PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

27
PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN Chan, Jonathan P. 2012-58934 BS Molecular Biology and Biotechnology Isang Pananaliksik Para sa asignaturang Filipino 40 Isinumite kay Dr. Jimmuel C. Naval

description

Isang pagsusuri ukol sa paggamit ng e-texbook

Transcript of PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Page 1: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA

ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Chan, Jonathan P.

2012-58934

BS Molecular Biology and Biotechnology

Isang Pananaliksik

Para sa asignaturang Filipino 40

Isinumite kay Dr. Jimmuel C. Naval

Marso 2013

Page 2: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Dedikasyon

Nais pasalamatan ng mananaliksik ang lahat ng sumagot sa kanyang sarbey lalo na

sina Erricka Calvelo at Jeremil David sa kanilang pagtulong humikayat ng mga

tutugon. Lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang ina sa walang sawang suporta at

sa kanyang gurong si Dr. Jimmuel C. Naval sa lahat ng naiambag niya upang malikha

ang pag-aaral na ito.

Inaalay ng mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na madalas gumamit

ng e-textbook at lubusang natutulungan dahil sa makabuluhang teknolohiyang ito.

Higit sa lahat, nais niyang ialay ng mananaliksik ang pag-aaral sa Puong Maykapal na

nagbigay sa kanya ng gabay at talas ng ispip upang maisagawa ito.

Page 3: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Abstrak

103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang taon at kurso ang pinasagot ng sarbey tungkol sa paggamit ng electronic textbook o e-textbook. 70% ng mga sumagot ay nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook kung saan marami ang mula sa Kolehiyo ng Agham at Pag-iinhinyero. Napagalaman na madalas gamitin ang mga e-textbook at malaki ang tulong nito sa pag-aaral. Ayon din sa resulta ng sinagawang sarbey, marami na ang tumatangkilik sa mga e-textbook subalit hindi ibig sabihin nito na malalaos ang paggamit ng pisikal na aklat. 79% ang nagsabing mas pipiliin nilang magbasa ng pisikal na aklat kung papipiliin sa dalawa. Ibig sabihin, ginagamit ang e-textbook bilang pandagdag impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. Gayunman, suliranin sa pagbugso ng industriya ng e-textbook ang pamimirata sapagkat 93% ang umaming di binibili ang mga e-textbook na kanilang ginagamit. Upang masugpo ang pamimirata at mas mapalaganap pa ang paggamit ng e-textbook, iminumungkahi ng mananaliksik na tanggalin na ng mga malalaking kumpanyang naglilimbag ang mga paghihigpit na humahadlang sa mga Pilipinong bumili ng e-textbook mula sa kanilang website.

Page 4: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PANIMULANG PAHINA……...…………………………………………………………i

DEDIKASYON………...…………………………………………………………………ii

ABSTRAK……………...………………………………………………………………..iii

PANIMULA

Layunin ng Pag-aaral …………………………………………...…….…………….1

Pamamaraan ……………………………………………………...…………..……..1

Saklaw at Limitasyon ………………………………………...……………………..1

Kahalagahan ng pag-aaral …………………………………...……………………...2

Mga kaugnay na pag-aaral……………………………...…………………………..2

KABANATA

I. Pangkalahatang Resulta ng Sarbey………..……………………….……...3

II. Kapakinabangan ng e-textbook………………….……………….……….6

III. Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook? ……..…………. 9

IV. Isyu ng Pamimirata ng e-textbook………….………………..………..…12

LAGOM AT PANGWAKAS……………………………………………………………14

LISTAHAN NG MGA FIGYUR AT TALAHAYNAYAN…………………………….15

SANGGUNIAN………………………………………………………………………….16

APENDIKS A: SARBEY……………………………………………….………………17

Page 5: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Panimula

A. Layunin ng Pag-aaral

Mabilis na nagbabago ang teknolohiya sa ating modernong panahon. Lumaki ang

kabataan ngayon na kasama ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone,

laptop at tablets. Sa katunayan nga, maraming mga bata ang bihasa na sa pagkalikot

ng mga iPad kahit nasa elementarya pa lang at mayroon nang sariling mga facebook

account. Dahil dito, sinasabing sanay ang kabataan ngayon sa mundong digital.

