Pag-aalaga ng Itik, Second Edition

16
PAG-AALAGA NG ITIK Ikalawang Edisyon

Transcript of Pag-aalaga ng Itik, Second Edition

PAG-AALAGA NG ITIKIkalawang Edisyon

PAG-AALAGA NG ITIKIkalawang Edisyon

Ang itik ay pangalawa sa manok na nagbibigay ng kita sa naghahayupan para sa produksiyon ng itlog at karne sa ating bansa. Ang itik ay inaalagaan sa Pilipinas para sa lokal

na produkto tulad ng balut at itlog na maalat.

Ang pag-aalaga ng itik sa kasalukuyan ay nahahati sa dalawang pamamaraan, ang una ay ang katutubong pamamaraan na tinatawag na pagala, sa ganitong pag-aalaga ay ginagamit ang bagong aning palayan, dito pinapastol ang mga itik upang makakuha ng pagkain. Ang bagong ani na palayan ay sagana sa mga pagkain ng itik tulad ng laglag na palay, suso, bunga at bagong sibol na damo, isda, insekto, at iba pa. Sa pagala gumagawa ng pansamantalang silungan na may bakod na fishnet, at sa dapit hapon ay dito iniipon at ikinukulong ang mga itik. Ang silungan at kulungan ay kailangan upang magamit sa pangingitlog ng mga itik at pag-iwas sa mga gala na hayop. Sa pagala na pamamaraan nakakatipid sa pagkain at pabahay ang mga nag-aalaga ng itik.

Ang ikalawang pamamaraan sa pag-aalaga ng itik ay ang nakakulong o ang paggamit ng kamalig, sa ganitong pamamaraan ang itik ay kailangang bigyan ng sapat na pagkain (katulad ng mga

P A G - A A L A G A N G i t i k

2 3

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

4 5

formulated na feeds) at pabahay. Ito ay kailangan ng isang itik para sa kanyang paglaki upang mapanatili ang magandang kalusugan at mataas na produksyon ng itlog.

Malaki pa ang nakikitang pag-asa sa pag aalaga ng itik sa bansa dahil sa laki ng pangangailangan sa produksiyon ng balut at itlog na maalat. Nakikita rin ang mga magandang hinaharap nito dahil sa may malawak na kaalaman ang mga lokal na nangangalaga ng itik sa tamang pangangalaga o produksyon, mayroong mabibili sa merkado na formulated na feeds mula seho hanggang sa pag-itlog, pananaliksik ng mga eksperto tungkol sa pagpili ng magandang lahi ng paitlugin na itik at ang pananatiling bird flu free ng Pilipinas.

Subalit sa kasalukuyan may mga suliranin na hinaharap ang mga nangangalaga ng itik (mag-iitikan), ito ay ang mataas na gastusin sa produksyon ng itik, kakulangan sa magandang seho at dumalaga, paiba-ibang halaga ng itlog (sariwa at proseso), papaliit na lugar ng pagalaan at kakulangan sa pagsasaliksik. Ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng Kawanihan ng Paghahayupan ay gumagawa ng pamamaraan upang mapataas ang kita sa pag-aalaga ng itik at patuloy na mapaunlad pa ang pag-iitikan sa Pilipinas.

I. PAGPAPALAHI NG ITIKAng itik ay isang “egg type duck” o paitluging itik na may maliit

na pangangatawan na tumitimbang ng 1.3 - 1.4 kilo, nangingitlog sa edad na 5 buwan, na may humigit kumulang na 55 - 70 bahagdan (%) ng pag-itlog kada taon, at 65 - 70 gramo ang bigat ng itlog.

Ang 10 babaeng itik ay kailangang may 1 lalaking itik upang mapataas ang pagkakaroon ng semilya ng itlog para sa produksiyon ng balut at seho.

Malaki ang maitutulong sa mga nangangalaga ng itik kung magkakaroon ng kaalaman sa pagpili sa mga kasalukuyang lahi ng ating itik. Ito ay sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng magandang katangian ng isang “egg type duck” o paitluging itik para makuha o mamana ng kanyang mga supling at sa susunod na henerasyon.

