Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng...

16
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) Filipino Unang Markahan – Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Napakinggang Impormasyon CHARITO B. GUANTERO A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT 10

Transcript of Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng...

Page 1: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Filipino Unang Markahan – Modyul 9

Pangunahing Paksa at Pantulong

na mga Ideya sa Napakinggang Impormasyon

CHARITO B. GUANTERO

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)

Unang Markahan – Modyul 9: Pangunahing Paksa at Pantulong na mga

Ideya sa Napakinggang Impormasyon

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charito B. Guantero

Editor: Florebelle V. Paloso

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

1

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-

unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan.

Ang mga mag-aaral ay nakabuo ng

kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa

alinmang akdang pampanitikang

Mediterranean.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

A. Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

MELC (Week 3)

Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa

napakinggang impormasyon sa radio o iba pang anyo ng media. (F10PN-Ic-d-64)

Inaasahan din na ikaw ay:

A. Nakikilala ang pananaw/kaisipang napaloob sa binasang akda B. Nakabubuo ng ideya mula sa binasang pahayag.

C. Natutukoy ang mga bahagi at elemento ng sanaysay

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga

impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw a. alamat b. kuwentong bayan c. sanaysay d. nobela

2. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng

may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.

a. tema b. panimula c. kaisipan d. sanaysay

Subukin

Page 4: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

2

3. Inilahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ng inilahad na pangunahing

kaisipan. a. gitna b. panimula c. wakas d. panimula at wakas

4. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katuwirang iniisa-isa

sa katawan ng akda. a. panimula b. gitna c. wakas d. gitna at panimula

5. Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig

6. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig

7. Ang __________ ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat

nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig

8. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon hinggil sa tiyak na paksa?

a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kwento

9. Ito ay elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.

a. kaisipan b. tema c. himig d.damdamin

10. Ano ang paksa ng sanaysay na “Alegorya ng Yungib”?

a. pagiging matalino c. pagiging matapang

b. pagiging makapangyarihan d. pagiging bilanggo

11. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang ___________ mismo ng may-

akda sa akda.

a. Pag-iisip c. pagsasalita

b. ideya d. opinyon

12. Ipinapahayag ng kumatha ng sanaysay ang sariling pagmamalas, ang kaniyang

pagkukuro, at _____________.

a. damdamin c. pang-unawa

b. kanyang opinyon d. katwiran

13. Ang sanayay ay nagmula sa salitang _____________ at _______________. Ano ang

dalawang salitang ito?

a. sanay at ay c. sanay at salay

b. sanay at salaysay d. salay at ay

14. Ito ay tumutukoy kung ano ang mahalaga at kung anong aral ang makukuha

sa isang kwento, at kung ano ang naintindihan mo sa kwento.

a. pantulong na ideya c. pamagat

b. pangunahing paksa d. tema

Page 5: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

3

15. Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa

paksang pangungusap.

a. pantulong na ideya c. pamagat

b. pangunahing paksa d. tema

Modyul 9

Pangunahing Paksa at Pantulong na

mga Ideya sa Napakinggang Impormasyon

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang tungkol sa kahulugan ng sanaysay, mga

bahagi at elemento nito. Ngayon, nais kong isulat mo ang iyong naaalalang sagot mula sa inyong talakayan gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.

Page 6: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

4

Tuklasin

Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad na kung minsan ay may

layuning makakuha ng ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din.

Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagsasalita mismo ng may-akda

sa akda. Ipinapahayag ng kumatha ang sariling pagmamalas, ang kaniyang

pagkukuro, at damdamin.

Sa Aralin 1.2, inaasahan na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at

pagpapahalaga sa sanaysay na pinamagatang Alegorya ng Yungib na isinalin ni

Willita A. Enrijo sa Filipino mula sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo na

si Plato, ang Allegory of the Cave. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga

ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na makatutulong para sa

malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing sanaysay.

Suriin

KAHULUGAN NG ALEGORYA

Ang alegorya ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng

tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong

kahulugan at ibig sabihin. Ito ay maaring magpahayag ng isang ideyang abstrak,

mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan,

panrelihiyon, at panlipunan.