Ngunit bukas rin kaya ang bagong henerasyon sa rebolusyong pang-edukasyon?

Tinatangkilik ba ng mga mag-aaral ang electronic textbook o e-textbook? Nais

sagutin ng pananaliksik ang mga katanungan ito.

B. Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey na ipinamahagi sa

internet. Unang tinanong kung gumagamit ba ng e-textbook ang mga sumagot. Kung

hindi ay itatala na agad ang kanilang tugon at doon magtatapos ang sarbey. Kung oo

naman ang kanilang isinagot, tinanong din sila ukol sa kapakinabangan ng e-

textbook sa kanilang pag-aaral, mga dahilan kung bakit nila ito ginagamit at iba pa

(tingnang ang Apendiks A).

C. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa paggamit ng etexbook ng mga mag-

aaral sa UP Diliman. Maaring magiba ang resulta ng pag-aaral kung mga estudyante

Page 6: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

ng ibang pamantasan ang gawing batayan. Ipinapalagay din ng mananaliksik na

sinagutan ng tapat ang sarbey na ipinalaganap.

D. Kahalagahan ng pag-aaral

Malaki ang potensyal ng e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. Hindi na

kailangang magputol ng maraming puno para lang makalikha ng isang libro.

Mababawasan din ang bigat na pasan ng mga mag-aaral sa kanilang likod pagpasok

sa paaralan. Mahalagang malaman kung marami na ba ang gumagamit ng e-textbook

sapagkat makakatulong ang resulta ng pananaliksik sa pagsusubaybay sa bagong

industriyang ito. Maari din siyang maging katwiran upang ipahayag sa mga

kumpanyang naglilimbag na malaki ang kanilang pontensyal ng merkadong ito.

E. Mga kaugnay na pag-aaral

Wala masyadong pananaliksik tungkol sa pagtanggap ng e-textbook ng mga mag-

aaral. Gayunman, kasalukuyang sinusubukan ng La Salle Greenhills High School ang

paggamit nito upang palitan ang mga tradisyonal na libro. Ayon sa isang artikulo sa

Manila Times, nakipagtambalan ang nasabing paaralan sa kumpanyang Samsung

upang mabigyan ng tablets ang kanilang mga mag-aaral.

Sinisikap din ng Vibe technologies, isang kumpanyang may kaugnayan sa Vibal

Publishing house, lumikha ng e-textbook na mabubuksan sa iba’t-ibang gadyet para

sa mga mag-aaral sa lahat ng antas. Nais din nilang makalikha ng isang digital na

kurikulum para sa mag-aaral ng makabagong panahon.

Page 7: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Kabanata I:

Pangkalahatang Resulta ng Sarbey

Nakalikom ang mananaliksik ng 103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang

taon at kurso. 72 sa ng mga sumagot ng sarbey ay nagsasabing gumagamit sila ng e-

textbook habang 31 naman ang hindi. Dahil 70% ang sumagot na Oo, maaring

masabi na marami nga ang tumatangkilik dito.

Fig. 1. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral

Tal. 1. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Gumagamit ng e-textbook Oo % Oo

Eng’g-Sci 54 75%

Ibang kolehiyo 18 25 %

Total: 72 100%

Mula sa datos ng sarbey, kapansinpansin din na 75% ng mga gumagamit ng e-

textbook ay mula sa kolehiyo ng pag-iinhinyero at agham. Ngunit isang salik ang

dami ng mag-aaral kung bakit galing sa dalawang kolehiyo na ito ang karamihan ng

sumagot na Oo. Upang mapatunayang karamihan nga sa mga mag-aaral ng pag-

iinhinyero at agham ay gumagamit ng e-textbook, kailangan din tingnan ang

porsyento mula sa dalawang kolehiyo na hindi gumagamit nito.