Katangian ng paitluging itik:

1. Maliit ang katawan : 1.3 – 1.5 kilo/ 5 buwan ang edad2. Efficient egg converter : 120 – 140 gramo/araw/ulo3. Maraming mangitlog: > 200 itlog/taon/ulo4. Malaki ang itlog : 65 - 75 gramo5. Matagal ang pangingitlog: > 10 buwan6. Sanay na sa lokal na kondisyon, hindi sakitin.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

6 7

Ang Pilipinas ay umangkat noong 1950 ng Khaki Campbel na lahi ng itik. Sinundan ito ng pag-angkat ng Pekin o Pato na pang-karne at mayroon ding pag-angkat ng Tsaiya ng Taiwan. Hindi naging maayos ang ginawang pagpapalahi kayat ang kinalabasan nito ay mga itik na magkakahalo ang lahi na iba’t-iba ang katangian tulad ng kulay, laki ng katawan, laki at dami ng itlog at iba pang katangian.

May ilang pagkakataon na binigyan ng pansin ang suliraning ito na pagbaba ng kalidad ng ating itik ngunit hindi naipagpatuloy, ngunit ito ay nagkaroon ng katuparan sa pagsasaliksik na pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development – Department of Science and Technology (PCAARRD-DOST) at ng Bureau of Animal Industry – Department of Agriculture (BAI-DA) sa pamamagitan ng National Swine and Poultry Research and Development Center (NSPRDC) sa Lagalag, Tiaong, Quezon. Ang NSPRDC ay gumawa ng pananaliksik tungkol sa maayos na pagpili (selection) at angkop na paraan ng pagpapalahi (breeding system) hanggang sa makagawa ng purong lahi ng native na itik na pare-pareho ang kulay (itim at khaki), timbang sa 18 linggo edad na may 1.1.-1.3 kilo at may mataas na produksyon ng pag-itlog. Ang pananaliksik ay nagresulta sa pagkakaroon ng magandang lahi ng native na itik na tinawag na Itik Pinas na mayroong purong kulay itim at purong kulay kaki. Ang dalawang purong kulay itim at purong kulay kaki ng Itik Pinas ay maaring paglahiin ayon sa kanilang

kaparehong kulay o magkaibang kulay. Kung ito ay papalahian sa pamamagitan ng magkaibang kulay, ito ay magkakaroon ng supling o seho na kulay kayumanggi. Nang dahil sa tamang pagpapalahi ng magkaibang kulay (itim at kaki), natuklasan na pagkapisa palang ng seho ay makikita na ang lalaki at babae sa pamamagitan ng kulay ng balahibo.

Ngayon, ang pinaunlad na lahi ng native na itik ay tinawag na Itik Pinas-ITIM, Itik Pinas-KHAKI at Itik Pinas- KAYUMANGGI.

Ito ay may katangian na parepareho ang timbang base sa kanyang edad, sanay sa local na kundisyon, kayang magbigay ng dagdag na 50 itlog kada inahin kada taon ng pangingitlog na may bigat na higit sa karaniwan na 65 gramo kada itlog na kailangan ng mga gumagawa ng balut at itlog na maalat.

IP-ITIM (NSPRDC photo)

Sa kasalukuyan ang mga Itik Pinas ay mabibili sa mga kabalikat na mga mag-iitik sa Nueva Ecija, Batangas, Laguna at Quezon, na naging kasama sa pagbuo ng proyekto at ngayon ay nagpaparami at nagpapalahi na ng ganitong uri ng itik. Maaari ding makipag-

ugnayan sa BAI-NSPRDC, Brgy Lagalag Tiaong, Quezon.

Ang BAI-NSPRDC ay patuloy na pinapalahi at pinaparami ang Itik Pinas upang mapataas pa ang kakayahan nito. Ito ay upang maipamahagi sa mga nag-iitikan at para makatulong sa pag-unlad ng industriya ng pag-iitikan sa bansa.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

8 9

Itik Pinas-ITIM Itik Pinas-KHAKI

Ang pagpili ng magandang katangian ay makapagbibigay ng pangmatagalan na solusyon sa patuloy na pagganda ng produksiyon ng native na itik.

