung palalalalimin, sinasabi nitong ano pang ang magiging silbi kung wala namang pag-aalayan.

Page 18: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

2. “You can run but you can’t hide”-Diobayo

Kung sa tagalog pa, “maari kang tumakbo pero hindi ka makakapagtago.” Sa madaling salita, ‘wag mong takasan ang problema mo.

3. “Masamang damo yata ako.”-Donya Biday

Sinasabi lang dito na matagal pa siyang mamamatay. Ito yung bahagi na nadala sa ospital si Donya Biday dahil sa bigla siyang hinimatay matapos kumain ng Diningding Shake at Binignit Sandwich.

Pansariling Reaksyon sa mga tauhan:

Naging magaling ang pagganap ng mga tauhan sa pelikula. Maging ang mga bagong artista na sina Sam Pinto at Abby Bautista ay hindi maikakailang magaling din. Si Vice Ganda naman bilang si Petrang Kabayo ay naka-aliw sa marami at siya ring mas nagpasigla sa pelikula. Naging karagdagan pang pampatawa ang kagalingan ng mga batikang komedyante sa pelikula.

Pansariling Reaksyon sa galaw ng mga pangyayari:

Naging maayos ang galaw ng mga pangyayari. Nagkaroon ng maraming twist ang kwento lalo na nung nabigay na ni Dyobayo ang sumpa kay Peter. Nakakaintriga ang naging lunas sa sumpa ni Peter. Hindi ko akalaing mangyayari. Bawat eksena ay nakakatawa ngunit paniguradong kapupulutan ng aral.

Page 19: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 20: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Sosyolohikal:

Naging masama si Peter dahil sa ‘di maayos na pagtrato ng kanyang ama dahil sa kanyang kabaklaan. Nagkimkim siya ng sama ng loob. Kaya pati ang mga tao at hayop sa paligid niya ay pinagmalupitan niya. Naging dahilan ito ng kanyang pangit na pakikitungo sa kapwa niya.

Sikolohikal:

Sa una, mabait na bata si Peter. Sa kabila nito, siya ay madalas na nabubugbog ng kanyang ama dahil sa kanyang kabaklaan. Dahil dito, namuo ang galit sa kanyang dibdib.

Arketipal:

Kung sa mga diksyunayo natin titignan ang kahulugan ng salitang “kabayo”, ito ay isang hayop na magagamit sa transportasyon. Ngunit kung sa pelikulang ito natin titignan, madalas magamit ang salitang “kabayo” bilang panghalintulad sa pisikal hitsura ni Peter.

Isa pa, ang salitang “hayop” na kung sa makasiyensyang

diksyunaryo natin titignan ay ito’y pangunahing grupo ng mga organismo sa buong mundo. Ngunit sa pelikulang ito, inihahalintulad si Peter sa isang hayop dahil sa kanyang pag-uugali. Gaya ng linyang binitawan ni Geronimo noong doon sila pinatulog sa kwadra ng mga kabayo. “ Maita, wag ka ng umiyak. “‘Wag mo nang iyakan ang hayop na yun.” Pati yung linya ni Sam na “ Tito, sinong hayop? Itong mga kasama natin sa kwadra o si Peter?”

Page 21: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 22: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

Bisa sa Isip:

Mas napatotohanan ang pinaniniwalaan kong “ang lahat ng gingawa ng isang tao ay may dahilan.” Kasi hindi naman magiging masama si Peter kung wala siyang naging masamang nakaraan. Bukod dito, mas naniniwala ako na “hindi madaling kalimutan ang nakaraan.” Kasi kung nakalimutan na ni Peter ang nakaraan, hindi niya kukunin ang kanyang kapatid. Sa halip ay tutulungan niya ang kanyang ama at kapatid.

Bisa sa Damdamin:

Nakakaantig yung bahagi ng pelikula na dinalaw ni Peter si Mang Poldo nang maospital ito dahil sa pagkakulang sa potassium dahil sa bahaging ito na pinatawad ni Peter si Mang Poldo. Habang nanood ng pelikula ay puro tawa lang ang maririnig mo sa paligid. Pati ako tawa ng tawa.

Bisa sa Kaasalan:

Mas napagtanto ko na hindi dapat maging matigas ang ating puso sa mga taong nagkasala sa atin. Hindi dapat maging masama ang tingin natin sa mga tao sa paligid natin. Dapat ay ituring natin sila kung paano nila tayo ituring. Pero kung masama ang pagturing nila sa atin, dapat maging maayos pa rin ang pakikitungo natin sa kanila.

Page 23: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 24: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

1. “Laging nasa huli ang pagsisisi.”

Ang bawat tao, may nagagawang pagkakamali at ang mga nagiging resulta nito ay napagsisishan lamang kung kailan tapos na at hindi na mababalik ang panahon.

Sa pelikula pa, nabigyan muna ng sumpa si Peter bago niya mapagtanto na mali ang naging pagtrato niya sa mga hayop at tao sa paligid niya. Naging malupit siya sa mga ito na hindi naman dapat. Nang magsisi siya ay nagbago siya. Hindi na katulad ng dati na madaling mag-init ang kanyang ulo.

2. “Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”

Sa madaling salita, hindi ka aasenso kung hindi ka marunong magpasalamat o tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong o naging mabuti sa’yo.

Noon pa mang ampunin siya hanggang sa mamatay si Donya Biday ay naging malupit si Peter sa kanilang mga tauhan at kasambahay maging sa mga kabayo sa hacienda. Hanggang sa nalubog sa utang ang kumpanya at ang kanyang naging tanging sandalan ay sila rin.

3. “Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.”

Sa madaling sabi, ‘wag tayong magpapadalos-dalos sa ating mga dasisyon dahil maaring hindi natin magustuhan ang

Page 25: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

magiging resulta at mauwi ito sa malaking gusot na hindi madaling lusutan.

Page 26: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo
Page 27: Pagsusuring Pampelikula-Petrang Kabayo

1 Kung ikaw ay isa sa mga tauhan ng pelikula, anong papel ang gusto mong gampanan at bakit?

* Kung ako ay isa sa mga tauhan, pipiliin kong maging si Peter. Kasi sa kabila ng mga ginawa sa kanya ng kanyang ama, natutunan pa rin niyang magpatawad kahit pa kinailangan muna niyang makatikim ng isang sumpa bago matuto ng kanyang leksyon.

2 Bakit kaya pinamagatang “Petrang Kabayo” ang pelikula?

* Pinamagatang “Petrang Kabayo” ang pelikula dahil sa ito ang naisip na ipangalan ni Lola Idang sa isinumpang maging kabayo na si Peter na siyang bida sa pelikula.

3 Sang-ayon ka bang nararapat na ipalabas ang ganitong uri ng pelikula? Bakit?

* Sang-ayon ako na muling ipalabas ang pelikulang ito sa pagganap ng mga bagong katauhan. Ito ay upang maipakita ang pagkakaiba ng lumang Petrang Kabayo sa modernong Petrang Kabayo. Bukod dito matututo pa ang lahat na dapat tayong maging mapagpatawad sa kahit ano pa mang kasalanan na nagawa sa atin.