Ang alegorya ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari

ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan. Ito ay nililikha upang

magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol sa

kabutihan at kasamaan, at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa

ating buhay. Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-

isip na mga tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa

pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig.

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Page 7: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

5

Alam mo ba na…

ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan? Makikita sa

salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung

pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o

masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng

mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring

kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling

pananaw.

Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:

1. Panimula – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o

pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.

2. Gitna o Katawan – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang

kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o

suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.

3. Wakas – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang

pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at

katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

Page 8: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

6

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi

ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw

ng temang ito.

Halimbawa:

Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat

ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa

wastong paraan.

Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang

sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang

maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa

mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Halimbawa:

Panimula

Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang

buong tatag.

Katawan

Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo.

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.

Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga

nagdaraan.

Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa lipunan.

Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung paano

tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng

pagkakaroon ng munting negosyo.

Wakas

“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

Halimbawa: Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay

nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng

simple, natural, at matapat na mga pahayag.

Halimbawa:

Sadyang mahirap ang buhay ngayon.

• Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di

maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita.

Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang

salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-

akda.

Page 9: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

7

Ang Alegorya ng Yungib ni Plato

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat

mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong

naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa

kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg

ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng

kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab,

sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay

dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na

pinagtatanghalan ng mga puppet.

Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga

dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha

sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita

mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?

Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila

pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi

niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?

Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang

dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.

Halimbawa:

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.

Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga

nagdaraan.

Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang

damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at

kaganapan.

Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,

malungkot, mapanudyo at iba pa.

Page 10: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

8

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang

anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di

maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag.

Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya

ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao.

Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon

niya?

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi

kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?

Malayong katotohanan.

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang

aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?

Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng

araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita

ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.

Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At

makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa

liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng

araw na hatid ng umaga.

Tiyak.

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi

lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino

siya.

Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon.

At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig. Maliwanag, sabi niya,

una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang

Page 11: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

9

sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati

ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila? Tiyak at tumpak. At kung sila ay

nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas

niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal

at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at

mamuhay katulad ng kanilang gawi?

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.

Para makatiyak, sabi niya.

At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya

mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang

makamit ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin

ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang

sumubok na palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.

Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal

kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo

na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa

intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking

opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan,

ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may

kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay.

Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito .

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan

ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa

sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan;

magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan. Oo, tunay na likas.

Page 12: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

10

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa

banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay

kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at

magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga

paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may

pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang

maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at

siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa

na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag

patungo sa yungib.

Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halaga ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang

tinataglay ng tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan. Ngayon, alam

kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng

kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?

Pagyamanin

GAWAIN : Pag-unawa sa akda Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ibigay ang paksa ng sanaysay. 2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila

tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot. 3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang

“katotohanan” ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay. Bigyang kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at

matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng pangyayaring ito? 4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa

liwanag na nasa labas ng yungib.

Page 13: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

11

Isaisip

Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng

pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan. Magbigay ng dalawang kasagutan sa bawat tanong.

Tanong Sagot 1 Sagot 2

Paano nakatutulong ang sanaysay na

magkaroon ng

kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang

bansa?

Nakatutulong ang sanaysay sa pamamagitan ng ________________

______________________________

______________________________ ______________________________.

Maaaring sa panimula ay

________, sa gitna

o katawan ay ____ at sa wakas

ay _____________.

Paano mabisang magagamit ang mga

ekspresiyon sa pagpapahayag ng

sariling pananaw?

Sa pagbuo ng sariling pananaw, mabisang magagamit ang mga

ekspresiyon sa pagpapahayag sa pamamagitan ng ________________

______________________________

______________________________ __________________________.

Mabisa ang pagpapahayag

ng sariling pananaw sa

pamamagitan ng

____________ ______________

_______________ __________.

Isagawa

Panuto: Balikan ang sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib” mula sa itaas. Tukuyin mo kung alin ang pangunahin at pantulong na paksa. Gamiting gabay

ang pormat sa ibaba.