Ito ang isang nakikitang paraan upang magpatuloy ang pag-aalaga ng itik sa kadahilanang patuloy pa rin ang pagtaas ng halaga ng mga kailangan sa pag-aalaga nito. Ang tamang pag tatala ng datus sa produksiyon ang isang mahalagang gawain ng nag-iitikan upang maging basehan sa pagpili at pagpapalahi. Ang mga kailangan na datus ay ang mga bilang ng itik na alaga, bigat ng itik, edad ng unang pag-itlog, bilang ng itlog kada araw, dami ng pakain kada araw, bilang ng namatay o nabenta na itik at iba pa. Ang datus na makukuha ay magiging basehan sa naging produksiyon ng alagang paitluging itik.

Halimbawa ng Record ng Itikan:

Pinagmulan/kulungan: Isabela/Pen 1Petsa ng mapisa/edad ng itik: Hulyo 5, 2012/4 ½ buwan, 18 linggoAraw ng unang pag-itlog/edad : Disyembre 5, 2012 Bilang ng itik: 2000 Babae : 200 Lalake Buwan: Disyembre 1-31, 2012

Araw Bilang ng itlog/pcs

Dami ng pakain, kilo

Bilang ng Namatay/nabenta/hd

Mga Puna

1 100 285 5 Napilay2 to ? 1200 280 0

31 1800

II. PABAHAY NG ITIK Sa pagala na pamamaraan gumagamit ng lokal na kagamitan ang

mga nag-iitikan tulad ng lona, kawayan, fishnet, dayami at ipa ng palay bilang itlugan. Sa ganitong sistema madaling maililipat ng nag-iitikan ang pabahay kung saan may makakain ang mga itik.

Sa nakakulong na pamamaraan ay gumagamit ng kamalig o pabahay na pang matagalan. Ang kulungan ng itik ay dapat malayo sa mga bahayan dahil sa ingay at amoy ng dumi nito at kinakailangang may magandang daloy ng tubig. Ang isang (1) metro kuwadrado ay maaaring lagyan ng 3-4 ulo na paitluging itik. Ang mga itik ay hatiin sa 300-500 ulo kada grupo na may sapat na pakainan at inuman.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

10 11

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng itikan;• Kailanganaynasalugarnaagricultural o “agricultural zone”• Dapatmalayo sa lugar namalapit samga kabahayan dahil sa

ingay nito at amoy ng dumi ng mga itik• Dapatmaymaayosnapagkukuhananngtubig• Maykalsadaodaannamaaringdaanansatag-ulanotagaraw• Maysapatnalakinglupanamaaringgamitinkungmagpaparami

pa ng bilang ng itik na aalagaan (expansion).

1. Uri ng mga kagamitan• Kulubanogamitnapampainitparasamgaseho

• Pakainanatinuman• Bombangtubig,tangkengtubig,sprayer ng tubig• Kartilla,timba• Panghuliatpanghakotngitik(poultry crates)• Lalagyanngitlog• Makinangpisaan(incubator)

2. Pabahay ng itik• Angbahayng itikaynakaayonopahabamula sa silangan

patungong kanluran.

• Lapadngpabahay:hindihihigitsa8-12metro• Klasengpabahay:nakataas(slatted), nakalapag (kamalig) o

kumbinasyon• Materyalesngpabahay:dependesatibaynakailangan• Itsurangbubong:angulo100-300

- Ang tamang sanepa ay makakatulong para sa ulan at sikat ng araw

- Ang taas ay sapat upang makadaloy ang hangin at liwanag sa loob ng kulungan

- Maglagay ng monitor (labasan ng init) sa bubong • Pagitanngkulungan:angtaasngkulunganayapatnabeses

nito ang layo ng bawat kulungan• Paliguan:itoaykailangankungnakakulongsapanahonng

tag-init at paglinis ng balahibo ng itik

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

12 13

3. Dami ng itik kada metro kuwadradong sahig (nasa lupang kulungan);

Edad Sukat ng sahig • 0-1linggoangedad 30ulokadametrokuwadrado• 1-2linggoangedad 20ulokadametrokuwadrado• 2-8linggoangedad 8ulokadametrokuwadrado• 8-18linggoangedad 5ulokadametrokuwadrado• 18-pag-itlog 4ulokadametrokumadrado

4. Mga dapat isaalang-alang sa pagtatayo ng

pabahay• Madalinglinisinatmatipidsatubig• Angpabahayaydependesaedadatklasengitik• Naka desenyo para sa maginhawa, madali at maayos na

paggawa• Maaliwalasattuyoangkulunganlalonaangitlugan

• Lagyan ng partisyon ang kulungan na naglalaman ng 300to 500 ulo ng itik bawat grupo, kung ang sahig ay nakataas maaring 100 kada grupo.