Page 8: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Fig. 2. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

16.92% lamang mula sa dalwang nasabing kolehiyo ang hindi nagbabasa ng e-

textbook. Malaking agwat ito sa 52.83% na nagsasabi rin na hindi mula sa ibang mga

kolehiyo. Dahil dito, maaring sabihin na ang kadalasang gumagamit ng e-textbook ay

mga mag-aaral ng pag-iinhinyero at agam. Ngunit bakit nga ba ganito? Ano ang

meron sa dalawang kolehiyo na ito at marami ang tumatangkilik sa e-textbook

galing dito?

Suriin natin ang mga asignaturang ginagamitan ng mga mag-aaral ng e-textbook.

Marami ang sumagot ng Kemistri, Pisiks, Bayoloji at Pag-iinhinyero sa isinagawang

sarbey. Ang mga asignaturang ito ay nangangailangan ng mga larawan upang

lubusang maintindihan. Halimbawa, kailangan mong makita ang larawan ng baga

para makuha ang konsepto ng paghinga. Mahalaga rin ang dayagrama sa kemistri

upang maunawaan ang istruktura ng mga biomolecules.

Page 9: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Fig. 3. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell)

Ang katangiang ng mga asignaturang nabanggit ay nagbibigay dahilan kung bakit

mga mag-aaral ng agham at pag-iinhinyero ang kadalasang tumatangkilik sa

etexbook. Kumpara sa pisikal na aklat na kadalasang binibili ng mga mag-aaral, mas

nakakatulong ang e-textbook sapagkat may kulay ito. Makakatipid din ang isang

estudyante kung ito ang kanyang gagamitin sa kamahalan ng pisikal na aklat. Tunay

ngang malaki ang matitipid dahil iba’t-ibang libro ang pinagbabatayan ng isang

propesor para sa pagsusulit. Sa katunayan, 72.22% ang nagsasabing gumagamit sila

ng e-textbook para makatipid sila.

Kahit ano pa man ang kurso ng gumagamit ng e-textbook, nagkakaisa ang lahat sa na

mabisa ito dahil maari mo siyang dalhin kahit saan. Nagbabasa ang 87.5% sa

kanilang mga portable gadgets ng e-textbook. Sa laptop man o tablet, ang

kagandahan ng e-textbook ay maari kang sumangguni sa iyong aklat nang hindi

nagbubuhat ng malalaking libro.

Page 10: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Kabanata II:

Kapakinabangan ng e-textbook at Kalamangan sa Tradisyonal na Aklat

Dumako naman tayo sa kapakinabangan ng e-textbook para sa mga mag-aaral ng UP

Diliman. Inantas ng mga sumagot ng sarbey ang kapakakinabangan ng e-textbook sa

kanilang pag-aaral mula 1-10 kung saan 10 ang pinakanakakatulong. Lumalabas na

77.78% ang iniantas ang paggamit ng e-textbook ng 8 pataas. Lima lamang ang

iniantas ito ng 5 pababa kaya naman maaring masabi na tunay nga itong

nakakatulong sa pag-aaral.

Fig. 4. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito

Tinanong din sa mga sumagot kung gaano nila kadalas nilang binabasa ang kanilang

e-textbook. 46% ay sinabing higit 3 beses sa isang lingo silang nagbabasa ng e-

textbook.

Fig. 5. Kadalasang gamitin ang e-textbook ng mga mag-aaral

Page 11: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Sinuri ng mananaliksik kung sino ang madalas gumamit ng e-textbook at

pinakanakikinabang sa paggamit nito. Ayon sa datos, dalwang klaseng mag-aaral

ang madalas gumamit at pinakanakikinabang sa e-textbook: ang mga may

programming at mga may kemistri.

Mga may asignaturang programming

Madaling maunawaan kung bakit maraming estudyante na may programming na

subject ang nagbabasa ng e-textbook. Kailangan ng mga kumukuha ng EEE at

ComSci gumamit ng kompyuter kapag nagsasanay silang mag-code. Mas madali para

sa kanila kung nasa laptop na rin mismo ang aklat na ginagamit nilang gabay sa

programming. Lalo itong nagiging mahalaga kapag nasa silid-aklatan sila nag-aaral.