1. Anu-ano ang dalawang pangunahing paksa ang nabanggit sa sanaysay na iyong binasa?

Pangunahing paksa 1: ______________________________________________ ___________________________________________________________________________

_____________________________________________________________. Pangunahing paksa 2: ______________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Anu-ano ang mga pantulong na paksa ang nakapaloob sa sanaysay na

binasa? Pantulong na paksa 1: ______________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Pantulong na paksa 2: ______________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 14: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

12

Tayahin:

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw

a. alamat b. kuwentong bayan c. sanaysay d. nobela 2. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng

may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay. a. tema b. panimula c. kaisipan d. sanaysay

3. Inilahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ng inilahad na pangunahing

kaisipan.

a. gitna b. panimula c. wakas d. panimula at wakas 4. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay ang pangkalahatang

palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katuwirang iniisa-isa sa katawan ng akda.

a. panimula b. gitna c. wakas d. gitna at panimula 5. Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.

a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig

6. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig

7. Ang __________ ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.

a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon hinggil sa tiyak na

paksa? a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kwento

9. Ito ay elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng

damdamin. a. kaisipan b. tema c. himig d.damdamin

10. Ano ang paksa ng sanaysay na “Alegorya ng Yungib”?

a. pagiging matalino c. pagiging matapang

b. pagiging makapangyarihan d. pagiging bilanggo

11. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang ___________ mismo ng may-

akda sa akda.

a. Pag-iisip b. ideya c. pagsasalita d. opinyon

12. Ipinapahayag ng kumatha ng sanaysay ang sariling pagmamalas, ang kaniyang

pagkukuro, at _____________.

a. damdamin b. opinyon c. pang-unawa d. katwiran

13. Ang sanayay ay nagmula sa salitang _____________ at _______________. Ano ang

dalawang salitang ito?

a. sanay at ay c. sanay at salay

b. sanay at salaysay d. salay at ay

14. Ito ay tumutukoy kung ano ang mahalaga at kung anong aral ang makukuha

sa isang kwento, at kung ano ang naintindihan mo sa kwento.

a. pantulong na ideya c. pamagat

b. pangunahing paksa d. tema

Page 15: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

13

15. Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa

paksang pangungusap.

a. pantulong na ideya c. pamagat

b. pangunahing paksa d. tema

Karagdagang Gawain

GAWAIN: Magsanay sa SANAYSAY

Maghanap o kumuha ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa sa

Mediterranean buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelebisyon, o video sa

youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang Alegorya ng

Yungib.

Pagpipilian:

Mga Bansa sa Mediterranean

Greece

Turkey

Albania

Morocco

France

Isyu

Bumabagsak na Ekonomiya ng Bansa

Ang Terorismo sa Bansa Pagkasira sa

Kagubatan Lumalalang Polusyon

Legalidad sa Kasal ng Dalawang

Magkatulad na Kasarian

Rubrik

Mga Krayterya 2 3 4 5

Organisasyon

Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya

May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa

Maayos ang organisasyon, pagkabuo ng pangungusap

Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng pangungusap

Paggamit ng wika at

mekaniks

Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa gramar,baybay at gamit ng bantas

Mga kahinaan dahil maraming mali sa gramar,baybay at gamit ng bantas

Mahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas

Napakahusay dahil walang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas may mayamang bokabularyo

Pagkakasulat

Mahirap basahin dahil sa hindi maayos at malinis na pagkakasulat

May kahirapang unawain ang pagkakasulat at ng pangungusap

Malinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasulat at ang mga pangungusap

Malinis at maayos ang pagkakasulat ng pangu-ngusap

Page 16: Unang Markahan Modyul 9 Pangunahing Paksa at Pantulong na ... · nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig 8. Akdang pampanitikan

14

Sanggunian

1. Filipino Modyul para sa Mag-aaral at Panitikan para sa ikasampung Baitang.