• Ang kulungan ay binubuo ng tatlong parte, paitlugan,pakainan, at pagalaan

III. PAKAIN AT PAGPAPAKAIN NG ITIK:Sa nakapagala nakakakuha na ng natural na pakain ang mga itik,

ngunit sa panahon na konte ang pagkain o lugar na pagalaan ang itik ay kailangan dagdagan ng pagkain tulad ng darak, suso, commercial feeds at iba pang lokal na pagkain upang mapanatili ang paglaki, kalusugan at produksiyon ng itlog. Kung may alam na lugar na bagong aning palayan maaring ilipat ang mga itik upang makakuha ng sapat na pakain.

Sa nakakulong na pag-aalaga kailangang bigyan ng duck starter mash na may kanin ang mga seho sa unang isang lingo na edad; duck starter mash hanggang sa edad na isang buwan, duck grower mash mula 1-4 na buwan, at duck layer developer 4-5 buwan ang edad at duck layer pellet 4.5 - 5 buwan pataas. Mula seho hanggang 4.5 buwan edad, ito ay kakain ng 10-12 na kilong feeds. Gumamit ng mababang uri ng nutrisyon 14% protina (CP) sa edad na 2-4 buwan at hindi bababa sa 18% protina (CP) ang gamitin sa nagingitlog na itik.

IV. GABAY SA PAG-AALAGA NG ITIK:A. Ang Seho o Bagong Pisang Itik

Sa nakapagala maglaan ng kuluban para sa seho na may kaukulang painit (incandescent bulb 1 watt kada seho o balde na may uling) haggang 2 linggo ang edad. Gumawa ng pabilog na kuluban gamit ang hinati na linso (GI sheet), may sapin na ipa o dayami. Gumamit ng sako bilang pakainan at plastik na painuman. Magdagdag ng ipa o dayami kada araw upang mapanatiling tuyo ang kuluban.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

14 15

Ang itik ay hindi naglilimlim at nag-aalaga ng seho, ito ay kailangang magbigayn ng painit (kuluban) sa unang 2 linggo mula ng sila ay mapisa. Ang pagkulob ay ang pagbibigay ng artipisyal na init para sa mga bagong pisang seho na nakakatulong sa maayos na paglaki. Mahalaga rin ito upang maibigay ang kinakailangang temperatura ng kanilang katawan at makaiwas sa pagkabansot at pagkamatay ng seho.

1. Paghahanda ng Kuluban/Brooder Cage• Bagoangtakdangarawngpagpisangseho,siguraduhinna

may maayos na paglalagyan ang mga ito. • “Brooder guard” gumamit ng linso (GI sheet) na may taas na

2 piye at pagdikitin ang dalawang dulo upang makabuo ng bilog na kulungan. Iwasang gumawa ng parisukat na brooder guard upang maiwasan ang pag-iipon-ipon ng mga seho sa sulok nito.

• Gumamitngdayami(rice straw”) o bualaw/ ipa sa pabahay na naglalaman ng 20-30 seho kada metro kuwadradong lugar sa loob ng 1-14 araw na edad ng seho.

• Lagyan ng 5-10 sentimetro na kapal ng dayami o ipa angbuong lugar na pinagkulungan.

• Ihanda ang mga kinakailangan na kagamitan tulad ngpatukaan at painuman.

• Tiyakin din na may panggagalingan ng init para sa mgabagong pisang seho, gumamit ng incandescent bulb, maaring maging basihan ang 1 watt kada sehong aalagaan, lagyan ng steel cover bawat bombilya upang maipon ang init. Ilagay ng 6 na pulgada ang taas mula sa ibabaw ng litter o sapin na dayami o bualaw/ipa.

