Pag aalsa ng estadong kolonyal

14
Pag-aalsa ng Estadong Kolonyal By: Samuel B. Rondina

Transcript of Pag aalsa ng estadong kolonyal

Page 1: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Pag-aalsa ng Estadong Kolonyal

By: Samuel B. Rondina

Page 2: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.

Page 3: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Lakandula at Sulayman Naging matindi ang galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.

Page 4: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Magat Salamat• Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat

Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Ang mga kasapi ay buhat sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan. Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at pinatay si Magat Salamat.

Page 5: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyon ng GaddangDahil sa pagmamalabis ng mga Español, pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley. Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakining sila at sumuko.

Page 6: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot

Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao. Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu upang supilin ang rebelyon.

Page 7: Pag aalsa ng estadong kolonyal

SumuroyAng mga taga-Samar ay pinamunuan ni Sumuroy dahil sa pagtutol ng mga Bisaya mula sa Samar na magpunta sa Cavite ayon sa kautusan ni Gobernador Diego Fajardo upang gumawa ng mga barko

Page 8: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyon ni ManiagoPinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga Kapampangan. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog para mapiglan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Español. Nahikayat ni Maniago ang mga taga-Pangasinan at Ilocos na sumama sa kanya.Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobernador heneral at ni Maniago. Si Maniago at ang mga kasama nito ay pinangakuan ng mga Español na bibigyan ng malaking halaga. Hinayaan din silang gumawa sa kanilang mga bukid kayat natigil ang pag-aalsa.

Page 9: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyon ni MalongSi Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Español. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Español. Nagpadala si malog ng mga mensahero sa iba’t ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Español sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Español at ipinapatay.

Page 10: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Pag-aalsa ni TaparIsang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan.

Page 11: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyong SilangSi Diego Silang ay kinulong ng mga Español dahil nagpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan at nakipag-ugnayan sa mga Ingles upang makayanan ang pakikipaglaban sa mga Español. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito. Nang siya ay namatay noong Mayo 28, 1763, ipinagpatuloy naman ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela ang pakikipaglaban. Sa kasamaang-palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pangrerebelyon. Pinatay siya ng mga Español noong Setyembre 20, 1763.

Page 12: Pag aalsa ng estadong kolonyal

DagohoyAng malawakang pag-aalsa laban sa mga Español ay pinagunahan ni Francisco Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar Morales na bigyan ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.

Page 13: Pag aalsa ng estadong kolonyal

PalarisAng pag-aalsa sa Pangasinan ay pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris. Nahimok na sumapi ang mga mamamayan ng mga bayan ng Binalatongan, Dagupan, San Jacinto, Bayambang at Santa Barbara, upang humingi ng reporma sa pamamahala.

Page 14: Pag aalsa ng estadong kolonyal

Ang Rebelyon ni Hermano PuleSi Apolinario de la Cruz ang namuno sa rebelyong panrelihiyon ng mga tagalog noong 1840-1841. Kilala siya sa tawag na Hermano Pule. Pangarap niyang maging mahal banal na misyonero o ministro ng Diyos kayat nagtungo siya sa Maynila upang pumasok sa isang orden. Hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino. Marami ang sumapi sa kanyang itinatag na samahan ngunit ito ay ipinagbawal ng mga opisyal ng simbahan. Tinugis siya ng mga ito at itinuring na rebelled kayat lumaban siya. Noong Nobyembre 4, 1841, pinugutan siya ng ulo sa bayan ng Tayabas (sa Quezon). Ang pugot na ulo ay itinusok sa poste upang maging babala sa tao.