Dahil na rin may kinalaman sa kompyuter ang kurso nila, sanay sila sa teknolohiya

bilang pantulong sa kanilang pag-aaaral. Kaya naman di sila ilang gumamit ng e-

textbook bagkos ay mas gusto pa nila ito.

Mga may asignaturang kemistri

Tila walang namang ugnay ang paggamit ng e-textbook at ang asignaturang

kemistri. Ngunit kung susuriin nang mabuti, magiging malinaw ang dahilan kung

bakit madalas gumamit nito ang marami sa mga may asignaturang kemistri. Para sa

mga hindi pamilyar sa asignaturang ito, kailangan magsulat ng lab report ang mga

mag-aaral kada linggo. At upang makilikha ng makabuluhan at masustansyang ulat,

kailangang sumangguni sa maraming libro mula sa silid aklatan.

Page 12: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Fig. 6. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report

Ang problema ng karamihan ay maraming oras ang kailangang igugol upang

siyasatin ang mga libro sa silid aklatan. Maaring manghiram ng aklat kung

nagmamadali pero napakabigat ng mga ito. Pwede rin magkulang ang

impormasyong nakuha kapag nagpaxerox lang. Kaya naman malaking tulong ang e-

textbook sa mag-aaaral na may lab report na kailangang isulat sapagkat nasa kanya

ang buong aklat nang hindi sumasakit ang likod kakabuhat ng makakapal na libro.

Maraming pang ibang dahilan ang sinasabi kung bakit magandang gumamit ng e-

textbook anuman ang kurso. Isa sa mga pinakamadalas isagot ang kakayahang

maghanap ng partikular na salita o pangungusap sapagkat napapabilis nito ang

proseso ng pag-aaral. Halimbawa, may hinahanap kang sipi ng isang manunulat. Di

mo na kailangang tumingin pa sa indeks; itayp mo lang at lalabas na ang pahinang

naglalaman ng iyong hinahanap. Hindi rin naluluma ang e-textbook kahit ilang beses

mo siyang basahin dahil digital ito. At dahil na rin digital ito, hindi mawawala ang

Page 13: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

mga palatandaan mo dito at nailalagay sa lahat ng gadyets na naglalaman ng iyong

e-textbook.

Kabanata III

Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook?

Ngunit sa kabila ng mga nasabing kagandahan ng e-textbook, may mga ilang

katangian ito na hindi kaayaaya para sa mga mag-aaral. Isang aspeto ang kamahalan

ng gadyet na ginagamit upang makapagbukas ng e-textbook. Kinakailangang

maglaan ng malaking salapi para lamang makabili ng gadyet tulad ng laptop o tablet.

Hindi ito pabor sa mga mahihirap na gipit na nga sa pera upang matustusan ang

kanilang pangmatrikula. Kahit maituturing na pamumuhunan ang pagbili ng laptop

sa dami ng pwedeng magawa gamit nito, mahirap pa rin silang bilhin dahil sa

kamahalan nila.

At kapag mayroon ka ng laptop o tablet na maaring gamitin para magbukas ng

etexbook ay masakit din anila sa mata ang pagbabasa dito. 29.17% ang nagsasabing

hindi nila gaanong gusto gumamit ng e-textbook sapagkat masakit sa mata ang

matagal na pagbabasa ng e-textbook. Dagdag pa dito ang tuksong pumunta sa

facebook at twitter habang nag-aaral gamit ang mga laptop o tablet at marami daw

websites ang nakikiagaw sa kanilang atensyon.

Ayon sa sarbey, marami sa mga gumagamit ng e-textbook ang mas gusto pa rin

magbasa sa pisikal na aklat. 79% ng mga gumagamit ng e-textbook ang nagsasabing

mas pipiliin nilang gumamit ng pisikal na aklat kahit marami silang sinabing

kagandahan ng e-textbook.

Page 14: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Fig. 7. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat

Iba’t ibang dahilan ang isinagot ng mga mag-aaral kung bakit nila mas gustong

gumamit ng pisikal na aklat. Tulad na nga ng nabanggit, may ilan na nagsasabing

masakit sa mata ang pagbabasa ng e-textbook sa mga gadgets. Tinuturo ring dahilan

ang di maiwasang tuksong pumunta sa facebook o twitter habang nagbabasa ng e-

textbook sa isang laptop.