• Angdamingsehokadametrokuwadradonasahigayangsumusunod:

1-7 araw : 30 seho kada metro kuwadrado 8-14 araw : 20 seho kada metro kuwadrado Ang dami ay base sa panahon, bentilasyon at materyales na

gagamitin• Magdagdagngdayamioipakadaaraw.Bigyangpansinang

lugar ng painuman para mapanatiling tuyo ang kuluban.• Angmgalalakingitikayihiwalaysaunangarawpalamang.• Ang tamang bentilasyon ay makakatulong upang mawala

ang ammonia sa pabahay.• Ang 1 gallon na painuman na plastic drinker ay maaring

gamitin sa 50 na seho. Lagyan ng malinis na graba ang painuman upang maiwasan na maligo ang mga seho. Ang paggamit ng nipple drinker ay makakatipid sa tubig at pagkabasa ng litter o sapin.

2. Kagamitan at Pasilidad• Pakainan• Painuman• Artipisyalnapainit (Ulingobualawsabalde, incandescent

bulb)• Brooder Guard (linso na hinati 2 piye ang taas)• Kungangtemperaturasaloobngbrooder house ay mataas na,

maaring di na gamitin ang mga nabanggit. Nangangailangan din ng malinis at maayos na patukaan at painuman.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

16 17

3. Init o Temperatura na kailangan• Saunang2 linggopanatilihinna32ºCang temperatura sa

brooder house araw-araw na tumatagal ng 24 oras. Maaaring patayin o bawasan kung mainit ang panahon.

• Sa ikatlong linggo at sa mga susunod pa, hindi nakinakailangang bigyan ng artipisyal na init ang mga itik sapagkat kaya na nilang mabuhay.

• Kung mapapansin na ang mga seho ay lumalayo sapinanggagalingan ng init, ito ay nangangahulugang mataas ang temperatura o mainit sa loob ng kuluban.

• Kung ang mga seho naman ay malapit at nakaumpok sapinanggagalingan ng init, nangangahulugang mababa ang temperatura o malamig ang panahon.

Pagtingin sa tamang init sa kuluban

Araw-araw na Gawain • Pakainin/patukainatbigyanngmalinisnatubig2-3beseskada

araw.• Linisinangpatukaanatpainuman• Linisinangpaligidngbrooder house. • Tiyakinnamaysapatnainitsabrooder house para sa mga seho.• Alisinangmahihina,maysakitatpataynaseho.• Italasatalaanangmgadatustuladngbilangngnabenta,namatay,

pinakain atbp.

Talaan ng araw-araw na impormayson sa panahon ng paglaki ng itik;

Batch no.: ______________ Petsa ng mapisa: ________________Buwan: ________________ House/pen no. : _________________Lahi: __________________ Strain/line: _____________________

Petsa Bilang Bilang ng Natira Dami ng pinakain

Mga Puna

nabenta namatay inilipat

1

2

3

4

5

to 31

4. Pagkain at Paraan ng Pagpapakain sa seho• Sa unang 2 linggo, maaaring pakainin ng duck (chicken)

starter mash ang mga seho (ad libitum), maaring magdagdag ng kanin sa mash na pakain.

• Saikatlonglinggohangangsaika-apatnalinggo,pinaghalongduck starter mash at duck grower mash naman ang ipinapakain. (ad libitum)

• Siguraduhinnamaysapatatmalinisnainumingtubigangmga ito.

Kulang sa init

Sobrang init

Katamtaman ang init

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

18 19

Mga Dapat Tandaan• Maglaanngisanglalakisakadalimangbabaehanggangsa

paglaki• Panatilihinnatuyoangmgasehoathuwaghayaangmawalan

ng painit. • Siguraduhinnatamaangsukatngpabahayparamaiwasan

ang pagsisiksikan.• Tiyakinna ligtas saanumangmandaragit (pusa,daga,aso,

ahas atbp) ang mga seho.• Panatilihinangmagandangbentilasyonngbahaykuluban.• Obserbahanaraw-arawkungmaynagkakasakitatbigyanng

kaukulang lunas.• Ibaonsalupaosunuginangmganamamataynaseho.• Siguraduhingmaysapatnapagkainatmalinisnainumin.

pakainan at silungan

Panatilihing malinis ang painuman at patukaan.• Tanggalinathuwaghayaangmakainngitikangmgasirang

pagkain (may kakaibang amoy o may amag).• At higit sa lahat, huwag mahiya o mag-atubiling lumapit

at humingi ng tulong sa mga taong mas nakakaalam (Technician o Veterinarian) para malutas ang problema kung may kinalaman sa kalusugan ng mga alagang itik.

