Nobelista: PART II

13
NOBELIST A

Transcript of Nobelista: PART II

NOBELISTA

PILIPINONG NOBELISTA

Amado Hernandez

Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano nakaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang kanilang mga problema.

LIWAYWAY ARCEO

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

AZUCENA GRAJO URANZA

Ang pangyayaring ito ay patungkol sa mga naganap na digmaan sa Manila, na kung saan maraming naganap dito at umiikot lang sa mga pangyayaring naganap buhat ng digmaan.

MAMERTO HILARIO

Nailathala noong 1913, ang Luha ng Babae na ikinatha ni Mamerto Hilario ay umiinog sa mga hangganang mararating ng isang babae alang-alang sa kanyang kauna-uhanan—at kaisa-isang iniibig.

Inilalahad sa nobela na ito ang kwento ni Luisa, isang babaeng nahulog ang loob para kay Victor, isang sugarol at manginginom. Taliwas sa payo ng kanyang mga magulang, nakipagtanan si Luisa kay Victor. Dahil dito, itinakwil siya ng kanyang mag-anak, at siya'y nalugmok din sa sama ng loob dahil sa mga bisyo ng kanyang asawa. At kahit nakilala rin ni Luisa si Impong Juana, na kahit papaano ay nagmistulang ina niya, nananatili pa rin ang tanong: Sa kabila ng lahat ng kahirapan na dinaranas ni Luisa, makakayanan pa rin ba niyang mahalin si Victor?

ESTEBAN JAVELLANA

Noong 1947, dalawang taon matapos siyang magtungo sa Estados Unidos, ay nailimbag ang kai-isang nobela ni Javellana, ang Without Seeing the Dawn. Halaw ang pamagat nito sa isang pangungusap na binigkas ni Elias sa nobelang ''Noli Me Tangere'‘ ni Jose Rizal. Sa Without Seeing the Dawn ay muling pinatunayan ni Javellana ang husay na ipinamalas niya sa pagsusulat ng maiikling kwento. Lubos na makatotohanan ang kanyang paglalarawan sa buhay ng mga Pilipino sa nayon sa bago sumiklab ang digmaan hanggang sa kanilang pagkilos laban sa mga mananakop.

MARS RAVELO

Si Dyesebel ay isang sirena sa nobelang komiks na nilikha ni Mars Ravelo noong dekada '50.

PATRCIO MARIANO

Ang Mga Anak Dalita ay isang patulang nobela na isinulat ni Patricio Mariano at inilathala noong 1911. Isinasalaysay dito ang buhay ng isang babae at ang kanyang mga pinagdaanan sa kawalang hustisya ng isang kapitalistang lipunan.

IÑIGO ED. REGALADO

Ang Madaling Araw ay isang nobelang Tagalog na isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong siya'y 18 taong gulang. Ito ay masalimuot at malawak na nobelang tinatalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang panlipunan at pampulitikang usapin. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas.

ROSAURO ALMARIO

Isang matinding kritisismo ng kolonyalismong Amerikano, ang Mga Anak-Bukid ay umiiral sa buhay ng mga magsasakang sina Tonyo at Juli, at sa kanilang pagkakasintahan na nabahiran nang gahasain si Juli ni George, isang Pilipinong pinag-aral sa Estados Unidos at lumaki sa mga gawing Amerikano. Ang pangyayaring ito ang nag-aangat sa Mga Anak-Bukid mula pagiging kwento ng pag-ibig sa pagiging larawan ng pagtatanggol sa marangal na katutubong pamumuhay sa harap ng pag-usbong ng mga tuta ng kolonyalismong Amerikano.

LAZARO FRANCISCO

Nagsisimula ang Daluyong kung saan nagwawakas ang Maganda pa ang Daigdig. Si Lino Rivera, dating bakero ng isang asendero, ay nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa buhat sa butihing si Padre Echevarria. Modelo si Lino ng taong dahil sa pagsisikap at kabutihang-loob ay nakalaya mula sa pamatok ng sistemang kasamá.

Bukod sa daluyong ng mga pagbabagong maaaring maganap dulot ng repormang agraryo at ng pag-asa ng maginhawang kinabukasan para sa maliliit na mamamayan, tinatalakay rin ng nobela ang daluyong ng mga puwersang sumasalansang sa mga pagbabago't pag-asang ito.

ZOLIO GALANG

Ito ang unang nobelang sinulat ng isang Pilipino sa wikang Ingles (1921).