Ngunit ang pinakamadalas na sinasabing dahilan ay mas gusto lang nila ang

pakiramdam nang nagbabasa ng pisikal na aklat. Para sa nakararami, iba pa rin

magbuklat ng libro kung saan nahahawakan ang mga pahina.

Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey, hindi pa rin

sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami

ang tumatangkilik dito. Sa kabila ng maraming kalamangan ang e-textbook, marami

pa rin ang ayaw talikuran ang mga pisikal na aklat .

Tingnan natin ang katwiran ng ilan sa mga nagsabing mas gusto nilang magbasa sa

pisikal na aklat.

Page 15: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

“Kahit mas madaling dalhin, iba pa rin ang pakiramdam ng

nagbubuklat ng totoong libro.”

“Iba pa rin talaga ang reading experience sa print.”

“Mas gusto kong basahin ang tunay na nahahawakan ko.”

Nagkakaisa ang karamihan na iba daw ang kanilang pakiramdam kapag e-textbook

ang binabasa. Maaring magbigay linaw sa kaganapang ito ang teorya ni Dr. Michio

Kaku, ang batikang physicist na may akda ng string theory at manunulat ng agham

sa paraang nauunawaan ng madla.

Ayon sa Caveman principle ni Dr. Kaku, taglay pa rin natin ang emosyon ng mga

taong kweba kahit na nabubuhay tayo sa kasalukuyang panahon. Mas gusto ng mga

taong kweba na nahahawakan ang mga bagay-bagay at di mapakali kapag hindi

nagagamit ang kanilang pandama.

Ilang libong siglo na ang nakalipas ngunit hindi nabago ang sentimyentong ito.

Aniya, ang Caveman principle daw ang dahilan kung bakit malabong magkaroon ng

isang opisinang di gumagamit ng papel. Gusto ng nakararami na magkaroon ng

nahahawakang bersyon ng nakasulat sa kanilang laptop.

Ang prinsipyong ito ay maari ring magbigay linaw kung bakit ayaw talikuran ng mga

mag-aaral ang pisikal na aklat. Nais pa rin ng marami na mahawakan ang kanilang

libro at naririnig ang ang pagbuklat ng mga pahina.

Page 16: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Kabanata IV:

Isyu ng Pamimirata ng e-textbook

Tinanong sa sarbey kung binibili ba ng mga sumagot ang etexbook na kanilang

ginagamit. Ayos sa datos, 93% ang nagsabing hindi sila bumibili habang 7% o 5 lang

sa mga sumagot ang bumibili ng e-textbook. Nakakabahalang isipin na talamak ang

pamimirata ng libro sa mag-aaral ng UP Diliman.

Fig. 8. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook

Ngunit kung susuriin nang mabuti, hindi talaga maiiwasan ang kaganapang ito. Una

sa lahat, walang malaking kumpanya ang nagbebenta ng e-textbook sa bansa. Ang

amazon.com, ang pinakamalaking korporasyon na nagbebenta ng libro sa buong

mundo, ay nililimitahan ang mga e-textbook na maaring bilhin ng mga Pilipino sa

kanilang website. Mas malala pa ang patakaran ng Apple iBookstore sa kanilang

ebook section, hindi ito bukas sa mga Pilipinong nais bumili ng e-textbook. Puro

mga libreng libro lamang ang maaring makuha.

Page 17: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Fig. 9. Apple iBookstore. Hindi maaring bumili ng e-textbook mula dito.

Mayroon mang mga kumpanyang nagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas, hindi sila

gaanong kilala. 4 sa 5 ng bumili ng e-textbook ay tinuro ang flipreads.com bilang

website kung saan nila nakuha ang kanilang ginagamit na e-textbook. Marami ang

hindi nakakilala sa website na ito at higit sa lahat, limitado ang kanilang koleksyon.

Kulang sila ng mga aklat tungkol sa agham at matematika na napagalamang

kadalasang ginagamitan ng e-textbook.