• Italasatalaananglahatngimpormasyonodatus.

B. Ang Palakihing itik:

Ang palakihing itik na mula 1 hangang 4.5 na buwan ang edad ay maari ng pawalan o pagalain sa pastulan. Siguraduhin na may sapat na pakain sa lugar ng pagalaan at kung nagkukulang magdagdag ng iba pang pamakain. Ikulong ang mga palakihing itik sa hapon at gabi upang makaiwas sa ibang hayop. Gawin ang pagpapagala hanggang sa 4.5 na buwan ang edad.

Inililipat sa grower house ang mga itik sa edad na 1 buwan at aalagaan sa loob ng 4.5 buwan. Gumawa ng pabahay upang maging silungan at paliguan. Ang paliguan ay maaring konkreto na may lapad na 1 metro at lalim na 6 – 8 pulgada at ang haba ay depende sa dami ng itik. Gumamit ng ipa bilang sapin sa bawat bahay ng itik. Ililipat ang mga itik sa bahay na paitlugan sa edad na 4.5 na buwan ang edad.

Sa Pagala Tumatagal ng 20-24 linggo ang panahon ng pagpapalaki ng mga

itik kung ang mga ito ay inalagaan sa paraang pagala sa palayan bago sila ikulong sa bahay-paitlugan. Sa pagala na pamamaraan gumagamit ng lokal na pabahay ang mga nag-aalaga tulad ng lona, kawayan, fishnet, dayami at ipa ng palay bilang itlugan. Sa ganitong sistema madaling maililipat ng nag-aalaga ang pabahay kung saan may makakain ang mga itik.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

20 21

May Pabahay Kung may pabahay naman ang itik simula pagkapisa, maaring

ilipat na sila sa bahay paitlugan sa edad na 18 na linggo. Sa nakakulong na pamamaraan ay gumagamit ng kamalig o pabahay na pang matagalan. Maaaring gumamit ng nipa o yero bilang bubong; ipa, kusot, at buhangin bilang sapin; at kawayan o fishnet sa dinding.

Pabahay sa palakihing itik:

1. Kahalagahan ng pag-aalaga sa Pabahay confinement• Naiiwasanangpagkawala,namamatayatpagkakapalit-palit

ng mga itik.• Madalingalagaanathindisayangangorassapagbabantay.• Madaling ibigay ang mga kailangan nito halimbawa ng

gamot, tubig at pagkain• Masmaramiangbilangngdumalagangmaisasampasabahay

paitlugan.• Halospare-parehoanglaki,itsuraattimbangngmgaitik• Mataasangmakukuhangpursiyentongpangingitlog.• Madalingiiwassabahaokalamidad

paliguan kongkretong pagalaan

pakainan at silungan

daanan

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

22 23

2. Paghahanda ng pagkukulungan • Malinisatbagongpalitangsapinobeddingstuladngdayami

o ipa.• Naayos angmga sirang gamit tulad ng dingding, bubong,

paliguan at mga daluyan ng tubig• Maysapatnapailawatmgagamitnapainumanatpakainan.• Angpagpapalakiaytumatagalngmula5linggohanggang12

linggo ang edad ng itik.• 13 linggo hanggang 16 linggo naman ang pagpapalaki ng

mga ito.• 16linggoangedadngpagdadalagangitik.

3. Araw-araw na gawain• Pagpapakain sa alagang itik at pagbibigay ng malinis na

inumin.• Pagpapanatilingmalinisngpatukaanatpainuman.• Pagsasaayosngmgasiranggamitopartengkulungan.• Paglilinisngkulungan.• Pagtatala ng mga datus/ impormasyon tungkol sa mga

gawain tulad ng dami ng pakain, namatay, binigay na gamot, pagpapalit ng pakain, atbp.

