Pag aalsa sa san jose

10
Pag-aalsa sa San Jose by: Samuel B. Rondina

Transcript of Pag aalsa sa san jose

Page 1: Pag aalsa sa san jose

Pag-aalsa sa San Jose

by: Samuel B. Rondina

Page 2: Pag aalsa sa san jose
Page 3: Pag aalsa sa san jose
Page 4: Pag aalsa sa san jose

Hermano PuleSi Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang “Hermano Pule”. Siya ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung saan niya natamo ang pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na hermano sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng Confradia de San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa karapatang panlipunan at pananampalataya.

Page 5: Pag aalsa sa san jose

Dahilan ng Pag-aalsaSi Hermano Pule ay isang "lay brother" ng Ospital ng San Juan de Dios. Gusto niyang magpari ngunit hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino.Kaya noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José, isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. Karamihan ng mga kasapi nito ay mga magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.Mula sa punong himpilan nito sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at Batangas

Page 6: Pag aalsa sa san jose

Sa paglakas ng samahan, nabahala ang mga Español. Sa kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan, sa tulong ni Domingo Roxas, nabigo si Pule.Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000 mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Español. Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Español, walang awa nilang pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule.

Page 7: Pag aalsa sa san jose

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa mga kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga nag-iisip na mag-alsa.

Page 8: Pag aalsa sa san jose

Ano ang opinion mo?1. Sa palagay mo, may katuwiran bang magtatag ng samahang pangrelihiyon si Hermano Pule?2. Paano ipinakilala ang mga Español pagkatapos na hulihin at patayin si Hermano Pule?

Page 9: Pag aalsa sa san jose

Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa kanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.

Page 10: Pag aalsa sa san jose

Piliin sa loob ng kahon ang sagot.• Itinatag ni Pule ang _____________________, isang samahan na

Pilipino lamang ang pwedeng sumali.• Sa tulong ni _____________________, hiniling ni Pule na kilalanin ng

pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan.• Mula sa punong himpilan ng nito sa __________________, nagkaroon

sila ng malawak na kapatiran sa iba’t ibang lalawigan. • Sinalakay ng mga _________________ ang kapatiran noong Oktubre,

1841. • Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa ______________________.