Dahil walang mapagbilhan ng e-textbook, marami ang namimirata na lamang. Iba’t-

iba ang pinagmumulan ng kanilang e-textbook at marami ang hindi lang isang uri

ang pinagkukunan. 56.94% ay nagdadownload mula sa torrent habang 69.44% ang

kumukuha ng e-textbook mula sa kanilang kamag-aral. Sari-sari man ang

pamamaraan, lahat ito ay labag sa batas.

Page 18: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Lagom at Pangwakas

Pinapakita ng pag-aaral na ginawa tungkol sa paggamit ng e-textbook bilang pangtulong

sa mga mag-aaral ng UP Diliman na marami ang tumatangkilik dito. Karamihan ng

gumagamit ng e-textbook ay mga kumukuha ng pag-iinhinyero at agham dahil sa

katangian ng kanilang mga asignatura. Siniyasat din ng mananaliksik ang sari-saring

kalamangan ng e-textbook tulad ng kadalian nitong madala kahit saan, kakayahang

maghanap ng particular na pangungusap o parirala sa isang kisap mata at iba pa. Bagamat

maraming nabanggit na kalamangan ang e-textbook, marami rin pa rin ang nagsasabi na

mas gusto nilang magbasa sa tradisyonal na aklat. Masakit daw kasi ang matagal na

pagbabasa ng e-textbook at iba pa rin ang pakiramdam ng nahahawakan ang pisikal na

libro.

Ayon sa nakalap na impormasyon, marami na ang gumagamit ng e-textbook sa mga mag-

aaral ng UP Diliman ngunit hindi ito nangangahulugan na tuluyang mawawala ang

tradisyonal na aklat. Nagpagalamang ginagamit ang e-textbook bilang pandagdag

lamang ng impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. Kaunti rin lang ang

nagbebenta nito sa merkado. Sabi ng mga manlilimbag, di mapagkakakitaan ang

pagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas dahil laganap ang pamimirata sa bansa. Subalit

kung walang magbebenta ng mga e-textbook kailangan ng isang mag-aaral, ni isang

kusing ay walang kikitain ang mga kumpanya sa paggamit ng e-textbook at patuloy pa rin

ang pamimirata dahil wala namang pagbibilhan ang nais bumili. Malaki ang potensyal ng

e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. Kaya naman iminumungkahi ng

mananaliksik na buksan o huwag limitahan ng mga kumpanyang naglilimbag ang

pamilihan para mas lumaganap pa ang paggamit ng e-textbook.

Page 19: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Sanggunian:

Campbell, M., Farrell, S. (2012) Biochemistry 7th ed. Belmont, CA: Brooks/Cole. p.86

Kaku, M. (2011) Physics of the Future: How Science will shape Human Destiny and Our Daily Lives by the year 2100. New York, NY: Random House Inc. pp.

Tech times (2011 Agusto 25) Samsung seals landmark agreement with La Salle Green Hills. Manila Times, manilatimes.net

Vibe Tecnologies. Case Study.Accessed:Marso 24, 2013 http://vibetech.co/?page_id=197

Page 20: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Listahan ng mga Figyur at Talahaynayan

Pahina 3

Fig. 1. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral

Tal. 1. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Pahina 4

Fig. 2. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Pahina 5

Fig. 3. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell)

Pahina 6

Fig. 4. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito

Fig. 5. Kadalasang gamitin ang e-textbook ng mga mag-aaral

Pahina 8

Fig. 6. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report

Pahina 10

Fig. 7. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat

Pahina 12

Fig. 8. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook

Pahina 13

Fig. 9. Apple iBookstore.

Page 21: PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Apendiks A

Sarbey

Paggamit ng e-textbook bilang pantulong sa pag-aaral ng mga

estudyante sa UP

Magandang gabi! Ako po si Jonathan Chan mula sa Kolehiyo ng Agham. Kaunting oras lamang po ang aking hinihingi upang inyong sagutan ang 10 tanong sa sarbey na ito. Ang mga sagot po ninyo ay higit na makakatulong sa pagsulat ng aking research paper para sa Fil 40.