4. Pagkain at Paraan ng pagpapakain• Pakaininngduck grower mash ang mga alagang itik. Maaaring

gumamit ng commercial feeds upang maging sabay-sabay ang paglaki ng mga ito.

• Maaaring maghalo ng ibang klase ng pamakain tulad ngdarak.

• Tiyakin ding may sapat at malinis na inumin at tubig sapaliguan.

5. Gabay sa Pagpapakain at Timbang ng Itik

Edad (linggo)

Dami ng pakain(gramo)

Uri ng Pakain

Bigat ng babaeng itik

(gramo)

Bigat ng lalaking itik

(gramo)

1 Full feeding duck starter mash

80 80

2 Full feeding 190 190

3 60 350 350

4 70 520 520

5 80 duck grower mash

650 650

6 90 740 740

7 100 860 860

8 120 950 950

9 120 1010 1010

10 120 1130 1130

11 120 1150 1180

12 120 1260 1260

13 120 1280 1290

14 120 1290

15 120 1290

16 120 1300

17 120 1300

18 120 1300

Mga Dapat Tandaan• Ihandaang lilipatangkulungan2 linggobagoang takdang

paglilipat.• Siguraduhingmaysapatnapagkainatmalinisnainumin.• Tiyakin lamang na hindi masikip, nagsisiksikan o

nagpapatung-patong ang mga itik.• Tiyakinnamaytamangdamingitiksakulungan.• Timbanginang5bahagdan(%)ngalagangitikisangbeses

kada linggo, gawin sa umaga bago pakainin upang malaman kung tama ang dami ng pakain.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

24 25

Sa edad na 16 linggo, magsama ng lalaking itik sa mga babae (1 lalaki sa 10 babae).• Maglaan ng 5 bahagdan (%) na reserbang lalaki para sa

magkakasakit at mamamatay na lalaki.• Maglagayngpaliguanparasaalagangitikparamakaiwassainit

at makatulong sa paglilinis ng katawan at balahibo.

• Panatilihing malinis ang bahay kulungan at tuyo ang sapin(beddings).

• Ihiwalayangmaysakit,mahinaopilaynaitik.Ibaonsalupaosunugin ang mga patay na itik.

• Huwag pagsamasamahin ang magkakaibang edad sa isangkulungan.

C. Ang Paitluging Itik:

Ang dumalagang itik ay kailangan ang sapat na pakain at pabahay. Bigyan ng duck layer pellet ang mga itik sa edad na 4.5 buwan at mag laan ng malinis na tubig sa lahat ng oras. Maglagay ng malinis na paitlugan araw-araw upang mapanatiling malinis ang mga itlog. Ang madumi at basa na itlog ng itik ay hindi maaaring gamitin para sa produksiyon ng balut. Bigyan ng sapat na pakain ang mga nagingitlog na itik 120-130 gramo kada araw. Iwasan ang pagkagulat ang mga itik na maaaring maging dahilan ng paghina ng pag-itlog.

Ang Pag-aalaga ng Paitluging itik

paitlugan

paliguan

Konkretong sahig na pababa

Lupa na sahig na may ipa

pagalaan

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

26 27

1. Pabahay sa paitluging itik• Mula18linggongedadhanggangsanangingitlog.• Maglaanng300to500naulokadapartisyon.• Panatilihingmalinis, tuyoangsapin(beddings) lalo na ang

paitlugan.• Tiyakinnatamaangsukatngkulungansadamingitikna

aalagaan 3-4 itik kada metro kuwadradong sahig.

• Ihandaangmgakinakailangangkagamitantuladngpatukaanat painuman.

• Dapatmaymalinisnapainumanatpaliguanparasamgaito• Maglaanngsapatnailawsaloobngkulungan.

2. Pagkain at pagpapakain• 18linggonaedadaypakaininangmgaitikhanggangkaya

(ad libitum)• Angpagkainayumaabotng125to140gramokadaulokada

araw depende sa panahon at dami ng itlog.• Maaaringmagpakainsaumagaatsahapon.

3. Paitlugan• Tiyakinnapalagingtuyoatbagoangsapinupangmaiwasang

madumihan at mabasa ang mga itlog.• Isara ang paitlugan sa umaga at buksan lamang sa hapon

hanggang sa gabi.• Sabagonglipatna itik,hayaanmunangbukassaumagaat

gabi ang paitlugan at unti-unting isara hangang masanay na sa gabi lang nakabukas ang paitlugan.

• Maglaanng1pugadkada5itik.

4. Pangangasiwa sa itlog na pipisain• Palabasinangmgaitiksapagalaan.• Pulutinangmgaitlog2besessaumaga.• Pulutinmunaangmga itlogsa labasngpugadatsakaang

nasa pugad

Mga dapat tandaan• Paramaiwasanangstress,ilipatoisampasabahaypaitlugan

ang mga itik sa malamig na oras sa umaga o sa hapon.• Piliin lamang ang magaganda at may maayos na

pangangatawan.• Tanggalin ang maliliit/bansot o may mga depekto dahil

maliit ang tyansang mangitlog ng maayos.

Araw–araw na Gawain• Patukainatpainuminangmgaitik• Pulutinangmgaitlogngitiksaumaga• Hugasanngmalinis na tubig ang sobrangduming itlog at

ihiwalay ito. • Lagyanngpalatandaanangitlogbagoilagaysaeggroom.• Linisinangpatukaanatpainumannanagsisilbidingpaliguan

nito • Linisinangpaligidngkulungan.• Tiyakinnatuyoangpaitlugan.Palitanodagdaganngipao

dayami kung kinakailangan.

P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

28 29

• Ihiwalayangmaymgasakitatpilaynaitik.Angmgapataynaman ay sunugin o ibaon sa lupa.

• Isulatsatalaanangmgadatustuladngdamingitlog,daming pinakain, mga basag na itlog, gamut na binigay at namatay

• Maselan ang mga itik lalo na kung sila ay nasa stage ngpangingitlog kung kaya iwasan ang kahit anong uri ng stress o hindi kaaya-ayang gawain sa kanila.

• Tiyakingnaibibigay ang lahatngpangangailanganngmgaito upang mangitlog ng maayos.

5. Talaan ng datus sa pag-itlog Pinagmulan/kulungan: _____________ Petsa ng mapisa: _____________ Petsa ng unang pag-itlog : _____________ Bilang ng itik: Babae: _______

Lalake: _______ Buwan: _____________

PetsaBilang ng

itikBilang ng

itlogDami ng pakain,

kiloBilang ng

Namatay/nabentaMga Puna

12 345

to 31

V. PANGANGASIWA SA KALUSUGAN NG ITIK

Pag-iwas sa mga Sakit:

Bumili lamang ng malusog na seho o dumalagang itik. Ang seho na malusog ay aktibo o maliksi, at tuyo ang balahibo. Ang dumalagang itik na maganda ang napagalaan ay malalakas na halos pantay ang laki at itsura, pareho ang haba at itsura ng balahibo (hindi lugon). At iwasan ang pagsasama ng ibat-ibang edad ng itik sa isang kulungan. Ihiwalay ang mga may sakit at pilay na itik. Bigyan ng masustansiyang pagkain at painom ang mga itik. Panatilihin na malinis ang kamalig o pabahay. At iwasan ang paghahalo ng bagong bili na itik sa dating alaga (sound quarantine/bio-security procedure).

Ang native na itik ay may likas na katangian na may panlaban sa karaniwang sakit kumpara sa dayuhang mga itik, subalit maari ding magkasakit kung hindi maayos ang pag-aalaga tulad ng maruming paligid, pakainan at painuman, hindi sapat ang pagkain at maling pabahay kaya malaki ang maitutulong na mayroong maayos na programa sa kalusugan at pag-iwas sa mga sakit sa ating itikan.

Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay:

Rene C. Santiago, DVM, MSc.Center Chief IV

Bureau of Animal IndustryNational Swine and Poultry Research

and Development CenterBrgy. Lagalag Tiaong, Quezon

(042) [email protected]

This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research